Lath Alain

Preview:

Citation preview

LATHALAIN

KATUTURAN

Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumusulat. Hindi ito katha-katha lamang.

KATUTURAN

Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng maramdamin, personal o magpagpatawang pangyayari. Ang pangunahing layunin nito ay upang manlibang kahit na ito’y maaari ring magpabatid o makipagtalo.

KATUTURAN

Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari sa pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang paraang kawili-wili.

KATUTURAN

Isang uri ng sulatin na ang kawilihan ay nasa ibang bagay sa halip na sa mahalagang tala.

Anyo ng Piling Lathalain

1. Maaaring isulat sa anumang porma, anyo o istilo.

2. Maaari ring isulat sa ayos ang baligtad na piramide tulad ng isang balita o sa ayos pasalaysay.

KATANGIAN

1. Walang tiyak na haba, maaaring maikli, mahaba depende sa nilalaman ng gustong itala.

2. Batay sa katotohanan na maaaring may kaugnayan sa balita.

KATANGIAN

1. Walang tiyak na haba, maaaring maikli, mahaba depende sa nilalaman ng gustong itala.

2. Batay sa katotohanan na maaaring may kaugnayan sa balita.

KATANGIAN

3. Maaaring sulatin sa anumang anyo, istilo o pamamaraan ngunit kailangan na ito ay naangkop sa nilalaman ng layunin nito.

4. Ginagamitan ng makabagong pamatnubay (novelty lead) sa halip na kabuurang pamatnubay (summary lead).

KATANGIAN

5. Nasusulat sa himig ng payak na pakikipagkaibigan.

6. Maaaring sulatin sa una, ikalawa o ikatlong panauhan.

7. Pinakamalayang pagsulat sa lahat ng uri ng pampamahayagang akda.

KATANGIAN

8. Maaaring gumamit ng pang-uri, tayutay o idyoma hanggat kinakailangan.

9. Nagsasaad ng mga ulat batay sa masususing pag-aaral, pananaliksik at pakikipanayam.

KATANGIAN

10. Karaniwang nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan (suspended interest structure).

11. May panimula, katawan at wakas.

Mga Layunin ng Lathalain

1. Magpabatid2. Magturo3. Magpayo4. Manlibang

MGA URI NG LATHALAIN

1. Lathalaing Nagpapabatid - nagbibigay ng kapaki-pakinabang na ulat, nadaragdag ng kaalaman o karunungan at may layuning magturo o magpayo.

MGA URI NG LATHALAIN

2. Lathalaing Pabalita – batay sa isang balitang nakapupukaw damdamin.

Pinapalawak ang bahagi ng balita na may pangyayaring di pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha na nakapagbibigay sa mambabasa ng kaalaman, simpatya at kawilihan.

MGA URI NG LATHALAIN

3. Pangkatauhang Lathalaing Dagli – paksa nito ay ang paglalarawan ng mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain, patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang tagumpay o kabiguan.

MGA URI NG LATHALAIN

4.Lathalaing Pangkasaysayan –nahahawig sa lathalaing nagpapabatid subalit ang pinapaksa nito ay isang kasaysayan ng tao, bagay o lunan.

MGA URI NG LATHALAIN

5. Lathalaing Pansariling Karanasan – nauukol sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ng ibang tao ayon sa pagkakasalaysay sa may-akda.

MGA URI NG LATHALAIN

6. Lathalaing Pakikipanayam – ang paksa nito ay ang kuru-kuro at kaisipan ng isang kilalang tao. Ang ulat sa mga kuru-kurong ito ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.

MGA URI NG LATHALAIN

7. Lathalaing Panlibang – dahilan sa ang layunin nito’y magbigay kaaliwan, pinakapipili ang paksa upang magsilbing gamot sa mga taong nalulumbay o pampalipas sa oras ng mga taong nais maglibang.

Mga Mungkahing Panimula

1. Panretorikang Tanong2. Panggulantang na Pahayag3. Pasalaysay na Panimula4. Siniping Sabi5. Kasabihan, Salawikain o

Talinghaga6. Suliraning dapat Pagtalunan sa

Artikulo

Mga Mungkahing Pangwakas

1. Buod ng Artikulo2. Pahayag ng Pinakamahalagang

Bahagi sa Kauna-unahang Pagkakataon

3. Katanungang Nabuo sa Kaisipan ng Mambabasa

4. Mungkahing ukol sa Kahihinatnan

Mga Mungkahing Pangwakas

5. Pag-uulit ng Panimula6. Isang Hula7. Pag-uulit ng mga Salita sa

Pamagat8. Isang Angkop na Sinipi

Mga Payo sa Pagsulat

1. Samahan ng mga anekdota o mga natatnging pangyayari.

2. Gamitin ang mga siniping sabi o ilagay ang mga iyon sa simula.

3. Magbigay ng tiyak at madaling maunawaang mga halimbawa upang higit na maipadama ang diwa ng lathalain.

Mga Payo sa Pagsulat

4. Gumagamit ng usapan (conversation o dialog) at katutubong kulay (local color) upang maipadama ang mga pangyayari sa mambabasa.

5. Gawing maikli ang talata.6. Tapusin sa pamamagitan ng pang-

ugnay na katapusan…

Recommended