View
297
Download
5
Embed Size (px)
DESCRIPTION
yuyu
Citation preview
Paggawa ng Paputok: Pagkilala sa Pinagmulan.
Mga Suliranin ng mga Manggagawa sa Paggawa nito
____________
Isang Tesis na Iniharap kay
G. Arnold P. Santos, Professor sa Filipino
BULACAN AGRICULTURAL STATE COLLEGE
San Ildefonso, Bulacan
_____________
Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga
Pangangailangan sa Pagtamo sa Kursong Filipino 110
(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)
_______________
VANDOLPH V. BERNARDO
JENNY B. MARIANO
SHARLYN PASCUA
12 MARSO 2013
TALAAN NG NILALAMAN
TSAPTER I. SANDIGAN NG PAG-AARAL
A. Introduksyon
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Layunin ng Pag-aaral
D. Kahalagahan ng Pag-aaral
E. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral
F. Depinisyon ng mga Terminolohiya
G. Paglalarawan Ng Lugar na Pinagsasaliksikan at Mapa
TSAPTER II. MGA KAUGNAY na LITERATURA AT PAG-AARAL
A. LITERATURE (DAYUHAN AT LOKAL)
B. PAG-AARAL (DAYUHAN AT LOKAL)
C. SINTESIS NG PAG-AARAL
TSAPTER III. PAMAMARAAN NG PANANLIKSIK (METODOLOHIYA)
A. PAMAMARAAN AT TEKNIK
B. MGA RESPONDENT
C. MGA TEKNIK AT SAMPLING
D. INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK
E. PAGLALAPAT NG ISTATISTIKA
TSAPTER IV. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON
NG MGA DATOS
TSAPTER V. LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
BIBLIOGRAFI
PAGHAHANDOG
PASASALAMAT
TALAAN NG TALAHANAYAN
TSAPTER I.
SANDIGAN NG PAG-AARAL
A. Introduksyon
Lahat tayong mga Pilipino ay mayroong iba’t-ibang
pamamaraan sa pagsalubong ng bagong taon. Mga pamamaraang
kinamulatan na ng ating mga magulang simula ng sila’y mga bata
hanggang sa sila ay kalipasan na. Naitanong ba natin sa ating mga
sarili kung paano naitawid ang mga paniniwalang ito sa mga
nagdaang panahon?
Ang mga paniniwalang patuloy na isinasabuhay hanggang sa
kasalukuyan ay naging lugod at katanggap tanggap sa kanilang
pamumuhay, kultura, at grupo na kinabibilangan. At kung di naman
katanggap-tanggap ay unti-unting nawawala at tuluyang naalis sa
paglipas ng panahon (Maguigad et al. 2006).
Lahat ng mga paniniwala natin ngayong kasalukuyan ay niyakap
at pinaunlad ng ating mga kanunu-nunuan sa mga dayuhang nanakop
at di- nanakop sa ating bansa. Patunay nga na likas sa ating mga
Pilipino ang pagigimg mapag-unlak at pagkakaroon ng magiliw na
pagtanggap sa mga taong di pa natin lubos na kilala.
Nuon pa man ay likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging
mapag-unlak ito ay natatanging kaugalian na ating maipagmamalaki
sa ibang bansa. Sabi nga: “It’s Only in the Philippines’’. Itong
kakatwang taguri na laging nasasambit natin sa mga dayuhan upang
maipagmalaki ang sariling atin, kung titimbangin ay masasabi nating
may katotohanan pala.
Nang dumating ang mga dayuhan mula sa karatig bansa
natin sa Asya. Isa ang mga Tsino sa mga nakaimpluwensya ng ating
mga paniniwala. Karamihan sa mga paniniwalang ito ay atin pang
isinasabuhay hanggang sa kasalukuyan.
Sa tuwing papalapit na ang bagong taon naglipana ang mga
bagay tulad ng mga ornaments, lucky charms, at iba’t-ibang klase ng
mga Fireworks na pinaniwalaang magbibigay ng swerte at
magtataboy ng malas. Madalas natin itong napapanood sa telebisyon,
karaniwan natin itong matatagpuan sa Chinatown sa Binondo, Manila
Tunay na nga na mayaman ang kulturang Intsik dahil lubos itong
nakaimpluwensya sa atin. Isa ang pagpapaputok sa mga tradisyong
atin namana sa mga Intsik, sila ang unang nakaimbento ng pulbura.
Ginaya natin ang pagpapaputok sa mga Intsik.
Tuwing sasapit ang “Chinese New Year” (hindi tuwing Enero-1
ang pagpapalit ng kanilang taon, may sinusunod silang kalendaryo)
tayo ay namamngha iba’t-ibang ilaw na lumilipad at pumuputok sa
kalangitan na may iba’t-ibang klase, uri at disenyo.
Tuwing sasapit ang bagong taon hindi na iba sa atin ang mga
ingay dulot ng mga bagay na maaaring pagmulan nito. Halimbawa ng
mga ito ay karaniwan nating mabibili tulad ng Torotot at Paputok, ang
iba ay maaaring matagpuan sa ating mga bahay. Naniniwala ang ilan
na maitataboy ng ingay ang malas at mga masasamang espirito at
upang magkaroon narin ng “swerte” sa darating na taon. Ngunit
naniniwala ang ilan na ang pagpapaputok ay hindi nagdudulot ng
swerte ngunit disgrasya lamang, dahil maaari itong makapinsala sa
katawan ng tao maging sa kanilang mga pag-aari. Pero bakit patuloy
pa rin na isinasagawa parin ng ilan?Kungsabagay ay makakaiba tayo
ng mga paniniwala. At isa ring dahilan ay ang iba sa atin ay hindi
nakukuntento sa mga pampaingay, gusto natin ay nabubusog ang
ating mga mata at mga tainga sa ingay na dulot ng mga ito.
Lubhang mapanganib ang paputok kung mali ang paggamit dito
at kung hahayaan lang ang mga bata na magpaputok ng mag-isa.
Ilan sa mga pinsalang maaaring maidulot ng paputok ay ang sunog,
pinsala sa katawan ng tao, sa kalusugan, at sa inilalabas na usok nito
sa ating kapaligiran. Nagiging delikado at masama lamang ang isang
bagay kung sobra at walang halong pag-iingat. Nasa pagsunod din sa
mga instruksyon at patnubay din ng mga mas nakakaalam at mga
nakakatandalalo na kung mga bata ang magpapaputok. Hindi dapat
isisi ang lahat sa mga gumagawa at nagbebenta nito. Mas delikado
pa nga ang pagpapaputok ng baril na wala kang kamalay malay ay
natamaan ka na pala. Ngunit nasa atin naman ang pagpapasya kung
magpapaputok o gagamit na lamang ng mga pampaingay. Dati ang
ilan ay maliit lang at ang iba ay maaari pa nating hawakan, ngunit
ating mapupuna na sa pagdaan ng panahon ay unti-unting lumalaki
at lumalakas ang ingay na dulot ng mga ito.
Alam natin na ang mga Intsik ang unang nakaimbento nito,
ngunit alam ba natin kung paano ito naimbento?
Ayon kay Amanda Green (2012), nagsimula ito noong 200 BC.
Isang malakas na putok ang naidulot nang ihagi ang isang tiyong
kawayan at pumutok ito dahil naglabasan lahat ng hangin na nasa
loob nito. Naniniwala ang mga Tsino na magtataboy ito ng
masasamang espirito.
Napaunlad nila ang kanilang natuklasan noong A.D. 600
hanggang 900. Naging malikhain ang mga Tsino gumamit sila ng
iba’t-ibang kemikal na may kinalaman sa pagpapasabog. Halimbawa
sa mga ito ay Saltpeter, Sulfur, Charcoal. Kung mas maraming
Oxygen ang nasa Saltpeter ay mas malakas ang pagsabog. Kalaunan
ay naimbento ang pulbura at ginamit nila ito bilang armas sa mga
mananakop.
Noong 1295, dinala ng isang tanyag na manlalakbay na si Marco
Polo mula sa Asya hanggang Europa ang pulbura, mga porselana,
mga hiyas at pampalasa. Taong 1400-1500 ang Renaissance sa
panahong ito mas higit ang kaalaman ng mga Europeyo sa Sining at
Literatura at higit sa lahat sa Paputok. Sa panahong ito nagkaroon ng
ebolusyon ng paputok, na ang unang maiisip ay pagsabog.
Nagkaroon din ng mga pailaw na may iba’t-ibang ilaw gamit ang
metallic salts gaya ng strontium paramagin pula, barium para
maging asul, copper para maging berde at sodium sa dilaw na ilaw.
Ginaamit ang Potassium Chlorate para maging Oxidizer upang
magkaroon ng matingkad na liwanag. Hanggang sa kasalukuyan ay
umuunlad upang pa rin ang mga Paputok.
Sa tuwing sasapit ang bagong taon ay dagsaan ang mga
mamimili, ang ilan sa kanila ay mga negosyante at ang iba ay para
lang gamitin.
Ang Bocaue, Bulacan ang sentro ng kalakalan ng paputok sa
bansa. Kamihan sa mga taga-Bocaue ay paggawa ng paputok ang
ikinabubuhay kapag papalapit na ang bagong taon. Kahit delikado ay
patuloy pa rin sila sa paggawa dahil dagdag kita rin at kung walang
trabaho ay dito nalang aasa.
Ayon kay Lilibeth Gatdula, ang pagbuo ng mga paputok ay
komplikado para isang karaniwan para isang taong walang
kamuwangmuwang hinggil dito. Binubuo ang isang simpleng paputok
ng iba’t-ibang materyales at mga kemikal. Ang isang taong nais
gumawa nito ay nangangailangan ng karanasan, pagsasanay, at pag-
iingat. Sa dami ng materyales na dapat kumpunihin bago ka
makagawa ng paputok nangagailangan ng maraming tauhan.
Dahil sa malaking kinikita ng mga Manufacturer nito ay marami
naring nangangahas na magpatayo ng mga gawaan. Sa mga karatig-
bayan nito sa Bulacan tulad ng San Ildefonso, Sta. Maria at Baliuag
matatagpuan ang iba pang mga gawaan. Karamihan sa mga ito ay
legal at di-legal. Ang iba ay may permit ang iba naman ay wala.
Masasabing ilegal ang gawaan batay sa mga pamantayan ibinigay ng
lokal na pamahalaan.
Ipinagbabawal ang pagawaan kung malapit ito sa mga
residential area, hindi maayos ang bentilasyon, may menor de edad
na trabahador at hindi sumusunod sa mga guidelines. Kapag
nagkaroon ng inspeksyon at Raid hinuhuli ang may-ari mismo ng
pagawaan, mga yaring-paputok, mga trabahador na maabutan sa
gawaan. Kung hindi sila susunod sa mga pamantayan ay malalagay
sila sa alanganing sitwasyon sakaling may mangyaring di-inaasahan.
Kung magkakaroon ng isang maling pagkakamali ay maaaring
mgdulot ito ng sunog at pagsabog na maaaring magdulot ng pinsala
sa katawan, mga ari-arian at kung mamalasin ay pagkamatay. Bawat
tindahan, pagawaan ay sumusunod sa mga guidelines. Okasyonal ang
paggawa nito..Dahil sa lakas ng demand nito ay nangangailangan ng
maraming trabahador. Ilan sa mga kababaihan, kabataaan ay
nagkakaroon ng income ang ilan sa kanila. Ngunit pili lang ang
binibigyan ng opurtunidad, pinipili lang ang may mga sapat na
kaalaman, karanasan at mga marunong mag-ingat dahil alam nila
ang panganib na maaaring idulot nito.
Ayon kay Eduardo Bernardo, ang paggawa ng paputok ay
komplikadong trabaho.Iba’t-iba ang materyales na gamit sa pagbuo
nito depende sa gamit. Isa ang Pulbura na mahalagang sangkap nito.
Bago makagawa nito ay kailangan ang mga sumusunod na kemikal:
Devil, at Sulfur. Dapat tama ang timpla kung nais na magkaroon ng
malakas na putok. Sumunod ay ang Mitsa na kailangan upang
masindihan ang paputok.Kinakailangan nito ay Labay, Salitre, Uling
(pinino), at Gaw-Gaw. Iba pang materyales ay Papel de Hapon, Tupe,
Leteng, Cellophane at Scotchtape.
Nagkakaiba ang mga paputok depende sa paraan ng paggawa
nito.Maraming panganib na maaariNg maidulot ang paputok sa mga
manggagawa, kabahayan at mga tao. Itinakda ng lokal na
pamahalaan ang iba’t-ibang panunutunan tulad ng dapat malayo ng
50 metro sa mga kabahayan dahil maaaring magdulot ito ng sunog at
pagkamatay.
Dahil patuloy pa rin ang pagpapatayo ng illegal na pagawaan ay
nagkaroon na din ng sorpresang raid na mas kinatatakutan kaysa sa
disgrasya. Sa tuwing may magaganap na raid ay agad ng
nagpupulasan ang mga manggagawa, ang iba ay nililigpit ang mga
yari na upang walang ebidensya at ang iba lumalayo dahil sa takot na
mahuli.
Dahil sorpresa kung manghuli ang mga awtoridad ay madalas pa
ring may nahuhulihan ng yari at mga tauhan.
Ayon kay Mary Grace Interino-Bernardo, dinadala ito sa
munisipyo upang lumantad ang may-ari at patawan ng multa dahil
resposable nila na tubusin ang kanilang tauhan. Ang mga yari ay
kinukumpiska at dinadala sa Malolos City. Nagdudulot ng ito
pagkalugi sa may-ari nito.
Kung sa paningin ng iba ay magdudulot lang ng disgrasya ang
paputok, iba naman ang saloobin ng mga manggagawa hinggil dito
“kaysa naman tumambay at magutom dahil walang trabaho, mainam
pang gumawa nito kahit delikado”.
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Anu-ano ang maaaring maidulot ng paggawa ng paputok?
D. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit gumagawa ng paputok?
E. Paano maimumulat sa panganib na maaaring maidulot nito sa
lahat?
F. Ano ang pagkilala sa paputok?
G. Gaano kahirap gumawa ng paputok?
H. Paano mabibigyan ng patas na pagtanaw ang imahe ng paputok?
I. Bakit mahalaga ang paggawa ng paputok?
Profile
BULACAN AGRICULTURAL STATE COLLEGE
San Ildefonso, Bulacan
“Makabuluhang Pananaw ng mga Manggagawa ng Paputok
Hinggil sa Epekto nito”
Survey Form
Punan lamang an angkop na sa sagot sa bawat patlang at lagyan tsek
(/) ang bilog.
Pangalan____________________
Kapanganakan__________
Edad______________ Lugar___________
Tirahan________________ Petsa
Katayuan sa buhay: Hanapbuhay:
□ Single Businessman
□ May asawa Empleyado ng
Gobyerno
□ Hiwalay Volunteer Worker
□ Biyudo/Biyuda Self Employed
Please specify:
LAGYAN LAMANG NG TSEK (/) ANG BILOG O KWADRADO NG
INYONG NAPILING SAGOT. KUNG ANG NASA TAPAT NG
PAMIMILIAN AY BILOG, ISA LAMANG ANG MAAARING PILIIN.
KUNG ITO NAMANAY KWADRADO, MAAARI KANG PUMILI NG
HIGIT SA ISA NG KASAGUTAN. MANGYARI LAMANG PO NA
SAGUTAN ANG KATANUNGAN NG MATAPAT.
MGA TANONG:
1.) Paano nakakaapekto ang paggawa ng paputok?
2.)Anu-ano ang mga pag-iingat na ginagawa ng may-ari ng
paputukan upang maiwasan ang disgrasya?
A. Sa mga Manggagawa
□ Pagbabawal ng paninigarilyo
□ Pagbabawal ng mga bata na lumapit sa gawaan
□ Maingat na pagkakarga ng pulbura
B. Sa Pagtetesting
□ Lumayo sa pagawaan sa tuwing mag-tetesting
□ Tanging may kasanayan lang an gang magtetesting
□ Tinitiyak na isa lang ang magtetesting, maaari itong
magdulot ng pinsala sa ktawan sakiling matamaan o
maapakan ang may sinding paputok
C. Sa mga Gawaan
□ Tinitiyak na malayo ang pagawaan sa mga bahay
□ Tinitiyak na walang batang makakalapit sa gawaan
□ Tinitiyak na sumusunod sa mga panunutunang itinakda
ng lokal na pamahaaan
3.)Gaano kahirap na gumawa ng paputok?
□ Mahirap, dahil maghapon nakaupo, gumaganat lahat ng
parte ng kamay at nakakangalay sa katawan,
nakakahapo
□ Mahirap, dahil nasasakripisyo an gaming kaligtasan at
kalusugan
□ Mahirap, dahil komplikado ang proseso lalo na sa
pagkakarga ng pulbura
□ Mahirap dahil may kota na dapat mayari sa isang buong
araw
4.) Paano ka naghahanda sakali na may sorpresang raid ang
mga awtoridad?
o Isasara ang pinto at mananahimik upang hindi
magdudulot ng ingay upang hindi madinig ng pulis
o Dali-dailing aalis sa lugar na pinag-gagawaan at
maghuhugas ng kamay upang sakaling mahuli ng
awtoridad ay walang ebidensya
o Hindi maghahanda dahil may permit ang gawaan
5.) Bakit ka gumagaw ang paputok?
□ Dahil madaling magkapera
□ Para magkaroon ng extra income
□ Walang trabaho
6.) Sinu-sino ang nag-uudyokna gumawa ka ng paputok sa
kanila?
□ Mga magulang, Kamag-anak
□ Mga kaibigan at barkada
□ Mga namumuhunan
□ Sariling Kagustuhan
7.)Kung ikaw ang masusunod, nais mo pa bang gumawang
paputok? Bakit?
o Oo, natutugunan ang aking pangangailangan sa pang-
arawaraw
o Hindi, nasasalalay ang aming kaligtasan pero walang
magagawa dahil walang ibang trabaho
C.)Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahunang papel na ito ay nagbibigay ng
impormasyon hinggil sa “Epektong dulot ng Paggawa ng
Paputok
1. Maipakilala ang paggawa ng paputok at gawing
pangkaraniwang trabaho ng mga mamamayan.
2. Mabigyan ng kaalaman ang mga tao patungkol sa
paggawa nito.
3. Maimulat ang mga tao sa trabahong maaaring idulot
nito.
4. Mailahad ang mga suliraning kahaharapin sa pagbuo ng
paputok.
5. Maisiwalat ang mga saloobin ng mga namumuhunan at
mga manggagawa ng paputok.
D. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay sumasalamin
sa mga epektong dulot na paggawa ng paputok . Upang
mabigyan halaga ang mga pananaw ng madla ukol dito.
Anumang resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing
pamulat sa mga epektong maaaring maihatid ng paggawa ng
paputok at pagpapaputok. Tumutulong din ang paksang ito sa
mga mag-aaral at mananaliksik upang palawigin ang mga
kaalaman ukol sa nasabing paksa.
E. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay magsisismula mula
Nobyembre hanggang Marso, nakatuon sa mga epekto ng
paggawa ng paputok sa mga tao. At ito lamang ay nakatuon
sa mga mamamayan ng Barangay San Juan at Umpuacan ,
San Ildefonso Bulacan, na binubuo ng 4,337 na tao ayon sa
istatistika ng munisipalidad. Mayroon lamang na limampung
(50) respondente, na binubuo ng tatlumpung kalalakihan (30)
at sampung (20) kababaihan mula sa mga naturang
barangay.
E. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Chinese New Year- karaniwang ipinagdiriwang ng mga
tsino
Saltpeter- Isa sa mga sangkap sa paggawa ng
gunpowder
Pulbura- tinatawag ding “ itim na pulbos” , mabilis itong
nasusunog at lumilikha ng gas.
Mitsa- Karaniwang sinisindihan bago paputukin ang
paputok o pailaw.
Devil- Isang klase ng pininong uling na inihahalo sa
pagbuo ng
pulbura.
Sulfur- “ kilala sa tawag na asupre” isa sa mga sangkap
sa pagbuo ng pulbura.
Kwitis- may hugis na kawangis ng rocket, kapag
sinindihan ang mitsa ay lilipad ito pahimpapawaid at
sasabog.Karaniwang ginagamit ito sa mga binyag at
kasal
Roman Candle-Hugis kandila ito na nagbubuga ng
makukulay na ilaw
Five Star- may hugis na “triyangulo”, pinakasikat na uri
ng paputok dahil sa kamurahan nito.
Whislte Bomb- hugis na maliit na “kandila” na humuhuni
at sumasabog kabag sinindihan.
Fountain- Gawa ito sa karton na hugis “korno” na
nagsisilbing “bukal” ng mga ilaw kapag sinindihan
Luces- hugis kandila na gawa sa karton at naglalabas ng
liwanag na may iba’t-ibang kulay
Sinturon ni Hudas- pinagdugtong-dugtong na Five Star
gamit ang Leteng.
Labay- kinulayang tali na sangkap sa pagbuo ng mitsa.
Tupe- piraso ng papel na may parihabang sukat . At
mano-manong tinutupe hanggang maging triyangulo
ang hugis.
Leteng- isang klase ng tali na ginagamit sa pagtitirintas
ng “sinturon ni hudas”.
Raid- karaniwang sinasagawa kung iligel ang mga
produkto o serbisyo.
Salitre- karaniwang ginagamit sa pagpapatigas ng
mitsa.
Uling- karaniwang ginagamit sa paggawa ng mitsa,
kinakailangan upang maging kulay ng mitsa .
Karaniwang pinipino.
F. Paglalarawan ng Pinagsasaliksikan at Mapa
Bayan ng Pinagsasaliksikan
MAPA NG SAN ILDEFONSO
Alamat ng Barangay na Pinagsasaliksikan
ALAMAT NG BARANGAY SAN JUAN
Libing na sa limo tang mga unang araw ng mag
naunangNanirahan sa ngayo’y barangay San Juan. Maging ang mga
matatanda ay hindi na matiyak kung kalian unang nagsidating dito ang
mga mag-anak na siyang humawan sa kakahuyang dati’y laganap dito.
Noon lamang 1982, kung kalian nagkaisa ang mga naririto na
gumawa ng isang bahay-dalanginan, umang petsang natanim sa ala-
ala ng nayon. Yari sa kawayan at kugon, ang bahay dalanginan ay
itinayo bilang parangal sa napiling patron ng kanayunan, ang butuhing
San Juan Bautista.
Sinasabing nagmula roon ang pasiglang pamumuhay rito. Nag
mga tao ay namulat sa kabihasnan kaya’t ang dating makikitid at
mabalahaw na mg adan ay inayos at tinambakan ng mga bato upang
maging tag-ulan ay hindi matigil ang daloy ng mg akalakal mula sa
karatig bayan patungo rito o mula rito patungo sa mg apamilihansa
paligid, ng mga ani ng bukid.
Palibhasa’y nasa bukana at binabagtas ng lansangan nasyunal,
ang San Juan ay nakaranas ng matinding pahirap ng mga dayong
manankop tulad ng kastila at mga hapon. Dahil dito’y maraming mga
tahanan ang napinsala, nasunog, o inulila ng mga naninirahan ng mg
anagdaang digmaan.
Sa mga namuno, amg mga naaala-ala pa’y sina:Basilio Manahan
(1946), Natalio Correa (1947), Angel Valmadrid (1948-’49), Ceferino
Manahan(1950) Ciriaco Sinciangco (1951-’53), Paulino Placido(1954),
Federico Nacu (1955-’57), Marcelino Galvez(1958- ’61), Valentin Badi
(1962-’63), Jose Valmadrid (1964-’68), Ildefonso Bandoy (1968-’72),
Eduardo Gonzales (1972-’82), at Tomas Galvez (1983-’85).
Liban sa gusali ng kapilya at mga bago’t naglalakihang gawaan
ng “hollow blocks”, ng mga kiskisan, at mga modernong tahanan, ang
maayos na paaralang bayan ang makatatawag pansin sa mga
nagdaran sa barangay na ito. Si Bb. Lucia Ramos ng pianaod ang
kinikilalang kaunaunahang giro rito samantalang, noong 1953 nama’y
kung saan binuksan ang 4 na silid aralan ng gusaling pinagkaisahang
itindig ng mga guro’t magulang sa ilalim ng pamumuno ng yumaong
Pedro Borja bilang Pangulo ng PTA at bilang Kalihi- Ingat-yaman
naman, G. Emiliano Reyes. Kaya’t mula sa Veteran’s clubhouse kung
saann nakisilong ang mga mag-aara nito, nag karoon ng pansariling
gusalin ang “San Juan Primary School.”
Ngayo’y napakarami na ng mga taga-rito ang nag sipagtapos
hindi lamang ng primarya kunhg hindi hanggang pandalubha pa sa
mga pamantasn sa loob at labas ng ating mga bayan.
Ayon kay Ricardo Bernardo, ang pagpili naman n patron ay
nangyari noong sumiklab ang digmang Pilipino-Amerikano kung kalian
ng kinakailangana lumikas ang mga taga-Anyatam sa kanilang mg
atahanan binulabog ng mg anagpipingkiang Katipunero at sundalong
Amerikano. Patron santo na noon ng mga taga-anyatam si San Juan
bautista. Dinadala ng maga ito ang kanilang istatwa ng mga santo
maging sa kanilang pageebakweyt ditto ngayo’y Barangay San Juan.
Iniluklok nila ito sa pansamantalang kapilya.
Sinasabi na nuong panahong iyo’y bagtagtuyot, walang ulang
dumadalaw sa ating kapuluan at nawalan ng tubig hindi lamng ang
mga sapa’t ilog kundi pati narin ang mga balon. Tanging isang balon
lamang umaasa ang mga tao rito – doon sa balon nasa tabi ng
pansamantalang kapilya. Ito’ itinuturing nilang “pagmimilagro” ng
patron ng santo.
Paglalarawan ng Barangay na Pinagsasaliksikan
Ang Barangay ng San Juan ay may populasyon na bibubuo ng 4,337 na
tao. Ang karaniwang ikinabubuhay ng mga tao rito ay ang mga
sumusunod:
Pagsasaka
Paghahalaman
Panghahayupan
Pagnenegosyo
Tricycle Driving
Pagtitinda
At ibang maaring pagkakitaan
Mga Naging Kapitan Mula 1984
(1984-’86)- Tomas Galvez
(1987-’89)- Bonifacio Bade
(1990-’92)- Bonifacio Bade
(1993-’95)- Bonifacio Bade
(1996-’98)- Nimencio Rivera
(1999-2001)- Nimencio Rivera
(2002-2004)- Nimencio Rivera
(2005-2007)- Epifania Galvez
(2008-2010)- Epifania Galvez
(2011-2013)- Epifania Gavez
Alamat ng Barangay Umpucan
Dati-rati’y ang pook na ito ay kilala bilang pook pulasan sapgkat
ditto nakakakuha ang mga tao ng mga malalaking ratano yantok o
pulasan. Noo’y tunay na gubat pa ito,at pinamamahayna lamang ng
mga mababangis na hayop.
Unti-unti, noong panahon ng kastila, pinmahayn na rin ng mga tao ang
pook na ito. Nagkaroon ng panahon na ginawang taguan ng mga
bandido ang madaawng palibot ng Pulong Pulasan. Iasa sa mga iyon
an gang kilabot na mangungulimbat, Mariano Malakas na may alyas na
Marianong Palakaw. Siya’y kinatatakutan ng mga kastilang pari at mga
nanunungkulan sa pamahalaan kahit na anong pagbabalak ang gawin
nitong huli’y lagi nitong naaalpasan palibhasa’y binigyan siya ng
tulomg ng mga taga rito. Ang ginawa ng may mga kapangyarihan ay
sapilitang pinalikas ang mga naririhan rito sa isang pook nang wala
nang mapagkunan ng pagkain at iba pang pangangailangan ang
tulisan. Ang mga tumangging sumama sa umpukan ng mga bahay ay
inutusang magsilikas sa ibang pook at dahil ang kanilang mga sakahan
at pastulan ng mga tao ay pumayag sa gayong kaayusan.Mula noon ay
tinawag nila itong barangay umpukan.
MAPA NG SAN JUAN
Tsapter II
Mga kaugnay na literatura at pag aaral
A. Literatura
Dayuhan
Ang paputok ay isang uri ng kagamitan na ginagamit sa mga
pangrelihiyosong pangkasiyahan at pangkaganpan.
NAglalaman ng kemikal na nakakalikha ng malalakas na
ingay, usok at iba’t-ibang ekshibisyon sa larangan ng iba’t-
ibang kulay na nilalabas na ito (Encyclopedia International
1973).
Ayon sa Encyclopedia Americana (1990), sa maramoiung
bansa ginagamit ito upang ipagdiwang mga selebrasyon
tulad ng mg aarawng Mga Patay, Pagsalubong ng Tagsibol
sa Alemanya Semana Santa sa Mexico at araw ng mga Santo
sa Timog Amerika at mga holidays. Katulad sa fourth Of July
ng Estados Unidos.
Ang Paputok ayon sa World Encyclopedia (1971), ay
kombimasyon ng pulbura at ibat ibang sangkap tulad ng mg
akemikal na nakakalikha ng pagsabog at nagdudulot ng
ingay at makukulay na ilaw kapag ito’y sinindihan. Ito’y
delikado sapagkat naglalaman ito ng pulbura , tanging
eksperto lang ang may kakayahang gumawwa nito,
ginagamit din ito bilang signal sa mga daraanan at kalsada
ng mga tren.
Ayon sa the colliers encyclopedia(1979) , ang paputok ay
tinatawag na pyrotechnics, dating kilala ito bilang artipisyal
na pampasabog , isa itong mahalagang ahensya upang
maklikha ng ingay, init, usok, iba’t-ibang makukulay na ilaw
sa iba’t-ibang porma at mga hugis.Ginagamit rin ito mbilang
pang-militar na ehersisyo at upang manlibang.
Ayon sa Encyclopedia Britanica (2002), ang paputopk ay
isang likhang-tunog na kagamitan na sumasabog na
ginagamit upang manlibang . Nagmula sa Tsina na
pinaunlad bilang mga rocket at mga missile. Dalawa ang
klase ng paputok ang forced, spark at flame at ang forced
spark.
Lokal
Ayon kay Mer Layson 2011, Ang mga fine particles sa hangin
na galing sa paputok ay maaaring makpasok sa baga,
habang ang ilan pa dito ay tiyak na humahalo na nagdudulot
ng polusyon sa hangin.
Tinatayang halos 1000 na katao taon-taon ang nagtatamo ng sakuna dulot ng pagpapaputok,
ayon sa mga datos ng Department of Health, at marami sa ito ay mga bata. Inaasahang ang
kampanyang isinasagawa ngayon ay makakabawas (kung hindi man makakaiwas) sa mga
sakuna.
http://kalusugan.ph/kampanya-kontra-paputok-inilunsad-ng-doh/
Ayon sa isang blog ,Binibigay ang mga paputok ng kaunting segundo ng kasiyahan lamang, pero ito ay nagbibigay ng permanenteng pagkasira sa ating mundo. Ang pinakamalinaw na epekto, ay tumataas ang mga fireworks ng “carbon dioxide levels” ng mundo natin dahil sa lahat ng usok na galing sa mga paputok .
http://rwng14.wordpress.com/2012/01/28/ang-kasamaan-ng-paputok/
pag-aaral
Dayuhan
Local
Tsapter III
Pamamaraan ng pananaliksik
a. Pamamaraan at teknik
Sa aming ginawang pag-aaral kami ay gumamit n
mga paraan kung saan maaari kaming makakalap
ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
amnig paksa, ang paggawa ng
paputok:pinagmulan, mga suliranin ng mga
manggagawa sa pagbuo nito”. Aming ginamit ang
pamamaraang panlarawan bilang basehan sa
kasalukuyang panahon at sitwason
b. Respondent
Sa aming isinagawang pag-aaral, kami ay
nagsaliksik ng mga taong may kinalaman at may
kaugnay sa paglikha ng mga paputok
Nakakalap kami ng mga datos ng mga
manggagawa na mula sa bayan ng san
ildefonso;ang barangay ng san Juan At Barangay
umpukan
Kami ay kumuha ng 35 respondente sa barangay
ng San juan na binubuo ng 27 lalaki at 8 babae,
at sa barangay umpukan namn ay 10 lalaki at 5
babae.
c. Teknik at sampling
Sa aming ginawang pag-aaral kami ay masusing
nangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga
manggagawa ng paputok sa mga nasabing
barangay. Kami ay masusing namili ng mga taong
may kinalaman sa paggawa ng paputok.
d. Instrumento sa pananaliksik
Sa aming ginawang pag-aaral, kami ay nagtungo
sa mga paggwaan at tahanan ng mga mga
napiling respondent n gaming pag-aaral dala ang
aming mga questionnaires. At camera upang
kunan sila habang gumagawa ng paputok.
e. Paglalapat ng statistics
Sa aming ginawang pag-aaral, gumamit kami ng
pormula upang makuha ang bahagdan sa aming
binuong mga katanungan. Ito ay ang sumusunod:
P=f/n x 100
P = porsyento
F= bilang ng isinagot
N = bilang ng mga sumagot
Tsapter iv
Paglalahad, pagsusuri, at interpretrasyon ng mga
datos
Kami sa piling dalawang barangay sa bayan ng
san ildefoso, bulacan . sa pagsasaliksik na aming
ginawa ang mga sumusunod na datos ang aming
nakalap.
Talhanayan Blg. 1
Kasarian ng mga Manggagawa
Bilang Bahagdan Pwesto
Kasarian
Lalaki 30 60 1
Babae 20 40 2
Kabuuan 50 100%
Sa talahanayang ito ay ipinapakita na mas marami ang bilang ng mga lalaking gumagawa ng paputok, kumpara sa mga kababihan.
Talahanyan blg.2
Edad
LALAKI BABAE KABUUAN BAHAGDAN RANGGO
EDAD
10-15 6 1 7 14% 2
16-20 7 3 1 20% 1
21-25 2 4 0 12% 3
26-30 4 1 6 10% 4
31-35 3 3 5 12% 2
36-40 3 1 4 8% 5
41-45 2 4 6 12% 3
46-50 3 3 6 12% 3
Iba pa 0 0 0 0% 6
KABUUAN 30 20 50 100%
Sa talahanayang ito ipinapakita na ang edad ng mga lalake at babae na gumagawa ng paputok. Pinapatunayan nito na ang edad 16-20 na nasa unang pwesto, na kabataan ang nalilinya sa produksyon ng paputok.
Talahanayan blg.3
Katayuang sibil
aytem Bilang Bahagdan pwesto
Katayuang sibil
Single 23 46% 1
Kasal 17 34% 2
Live-in 10 20% 3
Biyudo/biyuda 0 0% 4
Iba pa 0 0% 4
kabuuan 50 100%
Sa talahanayang ito ipinapakita na ang karaniwang manggagawa ng paputok ay mga single na nasa unang pwesto.
Talahanayan blg.4
Aytem Gradweyt Di-Gradweyt kabuuan bahagdan pwesto
Antas ng pinag-aralan
Elementarya 13 9 22 26% 2
Sekondarya 15 10 25 28% 1
Kolehiyo 0 3 3 30% 3
Iba pa 0 0 0 20% 4
kabuuan 28 22 50 100%
Sa talahanayang ito ipinapakita na ang antas ng pinag-aralan ng mga manggagawa ng paputok ay ang mga nakatapos ng sekondarya na nasa unang pwesto
Talahanayan blg.5
Aytem
Bilang Bahagdan PwestoHanapbuhay
Farmer 7 14% 1
Factory worker 14 30% 2
Self-employed 4 8% 4
Wala 15 30% 3
Iba pa 9 18% 5
Kabuuan 50 100%
Ipinapakita sa talahanayang ito na ang karaniwang manggagawa ng paputok ay iyong mga factory worker na nasa unang pwesto. Pinapatunayan lamang nito na ang dahila paggawa ng
paputok ay para magkaroon ng extra-income
Talatanungan
Talahanyan blg.6
1. Paaano nakakaapekto ang paggawa ng paputok?
Kaugnay sa pamayanan
KasagutanBilang Bahagdan Pwesto
Nagkakaroon ng pansamantalang trabaho
Nakapagbibigay ng extra-income sa mga kababaihan
28 25.0% 2
Nabibigyan ng trabaho ang out of school youth
20 17.90% 4
Nagkakaroon ng pagkakataong kumita, lalo na nalalapit ang bagong taon
26
23.2%
5
Naisasalalay ang kaligtasan sa pang araw-araw sa tuwing gumagawa
9 8% 3
Iba pa 0 0% 6
Kabuuan 112 100%
Ipinapakita sa talahanayang ito na ang paggawa ng paputok ay nakakaapekto sa pamayanan sa pamamagitan na nagkakaroon sila ng di-pirmihang trabaho na nasa unang pwesto . Isang
datos na nagpapatunay na ang pagawa ng paputok ay pansamantala lang at di-pangmatagalan.
Talahanayan bilang 7.A.Sa kalusugan
Sa kalusugan Bilang Bahagdan Pwesto
Pag-ubo 21 18.8% 3
Pananakit ng ulo
23 20.5% 2
Pananakit ng katawan
24 21.4% 1
Eye irritation 18 16.1% 4
Stress 21 18.8% 3
Iba pa 5 4.4% 5
Kabuuan 112 100%
Ipinapakita sa talhanyang ito na ang karaniwang nararanasan ng mga gumagawa ng paputok ay ang pananakit ng katawan na nasa unang pwesto.
Talahanayan blg.7
Aytem
Sa mga manggagawa
Bilang Bahagdan Pwesto
Pagbabawal sa mga bata na lumapit sa
gawaan
43 23.4% 1
Maingat na pagkakarga ng
pulbura
36 19.2% 3
Pagbabawal sa mga nakainom ng alak na
gumawa
32 17.3% 4
May kaalaman sa alituntunin sa ligtas
na paggawa
32 17.3% 4
Pagbabawal sa paninigarilyo malapit
sa gawaan
42 22.8% 2
Iba pa 0 0% 5
kabuuan 185 100%
Ipinapakita sa talahanyang ito na ang pag-iingat na ginagawa ng may-ari ng paggawaan hinggil sa pag-iingat na ginagawa sa kanilang mga tauhan ay pinaprayoridad ang
pagbabawal sa mga manggagawa ng paputok na nasa unang pwesto,sa kadahilanan na upang maiwasan ang mga disgrasya na
Aytem
Bilang Bahagdan PwestoSa pagtetesting
Lumayo sa pagawaan sa tuwing
mag-tetesting
45 25.14% 1
Tanging may kasanayan lang an gang magtetesting
35 19.55% 3
Tinitiyak na isa lang ang magtetesting,
maaari itong magdulot ng pinsala sa ktawan sakiling
matamaan o maapakan ang may
sinding paputok
31 17.32% 4
Pagbabawal sa mga menor de eda na
magtesting
29 16.20% 5
Tinitiyak na malayo sa mga kabahayan bago pa
man mag-testing
39 21.79% 2
Iba pa 0 0% 6
Aytem
Bilang Bahagdan PwestoSa mga gawaan
Tinitiyak na malayo ang pagawaan sa mga
bahay
43 23.12% 1
Tinitiyak na walang batang makakalapit sa
gawaan
36 19.35% 3
Tinitiyak na sumusunod sa mga
panunutunang itinakda ng lokal na
pamahaaan
32 17.20% 5
Tinitiyak na sinusunod ng mga manggagawa ang pamantayan sa
kaligtasan
35 18.82% 4
Tinitiyak na walang bagay na
makapagdudulot ng apoy
40 21.51% 2
Iba pa 0 0%
kabuuan 179 100%
Talahanyan blg.7
Gaano kahirap na gumawa ng paputok?
Bilang Bahagdan Pwesto
Mahirap, dahil maghapon nakaupo, gumaganat lahat
ng parte ng kamay at nakakangalay sa katawan,
nakakahapo
44 28.21% 1
Mahirap, dahil nasasakripisyo ang aming kaligtasan at
kalusugan
34
21.79% 2
Mahirap, dahil komplikado ang proseso lalo na sa pagkakarga ng pulbura
30 19.23% 3
Mahirap, dahil may kota na dapat mayari sa isang buong
araw
23 14.74% 5
Mahirap, dahil may takot sa dibdib, dahil mayroong
biglaang raid
25 16.03% 4
Iba pa 0 0% 6
kabuuan 156 100%
Paano ka naghahanda sakaling may sorpresang raid ang mga
awtoridad? Bilang Bahagdan Pwesto
Isasara ang pinto at mananahimik upang hindi
magdudulot ng ingay upang hindi madinig ng pulis
13 26%
3
Dali-dailing aalis sa lugar na pinag-gagawaan at
maghuhugas ng kamay upang sakaling mahuli ng
awtoridad ay walang ebidensya
15 30% 2
Hindi maghahanda dahil may permit ang gawaan
22 46% 1
Iba pa 0 0% 4
kabuuan 50 100%
Mga dahilan kung bakit ka gumagawa ng paputok
Bilang Bahagdan Pwesto
Dahil medaling magkapera 15 21.3% 2
Para magkaroon ng extra-income
38 12.8% 4
Walang trabaho 21 18.1% 3
Nakasanayan na 21 41.5% 1
Libangan 5 6.4% 5
Iba pa 0 0% 6
kabuuan 100 100%
Sinu-sino ang nag-udyok na gumaea ka
ng paputok?
Bilang Bahagdan Pwesto
Mga magulang / Kamag-anak
20
Mga kaibigan / at barkada
12
Mga namumuhunan 17
Sariling kagustuhan 39
Mga kakilala 6
Iba pa 0
kabuuan 94
Anu-ano ang mga klase ng paputok ng paputok na inyong ginagawa?
Bilang Bahagdan Pwesto
Sinturon ni hudas (100,200,500,1000,2000,5000,1000
rounds)
37 28.03% 1
Kabase 16 12.12% 4
Five star 36 27.27% 2
Kwitis 20 15.15% 3
Whistle bomb 12 9.1% 5
Fountain 11 8.3% 6
Iba pa 0 0% 7
132 100%