Iba_t Ibang Uri Ng Naratib

Preview:

DESCRIPTION

Uri ng Diskurso (NARATIB)

Citation preview

Iba’t Ibang Uri ng Naratib

Krismee Truj i l lo & Aivy Rose Vi l larba

a. Maikli o mahabang Kwento/ Nobela

Binubuo ng makakaugnay- ugnay na pangyayari na maaring maikli, mahaba,

masalimuot.Umiikot ang kwento sa tauhan na

daumaraan sa isang pagsubok na mabibigyan kalutasan sa dakong hulihan

ng naratib.

B. TalambuhayAng Talambuhay ay ang

pagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa isang tao mula sa kapanganakan hanggang sa

kasalukuyang estado ng kanyang buhay o maaring hanggang sa kanyang

kamatayan.

C. Kasaysayan

Ang kasaysayan ay mga kwentong hindi bunga ng

imahinasyon bagkus ito ay mga kwento ng totoong pangyayari, mga pangyayaring siyang humuhubog ng pagkakilanlan ng isang tao, bansa o

ano pa man.

D. Kwento ng paglalakbay

Pagpapahayag ng isang manlalakbay ng kanyang pakikipagsapalaran habang siya ay naglalabkay sa iba’t ibang pook.

Kapupulutan ng mga impormasyon na maaaring gamitin ng iba sa panahong sila naman ay

maglalakbay.

E. Kwento ng pakikipagsapalaran

Binubuo ng mga detalye kaugnay sa pakikipagsapalaran ng isang tauhan sa

anumang bagay na kanyang tinatahak.

Nakakaranas ng samu’t saring pangyayari na nagiging daan ng ating pagbabago at paglago bilang mga tao.

F. BalitaAng balita ay mga pagpapahayag ng mga mahahalagang pangyayari sa

araw-araw na ibinabahagi sa mga tao upang sila ay magkaroon ng impormasyon tungkol sa mga

nagaganap sa kanilang paligid.

G. Alamat, leyenda, epiko at kwentong-bayan

Anyo ng naratib na nabuo sa matandang panahon ng ating

kasaysayan. Sumasalamin sa ating kabihasnan

Alamat• Nagsasalaysay sa pinagmulan ng

mga bagay-bagay o ngalan ng pook

Leyenda• Nagsasalaysay tungkol sa mahahalagang pagyayaring

naganap na nagging daan sa mga mahahalagang pangyayari sa ating

lahi

Epiko• Mahahabang tulang pasalaysay na

nagpapahayag ng kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng isang bayani

Kwentong-bayan(folklore)

• Sumasalamin sa kultura ng iba’t ibang bayang matatagpuan sa ating bansa

• Mga salaysay tungkol sa mga likhang-isip na mga tuhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng mga matandang hari, isang marunong na lalaki, o isang hangal

na babae

• Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan sa isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.

Recommended