6
  AMAYA SCHOOL OF HOME INDU STRIES SAHUD-ULAN, TANZA, CAVITE DULANG TRAHEDYA Ipinasa ni:  Angelita Mae L. Palag IV-DAISY Ipinasa kay: Bb.Joanne A. Talactac Petsa ng Pagpasa 9 Agosto,2011

61778002 Dulang Trahedya Hiblang Abo

Embed Size (px)

Citation preview

AMAYA SCHOOL OF HOME INDUSTRIESSAHUD-ULAN, TANZA, CAVITE

DULANG TRAHEDYA

Ipinasa ni:Angelita Mae L. PalagIV-DAISY

Ipinasa kay:Bb.Joanne A. Talactac

Petsa ng Pagpasa9 Agosto,2011

Talaan ng NilalamanDULANG TRAHEDYA

Hiblang Abo ni Rene O. Villanueva (Panitikan)- - -- - - - - - - - - - - - - - -1

Madawag na Lupani Pedro L. Ricarte (Panitikan)- - - - - - - - - - - - - - - -5

Sigwani Rene O. Villanueva (Panitikan)- - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - -8

Moses Moses ni Rogelio R. Sikat (Panitikan)- - - - - - - - - - - - - - - - - 11

Hiblang Aboni Rene O. Villanueva

Pagkilala sa may-akda

Si Rene O. Villanueva ay kasalukuyang Creative director ngPhilippine Childrens Television Foundation Inc. at ManagingDirector ng Filmag Napabilang sa Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1995 Nanalo ng mga pambansang patimpalak panliteratura, gaya ng Cultural Center of the Philippines Playwriting Contest, CCPLiterary Grants at Palihang Aurelio Tolentino DramaCompetition

Uri ng PanitikanAng DULA ay isang uri ng panitikan na kinapapalooban ng usapano diyalogo ng mga tauhan. Nilalarawan dito ang ibat-ibangdamdamin na nais ipadama sa mambabasa. Ang dula ay maiuuri sa TRAHEDYA, KOMEDYA, MELO-DRAMA, at HEAVY-DRAMA.

Ang Dulang TRAHEDYA ay isang uri ng dula na kung saan ang simula ng kuwento hanggang sa wakas nito ay humantong sapagkasupil ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.

Layunin ng may-akda

Layunin ng may-akda na ipabatid sa mambabasa na ang matatanda ay dapat nating alagaan dahil sila ang nagkalinga saatin noong tayo ay bata pa.

Nais ding ipabatid sa atin ng may-akda na ang buhay ay mayhangganan kaya hanggat maaga ay dapat nating gawin kung anoman ang ating dapat gawin at hanggat maaga pa ay itama natinan gating pagkakamaling nagawa.

Tema o Paksa ng Akda

Kung ako ang tatanungin sa aking palagay ang dulang ito ayisang dulang makatotohanan sapagkat ang ilan sa mgapangyayari o eksena dito ay nagaganap ngayon sa atin.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda

Ang mga tauhan dito at ang mga nagsiganap ay sina:VENCHITO GALVEZ-Huse (mananalaysay, 70)BRUNO PUNZALAN-Blas (dating manggagawa, 70)JOE GRUTA-Sotero (dating magsasaka, 75)PEANUTS RIGONAN-Pedro (dating magsasaka, 72)GINNIE SOBRINO-Misis SalvacionMICHAEL DE LOYOLA-Doktor

Ang mga tauhan sa dulang ito ay likha ng lipunang ginagalawan sapagkat ito ay tumutukoy sa kung papaano natiis ni Huse ang magtagal ng nag-iisa sa silid na iyon.

Tagpuan o Panahon

Ang tagpuan ay sa isang silid sa institusyon ng abandonadongmatatand; isang abuhing silid. Inaamag ang mga sementongdingding. Nagsisimula ng mabakbak ang pintura ng silid.Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari

Sa aking palagay ang mga pangyayari na aking nabasa sa dulangHIBLANG ABO ay luma na ngunit may bagong anyo ito. Sapagkatang ilan sa mga pangyayaring aking nabasa ay karaniwan ngnangyayari o ating nakikita dito sa atin. Ang kaibahan nga lamangay ang pagkakaroon nito ng bagong anyo na kung saan angmatatanda sa isang abuhing silid ay binibigyan importansya.Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda

Sa tingin ko ito ay likas sa tao at lipunan sapagkat kungmapapansin natin marami sa mga tao ngayon ay dinadala nalamang ang kanilang mga magulang sa home for the agent upanghindi sila ang mag-alaga at pagkatapos dalhin doon ay hindimanlamang nilang makuhang dalawin ang mga ito paminsan-minsan.

Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Sa istilo ng pagkakasulat, ang may-akda ay gumamit lamang ng mabababaw na salita. Bukod doon ay gumamit din ang may-akdang Flash back. Ginamit niya ito upang maunawaan at malaman ng mga mambabasa kung paano naging mapoot ang pagtira ni Huse sa silid sa institusyon ng abandonadong matatanda.

BuodLugmok na nakaupo si HUSE 70, sa silya. Nag-iisa. Nakapako angtingin sa sahig. Binabaybay ng lipaking palad ang hilatsa ng puluhan nglumang tungkod.Naglalakbay ang tingin sa mga bakanteng kama. Babalong samata ang luhang hindi malaglag-laglag. Mapupuna mo sa mga kilos niHuse na naaalala niya ang mga kasama niya sa silid na iyon atmahahalata mo din na siya ay nalulungkot dahil sa mga nangyayarinoon. Naalala niya ng una niyang makaharap si MISIS SALVACION sa opisina nito. Paulit-ulit siyang tinanong nito tungkol sa kanyang pagkatao. Nang umupo si Huse sa silya na nakaharap sa mesa ay biglaniyang naalala ang tatlong matanda na kanyang kasama.

Sa dilim,muling mabubuhay ang ala-ala. Isa-isang papasok sina, BLAS, 70;SOTERO, 75; at PEDRO, 72. Aayusin ng tatlo ang kanilang higaan.Makikita dito na si Sotero ay nangungulila sa kanyang bunsong anak nasi VICTORIA. Gabi-gabi ay napapanaginipan ni Sotero si Victoria. Ang kanyang na si Victoria ay hindi na niya nakita simula ng siya makulong.Ang apat na matanda ay laging nagtatalo. Ito ay dahil kay Sotero. Hindi pa rin matanggap ni Sotero na ang kanyang ay patay na. Si Blas ay ang laging nakakasagutan ni Sotero. Tuwing gabi na lamang kasi ay hindimaayos ang tulog nila dahil kay Sotero.Madaling araw ng magising si Blas. Madilim na madilim satanghalan. Pagkaraan ng ilang saglit habang unti-unting lumiliwanag ang ilaw ng silid ay bumangon na si Blas upang gisingin si Huse, Pedro,at Sotero. Habang ginigising ni Blas si Sotero ay bumalik na naman angkanyang pagka-ulila sa kanyang anak. Kung anu-ano na naman angkanyang pinagsasabi. Nang suwayin siya ni Blas na tigilan na niya angkanyang ginagawa ay tumayo si Sotero at sinugod si Blas gamit angkanyang natitirang lakas. Sinakal niya si Blas, ngunit nanlaban din naman si Blas. Inawat ni Huse ang dalawa ngunit tinulak siya ni Blas.Mangigisay si Sotero. Nang marinig ni Blas ang malakas na nguyngoy ni Pedro ay doon pa lamang siya tumigil. Lumabas si Blas upang pumuntasa misa na ginaganap sa ibaba. Naiwan namang umiiyakl si Pedro sasulok at lalapitan naman ni Huse ang hindi na gumagalaw na katawanni Sotero. Nang oras ding iyon ay namatay na si Sotero. Dinala na siyasa ospital.

Tanggap ni Blas ang nagawa niyang kasalanan kaya namanmaluwag sa kanyang kalooban na hinintay ang mga pulis. Habang naghihintay sa pulis ay nagkwentuhan muna si Huse at Blas. Ilangsandali pa ay dumating si Misis Salvacion at ang pulis sa kanilang silid upang dakpin si Blas. Una ng nawala sa silid na iyon si Sotero at sumunod si Blas. Naisip naman ni Pedro na maglinis na lamang sila niHuse sa silid nila. Pinapulot ni Huse kay Pedro ang mga palaspas nanagkalat sa sahig at pinatapon ito sa labas. Nang akmang lalabas na sapinto si Pedro ay sinabi niya kay Huse na Huse........paalam na Walang kakibo-kibo si Huse dahil ang akala niya ay nagbibiro lamang si Pedro.Ngunit ilang saglit pa ay dumating si Misis Salvacion sa kanilang silid upang kamustahin siya. At ng sabihin na ni Misis salvacion kay Huse napatay na si Pedro ay nagulat ito at walang kaimik-imik. Pag kalabas niMisis salvacion ay lumugmok si Huse sa mesa at tahimik na umiyak.Wala ng nagawa si Huse kung hindi tumingin sa tatlong higaang tiklop ang gapok na kutson at umiyak ng umiyak.

~W A K A S~