View
27
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
1
Pansinin mo ang mga bata sa larawan. Ano ang masasabi mo sa kanilang mga
kasuotan?
Saang bahagi ng mundo sila matatagpuan?
Sa modyul na ito matututuhan mo ang sumusunod :
* iba’t ibang bahagi ng mundo na tumatanggap ng iba’tibang tindi ng sikat
ng araw habang lumiligid sa mundo.
* paghahambing ng mga panahon sa iba’t ibang latitud ayon sa posisyon ng
mundo habang lumiligid sa araw.
ALAMIN MO
GRADE IV
BAKIT IBA-IBA ANG KLIMA AT PANAHON NG MUNDO?
2
Bago mo umpisahan ang modyul na ito, balik-aralin mo muna ang nakaraang aralin.
Sagutin ang mga pagsasanay sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.
A. Iguhit ang tamang posisyon ng mundo sa pag-ikot nito sa paligid sa araw.
B. Ibigay ang tamang salita na hinihingi ng bawat pangungusap sa ibaba.
_____ 1. Pagligid ng mundo sa araw.
_____ 2. Buwan kung saan isinasama ang sobrang araw.
_____ 3. Ito ay nagaganap minsan sa apat na taon.
_____ 4. Umaabot sa _____ na araw ang isang rebolusyon.
_____ 5. Nagaganap sa bilis na _____ km ang pag-ikot ng mundo.
C. Isulat ang Wasto kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at kung
mali ang isinasaad, iwasto ito.
_____ 1. Ang pagligid ng mundo sa araw ay tinatawag na rotasyon
_____ 2. Sa pagbabago ng panahon, kaagad na naaapektuhan ang temperatura.
_____ 3. Ang bahaging di-nasisikatan ng araw ay masasabi nating gabi. Gabi
sa bahaging di nasisikatan ng araw.
_____ 4. Tumataas ang temperatura ng mga bagay kung ito ay di nasisikatan
ng araw.
_____ 5. Nakahilig ng 53½ digri ang mundo habang umiikot sa araw.
PAGBALIK-ARALAN MO
3
Suriin mo ang larawan ng globo.
Suriing mabuti ang globo A at globo B. Ang globo B ay kabilang bahagi ng globo A.
may mga pahalang na guhit na makikita sa globo. Ang mga guhit na ito ay pawang nasa
isip lamang. Ang guhit sa gitna ay ang Ekwador.
Sa hilaga at timog ng ekwador ay may espesyal na guhit latitude. Mula sa ekwador
patungong hilaga, makikita ang Tropiko ng Kanser at Kabilugang Artiko. Mula sa
Ekwador papuntang hilaga, makikita naman ang Tropiko ng Kaprikornyo at Kabilugang
Antartiko.
PAG-ARALAN MO
Globo A
Globo B
4
Ano kaya ang kaugnayan ng mga espesyal na guhit na ito sa pagkakaiba-iba ng klima
sa mundo?
Tingnan mo naman ngayon ito.
Tingnan ang nakalarawan habang bumabasa. Ang mga pagitan ng mga guhit ay
sinusukat sa digri (°).
Mula sa Ekwador pataas sa Tropiko ng Kanser at mula sa Ekwador pababa sa Tropiko
ng Kaprikornyo ay may sukat na 0° hanggang 23½°. Ang bahaging ito ay sakop ng
Mababang Latitud. Tingnan ang larawan ng Globo A at B.
Mula sa Tropiko ng Kanser hanggang Kabilugang Arktiko sa hilaga at mula Tropiko
ng Kaprikornyo hanggang Kabilugang Antarktiko sa Timog ay 23½° hanggang 66½°.
Ang bahagi ito ng mundo ang Gitnang Latitud.
Mula Kabilugang Arktiko hanggang polong Hilaga at mula Kabilugang Antarktiko
hanggang polong Timog ay 66½° hanggang 90°. Ang bahaging ito ay Mataas ng Latitud.
KABILUGANG ARKTIKO
TROPIKO NG KANSER
EKWADOR
TROPIKO NG KAPRIKORNYO
KABILUGANG ANTARKTIKO66 66
66 66
23 23
23 23
0 0
90
90
mataasna
latitud
mataasna
latitud
mababanglatitud
gitnanglatitud
gitnanglatitud
Hilaga
Timog
5
Tingnan natin kung nauunawaan mo ang mga paliwanag na binasa. Kopyahin ang
drowing sa iyong kuwaderno.
Ilagay sa tamang guhit ang sumusunod.
- mababang latitud - Tropiko ng Kanser
- gitnang latitud - Tropiko ng Kaprikornyo
- mataas na latitud - Kabilugang Arktiko
- ekwador - Kabilugang Antarktiko
66 66
66 66
23 23
23 23
0 0
90
90
6
Upang higit mong mauunawaanang aralin, basahin ang sumusunod;
Sa pagligid ng mundo sa araw, may mga lugar sa mundo na tuwirang tumatanggap
ng sikat ng araw. Ang mga lugar na ito ay matatagpuan sa pagitan ng Tropiko ng Kanser
(23 ½° H latitud) at Tropiko ng Kaprikonyo (23 ½° T latitud). Ang bahaging ito ang
tinatawag na mababang latitud. Tinatawag din itong tropiko. Ang mga bansang
nasasakop ng mga espesyal na guhit na ito ay tinatawag na mga bansang tropical. Ang
mga bansang ito ay nakararanas ng dalawang panahon; tag-ulan at tag-araw.
Sa mga lugar naman na matatagpuan sa pagitan ng Tropiko ng Kanser 23 ½° at
Kabilugang Arktiko (66 ½° H latitud) at Tropiko ng Kaprekornyo (23 ½° T latitud) at
Kabilugang Antartiko (66 ½° T latitud), ang sikat ng araw ay pahilis. Ang mga bahging
ito ay ang gitnang latitud. Ang klima sa parteng ito ay temperate o katamtamang init at
lamig. Ang mga bansang nabibilang sa gitnang latitud ay may apat na panahon;
taglamig, tagsibol, tag-araw at taglagas.
Mula naman sa Kabilugang Artiko 66 ½° H latitud hanggang Polong Hilaga 90° H
latitud ay Kabilugang Antartiko 66 ½° T latitud, hanggang Polong Timog (90° T latitud)
ay ang mga Rehiyong Polar o Mataas na latitud. Labis ang lamig dito dahil nababalot ito
ng yelo o niyebe sa loob ng anim na buwan at dahil hindi gaanong nasisikatan ng araw.
Araw
Polong Hilaga
Polong Timog
Kabilugang Arktiko
Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikornyo
Kabilugang Antarktiko
EKWADOR
7
Pag-aralan mo naman ang talahanayang ito.
MGA LATITUD KLIMA KINAROROONAN
MGA
HALIMBAWANG
BANSANG
NASASAKUPAN
Mababang Latitud
Mainit sa buong
taon
Klimang Tropikal
(may panahong
tag-init at tag-
ulan)
Mula 0° hanggang
23½°
Pilipinas, Indonesia,
Colombia
Gitnang Latitud May panahong
tagsibol,
tag-init,
taglagas at
taglamig
(Humigit
kumulang sa
tatlong buwan
ang tagal ng isang
panahon)
Mula 23½°
hanggang 66½°
Canada, Australia,
France, Argentina,
Namibia
Mataas na Latitud Lugar ng mga
polo.
Malamig na
malamig
May bahaging 6
na buwang gabi at
6 na buwang araw
Mula 66½°
hanggang 90½°
Alaska, Greenland,
Iceland
Batay sa talahanayan sagutin mo ang mga tanong.
1. Anong uri ng klima ang nararanasan sa mataas na latitud?
2. Anong mga bansa ang may ganitong klima?
3. Ano ang klimang nararanasan ng Pilipinas? Anong bahagi ng mundo ang
kinaroroonan ng Pilipinas?
8
4. Ilang uri ng panahon ang nararanasan sa mga gitnang latitud? Anu-ano ang mga
ito?
5. Ano-anong bansa ang nasa gitnang latitud?
Ano ang tinatamaan ng sikat ng araw kapag tag-init sa Hilagang hating globo at
taglamig sa Timog hating globo?
Ngayon, subukin mo ang iyong natutuhan. Gawin ang mga pagsasanay sa iyong
kuwadernong sagutan.
A. Lagyan ng angkop na pangalan ang mga patlang ng larawan.
SAGUTIN MO
66
66
23
23
0
5. __________
2. __________
4. __________
3. __________
1. __________
9
B. Punan ang patlang ng wastong sagot ayon sa isinasaad ng pangungusap sa bawat
bilang.
__________ 1. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng 23½° sa hilaga at
timog ng ekwador.
__________ 2. Apat na uri ng klima ang nararanasan ng mga tao sa
bahaging ito ng mundo.
__________ 3. Dalawang uri ng klima ang mararanasan dito kung saan
matatagpuan ang Pilipinas.
__________ 4. Magniyebe sa lugar na ito at nasa 66½° hilaga.
__________ 5. Hindi nagpapakita ang araw sa lugar na ito sa timog sa
loob ng kalahating taon.
__________ 6. Ito ang lugar na may pinakamainit na sikat ng araw.
__________ 7. Ito ay nasa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng
Kaprikornyo.
__________ 8. Ito ang linyang latitud na matatagpuan sa 23½° hilaga
ng ekwador.
__________ 9. Matatagpuan ang linyang latitud na ito sa 66½°
hilagang latitud .
__________ 10. Itinuturing itong espesyal na linyang latitud na nasa 0°
latitud.
C. Isulat ang K kung may katotohanan ang sinasabi at WK kung walang
katotohanan.
__________ 1. Diretsong natatamaan sa sinag ng araw ang mga lugar
na nasa mababang latitud.
__________ 2. Ang kabilugang Artiko ay nasa katimugang bahagi ng
mundo.
__________ 3. Dalawang uri ng panahon ang mga lugar sa pagitan ng
Tropiko ng Kanser at Kabilugang Artiko.
__________ 4. Sa gitnang latitude, mainit na mainit ang tag-init at
malamig na malamig ang taglamig.
__________ 5. Sanhi ng pagkaiba-iba ng panahon ng mga lugar sa
mundo ay ang pagkiling ng mundo sa aksis nito.
10
D. Tukuyin mo kung saang bahagi ng mundo matatagpuan ang mga sumusunod na
bansa. Isulat kung gitna, mataas o mababang latitud. Hanapin sa globo.
1. Canada = _____ 3. Thailand = _____ 5. Alaska = _____
2. Pilipinas = _____ 4. Australia = _____
Ang mga espesyal na latitud na iniuugnay sa klima ay ang mga sumusunod:
- Tropiko ng Kanser - Kabilugang Antartiko
- Tropiko ng Kaprikornyo - Kabilugang Arktiko
Ang gitnang latitud, mataas na latitud at mababang latitud ay bahagi ng mundo na
nakakaapekto sa klima at panahon ng isang lugar.
Ang apat na uri ng klima sa gitnang latitud ay ang taglamig, tag-init, taglagas at
tagsibol.
Tag-init at tag-ulan ang dalawang panahon sa mababang latitud.
Nag-iiba ang uri ng panahon sa mundo dahilan sa pagbabago ng posisyon ng mundo
habang lumiligid ito sa araw. Ang pagkiling nito sa aksis nang 23 ½ ang may kinalaman
dito.
TANDAAN MO
11
Sagutin mo ang katanungan ng may katapatan.
A. Kung ikaw ay bibigyang pagkakataon na makausap ang mga taong naninirahan sa
gitnang latitud o rehiyong temperate, anu-anong mga gawain sa rehiyong tropikal
o mababang latitud tulad ng Pilipinas ang iyong maipagmamalaki? (Gamitin ang
concept mapping).
B. Sagutin mo.
1. Masasabi mo bang mapalad ang Pilipinas sa pagiging isang bansa na matatagpuan
sa mababang latitude ng mundo? Bakit?
2. Kung hindi kaya nakakiling ang aksis ng mundo, ano kaya ang epekto nito?
ISAPUSO MO
Mga
Gawaing
Ipagmamalaki
12
C. Mahalaga bang pag-aralan ang pagbabagu-bago ng klima? Bakit? (Gamitin ang
Discussion Web)
Ngayon sukatin mo ang iyong natutuhan tungkol sa modyul na ito. Maaari mo
nang umpisahan ang pagsagot sa mga pagsasanay sa ibaba. Isulat sa kwadernong
sagutan ang iyong sagot.
A. Pillin ang wastong sagot at titik lamang ang isulat bilang sagot.
_______ 1. Umiikot ang mundo sa sariling _______.
a. latitud c. aksis
b. longhitud d. orbit
_______ 2. Nakahilig ang mundo nang _______ digri.
a. 23½ c. 365¼
b. 66½ d. 24
_______ 3. Ang Pilipinas ay nasa _______ latitud.
a. gitnang c. polong
b. mataas na d. mababang
_______ 4. 364¼ na araw ang pagligid ng mundo sa _______.
a. buwan c. orbit
b. araw d. constellation
PAGTATAYA
Oo
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
Hindi
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
Mahalaga
bang pag-
aralan ang
pagbabagu-
bago ng
klima?
Bakit?
13
_______ 5. _______ ang panahon sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at
Kabilugang Artiko.
a. 2 c. 4
b. 3 d. 5
_______ 6. Ang magkabilang polo ng mundo ay _______.
a. napakalamig c. napakahangin
b. napainit d. mahalumigmig
_______ 7. Ang Tropiko ng Kaprikorniyo ay nasa _______ hatingglobo.
a. Hilagang c. Timog
b. Silangang d. Kanlurang
_______ 8. Karaniwang _______ ang temperatura sa mga lugar na mainit.
a. malamig c. mataas
b. mababa d. malayo
_______ 9. Kung ang bagay ay naiinitan tumataas ang ________ nito.
a. hangin c. temperatura
b. kalangitan d. kalupaan
_______ 10. Kung araw ang bahaging nasisikatan ng araw _______ naman ang
hindi nasisikatan
a. tanghali c. bukang liwayway
b. madaling araw d. gabi
B. Panuto: Isulat ang mataas na latitud, gitnang latitud at mababang latitud upang
matukoy ang kinalalagyan ng mga sumusunod na bansa. Gumamit ka
ng globo o mapa.
1. France = ____________________
2. Hawaii = ____________________
3. Argentina = ____________________
4. Colombia = ____________________
5. Iceland = ____________________
14
C. Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang larawan ng globo at sagutin ang mga
katanungan.
1. Bahaging mas matagal na nasisikatan ng araw. _______________
2. Bahagi ng mundo na kung saan palihis ang sikat ng araw.
__________________
3. Bahaging sinisikatan lang ng araw sa loob ng kalahating taon.
__________________
4. Bahagi ng mundo na may katamtamang init. _________________
5. Pinakamainit na bahagi ng daigdig. __________________
D. Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong na bubuo sa tamang diwa ng
bawat pangungusap.
1. Matatagpuan sa 23½° hilaga ng ekwador ang Tropiko ng (Kanser, Kaprikornyo)
2. Ang kabilugang (artiko, antartiko) an nasa 66½° timog sa gitnang latitud.
3. May (dalawa, apat) na panahon sa lugar ng gitnang latitud.
4. Ang (rehiyong temperate, rehiyong polar) ay hindi tinatamaan ng diretsong sikat
ng araw.
5. Tinatawag ding rehiyong tropikal ang (mataas, mababang) latitud.
E. Tama o Mali: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at
kung hindi ay iwasto. Isulat ng sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Hindi nagbabago ang klima sa iba’tibang lugar sa loob ng isang
taon.
_____ 2. Sa gitnang latitud ay may apat na panahon.
_____ 3. Ang sikat ng araw sa bahaging gitnang latitud ay pahilis.
_____ 4. Sa ekwador matatagpuan ang pinakamainit na lugar.
_____ 5. Sa bahaging Arktiko at Antarktiko hindi nakikita ang araw.
Kung nasagutan mo nang buong husay ang Pagtataya,
binabati kita. Maaari mo nang umpisahan ang
susunod na modyul.
Recommended