21
BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2 GRAMATIKA AT PAGBASA IKATLONG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Neo-Kolonyalismong Asyano Pamagat ng Texto : Neo-Kolonyalismo sa Asya Uri ng Texto : Argumentativ Kagamitan : Sipi ng texto Gamit ng Wika : Pagkuha ng impormasyon Pagbibigay ng reaksyon/puna Istruktura ng Wika : Pagkilala sa pangatnig Kasanayang Pampag-iisip : Paglalahad ng mga datos Halagang Pangkatauhan : Pagiging matimpi at magalang II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Napapaunlad ang kakayahang magpakahulugan sa paksa batay sa pamagat ng texto. B. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon. C. Naibibigay ang reaksyon sa binasa. D. Nasusuri ang textong batauy sa tono nito. E. Natutukoy at nagagamit ang mga pangatnig sa pagbibigay ng reaksyon. F. Nakasusulat ng textong argumentativ. BSE-Kagawaran ng Edukasyon 273

274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2GRAMATIKA AT PAGBASA

IKATLONG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Neo-Kolonyalismong AsyanoPamagat ng Texto : Neo-Kolonyalismo sa AsyaUri ng Texto : ArgumentativKagamitan : Sipi ng textoGamit ng Wika : Pagkuha ng impormasyon

Pagbibigay ng reaksyon/punaIstruktura ng Wika : Pagkilala sa pangatnig Kasanayang Pampag-iisip : Paglalahad ng mga datosHalagang Pangkatauhan : Pagiging matimpi at magalang

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Napapaunlad ang kakayahang magpakahulugan sa paksa batay sa pamagat ng texto.

B. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon.

C. Naibibigay ang reaksyon sa binasa. D. Nasusuri ang textong batauy sa tono nito. E. Natutukoy at nagagamit ang mga pangatnig sa pagbibigay ng reaksyon.

F. Nakasusulat ng textong argumentativ.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak : Pagsasaayos ng ginulong letra upang makabuo ng makabuluhang konsepto.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 273

Page 2: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Paglalahad

1. Pagpapabasa ng pamagat at pagbibigay-kahulugan dito sa tulong ng pangkatang gawain.

Pangkat 1 : Sa tulong ng double bubble map, ibigay ang mga kaugnay na salitang nakapaloob dito.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon274

OA

Y LO

E M

N O

N K I

O

SL

KAUGNAY NA SALITA NG

NEOKOLONYALISM

O

MGA BANSA

SA ASYA

Page 3: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Pangkat 2 : Ibigay ang mga kaisipang nakapaloob sa pamagat sa tulong ng kasunod na dayagram.

Pangkat 3 : Pagtatala ng mga dating kaalaman tungkol sa bansang Asya.

1. 4.2. 5.3. 6.

Pangkat 4 : Paglalahad ng kaugnay na kaalamang may kinalaman sa salitang kolonyalismo sa tulong ng sinag.

2. Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkat.

3. Pagbibigay ng feedback.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 275

KOLONYALISMO

NEO-KOLONYALISMO SA ASYA

KAISIPAN KAISIPAN KAISIPAN

Page 4: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

B. Pagpapabasa sa texto.

NEO-KOLONYALISMO SA ASYA

Masasabing may kalayaan na ang mga bansang sa Asya lalo na ang mga bansang naging sakop ng bansang kanluranin, ngunit masasabing ito ay pampulitika lamang. Malaya na nga ang mga bansang ito sapagkat tinatamasa na nila ang kalayaang matagal na nilang hinahangad ngunit masasabing mabagal ang pag-usad ng kaunlaran nito. Mahihinuha na ang mga ito ay dahil sa mga pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa panahong ito, totoong nagkaroon ng kakapusan sa mga pinagkukunang yaman lalo na ang mga bansang sinakop ng bansang Europeo kaya marami ang naghirap at nagutom. Bunga nito, ang mga bansang ito ang naging tagasuplay ng mga hilaw na materyales sa paggawa ng mga produkto upang lalo namang umunlad ang kabuhayan sa Europa. Ang mga Kolonyalistang ito ang namahala sa likas na yaman kaya ang mga sinakop na bansang di-nabigyan ng pagkakataong pagyamanin ang mga ito. Sa madaling salita, ang sumakop na bansa ang lubusang nakinabang sa kayamanan ng bansang sinakop sapagkat ang naging sistema ng kalakalan ay naging monopolyo.

Tunay na sakim ang mga mananakop sapagkat marami sa mga bansang ito

ang umunlad sa iba’t ibang larangan. Napayabong ng mga bansang Europeo ang kalakalan, komunikasyon at transportasyon, ngunit ang mga ito’y nawasak din ng digmaan. Dahil sa mga dayuhan ang humahawak sa pamahalaan, wala rin silang kakayahang pamunuan ang bansa. Sila ay nagmistulang alipin sa kamay ng mga mapanakop na bansa.

Matapos ang digmaan, lugmok na sa hirap ang mga sinakop na bansa at dahil sa wala silang alam sa pamamahala, wala silang alam na nagpapagalaw sa lipunan, kahit malaya na, patuloy sila sa ganoong kalagayan. Dahil dito, napilitan silang tanggapin ang alok ng mga Amerikano na itinuturing na “superpowers”. Dito sumulong ang neo-kolonyalismo, isang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang malaki at makapangyarihang bansa. Ginamit nito ang pamamaraang pangkabuhayan, pangkultura at maging ang pulitika. Sapagkat ang Hapon at Amerika ay batikang Neo-Kolonyalista dahil sa pagiging makapangyarihan, sila ay maituturing na mauunlad at industriyalisadong bansa.

Sa kasalukuyan, masisinag pa rin sa bansang ito ang masamang bunga sa kanila ng pananakop sapagkat nasa kanila pa rin ang “colonial mentality”: ang mentalidad ng masidhing pagtangkilik ng mga Asyano sa mga produkto at kultura ng mga bansang sumakop sa kanila. Isa ito sa dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon276

Page 5: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

C. Ibuod ang texto ng Pyramid Chart.

SINO

ANO

SAAN

KAILAN

PAANO

BAKIT

PAGTALAKAY SA ARALIN

IKALAWANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak :

Sabihin kung saang bansa sa Asya nagmumula/matatagpuan ang mga sumusunod na gamit.

1. chopstick 4. batik2. kimono 5. buddha3. bahay-kubo

B. Pagpapabasa ng texto.

C. Pagpapakahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap na ginamit sa texto na di naunawaan.

D. Pagtalakay at pagsusuri sa nilalaman.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 277

Page 6: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Pangkat 1 : Sa tulong ng tsart, ilahad ang mga kaganapan sa Neo-Kolonyalismo sa Asya (Story Frame).

Pangkat 2 : Paglalahad ng kabutihan at kasamaang bunga ng kolonyalismo, sa tulong ng T Chart.

Pangkat 3 : Pagbibigay ng mg kaisipan ayon sa bahagi ng texto.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon278

SIMULA Kugnay na Kaisipan

GITNA

WAKAS Kugnay na Kaisipan

Kugnay na Kaisipan

Kabutihan Kasamaan

Page 7: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Pangkat 4 : Paglalahad ng pangkalahatang epekto ng kolonyalismo sa isang bansa.

EPEKTO

EPEKTO

EPEKTO

E. Pagbabahaginan ng mga kasapi ng bawat pangkat.

F. Pagbibigay ng feedback.

G. Pagbuo ng sintesis.

Sa tulong Cue Cards, bumuo ng kaisipan batay sa aralin.

Asya KalayaanKolonyalismo KapangyarihanMentalidad Europeo

IKATLONG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak :

1. Pagpapakita sa grap tsart sa kalagayan ng dalawang bansa kaugnay ng ekonomiya. Gagamitin ang pinakahuling sorbey.

Kalagayan Estados Unidos Hapon

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 279

KOLONYALISMO

Page 8: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

2. Pag-interpret sa datos na nasa tsart tungkol sa latest GNP ng bawat bansa.

Ano ang masasabi natin sa mga bansang ito?

Bakit sila tinawag at itinuring na pinakamayamang bansa?

B. Pagpapabasa ng isang kaugnay na texto “ Ang Neo-Kolonyalismo ng Hapon at Estados Unidos sa Asya”.

ANG NEO-KOLONYALISMO NG HAPON AT ESTADOS UNIDOS SA ASYA

Maraming bansa sa Asya ang naging malaya matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit ito’y di-naging pangmatagalan. Hindi man direkta ang kanilang pananakop, malinaw naman itong makikita sa aspetong legal, edukasyon, pulitika at kabuhayan. Hindi tuluyang binitiwan ng dalawang makapangyarihang bansa ang Asya. Nanatili silang sumusuporta sa pamahalaan ng mga bansang ito.

Nakapagpatuloy ng kanilang dominasyon sa mga bansa sa Asya sa larangan ng kabuhayan, teknolohiya at militari ang mga bansang Hapon at Estados Unidos. Ikinubli nila ang tunay na layunin at hangarin sa pagtulong sa aspetong pinansiyal. Idinaan sa tulong pangkabuhayan, donasyon, pautang at pamumuhunan ang kunwa’y pagmamagandang- loob upang patuloy na makapaghari at mapalaganap ang lakas at kapangyarihan.

Dahil na rin sa kahirapan ng isang bansa kaya di-nito magawang makapamuhay nang nag-iisa. Kailangang dumepende sa iba upang mapalakas at mapasulong ang ekonomiya. Dito pumapasok ang pagsasamantala, kunwa’y tutulong subali’t may personal namang intensyon. Maaari nilang dominahin ang aspetong pulitika at kultura. Kapag ito na ang nakontrol, masasabing labis na ang pagdepende. Hindi na talaga kayang tumayong mag-isa. Kapalit naman ay pag-abuno sa likas-yaman ng bansa. Madali lamang maisakatuparan ito kung dadaanin halimbawa sa paglalagak ng puhunan. Dito itatapon ang mga basura at pagkatapos ay ilalabas ng bansa ang mga produktong nagawa. Hindi naman kontrolado ang pagmamantili sa mga dambuhalang mga tanggapang multi-nasyonal.

Talo rin ang bansang lagi nang nakadepende sa utang. Hindi totoong para sa kaunlaran. Mabuti kung ang salaping nautang ay sadyang pantustos sa mga proyektong kailangang-kailangan ng bansa. Paano kung hindi? Nababaon lamang sa utang at unti-unting nalulunod sa kawalan.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon280

Page 9: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Mga tanong :

1. Anu-ano ang mga katangian ng texto?

2. Masasabi bang textong argumentativ ito?

3. Anu-ano ang mga punang binaggit ng may-akda sa texto?

Upang matukoy ang layon ng texto, kinakailangang isa-isahin ang pagsusuri sa mga ideya ng sumulat at hanapin ang puna ang textong argumentasyon kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay, at mga ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga. Halaga ng teksto sa mambabasa.

C. Pagpapabasang muli sa textong lunsaraan. Papangkatin muli sa apat

ang klase. Ipasusuri ang tiyak na katangian ng texto.

Pangkat I : Pagtukoy sa kaisipang nangingibabaw sa texto? Patunayan sa tulong ngTsart.

Pangkat II : ACCEM (Arrange the Concept Chronological and Explain the Message).

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 281

KAISIPAN

PatunayPatunay Patunay

Page 10: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Pangkat III : Pagpapaliwanag kung naiparating ba ng texto ang kaisipan sa mambabasa at kaugnayan ng texto sa mambabasa.

D. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri.

E. Pagkuha ng feedback.

Input

Argumentasyon ang textong nagpapakita ng mga proposisyon sa umiiral na kaugnayan sa pagitan ng mga konsep o iba pang mga proposisyon. Ang ganitong uri ng texto ay tinutugon sa tanong na bakit?

F. Pagbubuo ng sintesis.

“Awit ng Kalayaan”

Ibigay ang mensaheng hatid nito?

PAGSUSURING GRAMATIKAL

IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak :

1. Pagpapabasa sa mga bagong isyu sa diyaryo.

2. Pagbibigay puna/ reaksyon sa pinakahuling isyu.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon282

ARGUMENTO

PUNA/REAKSYON

PUNA/REAKSYON

PUNA/REAKSYON

Page 11: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Ang pagbibigay-puna at reaksyon sa textong argumentativ ay ginagamitan ng mga pangatnig na ngunit, tahasang sabi, subalit, dili kaya, sukdulang, datapwat, samakatuwid, dahil, sapagkat, ay uri ng pag-ugnay. Ang mga pangatnig ay mga kataga o salitang nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita, o mga salita ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Datapwat may mga pangatnig din na ginagamit kung nais na lalong paliwanagin ang mga bagay na nasabi na, anupa’t, sa halip, kung gayon at alalaan man lamang.

Ang sapagkat ay pangatnig na panubali. Ito’y nagpapahayag ng pagkukurong may pasumala o pag-aalinlangan. Ang kung at kapag ay kauri nito.

B. Muling ipababasa ang textong lunsaran. Papangkatin muli ang klase sa apat.

Pangkat I : Mga pangatnig na ginagamit sa pagtukoy sa mahahalagang impormasyon.

Pangatnig

Pangkat II : Mga pangatnig na ginamit sa pagtukoy sa mensaheng nais iparating sa akda.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 283

PANGATNIG

Page 12: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Pangkat III : Mga pangatnig na ginamit sa pagbibigay ng epekto ng Neo-Kolonyalismo sa mga Asyano.

Epekto Paliwanag

PANGATNIG

Pangkat IV : Pagbibigay ng mga pangatnig na ginamit sa pagbibigay

ng reaksyon sa ibinunga ng Neo-Kolonyalismo sa mga Asyano.

Pangkat V : Pagbibigay ng mga pangatnig na nagpapakilala ng ugnayan ng bumasa sa textong binabasa.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon284

REAKSYON IBINUNGAPANGATNIG

Page 13: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

C. Pagpapalalim sa paksa batay sa mga sumusunod na tanong.

Naging epektibo ba ang paggamit ng pangatnig sa paglalahad ng mahahalagang detalye?

Bakit mahalaga ang kaalaman sa paggamit ng pangatnig sa pagbubuo ng isang argumentong nagbibigay ng puna/reaksyon.

D. Pagbubuo ng sintesis batay sa paksang tinalakay.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 285

DUGTUNGANG

PAGGBUBUOD

P1

P2

P3

P4

Page 14: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

IV. EVALWASYON

IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak : Pagbabalik - tanaw

Sa tulong ng “TELL ME”, isa-isahin ang mga natutuhan sa nagdaang apat na araw.

B. Pagpapabasa ng isa pang halimbawa ng textong argumentativ.

ALAY NG PAG-UNLAD

Bukas ang isipan sa pagbabago ng isang bansang umuunlad, kaya niyayakap ang anumang pagpasok ng mga mauunlad na bansa sa kabuhayang panlipunang moral at pulitika. Ang Pilipinas ay isa sa naniniwalang ito ang naging daan sa pagbubuo ng mga modelo ng kaunlaran na isinaalang-alang ang kapaligiran at ang mga sumusunod pang henerasyon. Nagtatag din sila ng mga samahang magiging lakas nila at tugon sa dating pamamaraan ng kanilang pagiging depende sa mga dating mananakop.

Ang itinatag na APEC (Asia Pacific Economic Cooperation) upang magkaroon ng malayang kalakalan at palitan ng mga kalakal ng mga bansang nasa rehiyon ng Asya at Pacific. Naging isang malaking banta ito sa local na produkto ng mga Pilipino sapagkat ang tatak kolonyalismo ay di pa ganap na napapaalis sa bansa. Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at siyensya ay malaya nang maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtuturo at pagpapahiram ng mga bansang mauunlad. Ang pagpapalaganap na ito ay hindi kailanman isinangkot ang mga Pilipino kundi mga dayuhang tagapayo.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon286

Pangatnig

ArgumentativReaksyon/Puna

Pagiging matimpiat magalang ANO

Neo-Kolonyalismo ng Asya

Page 15: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Ang pagpapalaya sa kanilang mga “light” industriyang nangangailangan ng maraming manggagawa na nagtatrabaho ay pinasisimulan na maaaring ipagpasalamat ng mga Pilipino subalit higit na kapaki-pakinabang sa kanila dahil sa mababang pasahod. Ang tunay na industriyalisasyon ay hinangad din nilang makamit sa pamamagitan ng parehong pagbibigay ng atensyon sa sektor ng industriya na siya namang tatapos sa mga produkto.

Ang ganitong panuntunan ay maaaring maging daan ukol sa lalong ikasisigla ng kanilang pangkabuhayan. At sa pulitika naman ay nagkaroon na ng mga pagbubuo at pagpapagalaw sa iba’t ibang sektor gaya ng mga kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, manggagawa, katutubo at ang mga maralitang tagalunsad upang makilahok sa ninanais na pagbabago.

Ngunit mayroong ibang bansang Asyano na nananatili pa rin sa mga sistemang monarkiya at awtoritaryan. Karaniwang nagaganap ito sa bansang pinahahalagahan ng aral ng Islam. Naging daan ito sa lalo pa nilang pagkakaisa at muling paghahangad ng pagbubuo ng isang matatag na mga bansang Muslim lalung-lalo na sa Gitnang Silangan.

C. Pagsusuri sa texto. Papangkatin sa tatlo ang klase.

Pangkat I : Paglalahad ng mga kaisipang nais sabihin ng may-akda sa mga mambabasa.

Pangkat II : Pagpapasulat sa mga impormasyong inilahad ng manunulat na sinang-ayunan at sinasalungat sa tulong ng pangatnig.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 287

Di magkatulad

Magkatulad

Dimagkatulad

Mayakda

Mga Kaisipan

1 32

Page 16: 274-290 IKATLO~4 274-290 (5)

Pangkat III : Pagsusuri sa binasang texto batay sa ginamit na pangatnig.

Pangkat IV : Paglalahad sa katotohanan ng pamagat/Texto.

PRO - CON

Reaksyon sa Pamagat

Sang-ayon di-Sang-ayon

D. Pagpapasulat ng isang textong argumento na nagbibigay puna/reaksyon sa tulong ng tiyak na paksa at pamagat.

E. Pagpapabuo ng mga pahayag/ pangungusap na may angkop na pangatnig.

F. Pagpapahalaga sa ibang isinulat ng mga mag-aaral.

G. Pagbibigay ng faynal na input tungkol sa wastong gamit ng pangatnig sa pag-uugnay ng mga pangyayari, bagay at mga ideya sa pansariling pag-iisip paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon288