Upload
others
View
44
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
Filipino Unang Markahan-Modyul 8
10
Unang Markahan-Modyul 8 Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas 2020
Department of Education- Region VII
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628
Pangkat na Bumubuo sa Modyul
Manunulat : Maria Jinky B. Oresga, Lucilla M. Loberanes,
Grace Compuesto, Jovelyn C. Monares
Tagasuri : Ruel C. Arranchado
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino
ii
Filipino 10 Unang Markahan-Modyul 8
iii
Kasanayang Pampagkatuto :
Naipapaliwanag ang ilang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay ng
binasa (F10PN-If-g-66)
Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay
kaugnay ng binasa (F10PB-If-g-67)
Nabibigyang –kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong
ginamit sa akda batay sa konteksto ng pangungusap (F10PT-If-g-66)
Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga
tauhan (F10WG-If-g-61)
Mga Dapat asahan sa modyul na ito :
a. Nakapagpapapaliwanag sa mahahalagang pangyayari sa akda
gamit ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto.
b. Nakapagbubuo ng pagpapatunay na ang mga pangyayari sa
akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay gamit ang mga
angkop na panghalip .
c. Nakapagpapamalas ng positibong pagtanggap sa sarili ayon sa
totoong katayuan sa buhay.
d. Nakapagpapakita ng paggalang sa kabila ng pagkakaiba -iba ng
kultura at kasarian.
Modyul 8
iv
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto :
TAMA O MALI. Sagutin ang mga pahayag sa ibaba kung ito ba’y tama o mali.
Kung mali ang sagot mo, hanapin ang salitang napagkamalian at
iwasto. Isulat sa kapat na papel ang inyong mga sagot.
1. Si Mathilde ay mula sa angkan ng mga manunulat.
2. Mamahaling pulseras ang ipinahiram ni Madame Forestier kay Mathilde
3. Nakabili si Mathilde ng kuwintas na katumbas ng kay Madame Forestier sa
halagang apat napung libong prangko.
4. Matinding paghihirap ang naranasan ni Mathilde mula nang nawawala ang
kuwintas.
5. Naibalik ni Mathilde ang kuwintas kay Madame Forestier.
Unawaing mabuti ang bawat pahayag.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang-papel.
6. Bakit hindi masaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa?
a. Hindi siya mahal ng kanyang asawa.
b. Hindi niya mahal ang kanyang asawa.
c. Isang lamang hamak na manunulat ang kanyang asawa.
d. Hindi nabibigyan ng maginhawang pamumuhay si Mathilde.
7. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang kanyang asawa na dumalo sa
kasayahang idinaraos ng kagawaran?
a. Ibinenta ang mga ari-arian sa bahay
b. Nanghiram ng malaking halaga sa amo
c. Nanghiram ng malaking halaga sa amo
d. Ang lahat na mga naipong pera ay ibinibigay niya kay Mathild
SUBUKAN MO!
PANIMULANG PAGTATAYA
1
8. Ano ang dahilan sa pagkayamot ni Mathilde gayong mayroon na siyang
damit na isusuot?
a. Wala siyang bagong sapatos.
b. Wala siyang alahas na masusuot.
c. Walang masakyan papunta sa party.
d. Hindi kasya sa kanya ang bagong damit na nabili
9. Ang matalik na kaibigan ni Mathilde na hiniraman niya ng alahas.
a. Madame Blake
b. Madame Hitch
c. Madame Loisel
d. Madam Forestier
10. Nagtamo ng malaking tagumpay si Mathilde dahil sa ___________.
a. Suot niya ang mamahaling kuwintas.
b. Nahigitan niya ang lahat na babae sa ganda.
c. Sinayaw siya ng mga malalaking tao sa lipunan.
d. Natupad ang kanyang pangarap na dadalo sa party.
2
PANIMULANG GAWAIN 1 : KILALANIN NATIN!
Panuto : Piliin sa loob ng kahon kung anong pangkat etniko ng bansa ang
nagmamay-ari sa sumusunod na larawan ng kasuotan. Pagkatapos ilarawan ang
kultura ng mga taong nasa larawan batay sa kanilang kasuotan.Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel karugtong sa sagot ninyo sa itaas.
HULAAN MO!
T’boli Mangyan Ibaloy Manobo
Ifugao Badjao France
3
4
5
GAWAIN 2 : PAG-USAPAN NATIN !
Sagutin ang mga prosesong tanong.
1. Ang kasuotan ba ay repleksyon sa pinagmulang bansa? Bakit? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano kaya ang kinalaman ng mga magagandang kasuotan sa babasaheng akda na “ Ang Kuwintas” na sinulat ni Guy de Maupassant? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang kaugnayan nito sa ating pangunahing tauhan? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
TANONG KO..... SAGUTIN MO!
6
Bigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa akdang binasa. Isulat mo sa
kahon ang iyong sagot at idugtong mo pa rin ito sa inyong sinasagutang
papel.
1. nagbabantulot
2. lumbay
3. balintataw
4. pangimbuluhan
5. sapupo
6. alindog
7. kahabag-habag
8. manghuhuthot
9. nagulumihan
PAGLINANG SA TALASALITAAN
7
Ang Kuwintas
ni Guy de Maupassant
Taglay ni Mathilde ang kagandahan ngunit
sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang siya sa angkan ng
mga tagasulat. Pumayag siyang pakasal sa isang abang
tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyong Publiko sapagkat
walang paraan na makilala at masilayan ang angking kagandahan para pakasalan ng
isang mayaman at tanyag na lalaki.
Naglalaro sa kanyang balintataw ang marangyang pamumuhay nagsusuot ng
magagarang damit, napapalamutian ang katawan ng nagkikislapang mga hiyas. At
maging tampulan ng papuri at pangingim-buluhan ng ibang babae.Ngunit hindi
kailanman mangyayari ang nagsasa limbayan sa kanyang isipan dahil hindi kayang
maibibigay ng kanyang asawa ang lahat ng mga ito.
Isang gabi , masayang umuwi ang kanyang asawa na si G. Loisel iniabot sa
kanya ang isang sobre, malugod silang inanyayahan ng Ministro ng Instruksyon na si
G. George Ramponneau sa isang kasiyahan sa palasyo.Sa halip na matuwa si
Mathilde sa paanyayang yaon ay padabog na inihagis ang paanyaya sa ibabaw ng
mesa. Nagtataka ang asawang si G. Loisel kung bakit at ano ang dahilan sa
pagkayamot nito. Sinabi ni Mathilde na wala siyang magarang damit na isusuot.
Tinanong ng asawa kung magkano ang halaga sa isang bestido. Tinatayang aabot
sa apat na raang prangko.Masakit sa loob ng asawang lalake ang ganoong halaga
dahil matagal na niyang naipon ang nasabing pera dahil bibili siya ng baril na pang-
ibon na matagal na niyang pinapangarap. Wala siyang magagawa kundi ibibigay sa
kanyang asawa ang nasabing halaga masisiyahan lang ito at makabili ng magandang
damit na isusuot sa kasiyahan ng palasyo.
Malapit na ang araw ng kasiyahan napansin ng asawang si G. Loisel na
nalulumbay pa rin ang asawa. Tinanong niya ito kung ano ang nangyayari at sinabi
nitong hindi na lang dadalo sa kasiyahan dahil wala siyang masusuot na alahas.
Iminungkahi ng asawang lalaki na uso ang sariwang bulaklak ngunit sinabi ni
Mathilde na magmumukha siyang kaawa-awa at maralita. Maya-maya napabulalas si
G. Loisel na manghiramkay Madam Forestier ang matalik niyang kaibigan. Kaya
pumunta si Mathilde kay Madam Forestier, ipinapakita nito ang mga ilang alahas at
pinapapili siya sa kanyang gusto. Ngunit wala siyang nagustuhan kaya sinabi ni
Mathilde kung mayroon pa ba siyang ibang nakatagong alahas at walang ano-ano
8
may napansin siyang kahon na nakabalot sa maitim na satin nang buksan ito ay
nandidilat ang kanyang maga mata sa kuwintas na diyamante na lubhang kahanga-
kahanga.
Walang katumbas sa kagandahan ang angking taglay ni Mathilde sa gabi ng
kasiyahan. Nagtamo ng malaking tagumpay si Madame Loisel. Nahigitan niya ang
lahat na mga babae sa ganda. Napako sa kanya ang paningin ng mga kalalakihan at
gumawa ng paraan upang siya’y makilala at makasayaw. Tila siya lumulutang sa
ulap dahil ang lahat ay humahanga sa kanya.
Hating-gabi nang sila’y umalis sa palasyo. Ibinalabal ni G. Loisel sa
balikat ng kanyang asawa ang mumurahing balabal - pangginaw. Nagdudumali sa
pagbaba ng hagdan si Mathilde dahil baka makita ng mga panauhin sa palasyo ang
abang pangginaw niya na takip sa kanyang balikat. Nagmamadali silang makahanap
ng masakyan hanggang sa makakita ng dokar.(kotse) Madaling araw na nang silay
makauwing mag- asawa.
Nawala ang kuwintas na hiniram ni Mathilde kay Madame Forestier
matapos ang kasiyahan. Hinanap nila kahit saang sulok ng lugar na kung saan sila
dumaan ng gabing iyon sa kanilang pag-uwi. Kapwa sila nanlulupaypay at nabigo sa
paghahanap nito. Hinanap nila ang kuwintas sa mga alahera at doon may nakita silang
kamukha sa nawawalang kuwintas na ang halaga ay apat napung libong prangko.
Natawaran nila ito sa halagang tatlumpu’t apat na libong prangko. At sinabing
balikan ang kuwintas kung makakita na sila nang ganoong halaga hindi lang ipagbili
ang kuwintas.May namanang labing walong libo si Mathilde sa yumaong ama ngunit
hindi pa sapat para mabili ang kuwintas. Kaya nagungutang sila kahit anong uring
pagkakautangan, lumagda kahit anong kasulatan, ibeninta ang bahay malikom
lamang ang pera. Nangigipopos sa hirap at matinding pagdurusa ang dinaanan ni
Mathilde mabili lamang ang kuwintas na kamukha sa nawawalang kuwintas na
hiniram niya kay Madame Forestier. Sa wakas nalikom din ng mag-aasawa ang sapat
na halaga na tatlumpu’t apat na libong prangko at naibalik ang kuwintas.
Labis ang pagtanda ni Mathilde kaya isang araw sa hindi inaasahang
pagkakataon nagkatagpo sila ni Madame Forestier muntik nang hindi siya makikilala
nito dahil sa iba na ang kanyang pananamit, hindi na siya ang dating Mathilde na
kakilala niya na maganda at mapanghalina kundi ang nasa harap niya ngayon ay
isang Mathilde na matanda, payat at pangkaraniwang babae lamang. At sinabi ni
Mahtilde ang lahat na mga pagdurusang nararaanan niya sa buhay dahil sa kuwintas
na hiniram sa kanya. Buong pagtataka at hindi makapaniwala si Madame Forestier sa
lahat na sinabi ni Mathilde dahil naibalik naman niya ang kuwintas. Sinabi ni Mathilde
na ang kuwintas na isinauli niya ay hindi yaong kuwintas na hiniram niya kundi iyon
ay kapalit sa kuwintas niyang nawawala. Kaya siya nagkaganoon, nagsasalat ang
buhay nilang mag-asawa dahil sa pagkalugmok nila sa utang mabili lamang ang
kuwintas na kamukha ng pinahiram niya.
Hindi akalain ni Mathilde na pagtatawanan lamang siya nito at Sinabing
“kahabag-habag kong Mathilde ang ipinahiram ko sa iyo ay imitasyon lamang, puwit
lamang ng baso na nagkakahalaga ng limang-daang prangko.
9
GAWAIN 3 : TATASIN NATIN.......
Sagutin ang mga hinihinging pahayag sa ibaba. Isulat pa rin sa sagutang papel
ang inyong sagot.
A. Ipakilala ang pangunahing tauhan sa kuwento sa tulong ng karakter map.
B. Sanhi at Bunga ng mga pangayayri gamit ang Diyagram na Buto ng Isda.
OPINYON MO ,ITALA MO!
SANHI
SANHI
BUNGA
10
GAWAIN 4 : MAGSANAY TAYO!
Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong batay sa mahahalagang
pangyayari sa akda. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.
1. Bakit hindi Masaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa ? ______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang kanyang asawa na dumalo sa kasayahang idinaraos ng kagawaran ? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang mga pangarap sa buhay? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Sa kasalukuyang panahon, may mga Mathilde ka bang nakilala o nakikita? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Ano ang dapat gagawin ng pangunahing tauhan upang hindi na mararanasan ang matinding paghihirap? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
6. Ano-anong kultura o pag-uugali ng taga France ang masasalamin sa loob ng akdang binasa? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
NATUTUNAN MO.....
IPALINAWAG MO!
11
PAGPAPALALIM SA NATUTUNAN GAWAIN 5 : ANO ANG GAGAWIN MO? Sagutin ang karagdagang tanong at ipaliwanag ito. Idugtong ang inyong sagot sa mga gawaing ibinigay.
1. Sa anong paraan matugunan ang mga isyung panlipunan na kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa ngayon? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Sa anong paraan maipapakita ang pagkakapantay-pantay sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura at kasarian? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng matatag na pagpapasya? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
HASAIN NATIN ANG KAALAMAN MO!!
12
Kohesyong Gramatikal
• Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.
• Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang teksto o pahayag.
• Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng siya, niya ,kanila, at iba pa. Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.
• 1. Pagpapatungkol na Anapora
Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.
PANGALAN
PANGHALIP
Halimbawa :
• Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
• Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.
2. Pagpapatungkol na Katapora Ito ay panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan PANGHALIP
PANGNGALAN
BASAHIN AT
ALAMIN!
13
• Patuloy nilang dinarayo ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.
• Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burham paborito niya itong pasyalan.
GAWAIN 6 : MAGSANAY TAYO!
Isulat sa patlang ang PA kung ito ay pagpapatungkol anapora ; PK kung ito ay
pagpapatungkol katapora. Kopyahin ang gawain 6 at 7 at sagutin ito sa inyong
sinasagutang papel.
______1. Ayon sa mga nakakaalam ng takbo ng turismo sa bansa, humina ito dahil
sa masasamang balita.
______2. Isa siyang pulitiko kaya’t nalalaman niya kung paano lambingin ang mga
tao.
______3. Ito ang pangunahing dahilan sa pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang
terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Aquino.
______4. Naniniwala si Duterte sa kakayahn niyang pamunuan ang bansang
Pilipinas.
______5. Ang pagpasok ng mga dolyar sa Pilipinas ay maituturing na biyaya,
sapagkat ito ang dahilan ng pagtaas ng ekonomiya.
GAWAIN 7 : PUMILI KA!
Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na panghalip
ang mga patlang mula sa ibinigay na mga pagpipilian sa loob ng panaklog. Isulat
ang tamang sagot sa patlang.
1. (Siya’y , Ika’y, Kami’y) _______________ isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala_________( akong, kaming, siyang) isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi..
3. Malimit sa pagmamasid ( niya, nito, siya) ___________sa kabalyero ay nahihintakutan siya sa posibleng mangyari.
MAGSANAY KA!
14
4. “ Mahal, akala ko’y ikatutuwa (nila,ko,mo)________________ ang pagkakuha ko sa paanyaya.”.
5. Sumapit ang inaasam (naming,kong,niyang)_______________araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si Madame Loisel.
6.
GAWAING 6 : ISULAT MO! Sa isang buong papel, sumulat ng maikling sanaysay na nagpapatunay ng positibong pagtanggap sa totoong katayuan sa buhay gamit ang angkop na panghalip . Pamantayan sa Pagmamarka :
Pagpapatunay sa mga pangyayari - 10
Kalinawan ng mga ideya - 10
Ma hatak sa mambabasa - 5
______
25
___________________________________________________________________
GAWAIN 7 : TALENTO MO... IPAKITA MO !
Batay sa sariling karanasan o mga nasaksihang isyung panlipunan,
Magbigay ng solusyon na nagpapatunay sa inyong pagiging mulat at mapanuri sa
lipunang inyong ginagalawan. Pumili ng isa sa nakatalang gawain na angkop sa
kakayahan at kagustuhan. Ang napiling gawin ay isulat sa isang buong bondpaper
(short).
• Islogan
• Flyers
• Bookmark
• Poster
• Tula
• Komik Istrip
• Awit Sa pamamagitan ng malikhaing Gawain napapatunayang nagiging mulat at mapanuri ang mga kabataang milenyal sa mga isyung panlipunan upang sa ganoong paraang Gawain nasolusyonan ang mga kanser sa lipunan.
KAKAYAHAN MO.. ATING SUSURIIN!
15
Sanggunian:
Arsenio, L. Sumeg-ang. 2005. Ethnograhpy of the Major Ethnolinguistic groups In
the Codillera. Quezon City: Cosdellira Schools Group. Inc. and New Day
Publishers.
Arrogante, Jose et al. 1991. Pantinikang Pilipino. Antolohiya. Mandaluyong City:
National Bookstore.
Jocson, Magdalene O. et. al. 2005. Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Quezon, City: Loremar Publishing Co. Inc.
Private Education Assistance Committee under the GASPE Proram of the
Department of Education
Santiago, Erlinda M. et.al 1989. Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad
Pangkolehiyo. Manila: Book Store
https://www.wien .gv.at>administrtin/ The five principles of gender
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]
16