(cover) › wp-content › uploads › 2020 › 04 › ...My.SSS ng empleyado 3. Employee Union Bank...

Preview:

Citation preview

(cover)

1. Ito ay programa ng gobyerno na magbibigay ng ayuda sa 3.4 milyong empleyado ng 1.5 milyong small businesses nationwide na apektado ng quarantine.

2. Ang kabuuang halaga ng ayuda ay 51 billion pesos.

Ano ba ang Small Business Wage Subsidy (SBWS) program?

Halaga ng ayuda: P5,000-8,000 bawat empleyado bawat buwan na ibibigay sa loob ng dalawang buwan

Region Monthly wage subsidy per worker (pesos)

NCR 8,000

CAR 5,500

I 5,500

II 5,500

III 8,000

IV-A 8,000

IV-B 5,000

V 5,000

Region Monthly wage subsidy per worker (pesos)

VI 6,000

VIII 5,000

IX 5,000

X 6,000

XI 6,000

XII 5,000

CARAGA 5,000

BARMM 5,000

Ang mga empleyadong nakatanggap ng ayuda mula sa DOLE CAMP ay maaari ring tumanggap ng ayuda sa SBWS, pero sila ay eligible lamang para sa unang buwan.

Paraan ng pagtanggap ng ayuda:

1. Withdrawal sa ATM sa pamamagitan ng SSS UMID card ng miyembro

2. Withdrawal mula sa bank account na registered sa My.SSS ng empleyado

3. Employee Union Bank Quick Card4. PayMaya account ng empleyado5. Cash-pick-up arrangement sa pamamagitan ng money

remittance transfer companies

Sino ang maaaring mag-apply?

Ang aplikasyon ay gagawin ng small business employers para sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng My.SSS account.

1. Small businesses, o lahat ng hindi kasama sa listahan ng BIR Large

Taxpayers Service (LTS).

2. Small businesses na napilitang magsara pansamantala o magsuspinde

ng trabaho dahil sa quarantine (ECQ) o pinayagang mag-operate ng

skeleton force.

3. Lahat ng apektadong small businesses ay tutulungan, ngunit ang

pangunang makakatanggap ng tulong na ito ay ang mga sumusunod

sa patakaran ng SSS at BIR.

Eligibility criteria para sa mga small businesses

1.

2.

3.

● Nagtatrabaho sa isang eligible small business

● Aktibong empleyado ng nasabing small business hanggang

March 1, 2020 ngunit hindi nakatanggap ng sweldo ng

dalawang linggo o higit pa, dahil sa pansamantalang pagsara

ng negosyo

● Kahit anong contract status (e.g., regular, probationary,

regular seasonal, project-based, fixed-term)

● Sertipikado ng employer na pasok sa criteria na nabanggit

Eligibility criteria para sa mga empleyado

1.

2.

3.

4.

Sino ang hindi eligible para sa SBWS?

● Mga empleyadong nakakapag-work from home o bahagi ng

skeleton force ng kanilang kompanya

● Mga empleyadong naka-leave, nakakatanggap man ng sweldo o

hindi, sa kabuuan ng panahon ng ECQ

● Mga empleyadong nakakatanggap na ng SSS unemployment

benefits dulot ng COVID

● Mga empleyadong may unsettled o in-process SSS final claims

(e.g., funeral, retirement, death, at total disability)

1.

2.

3.

4.

Kundisyon para sa small business at empleyado

1. Hindi maaaring tanggalin sa trabaho ang empleyadong nakatanggap ng wage subsidy.

2. Ang empleyado ay hindi maaaring magresign sa loob ng ECQ period.

Schedule ng SBWS

Application period April 16 to 30, 2020

Distribusyon ng unang tranche May 1 to 15, 2020

Distribusyon ng pangalawang tranche (Maaaring magbago, depende sa schedule ng ECQ)

May 16 to 31, 2020

Para sa mga employer: Proseso ng pag-verify kung

pre-qualified ba ang inyong small business

1. Gamit ang inyong web browser, pumunta sa BIR website (www.bir.gov.ph). Siguraduhin na meron kayong stable internet connection.

2. I-click ang SBWS icon na matatagpuan sa BIR homepage.

Paano malalaman kung kasama ang employer sa pre-qualified list ng SBWS?

STEP 3: I-enter ang 9-digit TIN sa Search field. Siguraduhin na ang TIN ay valid at pagma-may-ari ng employer. Nirerekomenda ng BIR na i-check ng employer ang kanyang Certificate of Registration para siguradong tama ang mailagay na impormasyon. Pagkatapos ilagay ang TIN, i-click ang “Search”.

Paano malalaman kung kasama ang employer sa pre-qualified list ng SBWS?

Kung ikaw ay kwalipikado, maglalabas ng green prompt ang system.

Kapag ikaw ay isang corporation, ang lalabas na detalye ay ang iyong registered name at passcode. Kopyahin ang passcode.

Paano malalaman kung kasama ang employer sa pre-qualified list ng SBWS?

Kung ikaw ay kwalipikado, maglalabas ng green prompt ang system.

Kapag ikaw ay isang sole proprietorship, ang lalabas na detalye ay ang iyong registered name (name of owner), business name, at passcode. Kopyahin ang passcode.

Paano malalaman kung kasama ang employer sa pre-qualified list ng SBWS?

16

Kung ikaw ay hindi kwalipikado

o mali ang TIN na nailagay,

maglalabas ng red prompt ang

system.

Kung may katanungan tungkol sa eligibility criteria, maaaring magpadala ng email sa SBWS_BIRquery@bir.gov.ph na may kasamang impormasyon: TIN, registered name or business name, RDO where registered, at inyong mensahe.

Paano malalaman kung kasama ang employer sa pre-qualified list ng SBWS?

17

STEP 4: Tandaan o isulat ang

‘Passcode’ dahil kailangan ito

sa pag-apply para sa SBWS.

Pagkatapos makuha ang

passcode ay pumunta na sa

www.sss.gov.ph para

maglog-in sa inyong My.SSS

account.

Paano malalaman kung kasama ang employer sa pre-qualified list ng SBWS?

Para sa mga employer: Proseso ng pag-apply para sa SBWS sa

My.SSS portal

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

1. Dapat mag-apply ang mga eligible employers para sa SBWS program sa SSS website gamit ang kanilang My.SSS accounts.

2. Tatanggap ang SSS ng mga applications mula April 16 - 30, 2020.

20

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

STEP 1: Pagkatapos i-check sa BIR SBWS portal kung eligible ba ang inyong small business, pumunta sa SSS website (www.sss.gov.ph) at mag-log in sa inyong My.SSS account upang simulan ang application process.

Siguraduhin na stable ang inyong internet connection.

21

Paano makakapag-apply ang eligible employers gamit ang My.SSS portal?

STEP 2: Pagka-log in sa inyong My.SSS account, i-click ang “Small Business Wage Subsidy” na tab.

22

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

STEP 3: I-copy ang passcode na nakuha mula sa BIR search system at i-paste ito sa My.SSS SBWS portal. Pagkatapos, ay i-type ang Taxpayer Identification Number (TIN) ng employer.

I-click ang “Proceed” button pagkatapos para makapasok sa application portal.

23

STEP 4: Pagkapasok sa system, makikita ninyo ang inyong listahan ng employees.

Dapat piliin ng employer ang mga eligible employees sa pamamagitan ng pag-click ng box sa kaliwa. Paki-click din sa kanan kung ang empleyado ay CAMP beneficiary.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

24

STEP 5: Kung wala ang employee sa listahan ng SSS, ibig sabihin ay hindi siya registered sa My.SSS o kulang ng impormasyon ang kaniyang My.SSS account.

Pagkatapos i-select ang mga eligible employees, kailangan i-type ng employer ang TIN ng bawat isa sa kanila.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

25

STEP 6: Basahin nang mabuti ang Employer’s Undertaking ng SBWS:

✓ Lahat ng impormasyon na nasa application ay totoo, tama, at kumpleto.

✓ Lahat ng employees ay binigyang-alam ng uri ng application at nasabihan ang mga qualified at ipinaliwanag naman ang dahilan ng pag-disqualify doon sa mga hindi.

✓ Lahat ng qualified employees ay alam ang layunin ng pagbahagi ng kanilang personal at/o sensitive personal information sa SSS, DOF, at BIR, at nagbigay ng full consent tungo rito.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

26

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

STEP 7: Tandaang kailangang magsumite ang employer ng Certification Attesting to the Work and Pay Status of Employee sa SBWSCertifications@sss.gov.ph pagkatapos ng application.

I-click ang “Employer Certification Template” para ma-download ang template na gagamitin pagkatapos ng application.

Kung sang-ayon sa Employer’s Undertaking at na-download na ang “Employer Certification Template,” i-click ang “I Agree”

27

STEP 8: Iche-check at iva-validate ng SSS automated system ang mga sumusunod:

✓ Ang employee ay walang pending o natanggap na kahit anong SSS unemployment benefit dahil sa COVID-19

✓ Ang employee ay hindi isang DOLE CAMP beneficiary, at

✓ Ang employee ay walang settled o in-process na SSS final claims (funeral, retirement, death, and total disability).

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

28

STEP 9: Ipapakita ng SSS sa employer ang mga qualified at disqualified employees,at kung ano ang dahilan ng kanilang confirmation o denial.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

29

STEP 10: Makakatanggap ng email notification mula sa SSS ang mga eligible employees na ang kanilang employer ay kinumpirma ang kanilang qualification para sa SBWS Program. Ang employee beneficiaries ay bibigyan ng detalye kung kailan dapat ma-credit ang subsidy sa kanilang mga bank accounts o kung available na ba ito para sa disbursement through remittance agents.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

30

Maaaring i-disburse ng SSS ang wage subsidy sa pamamagitan ng mga sumusunod na payment channels:● SSS UMID card enrolled as

ATM;● PESOnet participating banks;● Union Bank Quick Card;● Electronic wallets such as

PayMaya; or● Cash pick-up through

remittance partner agents.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

31

Ipapaalam ng SSS sa employer ang kanilang mga qualified employees na for confirmation pa dahil kulang ang kanilang credentials, tulad ng:

x Kung ang employee ay hindi rehistrado sa My.SSS,

x Kung ang employee ay walang bank account, o

x Kung ang employee ay walang registered bank account sa kaniyang My.SSS account.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

32

Para sa mga unsuccessful credits dahil sa invalid bank accounts, makakatanggap ng notification mula sa SSS ang mga employees na baguhin ang kanilang bank accounts sa loob ng limang (5) araw sa Bank Enrollment Module ng My.SSS facility. Bibigyan din ng notice ang employer para i-advise ang kanilang employee na i-enroll ang kanilang tamang bank o payment accounts.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

33

Maaari rin ma-disqualify ang employee kung may existing Unemployment Benefit Claim o isang settled/in-process na final benefit claim (e.g., death, funeral, total disability, or retirement).

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

34

Ipapaalam ng SSS sa employer ang mga successfully confirmed employees sa SBWS Module. Bibigyan din ng notice ang qualified employee.

Paano makakapag-apply ang eligible employers para sa SBWS program sa My.SSS portal?

Para sa ibang katanungan tungkol sa My.SSS bisitahin ang fb.com/SSSPh

Maaaring magpadala ng email sa BIR at SBWS_BIRquery@bir.gov.ph.Siguraduhing nakalakip sa email ang mga sumusunod:

● TIN● Registered Name or Business Name● Revenue District Office (RDO) where registered● Your Message

Para sa mga katanungan tungkol sa pre-qualification:

Para sa iba pang katanungan, maaaring i-contact ang SSS sa:

Call Center: 1455Toll Free: 1-800-10-2255777

Email: SBWSQueries@sss.gov.phFacebook: fb.com/SSSPhWebsite: www.sss.gov.ph

Annex slides

Layunin ng SBWS

Bigyan ng ayuda ang mga kwalipikadong empleyado ng small businesses (na karamihan ay middle class) na hindi nakakapagtrabaho at nasuswelduhan dulot ng quarantine.

Tulungan ang mga small businesses na kapos sa pera na mapanatili ang kanilang mga empleyado.

Bahagi ito ng mas malawak na programa para sa small businesses:

1. Small Business Wage Subsidy (SBWS)

2. Guarantee sa mga utang ng small businesses

3. Mas mahabang net operating loss carryover na limang

taon

Para sa mga employers:Proseso ng pag-create ng My.SSS account

42

Pumunta sa SSS website (www.sss.gov.ph) at mag-register ng bagong My.SSS account sa Employer Login.

Siguraduhin na stable ang inyong internet connection.

Paano gumawa ng employer account gamit ang My.SSS portal?

STEP 1:

43

Punan ang impormasyon na hinihingi upang makapag-register online. Maaaring pumili mula sa bank account number, mobile number, UMID card, employer ID number (ito po ang pinakamadali, na puwedeng hingin mula sa employer), o payment reference number.

I-click ang Submit button. Hihingan kayo ng confirmation na ito ay ipapadala sa SSS. I-click ang OK.

Paano gumawa ng employer account gamit ang My.SSS portal?

STEP 2:

44

Makakatanggap ng email notification mula sa SSS.

I-click ang link na nakasaad sa email para pumunta sa sunod na proseso ng registration.

Paano gumawa ng employer account gamit ang My.SSS portal?

STEP 3:

45

Makakatanggap ng email notification mula sa SSS.

I-click ang link na nakasaad sa email para pumunta sa sunod na proseso ng registration.

Paano gumawa ng employer account gamit ang My.SSS portal?

STEP 4:

Para sa mga empleyado:Proseso ng pag-create ng My.SSS account

47

Pumunta sa SSS website (www.sss.gov.ph) at mag-register ng bagong My.SSS account sa Member Login.

Siguraduhin na stable ang inyong internet connection.

Paano gumawa ng employee account gamit ang My.SSS portal?

STEP 1:

48

Pumili ng isang impormasyon na ibinigay sa SSS upang makapag-register online. Maaaring pumili mula sa bank account number, mobile number, UMID card, employer ID number (ito po ang pinakamadali, na puwedeng hingin mula sa employer), o payment reference number.

Paano gumawa ng employee account gamit ang My.SSS portal?

STEP 2:

49

Punan ang registration form ng mga hinihinging personal information. Siguraduhin na tama at kumpleto ang impormasyon na ilalagay. Pindutin ang “Submit” button pagkatapos.

Paano gumawa ng employee account gamit ang My.SSS portal?

STEP 3:

50

Lalabas sa inyong screen ang notification na successful ang pag-register ninyo sa My.SSS account. Makakatanggap din dapat ng email notification na magtuturo kung paano babaguhin ang inyong password.

Paano gumawa ng employee account gamit ang My.SSS portal?

STEP 4:

Para sa mga empleyado:Proseso ng pag-enrol ng Bank Account,

Paymaya o iba pang details para sa distribusyon

52

Paano mag-enroll ng bank account sa My.SSS portal?

STEP 1:

Pumunta sa SSS website (www.sss.gov.ph) at mag-login sa inyong My.SSS account.

53

STEP 2:

I-click ang ‘Bank Enrollment’ sa ilalim ng e-services tab.

Paano mag-enroll ng bank account sa My.SSS portal?

54

STEP 3:

Piliin mula sa listahan ang bangko o mode of payment na nais i-enroll at i-type ang inyong account number nang dalawang beses.

Paano mag-enroll ng bank account sa My.SSS portal?

55

STEP 4:

I-click ang box bilang pagsang-ayon sa Data Collection and Usage Clause. I-click ang Enroll Bank Account. Hihingan kayo ng confirmation na ito ay ipapadala sa SSS. I-click ang OK.

Paano mag-enroll ng bank account sa My.SSS portal?

56

Paano mag-enroll ng bank account sa My.SSS portal?

I-check sa inyong email kung natanggap ang Bank Enrollment Confirmation Notice mula sa SSS.

STEP 5:

Maaaring mag-email sa BIR at SBWS_BIRQuery@bir.gov.ph.Siguraduhing nakalakip sa email ang mga sumusunod:● Name, TIN, address, contact number● To prove active within the last three (3) years, submit proof of filing

and/or payment of tax (e.g., filed but rejected by system)● To prove inclusion among Non-essential and Quasi-Essential sectors,

submit accomplished BIR Form 1905 and proof of actual industry BIR registration, DTI registration, Mayor's Permit or SEC registration (e.g., wrong entry of PSIC by revenue officer, more than one PSIC)

● To prove employer status, submit latest BIR Form 1601C or 1604CF and alphalist

Para sa small businesses na naniniwalang dapat ay kasama sila sa pre-qualified list ngunit hindi lumalabas sa siya ay kwalipikado:

Recommended