21
Kataga nag Buhay Hulyo 2012

Kataga ng Buhay, Hulyo 2012

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Kataga nag Buhay

Kataga nag Buhay

Hulyo 2012Hulyo 2012

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa » (Mt 13,12).

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa » (Mt 13,12).

Sinabi ito ni Jesus bilang kasagutan sa kanyang mga disipulo kung bakit siya

nangangaral sa pamamagitan ng talinhaga.

Ipinapaliwanag niya na hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na malaman ang mga misteryo na kaharian ng langit, ngunit

tanging sa mga taong bukas ang kaisipan, sa mga tumatanggap sa kanyang mga salita at

isinasabuhay ito.

Sa katunayan ilan sa mga nakikinig sa kanya ay piniling isara ang kanilang mga paningin at

pandinig .“Sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi

nakakaunawa”.

Ito ang mga taong nakakakita at nakakarinig kay Jesus, ngunit ipinapalagay nila na alam na nila

ang lahat ng katotohanan. Hindi nila pinaniniwalaan ang kanyang mga salita at kilos na nagpapatotoo sa kanyang mga salita. Kaya’t ang kakaunting mayroon sila ay mawawala pa.

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

Ano ang kahulugan ng mga salitang ito

ni Jesus? Inaanyayahan niya tayo na buksan ang ating mga puso sa Kataga na inihatid

niya upang ipahayag sa atin;

sa katunayan sa pagtatapos ng ating

buhay, hihingan niya tayo ng

salaysay kung paano natin ito

isinabuhay.

Ang mga isinulat sa Ebanghelyo ay nagpapakita na ang pagpapahayag ng Katagang ito ay sentro ng lahat ng naisin at

kilos ni Jesus.

Makikita natin na pumupunta siya sa iba’t ibang bayan, sa mga daanan, plaza, sa mga bukirin,

sa mga bahay, sinagoga at nagpapahayag ng mensahe ng kaligtasan. Nagpapahayag siya sa

lahat, laluna sa mga mahihirap, sa mga mapagkumbaba, sa mga isinantabi o

kinalimutan na ng kanilang komunidad.

Inihahambing niya ang kanyang salita sa liwanag, asin, sa lebadura, at sa isang lambat na inihagis sa dagat, sa binhing itinanim sa parang. Ibinibigay niya ang kanyang

buhay upang ang apoy na laman ng kanyang salita ay magningas.

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

Inaasahan ni

Jesus na ang

salitang

kanyang

ipinahayag

sa atin ay

magbabago

sa mundo.

Nais niya na tayo ay huwag manatiling walang pinapanigan, maligamgam o walang pakialam sa harap ng pagpapahayag na ito.

Hindi niya pinapayagan na ang isang dakilang regalong tulad nito, pagkatapos matanggap ay manatiling walang saysay.

At upang bigyang diin ang

kagustuhang ito, muling inihayag ni Jesus ang batas na

siyang pinaka pundasyon ng

lahat ng buhay-ispiritwal: kung isasabuhay natin

ang kanyang Salita, ipakikilala

niya sa atin ng malaliman ang mayaman at

walang katumbas na kasiyahan ng

kanyang kaharian.

Ngunit kung ipagwawalang-bahala natin ang kanyang Salita, kukunin niya ito sa atin

at ipagkakatiwala sa iba na makakapagpabunga nito.

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

Kaya’t binabalaan tayo ng Kataga ng Buhay na ito laban sa paggawa ng matinding

pagkakamali, ang tanggapin ang Ebanghelyo at gawin lamang itong paksa ng pag-aaral, paghanga at pagtatalo ngunit hindi

ang pagsasabuhay nito.

Sa halip, inaasahan tayo ni Jesus na tanggapin ang salita at gawin itong bahagi ng ating

pamumuhay sa praktikal na paraan, gawin itong lakas na nagpapasigla sa lahat ng ating gawain,

upang sa ating pagpapatotoo, ang Kataga ay maging liwanag, asin at lebadura na unti-

unting magpapabago sa lipunan.

Sa buwang ito, tutukan natin ang isa sa maraming Kataga ng Buhay mula sa

Ebanghelyo at isabuhay ito. Mapapagyaman natin ang ating kasiyahan ng mas matinding

kasiyahan.

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

«Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,

kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa» (Mt 13,12).

Isinulat ni : Chiara LubichIsinulat ni : Chiara Lubich