View
231
Download
4
Category
Preview:
Citation preview
Musika
Unang Markahan – Modyul 4:
Makinig at Sumulat
2
MAPEH– IkalawangBaitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan– Modyul4: Makinig at Sumulat Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Rebublika ng Pilipinas ng ______________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Reymond E. Delos Reyes
Editor: Arnold S. Galvez, Ph.D.
Roselyn T. Salum Mark G. Asuncion Cherry Lou O. Calison
Marie Ann C. Ligsay,Ph.D.
Tagasuri: Charina S. Sogue
Engelbert B. Agunday, Ed.D.
Tagaguhit: Jiffy F. Claro
Tagalapat: Reymond E. Delos Reyes
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, Ph.D.
Ma. Editha R. Caparas, Ph.D.
Nestor Nuesca, Ph.D.
Jayne M. Garcia, Ed.D.
Beverly T. Mangulabnan, Ph.D.
Eleanor A. Manibog, Ph.D.
2
Musika Unang Markahan – Modyul 4:
Makinig at Sumulat
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Musika 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Makinig
at Sumulat!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka bilang gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Musika 2 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Makinig at Sumulat!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksiyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang situwasyon.
iv
Suriin
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga
katanungan o patlang na pupunan
ang pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na situwasyon
o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.
v
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
vi
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
makasusulat ng stick notation mula sa tunog na
napakinggan. (MU2RH-If-g-7)
2
Subukin
Panuto: Makinig sa awit na “May Tatlong Bibe” mula
sa CD, radyo at iba pang gamit sa media. Damhin ang
daloy ng awit. Sabayan ang awit at malaya kang gawin
ang kilos ng katawan na naaayon dito.
May Tatlong Bibe
May tat-long bi -be a -kong na-ki - ta Mat-ta-ba ma-pa-yat, mga__ bi - be. Ngu-
nit ang may pak-pak sa li - lod ay i - i - sa sya ang li -der na nag-sa-bi ng kwak-kwak.
kwak kwak kwak kwak kwak kwak sya ang li -der na nag-sa-bi ng kwak-kwak.
3
Aralin
1 Makinig at Sumulat
Pagkatapos ng araling ito, matututuhan mo ang
kaugnayan ng ating kilos sa tunog na naririnig.
Balikan
1. Natatandaan mo pa ba ang mga natutuhan mo sa
nakaraang aralin?
2. Pakinggan at awitin muli ang “May Tatlong Bibe.”
3. Anong galaw ng katawan ang nababagay rito?
Mga Tala para sa Guro Ang mga batang Pilipino ay likas na
masayahin. Sa simpleng tugtog o awit ay
sumasabay na sa pag-indak ang katawan.
4
Tuklasin
Pakinggan ang paligid mo. Ano-anong tunog ang
maririnig mo sa kapaligiran?
Magbigay ka ng mga tunog na malalakas.
Magbigay ka rin ng mga tunog na mahihina.
Ano ang iyong nadarama habang pinakikinggan mo
ang mga ito?
Lubos ka bang nasisiyahan habang pinakikinggan
mo ang mga ito?
Anong kilos o galaw ng katawan ang nababagay
rito?
Pakinggan at awitin ang “May Tatlong Bibe” at
sabayan ng palakpak ng kamay at padyak ng paa.
5
Suriin
Ipalakpak at ipadyak muli ang ritmo ng awiting “May
Tatlong Bibe”.
Maipapakita mo sa pagsusulat ng stick notation ang
ritmo ng awit ayon sa iyong napakinggan.
Pagyamanin
Gawain 1
1. Awiting muli ang “May Tatlong Bibe” .
2. Isulat sainyongpapel ang stick notation ng awit.
3. Ilang linya mayroon tayo sa bawat measure?
6
Gawain 2:
Maglaro tayo. Kumuha ng dalawang kasama,
hawakan ang beywang ng nasa iyong harapan at
igalaw ang katawan habang inaawit ang “May Tatlong
Bibe”.
Isaisip
Ano ang mga natutuhan mo sa modyul na ito?
Isagawa
Tandaan:
Upang maisagawa ang pagsusulat ng stick
notation, kinakailangan ang lubos na pakikinig.
Panuto: Ipalakpak ang beat. Ito ay may
repeat mark kaya uulitin ito ng isa pang beses.
7
Tayahin
Panuto: Upang maipakita kung gaano mo
naunawaan ang aralin, markahan ng 1-3 ang tapat ng
bilang kung gaano mo ito kahusay na naisagawa.
3 - Buong husay
2 - Mahusay
1- Hindi gaanong mahusay
Gawain 3 2 1
1. Nakasusulat ng stick notation sa
pamamagitan ng awit na
napakinggan.
2. Nakagagalaw ng tama sa kumpas
sa mga awit na 4 meter.
3. Natutukoy ang kumpas ng awit
4. Nakaawit ng angkop sa kumpas.
5. Nasisiyahan sa pagsulat ng stick
notation ng isangawit.
Karagdagang Gawain
Panuto: Sanayin ang sarili sa pagsulat ng stick
notation sa pamamagitan ng pakikinig sa iba’t-ibang
awiting mula sa CD, radyo at iba pa.
8
Aralin
2 Sabayan sa Indak at Galaw
Sa araling ito ay maipamamalas ang kahalagahan
ng musika sa pang araw-araw na pamumuhay sa
pamamagitan ng angkop na kilos kaugnay ng mga awit
na narinig.
Balikan
1. Pakinggan at awitin ang “May Tatlong Bibe”.
2. Ipalakpak at ipadyak muli ang ritmo ng awitin.
Tuklasin
Makinig ka ng tugtugin mulasa CD o radyo ng
awiting “Ako Ay May Lobo” at sikaping sabayan ng
pagpalakpak ng kamay at padyak ng paa.
9
Maaari mo rin sabayan ng pag-awit habang
ginagawa ang mga ito.
10
Ako Ay May Lobo
Suriin
Ipalakpak at ipadyak muli ang ritmo ng awiting “Ako
ay may Lobo”.
Maipapakita mo sa pagsusulat ng stick notation ang
ritmo ng awit ayon sa iyong napakinggan.
Ako ay May Lobo
A-ko ay may lo - bo. Lu-mi-pad sa la- ngit Di ko na na - ki -
ta pu-mu-tok na pa - la. Sa-yang lang pe- ra ko, pi-nang-bi- li ng lo-
bo. Sa pag - ka - in sa - na’y na - bu -sog pa a - ko.
11
Pagyamanin
Gawain 1:
1. Awiting muli ang “Ako ay may Lobo.”
2. Isulat sa inyong papel ang stick notation ng awit.
3. Ilang linya mayroon tayo sa bawat measure?
Gawain 2:
Matapos na lagyan ng stick notation ay gagawin
ang palakpak ng kamay at padyak ng paa sa awiting
“Ako ay may Lobo” ayon sa ritmo.
12
Isaisip
Ano ang mga natutuhan mo sa modyul na ito?
Isagawa
Panuto: Ipalakpak ang beat. Ito ay may repeat mark
kaya uulitin ito ng isa pang beses.
Tandaan:
Binibilang natin ang mga guhit sa measure na
kumakatawan sa kumpas upang matukoy ang time
meter ng isang awit.
13
Tayahin
Panuto: Upang maipakita kung gaano mo
naunawaan ang aralin, markahan ng 1-3 ang tapat ng
bilang kung gaano mo ito kahusay na naisagawa.
3- Buonghusay
2- Mahusay
1- Hindi gaanong mahusay
Gawain 3 2 1
1. Nakasusulat ng stick notation sa
pamamagitan ng awit na
napakinggan.
2. Nakagagalaw ng angkop sa
kumpas sa mga awit na 3 meter.
3. Natutukoy ang kumpas ng awit
4. Nakaawit ng angkop sa kumpas.
5. Nasisiyahan sa pagsulat ng stick
notation ng isang awit.
Karagdagang Gawain
Panuto: Sanayin ang sarili sa pagsulat ng stick
notation sa pamamagitan ng pakikinig sa iba’t-ibang
awiting mula sa CD, radyo at iba pa.
14
Susi saPagwawasto
15
Sanggunian
Finale Music Notation Software (version 26). Arranger.
MakeMusic, 2018
Gabay Pangkurikulum ng Musika sa Baitang 2. Inilimbag sa
Rebublika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon,
2020
Rodriguez, Darwin. Patnubay ng Guro: Music, Arts, Physical Education and Health-Ikalawang Baitang. Unang
Edisyon.Inilimbag sa Rebublika ng Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon, 2013
Rodriguez, Darwin. Kagamitan ng Mag-aaral,: Music, Arts, Physical Education and Health-Ikalawang Baitang. Unang Edisyon.Inilimbag sa Rebublika ng Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon, 2013
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Recommended