15
1.Ang Alamat ng Lansones Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason. Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang "puno ng lason" ng may isang manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaayaayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang nakalalasong bunga. Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa... ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init. Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae, ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno. Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babgsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari, sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae. Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatidna wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang

10 alamat

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 10 alamat

1.Ang Alamat ng Lansones

Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason. 

Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang "puno ng lason" ng may isang manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaayaayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang nakalalasong bunga.

Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa... ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae, ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.

Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babgsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari, sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.

Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatidna wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin. Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang "lansones".

Page 2: 10 alamat

2.Ang Alamat ng Saging

Noong unang panahon ay may isang napakagandang prinsesa, kaya siya ay tinawag na Mariang Maganda. Ang kanilang kaharian ay malapit sa isang maliit na gubat na kung saan ay malayang nakakapamasyal ang mayuming kagandahan. Ang gubat ay puno ng iba't ibang magaganda, makukulay, at mababangong mga halamang namumulaklak. Nakagawian na ng prinsesang mamitas at mamasyal sa tila bang perpekting hardin para lamang sa isang prinsesang katulad niya.

Isang araw sa kanyang pamamasyal ay may nakilala siyang isang bagong mukha. Isang makisig na binata na halos kaedad din ng magandang prinsesa. May kakaibang naramdaman ang prinsesa sa makisig na binata na iyon. Lingid sa kaalaman ng prinsesa gayundin ang nararamdaman ng bagong kakilala sa kanya.

Nagpakilala ang binata bilang isang prinsipe ng isang malayo at kaibang kaharian. Araw-araw nagkita at nagkasama ang dalawa sa kagubatan hanggang sa magtapat ang prinsipe sa dalaga ng kanyang pag-ibig na malugod namang tinanggap ng prinsesa dahil sa parehas nitong nararamdaman.

Habang sila ay magkasamang namamsyal sa kagubatan ay nagpasya silang magulayaw sa ilalim ng mabangong halaman na madalas ipagmalaaki ng prinsesa.

"Hindi maipagkakailang maganda ang bulaklak ng halamang ito Mariang Maganda, ngunit higit na mas maganda at mabango ang mga halaman at bulaklak sa aming kaharian." sambit ng prinsipe habang hinahaplos ang pisngi ng iniirog.

"Bakit, saan ba ang iyong kaharian?" malambing na tugon ng prinsesa.

"Ang aming kaharian ay hindi kayang marating ng taong may katawang lupa." ang mahiwagang pagsagot ng prinsipeng tila ba mag agam-agam.

"Bakit hindi?" ang natigilang pagtatanong ni Mariang Maganda habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha ng prinsipeng kanyang iniibig. 

"Kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian dahil kung hindi ay hindi na tayo muling magkikita pa. Nais sana kitang isama subalit hindi talaga maari ang mga kagaya ninyo sa aming kaharian. Paalam na irog."

"Nais ko sanang magkita tayong muli dito sa halamanang ito mamayang gabi. Hihintayin kita." pagtangis ng prinsesang nalulungkot sa paglisan ng kanyang minamahal.

"Sisikapin ko, irog." pangako ng prinsipe kay Mariang maganda. Nang gabi ngang iyon ay hinintay ni Mariang Maganda ang kanyang iniirog. Bago pa man maghatinggabi ay dumating nga ang prinsipe at lubos na nalugod ang nag-aalalang prinsesa. Magkahawak kamay silang namasyal sa gubat ng magagandang halaman na ang buwan at mga bituin ang tumatanglaw sa kanilang dinadaanan. Kung anu ano ang kanilang pinag-usapan hanggang sa bigla na lang napabalikwas ang prinsipe na tila ba may ttumawag sa kanya.

"Kailangan ko ng lumisan mahal ko. Hindi ako maaring abutan ng hatinggabi, kapag hindi ako umalis ngayon ay hindi na ako makakabalik pa sa amin. Iyong pakakatandaan na ikaw lamang ang aking iniibig." at ginawaran ng isang matamis na halik ang labi ng naguguluhang si Mariang Maganda.

Hindi ma tanggap na malisan sa kanyang iniibig ay mahigpit nyang hinawakan ang kamay ng prinsipe. Pilt mang hinila ng prinsipe ang kamay ay di nito magawang makawala sa pagkakahawak ng prinsesa. Sa kanilang paghihilahan ay bigla na lamang naglaho na parang bula ang prinsipe ngunit naiwan sa kamay ng prinsesa ang dalawang putol na kamay ng prinsipe. Sa takot ay napabalikwas ang prinsesa at tinungo ang isang malapit na hukay. Doon itinapon at ibinaon ni Mariang Maganda ang mahiwagang kamay ng kanyang tinawag na irog.

Page 3: 10 alamat

Muling nagbalik ang prinsesa sa kagubatan matapos ng ilang araw para makita lamang na may kakibang halaman na tumubo kung saan niya ibinaon ang mahiwagang kamay ng prinsipe. Malalapad ang mga dahon ng halaman na ito at walng mga sanga. Matapos ng ilang araw ito ay namulaklak. Araw-araw na bumalik ang prinsesa sa kagubatan hanggang ang bulaklak ay napalitang ng bynga. Ang bunga ng kakaibang halaman at tila ba kamay na nag-iimbita. Ito na ang kauna-unahang saging.

Page 4: 10 alamat

3.Ang Alamat ng Ampalaya Noong unang panahon, sa isang mahiwagang lupain na kung saan ang mga gulay na ating kinakanin ngayon ay may sariling isip at diwa. Tinawag itong lupain ng sariwa na kung saan ay tinutubuan at pinamamahayan ng iba't uring ng gulay.

Sa lupaing iyon ay naroon si kalabasa na may kakaibang tamis, si kamatis na may masutlang kutis, si labanos na labis ang kaputian, si luya na may natatanging anghang, si mustasa na may luntiang pisngi, si patola na maganda ang pagkapantay ng gaspang ng balat, si singkamas na kakaibang lutong, si sibuyas na may manipis at nakakaiyak na balat, at si Talong na may malalim na lila ang kutis. Lahat ay natatangi at may kakaibang maipagmamalaki. Sa kakaibang lupain na ito ay tuloy tuloy ang pagusbong ng mga bagong halaman at ito ay malugod namang tinatanggap ng mga naunang halamang umusbong pa dito. Isa sa ma bagong halamang umusbong ay ang kakaibang si Ampalaya. Si Ampalaya ay kakaiba sa aspeting ang kulay ng kanyang balat ay napakaputla at ang kanyang lasa hindi maipaliwanag.

Sa paglipas ng mga araw ay nagsimulang gumpang ang inggit ni ampalaya sa mga kasamahang gulay. Bagamat tanggap at nais siyang makasalamuha ng ibang gulay sa lupain ay pilit niya itong itinutulak papalayo. "Huwag kayong lumapit! Hindi ko kayo kailangan! Lumayas kayo! Huwag ninyo akong dikitan!" ang pasigaw na babala ni amapalaya sa mga nagmamagandang loob na bungang nais lamang siyang kaibiganin. Dahil sa paulit ulit na pagtataboy sa mga kasama ay nilayuan nga siya ng mga ito. Sa halip na matahimik sa piniling buhay ay patuloy na kinain ng inggit at galit ang puso ni ampalaya.

Isang maalinsangang gabi ay namulaklak ang maitim na balak ng mapag-isang si ampalaya laban sa kanyang mga kasama. "Kailangan ko dng magkaroon ng natatanging lasa, kulay, at ganda katulad ng ibag mga gulay!. Kung hindi man ay mahgitan pa sila!" ang bulong ng ganid na ampalaya habang pinaghahandaan ang pagsasagawa ng kanyang maitim na balak. Sa kalaliman ng madilim na gabi, ay dahan dahang gumapang sa mga balag ng mga walang kamalay malay at natutulog na gulay si Ampalaya. Doon ay kinuha niya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay sa bayan. Kinuha nya ang tamis ni kalabasa, ang anghang ni luya. Isinilid din niya sa bayong na dala ang nakasampay na kaputian ni labanos, kakinisan ni kamatis, gaspang ni patola, ang manipis na balat ni sibuyas, at ang lilang kutis ni mustasa. Ipinuslit din nya ang lutong ni singkamas. 

"Hahahaha! Sa wakas nasa akin na ang lahat ang mga natatanging lasa, kulay, ganda, at katangian ng mga gulay. Ako naman ang kaiingitan nila!" ang bulong ni amapalay sa sarili habang ito ay paalis sa kanyang mga biktima.

Kinabukasan ay sumaog ang balita ng malawakang nakawan na naganap sa bayan ng sariwa. Nagtipon-tipon ang mga gulay upang pagusapan ang kalapastanganang naganap, ngunit ito ay naisantabi ng makita nila ang isang kakatangi tanging gula, isang dayuhang gulay. Ang dayuhang gulay ay may iba't ibang kulay ng balat, magkahalong kinis at gaspang at samu't saring masasarap na lasa. Ang dayuhang gulay ay pinagkaguluhan. Lingid sa kaalaman ng lahat ayun ay ang mapangahas na si ampalaya na lihim na naghuhumiyaw sa tuwa sa kasikatan at pagpupugay na natatanggap sa mga kasamahang dating umiiwas sa kanya.

Ngunit ani nga sa kasabihan, walang lihim na di nabubunyag. Naging mapaghinala ang ilang gulay sa biglang pagdating ng bagong gulay na tila ba kasabay ng nakawang naganap kinagabihan. Sa pamumuno ni kamatis ay palihim nilang sinundan ang dayuhang gulay ng umuwi ito ay umuwi sa balag nito. Nagkubli ang mga gulay at nabigla sa natuklasan. Habang hinuhubad ng dayuhang gulay ang makukulay nitong balat at lasa ay lumabas ang gulay sa likod nito... si ampalaya.

Hinuli at ihinarap ng mga gulay ang tusong si ampalaya sa diwata ng lupain. Sa harap ng mga gulay ay nilitis si ampalaya. Nangako ang diwata na muling manunumbalik ang mga nawalang katangian na ninakaw ng bugnuting si ampalaya.

"Hindi pa nililikha ang magtataglay ng lahat ng katangian ng mga gulay. Bilang parusa, mananatili sa iyo ang lahat ng

Page 5: 10 alamat

ninakaw mong katangian ng mga kasamahan mong gulay." ang paghuhusga ng diwata kay amapalaya. Lihim namag natuwa ang nagipit na si ampalaya. "Anong uri ng parusa iyon?" ang mapanlamang na bulong ni ampalaya sa sarili. Nagkatingina na lamang ang mga ninakawang gulay at nagtiwala sa matalinong karunungan ng diwata. Nang matapos ang paglilitis ay muli ngang bumalik sa mga ninakawang gulay ang kanilang mga nawalang lasa, kulay, at ganda. Laking tuwa naman ni ampalaya na siya ay nakatakas sa kasalanang ginawa ngunit ilang saglit lamang ay may kakaibang nangyari sa kanya. Nag-away ang lahat ng lasa ng ninakaw ni amapalaya sa loob ng kanyang katawan. Nangulubot ang kanyang balat ng magtagisan ang kakinisan at akagsapangan ng kanyang mga ipinuslit. Nagsilbing madilim na mantsa sa kanyang dating makulay na balat ang naghalu-halong mga kulay.

Mula noon ay naging hindi na kaaya-ayang tignan at kainin si ampalaya. Nagsisis at nagpakumbaba na ang gulay na ito. Sa likod ng tila ba sumpang parusa sa kaniya ay nagtatago ang kakaibang sustansya na mula sa kapaitan ng mga naghalong lasa.

Page 6: 10 alamat

4.Ang Alamat ng Pinya

Noong unang panahon, may isang mag-inang namumuhay na magkasama. Sila ay ang mag-inang sina Pinang at si Aling Rosa. Kahit na mahirap lamang sila, hindi ito naging hadlang upang hindi ibigay ni Aling Rosa ang lahat ng kahilingin ng nag-iisang anak na si Pinang. Dahil sa natatanging pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, lumaki sa layaw si Pinang, naging tamad at matigas ang ulo nito.

Isang araw ay nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Maski ang simpleng pagbangon ay nahihirapan itong gawin. Tinawag niya ang kanyang anak na kasalukuyang nakikipaglaro sa kanyang mga kapitbahay. "Pinang, anak ipagluto mo ko ng lugaw", nanghihinang pakiusap ng ina. Ipinaliwanag ni Aling Rosa kung papaano ihanda at iluto ang lugaw at padabog na umalis si Pinang upang hagilapin ang mga kakailanganin sa pagluto ng kakanin nilang mag-ina.

Dahil sa sadyang katamaran at sa nakasanayan na ang ina ang gumagawa ng gawaing bahay ay padabog at kunot noong kinuha ni Pinang ang kaldero at hinanda ang kalan sa kusina. Dahil sa sadyang walang alam sa gawaing bahay, hindi alam ni Pinang sa kung saan nakatabi ang bigas. Agad ngunit padabog siyang bumalik sa kuwarto ng init upang tanungin kung nasaan ang bigasan. "Nasa loob lang ng sako ang bigas, sa tabi ng kalan, anak." ani ng hapong hapong ina. Bumalik sa kusina si Pinang at nakita nga ang bigas at hinanda na ang lulutuing lugaw. Dali-dali niyang nilagay and bigas sa kaldero, tinubigan at isinalang sa kalan. Imbis na bantayan ang sinasalang ay bumalik ito sa pakikipaglaro sa mga kaibigan kapitbahay. 

Nang marinig na kumukulo na ang isinalang ay muling tinawag ni Aling Rosa ang naglalarong si Pinang. Matapos marinig ng ina na ang pagpasok ng anak ay natulog na si aling Pinang upang makabawi ng lakas at gumaling sa kanyang karamdaman. Mabigat ang loob na binalikan ni Pinang ang niluluto ngunit ng hahaluin nya ito ay hindi niya makita ang sandok. Sa halip na hanapin ay tinungo ni Pinang ang kuwarto ng ina, ginising ito ng tanong na tila ba nanaunumbat pa. "Nasaan ba kasi ang sandok!?!" pasigaw na tanong ni Pinang. Dito na napuno ang ina. "Bakit kasi parating bibig ang ginagamit mo sa paghahanap? Sana’y tubuan ka ng napakaraming mata para madali mong mahanap ang mga kagamitan." ang tugon ng nagalit na ina sa di naangkop na pakitungo ng anak sa kanya. Padabog namang bumalik sa Kusina ang nagmamaktol na si Pinang at wala nang narinig pa si Aling Rosa sa kabuuan ng gabi.

Kinaumagahan, gumaan na ang pakiramdam ni Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang anak ngunit hindi niya ito mahagilap. "Maaring nakikipaglaro lamang ito sa mga kapitbahay", isip-isip ni Aling Rosa. Tinungo din ng kagagaling na ina ang mga bahay ng madalas kalaro ni Pinang ngunit wala din dito si Pinang. Upang libangin ang sarili at hindi masyadong mag-alala napagpasyahan munang magwalis-walis sa bakuran ng tahanan nila si Aling Rosa. Isang kakaibang halaman ang napansin ni Aling Rosa sa kanyang pagwawalis sa bakuran. Ito ay may hugis ulong dilaw na bunga at napapalibutan ng mga tila bang mata. Naalala niya ang sinabi niya sa anak ng siya ay may sakit at nagalit noong kinagabihan. "Ito na nga kaya si Pinang?" sinabi ni Aling Rosa habang takip ang dalawang kamay sa kanyang bibig upang itago ang pagka mangha, gulantang, at takot.

Page 7: 10 alamat

5.Ang Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin

Noong unang panahon ang mundo ay pawang nababalot ng kaliwanagan. Laging magkasama and mag-asawang araw at buwan. Hindi matiwasay ang pagsasama ng mag-asawa dahil hindi binibigyan ng kapantay na karapatan ng araw ang kanyang asawang si buwan. Isa namang hulwarang ina at martir si buwan sa kanyang asawa at kahit na alam nyang hindi na tama ang inaasal ng kanyang asawa ay sinusunod pa din niya ito, kahit anu pang hirap ng iniuutos ng naghahari-hariang si araw.

Nagbalak mamasyal si araw ngunit bago sya umalis ay inutusan niya ang asawang si buwan na ipaglaga siya ng isang punong palayok ng gabi. Marahan namang ipinaliwanag ng buwan na hindi maaring mapuno ang palayok kahit na lagain ang mga dahon ng gabi sapagkat uurong lamang ang mga ito kapag naluto. sinigawan na lamang siya ng araw at iginiit pa din ang utos nito na sa kanyang pagbalik ay dapat niyang maabutan ang isang palayok na puno ng nilagang dahon ng gabi.

Naluha ang buwan sapagkat hindi maaaring mangyari ang ninanais ng asawa, ngunit inani pa din nya ang mga halamang gabi na kanyang matatanaw at nilaga. Nang makarating ang araw ay hindi pa rin puno ang palayok gaya ng inutos nya. Ipinaliwanag ng buwan na hindi talaga maari ang gustong mangyari ng araw at galit na sinigawan ang asawa sa pagkukulang nito.

"Lagi ka na lang ganyan! Hindi ka marunong sumunod sa kautusan. Noong nakaraan ay inutusan kitang palitan ng ibang kulay ang asul na karagatan, at pantayin naman ang mga bundok at burol sa kanluran ngunit ano ang iyong ginawa? Ipinagkibit-balikat mu na lang ang kautusan ko." galit na sinisi ng araw ang asawang si buwan.

Napuno na ang salop at galit na sinagot ng buwan ang mapang-abusong asawa. "Asawa mo ako at hindi utusan. Ako ay iyong kapantay. Kung ituturing mu din lang akong utusan ay mabuti pang maghiwalay na tayo!", maluha luhang pagtatapos ng asawa.

"Kung ayan ang kagustuhan mu ay susundin ko", pagmamataas ng asawang araw.

"Sa aking pag-alis ay isasama ko ang mga anak natin. Ako ang ina nila."

"Isasama sila, para ano? Mamatay sa lamig mo?" ang paghahamon at panunukso ng araw.

"Kung sa iyo sila sasama ay mamatay lamang sila sa init mo!" ang mariing pagtutol ng asawa.

"Ako ang ang ama, sa akin sila!" dabog ng araw at hinila ang ngayo'y umiiyak na mga batang bituin.

"Ako ang tunay na nagmamahal sa kanila, at kayakap nila. Sa akin sila sasama!" Paghatak naman ng inang buwan sa mga anak niyang bituin.

Sa kanilang pag-aaway at paghila sa mga bata ay nahulog sa kalawakan ang kanilang mga anak. Agad na hinabol ng ina ang mga anak na patuloy na lumalayo patungo sa kalawakan habang ang amang araw ay magiting at mapangmataas na tumayo lamang sa kanyang trono para sa pagbabalik ng kanyang asawa at mga anak. Ito ang dahilan kung bakit magiting na nakatanglaw ang mainit na araw sa tanghaling tapat, habang sa gabi naman ang buwan ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa karimlan ng gabi kasama ang kanyang mga anak sa bituin sa kalangitan.

Page 8: 10 alamat

6.Ang Alamat ng Maya

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng likot. Ang pangalan niya ay Rita. Maliban sa pagiging malikot ay may mga bagay ding ginagawa si Rita na di dapat gawin ng mga batang kasing gulang niya at dahil dito ay naiinis ang kanyang ina sa kanya.

Isang araw matapos mapagod sa paglalaro ay umuwi si Rita at nakita ang inang nagbabayo ng palay. Pinanood lamang niya ang kanyang ina sa ginagawa nito. Nang makapagbayo na ng isang salop ng bigas ang kanyang ina, kinuha niya ito mula sa lalagyan at kinain sa sobrang gutom mula sa paglalaro. Ang lalagyan ng napagbayuhang bigas ay malaki at may takip na bilao. Hindi napansn ng ina ang anak dahil sa natakpan na pala ito ng bilao. Nang matapos na ang ina sa pagbabayo ng bigas ay tinawag niya si Rita upang mautusan ito upang maitago na ang mga binayo, ngunit hindi ito sumagot. Marahil ay naglalaro lamang o hindi gustong mapag-utusan ay hinanap ng ina ang malikot niyang anak. Hindi niya ito mahanap sa lahat ng madalas nitong pagtaguan.

Nang bubuhatin na niya ang lalagyan ay nalaglag ang bilaong takip nito at may nakita siyang maliit na ibon sa loob nito. ang maliit na ibong iyon ay malikot at kumakain ng bigas. Ang ibong iyon ay si Rita na ngayon ay tinatawag ng maya.

Page 9: 10 alamat

7.Ang Alamat Kung Bakit Pulo-pulo ang Pilipinas

Noong unang panahon ang Pilipinas ay isang mahabang isla na kung saan naninirahan ang mag-asawang higante. Isang mayaman at masaganang lupain ang isla ng Pilipinas kung kaya't hindi na nangangailangang magtrabaho ng dalawang higante upang mabuhay. Mamimitas at namumulot na lamang sila ng mga kakainin sa paligid.

Isang araw napagkasunduan ng mag asawa na kabibe ang kanilang magiging pananghalian kung kaya't nagsimula silang mamulot ng mga kabibe na malapit sa karagatan. Hindi natuwa ang lalakeng higante sa mga mumunting kabibeng iyon at napagpasyahang lumusong sa ilalim ng karagatan upang makahanap ng mas malaking kabibe. Hindi naman nabigo ang higante at kaagad na nakakita ng higanteng kabibe. Nang buksan niya ito ay namangha siya sa laman nitong makintab na perlas. Dali-daling umahon ang lalakeng higante at ipinakita ang natagpuang kayamanan sa kanyang asawa.

Labis na namangha ang dalawa kung kaya't lumusong muli ang lalake ngunit sa pagkakataong iyon ay kasama na niya ang asawa sa pangangalap ng mga higanteng kabibe. Binuksan nila ang maraming higanteng kabibe at itinabi ang mga perlas at malugod na umuwi.

Habang nasa daan papauwi ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa kung sino ang dapat makakuha ng mas maraming makintab na perlas. Pinipilit ng babae na dapat sa kanya mapunta ang mas maraming perlas dahil mas marami syang nakuhang kabibe. Mas nauna namang makita ng lalake ang perlas kaya dapat siya ang mas maraming makuha, ang pangangatwiran nito.

Nauwi ang kanilang alitan sa sigawan at ng di maglaon ay pukulan at sakitan. Sa lakas ng pagpadyak at pagdadabog ng mag-asawa ay nagsimulang yumanig ang buong isla. Sa tindi ng sigalot ng nagngingitngit na mag-asawa ay gumuho ang mga lupa, nahati at naghiwa -hiwalay ang mga isla.

Ang dating isang buong isla ay nahati sa tatlong malalaking isla at mahigit sa pitong libong mumunting mga isla.

Page 10: 10 alamat

8. Ang Pinagmulan ng Lahing Pilipino

Ayon sa matatanda, ang bathalang lumikha ng daigdig ay si laor. Ayon sa paniwala ng marami ay matagal siyang namuhay na nagiisa dito sa daigdig. Hindi nalaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pagiisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.

Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay malunasan ang kanyang kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya’t nang kanyang buksan ay maiitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naggingni nuno ng mga ita.

Hindi nasiyahan ang bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang masunog tulad ng una, hingango agad sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Ito naman ang mga ninuno ng mga putting lahi.

Muling humubog si bathala ng lupa at iniluto sa hurno. Palibhasa’y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa pugon. Hustong-husto ang pagkaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan ng mga Pilipino.

Page 11: 10 alamat

9. ALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa

kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi

niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang

gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang

anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang

nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso

sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa

bungang ito.

Page 12: 10 alamat

10. ALAMAT NG MAKOPA

Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang

nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at

ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na

malapit sa gubat.

Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga

gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga

nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.

Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata

ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na

nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga

kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang

gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong

na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang

hugis kampana ang mga taong-bayan.