3
,, ..... _ by __ ~.-1;!!~~-::-;::-;;'.:~ Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA Province of Laguna I Date: SIP! MULA SA KATITIKAN NG IKA-SAMPUNG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG LUNES, IKA-5 NG MARSO, 2012 SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD. Mga Dumalo: 1. Kgg . ARNEL DC. GOMEZ 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. MYTHOR C. CENDANA 4. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 5. Kgg. MA. THERESA C. AALA 6. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 7. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL 8. Kgg. ANTONIA T. LASERNA 9. Kgg. ERIC T. PUZON 10. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 11. Kgg. EDWARD FERNANDITO S. TIONGCO 12. Kgg. RODRIGO B. MALAPITAN 13. Kgg . INA CLARIZA B. CARTAGENA - Pangalawang Punong-lungsod, Namuno - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong- Barangay - Kagawad, Pangulo ng Sangguniang Kabataan Pederasyon ******************** KAPASIYAHAN BLG. 27-2012 (Sa mungkahi ni Kgg . Carvajal na pinangalawahan ni Kgg. Tiangco) ANG KAPASIYAHAN NA NAGPAPABOT NG PAGLILINAW SA LIHAM NG KAPIHAN SA SANTA ROSA NA MAY PETSA IKA-24 NG PEBRERO 2012, GAYUNDIN ANG PAGLILIWAT NG KANILANG LIHAM SA TANGGAPAN NG PUNONG-LUNGSOD PARA SA KANYANG PAGSASAALANG-ALANG. YAYAMANG, ang mga kinatawan ng Kapihan sa Santa Rosa ay nagsulit ng liham sa Sangguniang Panlungsod na may petsa Ika-24 ng Pebrero 2012 na nagsasaad ng pagsasagawa ng "Public Dialogue with the Lawmakers" sa Ika-14 ng Marso, 2012 hinggil sa ipinatutupad na SP Ordinance No. 1729-2011 ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna; na batay at isinasaad ng kanilang liham ang sumusunod na kadahilanan na : Ang mga nagsisipagbayad ng buwis ay nagulat , di-nasisiyahan at diumano'y nagagalit sa biglaang pagtaas ng buwis na nagiging pabigat sa kanila ; Kung saan at sa anong layunin gagastusin ang karagdagang buwis na malilikom; na sila ay nag-organisa ng isang public forum hinggil sa usaping ito noong nakaraang Nobyembre nguni't di dumalo ang mga kagawad ng Sanggunian; 5/F City Government Center; J. P. Rizal Blvd., City of Santa Rosa, Laguna - Tel. No. (049) 530-0015 Local 5100-5104 \ "Serbisyong Makatao, Li.Jngsod na Makabago"

2016/2012/27-2012.pdf · NGAYON, SAMAKATIJWID, sa pamamagitan ng isang mungkahing pinangalawahan ay: IPINASISIY A, at ngayon nga ay IPINASIYA na iparating sa Kapihan sa Santa

Embed Size (px)

Citation preview

,,....._ ~

by __ ~.-1;!!~~-::-;::-;;'.:~

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna I Date:

SIP! MULA SA KATITIKAN NG IKA-SAMPUNG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG LUNES, IKA-5 NG MARSO, 2012 SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD.

Mga Dumalo:

1. Kgg. ARNEL DC. GOMEZ

2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. MYTHOR C. CENDANA 4. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 5. Kgg. MA. THERESA C. AALA 6. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 7. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL 8. Kgg. ANTONIA T. LASERNA 9. Kgg. ERIC T. PUZON

10. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 11. Kgg. EDWARD FERNANDITO S. TIONGCO 12. Kgg. RODRIGO B. MALAPITAN

13. Kgg. INA CLARIZA B. CARTAGENA

- Pangalawang Punong-lungsod, Namuno

- Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong­Barangay

- Kagawad, Pangulo ng Sangguniang Kabataan Pederasyon

********************

KAPASIYAHAN BLG. 27-2012 (Sa mungkahi ni Kgg. Carvajal na pinangalawahan

ni Kgg. Tiangco)

ANG KAPASIYAHAN NA NAGPAPABOT NG PAGLILINAW SA LIHAM NG KAPIHAN SA SANTA ROSA NA MAY PETSA IKA-24 NG PEBRERO 2012, GAYUNDIN ANG PAGLILIWAT NG KANILANG LIHAM SA TANGGAPAN NG PUNONG-LUNGSOD PARA SA KANYANG PAGSASAALANG-ALANG.

YAYAMANG, ang mga kinatawan ng Kapihan sa Santa Rosa ay nagsulit ng liham sa Sangguniang Panlungsod na may petsa Ika-24 ng Pebrero 2012 na nagsasaad ng pagsasagawa ng "Public Dialogue with the Lawmakers" sa Ika-14 ng Marso, 2012 hinggil sa ipinatutupad na SP Ordinance No. 1729-2011 ng Lungsod ng Santa Rosa, Laguna; na batay at isinasaad ng kanilang liham ang sumusunod na kadahilanan na:

Ang mga nagsisipagbayad ng buwis ay nagulat , di-nasisiyahan at diumano'y nagagalit sa biglaang pagtaas ng buwis na nagiging pabigat sa kanila ;

Kung saan at sa anong layunin gagastusin ang karagdagang buwis na malilikom;

na sila ay nag-organisa ng isang public forum hinggil sa usaping ito noong nakaraang Nobyembre nguni't di dumalo ang mga kagawad ng Sanggunian;

5/F City Government Center; J. P. Rizal Blvd., City of Santa Rosa, Laguna - Tel. No. (049) 530-0015 Local 5100-5104 \

"Serbisyong Makatao, Li.Jngsod na Makabago" ~

••

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna I

~

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Pahina 2 ng Kap. Big. 27-2012

na sa pamamagitan ng pinapanukalang dayalogo ay inaasahan na magkakaroon ng pamamaraan upang mabigyan ng pansin ang mga hinanakit ng mamamayan.

YAYAMANG, nauunawaan ng kapulungan ang hangarin ng Kapihan sa Santa Rosa ay ninanais ng Sangguniang ito na iparating ang mga sumusunod na komento at pagilinaw:

na ang pagsususog sa Revenue Tax Code at Schedule of Base Unit Market Values of Real Properties, lalo na ang paksain hinggil sa Real Property Tax ay isang National General Revision at "initiative1

' mula sa National Government sa pamamagitan ng mga Circular mula sa Department of Finance at Department Of Interior and Local Government; na itong mga pamatayang ito ay sinunod lamang ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa pamamagitan ng Ehekutibo o Tanggapan ng Punong-lungsod na siyang nagbuo ng Local Tax Committee na siyang nag-aral sa patnubay ng mga dalubhasang kinatawan ng kinauukulang mga Departamento ng Pamahalaang Nasyonal;

Na sa ilalaim ng itinatadhana naman ng binanggit na Section 7, Article III ng Konstitusyon ng Republika na tumatalakay sa karapatan na dito ay itinatala na nagsasaaad na " kilalanin ang karapatan ng taong bayan na mapagbatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na record x x x x x" ay maliwanag naman na nakatupad ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng paglalathala at pagpapatanto ng pagdaraos ng "Public hearing" noong Ika-9 at 10 ng Pebrero, 2011 sa pahayagan, pagbibigay ng paanyaya sa lahat ng subdibisyon, kompanya at iba't-ibang establisimyento at pagpapaskil ng Paanyaya sa mga hayag na lugal; na public hearing anaman ay dinaluhan ng mga mamamayan at mga mamumuhunan at ibang concerned citizen kinabibilangan ng Kgg. at dating Hukom Romulo Carteciano, at doo'y masusing ipinaliwanag ang kabuuan ng bagong mga batas na pinatibay;

Na inihayag ng Lupon ng Ways and Means sa Public Hearing na binibigyan ng sapat na panahon ang sinumang taxpayer na mayroong komento o rekomendasyon na isulit ito bago tuluyang mapagtibay ang Ordinansa. Sa Pangyayaring yaon, tanging ang SM land Holdings ang nagsulit ng kanilang rekomendasyon na malugod namang napasanib sa Ordinansa. Binibigyang diin na simula Pebrero hanggang Ika-4 ng Hulyo, 2011( 5 buwan mula ng public hearing) na pinal na pinagtibay ang Ordinance No. 1729-2011 ay walang tinanggap na anumang pasalungat na "feedback" ang Tanggapan ng Sangguniang Panlungsod, maging ang Punong-lungsod. Gayundin matapos mapalathala sa dalawang (2) pahayagan: Philippine Star, dated September, 2011 at People's Leader noong September 19, 2011;

Na bagama't hindi nakadalo ang kapulungan ng Sanggunian sa isinagawang forum noong nakaraang Nobyembre,2011 ay naniniwala na masusing naipaliwanag at nasagot ng Technical Working Group ng Pamahalaang Lungsod at mga kinatawan Pamahalaang Panlalawigan at Nasyonal (Provincial Assessor at Regional Director ng Dept of Finance) ang lahat ng katanungan ng doo'y nagsidalo, dagdag pa ang paliwanag at kasagutan ni

5/F City Government Center. J.P. Rizal Blvd., City of Santa Rosa, Laguna - Tel. No. (049) 530-0015 Local 5100-5104

"Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago" ~

.. ,,,-

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna I

...-...

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Pahina 3 ng Kap. Big. 27-2012

Punong-lungsod at Pinunong Tagapag-patupad ng Batas, Kgg.Arlene B. Arcillas ang katanungan higgil sa Taunang Badyet ng Lungsod sa mga inanyayahan ng Kapihan ng Santa Rosa.

Na sa katatayuang ang Ordinansang pinapaksa ay ipinatutupad na ng Ehekutibo ay hiningi ng tamang proseso at nararapat lamang na ihain ang anumang komentaryo, pagtutot o rekomendasyon sa Tanggapan ng Punong­lungsod upang muling ihain at isaalang-alang ang muling pag-aaral ng Technical Working Group at Lupon na kanyang binuo patungo sa Sangguniang Panlungsod; lamang ay nararapat na bigyang linaw at itala kung anu-anong probisyon o singiling buwis ang inaakalang nagiging dahilan ng diumano'y ikinagugulat at hindi katanggap-tanggap sa mga nagsisipagbayad ng buwis.

NGAYON, SAMAKATIJWID, sa pamamagitan ng isang mungkahing pinangalawahan ay:

IPINASISIY A, at ngayon nga ay IPINASIYA na iparating sa Kapihan sa Santa Rosa ang pagpapabot ng paglilinaw sa tiham ng Kapihan sa Santa Rosa na may petsa Ika-24 ng Pebrero 2012, gayundin ang pagliliwat ng kanilang liham sa tanggapan ng Punong-tungsod para sa kanyang pagsasaatang-atang.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBAY.

PATOTOO:

Pinatutunayan ko na ang Kapasiyahang ito ay pinagtibay para sa Ikalawang Pagbasa at sinipi mula sa Katitikan ng Ika-10 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlungsod noong Ika-5 ng Marso, 2012. ·

PINA TOTO HANAN:

ARNEL~OMEZ Pangalawang Punong-lungsod

CYNT~A M. GOMEZ Kalihi~ Panlungsod

PINAGTIBAY:

~-~ ARLENE B. ARCILLAS

Punong-lungsod

~~ L~·~ f'oc1y•. t,k,,cc,/o b-/1 /J'D/Y

5/F City Government Center, J.P Rizal Blvd., City of Santa Rosa, Laguna - Tel. No. (049) 530-0015 Local 5100-5104

userbisyong Makatao, Li.Jngsod na Makabago"