Panunuring Pampanitikan ppt

Preview:

DESCRIPTION

ppt

Citation preview

Panunuring

Pampanitikan

Panunuring

Pampanitikan

Sa kasalukuyan, napakaraming magagandang babasahing pampanitikan. Sa mga karanasan at kaisipang ipinahahayag ng may-akda, matalas nating nakukuha o nasasalamin ang ating pinagmulan o kultura.

Ponciano PinedaAng panitikan ay katipunan

ng magaganda, mararangal, masisining, at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi.

Simplicio Bisa

ang panitikan ay salamin ng lahi.

Hon. AzariasAng panitikan ay

pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay - bagay daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.

Paz N. Nicasio at Federico B. Sebastian

Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at masining na paraan, nakasulat man o hindi.

Teresita P. Capili - SayoAng panitikan ay lakas na nag -

naguunay sa damdamin ng mga tao upang makita ang katwiran at katarungan, dahil dito'y masasabing lumilinang ang panitikan sa nasyonalismo ng mga mamamayan.

Lydia Fer GonzalesAng panitikan ay nagpapahayag na

kinapapalooban ng katutuhanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot - kaya ng mangangatha o manunulat.

Jose A. ArronganteAng panitikan at talaan ng buhay

sapagkat dito nilalahad ng tao ang kanyang kaisipan at damdamin: sapagkat dito niya nilalarawan ng tapat, tunay at totoo ang kanyang mga kaugalian, saloobin at paniniwala.

Pamumuna sa akdang pampanitikan

Maikling Kwento

MAIKLING KUWENTO

KAHULUGAN: Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. 

Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.

Isaalang-alang sa panuntunan sa pagsasagawa ng pamumuna Kwento.

1.Ano panauhan, kalagayan, o kaanyuan mayroon ito?

2.Mahalagang papel ba ang ginagampanan ng pangunahing tauhan? Kumakatawan ba siya sa isang tunay na taong may suliraning dapat harapin?

3.Maykatotohanan ba ang mga pangyayari? Anong damdamin mayroon ito?

4.Maayos at malinaw ba ang pagbabalangkas ng mga pangyayari?

5.Mabisa bang napalulutang ang mahalang aral na nais ipahiwatig ng may-akda?

6.Mabisa, malinaw at angkop ba ang mga salita o kilos ng mga tauhan?

Paraan ng Pagbabalangkas ng Maikling KwentoI. Pamagat

II. layunin/panimula Tauhan Tagpuan

III. Mga pangyayari Simula Gitna Wakas

IV. Aral

Paraan ng pamumuna

Recommended