View
229
Download
6
Category
Preview:
DESCRIPTION
Ang Opisyal na Pahayagan ng UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino (UP Buklod-Isip)
Citation preview
Kamusta dear freshies! Sana 'pag nabasa
niyo 'to e masigla kayo at malayo sa sakit. Iniisip ko
ngayon kung paano niyo kaya lubusang na-e-enjoy
ang unang buwan niyo sa UP. Parang ang dami
kasing nangyayari sa paligid -- may virus na
nagpapahina ng resistansya at may nagbabadyang
ConAss na nagpapahina rin siguro ng pag-asa. Siguro
kahit sa sarili ninyo, parang andami-andami niyo ring
pinagdadaanan-- adjustment, pagharap sa mga
nakakatakot na prof, pagbagtas ng kalsada sa gitna
ng malakas na bagyo... Nakakahilo, nakakawindang,
nakakatakot...
PERO, at ang pinakamalaking pero sa lahat,
sana lagi niyong tandaan na tulad ng maraming
bagay, "this too shall pass." Ok lang matakot,
mangamba, manghina, manghinayang, maasar,
mapagod. Basta lagi niyong tatandaan na bubuti rin
ang kalagayan natin at siyempre niyo, minamahal
naming freshies, kung hindi man ngayon, pero sa
mga darating na buwan. Tandaan na marami kami
dito sa department -- mga taga UP Buklod-Isip at iba
pang Psych orgs, mga faculty, at staff. Lahat kami
pwede niyong lapitan kahit kailan para mabawasan
ang anumang pangamba na mayroon kayo. Huwag
kayong mahihiya sa 'min ha. Dahil pangako namin,
hindi namin kayo hihiluhin, wiwindangin, o tatakutin =)
Good luck dear freshies. Mahaba pa ang
taon. Kung mahirap man mag-enjoy ngayon, may 9
na buwan pang parating. Kaya lubus-lubusin niyo na!
Excited na excited kaming lahat na masaksahin
kung anu-ano ang mga surpresang hatid ninyo sa
'min! Hanggang sa muli. Ingat!
Lab lots,
Sir Ton Clemente
FRESHIES! Kami dito sa UP Buklod-Isip ay talaga
namang super happy na nandito kayo sa Psych! Dahil
high kami sa positive affect ay nagbigay pa ng mensahe
para sa inyo sina Sir Ton, Ma’am Yahmin and Wiggy
(don’t worry, magiging ka-close nyo rin sila in the
future). So go freshies! Read na!
1
2
I learned a lot of life lessons in UP aside from the typical classroom
lessons. I learned that you can ask and you shall receive, that sometimes
you have to figure it out yourself (a result of getting snapped at by
grumpy people when you ask), sometimes you have to do things
yourself, and sometimes you have to share the load.
Contrary to what I was taught in high school, the org does not
function because of its president and/or officers alone, it functions due
to the efforts of all the members. It doesn’t matter what year or what
age the member is, his or her contributions, big or small, help the org
manage and move. Buklod-ISIP was one of the major vehicles of my
learning in the university. Because in Buklod we believe in collective
leadership, I learned that you can’t live on your own. It taught me that
despite the individuality the university encourages, you still need a place
where you belong and where you are appreciated. Cheesy as it may
sound, Buklod gave me a sense of purpose when I joined the
organization, as well as friends, and fun times, and lessons about life and
Psychology in general, especially Sikolohiyang Pilipino.
In Buklod I learned that unity runs the show, and that not only
should the members of an organization be united in friendship, but in
principles and academic pursuit as well. One must have something to
live for, and Buklod’s goal to contribute to the country by Sikolohiyang
Pilipino is exactly that for me.
My message is simple. UP is such a big university, with a lot of
students living for different things. I say we have to have at least one
place we call home in the university, at least one source of learning, one
family, one purpose. This is Buklod-ISIP for me.
Welcome freshmen! And as we always say in Buklod, hanapin
ang kabuluhan!
Angelique Margret “Wiggy” Natividad
Mahal naming mga Freshies,
Ikinalulugod ko ang inyong pagdating dito sa Unibersidad ng
Pilipinas. Malamang ang inyong nararamdaman ngayon ay masaya na
may kaunting pangamba sa inyong hinaharap. Sa tulong ng mga mag-
aaral at pati na rin mga propseor ng Sikolohiya na naranasan na ang lahat
na iyan ay siguradong maging maaliwalas ang inyong pag-aaral dito sa
kolehiyo at unibersidad.
Nawa'y maging masaya, mapagpalaya at mapagwagi ang inyong
pamamalagi dito sa Unibersidad ng Pilipinas.
Hiyasmin Carino Mattison
Noong first year, first sem, ang class ko ay mula sa 4th floor AS (Kas 2 8:30-10) to
3rd floor Math (Math 17 10-11:15). First time ko magkaroon ng class na walang
break in between at super magkalayo pa ang building, so hindi ko alam kung
paano magteteleport dun. Isang araw pagkapalabas sa class ko na Kas 2 ay
super humarurot ako pagkababa ng stairs at naghanap ng taxi. Todo akyat
naman ako sa stairs ng Math building. Pagdating ko ng Room 318 diretso
pasok naman ako. Punong puno na ang room, buti na lang may nakita
akong vacant chair sa third row so umupo ako. After 10 minutes tumingin
tingin ako sa mga classmates ko. Mukhang di sila familiar...at all! Kinabahan
ako, at tinignan ko ang time, 9 AM pa lang pa la! AT pagtingin ko sa teacher,
hindi pala siya ang prof ko! Nakakahiya talaga!
Ang first year ang pinakaexciting at challenging na
taon para sa sinumang Iskolar ng Bayan. Maraming
mga nakakatawa, nakakahiya at nakakawindang na
karanasan ang naghihintay sa inyong mga freshies.
Don’t worry, hindi ka nag-iisa! Ang mga miyembro
at alumni ng UP Buklod-Isip (Kids at Bukboks kung
tawagin) ay nagbahagi ng kanilang mga di-
malilimutang karanasan noong sila ay Freshie pa.
Ating silipin ang ilan sa mga ito!
Dahil hindi ako sanay sa Maynila at hindi niya ako
maihahatid, ang ginawa ng ate ko pagdating ko rito
noong magiging freshie na ako ay, nagdrowing.
Nagdrowing siya ng isang kahon at sinabi “Andito tayo”
tapos nagdrowing naman siya ng isang linyang
sobrang haba at sinabing “Ito ang dadaanan ng MRT
na sasakyan mo papuntang Katipunan, dito ka
bababa”. Nagdrowing ulit siya ng isa pang kahon,
“Tapos sumakay ka ng jeep papuntang UP dito.”
Nilagyan niya ng marka ang lugar ng flyover ng
Katipunan kung saan ako sasakay papuntang UP. Sabi
niya, “Bumaba ka sa infirmary, doon ka magpapa-
medical. Pag naligaw ka, text mo ‘ko.” Ang saya noh?
HateMondays, Kid
Patricia, Kid
3
Compiled
by Kash
Engada
Pauwi na ako nun from my last class, Sumakay ako ng jeep na Hi-
way/Pantranco. Alam ko na cut short yung classes nun because of
SONA. Doon ko nakasakay si Frat Man. Sa jeep pa lang tingin na siya ng
tingin sa akin na ewan. Pareho kami bumaba sa Hi-way at same din na
bus yung sinakyan. Hindi ko alam kung sinusundan nya ako nun o
talagang yun ang bus na sinasakyan nya pauwi. Nung umupo na ako,
hinanap nya pa kung saan ako umupo at dun siya sa likod ko umupo
(ang dami-dami namang bakanteng upuan). Ang lame nung pick-up
line, as in. "Miss, you're from UP right? No classes na ba ngayong hapon?"
Kumusta naman yun, di ba? Obvious ba, eh pauwi ka na rin.
Anyway, nakipagkilala siya at dinaldal ako ng dinaldal. After a few days
nakasalubong ko siya sa AS, Pinilit akong samahan papuntang CASAA.
As in binitbit yung mga gamit ko, siya pa yung bumili ng pagkain ko.
Ewan ko ba, siguro kasi freshie pa ako kaya natatakot akong mag say
ng no. Ayun. Nung kumakain na ako dinadaldal nya ako at dun ko
napag alaman na 3rd year BA student pala siya. Tapos frat guy pa.
Hahaha! Text agad ako sa friend ko, "Save me!" ^-^ Pero yung pinaka
creepy talaga nun, yung nasa Kom1 class ako tapos may silip ng silip na
lalake sa labas. Nung lumabas ako, nakita ko na nandun si Beta Man at
inuutusan nya yung lalake na silipin ako sa kwarto. Tapos may
nagsesend ng picture message na i love you sa akin na hindi ko alam
kung saan galing. Hindi ko na matandaan kung paano nya nakuha
yung number ko pero ang huli kong sinabi sa kanya ay, "Pwede ba wag
mo na akong tawagan?" Akala ko nga mabubugbog ako nung mga ka
brod nya.
Noong first year, ang classes ko ay mostly 7
am. Dahil malapit lang ang boarding house
nilalakad ko lang ang mga classes. Lagi
kaming dumadaan ng roommate ko sa
Freshie Walk na nasa gitna ng Lagoon at AS
Parking Lot. Isang umaga, habang
naglalakad, may kotseng lumampas ng
kaunti sa amin at tumigil hindi kalayuan sa
amin. Bumukas ang pintuan sa may
passenger seat . Nung malapit na kami sa
kotse, bigla akong hinila ng friend ko
papunta sa kabilang side ng walk. Yun pala,
nakita ng roommate ko na nilabas nung
taong nasa passenger seat ang kanyang
*toot*. Exhibitionist pala si kuya!
ALAM NYO BA?
Ang mga organizations
sa Psych ay ang Buklod-
isip, PugadSayk, Psyca,
at PsychSoc.
Lea, Bukbok
Bkn, Kid
4
Psych
Facts Ni KAT
SANTI
Isang sophomore student
ng Psychology at
miyembro ng UP Buklod-
Isip na si ALLEN ALLEN ALLEN ALLEN
DOMINIC YUDOMINIC YUDOMINIC YUDOMINIC YU ay
maglalahad ng kanyang
mga naging karanasan
noong siya ay freshie pa,
isang taon na ang
nakalipas.
Panayam ni
Kash Engada
Bakit mo naisipan na mag-aral sa UP?
Si Dominic habang nagpapahayag ng kanyang opinyon sa IgNation: Igniting the Passion of the Youth for our Nation, isang interschool conference ng UP Buklod-Isip na ginanap noong Pebrero 28, 2009.
Ang unang dahilan kung bakit ang U.P. ang napili kong kolehiyong
pasukan ay dahil kilala siya sa buong Pilipinas, hindi lamang bilang isang
radikal at sosyalistang pamantasan, kundi bilang pugad ng mga
pinakamagagaling na mag-aaral at guro sa bansa. Sa U.P., nakasisiguro
akong ang mga mahaharap at makakasama kong mga estudyante ay
nakapasok sa pamantasan hindi dahil sila ay laki sa yaman, kundi dahil sa
kanilang angking talino, at nakapagpapatuloy sa pag-aaral dito sa sipag
nila. Dahil ako’y nanggaling sa isang pribadong mataas na paaralan, isa rin
sa mga naging dahilan ng aking pagpili sa U.P. ay ang pagnanais na
baguhin ang kapaligiran ko, at maranasang mag-aral sa isang paaralang
hindi inaalagaan at iniingatan ang kanyang mga mag-aaral na tila sanggol.
ALAM NYO BA?
Ang pagkakaiba ng BS at BA Psych ay sa electives lang.
Pareho lang ang kukuning mga psych subjects, pero mas
marami lang na science electives sa BS.
5
Ano ang mga adjustments na ginawa mo ng ikaw ay
tumuntong ng kolehiyo?
Marami mga pagbabago na naganap sa buhay ko na kinailangan
kong makasanayan noong pumasok ako sa UP. Unang-una, noong nasa High
School pa lang ako, hatid-sundo ako araw-araw sa paaralan, pero simula
noong pumasok ako sa U.P, kinailangan kong matutong mag-commute—MRT
at dyip, at natutunan ko rin na hindi madaling mag-commute, lalung-lalo na
tuwing umuulan (na sa malas ko ay naging kasabay ng pagbukas ng pasukan).
Maliban rito, noong High School, nakasanayan ko na nakaupo lang nang
buong araw, at sa pagtatapos ay maghihintay ng sundo bago umuwi at mag-
aaral. Sa U.P., tayu-tayo ang mga nagsisilipat ng silid, at higit na nakagugulat
ay maaari kang ma-late nang walang parusa, o kung gugustuhin mo’y hindi na
lang pumasok para sa araw na iyon. Hawak mo na ang iyong sariling oras—
maaaring gumimik kasama ang mga kaibigan, o maghanap ng magandang
babasahin sa silid-aklatan, etc… Halos lahat ay naiiwan sa iyong pagpapasya,
at isa siya sa mga pinakamapagpalayang karamdamang aking naranasan.
Anong mga personal na paniniwala o pananaw tungkol sa
buhay ang nabago nang ikaw ay tumuntong ng kolehiyo?
Ang pinakanabago sa aking mga paniniwala ay ang paniniwalang
mayroong mga istiryutipikong sinusundan ang bawat isa. Siguro noong ako’y
nasa High School pa, dahil medyo protektado kami sa totoong mundo at
buhay, kung anu-anong mga istiryutipiko ang lumago sa paaralan namin. Pero
nang pumasok ako sa U.P., bagama’t batid kong di-pangkaraniwan ang mga
mahahagilap kong tao sa U.P., hindi ko natanto ang buong bigat ng
katotohanang ito hanggang sa makita ko talaga ang samu’t saring uri ng mga
taong nag-aaral sa unibersidad na ito. Mayroon nga akong nakitang mga
nerds, jocks, queens, ditzes, dorks, rockers, atbp., na madaling ikahon, ngunit
mayroon rin akong mga nakitang di kasindaling pangalanan ang uri—mga
relihiyosong deathrockers, mga conyong hindi barok mag-Pilipino, mga
matatandang professor na naglalaro ng DOTA, etc… Sa U.P. ko talagang
natutunan ang katotohanang lahat ng tao’y iba, at subukin man natin ay hindi
lubusang maitatalaga sa isang klasipikasyon o kompartamento.
ALAM NYO BA?
Sabi-sabi na isa raw sa pinakamadaling paraan na
makapasok sa magandang med school tulad ng PGH ang
pagkuha ng BS Psych bilang premed (pero hindi lahat ng
BS Psych ay nag-memed!
6
Itutuloy sa Huling pahina
FOOD TRIP!
Okey mga kapwang mga P.G. (Patay-Gutom), maghanda na para sa isang
kumprehensibo at gastronomically relevant na artikulo na tungkol lamang
sa walang iba kundi ang pagkain sa UP! Kung mahilig kang maglibot-libot at
tumikim-tikim ng kung anu-ano, heto na ang mga masasarap na mga bagay-
bagay na makikita mo sa tabi-tabi.
Magsisimula tayo sa pinakamura para sa mga kuripot, hanggang sa
pinakamahal para sa mga may trip na magwaldas ng pera alang-alang sa
pagkain.
Artikulo ni Kat Santi
Siyempre, unang-una dito ang sikat na isaw ng UP.
Mura na nga, malinis pa! Makikita ito sa empty lot sa
may tabi ng Kalai at sa may Arcade. Meron ding ibang
pagkain tulad ng barbecue. Masarap ang sawsawan at
generous sila sa pagbigay nito!
ISAW
FISHBALL
Siyempre, unang-una ditoang sikat na isaw ng UP. Mura
na nga, malinis pa! Makikita ito sa empty lot sa may tabi
ng Kalai at sa may Arcade. Meron ding ibang pagkain
tulad ng barbecue. Masarap ang sawsawan at
generous sila sa pagbigay nito!
Lutong-Bahay at Lutong Kapitbahay
okey na okey din ang mga pagkain ditto, at sulit ito
kapag gusto mo ng nakakabusog na lunch. Meron din
silang mga shakes at halo-halo na masarap na
pampalamig.
7 ALAM NYO BA?
May library ang Psych sa 3rd floor! Ito ang Aklatang Virgilio Enriquez o
ang AVE. Ipinaubaya ito sa pangangalaga ng PsychSoc at Buklod-isip.
TAPSILOG SA RODIC’S
Matatagpuan ang restaurant na ito sa Shopping
Center. Medyo mahal na ang presyo, pero sulit
naman dahil marami ang serving na ibinibigay.
Manamis-namis ang shredded na tapa at bagay
na bagay ito sa kanin.
Beach House nasa harap ito ng Main Library. Kilala ito sa
masarap nitong barbecue. Pero hindi lang yan
ang meron dito, meron ding ibang masasarap na
ulam at leche flan.
Long Island Ang stall nito ay makikita sa may likod ng Main Library.
Maaari kang bumili ng pasta, pizza, chicken,
empanada at meron ding ice cream. May kamahalan
lang talaga, pero affordable pa naman at sulit na rin
kasi masarap siya at nakakabusog.
TeaHouse Sa College of Home Economics) – may
kalayuan ito, pero worth it ang
paglalakad. May mga kakaibang dishes
na nasa menu nito at siguradong mag-
eenjoy ka sa kakaibang lasa. Merong mga
murang pagkain, at meron ding mahal.
Chocolate Kiss Ito ay matatagpuan sa Bahay ng Alumni.
Medyo high end na ito, pero maraming
choices dito. Masarap at sosyalin ang mga
dishes. Meron ding mga cake para sa mga
may sweet tooth. Afford pa ito ng kuripot,
pero once every two months lang ang
kain.
8
Ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino o UP Buklod-Isip ay isang
pang-akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng Sikolohiya.
Pangunahin sa mga isinusulong ng aming samahan ay ang pagtataguyod at
pagpapalagananap ng Sikolohiyang Pilipino (SP) isang Sikolohiyang
sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino at sa gayo’y tunay ding
tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito. Ito’y isang
sikolohiyang Malaya, mapagpalaya at mapagpabagong-isip.
Dahil naniniwala ang UP Buklod-isip sa mahalagang papal ng
sikolohiya sa pagsusuri at pagbabago ng lipunan, aktibo itong nakikilahok sa
pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunang Pilipino. Itinataguyod nito
ang pagsasakapangyarihan o empowerment bilang pinakamabisang paraan
ng pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.
Hello guys and gals! After
all our shameless plugging,
sa tingin ko by now eh
curious kayo sa ano ba
itong UP BUKLOD ISIP na
ito. Don’t worry, nandito na
ang mga kasagutan.
Tandaan, HANAPIN ANG
KABULUHAN!
ANO ANG UP BUKLOD ISIP?
KASAYSAYAN
Noong Ika-14 ng Agosto taong 1981, nagpulong ang labing-apat na
estudyante ng Sikolohiya sa silid bilang 207A sa Palma Hall upang magtatag
ng isang panibagong organisasyon sa Sikolohiya na may kabuluhan ang
tunguhin.Tinawag ang organisasyon bilang Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino.
Ang unang gurong tagapagpayo ay walang iba kung hindi si Dr.
Virgilio Enriquez na ngayong tinatawag na Ama ng Sikolohiyang Pilipino.
ALAM NYO BA?
Bawal magsaksak ng electrical appliances sa lobby. Pero
pwedeng-pwede ito sa 2nd o 3rd floor. Pramis, walang papansin
sa’yo kahit sa corridor ka pa magsaksak!
9
MGA AKTIBIDAD
Ilan sa mga aktibidad ng Buklod Isip ay ang mga sumusunod:
• 2 SP Workshops
• Exposure trips
• SAYAWITSAN (Sayawan,awitan, balagtasan) isang cultural night
• Taunang symposium
PAANO MAG-APPLY?
Bukas ang application sa lahat ng mga mag-aaral na:
1) Psych majors
2) Mag-aaral ng ibang kurso na may naipasang siyam (9) units ng
sikolohiya
3) Mag-aaral ng ibang kurso na may naipasang anim (6) na unit sa
Sikolohiya, sa kundisyon ang isa rito ay Psych 108 (Sikolohiyang Pilipino)
Ang buong proseso ng aplikasyon ay ang sumusunod: pagsagot ng sigsheet,
pagpunta sa SP workshops at expo trip, attendance sa iba’t ibang gawain
gaya ng GA, pagpasa ng panayam o interbyu at ang pagdalo sa induction.
PAANO NAMIN KAYO MACOCONTACT?
UP Bukluran Sa Sikolohiyang Pilipino
First Floor. East Wing, Palma Hall, University of the Philippines- Diliman,
Quezon City
Email Address: bukids.kami@gmail.com
Online groups: Multiply: http://upbuklodisip.multiply.com
Facebook: Search for BUKLOD ISIP
TAMBUK (tambayan) directions: Pumasok sa Palma Hall mula sa
entrance na malapit sa CASAA. Turn right and walk straight ahead.
Pagkapasok ng mismong building, makikita ang tambuk sa right
malapit sa pintuan
Tungo sa Malaya at Mapagpalayang Sikolohiya, Hanapin ang Kabuluhan
MOTTO
10
ALAM NYO BA?
Forever na yatang may sirang toilet sa 2nd floor
Ladies’ CR. Nag-fflush siya mag-isa. (Hindi ito multo,
pero…)
(ipinagpatuloy mula sa pahina 6)
Ang ipapayo ko sa mga
bagong Freshie ay huwag sana
silang matakot sa unibersidad.
Huwag sana silang matakot na
sumabak at magkamali (dahil
matapos ang ilang buwan ay
magiging katuwa-tuwang kwento na
lamang ang mga karanasang ito),
na masayang ang oras nila
paminsan-minsan dahil ito’y isang
katotohanan ng buhay na hindi
matatakasan. At kapag batid na
nila, at komportable na sila sa tibok
ng unibersidad, huwag naman sana
silang matakot na ibahin ang
pamamaraan ng kanilang pagsabay
sa kilos nito. Huwag rin sana silang
magpakulong sa apat na sulok ng
silid-aralan habang sila’y nag-aaral
sa unibersidad; sa halip, dumungaw
rin sa labas upang mapayaman ang
kanilang mga karanasan. Dapat
nilang maalala na datapwa’t ang
kanilang galing sa mga pang-
akademikong larangan ang
gagabay sa kanilang magiging
buhay at hanapbuhay pagkatapos
ng pag-aaral, ang huhubog sa
kanilang pagkakakilanlan, at ang
pinakamagagandang mga ala-ala,
ay ang mga magaganap sa labas
nito.
Anong mensahe o payo ang nais
mong iparating sa mga freshie
ngayong taon?
UP BUKLOD UP BUKLOD UP BUKLOD UP BUKLOD ----ISIPISIPISIPISIP
ANG DALUYAN 2009-2010
EditorEditorEditorEditor----inininin----ChiefChiefChiefChief
Kashmir Mae Engada
Associate EditorAssociate EditorAssociate EditorAssociate Editor
Kat Santi
Editorial Editorial Editorial Editorial StaffStaffStaffStaff
Dominic Ramirez
RM Zantua
CONTRIBUTORS:CONTRIBUTORS:CONTRIBUTORS:CONTRIBUTORS:
Lea Bondoc, Lea Dizon,
Wiggy Natividad, Ellen
Pestijo, Allen Dominic Yu
ADVISERS:ADVISERS:ADVISERS:ADVISERS:
Recommended