View
20
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
FILIPINO 1F1L3-M3
Ang Palalong
Rosas
Sa gitna ng isang hardin, tumubo ang
isang halamang rosas.
Nang Ito’y magsimulang mamulaklak,
maririnig ang paghanga ng marami.
“Wow! Ang ganda-gandang bulaklak,’ sabi
ng babaeng nag-aalaga dito.
Opo, Mama! Iyan ang
pinakamagandang bulaklak dito sa
hardin.’ Ayon naman ng anak na
babae. Narinig ito ng batang-batang
bulaklak, at iginalaw-galaw nito ang
kanyang mga talutot, Natutuwa
siyang marinig ang gayong mga
papuri. Hindi lamang ang tagapag-
alaga ang humanga kay rosas, pati
mga kasamang bulaklak ay
nagandahan sa kanya.
Sabi ni Gumamela, ‘ang tingkad ng
iyong kulay.’
‘Ang bango mo naman.’ Bati ni Santan.
Napansin din ni rosas na palagi
siyang binibisita ng mga paruparo at
bubuyog. Sa pakiwari ni Rosas, siya na
nga ang reyna sa harding iyon. ‘Ang
ganda-ganda ko talaga,’ minsan ay
sabi ni rosas sa katabing kamya.
‘Tingnan mo, lahat sila ay nakatingin sa
akin.’
Pero, hindi lang ikaw ang may magandang
kulay dito sa hardin,’ sabi ni kamya.
‘Ano? Ako yata ang pinakamatingkad na
kulay dito sa hardin,’ nakasimangot na wika
ni rosas.
‘Oo nga, pero hindi kulay ang mahalaga sa
mundo.’
‘Aba, mabango rin ako, hindi ba?’
Pero, wala iyon sa kulay at bango,’ sabi ni
kamya. ‘Lahat tayo dito ay may
magagandang katangiang ibinigay ng
Diyos. Tingnan mo si kaktus, mayroon rin
siyang katangiang maganda.’
‘Ha? Si kaktus? Iyong puro tinik? Ha! Ha!’ at
tumawa ng malakas si rosas.
Huwag kang magsalita nang ganyan,
mayroon ka ring tinik,’ at umiling-iling si
kamya.
‘Basta si kaktus ay walang maipagmamalaki
kundi ang kanyang mag tinik,’ at muling
tumawa si rosas. ‘Ewan ko nga ba kung bakit
hindi natutusok sina bubuyog at paruparo
kapag dumadapo sa kanya.’
Narinig ni kaktus ang pamimintas ni
rosas, pero hindi na ito sumagot. Hindi
niya ito pinansin.
Marami pa ang araw na dumaan,
Araw-araw na lang, laging
pinagtatawanan ni rosas ang matinik
na si kaktus. Sa kanyang palagay, siya
lamang ang pinakamagandang
bulaklak sa buong daigdig.
At dumating ang tag-araw.
Kakaiba ang tag-araw noong
panahong iyon. Nakapapaso ang
init ng araw. Wala ni gapatak ng
ulan mula sa langit. Hindi rin
gaanong nakapagdidilig ang
tagapag-alaga. Kaunti lamang
ang tubig na pumapatak sa mga
gripo. Nagsimulang manilaw at matuyo ang mga dahon.
Pati si rosas nakaramdam na ng matinding
init.
‘Hu! Ang init!’ ang daing ni rosas. ‘Natutuyo
na ang aking mga dahon. Wala nang tubig
na masipsip ang aking mga ugat.’ Ganito rin
ang naramdaman ng iba pang halaman.
Unti-unti, nanilaw ang mga dahon sa
kakulangan ng tubig.
Nagsimulang lumaylay ang mag
sanga. Parang babagsak na sila
sa matinding init. Isa-isang nalagas
ang mga dahon ni rosas.
Nalalanta na rin pati ang kanyang
mga bulaklak. Sa gitna ng hardin,
isang halaman lamang ang
parang hindi dumarating sa init.
Ito ang halamang si kaktus.
At ngayon, pati ang ibon ay lumapit
kay kaktus. Idinilat ni rosas ang
kanyang bumabagsak na mga mata.
Bidang-bida si kaktus. Isang ibon ang
lumapit at tinusok nito ang kaktus ng
kanyang tuka.
‘Ha! Bakit?’ laking taka ni rosas.
Umiinom pala ang ibon. May imbak
na tubig sa kanyang katawan si
kaktus, at hindi niya ito
pinagdadamot sa iba.
Sa pagdaan pa ng mga araw, tuluyan
nang nalagas ang mga dahoon at
talutot ni rosas. Ang natira na lamang
ay ang kanyang tangkay na puno ng
tinik. Si kaktus, hayun sa hardin! Matinik
pa rin, ngunit masaya sa kanyang
pagbibigay ng tulong sa mga ibon at
insektong nangangailangan.
Recommended