Upload
phamdieu
View
271
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
Nang Matuto Ka at Magising
B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a lB u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m
d e p A r t M e N t o f e d u c A t i o N
2
Pag-aa
ri ng P
amah
alaan
HINDI IP
INAGBIB
ILI
INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011
Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL
1
Basahin NatinBasahin ang dayalogo. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Sa ospital nagkita ang magkumareng Nelia at Tuding…
2
3
4
5
6
Subukin Natin
1) Nang magkasakit si Junjun, ibinili siya ni Aling Nelia ng gamot sa ubo sabotika sa halagang P 225.00. Bumili pa siya ng pampahid sa likod sahalagang P 150.00. Magkano lahat ang nabili niyang gamot?
2) Nang sumunod na linggo, lumala ang ubo ni Junjun. Bumili uli si AlingNelia ng gamot sa botika. Iba namang “brand” ang kanyang binili sa masmataas na halagang P 310.00. Binili pa niya ang gamot na inireseta ngdoktor na nagkakahalaga ng P 416.50. Magkano lahat ang nagastos niAling Nelia para sa ubo ni Junjun?
3) Kung ang badyet ni Aling Nelia sa gamot ni Junjun ay P 900.00, magkanoang naidagdag sa kanyang badyet?
7
Alamin Natin
Aralin 1: Pagkilala, Paghahanda at Paggamitng mga Halamang Gamot
Halamang Maaaring Gawing Dekoksiyon
1. Sambong (para sa mga maysakit sa bato at sa mga binabalisawsaw)
Pagkilala:• Palumpong (shrub) na tumataas ng 3 metro• May bulo ang dahon
Paggamit:• Hatiin sa 3 bahagi ang inilagang gamot• Inumin sa umaga, tanghali at gabi
Paalala:• Hindi ito gamot sa impeksiyon sa bato o ihi.
8
2. Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagongpanganak, tsaa para sa mga nagtatae, at mga namamagang gilagid)
Paggamit:
• Hugasan ng inilagang gamot ang sugat nang dalawang (2) beses.• Maaari rin itong ipainom sa sumasakit ang tiyan dahil sa pagtatae.• Magagamit din itong pangmumog sa namamagang gilagid.
3. Ulasimang Bato (para sa pampababa ng “uric acid” sa dugo)
Pagkilala:• Isang uri ng damo na makatas at hugis- puso ang dahon
Paghahanda/Paggamit:
• Salad− Hugasang mabuti ang mga dahon− Maghanda ng 1 ½ baso ng sariwang dahon− Hatiin sa 3 at kainin ito sa umaga, tanghali at gabi.
9
• Dekoksiyon− Hugasang mabuti ang mga dahon− Maghanda ng 1 ½ baso ng sariwang dahon− Pakuluan ang dahon sa dalawang basong tubig sa mahinang
apoy sa loob ng 15 minuto− Huwag takpan ang palayok− Palamigin at salain− Hatiin sa 3 ang pinaglagaan at inumin ang bawat isa
sa umaga, tanghali at gabi pagkatapos kumain
4. Ampalaya (mabisang panlunas sa sakit na diyabetes)
Pagkilala:• Baging, namumulaklak, at namumunga• Bunga at dahon ay kinakaing gulay
Paggamit:• Inumin ang pinaglagaan 3 beses sa maghapon, 30 minuto
bago kumain• Ang murang dahon ay maaaring pasingawan at kainin (1/2 baso
2 beses maghapon)
10
5. Lagundi (para sa hika at ubo)
Pagkilala:• Palumpong (shrub), tumataas nang may 5 metro
Paggamit:• Hatiin sa 3 ang pinaglagaan• Inumin ang bawat isa tuwing ika-apat na oras
Anu-ano ang ibang uri na dapat pag-ingatan? Bakit?
6. Herba Buena (para sa pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan)
Pagkilala:• Halamang gumagapang na amoy mint• May apat na kanto ang tangkay at kulay berde• Ang dahon ay magkakatapat, magaspang, at kulubot.
11
Paggamit:• Hatiin sa 3 ang pinaglagaan• Inumin ang bawat isa sa umaga, tanghali, at gabi• Maaaring dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa bahaging
nananakit
7. Akapulko (para sa an-an, buni, galis-aso at alipunga)
Pagkilala:• Palumpong (shrub) na tumataas nang 3 metro o higit pa• May bulaklak na kulay dilaw na matatagpuan sa dulo ng mga
sanga• May maliliit na bunga na may maliliit na buto
Paggamit:• Ipahid ang katas sa apektadong balat 1-2 beses maghapon
Paalala:• Ang sariwang dahon ng akapulko ay maaaring gawing
dekoksiyon para sa may allergy
12
• Magpakulo ng 1 basong tinadtad na dahon sa 2 basong tubig saloob ng 15 minuto o hanggang maging 1 baso na lamang
• Ihugas ito sa apektadong balat 1-2 beses maghapon
Tandaan NatinPaghahanda ng Halamang Gamot
Mga Kagamitan:
• Gumamit lamang ng palayok, enamel o anumang kagamitanghindi yari sa aluminum (para walang tingga ang nilutonggamot)
Paalala:A. Pagpapakulo
- hugasang mabuti ang mga dahon- maghanda ng 1 basong tinadtad na dahon at 2 basong
tubig
13
- ilagay sa malinis na palayok at pakuluan sa mahinangapoy sa loob ng 15 minuto
- palamigin at salain
B. Pagsukat- Gumamit lamang ng isang uri ng panukat para sa dahon
at sa tubig.
C. Pagpili- Gamitin lamang ang bahagi ng halamang iminumungkahi.
D. Paggamit- Sundin ang wastong dosis- Gumamit lamang ng isang uri ng halaman sa bawat
sintomas o karamdaman- Ihinto ang paggamit ng halamang gamot kung
magkakaroon ng hindi kanais-nais na reaksiyon (tuladng allergy)
- Kung walang nararamdamang pagbabago pagkataposng 2 o 3 araw na paggamit, kumonsulta sa doktor.
14
Mga Kagamitan sa Pagluluto
• kalan• palayok o stainless na lutuan• sandok na kahoy• baso• kutsilyo• boteng sisidlan
Mga Sangkap:
• asukal• tubig• kandila• mantika• halamang gamot
15
Paggawa ng Dekoksiyon
• Ihanda ang mga kagamitan para sa pagluluto at mga sangkap
• Hugasang mabuti ang dahon
• Gayatin ang hinugasang dahon
• Pagsamahin ang isang takal na ginayat na halamang gamot at 2basong tubig (Sa bawat isang basong ginayat na dahon 2 basongtubig ang kailangan at sa pagtatakal ay siguruhing isang klaselang ng baso ang gagamitin para sa tubig at dahon)
• Pakuluan ng 15 minuto sa mahinang apoy (simulang orasan saunang pagkulo)
• Huwag takpan ang palayok sa pagpapakulo
• Salain ang pinaglagaang dahon sa isang malinis na baso omangkok (ang dekoksiyon ay maaaring gamitin sa loob ng2 araw)
16
Paggawa ng Akapulko Ointment
• Hugasang mabuti ang sariwang dahon• Gayatin ang hinugasang dahon• Haluin ang isang basong ginayat na dahon sa isang basong
mantika, cooking oil o langis ng niyog.• Lutuin sa mantika hanggang lumutong ang dahon• Hanguin at salain
17
Alamin Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit kailangang gumamit ng isterilisadong sisidlan sapag-iimbak ng halamang gamot?
2. Bakit ang palayok o stainless na lutuan ang dapatpagpakuluan ng dekoksiyon?
18
Subukin Mo
Pagsunud-sunurin ang mga paraan ng tamang paghahanda nghalamang gamot sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang 1-6 sa patlang.
Gayatin ang hinugasang dahon.
Ihanda ang mga kagamitan sa pagluluto at mga sangkap.
Salain ang pinaglagaang dahon sa isang malinis na basoo mangkok.
Hugasang mabuti ang dahon.
Pakuluan ng 15 minuto sa mahinang apoy (simulangorasan sa unang pagkulo).
Pagsamahin ang isang takal na ginayat na halamanggamot at 2 takal na tubig.
19
Alam Mo Ba?
Lagyan ng tsek (!) ang patlang kung tama ang sinasabi ng pangungusapat ekis (") kung mali.
1. Mahalagang kilalaning mabuti ang mga halamanggamot bago gamitin.
2. Maaaring magkaibang takalan ang gamitin sapagtakal ng tubig at halamang gamot.
3. Gumamit lamang ng isang uri ng halaman sa bawatsintomas o karamdaman.
4. Itigil ang paggamit ng halamang gamot kapagnakaranas ng hindi kanais-nais na reaksyon tulad ngallergy.
5. Palayok o stainless na lutuan ang dapat pagpakuluanng dekoksyon.
20
B. Piliin sa loob ng bilog ang mga pangalan ng halamang gamot natumutugon sa mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
1. Magaling na lunas sa sakit ng tiyan
2. Mabisang gamot sa ubo at diyabetes
3. Panglanggas ng sugat, para sa namamagang gilagid
21
4. Magaling na pampaligo sa mga bagong nanganak
5. Mabisang gamot sa mga binabalisawsaw at hindi maihi
BayabasSabila
SambongBanaba
Ampalaya
Tsaang-gubat
22
Kwentahin NatinBasahin at sagutin ang mga suliraning sumusunod.
Si Aling Nelia ay naging interesado sa pag-iimbak ng mga halamanggamot ngunit wala siyang mga gamit sa paghahanda ng mga ito. Nagtayosila ng grupo ng kababaihan sa kanilang lugar at tinulungan sila ng mgaopisyal ng barangay upang makabili ng mga kasangkapan. Binigyan silang halagang P 1,500 para pambili ng mga kagamitan.
Ito ang kanilang binalak bilhin:• palayok - P 80.00• salaan - 55.00• baso - 26.50• kutsilyo - 77.25• kalan - 1,275.00• sandok na kahoy - 23.75
1. Magkano lahat ang kabuuang halaga ng bibilhin nilang kagamitan?2. Magkano ang halagang kailangan pa nila upang mabili lahat ang
kanilang kailangan?
23
3. Kung ikaw ang pinabili, paano mo pagkakasyahin ang pera?
4. Ang isang takal ng halamang gamot ay nangangailangan ng 2 takalng tubig.
Kung 2 takal ng halamang gamot ang iyong inihanda, ilang takalna tubig ang dapat mong ilagay dito? Kung tatlo? Kung apat?
24
Aralin 2: Botika sa Likod Bahay
Aba Pare, abalang-abalaka sa pagtatanim. Parasaan ba yan?
Di pa ba nakarating sa’yoang rebolusyong ginawa ngkababaihan sa ating lugar?
25
Hindi Pare, ang ibig kongsabihin, nagtayo ngsamahan ang atingkababaihan para matulunganang ating komunidad namaging maayos.
Ano!, Rebolusyon? Sumali naba sila sa mga maka-kaliwa?.....Aba!....di ko alamyun ah! Eh, ano naman angkaugnayan niyang pagtatanimmo?
26
Magandang umaga Mare!E, ano ba ang sadya mo saKumare mo? Sabihin mo nanang hindi ka na maabala.
Aba Pareng Larry! Buti’tnapadaan ka, balak ko pasanang dumaan sa inyo paramakausap si Mare. Tayo na sabahay muna at makapagkape.
27
Mabuti pa nga Pare, may proyekto kasi angmga kababaihan na mapaunlad angpagtatanim ng mga halamang gamot, at angbawat pamilya ay maakit na magtanim ngsariling halamang gamot.
Ganun ba! Kaya ba kaninapang umaga abala si Paresa pagtatanim? Aba’y sigeMare, maasahan mo angpakikiisa namin.
28
Pag-usapan Natin
Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang sagutan.
1. Bakit mahalaga ang proyekto ng kababaihan?
2. Kung kasapi ka ng samahang ito, ano sa palagay mo ang kayamong maiambag upang magtagumpay ang proyektong ito?
3. Sa palagay mo ba kailangan din ng inyong komunidad ang mgaganitong proyekto ?
29
Tandaan NatinKung nais mong magkaroon ng botika sa likod ng iyong bahay, narito ang dapat mongisaalang-alang
• PagtatanimPumutol ng sangang may tatlong buko
• Patulisin ang dulo ng sanga at ibaon ito sa lupa hanggangsa bahaging may kasamang isang buko.
• Pag-aalaga• Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng 2 linggo• Diligan araw-araw• Gumamit lamang ng natural na pataba gaya ng dumi ng manok, bulok na dahon,
at iba pa,• Huwag gumamit ng pestisidyo dahil ito’y maaaring mag-iwan ng lason sa halaman• Panatilihing malinis ang paligid ng halaman
• Pag-aani• Anihin lamang ang malulusog na dahon• Patuyuin sa mahangin at malilim na lugar hanggang maging malutong ang dahon• Iwasang mapabilad ang dahon sa init ng araw
• Pag-iimbak• Ilagay sa plastik ang pinatuyong dahon• Iimbak sa garapong may kulay na may uling• Takpang mabuti
30
Subukin MoLagyan ng ! (tsek) ang lahat ng patlang ng tamang sagot.
1. Magiging magandang halimbawa ka ng iyong komunidad kungikaw ay
tumutulong sa pagkakalat ng basuramahilig maghatid ng mga tsismistumutulong sa pagpaparami ng mga halamang gamothindi lumalabas ng bahay
2. Ang mga asawang lalaki o bana na tumutulong sa kababaihan sainilunsad nilang rebolusyon ay
under de sayamabuting kabiyakmay malasakit sa komunidadnagbibigay inspirasyon sa kababaihan
3. Kung ikaw ay walang lugar na pagtataniman ano ang maaari monggawin upang makatulong sa proyekto ?
magtanim sa mga lata at supot na plastikmanguha sa ibang barangay ng mga pananimsirain ang pananim ng iba
31
Alam Mo Na Ba?
A. Isulat ang titik ng salita sa patlang ayon sa sinasabi ng pangungusap.
A B C D
Pagtatanim Pag-aalaga Pag-aani Pag-iimbak
1. Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng 2 linggo.2. Anihin lamang ang malulusog na dahon.3. Ilagay sa plastik ang pinatuyong dahon.4. Patulisin ang dulo ng sanga at ibaon sa lupa.5. Gumamit lamang ng natural na pataba.6. Panatilihing malinis ang paligid ng halaman.7. Iwasang mapabilad ang dahon sa init ng araw.8. Iimbak sa garapong may kulay at lagyan ng uling.9. Patuyuin sa mahangin at malilim na lugar hanggang maging
malutong ang dahon.
32
B. Sundin ang sinasabi ng panuto.
1. Ang sanga na itinatanim sa halamang gamot ay dapat na may 3buko. Kung tama ito gumuhit ka ng bulaklak sa kahon, kung malinaman, gumuhit ng dahon.
2. Sa pag-aani ng halamang gamot, siguraduhing hanggang sa ugatang makukuha mo upang ito’y maging mabisa. Kung sang-ayon kadito, lagyan mo ng tatlong titik B ang bawat bilog. Kung hindi kasang-ayon, lagyan mo ng mga ekis (x) ang bawat bilog nito.
33
3. Alin sa mga pahayag na sumusunod ang walang kaugnayan saparaan ng pag-aalaga ng halamang gamot. Iguhit mo sa katapatna patlang nito ang limang (5) ekis.
Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng isanglinggo.Diligan araw-araw.Kainin ang mga bunga ng puno.Gumamit lamang ng mga natural na pataba.Huwag gumamit ng pestisidyo.