View
884
Download
19
Category
Preview:
Citation preview
Editha T.HonradezPasolo Elemantary School
Pasolo Valenzuela City
Edukasyon sa PagpapakataoYunit IV-Aralin 3
Pamilya Tungo sa IsangMapayapang Komunidad
Pamilya tungo saIsang Mapayapang
Komunidad
Unang Araw
Hangad ng bawat isa sa atin ang mabuhay
nang matiwasay at payapa sa isang pamilya.
Upang itoy matamo, bawat kasapi ng pamilya
ay inaasahang gumawa ng kabutihan,
magmahal, magpakita ng pagmamalasakit,
paggalang, at higit sa lahat maipamalas ang ang
kapayapaang panloob para makamtan ang
magandang kinabukasan
Narito ang sama- samang pamilyang
binubuo ng mga muslim, Iglesia ni Kristo,
Kritiyano, at Born – Again sa Barangay
Mindoro. Magkakaiba man ang
binibilangang relehiyon ng mga myembro ng
komunidad na ito, namamayani naman ang
paggalang at pagpapahalaga sa isat-isa
Ekumenikal-
pinagsama-samang
tao mula sa ibat-
ibang uri ng
simbahan o
pinaniniwalaan).
Pinagsama- samang Panalangin ng Isang
Komunidad
Salamat po sa lahat ng biyayang handog. Salamat po
sa pagkakataong ipinagdiriwang namain ang buhay ng
mga myembro ng pamilyang bumubuo sa sa Barangay
Mindoro. Ipinagmamalaki namin ang komunidad na ito
dahil ipinagbubuklod ang mga kasapi ng paggalang at
pagpapahalaga.
Ipinagbubunyi namin ang pagmamahal na
namamayani sa bawat isa sa amin. May
maaliwalas na puso. May mga maliwanag na
tahanan na nagbibigay tanglaw sa aming buhay.
Ipinagpapasalamat namin ang buhay ,
pagmamahal, pananalig, pag-asa, kapayapaan sa
gitna ng pagdududa, kalituhan, di
pagkkaunawaan, at kaguluhan.
Hinihiling ng bawat pamilya na
makaangkop ang mga kasapi sa mga hamon ng
buhay. Nananalangin din kami sa
pagkakaroon ng ganap na kapayapaan. Sa
pamamagitan ng iyong walang hangang
pagmamahal sa amin, nawa’y patuloy naming
maibahagi ang pagmamahal na ito sa aming
pamilya sa aming komunidad.
Sagutin ang mga tanong:
1.Sino ang pinasasalamatan sa panalangin?
2. Bakit ipinagmamalaki ng mga nagdarasal ang kanilang
komunidad?
3. Ano-anong kahilingan ang binanggit sa panalangin?
Bakit?
4. Masasabi mo bang may kapayapaan ang mga nagdarasal?
Magbigay ng patunay .
5. Paano kaya makakamtan ang buhay-kapayapaan na
hinihiling ng mga nagdarasal?
Pangkatang Gawain:
Bawat pangkat ay bubuo ng
isang panalangin tungkol sa:
I.Kapayapaan
II.Pagpapahalaga sa Buhay
III.Pag-ibig at pagkakasundo
Indibidwal na Gawain:
Ipaliwanag ang kahalagahan ng isang masaya at
mapayapang pamilya
Mahalaga ba ang bawat isa? Ipaliwanag.
Pagtataya: Panuto:Piliin sa mga larawan ang nagpapakita na ikaway mahalagang bahagi sa iyong pamilya o komunidad.
Pamilya tungo saIsang Mapayapang
Komunidad
Ikalawang Araw
Alin ang nagpapakita ng
kapayapaang panloob?
Ano ang ipinakikita ng mga
larawan?
Indibidual naGawain:Isagawa Natin :
Mangarap ka. Gumuhit ng isang
larawang nagpapakitang maayos, masaya, mapayapa, at nagkakasundongpamilya sa komunidad. Iguhit ito sa bond paper.
Sagutin ang sumusunod:
Ano ang iyongnaramdaman habang
iginuguhit mo ang iyongpinapangarap na pamilya
sa isang komunidad?
Paglalapat:
Pinapangarap mo ba angmasaya at ganitong pamilya?
Bakit?
Tandaan Natin:Ang iba’t ibang katangiang hinahanap
natin sa isang huwarang komunidad ay maaaring nakikita sa ating pamilyangkinabibilangan. Ang pagmamahal ay isang mabisang paraan upang ang mgapamilya sa komunidad ay magkaroon ng kapayapaan.
Pagtataya:Panuto: Lagyan ng tsek ang mga tamang gawi sapagkakaroon ng isang pamilya sa inyongkomunidad.______1.Panatilihin ang pagmamahalan sapamilya.______2.Iwasan ang isat –isa.______3.Humiwalay sa pamilya.______4.Magulong komunidad.______5.Pamilyang may malasakit sa isat-isa.
Ipaliwanag anglarawan.
Tama ba ng gingawa ng ama sapagdidisiplina sa anakbilang kasapi ng mag-anak na nasakomunidad?
Pamilya tungo saIsang Mapayapang
Komunidad
Ikatlong Araw
Nakasulat sa loob ng materyales sapaggawa ng bahay ang iba’t-ibangpagpapahalaga. Bumuo ng isang bahaytulad ng nasa halimbawa gamit angmga pagpapahalagang ito. Saangbahagi ng bahay mo ilalagay ang mgaito? Ipaliwanag kung bakit dito moinilagay. Isulat ang sagot sa ibaba ngiyong iginuhit.
paggalang
pagtitimpi Pag-unawa
pagmamahal
pagsasakripisyo
pagtutulungan pagkakaisa
Pananaligsa Diyos
materyales
pagmamahalInilagay ko sa bandang ibaba dahil ito ang
magsisilbing pundasyon upang magkaroon ng payapang komunidad
Tama ba na manatili ang galit sa puso ng isangtao? ng isang pamilya? Bakit?
Paano siya/sila magkakaroon ng kapayapaangpanloob?
A. Sagutin ang mga tanong:1. Ano ang mensahe ng awitin?Mahalaga nba ang pagkakaisa at pagmamahalan? Bakit?2. Nagustuhan mo ba ito? Bakit?3. Ano ang naramdaman mo habang kinakantaito?4. Paano mo ipamamalas na ikaw ay isangmahalagang bahagi
ng komunidad na iyong kinabibilangan?
Paano natin
matatamo angKapayapaan?
Ang pag-iwas sa gulo, alitan,pagtatalo, di pagkakaunawaan aymga paraan para matamo angkapayapaan. Kapag nalagay tayosa isang sitwasyon na maaaringmagdulot ng kaguluhan, masmainam na mag-isip nang taimtimat taos-puso.
Panuto: Gumuhit ng isang
larawan ng pamilyangpinapangarap mo sa
iyong komunidad.
Pamilya tungo saIsang Mapayapang
Komunidad
Ikaapat na Araw
Saan patutungo ang taong ito? May marahas na hangarin sa kanyang kapwa.
Kayo ba ay nagnanais na
makarating sa kaharian ng
Maykapal? Bakit?
Ano kaya ang ating gagawinupang magkaroon ng mapayapangkalooban sa komunidad?
Sagutin ang mga tanong.
1.Saan ka patutungo? Bakit?
2.Paano ka makakarating sa daang nais
mong tahakin?
3.Paano mo magagamit angmapayapang kalooban na natutuhanmo sa iyong komunidad upangmakarating ka sa iyong patutunguhan?
Aling daan ang nais mongtahakin:
DAAN NG KASAMAAN o DAAN NG KABUTIHAN?
Bakit?
Ipaliwanag
Ang mga larawan bang ito ay daanpatungo sa kabutihan? Bakit? Bakithindi?
Tandaan:Panatilihin ang kapayapaan. Ang
kapayapaan y mananatili kung bawatisa sa atin ay may pusong mapayapa.Pinakamabisang paraan upangmakamtan ito ay ang pagsisimula ngkapayapaang pansarili.
Pagtataya:Panuto: Pagpapakita ng
bawat pangkat ng isang iskittungkol sa pagtahak sa daan ng kabutihan upang magingmabuting kasapi ng komunidad.
Pamilya tungo saIsang Mapayapang
Komunidad
Ikalimang Araw
Mabuti ba siyang kasapi ng isangkomunidad? Bakit?
Alin ang pamilyang pinapangarap mo?
Pangkatang GawainGumawa ng isang panalangin tungkolsa pamilyang pinapangarap mo para sakomunidad mo.
Ang Isang Pamilya na akingPinapangarap
Pagtataya:Panuto:
Mag-isip ng isang simbolo para samapayapang pamilya.
Iguhit at kulayan ang simbolong ito.Sumulat ng isang pagninilay o repleksiyon sa iyong pinapangarap namga pamilya at pamayanan
Ang Pinapangarap Kong Pamilya at Pamayanan
RUBRICS 4 3 2 1 RATINGS
Pagka
malikhain
Naiiba ang gawa
at katangi tangi
ang ganda
Naiiba ang gawa
ngunit may ilang
ginaya sa iba.
Karamihan sa
gawa ay ginaya o
tinulad sa iba.
Lahat halos ng
gawa ay ginaya
sa iba
4
Kaakit-akit
Ang gawa ay
kaakit- akit at may
akmang kulay.
Ang gawa ay
kaakit akit ngunit
may ilang parte na
walang dating.
Halos lahat ng
gawa ay hindi
kaakit- akit at
walang kulay
3
Paggamit ng
oras
Natapos anggawain sanakatakdang oras
2
Pakikiisa at
disiplina
Lahat ng kasapi ay
nakikiisa at
nagawa ng
tahimik
Karamihan ay
maingay at hindi
nakikiiasa
2
RUBRICS FOR DRAWING OR ART WORK
Recommended