12
INSTITUTIONALIZED STATUS SA PGS NAKAMIT NG ARMY 4th Quarter 2014 Ang pagkamit ng Gold Governance Trailblazer Seal ng Philippine Army ay simbolo ng paglalakbay nito tungo sa mga pagbabago sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad. Ipinagmamalaking itinaas ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri ang tropeo na nagpapatunay na naabot na ng Philippine Army ang Institutionalized Status kaakibat ng Performance Governance System (PGS) Pathway at Gold Trailblazer Seal matapos ang Public Governance Forum Revalida na ginanap sa Philippine International Convention Center, Oktubre 21. (Mga larawan kuha ng OACPA) May 120 boluntaryong sibilyan ang nagtapos ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) Basic Citizen Military Training (BCMT) na isinagawa ng 3rd Special Forces Battalion, Special Forces Regiment (SFR), Special Operations Command, Philippine Army sa loob ng 45 araw. Ginanap ang pagtatapos sa Kalayaan Hall, kampo ng 402nd Infantry Brigade sa Brgy Bancasi, Butuan City, ika-15 ng Oktubre. Kusang-loob na sumapi bilang CAA ang mga sibilyang nagsipagtapos na nagmula sa iba’t ibang barangay ng Surigao del Norte. Ang pagrerekrut sa mga CAFGU ay bahagi ng patuloy na programa sa Community Organizing for Peace and Development ng 30th Infantry Battalion, 4th Infantry Division, Philippine Army, sa pamamagitan ng pagsuporta ng mga lokal na pamahalaan. Layunin nito na maitatak sa isip ng mga mamamayan ang kahalagahang palakasin ang Territorial Defense System sa mga komunidad. Ang mga nagsipagtapos ay madedestino sa kani-kanilang mga bayan upang maging bahagi ng iba pang tauhan ng pamahalaan na naghahatid ng mga pangunahing pangangailangan ng pamayanan, mga proyektong pang-ekonomiya at panlipunan at iba pang programang pangkaunlaran. Ang pagtutulungan ng mga stakeholder upang maging matagumpay ang pagrerekrut at pagsasanay ay lubos na makaambag sa ikatitiwasay ng buhay ng mga Surigaonon. 120 Sibilyan Nagtapos ng Pagsasanay sa CAA Sundan sa pahina 3 N akamit ng Philippine Army ang Institutionalized Status sa ilalim ng Performance Governance System (PGS) Pathway at ipinagkaloob dito ang Gold Governance Trailblazer Seal sa ginanap na Public Governance Forum Revalida sa Philippine International Convention Center, Pasay City, ika-21 ng Oktubre. Sa presentasyon na ipinakita ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri, binigyang-diin niya ang mga pinagdaanan ng Hukbo upang maabot ang pagbabago kasama ang pagsulong sa Army Transformation Roadmap (ATR) na kinapapalooban ng limang strategic perspective: ang stakeholder support, finance at logistics, human resource, internal processes, at constituency. Nakasaad din sa presentasyon ang integrasyon ng PGS sa Philippine Army; kung paano sinunod ng Army ang kultura ng tamang pamamalakad ng institusyon; at ang masigasig na pagpapatuloy ng ATR. Ang Public Governance Forum ay dalawang beses ginaganap sa isang taon ng Institute of Solidarity in Asia (ISA) sa pakikipagtulungan ng National Competitiveness Council (NCC). Sa forum na ito, ipinapakita ang performance report ng mga ahensya ng pamahalaan at mga yunit ng lokal na pamahalaan na nagnanais na iangat ang kanilang pagtupad sa tungkulin ayon sa good governance pathway. Ang paglalakbay tungo sa pagbabago na tinahak ng Philippine Army ay ipinakita sa 30-minutong presentasyon ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri sa harap ng panel. GOLD GOVERNANCE TRAILBLAZER SEAL TINANGGAP

4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt nG army

4th Quarter 2014

Ang pagkamit ng Gold Governance Trailblazer Seal ng Philippine Army ay simbolo ng paglalakbay nito tungo sa

mga pagbabago sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad.

Ipinagmamalaking itinaas ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri ang tropeo na nagpapatunay na naabot na ng Philippine Army ang Institutionalized Status kaakibat ng Performance Governance System (PGS) Pathway at Gold Trailblazer Seal matapos ang Public Governance Forum Revalida na ginanap sa Philippine International Convention Center, Oktubre 21. (Mga larawan kuha ng OACPA)

May 120 boluntaryong sibilyan ang nagtapos ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) Basic Citizen Military Training (BCMT) na isinagawa ng 3rd Special Forces Battalion, Special Forces Regiment (SFR), Special Operations Command, Philippine Army sa loob ng 45 araw. Ginanap ang pagtatapos sa Kalayaan Hall, kampo ng 402nd Infantry Brigade sa Brgy Bancasi, Butuan City, ika-15 ng Oktubre. Kusang-loob na sumapi bilang CAA ang mga sibilyang nagsipagtapos na nagmula sa iba’t ibang barangay ng Surigao del Norte. Ang pagrerekrut sa mga CAFGU ay bahagi ng patuloy na programa sa Community Organizing for Peace and Development ng 30th Infantry Battalion, 4th Infantry

Division, Philippine Army, sa pamamagitan ng pagsuporta ng mga lokal na pamahalaan. Layunin nito na maitatak sa isip ng mga mamamayan ang kahalagahang palakasin ang Territorial Defense System sa mga komunidad. Ang mga nagsipagtapos ay madedestino sa kani-kanilang mga bayan upang maging bahagi ng iba pang tauhan ng pamahalaan na naghahatid ng mga pangunahing pangangailangan ng pamayanan, mga proyektong pang-ekonomiya at panlipunan at iba pang programang pangkaunlaran. Ang pagtutulungan ng mga stakeholder upang maging matagumpay ang pagrerekrut at pagsasanay ay lubos na makaambag sa ikatitiwasay ng buhay ng mga Surigaonon.

120 Sibilyan Nagtapos ng Pagsasanay sa CAA

Sundan sa pahina 3

Nakamit ng Philippine Army ang Institutionalized Status sa ilalim ng Performance Governance System (PGS) Pathway at ipinagkaloob dito ang Gold Governance Trailblazer Seal sa ginanap na Public Governance Forum Revalida sa Philippine

International Convention Center, Pasay City, ika-21 ng Oktubre. Sa presentasyon na ipinakita ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri, binigyang-diin niya ang mga pinagdaanan ng Hukbo upang maabot ang pagbabago kasama ang pagsulong sa Army Transformation Roadmap (ATR) na kinapapalooban ng limang strategic perspective: ang stakeholder support, finance at logistics, human resource, internal processes, at constituency. Nakasaad din sa presentasyon ang integrasyon ng PGS sa Philippine Army; kung paano sinunod ng Army ang kultura ng tamang pamamalakad ng institusyon; at ang masigasig na pagpapatuloy ng ATR. Ang Public Governance Forum ay dalawang beses ginaganap sa isang taon ng Institute of Solidarity in Asia (ISA) sa pakikipagtulungan ng National Competitiveness Council (NCC). Sa forum na ito, ipinapakita ang performance report ng mga ahensya ng pamahalaan at mga yunit ng lokal na pamahalaan na nagnanais na iangat ang kanilang pagtupad sa tungkulin ayon sa good governance pathway.

Ang paglalakbay tungo sa pagbabago na tinahak ng Philippine Army ay ipinakita sa 30-minutong presentasyon ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri sa harap ng panel.

Gold Governance Trailblazer Seal TinanGGap

Page 2: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

2Army bAlitA

AngArmyBalitaayangopisyalnapahayaganngngKatihanngPilipinas.ItoayinilalathalaapatnabesessaisangtaonngHukbosapamamagitanngCivil-MilitaryOperationsGroup,KutaAndresBonifacio,MetroManila1201.NagsisilbiitongforumparasabukasatmalayangpagpapalitanngmgaideyaatkonseptotungkolsaPhilippineArmy.AngmgaartikulonainilalathalasaArmyBalitaayhindisumasalaminsaopisyalnapaninindiganngPhilippineArmymalibannalamangkungitoaytiyakangisinasaad.Bagama’thindinaminsagutinangmgaopinyonngmgakontributor,tinatanggapnamannaminangresponsibilidadsapagbibigayngoportunidadnamailathalaangmgaito.Angpahayagannaitoaynaaprubahanparasapampublikongpamamahagi.AngopisyalnapagpapamahaginitoaysamgayunitatmgatanggapanngPhilippineArmy,ArmedForcesofthePhilippines,atsailangtanggapanngpamahalaan.Parasareproductionsatre-publication,maaaringhumingingpahintulotmulasamgamay-akda.MaaaringiderektasamgamanunulatosaEditor-in-chiefnamaaaringmagrepresenta,kungnaisnagamitinangmgaito.KarapatanngArmyBalitanai-editopaikliinangmgaartikulonaisinusumite.AngArmyBalitaaytumatanggapngmgaartikulonanakasulatsaPilipinomanosaIngles.Angmgakontribusyonatmgakahilinganparasamgaimpormasyonaymaaaringipadalasa:Patnugot,ArmyBalita,CMOG,PAKutaAndresBonifacio,MetroManila1201.

Editorial Board

LT GEN HErNaNdo dCa IrIbErrI aFPCommanding General

bGEN r dEMoSTHENES C SaNTILLaN aFPVice Commander

MGEN raFaEL C VaLENCIa aFPChief of Staff

CoL adoNIS r baJao GSC (INF) PaSecretary General Staff

CoL bIENVENIdo r daTUIN Jr GSC (INF) PaAC of S for Personnel, G1

CoL FErNaNdo T TrINIdad GSC (INF) PaAC of S for Intelligence, G2

COL CIRILITO E SOBEJANA GSC (INF) PAAC of S for Operations, G3

CoL EMMaNUEL P PrIVado GSC (QMS) PaAC of S for Logistics, G4

CoL FraNCo NEMESIo M GaCaL GSC (INF) PaAC of S for Plans, G5

CoL arNoLd F aNdaLES (MNSa) PaAC of S for CEIS, G6

CoL raMIro MaNUEL a rEY GSC (INF) Pa AC of S for CMO, G7

COL JOSE L FAuSTINO JR GSC (INF) PAAC of S for Education and Training, G8

CoL NICoLaS b PaSIoN Jr GSC (INF) PaAC of S for Reservist and Retiree Affairs, G9

LTC NoEL J dEToYaTo GSC (INF) PaArmy Chief Public Affairs

Editorial Staff

CoL arNULFo MarCELo b bUrGoS Jr INF (GSC) PaPublisher

LTC WENEFrEdo o arCEÑo Sr GSC (CE) PaEditor-in-chief

MAJ MARCO ANTONIO A MAGISA (INF) PAExecutive Editor

LYdIa V CabaJarEditorial Consultant

CPT GEMIra r dY (MI) PaAssociate Editor

CarINa C PaSTraNoManaging Editor

KarEL S dabUNews Editor

CPL NOEL M BERNARdINO (INF) PACPL RAMON MEGO (INF) PAPFC CESAR P LOPEz (INF) PA

PFC CRISTINE A TABAyAN (INF) PA Photographers

PFC JANE A SANChEz (INF) PAPFC REx N MONTENEGRO (INF) PA

PvT JONAThAN T JAMORAwON (INF) PAPvT LORENzO RuIz G PATdu (INF) PA

PvT JuLIuS d MANLANGIT (INF) PAPvT MARLON JAy G OMPOC (INF) PA

Circulation Staff

Editoryal

Katatagan sa gitna ng tagumpay, Hirap at mga Hamon sa HuKbo

Isang taon na naman ang muling lilipas. Sa bawat araw na ibinayaya ng ating Dakilang Lumikha, naranasan ng mga tauhan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang tuwa at saya, lungkot, tagumpay at kabiguan sa bawat hamon na kinaharap nito sa pagtupad ng indibidwal na tungkulin upang magampanan ang pangkalatahang misyon. Ngunit sa bawat pinagdaanan, mabuti man o hindi, mas positibong pananaw ang pinipiling pairalin dahil sa paniniwalang sa bawat isa nito, may leksyon na matututunan—na sa bawat kabiguan may tagumpay na maaabot, na ang bawat hirap ay may kaakibat na ginhawa, samantalang sa bawat hamon na malalagpasan, ibayong katatagan ang kapalit. Itong huling isyu ng Army Balita para sa taong ito, naitala na marahil ang iba’t ibang karanasan ng HKP na naglalarawan na ito ay namumukod-tangi bilang isang organisasyon o ahensya ng pamahalaan. Maraming tagumpay ang naabot ng Hukbo at ng mga tauhan nito para sa 2014. Pinakaangat dito ang ating banner story ngayong isyu—(tingnan sa pahina 1). Ngunit bago nakamit ang binanggit na Institutionalized Status sa PGS Pathway at Gold Trailblazer Seal, maraming paghamon ang kailangang malagpasan ng Hukbo. Di biro ang landasin patungo sa pagbabago - lalo na sa tunay na pagbabago. Ngunit ito ang mas piniling tahakin ng HKP kung kaya nagkaroon ito Army Transformation Roadmap patungo sa isang pananaw na mag-aakyat sa kanya sa estadong world-class na maipagmamalaki ng sambayanang Pilipino habang patuloy ang paglilingkod sa mga tao at pagkalinga sa kalupaan ng buong bansa. Dagdag pa rito, maraming tauhan ng HKP ang naging angat sa iba’t ibang larangan. Ang mga sundalo at opisyal na ginawaran ng parangal na kabilang sa The Outstanding Philippine Soldiers (TOPS), ang mga atleta ng dragonboat, volleyball, marathon, at shooting competition. Pinagbunyi rin ng Hukbo sa pamamagitan ng isang ‘heroes’ welcome’ ang pagbalik ng mga peacekeeper mula Golan Heights. Marami ring hamon ang kanilang kinaharap sa ibang bayan, ngunit magiting naman nila itong nalagpasan at matamang nagampanan ang mga tungkuling

naayon sa commitment ng ating bansa sa buong daigdig sa larangan ng kapayapaan. Naging mainit din ang pagtanggap sa kanila ng Pangulong Benigno S Aquino lll sa Malacanang at ginawaran pa sila ng mga kaukulang parangal. Sa mga paghamong ito, ngiti at tuwa ang idinulot sa atin. Sa kabila nito, may mga kabiguan at lungkot din na naidulot ang 2014. Mga realidad na masasabi nating kakambal na ng propesyong militar ngunit may sakit pa ring dulot sa mga miyembro nito, kaibigan at higit sa lahat, sa pamilya. Isa na rito ang pagkasawi ng ilang miyembro ng Hukbo sa Basilan habang sinisiguro ang kaligtasan ng mga ibang ahensya ng pamahalaan na tinutupad din ang tungkulin sa bayan. Sa kabila ng pagiging sundalo, natural na kaakibat nito ang ang mga kinahaharap na panganib sa buhay. Naging mas masakit ito dahil sa pagkakataong ito, naging instrumento lamang ang mga sundalo sa pagsulong ng lalawigan at sa kasawiang-palad, sa kamay ng mga terorista lamang natapos ang mga pangarapin at buhay ng sundalo kabilang ang isang batam-batang opisyal. Ilang araw pa ang lumipas, mas malupit na karahasan ang sinapit ng ilang sundalo ng Scout Ranger na nakabase sa Talipao, Sulu ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group. Malaking dagok ito sa Hukbo ngunit hindi ito ang magiging dahilan upang maapektuhan ni katiting ang katatagan na mahigit daan taong nang nahubog sa bawat hamong nalagpasan, sa pangkasalukuyan at kahaharapin nito sa bawat taong dadaan. Sa pagdating ng Bagong Taon, makakaasa ang buong sambayanan na buong husay na gagampanan ng Hukbo, maging ng mga tauhan nito, ang sinumpaang tungkulin sa kabila ng mga paghamon na kakaharapin nito. Buong sigasig din nitong pagsisikapan na makamit ang mga hangarin, at pangarapin nito batay sa Army Transformation Roadmap. Sa mainit na pagtanggap at pagsuporta ng sambayanan, hindi malayo ang aanihin pang tagumpay ng Hukbo ngayon at sa mga hinaharap pang panahon. /CCP

Page 3: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

3Army bAlitA

Camp Aguinaldo, Quezon City - Ipinag-utos ni Armed Forces Chief of Staff Gen Gregorio Pio P Catapang Jr sa lahat ng kapelyan o tsaplen sa buong sandatahan na ialay ang kanilang panalangin para sa ligtas na pagdalaw ng Santo Papa. Hinikayat ng heneral ang mga Katolikong deboto na ialay ang kanilang pagrorosaryo para sa maayos at ligtas na pagdalaw sa bansa ni Pope Francis, ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko. Inihayag ito ng heneral nang gunitain ang ika-97 anibersaryo ng “Great Miracle of the Sun in Fatima” --- bahagi ng 14th Rosary Congress, na ginanap sa St Ignatius Cathedral sa Kampo Hen Emilio Aguinaldo, Quezon City, Oktubre 13, kung saan pinangunahan niya ang 500 sundalo at sibilyan sa isang nobena. Ang Santo Papa ay darating sa bansa sa Enero 15-19, 2015 upang dalawin ang mga sinalanta ng bagyo sa Tacloban at lindol sa Bohol. Samantala, tampok sa nasabing paggunita ang pagtalakay sa ilang mga paksang tulad ng “The Great Miracle of Sun,” “Mary, Help of Christians,” at “Praying and Living the Rosary with Mary.” Ipinutong ang korona sa pilgrim image ng Our Lady of Fatima

nina Heneral Catapang at ng kanyang maybahay Gng Vilma Catapang na siya ring namuno sa Act of Consecration to the Immaculate Heart of Mary. Pinangunahan naman ng Igg Voltaire T Gazmin, Kalihim ng Tanggulang Pambansa at ng kanyang maybahay, Gng Rhodora Gazmin, ang panalangin para sa kapayapaan. Binendisyunan ang mga rosaryo na ipinamahagi sa mga kasundaluhan sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan. Matapos ito’y nag-alay ng bulaklak sa imahe ng Mahal na Birheng Maria ang mga nagsidalo. Naging bahagi rin sa paggunita sina AFP Vice Chief of Staff John S Bonafos at Dr Maria Luina Bonafos, Army Chief, Lt Gen Hernando DCA Iriberri at Gng Agnes Carolina Iriberri, Air Force Chief of Staff, Maj Gen Salvador Melchor B Mison at Mrs Maria Socorro E Mison na kumatawan sa Air Force Chief Lt Gen Jeffrey F Delgado at Mrs Maria Racquel Delgado, at Navy FOIC VAdm Jesus C Millan at Gng Sonia Millan. Pinangunahan ni Most Reverend Msgr Sabino A Vengco Jr ng Novaliches ang misa kasama ang mga punong kapelyan sa mga pangunahing sangay ng Sandatahang Lakas.

45th AFP Sergeant Major at 19th NCO Day. Hinimok ng Pangulo ng Pilipinas Kgg Benigno S Aquino lll ang mga sergeant major at non-commissioned officer ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na palawigin ang kanilang aktibong bahagi bilang tulay na nag-uugnay sa mga nakababata at nakatatandang opisyal para sa mas propesyonal at higit na magaling na organisasyon, sa isang simpleng pagtitipon sa pagdiriwang ng 45th Sergeant Major at 19th NCO Day na ginanap sa Malacanang Palace, Oktubre 29. Binigyang-diin ng Pangulo na habang ginagampanan ng karaniwang kawal ang kanilang mga tungkulin, tutuparin naman ng pamahalaan ang bahagi nito. Binanggit ng Pangulo bilang halimbawa ang sinimulan ng pamahalaan na pabahay para sa mga kawal, pagsisikap na maayos ang kanilang mga pensyon, puspusang pagsusulong ng modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at pagkakaloob ng kabuhayan sa mga tauhan ng militar.

Sapat ang lakas ng pamahalaan upang masupil ang Abu Sayyaf Group (ASG), ito ang sinabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa isang panayam. “Tinitiyak ng ating militar at kapulisan na sapat ang ating mga puwersa para malipol itong mga masasamang-loob na ito,” wika ng Pangulo sa mga reporter pagkatapos na pasinayaan niya ang Coca-Cola FEMSA Philippines’ expanded plant sa Canlubang, Calamba, Laguna. Inihayag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na anim na tauhan ng 64th Infantry Battalion sa Sitio Mompol, Brgy Libug, Basilan ang nasawi matapos tambangan ng may 20 tauhan ng Abu Sayyaf. Ayon sa ulat, binabantayan ng mga kawal ang ginagawang lansangan doon nang paulanan sila ng putok. Maagap na isinagot ng Pangulo na ilang batalyon na ang tumutugis ngayon sa grupong tinatayang aabot sa 400 katao nang tanungin kung kailangang patulungin ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa operasyon laban sa Abu Sayyaf. “Kapag ilang batalyon, hindi isa o dalawa lamang, hindi rin tatlo—maraming batalyong binubuo ng karamihan ay ang ating most elite forces at regular line infantry battalions, ang gagalugad sa mga kuta nila sa kabundukan at mapupunong-kahoy na kagubatan upang wala silang mapagtaguan,” dugtong ng Pangulo. Sinabi pa ng Pangulo na bilang pangmatagalang solusyon sa pagsupil sa grupong ito, sinisikap ng pamahalaan na magkaroon ng kaunlaran sa rehiyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga imprastrakturang tulad ng

matagal nang nababalam na circumferental road sa Basilan. Idinugtong ng Pangulo na sa ganitong paraan, manunumbalik sa pamahalaan ang mga komunidad na tumutulong sa grupong ito. “Kailangan din ng malakihang pagsulong, hindi lamang sa Sulu, hindi lamang sa Basilan. Ang totoo ang mga nagbabantay diyan na mga sundalo natin, ang binabantayan ay ang pagkatagal-tagal nang hindi matapus-tapos na circumferential road. Sa pagkaintindi ko, kapirasung-kapiraso na lamang para makumpleto na ang kalsadang iyon,” paliwanag ng Pangulo at idinugtong na ayaw ng Abu Sayyaf na umunlad ang rehiyon sapagka’t magiging sagabal ito sa panghihikayat nila ng mga kasapi. “Basta ang tagubilin natin sa kinauukulan ay walang humpay na operasyon hanggang maubos natin, na ang ibig sabihin ay maaresto at madala sa korte ang lahat ng mga miyembro ng Abu Sayyaf,” pagbibigay-diin pa ng Pangulong Aquino. (Pinagkunan: www.pcoo.gov.ph)

(Larawan kuha ni Ryan Lim / Malacañang Lauro Montellano Jr / Photo Bureau)

aFP nag-alay ng Panalangin parasa ligtas na Pagdalaw ng santo Papa

Peace, Security Effort Isinalin ng AFP sa Guimaras PPOC

Isinalin na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng 3rd Infantry “Spearhead” Division (3ID) ang pananagutan sa panloob na kapayapaan at seguridad ng Guimaras sa Provincial Peace and Order Council (PPOC), ika-29 ng Oktubre sa isang simpleng seremonya sa Jordan, lalawigan ng Guimaras. Pinirmahan ni Col Eric Uchida, pinuno ng ng 301st Infantry Brigade, sa panig ng AFP ang memorandum of agreement. Ang Guimaras, ayon sa kanya, ay idineklara na insurgency-free anim na taon na ang nakalilipas at patuloy na gumaganda ang panseguridad na sitwasyon nito dahil wala ng mga marahas na pangyayari kaugnay ng New People’s Army. Sa kasalukuyan maganda na ang takbo ng ekonomiya, agrikultura at mga proyektong pang-imprastraktura, dagdag pa ni Colonel Uchida. Matatandaan na ang Guimaras ay pormal na idineklara bilang insurgency-free noong 2008 sa isang resolusyon na pinirmahan ng Panlalawigang Pamahalaan ng Guimaras, ng 3ID, at Police Regional Office 6. Simula noon, ang mga konseho ng peace and order,

mula sa lalawigan hanggang sa barangay ay epektibong ginagampanan ang mga gawaing nakaatang sa kanilang mga balikat. Ito ay pagpapatunay lamang na desidido ang mga taga-Guimaras na isulong ang kagalingan ng kanilang lalawigan. Sa pamamagitan ng Provincial Resolution No 2 na nilagdaan noong Setyembre 10, 2014, tinanggap ng Guimaras PPOC ang pananagutan nito sa panloob na kapayapaan at seguridad ng kanilang lalawigan. Ang PPOC na ang mangunguna sa pagpapanatili ng kapayapaan dito. Samantala, ang patuloy na maayos at mapayapang sitwasyon sa lalawigan ang naging daan para sa pagpasok ng mga namumuhunan at mga turista na nakatutulong sa pagpapanatili ng katatagan sa rehiyon ng Kanlurang Visayas. Tiniyak ni Maj Gen Rey Leonardo Guerrero, komander ng 3ID, na mananatili ang Army sa pagtupad ng kanilang tungkulin upang suportahan ang pagpapanatili ng maayos at mapayapang kapaligiran para sa pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.

Sapat ang lakaS natin para Supilin ang abu Sayyaf - pangulong aquino

Positibong tinanggap ng mga miyembro ng panel ang presentasyon ni Heneral Iriberri at kumilala sa mga pagpupunyagi ng hukbo para sa pagbabago. Pinamunuan ni Mr Guillermo M Luz bilang chairman ng panel kasama sina: Secretary Jose Rene Almendras, chairman ng NCC; Congressman Mel Senen Sarmiento, Philipine Army Multi-Sectoral Board (PA MSAB) chairman; Dir Antonio Aquino, miyembro ng PA MSAB; Ms Maria Victoria Garchitorena, miyembro ng PA MSAB; Ms Doreen Yu, kolumnista ng Philippine Star; Ms Maxene Tanya Hamada, assistant secretary ng Department of Budget and Management; at Gen Dionisio Santiago (Ret), dating AFP Chief of Staff

at naging Army chief. Ang pagtanggap ng Institutionalized Status ay pagpapatunay na ang mga sistema at proseso mula sa PGS Pathway ay nakatanim na sa Army. Ngunit hindi rito natatapos ang paglalakbay ng Hukbo, bagkus ito ay lalahok sa inisyatibong tinaguriang Islands of Good Governance sa 2015 kung saan nilalayon nito na maipakita ang mga lokal na pagbabago sa mabuting pamamalakad o good governance. Ang inisyatibong ito ay ipinakilala ng Institute for Solidarity in Asia at National Competitiveness Council.

Institutionalized Status sa PGS ... ... Mula sa pahina 1

Page 4: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

4Army bAlitA

3 army toPs 2014 awardees, kinilala Fort Bonifacio, Metro Manila - Tatlong kawal-Katihan na tinanghal ng Metrobank Foundation, Inc, bilang The Outstanding Philippine Soldiers (TOPS) 2014, kamakailan, ang binigyang-pagkilala ng Philippine Army, sa Fort Bonifacio, Oktubre 20. Kinilala ang TOPS awardees na sina Col Teodoro A Llamas, Komander ng AFP Joint Special Operations Group na nakabase sa Kampo Hen Emilio Aguinaldo, Quezon City; MSg Aladin S Dacayanan, Group Sergeant Major, Military Intelligence Group 22, Intelligence Service, AFP na nakabase sa Puerto Prinsesa City; at SSg Rehum P Magno, Platoon Sergeant, 3rd Scout Ranger Company, 1st Scout Ranger Battalion, First Scout Ranger Regiment, Special Operations Command, PA na nakabase sa San Jorge, Western Samar. Ginawaran ng Command Plaque ang tatlong TOPS Awardees ni Brig Gen Rodolfo Demosthenes C Santillan, Army Vice Commander na kumatawan kay Army Chief, Lt Gen Hernando DCA Iriberri. Kaalinsabay nito, tumanggap ng tseke mula sa Metrobank Foundation Inc., na kinatawan ni Assistant Executive Director Irene Labitad, ang mga yunit na kinabibilangan ng mga pinarangalan. Sa talumpati ng Army Chief, na binasa ni Brigadier General Santillan, sa harap ng mga tauhan ng Army, sinabi niya na ipinagmamalaki ng Hukbo ang kagalingan at katapangan na ipinamalas ng mga sundalong ito sa pagtupad nila ng kanilang mga tungkulin. Pinasalamatan din ng heneral ang Metrobank Foundation Inc para sa patuloy nitong pagkilala sa mga natatanging miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas partikular sa Hukbong Katihan. Samantala, ang TOPS awardees ay kinilala sa kanilang pagganap sa iba’t ibang larangan. Si Col Teodoro Llamas ay tatlong dekada na sa serbisyo-militar. Naging bahagi siya sa isa sa mga high-profile assignment --- ang Zambonga Hostage Crisis bilang komander ng Light Reaction Battalion na naging responsable sa pagliligtas ng mga inosenteng sibilyan na binihag ng MILF. Nang maging Light Reaction Regiment ang LRB, naitalaga siya bilang acting Regiment Commander. Naipamalas niya ang kagalingan bilang isang lider sa mga kampanya kontra-insurhensya kabilang na ang pagkakakubkob sa himpilan at kuta ng Bangsamoro Islamic Armed Forces Headquarters, gayundin ang pakikipagsagupa sa New People’s Army. Malaki rin ang kanyang kontribusyon sa pagsusulong ng pagbabago sa araw-araw na operasyon at ugnayan sa loob ng Presidential Security Group. Sa panig ni MSg Aladin Dacayanan, marami siyang nagampanang tungkulin mula sa pagtugis sa mga rebelde hanggang maging bilang miyembro ng mga tagapangasiwa sa military contingent at defense attaché. Naging bahagi siya ng maraming kampanya laban sa rebeldeng New People’s

Army sa Laguna at Quezon; sa muling pagkuha ng Command Post sa 1989 Coup Attempts at bilang Non-Commiss ioned Officer, sa pagpapatakbo ng mga operasyon ng Intelligence P r o d u c t i o n and Counter-I n t e l l i g e n c e Branch ng Hukbong Katihan. Naipakita rin niya ang kakayahan bilang kasapi ng United Nations Honor Guard Company na nakabase sa Seoul, Korea na sinundan ng pagkakatalaga sa Intelligence, Training bilang liaison sa Department of Foreign Affairs. Aktibo rin si MSg Dacayanan sa mga inisyatibong pangkomunidad. A n g Platoon Sergeant na si SSg Rehum Magno ay nagpamalas ng kakaibang katangian bilang isang lider lalo pa sa panahon ng Zamboanga City siege. Ang kanyang pamumuno kasabay ang matibay na pagbibigay-moral sa tropang sakop niya ay nagdulot ng matinding tagumpay sa kampanya laban sa Moro Islamic Liberation Front, kung saan napanumbalik ang kapayapaan at kaayusan sa siyudad. Bago naganap ang nasabing pangyayari sa Zamboanga, si SSg Magno at ang kanyang tropa ay nakikipaglaban sa Negros Oriental. Sa puntong iyon, ang kanyang matibay at maayos na pamumuno ay nagresulta sa pagkakaligtas sa mga ambush at pagkakadakip sa apat na miyembro ng NPA at pagkakumpiska sa mga gamit at subersibong dokumento. Kinilala ang ginampanan ni SSg Magno sa larangan ng pakikipaglaban at

nagawaran siya ng Gold Cross Medal at Distinguished Conduct Star. Nahirang din siya bilang Best Enlisted Personnel sa taong 2013 ng First Scout Ranger Regiment. Sa isang banda, ang programang ito – The Outstanding Philippine Soldiers ay taunang ginaganap ng Rotary Club of Makati at Metrobank Foundation Inc. Ang nasabing programa ay pagsasakatuparan ng matibay na paniniwala ng dalawang organisasyong ito upang kilalanin at bigyang-pugay ang mga katangi-tanging tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ito rin ay kanilang pamamaraan upang pasalamatan ang di-matatawarang pagganap ng kasundaluhan sa pagsasanggalang at pangangalaga sa soberenya ng bansa. (KSD)

Ipinagkakaloob ni Army Vice Commander Brig Gen Rodolfo Demosthenes C Santillan kay MSg Aladin Dacayanan ang command plaque bilang pagkilala sa pagkakahirang bilang isa sa mga TOPS 2014 awardees.

Isang kasapi ng Boy Scouts of the Philippines ang nagsisindi ng kandila sa puntod ng isang sundalo na nakahimlay sa Libingan ng mga Bayani bilang paggunita sa All Saints Day, Nobyembre 2, 2014. (Larawan mula sa OACPA)

Pinangunahan ni (CPT) John O Geronimo CHS, ng Army Chaplain Service ang pag-aalay ng panalangin kasama ang mga kaaanak ng isang namayapang sundalo na nakahimlay sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) noong ika-1 ng Nobyembre bilang paggunita sa All Saints Day. (Larawan kuha ni PFC Cesar Lopez/OACPA)

Mga Nasawing Bayani Inalala noong “All Saints’ Day”

Page 5: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

5Army bAlitA

Fort Bonifacio, Metro Manila - Sinampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives at arson ang isang kumander ng New People’s Army (NPA) at isa nitong tauhan matapos madakip sa pinagsanib na operasyong inilunsad ng pulisya at militar sa Barangay Doña Rosario, Tubay, Agusan del Norte. Pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng mga nahuli dahil sa mas pinalalim pang imbestigasyon sa kanilang kaugnayan sa umano’y pagsunog sa isang agricultural aircraft at isang gas pump na pag-aari ng Mindanao Agri-traders sa bayan ng Tubay noong Agosto, taong kasalukuyan. Samantala, ayon kay Col Jonathan Ponce, komander ng 402nd Infantry “Stringers” Brigade, na ang nahuling lider ng NPA ay kumander ng Sub-Regional Command Sentro de Grabidad “Westland” habang ang kanyang tauhan ay miyembro ng Guerilla-Front Committee 30, na parehong nasa ilalim ng CPP-NPA Northeastern Mindanao Regional Committee (NMRC). Nakuha mula sa kanila ang dalawang kalibre .45 na may bala, dalawang granada, Php25,500 halaga na pinaniniwalaang nakolektang butaw, at iba pang personal na gamit.

NPA Kumander, naaresto sa

Agusan del Norte

Sumuko sa 57th Infantry Battalion sa ilalim ng 10th Infantry Division ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy Imamaling, Magpet, North Cotabato, Oktubre 13. Kinilala ang mag-asawa na sina Marco Engay, 39, at Gina Calimpitan Via, 34, na nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanila ng militar upang mapayapang makapagbalik-loob sa pamahalaan. Inamin ng mag-asawa na isang malaking pagkakamali ang pagsapi nila sa kilusan matapos na paniwalaan ang pangako ng NPA nang mas maayos na buhay. Samantala, naitala mula noong Abril 2013, ang pagsuko ng 300 miyembro ng NPA dala ang iba’t ibang armas, habang 101 naman ang walang armas na nagmula sa mga lugar na sakop ng Eastern Mindanao. Ipinahayag ni Lt Gen Aurelio B Baladad, komander ng Eastern Mindanao Command, ang papuri sa mga sundalo ng 57IB dahil sa pagsuko ng mag-asawang nagbalik-loob sa pamahalaan. Hindi lamang mga sundalo kundi pati ang lokal na pamahalaan, ang Philippine National Police at CSO ang handang tumulong sa kanilang pagbabalik-loob, ayon pa sa heneral.

2 NPA Sumuko SA CotAbAto

Dalawang miyembro ng New People’s Army na sangkot sa pangingikil ang nasawi nang maka-engkuwentro ng tropa ng 73rd Infantry Battalion sa Brgy Kinangan, Malita, Davao Occidental, Oktubre 14. Napag-alaman na nagpapatrulya ang tropa ng pamahalaan nang paputukan sila ng mga hinihinalang miyembro ng NPA. Humingi ang mga ito ng karagdagang puwersa at nahabol ang grupo ng mga rebelde. Nagkaroon ng pagpapalitan ng putok na umabot ng 45 minuto. Nadakip ang dalawang NPA matapos ang engkuwentro at narekober naman mula sa pinangyarihan nito ang 10 matataas na kalibre ng baril kasama ang limang M-16, isang M653 baby armalite,

isang M-14, at tatlong AK-47. Kinilala ng mga lokal na opisyal ang mga bangkay ng nasawi sa engkuwentro gayundin ang dalawa pang nadakip na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang pagsasampa ng kaso. Samantala, nagpahayag ng kagalakan ang mga residente ng barangay dahil sa propesyonalismo at disiplina na ipinakita ng mga sundalo sa gitna ng engkuwentro na naging dahilan upang buhay pang mahuli ang dalawang NPA. Binigyang-diin ni Lt Col Patricio Amata, komander ng 73IB, na ang mga sundalo ay mahigpit na sumusunod sa Rules of Engagement (ROE), Human Rights at sa International Humanitarian Law.

Dalawang Bayanihan Team sa ilalim ng 54th Infantry Battalion ang nakasagupa ng di-tiyak na bilang ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Landing, Brgy Camandag, Asipulo, Ifugao, Oktubre 14. Ayon sa report, tumutulong ang mga sundalo sa ginagawang kalsada sa nabanggit na lugar bilang bahagi ng pakikipag-Bayanihan para sa pagsusulong ng barangay nang makasagupa ng mga ito ang grupo ng mga rebelde na sumasalungat sa pagpapagawa ng kalsada. Tumagal ng isang oras ang sagupaan kung saan nasawi ang dalawang sundalo. Samantala, tatlo ang lubhang nasugatan na kinilalang sina 1Lt Roland Carinan, ang platoon leader, na nagtamo ng tama sa kaliwang bahagi ng ulo; PFC John Rye Discaya na tinamaan ng bala sa kanang hita; at PFC Raphy Anongos na tinamaan sa kanang leeg. Habang isinusulat ang balitang ito, sila ay kasalukuyang ginagamot sa Camp Melchor dela Cruz Station Hospital. Hindi pa rin inilalabas ang pangalan ng mga nasawi, hangga’t di pa naipapaalam sa mga kaanak. Ipinarating ni Maj Gen Benito Antonio de Leon, komander ng 5th Infantry Division, ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya at kaibigan ng mga sundalong nasawi dahil sa pag-aalay ng kanilang buhay upang protektahan ang taumbayan, makamit ang kapayapaan at kaunlaran. Idinagdag pa ng heneral na mananatili ang 5ID sa pagtatanggol sa mga lokal na komunidad sa kabila ng mga pangyayari.

2 npa nasawi, 2 naaresto, armas narekober sa davao

Sundalo, Rebelde Nagkasagupa sa Ifugao

CAMP SANG-AN, Labangan, Zamboanga del Sur – Anim na sundalo kabilang si 2nd Lt Jun G Corpuz, miyembro ng PMA Class 2014, ang nasawi matapos makaengkuwentro ang humigit-kumulang 20 armadong miyembro ng Abu Sayyaf Group noong ika-2 ng Nobyembre, ika-7 ng umaga habang nagpapatrulya ang mga tropa ng pamahalaan sa Sitio Mompol, Libug Village, Sumisip, Basilan. Ipinahayag ni Col Rolando Joselito D Bautista, komander ng 104th Infantry Brigade, ang kalungkutan sa pangyayari dahil sa karahasang ito laban sa mga sundalo na tumutulong lamang upang mapabilis ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa publiko. Sinabi rin ng komander na ang kanyang mga tropa ay naka-deploy upang sigurihin na ligtas ang mga pangunahing proyekto ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga taga-Basilan. Sinisiguro ng tropa na maayos ang kalagayan at ligtas ang mga gumagawa ng circumferential road na inaasahang matatapos bago pumasok ang 2015. Nagpadala si Colonel Bautista ng puwersang hahabol sa mga salarin na pinamumunuan ni Radzmi Jannatul at sasampahan sa korte ng kasong criminal. Samantala, ipinahayag ni BGen Gerardo F Barrientos, pinuno ng 1st Infantry Division, ang pagkondena sa akto ng karahasang ito. Ipinaabot din niya ang pakikiramay sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo, kasabay ang pangako na patuloy ang kampanya ng militar laban sa mga bandidong grupo at pangangalaga ng mga proyekto ng pamahalaan para sa pagsulong ng Basilan.

CAMP PERALTA, Jamindan, Capiz – Patuloy ang pagtulong na ibinibigay ng Philippine Army at mga stakeholder sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Panay sa pamamagitan ng Boat Project 2014.

Tatlumpung bangka ang ipinagkaloob sa mga residente ng Brgy Baliyan, Concepcion, Iloilo na pawang biktima ng bagyong Yolanda noong isang taon.

Ang proyektong ito ay resulta ng pagtutulungan ng Kayang-Kayang Missions International, Inc. (KMMI), UPPSALA, Word of Life na mula sa Sweden, 3rd Infantry Division, 301st Infantry “Bayanihan” Brigade, 82nd

Infantry “Bantay-Laya” Battalion; 61st Infantry “Hunter” Battalion, 62nd Infantry “Unifier” Battalion, at 552nd Engineering Construction Battalion.

Ang mga sasakyan ng Army ang ginamit sa paghakot ng mga materyal patungo sa bayan ng Concepcion at tinulungan din ng mga sundalo ang mga residente sa paggawa ng bangka sa diwa ng Bayanihan.

Ang bangkang naipagkaloob sa kanila ay napakalaking tulong sa kanilang kabuhayan. Ang Concepcion ay isa sa mga bayan na malapit sa baybaying dagat sa Hilagang Iloilo na isa sa mga matinding sinalanta ni Yolanda.

Boat Project 2014 Para sa Biktima ng Yolanda

6 na Sundalong Bayani sa Engkwentro sa BasilanSa matapat na pagtupad ng tungkulin

Page 6: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

A transforming Philippine Army pursues modernization not only by acquiring sophisticated weaponry but also training soldiers following the proper tactical doctrines.

The Infantry is the occupational specialty in

the Army that fights on foot — soldiers specifically,

trained to engage, fight, and defeat the enemy in face-

to-face combat. A large portion of the Philippine

Army belongs to the Infantry.

Ang mga sumusunod na larawan ang napiling panalo ng mga hurado na kinabibilangan ng mga batikang photographers na sina Ginoong Albert Bullit Marquez, Manie Magbanua at Eric de Castro, sa katatapos na Photo Contest na binuksan ng Philippine Army para sa mga sibilyan at militar na photographer, na may temang Faces of Transformation mula noong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre. (Paunawa: ang mga paliwanag na kasama ng mga larawan ay nakasulat sa Ingles ayon sa isinumite ng mga kalahok).

Indeed, the Philippine Army is sincere to its core

purpose of serving the people, securing the land, where the people are the

center of their undying service. The Army was

able to respond promptly to the victims of Yolanda

and any other disaster and calamities in the

Philippines.

Feed others in order to live.

The Army soldiers will commit the ultimate sacrifice to defend the Republic. They train hard for this role to accomplish the Army mission.

These Army warriors have nothing in mind but to accomplish their mission. If need be, they are more than willing to commit the ultimate sacrifice in securing the land.

Mga Nagwagi sa PhiliPPiNe arMy Photo CoNtest

TransformationofFACES

1

2 3

4

5

6

Page 7: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

Napatunayang muli ng mga kawal-Pilipino, na

nabibilang sa 7th Philippine Contingent to Golan Heights, ang kanilang kagalingan

nito matapos ang insidenteng naganap sa Golan Heights noong ika-24 hanggang ika-30 ng Agosto kung saan ninais ng mga rebeldeng Syrian na mapasuko ang mga Pilipinong UN peacekeepers at makubkob ang mga lugar na kanilang nasasakupan. Sa pangyayaring ito, nagbigay ng isa na karangalan ang mga kawal Pilipino para sa bansa. Isa ito sa itinuturing na unang pangyayari ng pakikipaglaban ng ating mga kawal-Pilipino matapos ang pagpapadala noong taong 1950s ng Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK) na tumulong sa mga alyansang bansa upang ipagtanggol ang demokrasya sa South Korea. Matatandaan na sa mga sumunod na grupo ng kawal-Pilipino, pawang tulong pang-yumanitaryan at pang-rehabilitasyon ang naipapadala sa iba’t ibang mga bansa ayon sa isinasaad at pangangailangang itinatakda ng United Nations o Nagkakaisang Bansa. Nariyan ang mga inhinyero, duktor, dentista, nars at mga tagapangalaga ng kapayapaan, na siyang at present, sa Haiti nalang tayo may contingent; nagpullout na sa Golan at Liberia. Hindi matatawaran ang pagganap ng ating mga kawal-Pilipino sa kanilang paglilingkod sa ibang bansa. Napatunayan na ito sa maraming pagkakataon. Kaya’t sa punto ng kaganapan sa Golan Heights, minarapat lamang ng tropa ng kawal-Pilipino na pawang mga kasapi ng Philippine Army na protektahan ang kani-kanilang mga kinahihimpilan at

mapreserba ang kapayapaan sa lugar na nasa pagitan ng Israel at Syria.

Alinsunod sa mandato nila bilang UN Peacekeepers at dahil na rin sa kanilang

tapang at tibay ng loob, tagumpay nilang nadepensahan ang Position 68, kabilang din

ang Positions 60, 69, 80 at 85 laban sa grupo ng di-matiyak na bilang ng Syrian Anti-Government

Armed Elements (AGAE). Dito naipamalas ang determinasyon ng mga kawal-Pilipino sa kabila

ng mga teroristikong aktibidad ng Syrian AGAE na direktang nakatuon sa kanila bilang bahagi ng

tropa ng UN at sa kanilang posisyon o kinalalagyan. Nagresulta sa matinding bakbakan sa pagitan ng

kawal Pilipino at rebeldeng grupo ang pag-atake ng huli. Nagdulot rin ito ng pagkapinsala sa mga barracks

at pag-aari ng UN Positions. Naipatupad ang Extrication/Exodus Operation kung saan nadala ang tropa ng Filipino

peacekeepers sa mas ligtas na lugar. Ang four-day standoff na ito ay lubos na nagbigay

ng pagkakakilanlan sa mga 344 kawal-Pilipino sa Golan at maging sa buong mundo. Napagtagumpayan ito dahil na rin sa matamang pagmonitor sa mga kaganapan at sa matinding

pagnanais na maging ligtas ang kabuuan ng tropa ng UN Filipino Peacekeepers. Dahil na rin sa natatanging pagganap ng mga peacekeeper, pinarangalan ang 7th Philippine Contingent to Golan Heights. Binigyan ng heroes’ welcome ang tropa sa Malacañang, sa punong himpilan ng Sandatahang Lakas at maging sa Philippine Army. Siyam na miyembro ng 7PCGH ang pinarangalan sa palasyo ng Malacanang, ika-isa ng Oktubre. Iginawad ng Pangulong Beningo S Aquino III ang Distinguished Service Star kay National Contingent Commander Col Ezra James P Enriquez at Lt Col Ted B Dumosmog na Commanding Officer ng tropa, na parehong pinangunahan sa gitna ng krisis sa Golan Heights, ang mga tropang Pilipino upang matagumpay na maialis patungo sa mas ligtas na lugar ang mga tropa na napalaban sa Syrian Anti-Government Armed Elements. Si Colonel Enriquez na matindi rin ang karanasan sa larangan ng pakikipaglaban, ay naging instrumento sa pagplano ng aksyon para sa posisyong pandepensa ng mga Pilipino nang umatake ang mga rebelde. Si Lieutenant Colonel Dumusmog naman ang nagbigay-gabay sa tropa ng 7PCGH sa mga UN position sa Area of Operation sa Golan Heights sa panahon ng krisis na ito. Samantala, iginawad naman ng Pangulo ang Gold Cross Medal kay Position 68 Commander Cpt Nilo Ramones Jr at anim pang iba. Ito ay sina 2Lt Larry Endozo, ang pangalawang komander ng Position 68, dahil sa matamang pagsuporta sa kanyang lider sa pamamagitan ng mga instruksyon sa mga team leader na nasa lugar ng Position; MSg Nelson Lagmay na kumatawan bilang First Sergeant at sinigurong naka-posisyon ang tropa; Sgt Alwin Cuyos dahil sa kanyang aksyon bilang GPMG gunner ng Position 68 upang hadlangan ang pagpasok ng mga rebelde sa kanilang posisyon; SSg Leonardo Aboy, bilang GPMG gunner, na naka-nutralisa sa firing base ng mga rebeldeng Syrian na gumamit ng ZPU-2 (isang anti-aircraft gun mula sa Russia) at nagbigay-daan para maipatupad ang Exodus Operation; Sgt Ramil Bobiles, bilang isa pa ring gunner na naka-nutralisa sa grupo ng rebeldeng nagmamaniobra ng ZPU-2, dahilan upang mapigil ang pagkakaroon ng casualty at higit pang pinsala sa Position 68; at Cpl Joneve Acolicol na nagbigay-motibasyon sa kanyang mga kasama na maidepensa ang kanilang kinalalagyan anuman ang mangyari, nagdulot ito ng paraan upang maipatupad ang Exodus Operation upang mailigtas ang tropa na daraanang backdoor mula sa UN Positions. Pinapurihan ng Pangulong Aquino ang tropa ng 7PCGH para sa kanilang natatanging pagganap na kinilala ng mga bansa, isa na rito ay ang Israel. Sinundan ito ng Heroes’ Welcome sa Kampo Aguinaldo. Dito ay pinarangalan naman ni AFP Chief of Staff Gen Gregorio Pio P Catapang Jr ang tropa ng peacekeepers. Iginawad ang Military Merit Medal with Spearhead Device at Military Merit Medal with Bronze Anahaw Leaf sa mga ito, kasabay din ang paggawad ng UN Service Medal. Sa pagkakataong ito, pinarangalan din ni AFP Chief of Staff sina Defense Secretary Voltaire T Gazmin, Foreign Affairs Albert F Del Rosario na nagpadala ng kinatawan, Defense Undersecretary Natalio

C Ecarma III ng Office of Defense Affairs, Foreign Affairs Undersecretary Rafael E Seguis ng Office for Civilian Security and Consular Concerns, at Foreign Affairs Assistant Secretary Jesus Edomingo, ng Office of the United Nations and Other International Organizations, para sa kanilang pagsuporta upang matagumpay na maitawid ang krisis na kinasapitan ng tropa ng peacekeepers. Kinabukasan, sa Fort Bonifacio, ang kuta ng Philippine Army, ginanap pa rin ang mainit na pagsalubong ng mga opisyal at sundalo ng Hukbo para sa buong 7th Philippine Contingent to Golan Heights. Sa seremonyang ito, ipinagkaloob ni Lt Gen Hernando DCA Iriberri sa mga peacekeeper ang medalya ng Sagisag ng Ulirang Kawal na sumisimbolo ng kanilang kontribusyon sa pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan para sa mga pamahalaan ng Syria at Israel. Ang medalyang ito ay iginagawad sa mga miyembro ng militar na nakilala sa pagganap ng mga tungkuling di pang-militar at mga programang pangkaunlaran para sa komunidad at iba pang kaparehong gawain na nararapat lamang na bigyan ng hayagang pagkilala. Samantala, ipinagkaloob din sa tropa ang athletic uniforms gayundin ang letters of commendation. Sinabi ng Army chief na saludo ang Hukbong Katihan sa katapangan at kadakilaan ng Hukbong Katihan. “Tunay nga na kayo’y mga huwaran ng maraming kababayan nating nasa malalayong bansa. Kahit malungkot, hindi kayo nawalan ng pag-asa para sa isang maliwanag na bukas.” Idinagdag ng Heneral na hindi na dapat pang tumingin sa malayo kundi ang tropa na mismo ng 7PCGH ay isang world class unit na tunay na maipagmamalaki hindi lamang sa ating bansa kundi pati sa buong mundo. “Maraming salamat sa serbisyong hindi mapapantayan!“ panghuling sambit ng Army chief.

Pagpupugay sa Golan Heights Peacekeepers

Kinakamayan ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri ang bawa’t isang miyembro ng 7th Philippine Contingent to Golan Heights, nang sila ay bigyan ng heroes’ welcome sa Headquarters Philippine Army Grandstand noong Oktubre.

Ang mga miyembro ng 7th Philippine Contingent to Golan Heights.

Page 8: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

8Army bAlitA

Ang Panginoong Diyos lamang ang nakaaalam kung kailan mababawian ng buhay ang isang tao. Ganito ang nangyari sa buhay ni 2Lt Jun Corpuz. Tubong Ilokano, si 2Lt Jun G Corpuz, ay pang-apat sa pitong anak nina Cresencio at Elizabeth. Nasa ikalawang taon bilang mag-aaral ng BS Engineering mula sa Don Mariano Marcos State University sa Bacnotan, La Union, nang magdesisyon si Jun na pumasok sa Philippine Military Academy noong Abril 2010.

Mahusay na mathematician kahit noong nasa kolehiyo pa lamang, namayani at nagtapos si Jun sa pang-13 pwesto sa kanyang klase. Noong siya ay kadete sa PMA, pinangarap ni Jun na maging isang Scout Ranger at hinangad na mamuhay sa kapaligiran na punung-puno ng panganib. Naganyak siya na maging sundalo dahil sa mga kwentong pang-combat na ikinukwento ng kaniyang tiyuhin na si Sgt Jaime Galima,

isang bihasang Scout Ranger na madalas na dumadalaw sa kanilang bahay noong bata pa si Jun. “Nasabi sa akin ni Jun na gusto niya talaga na makuha ang ‘tabak’ balang araw (ang Squad Ranger q u a l i f i c a t i o n badge),” kwento ni Emmanuel, 23, naka t a t andang kapatid ni Jun. Ayon naman kay 1Lt Michael Ignacio, company commander ni Jun, nagboluntaryo talaga ang batang tinyente na kukuha sana ng anim na buwang Scout Ranger Course. “Napakadedikado niya sa kanyang ginagawa at nagpakita siya ng mga mahuhusay na katangian bilang isang lider. Kaya nga, nakatakda sana s’yang kumuha ng SR Course sa

pangalawang quarter ng taong 2015,” ayon pa rin kay Ignacio. Hindi pinanghinaan ng loob si Jun kahit na nakarinig siya ng mga kwento mula sa kanyang mga kamag-anak na ang sundalo ay maagang namamatay. “Hindi ako natatakot na mamatay dahil kahit sino man ay mamamatay kapag ginusto ng Diyos na kunin ang kanyang buhay. Buti pa na mamatay ako bilang bayani kaysa mamatay bilang tambay”, yun ang minsang nawika ni Jun bago pa ito pumasok sa Akademya, pag-alala ng kanyang ama na si Cresencio. Para kay Jun ang kanyang pagkakatalaga sa Basilan ang simula ng katuparan ng kanyang pangarap na maging isang mandirigmang pinuno. Punung-puno ng kagalakan si Jun nang magreport siya for duty bilang platoon leader ng Alpha Company, 64th Infantry Battalion sa munisipalidad ng Sumisip. Ayon kay Sgt Marvin Paragoso, 33, isa sa dalawang nakaligtas na nakipaglaban kasama ni Jun laban sa mga napakaraming bilang ng kalaban noong ika-2 ng Nobyembre, ang kanyang Sir Jun ay isang mahusay na pinuno at magaling makisalamuha sa tropa. “Maalaga siya sa tropa at pinakikinggan niya ang aming mga problema at tutulungan niya kami na hanapan ng solusyon ang mga ito,” mangiyak-ngiyak niyang ikinuwento.Nang maganap ang insidente, magkasama sina Sgt Paragoso at si Jun sa isang routine security patrol sa Libug Village ng Sumisip kung saan kasalukuyang ginagawa ang 64-km circumferential road. Nakita ni Jun, kasama ang kanyang tropa, ang isang mataas na lugar kung saan ginagawa ang konstruksyon na maaaring magamit ng mga kalaban sa pag-atake. Nagdesisyon si Jun na ipahawan ang madamong bahagi ng burol at personal na ininspekyon ang kapaligiran nito. “Habang inaakyat namin ang burol, nakakita kami ng isang lalaki na dali-daling tumakbo palayo sa taluktok. Nang bigla na lang nakita namin ang leading elements na nakikipag-palitan na ng putok sa kalaban at marami agad ang tinamaan sa aming panig. Inutusan ni Sir Jun na tulungan namin ang aming mga kasama. Masigasig kaming nakipaglaban pero napakarami nila talaga,” kwento pa ng Sarhento.

Naramdaman ni Sgt Paragoso na napapaligiran sila kaya kinumbinse n’ya si Sir Jun na tumalon papunta sa may bangin at humanap ng mapagkukublihan habang tumatawag sa radyo para makahingi ng saklolo. “Nakita ko si Sir Jun na binabaril ang mga kalaban habang naghanap ako ng matataguan upang makaiwas sa mga bala mula sa mataas na mga kalibre ng baril na umuulan sa aming panig. Tinamaan din ako at duguan habang gumagapang tungo sa aking kaligtasan,” sabi pa ni Sgt Paragoso. Makalipas ang kalahating oras, dumating ang kanilang reinforcement at nakita nila ang walang buhay na katawan ni Sir Jun. Namatay siyang nakikipaglaban upang mailigtas ang mga sugatang kasama na tinuturing niyang mga kapatid. Lahat sila’y luhaan nang buhatin nila ang anim na sinawing mga kasama pabalik sa kanilang detachment. “Hinding-hindi ko makalilimutan ang isang maawaing pinuno na katulad niya. Totoo sa kanyang mga salita, wala siyang iniwan sa aming lahat,” wika pa ng Sarhento. Binanggit pa rin nga ng ama ni Sir Jun na ito ang sumuporta sa kanilang pamilya noong panahon na hirap na hirap sila sa pagtulong sa kanya sa mga pinapasukan niyang konstruksyon. “Nang naka-graduate siya sa PMA, nag-loan siya ng malaking halaga para mabayaran ang lahat ng mga pagkakautang ng kanyang ina habang pinag-aaral silang magkakapatid,” kwento ng amang si Cresencio. Dagdag pa nito, si Jun ang nagsilbing tagapayo para sa kanilang magkakapatid. Hinimok niya ang mga kapatid niya na mag-aral ng mabuti at maging mabubuting tao. Sinabihan niya rin ang mga kapatid na lalaki na mag-eksamin din sa PMA. Bagama’t maikli pa lamang ang nagawang pagsisilbi ni 2Lt Corpuz sa kanyang propesyong militar, isang kabayanihan ang kanyang naitala sa kasaysayan ng hukbo nang ialay niya ang kanyang buhay sa pagtatanggol sa Inang Bayan, ang pinakaultimong sakripisyo na magagawa ng isang sundalo.

2Lt Jun Corpuz: Kwento ng Isang Batang Bayani(Hinango ang ilang detalye mula sa rangerbunzky.blogspot.com na may petsang Nob 2, 2014)

(Pinagkunan: AFP Facebook Account)Hawak ni Christian G Corpuz, 17, ang larawan ng kanyang kapataid, 2Lt Jun Corpuz, na namatay sa isang engkwentro sa Basilan. (Pinagkunan: www.mb.com.ph)

Page 9: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

9Army bAlitA

army dragon Boat team

Isang silver medal ang iniuwi ng isang opisyal ng Philippine Army mula sa International Practical Shooting Confederation (IPSC) World Shoot XVII na ginanap sa Florida, USA noong ika-12 ng Oktubre. Si Maj Wilfredo Martin Jr ay isa sa mga miyembro ng koponan ng Filipino

shooter na pumangalawa sa bantog na paligsahan na pinaglabanan ng 1,346 kalahok mula sa 60 bansa. Naabot din niya ang pang-siyam na puwesto sa pangkalahatang individual category sa Classic Division kung saan nanalo ang beteranong shooter na si Robert Leatham ng USA.

Nag-courtesy call ang PA Dragonboat team kay Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri.

Iniaabot ni Cpl Tina Salak kay Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri ang tropeo ng kampeonato na nakamit ng Philippine Army Women’s Volleyball Team na Lady Troopers sa Shakey’s V-League Open Conference kung saan tinalo nila ang koponan ng Cagayan Valley.

Isinasabit ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri ang Military Merit Medal sa isa sa mga miyembro ng Dragonboat team.

Tinanggap ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri ang opisyal na uniporme ng Philippine Army Dragonboat team mula kay Maj Gen Gamaliel S Cruz, ASCOM Commander, bilang pasasalamat sa suporta na kanyang ipinagkaloob sa koponan sa huling kumpetisyon nito.

Kinilalang Pinakamabilis sa Buong Mundo Nagkamit muli ng mga gintong medalya ang Philippine Army Dragon Boat Team sa nakaraang 9th International Dragon Boat Federation Club Crews World Championships, na ginanap sa Standiana Bacin, Ravenna, Italy, kung saan pinatunayan nito na sa buong mundo pinakamabilis sa larangang ito ang koponan ng Army. Nasungkit ng koponan ang medalyang ginto nang magwagi sa 200-meter at 500-meter small boat categories. Nakapagtala ang Philippine Army Dragon Boat Team ng panibagong rekord sa oras na 47.85 segundo para sa 200-meter category mula sa dating talang world record na 53 segundo. Tinalo nito ang 25 iba pang koponan sa nasabing kategorya sa katatapos na World Championships. Samantala, 27 pang koponan ang tinalo nito sa 500-meter category, kung saan naitala ang pinakamabilis na rekord sa oras na dalawang minuto at anim na segundo, sa kasaysayan ng paligsahang ito. Isang napakalaking tagumpay ang pagkapanalo ng mga Army paddler sa taong kasalukuyan, dahil ito ang unang pagkakataon na kanilang dinala ang pangalan ng Philippine Army. Sa isang simpleng seremonya, bilang pagkilala sa naiuwing tagumpay, ginawaran ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri ng Military Merit Medal (Interim) ang 17 sundalo na bumubuo ng koponan. Pinapurihan ng Heneral ang pagkakataong nag-break ng world record sa dalawang kategorya ang Philippine Army Dragon Boat Team - isang pagkakataon ng pagpapamalas ng pagiging isang “world class Army” na isa sa mga bisyon ng Hukbo. Sa isang banda, lubos na ipinagmamalaki ng Philippine Army ang mga sundalong atleta na nagtataglay ng mga kasanayang maituturing na world-class.

Nagkamit ng Silver medalya ang isang miyembro ng Philippine Army, nang pumangatlo ito sa katatapos lamang na 2014 Seoul Race na ginanap sa Seoul, South Korea, ika-12 ng Oktubre. Nagwagi si Cpl Elmer Z Sabal sa 21-kilometer category sa tala na isang oras at 13 minuto. Tubong Sultan Kudarat si Corporal Sabal at dating naitalaga sa Special Service Unit ng Army Special Command (ASCOM). Nakalahok na siya sa ilang marathon sa loob at labas ng bansa. Siya ang ipinadala ng bansa sa Seoul Race nang maging top finisher sa 2014 7-Eleven Run

1000, kung saan tinalo niya ang libu-libong kalahok. Ang 7-Eleven ang nag-isponsor sa kanyang kumpetisyon sa nasabing bansa. Sa kasalukuyan, nakatalaga sa Army General Hospital sa Fort Bonifacio si Corporal Sabal. Si Corporal Sabal ay miyembro ng Army Marathon Team na karaniwang lumalahok sa mga paligsahan na inoorganisa ng Department of National Defense, ng AFP, at iba pang sibilyang organisasyon. Naging kalahok din siya sa Milo Marathon 2013 kung saan siya ay pumangalawa sa 42-kilometer category.

Army Marathoner Pumangatlo sa Karera sa Seoul

Army Officer Nag-uwi ng SilverMedal mula sa IPSC World Shoot XVII

Larong Pampalakasan

(Larawan kuha ni Ryan Lim / Rolando Mailo / Malacañang Photo Bureau / PCOO)

Philippine Army Dragon Boat Team Nag-Courtesy Call kay Pangulong Aquino. Masayang tinanggap ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa President’s Hall ng Palasyo ng Malacañang ang mga miyembro ng Philippine Army Dragon Boat Team nang ang mga ito ay mag-courtesy call noong ika-27 ng Oktubre. Isa-isang kinamayan ng Pangulo ang koponan sa pangunguna ng kanilang presidente na si Lt Col Harold Cabunoc. Ang mga miyembro ng Philippine Army Dragon Boat Team ay sina: TSg Franco Tinoco, bilang steersman; ang mga paddler na sina SSg Joemar Ocquiana, Sgt Ronald Tan, PFC Ramie Llano, PFC Gerald Dela Cruz, PFC Hardy Pabulayan, PFC Cresmark Dayumat, SSg Romy John Dionio, SSg Usman Anterola, SSg Salvador Sumagaysay, Sgt Rodrigo Tanuan Jr., PFC Romel Donesa, PFC Rame Llano, PFC Gil Martin Gonzales; at PFC Jayson dela Cruz, bilang drummer. Kabilang din sa nag-courtesy call sina National Defense Secretary Voltaire Gazmin, Armed Forces Chief of Staff Gen Gregorio Pio P Catapang Jr, at Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri.

PA Women’s Volleyball Team - Kampeon

Page 10: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

10Army bAlitA

• Lydia V. Cabajar

Noong Unang Digmaang Pandaigdig, ang 308th American Regiment ay napapalibutan ng mga puwersang kalaban at napapaulanan ng mga putok ng mortar at machine gun. Marami na ang sugatan at paunti ng paunti ang kanilang mga supply. Ang ganong kalagayan ay lalo pang pinalala ng umpisang kanyunin ng American artillery ang lugar na kung saan nakatago ang 308th. Ang nag-iisang paraan nang pakikipag-komunikasyon ay sa pamamagitan ng carrier pigeon. Dahil sa kawalang pag-asa, pinakawalan ng sarhento ang pinakahuling ibon na may nakaipit na sulat na nakikiusap sa mga Amerikano na itigil na nila ang pagpapaputok. Nang mag-umpisa nang lumipad ang kalapati, isang ligaw na bala ang dumaplis sa gilid ng kaniyang ulo at sumugat sa kaliwang mata ng ibon. May tumama ring shrapnel sa dibdib ng ibon na dumurog sa buto na bahagi ng kanyang dibdib. Nguni’t dahil sa kaniyang homing instinct, pinilit pa rin ng kalapati ang magpatuloy sa kaniyang paglalakbay. Habang lumilipad patungo sa kaniyang destinasyon, isang pirasong shrapnel ang muling sumugat sa kaniyang kaliwang hita, at lumawit-lawit ang kapirasong papel sa mga punit-punit nitong litid. Nakarating naman ang kalapati sa kaniyang destinasyon at ang kautusan na tumigil sa pagpapaputok ay kaagad-agad na pinairal. Nakaligtas ang puwersang 308th. Gayundin, humarap sa isang napakatindi at mapanganib na mga pagsubok sa buhay, dinala ng apostoles na si Pablo ang mga Salita ng Diyos sa isang mundong malapit nang mamatay (2 Corinthians 6: 4-10; 11: 23-28). Hindi pinanghinaan ng loob si Pablo at ipinagpatuloy ang kaniyang layunin na “upward call” ng Diyos (Philippians 3:14) ng higit pa sa kaniyang sarili.

Kaya hindi dapat sumuko sa gitna ng mainit na pakikipaglaban. Tandaan, ikaw ang tumatahak sa daang pauwi.

Ang mga bagyo ng buhay ay hindi nakapag-aalis ng kapayapaangnadarama ng ating kaluluwa.

Maliban na lang kung hahayaan natinang ating mga kalaban na ilayo tayo sa ating mga layunin.

Ang mga kapakinabangan sa langit ay higit na katumbasan sa mga nawawala sa kalupaan.

Lead the Way

Tinatahak na Daang Pauwi

Usapang Pangkalusugan

Reperensiya: www.the healthsite.com

Reperensya: Our Daily Bread

Tips para bumaba ang antasng Uric Acid at maiwasan ang gout

Ang blood uric acid, kapag mataas ang level, ay nagiging sanhi ng gout (o gota), na isang uri ng arthritis. sa sakit na ito, may namumuong uric acid crystals na pumapasok sa mga kasu-kasuan kaya nagkakaroon ng pamamaga at pananakit. Tulad ng iba pang mga sakit, ang gout ay sanhi rin ng maling istilo ng pamumuhay at di-wastong pagkain. Kaya narito ang ilang simpleng tips para makontrol ang ganitong kondisyon ng gout…

1. Bawasan ang pagkonsumo ng mga pagkain na mayaman sa purine. Nabubuo ang uric acid sa pagkasira ng mga kemikal na tinatawag na purines. Bagama’t ang purines ay natural na nililikha ng ating katawan, nakukuha rin ito sa ilang mga pagkain na mayaman sa protina na ating kinakain. Tulad ng karne ng kambing, pato, salmon, baker yeast, stock cubes, sardinas, alimasag, hipon, manok, matabang isda, at mushrooms. Upang makontrol ang uric acid sa katawan, kailangan na bawasan ang mga pagkain na masyadong mayaman sa protina.

2. Uminom ng maraming tubig. Ang pagkontrol sa level ng uric acid ay nagagawa sa pagpapalabas nito sa katawan. Kaya dapat ay maraming tubig ang iinumin. Kapag ang ating katawan ay sagana sa tubig, hindi agad mabubuo ang uric acid crystals. Batay sa rekomendasyon, ang mga tao na may gout ay dapat uminom ng may walo hanggang 16 na baso ng tubig araw-araw.

3. Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber. Ang mga pagkain na fibrous, tulad ng madadahong gulay, broccoli, repolyo at whole grains ay napatunayan na mabisang sumisipsip ng uric acid, natutulungan ng fiber na mailabas ito sa pamamagitan ng ating mga bato.

4. Limitahan ang pag-inom ng alak. Ang alak ay nagiging sagabal sa pag-alis ng uric acid sa katawan. Ayon sa mga doktor, dapat limitahan ng mga taong may gout ang pag-inom ng alak isang beses kada tatlong linggo. Ngunit mas mainam kung tuluyan na itong iiwasan.

5. Kumain ng mga pagkain na may complex carbohydrates. Ang mga complex carbs tulad ng cereals, whole grains at pasta ay nakabubuti sa mga taong may gout dahil ang mga pagkaing ito ay matagal bago matunaw. Hindi makakaramdam ng gutom ang taong kumakain ng mga ito kaya maiiwasan din na maragdagan ang kanyang timbang. Ang mabigat na timbang ay isa sa mga major risk factors sa pagkakaroon ng gout.

6. Kumain ng mga prutas. Ang pagkain ng mga prutas na mayaman sa Vitamin C ang isa sa pinakamadaling paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng gout at makontrol ang level ng uric acid. Regular na kumain ng mga prutas tulad ng cherry, blueberries, blackberries, grapes at pineapple. Ang mga nabanggit na prutas ay puno ng flavonoids na siyang nagpapabilis ng pag-alis o pagpapalabas ng uric acid sa katawan.

7. Iwasan ang mga inuming matatamis. Ang mga inuming matatamis ay isa sa mga pangunahing kadahilanan sa pagtaas ng level ng uric acid. Hindi lamang nito pinatataas ang uric acid sa dugo sa pagproseso ng mga ito sa bato bagkus nakakaabala pa ito sa pagpapalabas nito mula sa katawan. Ayon sa mga pag-aaral, ang araw-araw na pag-inom ng 300 milliliter ng matatamis na inumin ay nagpapataas ng 13 porsiyento sa pagkakaroon ng gout.

Mahalaga dito ang pagkakaroon ng disiplina. Pag-aralan ang mga pagkain na kinakain at tandaan kung alin sa mga ito ang nagiging sanhi ng pag-sumpong ng gout. Walang naitakdang level ng uric acid dahil bawat tao ay may iba’t ibang limitasyon kaya dapat mapag-ukulan ng pansin kung

ano ang magiging reaksyon ng ating katawan. Isaalang-alang ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain para bumaba ang uric acid at maiwasan ang gout. Kapag hindi ka sigurado sa iyong diet, maaaring kumunsulta

sa doctor. Bagama’t maraming masasanggunian na tulong sa online, ang pagpapatingin pa rin sa doktor ang pinakamabuting paraan upang mabawasan ang level ng uric acid o mapababa.

Page 11: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

11Army bAlitA

Sampung kawani ng Philippine Army ang binigyang-pagkilala sa pagdiriwang ng ika-114 anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission na ginanap sa Headquarters Philippine Army kasabay ang seremonya ng pagtataas ng watawat, ika-29 ng Setyembre.

Iginawad ang mga parangal na Outstanding Performer para sa mga natatanging kawani at Long Service Pin para sa matatagal nang naglilingkod na mga kawani sa hukbo. Isa sa mga kinilala sa nasabing seremonya si Gng Rosalina dela Paz, Chief ng Civilian Personnel Office na tumanggap ng command plaque para sa kanyang matapat na serbisyo at mahalagang kontribusyon upang mapagbuti ang sistema ng pamamahala ng mga sibilyang kawani ng Army. Kabilang sa mga tumanggap ng Plaque of Appreciation ay sina Gng Badria Gonato, Chief ng Accounting Services, Philippine Army; Gng Elvira Buzon, Chief ng Army Property Accountability Office; Dr Antonietta Ramos ng 1354th Army Dental Clinic; Dr Catherine Rayos ng 1301st Dental Dispensary; Engr Winifredo Abalos ng Army Signal Regiment; Bb Ma Carla Katrina S Lacanienta ng Army Resource Management Office; Gng Josefina Raymundo ng Finance Center; Gng Pelilia A Agbisit ng NCR Regional Community Defense Group; at G Moises Petalio ng Army General Hospital.

Iginawad ni Army Vice Commander Brig Gen Rodolfo Demosthenes C Santillan ang mga simbolo ng pagkilala; ang Long Service Pin sa mga sumusunod na kawani na nag-alay ng serbisyo sa loob ng apat na dekada: Ginoong James Barrera, Gng Bernidia Rigos, Bb Nelia F Sim, Gng Nila Visperas, Gng Filomena

Sanches, G Jaime Banico, Gng Editha Villanueva, Gng Isidra Tayag, G Conrado delos Santos, at Gng Aurelia Alupit. Base sa inihandang mensahe ni Army Chief Lt Gen Hernando DCA Iriberri na binasa ng Army Vice Commander, binati at pinapurihan ang mga sibilyang kawani na tumanggap ng parangal. “Sa inyong mahusay na paglilingkod, nabigyang buhay ninyo ang temang ika-114 na Anibersaryong Civil Service, ‘Tapat na Serbisyo Alay Ko Dahil Lingkod Bayani Ako.’ Saganang ito, marapat lang talaga kayong kilalanin na mga LINGKOD BAYANI dahil sa maraming taon ng inyong sakripisyo at paglilingkod sa kabila ng payak ninyong sahod,”ayon pa sa Heneral. S a m a n t a l a , pinangunahan din ni Brigadier General

Santillan ang panunumpa ng 60 sibilyang kawani na na-promote, muling natanggap at bagong tanggap na kawani ng Army. “Patuloy ninyong isabuhay

ang diwang Lingkod Bayani kasabay ng inyong pagganap ng tungkulin at pakikiisa sa pagtupad ng mga layunin at misyon ng Hukbong Katihan at ng buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Aasahan ko ang inyong suporta sa pagtataguyod ng diwang Bayanihan at mga nasimulan na nating hakbang sa Army Transformation Roadmap,” pagwawakas ng Army chief.

Mga Mag-aaral ng assumption college San lorenzo, nagbigay-pugay

sa ating mga bayani

Sibilyang Kawani ng army binigyang-pagkilala

Ang panunumpa ng mga bagong na promote na empleyado ng HKP.

Ipinagkaloob ni Army Vice Commander Brig Gen Rodolfo Demosthenes C Santillan ang command plaque kay Gng Rosalina dela Paz, Chief ng Civilian Personnel Office bilang pagkilala sa kanyang matapat na serbisyo at mahalagang kontribusyon upang mapabuti ang sistema ng pamamahala ng mga sibilyang kawani ng Hukbong Katihan ng Pilipinas, na ginanap sa HPA flagpole kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Civil Service Commission.

Ang Army Vice Commander Brig Gen Rodolfo Demosthenes C Santillan (pang-anim mula sa kaliwa) at Maj Gen Rafael C Valencia, kasama ang 10 sibilyang kawani na hinirang bilang mga outstanding performers ng Army sa pagdiriwang ng ika-114 na anibersaryo ng Civil Service Commission.

Isang pagpupugay sa mga bayaning kawal ang ginanap noong ika-23 ng Oktubre ng kasalukuyang taon. Ang mga mag-aaral mula sa ikapito at ikawalong grado at ikalawang taon ng sekondarya mula sa Assumption College San Lorenzo sa Makati ay bumisita sa Hukbong Katihan ng Pilipinas upang personal na matunghayan ang buhay at kultura ng pagiging isang buhay na bayani ng bayan. Isang tradisyunal na seremonya ang ginanap sa Libingan ng mga Bayani – ang pag-aalay ng mga mag-aaral bulaklak sa mga namayapang kawal. Bawat mag-aaral ay nabigyan din ng pagkakataon na mag-alay ng rosas upang maipakita ang kanilang pagpapahalaga at paggalang sa ating mga bayaning sundalo. Matapos ang nasabing seremonya, ang mga mag-aaral ay lumibot sa Libingan ng mga Bayani upang makita ang mga makasaysayang tore na sumasagisag sa bawat malalaking digmaan sa Bataan at Corregidor, sa Korea, sa Vietnam at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan nagpakita ng kagitingan at kabayanihan ang ating mga sundalo. Mga digmaan na hindi lang sa bansa naganap, ngunit nagpatunay na ang ating mga sundalo ay handang tumulong para makamit ang kapayapaan sa buong mundo. Naghanda rin ng isang maikli ngunit makabuluhang programa sa Bulwagang Ricarte sa Officers’ Clubhouse na dinaluhan ng iba’t ibang organisasyon bilang mga espesyal na panauhin. Nandoon ang mga kinatawan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas, ng HERO Foundation Inc. at ng Philippine Veterans Affairs Office o PVAO. Ang bawat panauhin ay ipinakita ang kani-kanilang programa kung saan maaari makatulong, sa simpleng paraan, ang mga mag-aaral. Sa bahagi ng Hukbong Katihan, tinalakay ang kasaysayan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at ilang mahahalagang kaganapan sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa. Binanggit ang “Project Shoebox” kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring makatulong sa kanilang kapwa mag-aaral na kapos sa mga gamit pang-eskwela. Ang proyektong ito ay makatutulong hindi lang sa mga estudyanteng nangangailangan kundi pati sa mga mag-aaral na magbibigay ng tulong. Dahil sa pamamagitan nito ay mapagtatanto nila na hindi lahat ng bata ay nabibiyayaan ng kung ano ang mayroon sila at dahil din dito ay mas mapapahalagahan pa nila ang pag-aaral. Ipinalabas din ang “Philippine Army Today” na talaga namang hinangaan at nakamangha sa mga mag-aaral. Ang pinakanamumukod-tanging parte ng pagbisitang ito ay ang interaksyon ng mga mag-aaral sa mga espesyal na panauhin. Dito ay personal nilang nakausap at nakasalamuha ang mga aktibong sundalo ng Hukbong Katihan, ang mga iskolar ng HERO Foundation na anak ng mga sugatan, nawawala o sumakabilang-buhay na mga sundalo kasama ang kanilang mga pamilya at ang ating mga beteranong sundalo na nakipaglaban para sa kalayaan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naipakita sa interaksyon na ito ang pagtatangi ng mga mag-aaral sa mga sundalo. Nabigyang inspirasyon sa mga kwento ng kabayanihan na direkta nilang narinig sa mga nakaranas nito. Nakita ang iba’t ibang mukha ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Maging ang mga babaeng sundalo na mayroong malalaking gampanin sa loob ng organisasyon. Naipakita ang iba’t ibang tungkulin ng ating mga sundalo hindi lang sa seguridad kundi pati sa pagsulong ng kaunlaran ng ating bayan. Napagtanto na ang mga sundalo ay hindi lang nakikipaglaban kundi tumutulong din sa sakuna at sa ikauunlad ng pamayanan. Ang ganitong gawain ay hindi lamang nagtatanim ng nasyonalismo sa mga mag-aaral, nakatutulong din ito upang pataasin ang moral ng ating mga sundalo kasama ang kanilang mga pamilya. Nabibigyang-pugay din ang mga beterano at nabibigyang halaga ang kontribusyon nila sa kalayaang tinatamasa natin sa ngayon. Gayundin, naipararating natin sa lahat ng nagsakripisyo at nag-alay ng buhay na ang kanilang mga pagpapakasakit ay hindi mapapantayan at mananatili sa puso ng bawat Pilipino.

Dianne Joy FelipeResearch Assistant, Civil Affairs Branch, OG7, PA

Page 12: 4th Quarter 2014 InstItutIonalIzed status sa PGs nakamIt ...armynews.ph/wp-content/uploads/2015/04/layout_Army-Balita-4th-Qtr... · sa sistema at mga proseso ng kultura ng pamamalakad

coMMandinG General

pHilippine armyFort Andres Bonifacio, Taguig City

HERNANDO DCA IRIBERRILieutenant General, AFP

Christmas gives us the gift of peace, the same peace we have pledged to protect and defend across our land.

In the spirit of the season that celebrates life, family and community, let the work that we have done for peace and progress stand as testament to our undaunted commitment to flag and freedom.

Our journey under the Army Transformation Roadmap continues to lead us to greater heights, as we achieved the highest level of Institutionalized Status under the Performance Governance System, with the Gold Trailblazer Seal that consolidates the gains and strides we have made.

On the ground, the fruits of IPSP Bayanihan are taking root in more areas as a result of the tactical accomplishments of field units and the productive engagements with our local stakeholders. The sacrifices of our soldiers in the garrisons and bunkers are all vital contributions towards the attainment of lasting peace and prosperity for the nation. Parallel to this, the vigilance and participation of our citizenry boost the determined effort to win the peace, to win the future.

These are the shining lights of our service: the tangible results of our journey to transform, and the far-reaching rewards of the quest for peace.

May these milestones serve as our guiding stars as we celebrate the peace and joy of the season, with our families and our countrymen.

The peace of Christ be with us all throughout this season of good cheer.

Message