11
Ano ang dengue? Ang Dengue ay isang sakit na galing sa mikrobio na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok. Ang lamok ay nagdadala ng virus kapag kumagat siya ng tao. And aedes aegypti na lamok na nagdadala ng dengue at ang paborito nilang tirahan ay ang mga malilinis na tubig gaya ng mga tubig na nakaistak sa mga bagay o mga tubig-ulan na nakukulekta sa lata, bote, gulong, o alulod na nasa paligid. Ang karaniwang lamok naman ay sa kanal o lubak nakatira. Ang Dengue ay hindi maikakalat na tuwiran ng tao sa tao. Mga sintomas ng dengue: Mataas o katamtamng lagnat na on and off. Pananakit ng ulo, kalamnan, at mga kasu-kasuan. Pulang-pula ang palad at talampakan. Pagkawal ng ganang kumain, pagsusuka, pananakit ng tiyan. Pagkakaroon ng maliliit na pulang tuldok sa braso, binti, o dibdib. Pahiwatig ng pagdurugo sa loob ng katawan gaya ng pagdurugo ng ilong, gilagid, pagsuka o pagdumi ng dugong maitim ang kulay. Panghihina, pamumutla, panlalamig ng kamay at paa, pamamawis nang malamig, at pagkabalisa. Magpakonsulta sa iyong doktor kung mayroon kayong nararamdaman na ganitong sintomas. Paraan para maiiwasan ang dengue: 168

25 Leaflets

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 25 Leaflets

Ano ang dengue?

Ang Dengue ay isang sakit na galing sa mikrobio na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok.

Ang lamok ay nagdadala ng virus kapag kumagat siya ng tao. And aedes aegypti na lamok na nagdadala ng dengue at ang paborito nilang tirahan ay ang mga malilinis na tubig gaya ng mga tubig na nakaistak sa mga bagay o mga tubig-ulan na nakukulekta sa lata, bote, gulong, o alulod na nasa paligid. Ang karaniwang lamok naman ay sa kanal o lubak nakatira.

Ang Dengue ay hindi maikakalat na tuwiran ng tao sa tao.

Mga sintomas ng dengue:

Mataas o katamtamng lagnat na on and off.

Pananakit ng ulo, kalamnan, at mga kasu-kasuan.

Pulang-pula ang palad at talampakan.

Pagkawal ng ganang kumain, pagsusuka, pananakit ng tiyan.

Pagkakaroon ng maliliit na pulang tuldok sa braso, binti, o dibdib.

Pahiwatig ng pagdurugo sa loob ng katawan gaya ng pagdurugo ng ilong, gilagid, pagsuka o pagdumi ng dugong maitim ang kulay.

Panghihina, pamumutla, panlalamig ng kamay at paa, pamamawis nang malamig, at pagkabalisa.

Magpakonsulta sa iyong doktor kung mayroon kayong nararamdaman na ganitong sintomas.

Paraan para maiiwasan ang dengue:

Pigilan ang pagdami ng mga lamok.

Takpan ang mga lalagyan ng tubig. Siguraduhing walang naiipon na

tubig sa iba’t ibang sulok ng bahay. Kung may lalagyang hindi na

ginagamit at maaaring pangitlugan ng lamok, itapon na ito.

Panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay.

Huwag pabayaang nakatambak ang basura sa likod bahay.

Iwasan ang kagat ng lamok.

Gumamit ng kulambo sa pagtulog.

Gumamit ng katol o spray na pampatay ng lamok.

Maglagay ng kurtina at screen sa mga bintana.

168

Page 2: 25 Leaflets

Magsuot ng light colored na damit. Lapitin kasi ng lamok ang maiitim na kulay.

Magsuot ng long sleeves, pantalon at medyas para sa karagdagang proteksyon.

Protektahan ang sarili:

Magpahid sa balat ng losyon.

Magsuot ng mahabang pantaloon at damit na may mahabang manggas, medyas at sapatos lalong-lalo na sa madaling araw at kung palubog na ang araw na ang mga lamok ay mabagsik na kumagat.

Panatiling nakasara ang mga bintana at pintuan na walang iskrin.

Ano ang gamutan?

Sa pamamagitan ng blood test ay malalaman kung ang isang tao ay nagtataglay ng impeksyon. Wala pang mga Dengue Vaccine na mabibili sa ngayon ngunit ang

mga pananaliksik ukol sa kagamutan nito ay patuloy pang isinasagawa.

Ipinapayo sa mga pasyente ang pamamahinga at pag-inom ng maraming tubig o fluids. Dapat din na maihiwalay sila sa ibang pasyente o dapat lagyan ng kulambo upang hindi makahawa sa iba.

Ang iba namang Dengue Hemorrhagic Fever ay nangangailangan na ng blood transfusion o pagsasalin ng dugo. Walang immunity ito: maaaring ang nagkasakit na ng Dengue ay magkasakit pa uli..

169

Page 3: 25 Leaflets

Ano ang Diarrhea?

Ang diarrhea (pagtatae) ay madalas na pagdumi, pagdami ng dumi, o pagiging matubig ng dumi. Ito ay madalas maging problema ng mga may HIV/AIDS na sanhi ng iba’t-ibang dahilan. Kung hindi mawala ang pagtatae pagkaraan ng ilang araw, maaaring maging sanhi ito ng masmalubhang mga problema.

Ang pinakamalubhang komplikasyon ng pagtatae ay ang panunuyo ng katawan (dehydration). Kung nagtatae ka, ang iyong katawan ay nauubusan ng tubig at ng mga importanteng mineral na kailangan sa maayos na pagtakbo ng katawan (tulad ng sodium at potassium). Kung patuloy pa rin ang pagtatae pagkatapos ng ilang linggo, ito’y nagiging dahilan ng pagkawal ng mganutrients o sustansya sa katawan. Ito ay nagpapapayat (wasting).

Ano ang sanhi ng diarrhea?

Ang karaniwang sanhi ng pagtatae ay: Impeksyon sa tiyan o sa bituka

(bowels) Pamamaga ng bituka dahil sa HIV Mga gamot laban sa HIV o mga

kondisyong nauugnay ditoAng impeksyon at diarrhea / pagtatae:

Ang mga mikrobyo tulad ng bacteria, parasites, fungi o virus ay maaaring maging dahilan ng impeksyong mauuwi sa pagtatae. Ang mga karaniwang impeksyong nakakaapekto sa mga PHA ay ang mga sumusunod:

Parasites tulad ng Cryptosporidum, Giardia at Entamoeba

Viruses tulad ng CMV (cytomegalovirus)

Fungi tulad ng yeast o Candida Bacteria tulad ng MAC (Mycobacterium

avium complex) at Salmonella

May mga gamot para sa mga impeksyong ito. ang kabuuan o kumbinasyon ng mga gamot laban sa HIV ay nagpapalakas ng immune system at dahil dito, hindi gaanong nagkakaroon ng mga ganitong impeksyon ang mga PHA na umiinom nito.

Ang diarrhea na sanhi ng mga gamut:

Maraming gamot laban sa HIV ang nakapagpapatae. Kasama rito ang:

nelfinavir (Viracept) ritonavir (Norvir) saquinavir (Fortovase), at ang original na pormulasyon ng ddI (Videx).

Ganum- paman, halos lahat ng gamot sa HIV ay nagpapatae. Ang mga gamot na pampapigil sa komplikasyon ng HIV tulad ng glanciclovir (Cytovene, Valcyte) at interferon alpha (Intron-A, Pegetron, Pegasys), ay maaari ding magpatae. Kung minsan, ang mga antibiotic (tulad ng Septra at Penicillin) ay pumapatay sa mga mabubuting bakterya (“good bacteria”) sa bituka. Dahil dito, nagpaparami ang mikrobyo at nauuwi sa pagtatae.

Isa pa, ang mga taong “lactose intolerant” ay hirap sa pagtunaw ng gatas o mga dairy products at maaaring magtae kung iinom o kakain sila ng mga pagkaing naglalaman nito.

Mga palatandaan ng pagkatuyo o dehydration:

Pangangalumata Walang luha sa pag-iyak ng bata Panunuyo ng bibig Lagnat Mabagal na

pagbabalikng balat sa normal kapag pinisil

Labis na pagkauhaw

Biglang pagbaba ng timbang Malimit na pagsususka Mabilis at mahinang pulso Kakaunti ang ihi o hindi umiihi.

Mga paraan para maiiwasan ang diarrhea:

Panatilihing malinis ang tubig-inumin at pagkain

Panatilihing malinis ang palikuran Maghuga ng mga

kamay bago kumain ay pagkatapos gumamit ng palikuran

Panatilihing malinis ang bahay at kapaligiran.

170

Page 4: 25 Leaflets

Paano ito gamutin?

Uminom ng maraming likido kaysa dati

Kumain ng mga prutas na makakatas

Uminom ng oresol Iwasan ang mga pagkaing

nagtataglay ng caffeine Iwasan ang matabang pagkain Iwasan ang dairy products

Karagdagang Sustansya at Katulong na mga Panggagamot:

Ang diyetang mataas sa fibre o fibre supplements tulad ng Metamucil ay nakakapagpabawas sa pagtatae.

Napatunayan ding ang peppermint, nutmeg at luya ay nakatutulong sa pagtunaw ng pagkain. Ang peppermint, ginger tea, o ginger ale ay mainam ding inuming malinaw (clear fluids).

Ang acidophilus ay isang supplementing naglalaman ng mainam na bakterya (friendly bacteria). Ito’y iniinom ng ilang PHA para maiwasan ang pagtatae habang umiinom ng antibiotics.

Ang calcium supplements ay mabisa sa paggamot ng pagtataeng sanhi ng gamot na tulad ng nelfinavir (Viracept).

Mga gamot: Iba’t-ibang gamot ang ginagamit para gamutin ang iba’t-ibang uri ng pagtatae.

Para sa pagtataeng sanhi ng bacteria o parasitiko, maaaring mangailangan muna

ng espesyal na antibiotic na papatay sa mga mikrobyong ito bago masugpo ang pagtatae. (Halimbawa: ang Humatin ay puwedeng gamitin para gamutin ang pagtataeng sanhi ng parasite na Cryptosporodium).

Para sa ibang klase ng pagtatae, may mga gamot halimbawa na nagpapabagal sa galaw ng bituka. Kasama rito ang mga over-the-counter o mga gamot na nai-reseta tulad ng Imodium, Kaopectate, Pepto-Bismol at Lomotil.

Kung ang pagtatae ay hindi gumaling makalipas ang ilang araw, o kung may kasamang lagnat, o dugo sa dumi; kumunsulta agad sa doktor para malaman ang mga pangkaraniwang nagiging sanhi ng pagtatae na maaring gamutin.

ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA

Ano ang self-medication?

Ang self-medication ay ang pag-inom ng gamot na hindi inireseta ng mga taong dalubhasa sa larangan ng medisina.

171

Page 5: 25 Leaflets

Epekto ng Self-medication:

Maaari itong magkaroon ng allergic reaction.

Maaari itong magdulot ng kahinaan, pagkahimatay, igsi ng pahinga, o pamamanhid ng kamay, paa o labi.

Maaari itong magdulot ng iregularidad sa tibok ng puso.

Maaari itong magdulot ng panunuyo, pagkauhaw o pagsusuka.

Paraan para maiwasan ang epekto ng self-medication:

Maraming alternatibong magagawa para maiwasan ang self-medication. Maaaring pumunta sa health center, clinic o ospital. Maaari din naming gumamit ng mga alternatibong gamot gaya ng mga halamang gamot na aprobado ng Department of Health. Ito ay ligtas gamitin subalit nangangailangan ng tamang preparasyon para sa mga ito.

Iba’t ibang uri ng mga halamang gamot o SANTALUBBY:

1. SAMBONG

Ang sambong ay maaaring gamitin laban sa manas o pamamaga (anti-edema), pampaihi (diuretic) o pantunaw ng bato (anti-urolithiasis). Hugasan mabuti ang mga dahon at tadtarin. Magtakal ng 2 basong tubig at dahon (Para sa matanda ay 6 na kutsara ng tinadtad na sariwang dahon o 4 na tinadtad na tuyong dahon at para sa edad 7-12 ay kalahati ng sa matanda ang gamitin). Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto at huwag takpan. Palamigin at salain. Hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan at inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali at gabi.

2. AKAPULKO

Ang akapulko ay maaaring gamitin sa an-an, buni, alipunga o galis-aso. Magdikdik ng sapat na dami ng sariwang dahon. Ipahid ang katas sa apektadong balat 1-2 beses sa maghapon.

3. NIYUG-NIYOGAN

Ang niyug-niyogan ay magagamit para tanggalin ang mga bulateng askaris. Gumamit lamang ng mga butong magulang, tuyo at kabubukas pa lamang ng bunga. Kainin ang mga buto 2 oras pagkatapos ng hapunan. Ang bilang ng butong kakainin ay depende sa edad: 4-5yrs old (4-5 buto), 6-8 yrs old (5-6 buto), 7-12 yrs old (6-7 buto) at sa

matanda (8-10 buto). Kung hindi magkabisa sa unang gamit, ulitin ang parehong dosis pagkaraan ng isang linggo.

4. TSAANG GUBAT

Ang tsaang gubat ay magagamit para sa sakit ng tiyan o pagtatae. Hugasan mabuti ang mga dahon at tadtarin. Magtakal ng 2 basong tubig at dahon (Para sa matanda ay 4 na kutsara ng tinadtad na sariwang dahon o 3 na tinadtad na tuyong dahon at para sa edad 7-12 ay kalahati ng sa matanda ang gamitin). Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto at huwag takpan. Palamigin at salain. Hatiin sa 2 bahagi ang pinaglagaan at inumin ang bawat bahagi tuwing ika-apat na oras.

5. AMPALAYA

Ang ampalaya ay mabisang gamot sa mga taong diabetic dahil ito ay nagpapababa ng blood sugar levels. Hugasan mabuti ang mga dahon at tadtarin. Magpakulo ng anim na kutsara ng tinadtad ng pinong dahon ng ampalaya sa dalawang basong tubig sa loob ng 15 minuto. Hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan at inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali at gabi, 30 minuto pagkatapos kumain.

6. LAGUNDI

172

Page 6: 25 Leaflets

Ang lagundi ay maaaring gamitin laban sa hika, ubo o sa lagnat. Hugasan mabuti ang mga dahon at tadtarin. Magtakal ng 2 basong tubig at dahon, ang bilang ng tinadtad na dahon ay depende sa edad: 2-6 yrs old (1½ kutsarang sariwang dahon o 1 kutsarang tuyong dahon); 7-12 yrs old (3 kutsarang sariwang dahon o 2 kutsarang tuyong dahon) at sa matanda (6 kutsarang sariwang dahon o 4 na kutsarang tuyong dahon). Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto at huwag takpan. Palamigin at salain. Para sa taong may ubo o hika, hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan at inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali at gabi. Para sa taong may lagnat, inumin ang bawat bahagi tuwing ika-4 na oras.

7. ULASIMANG BATO

Ang ulasimang bato ay ginagamit na pampababa ng “uric acid” sa dugo (rayuma o gout). Hugasan mabuti ang dahon. Maghanda ng 1½ baso ng sariwang dahon at 2 basong tubig. Pakuluan sa mababang apoy sa loob ng 15 minuto, wag takpan. Palamigin at salain. Hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan at inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali at gabi, pagkatapos kumain. Maaari itong gawin salad. Maghanda ng 1½ baso ng sariwang dahon at hugasan mabuti. Hatiin sa 3 bahagi at kainin ang bawat bahagi sa umaga, tangahali at gabi.

8. BAYABAS

Ang bayabas ay pangunahing gamot sa sakit ng tiyan, pagtatae at panglanggas sa sugat o sa bagong tuli. Para sa sakit ng tiyan o pagtatae, kumuha ng 10 pirasong dahon at hugasang mabuti. Pakuluin sa 2 tasang tubig, palamigin at salain. Ang dosis ay depende sa edad: sanggol (1/2 kutsarita), 2-6 yrs old (1/4 cup), 7-12 yrs old (1/2 cup) at para sa matanda (1 cup). Painumin ito tatlong beses

sa isang araw. Para sa tinuli, ilanggas ang pinagkuluan ng dahon ng bayabas.

9. BAWANG

Ang bawang ay nagpapababa ng cholesterol. Ang bawang ay pedeng iprito sa kaunti o walang mantika, ihawin o ibabad sa suka ng 30 minuto o kaya’y banlian ng pinakulong tubig sa loob ng 5 minuto. Kumain ng 2 butil ng bawang 3 beses pagkatapos kumain.

10. YERBA BUENA

Ang Yerba Buena ay ginagamit para sa mga pananakit ng iba’t-ibang bahagi ng katawan. Hugasan mabuti ang mga dahon at tadtarin. Magtakal ng 2 basong tubig at dahon, ang bilang ng tinadtad na dahon ay depende sa edad: 7-12 yrs old (3 kutsarang sariwang dahon o 2 kutsarang tuyong dahon) at sa matanda (6 kutsarang sariwang dahon o 4 na kutsarang tuyong dahon). Pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto at huwag takpan. Palamigin at salain. Hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan at inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali at gabi. Maaaring dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa bahagi ng katawan na nananakit.

“Maniguro Sa Kalusugan, Mga Maling Akala Ay

Iwasan.”

Ano ang Tuberculosis?

173

Page 7: 25 Leaflets

Ang tuberculosis ay isang nakakahawang sakit na sanhi ng bacteria na tinatawag na mycobacterium tuberculosis. Ito ay

isang sakit na dahan-dahang lumalala at nagdudulot ng tuluyang masamang kalagayan at kamatayan kung hindi agad malulunasan. Ang bacteria nito ay kadalasang umaatake sa baga, subalit maaaring lumaganap s aiba pang bahagi ng katawan, particular sa utak, bato at mg buto.

Paano ito kumakalat?

Ang TB ay kumakalat sa pamamagitan ng hangin kung ang taong may TB sa mga baga o lalamunan ay umubo, bumahin o nagsalita, at nagkakalat ng mikrobyo sa hangin. Kung malalanghap ng ibang tao ang mga mikrobyong ito, maaari silang mahawa. Karamihan sa mga tao ay nakakakuha ng mikrobyo ng TB sa palagiang kasama nila, tulad ng miyembro ng pamilya o kaibigan. Ang TB ay HINDI ikinakalat ng mga gamit sa bahay (tulad ng mga kutsilyeria, mga babasagin, baso, mga damit o telepono) kaya hindi

kailangang gumamit ng hiwalay na mga gamit sa bahay.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring magkaroon ng TB ang alinmang bahagi ng katawan, ngunit karaniwan ito ay nasa baga. Ang mga taong may TB ay maaaring magkaroon ng ilan o lahat ng mga sumusunod na sintomas:

Pag-ubo na tumatagal ng mahigit na tatlong linggo

Mga lagnat Hindi maipaliwanag na pamamayat Pagpapawis sa gabi Palaging napapagod Nawawalan ng ganang kumain May dugo ang dura

Paano ito mapipigilan?

Ang mga taong may TB sa mga baga ay pinagsasabihang magtakip ng kanilang ilong at bibig kung sila ay

bumabahin gamot na makapipigil sa sakit

Ang pagbibigay ng bakunang BCG laban sa nakamamatay na uri ng TB sa mga batang maglalakbay sa ibang bansa na kung saan ang TB ay karaniwan. Ang BCG ay hindi pangkalahatang ibinibigay sa NSW.

Paano ang pagdadayagnos?

Para sa TB sa mga baga:

Isang eksrey ang makapagsasabi kung ang sakit na TB ay nakaapekto sa mga baga

Isang pagsusuri ng dura ang magsasabi kung mayroong mga mikrobyo ng TB sa dura sa pag-ubo

Kung hindi maaaring dumura sa pag-ubo, ibang test ang maaaring kakailanganin.

Para sa TB sa labas ng mga baga: Mga test tulad ng bayopsi sa

karayom, pagpahid sa sugat, ispesimen sa pag-titistis o sampol ng ihi sa umaga ay maaaring makatulong sa pagdadayagnos ng TB.

174

Page 8: 25 Leaflets

Paano ito ginagamot?

Ang Sakit na TB: ay ginagamot sa pamamagitan ng pinagsamang mga natatanging antibayotik sa loob ng anim na buwan. Isang nars sa klinika sa baga ang siyang magbabantay sa inyong paginom ng mga antibayotik sa TB upang tingnan kung may anumang masamang epekto at tiyakin na ang paggagamot ay natapos.

Ang mga taong may TB ay maaaring gumaling kung makukumpleto ang panggagamot.

Ang mga taong may sakit na TB ay maaaring makabalik sa normal na gawain, habang ginagamot, kung sila ay hindi na nakahahawa.

Kung ang isang tao na may TB ay hindi iinom ng gamot, maaaring lumubha ang kaniyang karamdaman, at maaari pang mamatay.

Para sa dagdag na impormasyon

Kausapin ang inyong lokal na Klinika sa Baga o kumunsulta sa doktor ng pamilya.

Ang lahat ng pagsusuri at paggagamot ng TB ay ibinibigay nang libre at kompidensiyal sa mga klinika sa baga.

Ang reperal ng isang doctor ay HINDI kailangan upang pumunta sa isang klinika sa baga.

HINDI kailangan ang pangangalaga ng Medicare.

Kasama sa mga Serbisyo ng Klinika sa Baga ang pangangalaga at pamamahala ng mga pasyente na may TB at ang lahat na kailangang pagsusubaybay sa sakit.

Pangalagaan ang iyong sarili, iyong pamilya at mga kaibigan laban sa TB. Tapusin ang paggamot sa iyong TB!

SAKIT NA

Alamin angKatotohanan

!

175

Page 9: 25 Leaflets

176