Pinagmulan Ng Araw At Gabi >Alamat Ng Araw At Gabi

  • View
    1.179

  • Download
    9

  • Category

    Design

Preview:

Citation preview

A

“Pinagmulan Ng Araw At Gabi”

*Alamat Ng Araw At Gabi*

Work Of: Ella

Noon unang panahon ay panay na daw liwanag. Walang dilim, sapagkat noon ay magkaisang-palad si Araw at si Buwan, Kaya noon ay walang gabi, panay na araw.

Ang dalawa ay nagkaanak ng maraming marami. Ang kanilang mga anak ay mga tala at bituin at nagsilagay rin sa langit tulad ng kanilang mga magulang. kaya ang daigdig ay lalong nagliwanag.

Ngunit minsan, ang mga bituin sa kalikutan ay nakagalitan ng amang Araw. Si Buwan ay nagkaroon ng sama ng loob, hanggang sa nagkagalit tuloy ang magasawa. Sa wakas, sapagkat hindi magkasundo, sila ay nagkahiwalay.

Ang mga Bituin at tala ay pinapamili kung kanino sasama. pinili nila ang kanilang ina, na hindi nagpaparusa.

Naghiwalay si Araw at si Buwan , at kasama ni Buwan ang mga Tala at Bituin. Kapag araw o umaga ay sumisikat si Araw.

Ngunit kapag nakikita niyang papalapit si Buwan, siya'y umaalis at pinababayaang si Buwan ay siyang

magbigay naman ng liwanag. kaya ngayon ay mayroon tayong araw na maliwanag at gabing madilim.

Kapag ang gabi ay madilim na madilim, marahil ay abalang abala si Buwan sa pagaalaga sa kanyang mga tala at bituing maysakit.

Thank For Reading!(:

Recommended