View
8.054
Download
9
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
Kabanata 1
PANIMULA O INTRODUKSYON
1.1. PAGPAPAKILALA SA PAKSA NG PAG-AARAL
\
Isa itong pagsubok na matatawag sapagkat nailalabas ng mga Pilipino ang
kanilang kakayahan na maghanap ng iba pang alternatibong solusyon upang
maitawid ang buhay sa kahirapan at matamo ang wagas na kaginhawaan. Tulad
na lamang ng industriya ng “Junk Shop” kung saan ay nagsisilbing pag-asa ng
mga mamumulot ng basura sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga lumang
bote, dyaryo, at bakal pagkatapos ay ipatitimbang. Katumbas ay kaunting halaga
na para sa kanila ay sapat upang mabuhay sa loob ng isang araw.
Hindi lang namumulot ng basura ang nabibiyayaan ng pag-asa ng “Junk
Shop” kung hindi pati na rin ang mga pamilyang may-kaya (Middle Class) bilang
isang praktikal na solusyon sa kahirapan. Sa pag-aaral na ito, tatalakayin ang
sikolohikal na epekto ng “Junk Shop” sa mga naghahanapbuhay dito; ang
pinagmulan ng industriyang ito at ang kanilang kalagayan.
1.2. PAGPAPAKILALA NG MGA PROBLEMA AT SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay aalamin kung ano at mithiin at saloobin ng mga
taong naghahanapbuhay sa “junk shop”. Ito ang mga sumusunod na katanungan
na siyang nakapagtutugon sa pag-aaral:
1. Ano ang inyong estado ng pamumuhay bago maghanapbuhay sa isang
“junk shop”?
2. Paano kayo nagsimulang nagsimulang magtaguyod ng “junk shop”?
3. Ilang taon na kayong namamahalang ganitong uring hanapbuhay?
4. Bakit ito ang napili ninyong hanapbuhay samantalang maraming
negosyo ang maari pang pagkakitaan?
5. Paano ito nakatutulong sa inyong pamilya?
6. Anu-ano ang pangarap ng isang nangangasiwa / nagtatrabaho sa
“junkshop” para kanyang sarili at sa kanyang pamilya?
7. Ang inyong kinikita ay sapat na ba upang tustusan ang
pangangailangan ninyo sa araw-araw?
8. Anu-ano ang mga suliranin sa inyong hanapbuhay?
9. May mga patakaran ba kayong sinusunod?
1.3. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin kung anong buhay na mayroon ang isang
nangangasiwa ng “junk shop” at ang mga naghahapbuhay dito gamit ang maka-
sikolohiyang pananaw; kung anong uri ng pamumuhay ang kanilang pinagdadaanan at
ang epekto nito sa kanilang buhay. Layunin din nito na suriin kung ano ang kaugnayan
nito sa mamumulot ng basura na dumaranas ng kasadlakan sa buhay na siyang
nakakaapekto sa kanilang saloobin at mithiin sa buhay. Isinagawa ito sa pagnanais na
makapag-ambag ng kaalaman sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino.
1.4. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa iba’t- ibang aspeto ay ang sumusunod:
Sa Mag-aaral – Makapagpapalawig ng kaisipan na siyang magsisilbi upang
gabay ng mag-aaral.
Sa Lipunan – Ang tao ay hindi nahihiwalay sa kapaligiran na kanyang
kinabibilangan. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat
ito ang magsisilbin
Sa Disiplina – Ang Sikolohiyang Pilipino ay isang uri ng sikolohiya bungang
karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino. Samakatuwid, ang pag-aaral
na ito ay mahalaga sapagkat makapag-aambag ito ng isang makabagong
konsepto gamit ang maka-Pilipinong metodolohiya.
1.5. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Sa unang tingin, masasabi na ang “junk shop” ay walang katuturan sa
larangan ng sikolohiya dahil ang pinag-uusapan ay tungkol sa hanapbuhay,
kabilang ito sa larangan ng komersyo. Kaya ang pag-aaral na ito ay hindi
pagtutuunan ng pansin ang kanilang hanapbuhay. Bagkus pag-aaral na ito ay
nakatuon lamang sa maka-sikolohiyang pananaw upang tukuyin ang kanilang
mga karanasan, saloobin, at mithiin sa buhay.
Kabanata 2
TEORYANG KINAPAPALOOBAN NG PAG-AARAL AT MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
2.1. KAUGNAY NA LITERATURA
“Setting-Up a Junk Shop Business”
The Junk Shop Business is most relevant today considering that the government
has promoted environmental awareness among its citizens, expressing the need for
proper waste disposal and recycling of materials as a major factor in protecting the
environment.
As such, business of this nature has developed into a small scale industry. At a
glance, one can not immediately see the profitability of this business but in fact that
junk shops continue to exist is proof enough. The proliferation of junk shops in many
localities attests to the stability of this small scale industry.
The introduction of new materials such as plastics and aluminum containers replacing
the old kind have expanded the items now considered in the business unlike before
wherein old newspapers, glass bottles and metals are the main concern. From the
simple and ordinary galvanized iron and brass steel products, copper, aluminum and
plastic user more as an alternative, has taken the limelight.
And so we can say that this enterprise which is actually a simple buy and sell business is
here to stay.
Registration and Permits
In whatever type of business one intends to venture into, legally is a must. The licenses
coming from the concerned government agencies should be acquired prior to operation.
Below is a list of the said agencies.
DTI - Business name registration
BIR - Taxation purposes
Barangay Certification
LGU (City/Municipality) - License to operate
Location/Site of the Business
The project’s location should be within a commercial district and proximate to
residential developments. It should be high accessible to private and public utility
vehicles, trucks included. Prior to signing of the leas contract, the entrepreneur must
check with the local barangay with regards to any restrictions concerning the junk shop
operation.
There are two options that can be considered with regards to how big an area one
should lease.
1. Buying Station - Should one find hard to acquire a space for both purchasing
and warehouse purposes due to inavailability or high rent, one can operate a
buying station with an area of at least 30 sqm. However, a storage area
proximate to the buying station is required. The storage area must be at least
100 sqm., portion of which is covered, the ratio to be determined based on the
market assumptions. In this case, it is necessary to have at least a small pick-up
vehicle for transporting the purchased goods from the buying station to the
storage area.
2. Warehouse Operation - A warehouse set-up with ample open area is
advisable. The gross floor area should be at least 100 sqm., portion of which is
covered, the ratio between the open and covered area to be determined based
on the demand in relation to the volume of recyclable items/materials. In this
case, the acquisition of a delivery vehicle is optional.
Manpower and Equipments
The Junk Shop Business is not manpower intensive but like any other businesses, one
must have a trustworthy and hardworking staff to succeed. A personal touch is advisable
as the foundation of the business’ operation is pretty much cash oriented. If the
entrepreneur can act as the general manager and the cashier at the same time, the
possibility of pilferage can be minimized if not eliminated.
The list below outlines the basic skeletal force for operation.
1 General Manager/Cashier
1 Officer-in-Charge (minimum wage)
1 Driver/Helper (can act as Checker) (minimum wage)
2 Helper (can act as Checker) (allowance+free board)
Basic office equipment and furniture consisting of 2 sets of tables and chairs, calculator,
adding machine and other office supplies as required.
The list below outlines the necessary operating equipments to start up the business. It is
not necessary that these are brand new as long as it is functional and accurate. All
weighing scales should be inspected and calibrated by the DTI of the City/Municipality
Government.
1 Weighing Scale (Bascula)
1 50kg countertop/hanging weighing scale
2 Metal push-cart (cartilla)
1 Acethyline Torch and Gas Tank
1 Pulley
Tools (steel saw, pliers, vice grips, screw drivers, hammer, “baretta de cabra”,
etc.)
Systematic Operation of the Business
The Junk Shop Business may not be that pleasing to the eye but always remember that
there’s a local saying that says “May pera sa basura! (There is money in junk!)”. One
would look at the Junk Shop’s operation and say that it is quite easy and simple to
operate one, but any business without an operation system would surely lead to
bankruptcy.
Junkshop is considered by many as a dirty business, I mean it literally, but this is a
lucrative business that generates a lot of money both for garbage collectors and
junkshop owners.
Things you might need:
1. Weighing scale is the most important equipment since you are buying all the
scrap materials per kilo, except for glass bottles which is paid by piece.
2. Kariton - maybe you can start with at least 3 then hire some tambay at your
neighboor to collect and buy the scrap from house to house.
3. An open space - to dump all your scrap materials.
4. List of recycling centers that will collect your scraps. Transactions will usually
take weekly or monthly, depending on the amount of scraps that you collected.
5. Delivery truck - if you plan to collect scraps from neighbooring provinces.
Trading Process
Buying
It is also important that the entrepreneur prior to start of regular operations search
for potential wholesales that has by-products in their businesses that would fall
under the categories that the entrepreneur would be buying. It is by principle that it
is best to be a step ahead of the competition, in this case, beat the competition to
the products that we’re buying by gong directly to those who are selling.
Another approach is to tap scavengers by providing them with wooden pushcarts
(kariton) n the condition that you get a first crack on their products and if possible at
a lower cost to at least cover for the cost of the cart. Some junk shops even allow
advances up to a certain amount to maintain the in-flow of materials. Although not
all junk shops practice the latter, the limit on advance in this informal credit system
is up to the prerogative of the junk shop operator. Some junk shops go as high as
P500.00 on an agreement simply based on trust.
2.2. KAUGNAY NA PAG-AARAL
*PAGDALAW AT PAKIKIPAGPALAGAYANG LOOB SA MAMUMULOT NG BASURA
Departamento ng SikolohiyaUnibersidad ng Ateneo De Manila
SANTIAGO D. GEPIGON JR. AT VIRGILIO A. FRANCISCO
Sa pagkakaalam ng mga tagapagsiyasat, may snasulat si Fr. William Keyes (1974)
na isang aklat, Manila Scavengers: The Struggle for Urban Survival, at may isa pang
sulating pananaliksik sa Unibersidad ng Ateneo De Manila na nagawa ng isang mag-aaral
tungkol sa mga mamumulot ng basura dito sa Kamaynilaan (Gepigon, 1977).
Gayunpaman, wala nang iba pang nalalaman ang mga tagapagsiyasat na gumawa ng
pagsusuri o eksperimento tungkol sa partikular na paksa ng pananaliksik na ito.
Nilalayon ng pananaliksik na ito na malaman kung ano ang nagagawa ng patuloy
na lubhang kahirapan ng mamumulot ng basura sa kanilang mga saloobin at mithiin sa
buhay.
Ipinapalagay na ang kasalatan ng mga mamumulot ng basura at ang patuloy
nilang paghihirap na gawa rin ng lipunang kanilang ginagalawan ay may epekto sa
kanilang mga saloobin at mithiin sa buhay.
Takdang Kahulugan ng mga Salita
Mamumulot ng Basura: mga taong namumulot ng mga papel, karton, lata, bakal.
At kung anu-ano pang mga bagay na itinatapon dahil hindi na kailangan o magagamit ng
iba.
Lipunan: tumutukoy sa urbang sosyedad kung saan ang namumulot ng basura ay
naaapektuhan ng pambansang kabuhayan, mga palisi ng pamahalaan at ng industriya sa
kapaligiran.
Saloobin: mga ugali o kilos na nagpapakita ng isang damdamin, paniniwala, o
hangaron para sa isang tao o bagay.
Pagmamasid: ito ang pagtingin-tingin sa tao, sa kanyang mga kilos at karaniwang
ginagawa.
Pakikiramdam: ang ginagamit ditto ay damdamin at mga mata. Tulad ng
pagmamasid, ang pakikiramdam ay tungkol din sa tao, sa kanyang mga kilos at
karaniwang ginagawa.
Pagtatanung-tanong: ditto nagsisimula ang isang pakikipag-usap sa isang tao,
subalit kadalasan sa pagtatanung-tanong, ang paksa ay mababaw lamag, walang
kinalaman sa personal na pagkatao ng isang tao at karaniwang sumasagot sa tanong na
ano, ilan, at alin.
Pagsubok: ang pagsubok ay maaring isagawa sa pamamagitan ng pakikipag-usap
o paggawa. Dito isinasagawa ng isang tao ang isang bagay upang subukan ang isang tao
kung totoo nga ang nabuong kaalaman sa kanyang isipan tungkol sa taong kanyang
pinagmamasdan at pinakikiramdaman.
Pagdadalaw-dalaw: ang pagpunta-punta at pakikipag-usap ng isang tao sa
kanyang kapwa. Ito ay isang paraan sa mabilis na pagkilala ng dalawang tao sapagkat sa
dalas ng pakikipag-usap, nailalabas ng isang tao ang nais niyang sabihin bagamat
maaring may ilan pang nagpipigil.
Pakikialam: ito ay maaring isagawa sa pamamagitan ng gawa o pagtatanong. Sa
kasong ito, ang isinasagawa ng tagapagsiyasat ay pakikialam sa pamamagitan ng
pagtatanong. Ang mga katanungan ay karaniwang nagsisimula sa bakit at naghahanap
ng pagpapaliwanag. Dito naipakikita ng isang tao ang pagkalinga sa iba.
Pakikilahok/Pakikibagay: ito ay ang pagsang-ayon sa gawa, salita at kilos ng isang
tao na ang layunin ay maaaring taos sa puso o hindi. Gayunpaman, malaki rin ang
naitutulong nito sa pagkakaibigan.
Pakikipagpalagayang-loob: nagpapahiwatig ditoang isang tao na panatag na
kalooban sa kanyang kapwa. Wala na ang pagkahiya at pag-aalinlangan sa bawat kilos,
gawa, at salita sapagkat buo na ang pagtitiwala sa isa’t isa.
Diwa; ito ay tumutukoy sa mga haka-haka at hinuha ng mga tao.
Paglalagay: ito ay ang pangingikil o paghingi ng anumang bagay na kalimitang
isinasagawang mga pulis at iba pang nagtatatrabaho at iba pang nagtatrabaho sa
pamahalaan.
PAMAMARAAN
Sa pananaliksik na ito,ang mga napiling kalahok ay ang mga namumulot ng
basura na naninirahan sa Tambakan. Ang mga mananaliksik na naglalayong siyasatin ang
mga mamumulot ng basura dito sa Kamaynilaan ay nagmasid-masid at pumili ng isa sa
nagdadamihang lugar ng mamumulot ng basura.Karamihan sa mga namumulot ng
basura’y nasa squatter’s area. Isa rito ang Tambakan na ngayon ay tinatawag na Gov.
Pascual, na nasa Tenejeros, Malabon, Rizal.
Lugar – Ang lugar ay halos hindi masasabing tirahan sapagkat ito ay ginagawang
tambakan ng mga basura, kaya marahil tinawag na Tambakan. Ang mga bahay ditto ay
tagpi-tagpi at yari sa lumang kahoy, mga kartong pinagdikit-dikit, mga lata at
kinakalawang na yero. Ang mga bubong ay hindi gaanong nakadikit sa bahay at
pinagpatungan na lamang ng mga bato at hollow blocks sa ibabaw para huwag liparin ng
hangin. Kung pagmamasdanang ang mga tagpi-tagping bahay, masasabi na ang mga ito
ay gawa buhat sa mga bagay na itinatapon ng ibang tao,subalit pinagtitiyagaan pa ring
gamitin ng mga tao rito. Ang mga bahay ay dikit-dikit at isang hilera lamang sa gilid ng
kalsada sapagkat sa likod ng mga bahay ay may isang ilog na ginawang palaisdaan na
hindi naman pag-aari ng mamumulot ng basura. Dahil sa kasikipan ng lugar, ang mga
bata ay naglalaro lamang sa kalsada. Sa huling punta ng mga tagapagsiyasat, napansin
nila na may mataas na pader na itinayo sa mga gilid ng mga bahay. Napag-alamang ang
binakurang lupa ay pag-aari din ng may palaisdaan at di malaman ng mga tagapagsiyasat
kung tatayuan ito ng isang bahay o pabrika.
Bahagi ng mga kapitbahayan sa Tambakan ang tinatawag nilang bodega. Kung
tutuusin at titingnang mabuti ang lugar na ito, masasabing hindi ito bodega, spagkat
itoay silong lamang ng isang bahaysa isang maliit na bakuran. Dito ipinagbibili ng mga
mamumulot ng basura ang kanilang napupulot kaya’t makikita mo rito ang patung-
patong na mga bakal, bote, karton, sirang kagamitan sirang kagamitan sa bahayat
ibapang napupulotsa basurahan. Sa paligid nito ay may mga karitong ipinahihiram ng
bodegero sa mamumulot para sa kanilangg gawain.
Gaya ng nasabi sa una, ang lugar na ito ay tambakan ng mga basura. Dito
dinadala ang mga basurang galling sa ilang bahagi ng Malabon subalit ang mga basurang
ito ay hindi pinakikinabangan nang husto ng mga mamumulot dahilan sa
kinukumpetensya sila ng mga basurerong naglilingkod sa pamahalaan.
Karamihan sa mga namumulot ng basura na naninirahan sa Tambakan ay
mahaba ang pinag-aralan. Sa may mga asawa at anak, kadalasa’y hanggang grade three
o grade four lamang ang naabot. Sa mga kabataan man, kadalasan ay nakatuntong lang
sila ng ikaapat o ikalimang baiting sa elementarya at pagkatapos ay nakatuntong lang
sila ng ikaapat o ikalimang baiting sa elementarya at pagkatapos niyoay humintona dahil
ayaw na nilang mag-aral, gusting umistambay, nagkakasakit ng malubha o wala na silang
magastos para sa kanilang pag-aaral.
Sa kanilang pamumulot,ang kadalasan nilang ginagamit ay kariton.Grupu-grupo
silang umaalis at gaano man ang kanilang kinikita ay kanilang pinaghahatian. Marami
ang nailalamanng kariton subalit sa grupo ng mga bata ay tatlo o apat silang
magkakasama kaya’tang kadalasang napupunta sa bawat isa ay 2 hanggang3 piso
lamang sa isang araw. Sa mga matatanda naman ay 5 hanggang 7 piso lamang ang
karaniwang kita sa isang araw na maaaring bumba pa sa ibang pagkakataon. Ang taas o
baba ng kita nila sa bawat araway depende pa rin sa suwerte, dami ng basurang
maaaring mapupulot, hindi pagkakahuli ng pulisat sa lakas ng pagtutulak ng kariton na
kinukumpiska ng mga pulis ay mga sako at ang tawag sa kanila ay magsasako. Ang kita
ng mga magsasakoay kadalasang mas maliit kaysa sa mga gumagamitng kariton dahil
konti lang ang nailalaman sa sako.
Kalahok – Buhat sa Tambakan at tatlumpung namumulot ng bsura ang nakuhang
kalahok. Sa kanila nabatid ng mga tagapagsiyasat ang kanilang kaalaman para sa
pananaliksik. Nahahati ang mga kalahok sa apat na grupo: ang mga kabataang may
gulang na 6 hanggang 17, ang mga may gulang na 18 hanggang 23, ang mga may gulang
na mula 50 pataas. Sampung kalahok ang nasa unang grupo, pito sa pangalawa, pito sa
pangatlo, at anim sa huling grupo. Ang katampatang gulang sa unang grupo ay 9 na
taon, 20 taong gulang sa pangalawang grupo, 34 sa pangatlong grupo at 61 sa huling
grupo.
Patakaran - Sa dahilang ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral tungkol sa
tao, minarapat ng mga tagapagsiyasat na gamitin ang maka-Pilipinong pamamaraan ng
pananaliksik. Ang pakikipagpalagayang-loob ay isang mahalagang bagay sa pagtanto ng
mga saloobin at mithiin ng tao. Ginamit ang Iskala ng Mananaliksik nina Santiago at
Enriquez (1976) upang matarok ang diwa ng isang tao. Ang pagmamasid, pakikiramdam,
pagtatanung-taong, pagsubok, pagdalaw-dalaw, pakikialam sa pagtatanong at
pakikipagpalagayang-loob na bahagi ng iskala ay isinagawa ng mga tagapagsiyasat upang
makuhaang tunay na diwa ng mga kalahok at nang maging makabuluhan ang
pananaliksik na ito para sa lahat.
Sa unang pagpunta sa Tambakan, lugar na tirahan ng mga kalahok, ang mga
tagapagsiyasat ay patingin-tingin sa paligid, nakikiramdam at nagtatanung-tanong.
Pinagmasdan ang kalagayan ng mga tao, ang karaniwan nilang ginagawa at ang kanilang
tirahan upang makatulong makatulongsa mga tagapag-siyasat sa mabilis na
pakikipagpalagayang-loob. Sa pagmamasid ay hindi na rin ang pakikiramdam sa mga
taong naroroon kung ang pagpunta doon ng mga tagapagsiyasat ay hindi nakigulo sa
kanila. Ilan sa mga tao ang patingin-tingin sa mga tagapag-siyasat sa lugar na iyon.
Napansin ding mas medaling lapitan ang mga bata kaya’t lumapit ang mga
tagapagsiyasat sa ilang mga bata na naguumpukan at nakipagkilala. Naging mabuti
naman ang kanilang pagtugon at dito nagsimula isang maikli subalit makabuluhang pag-
uusap. Ang naging paksa ay pawing mabababaw lamang at kung anu-ano pa na
sumasagot sa tanongna ano, ilan, at alin. Ang pangyayaring ito ay naging unang hakbang
tungo sa pakikipagkaibigan. Ang hakbang ding ito ay isinagawa ng mga tagapagsiyasat sa
pakikipagkilala sa ibapang kalahok.
Sa limang beses na pagpunta roon, ang mga tagapagsiyasat ay nagsuot lamang
ng simpleng kasuotan. Kupas na maong at puting t-shirt lamang ang kanilang isusuot
sapagkat nabuo sa kanilang isip na maaaring makabuti ito upang hind imaging alangan
ang mga mamumulot ng basura sa kanila. Ito ay isang paraan ng pakikibagay tungo sa
pakikipagpalagayang-loob ng mga kalahok at nang sa gayon ay maging bukal sa loob nila
pagbibigay ng kaalaman.
Ang minsan sa isang linggong pagpunta roon (tuwing araw lamang ng Linggo
matatagpuanang karamihan sa kanila subalit isang Huwebes ay nagsadya din ang mga
tagapagsiyasat doon) at ang pagtatagal doon ay hindi kukulangin sa apat na oras tuwing
umaga ang tinutukoy ng pagdalaw-dalaw sa kanila. Sa pagdalaw-dalaw na ito at
pakikipag-usap sa kanila ay unti-unting nakuha ng mga tagapagsiyasat ang loob ng mga
kalahok.
Sa tatlong huling pagpunta roon ng mga tagapagsiyasat, dahilan sa hindi
gaanong nahihiyang sumagot ang mga nasabing kalahok, tinanong na ng dalawang
tagapagsiyasat ang mga paksang may kaugnayansa pananaliksik. Sa pamamagitan ng
pagtatanong, ang mga kalahok ay kusang nagsabi ng nais nilang sabihin. Ang pag-
aalinlangan sa mga tagapagsiyasat ay nawala at ito ay mababakas sa kanilang mga kilos.
Sa panig naman ng mga tagapagsiyasat, ang pagtatanong ay isinagawa sa paraang hindi
nakakasakit o nakakainsulto kung ang mga tanong ay may pagka-personal. Naging
madaldal pa nga ng mga kalahok noong mga hling pakikipag-usap. Dito sa antas na ito
masasabi na ang mga kalahok ay naging palagay na sa mga tagapagsiyasat kahit
masasabing hindi pa ganap ang kanilang pakikipagpalagayang-loob.
Ang pagsulat ng mga datos ay isinagawa ng dalawang tagapag-siyasat hindi sa
harapan ng mga kalahok mismo o habang sila’y nagsasalita, maliban sa pagkuhang
pangalan, gulang, at pinag-aralan. Tinandaan na lamang mabuti ng mga tagapagsiyasat
ang mga nasabi ng mga kalahok at isinulat nang tapos na ang panayam o pakikipag-
usap. Ang paraang ito ay isinagawa upang huwag maalangan o magulo ang kanilang
pagsasalita. Sa ganitong paraan, magiging palagay ang mga kalahok sa pakikipag-usap at
masasabi nila ang mga tunay nilang damdamin, saloobin, at mithiin sa buhay.
KINASAPITAN
Ayon sa mga nakuhang datos sa pook na pinagsiyasatan ang mga sumusunod ay
ilan sa mga mithiin at saloobin ng mga mamumulot ng basura:
Kalahok na may edad 6-17
- Gusto kong maging duktor para makatulong sa aking mga magulang at kapatid;
- Sana’y yumaman ako
- Gusto kong maging nars para makapunta ako sa ibang bansa
- Paglaki ko, magpapatayo ako ng malaking bahay tulad noong nakita ko minsan sa
sine
- Bibilhin ko ‘yong palaisdaan diyan sa likod para di kami mawalan ng ulam
- Nagsisisimba kami paminsan-minsan at nagdarasal para kami yumaman
- Natatakot akong mahuli ng pulis, baka kung ano ang gawin sa akin
Kalahok na may edad 18-23
- Sana’y magkaroon ako ng pirmihang trabaho tulad ng pagpasok sa pabrika
- Gusto kong nang magkaroon ng asawa at anak
- Hindi ko ikinahihiya ang pamumulot dahil ‘yon lang ang aking ikinabubuhay
- Sana makatapos ako ng isang kurso
- Sana’y hindi kami mapaalis sa lugar na ito
- Ang iniisip ko ay kung papaano haharapin ang isang araw at kung saan ako
makakakuha ng makakain
- Sana’y hindi kami pabayaan ng Diyos
- Sana’y maging mabait sa amin ang mga pulis
- Sana’y hindi na “nila” kami hinihingan ng lagay, maliit na nga ang kita naming,
gusto pa “nilang” kunin. . . paano naman kami. . . .kailangan din naming ang
kumain tulad ng mga ibang tao
- Hanggang istambay na lang siguro ako, paano, wala naman akong makuhang
trabaho. . . mahirap talaga ang walang pinag-aralan.
Kalahok na may edad 25-49
- Mahirap na ang mangarap ngayon, din a gaya noong bata pa ako
- Diyos na lamang ang bahala sa amin
- Gusto ko na lang sanang magkaroon ng sariling kariton na magagamit sa
pamumulot ng basura. . . malaki rin ang maitutulong nito sa aking hanapbuhay
- Sana’y suwertehin ang aking mga anak at makapag-aral sila para hindi naman sila
maparissa akin, mahirap ang ganitnong buhay. . . ba!
- Sana’y alisin na ang pagbabawal sa pamumulot ng basura na siya lamang
ikinabubuhay naming. . . bigyan naman sana nila kami kahit kaunting
katahimikan sa buhay. . . . aba’y kay-hirap na nga ng buhay, lagi lagi pa kaming
iniispatan ng mga pulis
- Magkaroon sana ang aking mga anak ng Maganda at pirmihang trabaho .
Kalahok na may edad 50-pataas
- Wala na yata kaming pag-asa na makaahon pa ditto sa putik ng kasalatan na
aming kinabubuwalan
- Pigang-piga na ang aking katawan sa ka-trabaho at pagsisikap na maangat an
gaming pamumuhay, ngunit ni katiting ay wala pa ring asenso kundi lalo pa
ngang nalublob sa kahirapan.
2.3. TEORYANG KINAPAPALOOBAN NG PAG-AARAL
**“Humanistic Psychology”
By: Abraham Maslow (1908-1970)
View of Human Nature
Maslow advocated a holistic analytic approach to studying the total person. This
approach should emphasize their positive qualities. His theory was concerned with
growth motivation, which can be gained through self-actualization. Human nature
consists of a number of instinctoidal (innate but weak) needs that are arranged in
hierarchy according to their potency. Self-actualizing individuals are no longer motivated
by deficiencies (D motivation); they are motivated by being values (B motivation). B
values are also called metamotives. D motivation is also known as D perception or D
cognition.
Maslow believed human has a basic goodness and a natural tendency towards
self-actualization.
Self-actualizing people exhibit the following characteristics:
1. They perceive reality accurately and fully.
2. They demonstrate a greater acceptance of themselves, others, and nature in
general.
3. They exhibit spontaneity, simplicity, and naturalness.
4. They tend to be concerned with problems rather than with themselves.
5. They have a quality of detachment and a need for privacy.
6. They are autonomous and, therefore, tend to be independent of their
environment and culture.
Hierarchy of Needs
Growth towards self-actualization requires the satisfaction of a hierarchy of
needs. At the base of the hierarchy are more basic needs relative to those above them.
Self-
Actualization
Esteem
Love and Belongingness
Safety
Physiological Needs
1. Physiological Needs – foods, clothing, shelter, and sleep
2. Safety Needs – security, protection, stability, freedom from fear and anxiety, and
the need for structure and limits
3. Love and Belonging – need for family and friends, relationships, and being part
of a group
4. Esteem Needs – refer to the reaction of others to us as individuals, how we view
ourselves, and the need for a favorable judgement
5. Need for Self-actualization – the tendency to feel restless unless we are doing
what we think we are capable of doing.
Misconception about Maslow’s Hierarchy of Needs
Maslow was quick to point out that his initial five-level need hierarchy somewhat
oversimplified the relationship between the need and behavior. For example, some
people need to satisfy their need for self-esteem and respect before they can enter a
love relationship.
Another common misconception the hierarchy is the assumption that out
physiological needs must be satisfied 100% before we can proceed to the higher needs.
For Maslow, our needs are only partially met at any given moment.
Although the need hierarchy was described as universal, Maslow readily
admitted that the means of satisfying a particular need varies across cultures. In our
society, a person can win win self-esteem and respect from the others by becoming a
doctor or a political leader. But in other socities, this esteem is awarded for good
hunting or farming skills. Maslow argued that these differences are somewhat
superficial.
Another oversimplified of Maslow’s Theory is that any given behavior is
motivated by a single need. Maslow argued that behavior is the result of multiple
motivations.
Evaluation
Strengths
1. His theory is an extension of the need for actualization.
2. He believed that society has to create loving, harmonious, and non-aggressive
relations.
3. He rejected the Freudian notion that human beings and society have to be
engaged in constant conflict. Rather, he believed society could be designed to
maximize the probability of self-actualization.
4. He presented human needs in a hierarchy according to their potency.
5. He believed that if human beings are given complete freedom, they could create
eupsychia: a loving, harmonious, and non-aggressive society.
Weaknesses
1. Maslow’s Theory has been criticized as unscientific, using uncontrolled and
unreliable techniques.
2. His subjects were subjectively selected.
3. He used ambiguous terms.
4. Some individuals seem to become productive and creative even though the two
basic needs have not been satisfied.
Summary
Abraham Maslow believed exposure to environmental conditions that permits or
prohibit gratification of the basic needs prompts movement up or down the hierarchy of
needs. That is, since our behavior is governed by the lower unfulfilled need, changes in
career, family, or social conditions can alter fundamental motive structures. Such
movement would surely result in a personality change.
Maslow stimulated interest in optimal development. He studied self-
actualization and formulated persons whose key attributes are: efficient perception of
reality, acceptance of self and others, a sense of autonomy and a capacity for solitude, a
capacity for intimacy and sharing, a sensitive feeling for ethics, and empathy for
humankind.
2.4. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
1. ***Junk Shop – isang uri ng negosyo kung saan bumibili ng mga gamit nang mga
bagay (Secondhand Goods) at maaari pang mapakinabangan.
2. May-Kaya (Middle Class) – uri ng kalagayan ng kabuhayan na pumapagitna sa
mayayaman at mahihirap.
3. Hanapbuhay – kilos na siyang isinagawa ng tao upang makaalpas sa mga suliraning
dala ng lipunang kanyang ginagalawan.
Kabanata 3
PAMAMARAAN
3.1. PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS
Ang paraan ng pagkuha ng datos ng mananaliksik ay sa pamamagitan ng
pagtatanung-tanong. ****Ang pagtatanung-tanong ay ang pakikilahok sa isang pag-
uusap na kung saan maaaring magtanong ukol sa mga bagay. Kung tutuusin, ang
pagtatanung-tanong ay hindi nagsimula bilang isang metodo ng pananaliksik. Ito ay
isang paraan ng patutunguhan ng mga Pilipino.
Ag pagtatanung-tanong ay madalas na sabihing katumbas ng informal interview
o kaya’y improbisasyon ng interbyu ngunit sadyang may pangunahing pagkakaiba ang
pagtatanung-tanong dahil kahawig ito ng pakikipagkuwentuhan.
Kabanata 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
4.1. PAGLALAHAD NG MGA PANGYAYARI
Ang pamamaraan ng pagkuha ng datos ay sa pamamagitan ng pagtatanung-
tanong ngunit ang paglalahad ng mga nakalap na datos ay sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga pangyayaring isinagawa ng pagsisiyasat.
Isang mananaliksik mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas upang pag-
aralan ang paksa. Ang pinaninirahan ng tagapagsiyasat ay hindi kalayuan sa mga “junk
shop” kaya madali lang niya itong dalawin. Ang paraan ng pagkuha sa pagpili ng kalahok
ay sa pamamagitan ng “purposive sampling” na kung saan ay tagapagsiyasat ay pumipili
ng kalahok base sa kanyang pakay na makuha ang datos. Ang napili ng tagapagsiyasat ay
mga nagtatrabaho kabilang ang nangangasiwa ng establisimento ng “junk shop”. Ang
bilang ng mga kalahok ay nakasalalay kung sinu-sino ang mga naroroon. Ang ginawang
paraan upang tukuyin kung anong “junk shop” ang maaari niyang puntahan ay sa
pamamagitan ng pagmamasid. Ang pagmamasid ay pagtingin-tingin o pagbabantay sa
mga kilos at ginagawa ng tao o mga pangyayari at bagay-bagay sa isang lugar.
Natatandaan pa ng tagapagsiyasat ang mga lugar na may “junk shop” dahil
pangkaraniwan na itong nakikita kung saan-saan. Nagmasid-masid muna ang
tagapagsiyasat kung marami pang inaasikaso ang mga tauhan at kung dapat ba silang
mapagtanungan. Ang tagapagsiyasat ay may natuklasang apat na “junk shop” sa Balic-
Balic, distrito ng sa Sampaloc, Maynila.
Ang unang dinalaw ng tagapagsiyasat ay ang “junk shop” sa may kalye ng R.
Cristobal. Ang araw na iyon ay Lunes (Pebrero 23,2009) at sa hapon ng alas-dos
isinagawa ang pagdalaw doon. Ang “junk shop” na iyon ay nakatirik sa isang bakanteng
lote na gawa sa yero at kinulayan ng berde at malinis at maayos ang kapaligiran doon.
Doon ay may isang lalaking nakaupo at nagsusulat habang nakikinig sa malakas na
tugtog ng radio. Pansamantalang hininto ng lalaking iyon ang kanyang pakikinig at
nakipagkilala ang tagapagsiyasat sa kanya. Inalam ng mananaliksik ang mga
pangunahing impormasyon tulad ng pangalan, edad, estadong sibil, atbp. Siya ay si
Nicko, labingpitong taong gulang na naninirahan sa Paranaque. Ito ang kanyang mga
nagging tugon mula sa katanungan ng tagapagsiyasat:
Isang taon na siyang naghahanapbuhay sa “junk shop”
Siya ay pamangkin ng nagmamay-ari ng “junk shop”.
“Working Student” at gusto niyang maghanapbuhay upang makatulong
sa magulang.
Gustong makapagtapos ng pag-aaral upang maiahon ang kanyang
pamilya sa kahirapan.
Seryoso ang tagapagbatid sa kanyang mga tugon at maayos ang naging
pakikitungo ng tagapagsiyasat sa kanya. Dahil sa kasalatan sa kagamitan, hindi
nakapagtala ng datos ang gamit ang “tape recorder” kaya masasabing hindi
mapagkakatiwalaan ang mga datos na nakuha. Tinandaan ng tagapagsiyasat ang
kanyang mga naging tugon at kinuhaan ng litrato gamit ang “digital camera” ang
tagapagbatid upang magsilbing ala-ala mula sa kanya.
Ang pangalawang dinalaw ng tagapagsiyasat na “junk shop” ay sa may kalye ng
M. Dela Fuente. Ang araw na iyon ay Martes (Pebrero 24, 2009)at sa hapon ng alas-tres
isinagawa ang pagdalaw-dalaw. Nagmasid-masid at pinagmasdan ang mga Gawain ng
mga naroroon. Napansin niya ang babaeng nagbabalat ng “sticker” sa mga plastic na
botelya. Siya ay pumayag na makapanayam habang siya ay my pinagkakaabalahan. Siya
ay si Ruby Martinez, apat na’put dalawang taong gulang na nakatira sa kalye ng 20th
Avenue sa Cubao, Quezon City. Siya ay may asawa at mga anak: dalawang babae at
isang lalaki; at nakapagtapos din siya ng kolehiyo. Ito ang kanyang mga naging tugon sa
mga katanungan ng tagapagsiyasat:
Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa “junk shop” dahil sa kahirapan na
makapaghanap ng ibang trabaho
Napili niya ito dahil walang gaanong kailangan o requirements
Nakatutulong ito sa kanilang pamilya at natustusan pang-araw-araw na
pangangailangan
Ang pangarap ay makapagtapos ang kanyang mga anak at makapaghanap
ng magandang trabaho upang magkaroon din ng magandang buhay
Ang kanyang kinikita ay minsan malaki o maliit. Swerte kapag may
kontrata, at kung wala, swerte pa rin kahit kulang
Sa baba ng kalakal, ibinibigay sa basurero dahil triple na ang nawawala sa
presyo
Habang kausap ng tagapagsiyasat si Aling Ruby, napansin na may isang lalaki na
may hawak ng martilyo at plies. Tinanong ng tagapagsiyasat kung kay Aling Ruby kung
sino siya, at napag-alaman na siya pala ang may-ari na iyon. Siya naman ay si Carlos
Aguilar, anim na’put isang taong gulang na naninirahan din sa mismong pinagtirikan ng
“junk shop”. Siya ay walang asawa at hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Pumayag si Mang
Carlos na makapanayam habang kinakalas niya niya ang mga bakal ng lumang “folding
bed”. Ito ang mga naging tugon niya sa mga katanungan ng tagapagsiyasat:
Siya ay dating konpidensyal na sekretarya ng isang pribadong kumpanya
Nagsimula siyang magtaguyod ng “junk shop” nang mapag-alaman niya
na maganda ang industriya nito noon.
Napili din niya ito sapagkat “cash-to-cash basis” kaya bawal ang umutang
Wala na siyang mithiin sa buhay kaya ang importante ay makakain ng
tatlong beses sa isang araw.
Hindi konsistent ang kinikita dahil taas-baba ang ekonomiya
Bawal bumili ng kahit anong pag-aari ng pamahalaan tulad ng bakal na
nagsisilbing gabay sa tulay, riles ng tren,atbp.
Pagkatapos ng pagtatanung-tanong ay nag-alok ng makakain ang tagapagsiyasat
ngunit sila ay tumangi at marahil ay nahihiya rin. Nagpasalamat ng marami ang
tagapagsiyasat at kinuwanan ng litrato bilang isang munting ala-ala.
Ang pangatlong “junk shop” na dinalaw ng tagapagsiyasat ay sa may kalye ng
Lardizabal Extension. Napag-alaman niya na isa itong “aparment” na tinirikan lamang ng
“junk shop” sa ibaba. Lahat ng mga tauhan doon ay maraming pinagkakaabalahan
ngunit hindi nag-atubili ang tagapagsiyasat na pumunta doon. Nagtanung-tanong ang
tagapagsiyasat sa isa sa mga tauhan doom kung nasaan ang tagapangasiwa at nakita ng
tagapagsiyasat na siya ay nakaupo at walang ginagawa. Pagkatapos ay lumapit ang
tagapagsiyasat at binanggit ang kanyang hangarin hanggang sa pumayag itong
makapanayam. Siya ay si Bernie Escalona, tatlongpu’t-dalawang taong gulang at siya ay
may asawa at anak. Elementarya ang kanyang nakamit at naninirahan din siya sa
mismong “aparment” na pinagtitirikan ng “junk shop”. Ito ang kanyang mga naging
tugon sa tagapagsiyasat:
Naging pahinante ng baboy at guwardya bago makapaghanapbuhay ng
“junk shop”
Madaling pagkakitaan
Upang makaahon sa kahirapan
Magkaroon ng isang magandang buhay, mapagtapos ang mga anak at
makatulong sa mas nangangailangan tulad ng mga mamumulot ng basura
Ang nagiging problema ay ang mga humihingi ng “lagay” o yung
tinatawag din na “kotong” kung saan ay illegal na nangongolekta ng pera
ang mga pulis
Malaki ang pinagkaiba sa ibang kabuhayan dahil dugo at pawis ang
puhunan
Napagbatid ng mananaliksik na kaya hindi binanggit kung bakit humihingi ng
lagay ang mga pulis ng pera. Minabuti ng tagapagsiyasat na huwag itanong ang dahilan
sapagkat isa itong personal na problema. May mga ilan-ilan ang nakikisangkot at
gustong tila gustong makapanayam ang mga naroroon. Sila ay interesado sapagkat may
dalang “digital camera” ang tagapagsiyasat. Pumayag naman si Mang Bernie na
tanungin ang mga tauhan doon. Pinuntahan ang isang lalaki habang nag-aayos ng mga
plastik na botelya. Siya naman ay si John Ray Cunanan, dalawampu’t pitong taong
gulang at nakapagtapos ng sekondarya. Ito ang kanyang naging tugon sa tagapagsiyasat:
Walong buwan pa lamang na nagtatrabaho sa “junk shop”
Napiling trabaho gusting makatulong sa pamilya
Nagsisilbing “pag-asa”
Pangarap maging “tourist”
Sapat ang kinikita sa isang buwan
Masaya ang nakapanayam at seryoso sa kanyang mga tugon. Pagkatapos ay
pinuntahan ang isa pang tauhan na naroroon. Siya ay nagbubutas ng plastic na botelya
gamit ang cutter. Siya ay si Hermie Nepomuceno, tatlongpu’t limang taong gulang at
may asawa at limang anak: tatlong lalaki at dalawang babae. Siya ay nakapagtapos ng
kursong Elektroniks. Ito ang kanyang mga naging tugon sa katanungan ng
tagapagsiyasat:
Tatlong taon na siyang nagtatrabaho
Napiling trabaho sapgakat madaling kumita kung magsisikap sa hirap ng
buhay
Bahagi na ng kanilang buhay
Pangarap na mapagtapos an g anak at bigyan sila na magandang
kinabukasan
Bakas ang ngiti sa mukha habang kapanayam ng tagapagsiyasat si Mang Hermie.
Maayos ang naging pakikipagpalagayang-loob sa mga nakapanayam. Pagkatapos ay isa
isang kinuwan ng litrato ang mga nakapanayam upang magsilbing ala-ala mula sa
tagapagsiyasat.
At sa panghuli, ikaapat na “junk shop” na dinalaw ng tagapagsiyasat ay sa kalye
ng Algeciras. Ito ay naisagawa noong Biyernes (Pebrero 27, 2009) at kinagabihan ng alas-
sais. Walang tao sa “junk shop” na iyon at nasa labas ang tagapangasiwa. Siya ay si
Reynaldo Balmaceda, tatlongpu’t-tatlong gulang na nakatira sa mismong kinatitirikan ng
“junk shop”. Siya ay may asawa at apat na anak at nakapagtapos na dalawang taon na
kursong “Aircraft Maintenance”. Pagkatapos ay isinagawa na ng tagapagsiyasat at
pagtatanung-tanong at ito ang kanyang mga tugon:
Pitong taon na ang hanapbuhay niyang ito
Hanapbuhay ng kanilang pamilya dahil hindi na kayang pangasiwaan ng kanyang
mga tiyahin kaya siya ang nagpatuloy kumbaga naging “Family Business”
Kumikita dahil may tubo mula sa porsyentong nakukuha sa mga kalakal na
binibili at ibinebenta
Ang suliranin ay krisis pang ekonomiya st apektado ang presyo ng kalakal;
napapalusutan ng mga “reject” pag hindi nakaklasify maigi ang mga ibinabawas
Panatiliing malinis ang operasyon
Binigyan na makakain ang tagapagbatid at kinunan din ng litrato upang magsilbi ala-
ala sa tagapagsiyasat. Sa kabuuan, ang pamamaraan na isinagawa ng tagapagsiyasat ay
pang-unang kasanayan na maaring pang umunlad sa mga susunod pang pananaliksik.
4.2. KINASAPITAN
Ayon sa mga nakalap na datos sa mga lugar na pinagsiyasatan ang mga sumusunod
ay ilan sa mga saloobin at mithiim ng mga taong nagtatrabaho sa “junk shop”:
Kalahok na may 17-27
Makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa pamilya
Pangarap maging “tourist”
Naniniwala na ito ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan
Kalahok na may 28-42
Makapagtapos ang mga anak at bigyan ng magandang kinabukasan
Tulungan ang mas nangangailangan tulad ng mga mamumulot ng basura
Kalahok na may 43-pataas
Wala nang mithiin sa buhay at ang importante ay makakain ng tatlong beses
sa isang araw
Kabanata 5
PAGLALAHAD NG LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
5.1. Lagom
Ang Sikolohiyang Pilipino ay isang uri ng sikolohiya na kung saan ang layunin ay
pukawin at linangin ang kaisipan ng isang makabayang Pilipino gamit ang mga metodong
pananaliksik na angkop lamang sa oryentasyong Pilipino. Ang kalagayan ng Sikolohiya sa
Pilipinas ay patuloy na umuunlad sapagkat naibabahagi sa mga mag-aaral ang mga
simulain ng mga mananaliksik. Samakatuwid, nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral ang
pag-aaral na inihain ng mga mananaliksik upang makalikha ng isang makabagong
konseptong angkop sa kamalayang Pilipino.
Sa pag-aaral na ito tinalakay ang mga aspetong may kinalaman sa maka-sikolohikal
na pananaw sa mga taong naghahanapbuhay sa “junk shop”: layunin,