Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan, Pamahalaan, Edukasyon at Register ng Wikang Ginagamit sa...

  • View
    19.920

  • Download
    489

  • Category

    Education

Preview:

Citation preview

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan, Pamahalaan,

Edukasyon at Register ng Wikang Ginagamit sa Iba’t ibang Sitwasyon

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan

-Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies.

- Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanya na nakabase sa Pilipinas ngunit ang mga sineserbisyuhan ay mga dayuhang customer.

-Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata atbp. Ay gumagamit ng wikang Ingles.

- Ang website ng mga malalaking mangangalakal ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o magazine nalalathala.

- Gayumpanin, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga palengke at maging sa direct selling.

-Filipino din ang wikang kadalasang ginagamit sa mga komersiyal o patalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto o tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal.

-Mas maraming mamimili kasi ang naaabot ng mga impormasyong ito kung wikang nauunawaan ng nakararami ang gagamitin.

Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan

- Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya.

- Ang dating Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay ng malaking suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya sa wikang ito sa mga mahahalagang panayam at talumpating ibinibigay tulad ng SONA o State of the Nation Address na ipinarating niya sa buong panahon ng kanyang panunungkulan.

-Makabubuti ito upang maunawaan ng mga karaniwang mamamayan ang kanyang mga sinasabi at nais iparating sa bayan.

- Ito ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na pinapahalagahan niya ang wikang Filipino.

- Maging sa mga opisyal na pandinig sa pamahalaan ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit hindi maiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino.

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon

-Ang wikang ginagamit ay itinadhana ng K to 12 Basic Curriculum.- Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignatura na pangwika.

- Sa mataas na antas nananatiling bilinguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles at Filipino bilang wikang panturo.

- Ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatulong ng malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit na maunawaan at mapahalagahan ang kanilang paksang pinag-aaralan.

Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba’t

Ibang Sitwasyon.

- Isa sa mga barayti ng wika ay ang tinatawag na sosyolek, ito ay ang paggamit ng jargon o mga terminong kaugnay sa mga trabaho o ibat ibang hanapbuhay o larangan.

- Kapag narinig ang terminong ito ay matutukoy o masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang ginagamitan ng mga ito.

-Ang mga abogado o taong nagtratrabaho sa korte ay maipapakilala ng mga sumusunod na jargon.exhibit, appeal, complainant, suspect, court, justice atbp.-Ang mga guro o konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng ss:lesson plan, test, assessment, curriculum, textbook, grade, performance task-Ang mga doktor , nars o may kinalaman sa medisina:- symptom, xray, checkup, diagnosis, therapy

Recommended