2
Gabay sa Kampanya at Pakikibakang Masa (Borador para sa Ika-6 Pambansang Kongreso, Mayo 2011) Sa kasalukuyan, ang mga kabataan ay pinahihirapan at pinagsasamantalahan sa ilalim ng bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal. Walang kinabukasan ang kabataan sa ilalim ng bulok na sistema. Tuloy-tuloy na inaatake ang interes ng kabataan at mamamayan sa trabaho, lupa, edukasyon, karapatan at serbisyong panlipunan. Tungkulin ng Anakbayan na mobilisahin ang pinakamaraming bilang ng mga kabataan sa mga kampanya at pakikibakang masa para isulong ang karapatan at labanan ang bulok na sistemang panlipunan. Sa paglulunsad ng mga kampanya at pagmomobilisa sa laksang bilang ng mga kabataan at mamamayan, napapalakas ang mga makabayan at progresibong pwersa ng kabataan at sambayanang Pilipino at nakakapagbukas ng daan para sa pagpapabagsak sa bulok na sistemang panlipunan sa hinaharap. Sa paglulunsad ng kampanya, pinapakilos natin ang masa sa pamamagitan ng malawak na propaganda-ahitasyon at edukasyon. Sumasalig tayo sa solidong lakas ng ating mga balangay at tuloy-tuloy na nakakapagpalakas at nakakapagpalawak sa pamamagitan din ng mga kamapanya. Pinalalawak pa nating higit ang mga pakikibaka sa pamamagitan ng pakikipagkaisa at pagpapakilos sa iba’t ibang mga organisasyon at institusyon. Pinapakilos natin ang malawak na bilang ng masang kabataan at mamamayan sa iba’t ibang porma ng mga pagkilos at itinataas ang kakayanan at militansya ng mga pagkilos. Mga salik na tinitiyak sa mga kampanya’t pakikibaka 1. Linya, pagsusuriat panawagan - Dapat siyasatin ang mga usapin at mga kahiingan ng masa at suriin ang mga isyu at kampanyang kinakaharap. Buuin ang mga datos, pagsusuri at wastong panawagan sa mga isyu’t kampanya. Sa pagtatakda ng wastong linya sa balangkas ng ND na pagsusuri at panawagan, epektibong mapapakilos ang masa. Nasusuri ang ugat ng mga suliranin, ano ang mayor na kontradiksyon at ano ang mga taktikal at pangmatagalang panawagan. 2. Makinarya - Ang mga balangay at kasapian ang nagsisilbing mayor na makinarya natin sa kampanyang masa. Dapat tiyakin na may malinaw na balangkas at plano, napapakilos ang mga kasapi at napapagana ang mga angkop na istruktura at hatian ng mga tungkulin para sa pagkakampanya. Saligan ang masa at kasapian para sa iba’t ibang mga tungkulin. Sa pagsigla at paglawak ng kampanya, dapat lumaki at lumawak din ang kasapian, at kung gayon, ang makinarya sa pagkakampanya. Sa mahusay na pagpapakilos din sa mga kasapi, nakakatuwang din ang iba pang seksyon ng masang naaabot upang bumalikat ng tungkulin sa kampanya. 3. Propaganda ahitasyon at edukasyon Dapat ilunsad ang masaklaw at masinsing gawaing edukasyon at propaganda ahitasyon sa masa. Dapat magsagawa ng propaganda edukasyon kung saan komprehensibong tinatalakay ang mga isyu sa kampanya, pagsusuri at mga panawagan. Gamitin ang lahat ng paraan para abutin ang pinakamaraming bilang ng masang kabataan sa mga kampanya. Maksimisahin ang iba’t ibang porma ng malawak na propaganda at ahitasyon: biswal, written, verbal, online, at iba pang mapanlikhang porma para abutin ang pinakamalawak na bilang ng kabataan at mamamayan. Tiyakin ang pagiging simple, kaengga-engganyo at epektibo ng mga materyales at pamamaraan sa bawat antas ng prop. Maksimisahin ang mass midya, at iba’t ibang channels ng propaganda. 4. Pakikipag-alyansa at pakikipagkaisang prente Dapat abutin ang pinakamalawak na pagkakaisa sa mga kampanya at pakikibaka. Itayo at pangunahan ang mga alyansa, mga network at iba’t ibang mga multilateral at bilateral na ugnayan para abutin ang mga hindi pa organisado sa Anakbayan at para higit na mapalawak ang inaabot ng kampanya at mahiwalay ang kaaway. Sa pakikipag-alyansa, tinitiyak na napapanatili ang kasarinlan, sariling inisyatiba at militansya ng Anakbayan sa mga kampanya.

6th Congress - Anakbayan Gabay sa Kampanyang Masa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 6th Congress - Anakbayan Gabay sa Kampanyang Masa

Gabay sa Kampanya at Pakikibakang Masa (Borador para sa Ika-6 Pambansang Kongreso, Mayo 2011) Sa kasalukuyan, ang mga kabataan ay pinahihirapan at pinagsasamantalahan sa ilalim ng bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal. Walang kinabukasan ang kabataan sa ilalim ng bulok na sistema. Tuloy-tuloy na inaatake ang interes ng kabataan at mamamayan sa trabaho, lupa, edukasyon, karapatan at serbisyong panlipunan. Tungkulin ng Anakbayan na mobilisahin ang pinakamaraming bilang ng mga kabataan sa mga kampanya at pakikibakang masa para isulong ang karapatan at labanan ang bulok na sistemang panlipunan. Sa paglulunsad ng mga kampanya at pagmomobilisa sa laksang bilang ng mga kabataan at mamamayan, napapalakas ang mga makabayan at progresibong pwersa ng kabataan at sambayanang Pilipino at nakakapagbukas ng daan para sa pagpapabagsak sa bulok na sistemang panlipunan sa hinaharap. Sa paglulunsad ng kampanya, pinapakilos natin ang masa sa pamamagitan ng malawak na propaganda-ahitasyon at edukasyon. Sumasalig tayo sa solidong lakas ng ating mga balangay at tuloy-tuloy na nakakapagpalakas at nakakapagpalawak sa pamamagitan din ng mga kamapanya. Pinalalawak pa nating higit ang mga pakikibaka sa pamamagitan ng pakikipagkaisa at pagpapakilos sa iba’t ibang mga organisasyon at institusyon. Pinapakilos natin ang malawak na bilang ng masang kabataan at mamamayan sa iba’t ibang porma ng mga pagkilos at itinataas ang kakayanan at militansya ng mga pagkilos. Mga salik na tinitiyak sa mga kampanya’t pakikibaka 1. Linya, pagsusuriat panawagan - Dapat siyasatin ang mga usapin at mga kahiingan ng masa at suriin ang mga isyu at

kampanyang kinakaharap. Buuin ang mga datos, pagsusuri at wastong panawagan sa mga isyu’t kampanya. Sa pagtatakda ng wastong linya sa balangkas ng ND na pagsusuri at panawagan, epektibong mapapakilos ang masa. Nasusuri ang ugat ng mga suliranin, ano ang mayor na kontradiksyon at ano ang mga taktikal at pangmatagalang panawagan.

2. Makinarya - Ang mga balangay at kasapian ang nagsisilbing mayor na makinarya natin sa kampanyang masa. Dapat

tiyakin na may malinaw na balangkas at plano, napapakilos ang mga kasapi at napapagana ang mga angkop na istruktura at hatian ng mga tungkulin para sa pagkakampanya. Saligan ang masa at kasapian para sa iba’t ibang mga tungkulin. Sa pagsigla at paglawak ng kampanya, dapat lumaki at lumawak din ang kasapian, at kung gayon, ang makinarya sa pagkakampanya. Sa mahusay na pagpapakilos din sa mga kasapi, nakakatuwang din ang iba pang seksyon ng masang naaabot upang bumalikat ng tungkulin sa kampanya.

3. Propaganda ahitasyon at edukasyon – Dapat ilunsad ang masaklaw at masinsing gawaing edukasyon at propaganda

ahitasyon sa masa. Dapat magsagawa ng propaganda edukasyon kung saan komprehensibong tinatalakay ang mga isyu sa kampanya, pagsusuri at mga panawagan. Gamitin ang lahat ng paraan para abutin ang pinakamaraming bilang ng masang kabataan sa mga kampanya. Maksimisahin ang iba’t ibang porma ng malawak na propaganda at ahitasyon: biswal, written, verbal, online, at iba pang mapanlikhang porma para abutin ang pinakamalawak na bilang ng kabataan at mamamayan. Tiyakin ang pagiging simple, kaengga-engganyo at epektibo ng mga materyales at pamamaraan sa bawat antas ng prop. Maksimisahin ang mass midya, at iba’t ibang channels ng propaganda.

4. Pakikipag-alyansa at pakikipagkaisang prente – Dapat abutin ang pinakamalawak na pagkakaisa sa mga kampanya

at pakikibaka. Itayo at pangunahan ang mga alyansa, mga network at iba’t ibang mga multilateral at bilateral na ugnayan para abutin ang mga hindi pa organisado sa Anakbayan at para higit na mapalawak ang inaabot ng kampanya at mahiwalay ang kaaway. Sa pakikipag-alyansa, tinitiyak na napapanatili ang kasarinlan, sariling inisyatiba at militansya ng Anakbayan sa mga kampanya.

Page 2: 6th Congress - Anakbayan Gabay sa Kampanyang Masa

5. Mobilisasyon – Palahukin ang masa sa papalaki at papalawak na paraan sa mga militanteng pagkilos. Dapat malinaw

ang plano, disenyo at kondukta kung paano mapapalahok ang papalaking bilang ng masa. Magdisenyo ng mga porma ng aksyon na aangkop sa bawat yugto ng kampanya at iba’t ibang mga pamamaraan at aktibidad na sasaklaw sa abante, panggitna at nahuhuling seksyon. Para mapalaki ang mga pagkilos, dapat idebelop ang mga lokal na mga build-up, pagtitipon at mga pagkilos, para makapagpalaki at makapagpalakas tungo sa mas mga malalaking mga sentral na mga mobilisasyon.

6. Pagpapalawak ng kasapian – Dapat tiyakin na lumalawak ang kasapian sa panahon ng kampanya, at sa mga malalaking mobilisasyon kung saan nakakapagpakilos ng malawak na masa. Sinsinin ang plano ng rekrutment sa bawat yugto ng kampanya.

7. Pinansya at rekurso – Dapat tiyakin ang iba’t ibang pamamaraan para makakalap ng mga rekurso sa kampanya. Gawing kilusang masa ang paggenerate ng rekurso para sa kampanya. Hikayatin ang mga alyado na mag-ambag sa mga rekurso sa kampanya.

Phasing ng kampanyang masa Karaniwang dumadaan sa mga yugto ng pagbubukas, pagpapasigla at paglawak, tungo sa lundo ng mobilisasyon o mapagpasyang mga aksyon. Matapos nito ay pagsasara o paghahanda sa mas malalaki pang mga aksyon. Sa bawat yugto ay may partikular na mga tungkulin at rekisito sa bawat salik sa pagkakampanya. Maaaring bumilis ang phasing ng kampanya batay sa katangian ng kampanya at pagpihit ng obhetibong sitwasyon. May mga isyu at mga kampanya ding mabilis na nakakapagpakilos sa spontanyong masa. Sa ganitong pagkakataon, dapat maagap na pamunuan ang mga laban at tiyakin ang mabilis na pampulitikang edukasyon at pag-ani sa organisasyon.