8
89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong 1988. Kasama sa larawan ang miyembro ng Executive Committee ng CARD MRI. Ni LOURDES VIRTUDES Dumalo ang dalawampung (20) kasapi na kabilang sa 89 na kababaihang unang sumali sa CARD nang magsimula ang operasyon nito noong 1988 sa parangal na isinagawa bilang bahagi ng CARD MRI Year-end Business Planning noong Disyembre 13, 2014 sa Sundan sa pahina 3 Financial Management sa CARDEEskwela Ang mga batang naging bahagi ng isinagawang CARDeeskwela tungkol sa financial management. Nasa likuran si CARDEE, ang mascot ng CARD Bank. San Pablo City, Laguna – Isinagawa ng CARD Bank, Inc. ang CARDEEskwela noong kapaskuhan para sa mga anak ng mga kawani ng CARD MRI. Ito ay dinaluhan ng dalawampu’t siyam (29) na bata mula tatlo (3) hanggang labindalawang (12) taong gulang, kasama ang labingwalong (18) mga magulang buhat sa iba’t ibang institusyon ng CARD MRI. Ang nasabing programa ay nagmulat sa kamalayan ng mga kabataan tungkol sa CARD MRI at financial management. Ibinahagi nina Gng. Dolores M. Torres, CEO at Presidente ng CARD Bank, Inc. at Gng. Flordeliza L. Sarmiento, CEO at Presidente ng Rizal Rural Bank (Taytay, Rizal), Inc., ang kuwento ng CARD MRI. Ang nasabing kuwento ay nagbigay sa mga bata ng sulyap tungkol sa trabaho ng kanilang mga magulang at kung paano ito nakatutulong na makamit ang Ni LOURDES VIRTUDES Sundan sa pahina 7 San Carlos City, Pangasinan – Ilang buwan pa lamang ang nakalipas nang buksan ng BotiCARD ang isa pang sangay nito sa Lungsod ng San Pablo, Laguna noong Setyembre, 2014 ay muli na naman itong nagbukas ng panibagong botika sa Bugallon St., San Carlos City, Pangasinan noong Enero 28, 2015. Ang nasabing pagbubukas ay pinangunahan nina Gng. Rosenda Aquino at G. Ronald de Mesa, ang Presidente at Bise Presidente ng BotiCARD Inc. Dinaluhan ang nasabing pagbubukas ng 215 miyembro at mga kawani ng CARD, Inc., ang pinagmulan ng 14 na institusyon ng CARD MRI. Unang nagkaroon ng sangay ang Bagong BotiCARD na naman! Ni JEFF TANDINGAN Sundan sa pahina 8 Ang pagbubukas ng panibagong sangay ng BotiCARD sa San Carlos City, Pangasinan. CMDI, Tranca, Bay, Laguna. Kinilala sila sa kanilang di matutumbasang pagsisikap at kontribusyon sa pag-unlad ng institusyon. Ang nasabing kababaihan ay nagmula sa mga barangay ng San Miguel, San Gabriel at Santa Cruz Putol ng San Pablo City, Laguna. Sa kaniyang mensahe, pinuri ni Gng. Dolores M. Torres, CEO at Presidente ng CARD Bank, Inc., ang 89 na kababaihan hindi lamang sa kanilang katapatan kundi sa kanilang disiplinang ipinakita sa mahigit dalawampu’t anim (26) na taong pagiging kasapi. Ang kanilang disiplina sa pagbabayad ng perang hiniram at pagdalo sa lingguhang pagpupulong ang nagsilbing

89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

89 kababaihan, pinarangalanPinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong 1988. Kasama sa larawan ang miyembro ng Executive Committee ng CARD MRI.

Ni LOURDES VIRTUDES Dumalo ang dalawampung (20) kasapi na kabilang sa 89 na kababaihang unang sumali sa CARD nang magsimula ang operasyon nito noong 1988 sa parangal na isinagawa bilang bahagi ng CARD MRI Year-end Business Planning noong Disyembre 13, 2014 sa

Sundan sa pahina 3

Financial Management saCARDEEskwela

Ang mga batang naging bahagi ng isinagawang CARDeeskwela tungkol sa financial management. Nasa likuran si CARDEE, ang mascot ng CARD Bank.

San Pablo City, Laguna – Isinagawa ng CARD Bank, Inc. ang CARDEEskwela noong kapaskuhan para sa mga anak ng mga kawani ng CARD MRI. Ito ay dinaluhan ng dalawampu’t siyam (29) na bata mula tatlo (3) hanggang labindalawang (12) taong gulang, kasama ang labingwalong (18) mga magulang buhat sa iba’t ibang institusyon ng CARD MRI. Ang nasabing programa ay nagmulat sa kamalayan ng mga kabataan tungkol sa CARD MRI at financial management. Ibinahagi nina Gng. Dolores M. Torres, CEO at Presidente ng CARD Bank, Inc. at Gng. Flordeliza L. Sarmiento, CEO at Presidente ng Rizal Rural Bank (Taytay, Rizal), Inc., ang kuwento ng CARD MRI. Ang nasabing kuwento ay nagbigay sa mga bata ng sulyap tungkol sa trabaho ng kanilang mga magulang at kung paano ito nakatutulong na makamit ang

Ni LOURDES VIRTUDES

Sundan sa pahina 7

San Carlos City, Pangasinan – Ilang buwan pa lamang ang nakalipas nang buksan ng BotiCARD ang isa pang sangay nito sa Lungsod ng San Pablo, Laguna noong Setyembre, 2014 ay muli na naman itong nagbukas ng panibagong botika sa Bugallon St., San Carlos City, Pangasinan noong Enero 28, 2015. Ang nasabing pagbubukas ay pinangunahan nina Gng. Rosenda Aquino at G. Ronald de Mesa, ang Presidente at Bise Presidente ng BotiCARD Inc. Dinaluhan ang nasabing pagbubukas ng 215 miyembro at mga kawani ng CARD, Inc., ang pinagmulan ng 14 na institusyon ng CARD MRI. Unang nagkaroon ng sangay ang

Bagong BotiCARD na naman!Ni JEFF TANDINGAN

Sundan sa pahina 8

Ang pagbubukas ng panibagong sangay ng BotiCARD sa San Carlos City, Pangasinan.

CMDI, Tranca, Bay, Laguna. Kinilala sila sa kanilang di matutumbasang pagsisikap at kontribusyon sa pag-unlad ng institusyon. Ang nasabing kababaihan ay nagmula sa mga barangay ng San Miguel, San Gabriel at Santa Cruz Putol ng San Pablo City, Laguna. Sa kaniyang mensahe, pinuri ni Gng. Dolores M.

Torres, CEO at Presidente ng CARD Bank, Inc., ang 89 na kababaihan hindi lamang sa kanilang katapatan kundi sa kanilang disiplinang ipinakita sa mahigit dalawampu’t anim (26) na taong pagiging kasapi. Ang kanilang disiplina sa pagbabayad ng perang hiniram at pagdalo sa lingguhang pagpupulong ang nagsilbing

Page 2: 89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

San Fernando City, Pampanga – Binuksan ng Rizal Rural Bank, (Taytay, Rizal) Inc. (RRB) ang ikaapat na sangay nito sa San Fernando, Pampanga noong unang araw ng Disyembre, 2014. Ang RRB ay isa sa tatlong bangkong kabilang sa CARD MRI. Pinangunahan nina Dr. Jaime Aristotle B. Alip, Tagapamahala at Tagapagtatag ng CARD MRI, at Gng. Flordeliza L. Sarmiento, Presidente at CEO ng RRB, ang pasinaya sa pagbubukas ng bagong sangay. Dumalo rin ang ilang mga miyembro ng CARD MRI sa Pampanga. Inaprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Enero 25, 2014 ang aplikasyon ng RRB na makapagbukas ng 18 micro-banking offices (MBOs). Ang mga MBO na ito ay itatayo upang ilapit ang serbisyo sa mga komunidad lalo na sa mga miyembro. Ang San Fernando ay isa sa mga naaprubahang lugar para sa operasyon ng MBO. Ang San Fernando City ay may pinakamalaking populasyon sa Pampanga. Ayon sa National Statistics Office, patuloy na tumataas ang populasyon nito bawat taon. Habang tumataas ang bilang ng mga naninirahan dito, bumababa naman ang per capita income kung kaya’t ang isang malaking sambahayan na may maliit na kita ay mas higit ang kahirapan. Sinisikap na bawasan ng CARD MRI ang kahirapan bilang bahagi ng misyon nito. Sa pamamagitan ng RRB, ang mga mamamayan sa San Fernando ay

Rizal Rural Bank, Inc. sa San Fernando, Pampanga

Mga Likha Ni Inay, Inc. ika-14 na institusyon ng CARD MRI

Sa layuning maiangat ang antas at kalidad ng pamumuhay ng mahihirap na pamilya sa Pilipinas, pormal na ipinakilala ng CARD MRI ang panlabing-apat nitong institusyon, ang Mga Likha ni Inay (MLNI), Inc. Ang MLNI ang nangangasiwa sa pagpapabuti ng kalidad at pagbebenta ng mga produkto ng miyembro ng CARD MRI. Kung pumasa ang produkto sa pamantayan ng MLNI ay tinataglay ng mga ito ang tatak na Mga Likha ni Inay. Ang mga produkto ng MLNI ay nahahati sa apat na kategorya: gamit pambahay, fashion at mga accessory, RTWs at goods. Sa ngayon, mayroong sampung kiyosko o booth ang MLNI sa mga kilalang malls sa bansa. Nakaplanong magbukas pa ng sampung tulad nito bago matapos ang 2015. Ang MLNI ay dating programa ng CARD-Business Development Service Foundation Inc. (CARD-BDSFI) na sinimulan noong 2009. Nirehistro bilang isang independenteng social enterprise sa Securities and Exchange Commission noong Agosto 25, 2014. Ikalimang miyembro ng CARD MRI, ang

CARD-BDSFI ang nagsisilbing daan upang maiugnay ang mga produkto ng mga miyembro ng CARD MRI sa mainstream market. Ayon kay Dr. Jaime Aristotle B. Alip, Founder at Managing Director ng CARD MRI, ang pagpaparehistro ng MLNI bilang isang hiwalay na institusyon ay isang hakbang patungo sa pagtataguyod ng mga produkto ng mga miyembro maging sa pandaigdigang merkado. Sa pamamagitan ng MLNI, naaabot ng CARD, Inc., CARD Bank, Inc., CARD SME Bank, Inc. at Rizal Rural Bank, Inc. ang kababaihang gumagawa ng iba’t ibang produkto sa kanayunan upang itampok ang kanilang galing at talento sa pamamagitan ng tulong pinansyal. “Laging prayoridad ng CARD MRI ang kaniyang mga miyembro. Patuloy kaming magsisilbing tulay para matupad ang kanilang mga pangarap. Hangarin naming ang Mga Likha Ni Inay ay patuloy na magbigay ng marami pang oportunidad para sa aming mga miyembro,” sabi ni Dr. Alip.

Ni RAFFY ANTES

2

Pinangunahan nina Dr. Jaime Aristotle B. Alip at Mrs. Aniceta Alip ang pagbubukas ng Rizal Rural Bank, Inc. sa San Fernando City, Pampanga.

Sundan sa pahina 5

Ni JOY AMBATANG

Ang Mga Likha Ni Inay ay tatak ng mga produkto ng pagiging malikhain ng mga miyembro ng CARD MRI.

Page 3: 89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

4 389 kababaihanMula sa pahina 1

inspirasyon sa CARD upang magpatuloy. Pinasalamatan din ni Gng. Torres ang 89 na kababaihan para sa kanilang dakilang ambag sa pagsisimula at pag-unlad ng CARD MRI. Samantala, binigyang-diin naman ni Dr. Jaime Aristotle B. Alip, Chairman ng CARD Bank, Inc., ang pagiging binhi ng 89 na kababaihan para sa matatag na pundasyon ng CARD MRI. Ang suporta at pakikiisa na kanilang ipinakita mula simula hanggang ngayon ay isang magandang halimbawa para sa iba pang mga kasapi at kawani ng CARD MRI.

CARD MRI handa kay RubyNi JEFF TANDINGAN Nag-iwan ng aral ang delubyo ng bagyong Yolanda noong 2013. Ang pinakamapanirang bagyo sa kasaysayan ng Pilipinas ay nagtulak upang ang mga Pilipino ay maging laging handa sa ganitong klase ng sitwasyon. Kasama ng maraming Pilipino, ang CARD MRI ay maagang naghanda para sa hagupit ng mala-Yolandang bagyong Ruby. Noong Disyembre 6, 2014 ay inasahan ang pananalakay ni Ruby sa Pilipinas. Bago pa man ito tumama sa kalupaan ay naglatag na ng plano ang Disaster Response Team ng CARD MRI upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga maaapektuhang miyembro. Kabaligtaran nang mabagal na pagkilos ni Ruby, naging mabilis ang pagtugon ng CARD MRI sa mga naging apektado nito. Nagkaroon ng relief goods repacking

stations sa iba’t ibang probinsiya upang agarang matulungan ang mga apektadong miyembro. Humigit-kumulang sa 18,122 miyembrong apektado ni Ruby ang natulungan ng CARD MRI Disaster Relief Assistance Program (CDRAP), isang serbisyong hatid ng CARD MRI na nagbibigay ng agarang tulong sa mga nasalanta ng mga mapanirang kalamidad sa ating bansa. Agad ding nabayaran ang mga indibidwal na mayroong CaMIA PAID Plan na nasiraan ng bahay. Ang mga natulungang miyembro ng CARD MRI ay mula sa Cebu, Samar, Panay Island, Masbate, Iloilo, Leyte, Southern Leyte, Agusan del Norte , Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Oriental Mindoro, Quezon, Marinduque at Cavite.

Sundan sa pahina 5

Page 4: 89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

5

Editoryal2015: Taon ng Maralita Idineklara ng Catholic Bishops Conference ang 2015 bilang taon ng maralita na siya ring taon ng pagbisita ni Papa Francis sa Pilipinas. Alam nating lahat kung gaano kalapit sa puso ng banal na papa ang mga mahihirap. Katunayan ang paksa ng pagbisita ng papa ay “mercy and compassion” o awa at pagdamay higit sa lahat sa mga mahihirap. Tinukoy ni Fr. Enrico Martin Adoviso, chairman ng Archdiocese of Manila (RCAM)’s Commission on Social Services and Development (CSSD), ang mga taong tulad ng magsasaka, mangingisda at trabahador sa mga pagawaan na halimbawa ng mahihirap. Ayon sa kanya, nananatili silang salat sa materyal na bagay matapos ang maraming dekada at henerasyon ng pagtatrabaho upang mabuhay. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority na isinapubliko noong 2014, nanatiling pinakamahirap ang mga mangingisda at magsasaka sa siyam na pangunahing sektor sa Pilipinas mula 2006 hanggang 2012. May 39.2 porsyento ng mangingisda at 38.3 porsyento ng magsasaka ang naitalang mahirap noong 2012. Ang iba pang pangunahing sektor ay mga bata, may sariling kita (self-employed), di-bayarang manggagawa ng pamilya at kababaihan, migrante at pormal na sektor, matatanda, indibidwal na naninirahan sa kalunsuran at kabataan. Ang insidente ng kahirapan ng pinagsamang unang limang sektor kabilang ang mangingisda at magsasaka ay higit na mataas sa pangkalahatang 25.2 porsyento ng mga mahihirap noong 2012. Ang pinakamahihirap na lalawigan na ipinahayag sa pagtatapos ng unang sangkapat (first quarter) ng 2014 ay Lanao del Sur, Maguindanao, Zamboanga del Norte, Saranggani, North Cotabato, Bukidnon, Lanao del Norte, Camiguin, Sultan Kudarat, Sulu, Negros Oriental, Western Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Apayao at Masbate. Kapansin-pansing sa labing-anim na lalawigan ay sampu ang nasa Mindanao. Bagama’t di kabilang ang Leyte sa mga lalawigang nabanggit, may 1.5 milyong naninirahan dito ang nagdahop pagdaan ng salot at mapanirang bagyong Yolanda ayon sa naunang pahayag ng International Labor Organization. Marami pang Pilipinong magdarahop dahil sa mga kalamidad na inaasahang mauulit pa dahil sa pagbabago ng klima at ang pagiging malapit ng Pilipinas sa mga likas na kalamidad.

ang paglikha ng mas marami at mas maayos na mga trabaho ay dapat ituon sa pagpapataas ng produktibidad ng mga magsasaka at MSMEs. Sinabi rin ng World Bank na kritikal sa paglikha ng mga trabaho ang reporma sa proteksyon ng mga karapatan sa pag-aari, pinag-ibayong kompetisyon, pagpapasimple ng regulasyon at pagpapaangat sa pamumuhunan sa imprastruktura, kalusugan at edukasyon. Malaking tulong ang paglawak ng microfinance industry sa Pilipinas sa paglaban sa kahirapan. Maraming mga microfinance institutions (MFI) lalo na ang mga matatagal na sa industriya ang malalawak na ang abot ng pinagsanib na mga serbisyong pampinansyal at pangkaunlaran. Ang pinakamalaking grupo ng mga institusyon na may 2.7 milyong Pilipinong pinaglilingkuran sa buong kapuluan ay ang CARD MRI. Ang CARD MRI ay nasa lahat na ng sulok ng Pilipinas kabilang ang labing-anim na pinakamahihirap na lalawigang nabanggit sa unang bahagi nitong artikulo. Walang takot at pag-aalinlangang inakyat nito ang mga bundok at tinawid ang mga dagat upang ihandog ang kaniyang mga serbisyo sa mga pinakamahihirap kabilang ang mga katutubo o IPs at ang mga naninirahan sa mga isla na karaniwang naiiwan sa pag-unlad. Ang CARD MRI ay may natatanging programang nakatutok sa mga ubod ng hirap (hard core poor). May programa rin itong laan sa mga magsasaka at mangingisda. Pinagagalaw ng CARD MRI ang kaniyang labing-apat na institusyon upang makapagbigay ng kumpletong pakete ng serbisyong tumutugon sa pangangailangang pampinansyal, panseguro, pang-edukasyon, pangkalusugan, pangkabuhayan, pagbebenta ng mga produkto, atbp. Ang CARD SME Bank ang sumasalo sa mga miyembrong umaangat sa antas ng microentrepreneur upang tugunan ang pangangailangan ng mas malaking negosyo. Inaasam ng CARD MRI na abutin ang 5.3 milyong dami ng miyembro sa pagtatapos ng taong ito. Kapag ito’y naganap, madaragdagan ang mga mahihirap na saklaw ng mga programang pangkaunlaran nito. Ang mga MFIs na may utak at puso para sa mga mahihirap ay tahimik na mga disipulo ni Papa Francis. Taglay nila ang awa at pagdamay hindi sa pagbibigay ng limos kundi sa pagbibigay ng kapangyarihang mabuhay sa sariling sikap habang nanatiling buo ang dignidad. Sa 2015 sana ay dumami pa ang mga MFIs at mga organisasyong para sa mahihirap.

4

Magkakaiba ang pagsukat at pamantayan sa insidente ng kahirapan. Ang porsyento ng insidenteng nabanggit sa mga naunang talata ay batay sa kitang sapat upang matustusan ng isang pamilyang may limang miyembro ang gastos sa mga pangunahing pangangailangan - pagkain, damit, tirahan, transportasyon, kalusugan at pagpapaaral. Maraming kadahilanan ang kahirapan ayon sa iba’t ibang pananaw. Ang pagkakaiba ng pananaw ang dahilan ng pagtuklas ng mga solusyon. Ang di-mapigilang paglobo ng populasyon ay malaking balakid sa pagpapababa sa antas ng kahirapan sa Pilipinas. Isa sa mga laging iniuugnay sa patuloy na paghihirap ng maraming Pilipino ay ang kakulangan ng trabaho. Habang dumarami ang mga Pilipino na ngayon ay nasa 100 milyon na, kulang naman ang mga trabaho. Alam naman nating maraming Pilipino ang kailangan pang mangibang bansa upang magkaroon ng trabahong may kitang sapat upang tugunan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. Ayon sa World Bank noong 2014,

Page 5: 89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

ANG TAGAPAGTATAGIsang mensahe mula sa Tagapagtatag at Tagapamahala ng CARD MRI, Dr. Jaime Aristotle B. Alip Maraming korporasyon, institusyon, pribadong kompanya at mga indibidwal ang naghahanda sa pagpasok ng mga naglalakihang kompanya mula sa mga bansang nasa Timog-Silangang Asya. Maging tayo sa CARD MRI ay kailangang maging handa kung paanong patuloy tayong tatangkilikin ng ating mga miyembro at kung paano tayo makasasabay sa malaking pagbabago na haharapin ng ating bansa sa pagsisimula ng ASEAN Integration sa taong ito. Papasok na ang mga kompanyang magiging kakumpetensiya ng maraming lokal na kompanya sa ating bansa. Baon ng mga kompanyang ito ang kanilang mga makabagong kaalaman, teknolohiya at mahuhusay na produkto na siya nilang magiging sandata upang makipagsabayan. Ngunit bago pa man naging malaking isyu ang ASEAN Integration, ang ating organisasyon ay matagal nang naghahanda sa posibilidad na pagdating ng ganitong pagkakataon. Nang magsimula ang ating organisasyon ay naitatak na sa isipan ng mga namumuno ng CARD MRI na nararapat lamang na humubog tayo ng mahuhusay na empleyado na siyang tutulong upang makamit ang ninanais nating pagbabago sa buhay ng maraming pamilyang Pilipino na humaharap sa hamon ng kahirapan. Maaga pa ay sinimulan na natin ang pagbibigay ng mga karagdagang kaalaman at pagsasanay sa ating mga kawani upang sila ay mas maging epektibo sa kanilang mga gawain. Patuloy natin silang

sinasanay upang mailabas ang kanilang nakatagong husay at talento. Ginagawa natin ito upang makapaghatid tayo ng mas epektibong produkto at serbisyo sa ating mga miyembro. Kung mayroon tayong mga magagaling na kawani ay mayroon din tayong mga kasaping kayang makasabay sa makabagong takbo ng mundo. Ang ating mga kawani ang siya namang tumutulong upang hubugin at bigyang kapangyarihan ang ating mga miyembro sa pagpapaunlad ng kanilang sarili, pamilya at maliliit na negosyo. Tinutulungan natin silang maiangat ang produkto ng kanilang sariling sining at makilala ang kanilang pagiging malikhain. Isang magandang halimbawa ang pagpapabuti ng kalidad at pagtataguyod ng mga produkto ng ating mga miyembro sa merkado. Ang ating kaalaman, karanasan at kasanayan ang magiging sandata’t panangga natin upang makipagsabayan sa mga dayuhang kompanyang papasok sa ating bansa. Walang dapat ikabahala, ang CARD MRI ay laging handa sa mga bagong hamon.

REPLEKSYONIsang Pagpapaalala

Sa pagbubukas ng taong 2015, puno na tayo ng plano para sa magandang pagbabago. May plano ka na bang isuko ang iyong paninigarilyo’t paglaklak ng sandamakmak na alak? Nais mo na bang bitiwan ang mga walang saysay na bagay na iyong kinahuhumalingan? Magpapayat? Maging mabait? Maging tapat? Gusto mo na bang simulan ang pagtitipid ngayong 2015? Sa lahat ng aking mga katanungan, sana’y “hindi” ang inyong kasagutan kung plano lang ninyo ang mga ito dahil bagong taon. Marahil sasang-ayon kayo na ang plano natin ay laging nanatiling isang plano lamang hanggang matapos ang taon. Karamihan nga sa atin ay may ugaling ningas kugon. Masipag lang sa umpisa ngunit kalauna’y nawawalan na ng gana. Huwag sana nating gawing palaging timeline ang pagbubukas ng bagong taon sa mga gusto nating pagbabago. Tandaan: ang karamihan ay hindi nagtatagumpay. Ang karamihan ay bigo sa kanilang mga plano’t kagustuhang mabago ang sarili. “Hindi na ako magmumura.” “Sisimulan ko nang maging masipag.” “Kakain na ako ng masusustansiyang pagkain.” “Magiging responsable na akong tao.” Siguro ang ilan sa atin ay nakasaad sa itaas ang mga nais na pagbabago para sa sarili. Ngunit ang totoo, sa kalagitnaan pa lang ng buwan ng Pebrero, tumitigil na tayo. Bakit? Ayon sa pag-aaral ng Unibersidad ng Scranton, sa bilang ng mga taong gumagawa ng New Year’s resolution ay walong porsyento lamang ang nagtatagumpay. Nakalulungkot isipin na 92% ang nababali ang mga pangako sa sarili. Ang ilan nga ay hindi man lang umaabot ng isang buwan. Nawa’y hindi tayo mapabilang sa 92% na niloloko ang sarili. Nakaugalian na natin ang sumulat ng “My New Year’s Resolution.” Ngunit wala sa puso ang kagustuhang mapabuti natin ang sarili. Kadalasan ay laman lamang ito ng utak. Marahil, ito ang dahilan kung bakit ang 92% ay nag-u-turn sa piniling tatahaking daan noong mga nakaraang bagong taon. Kahit sa araw ni Andres Bonifacio o sa araw ng kamatayan ni Jose Rizal o sa pinakaordinaryong araw ng buhay natin ay pwedeng piliing magbago para sa ikabubuti. Gawin natin ito nang bukal sa ating kalooban. Huwag idahilan ang bagong taon o ang malulungkot na pagkakataon o kung sino mang taong nag-uudyok sa atin na “dapat maging ganito ka, maging ganiyan ka.” Magdesisyon tayo para sa sarili natin dahil naniniwala tayo na dapat ito ang taglayin bilang isang tao, bilang isang indibidwal. Baliin natin ang kaugaliang kailanman ay hindi naging epektibo sa simula pa lang. Hindi naman mahirap gawin ang isang bagay na talagang gusto, hindi ba? Siguraduhin lamang na ang pagbabago ay nag-uugat sa tunay na kagustuhan.

Ni JEFF TANDINGAN

5

maaaring makakuha ng mga pampinansyal na mga serbisyo tulad ng iba’t ibang klase ng loans at savings. Gayundin, sa tulong ng ibang institusyon sa ilalim ng CARD MRI, ang mga miyembro ng RRB ay mabibigyan din ng daan sa mga programang pangkalusugan, pang-edukasyon, pangkabuhayan at iba pang programang pangkaunlaran. Anim na MBOs - Floridablanca, Lubao, Macabebe, Arayat, Mexico at San Simon ang bubuksan ng RRB sa San Fernando. Ang RRB ay may 58,695 miyembro kasama ang savers. May dalawang sangay pa ito sa Rizal habang ang head office nito ay nasa Sta. Cruz, Laguna.

Noong nakaraang taon ay may kabuuang 240,316 na kasaping apektado ng mga kalamidad ang natulungan ng CARD MRI . Inaabot ng Disaster Response Team ng CARD MRI ang bawat miyembrong biktima ng mga kalamidad sa Pilipinas. Ang bawat kawani ng CARD MRI ay nagsasama-sama upang magkaloob ng relief goods, stress debriefing, health missions at mabilis na bayaran sa mga nakaseguro.

Rizal Rural BankMula sa pahina 2

CARD MRI handaMula sa pahina 3

“A leader should also be able to walk the talk. Whatever I teach my staff and our clients, I make it a point that they

will be able to see all of it in me.” Dr. Jaime Aristotle B. Alip

Page 6: 89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

6

Page 7: 89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

Community HeroPara kanino ang bawat umaga mo?

Ang bawat paggising ay isang pagpapala. Binigyan tayo ng isang bagong umaga para harapin ang mga hamon ng buhay. Ito ay isang pagkakataon upang simulan ang pagbabago. Mapalad tayong nakakabasa nito at nabigyan pa tayo ng isa pang pagkakataon. Kasagsagan ng bali-balitang pagputok ng Bulkang Mayon sa Bicol ay ang pagbisita ko sa Camalig kung saan ang isa sa mga opisina ng CARD, Inc. para sa Development Services for the Hardcore Poor (DSHP) ay naroon. Alert level 3 noong panahong iyon. Lahat ng mamamayang sakop sa walong kilometrong layo sa paligid ng bulkan ay nasa evacuation centers na. Gayunpaman, tuloy pa rin ang buhay at kalakalan. Maraming establisyemento ang bukas para tugunan ang pangangailangan ng mga tao. Isa na rito ang tanggapan ng CARD. Nakilala ko si Mary Ann, isang Account Officer at kauna-unahang staff ng Camalig Unit. Magdadalawang taon na ang unit sa nasabing lugar gayundin si Mary Ann. Sumama ako sa lahat ng kaniyang center meetings at client visits. Nagkaroon ako ng mahabang pagkakataon na makausap si Mary Ann tungkol sa kanyang personal na buhay at trabaho. Salamat sa napakalayong biyahe namin sakay ng habal-habal. Malugod naman ang pagtugon niya sa mga tanong ko hanggang sa naging kampante kami sa isa’t isa. Ang DSHP ay naiiba sa regular na tanggapan ng CARD dahil kusang inaabot nito ang mas liblib na lugar. Kung ang CARD, Inc. ay sumasakop ng hanggang walong kilometrong radyos, ang Hardcore unit ay lumalampas dito. Sabi nga niya, abot nila ang langit. Si Mary Ann ay pangalawa sa walong magkakapatid. Ang kanyang nanay ay simpleng maybahay at fish vendor naman ang kanyang tatay. Sabi niya ay mahirap lamang sila. Halos lahat ng kanyang mga kapatid ay nag-aaral kaya’t kailangan daw talaga niyang magtrabaho. Ang pagbabahagi niya ay sinabayan pa niya nang pagtawa. Tawang hindi mo alam kung saan pa niya hinuhugot. Kung saan-saan na napunta ang pag-uusap namin. Ngunit

isa sa mga hindi ko makalimutan sa kanyang mga ibinahagi ay ang hirap at klase ng trabahong pinasukan niya sa CARD. Hindi niya mapagtanto kung bakit nasa CARD siya ngayon. Magdadalawang taon na rin siyang nakikibaka para sa pagsugpo ng kahirapan. Noon, nakita niyang mahirap ang trabaho ngunit sa kalaunan ay naging masaya siya sa kanyang ginagawa. Marami siyang nakakasalamuha at iba’t ibang lugar na ang kanyang napupuntahan. Sa simula ay mahiyain si Mary Ann na napangibabawan niya kalaunan. At dahil na rin sa hindi pamilyar si Mary Ann sa mga sakop niyang liblib na lugar ay nahihirapan siya sa pag-uwi. Minsanan lang ang biyahe kaya kumausap na siya ng drayber ng habal-habal na maghahatid-sundo sa kaniya sa lugar. “Akalain mo ba namang bundok at bundok ang pagitan ng bawat bahay ng miyembro, pero hindi iyon sagabal dahil sa bait at pagmamahal ng mga miyembro sa amin at sa CARD,” sabi ni Mary Ann. Matindi rin ang sinuong nilang pagsubok noong kasagsagan ng bagyong Glenda lalo na sa pagbisita sa mga miyembro. Napakahirap ng transportasyon ngunit ito ay nakayanan nila. At noong wala na silang makain, namulot na lang sila ng santol at sinabawan nila ang balat nito para maiulam. Sa lahat ng kanyang mga pinagdadaanan ay sinisikap niyang maging masaya sa pagganap ng kanyang tungkulin. Ang pag-aalala at reklamo ay lalong makabibigat sa kaniyang sitwasyon. Para sa kanya, mas mabuting maging positibo sa bawat pagkakataon. Kaya nga minsan sabi ni Mary Ann, “Sa bawat paggising ko po ay positibong-positibo na ako. ‘Pag sisimulan mo ang araw mo na masaya ay magiging masaya ka na buong araw. Routine man ang ginagawa ko ay binibigyan ko pa rin ng kakaibang sigla ang bawat araw sa buhay ko,” dagdag pa niya. “Bumabangon ako dahil alam kong merong nangangailangan ng tulong ko bukod pa sa aking pamilya.” Kahit hinaharap niya ang hamon ng pagtulong sa pamilya ay masaya pang bumabangon si Mary Ann sa umaga para sa iba. Ikaw ba, para kanino ang bawat umaga mo?

Ni RAFFY ANTES

7

Patuloy na hinaharap ni Mary Ann ang bawat umaga na hatid ang panibagong pag-asa sa bawat miyembrong kaniyang nakakasalamuha.

1 2 1 3 4 1 5 4 6 , 7 1 3 8 1 9 2 3 7 2 10 4 11 10 12

13 4 12 13 3 4 - 12 14 6 2 10 1 15 15 1 11 5 16 3 7 4 11 10 2 .7 3 4 1 6 11 15 6 12 17 10 18 4 17 ; 10 18 4 9 1 6 4 10 18 4

19 4 2 10 10 4 1 16 18 4 6 15 12 6 1 3 4 1 5 4 6 3 7 20 4

17 4 . -Dr. Jaime Aristotle B. Alip

CryptogramPara malaman ang quote mula kay Dr. Alip ay kailangan malagyan ng tamang letra ang bawat kahon. Ang kahong may pare-parehong numero ay naglalaman ng pare-parehong letra.Clues: 1=A; 3=L; 6=R

7 8 4 27 6 4

3 5 8 2 13 5 9 2

3 52 4 7 8

2 6 7 5 94 9 3

4 1 9 5

SudokuFun and Games

pangarap at mithiin ng CARD MRI. Gumamit din sila ng mga angkop na larawan na lubos na ikinatuwa at nakatulong sa pang-unawa ng mga bata tungkol sa pangangasiwa ng salapi. Ang sesyon tungkol sa financial management ay tinalakay gamit ang iba’t ibang pamamaraan na naaayon sa edad ng mga bata. Natutunan ng mga bata ang kahalagahan ng pag-iipon, wastong paggastos at pamamahagi sa nangangailangan ng kanilang sariling pera. Natutunan din nila ang malaking pagkakaiba ng pangangailangan at naisin. Bago matapos ang sesyon, nagkaroon ng gawain para sa praktikal na aplikasyon ng mga natutunan ng mga bata. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng poster making contest. Malikhaing iginuhit ng mga bata ang kanilang ideya tungkol sa kung paano sila maaaring mag-ipon para sa kanilang magandang kinabukasan. Nagkaroon din ng paggabay sa mga bata tungkol sa pagdedesisyon nang tama at kung paano nila gagamitin ang premyong kanilang nakamit (play money) sa palaro. Nakagagalak ang resulta ng kanilang ginawa na nagpapakita ng pang-unawa kung paano nila maaaring gastusin, ipunin at ipamahagi ang kanilang pera sa simpleng paraan. Napagpasyahan ng mga bata na ipunin ang 50%, gastusin ang 35% at ipamahagi sa biktima ng bagyo ang 15% ng kanilang napanalunan sa laro. Sa wakas ng programa ay nagkaroon ng soft launching ng MAAGAP Savers Club. Ang samahang ito ay naglalayong turuan ang mga kasapi ng club tungkol sa financial management sa pamamagitan ng workshops at aktibong gawain tulad ng CARDEEskwela. May pagkakataon ding makatanggap ng mga freebies at iba pang prebilehiyo ang mga kasapi ng club base sa kanyang Average Daily Balance (ADB). Ginawaran ng sertipiko ang mga lumahok sa programa, mga nanalo sa poster making contest at mga nagkaroon ng espesyal na pagkilala. Nagkaroon din ng panunumpa ang mga bata bilang isang matalinong tagapangasiwa ng pananalapi. Nakilala at nakadaupang palad din ng mga bata ang CARD Bank mascot na si CARDEE. Upang mas maramdaman ang diwa ng Pasko, nagbigay ng Maagap Gift Card (MGC) si Gng. Torres sa mga bata. Ang gift card na ito ay mayroong laman na panimulang deposito o karagdagang deposito para sa Maagap Account. Binigyan din ang mga bata ng loot bags at alkansya bilang souvenir. Sa lahat ng mga regalo na kanilang natanggap, ang pinakamahalaga ay ang regalo ng kaalaman tungkol sa wastong pamamahala ng pananalapi na ibinahagi ng CARDEEskwela. Ito ay isang mahalagang pundasyon upang ang mga bata ay bumuo nang maayos na pananaw at gawi tungkol sa pananalapi.

FinancialMula sa pahina 1

Page 8: 89 kababaihan, pinarangalan - CARD MRI...89 kababaihan, pinarangalan Pinarangalan ang 20 kasaping kabilang sa unang 89 na kababaihang naging mga kasapi ng CARD nang magsimula ito noong

8

Camarines Norte, Pilipinas – Ang Healthy Mothers, Healthy Babies: Kalinga Kay Inay Project ay nagkaroon ng ikalawang community health fair noong Enero 23-24, 2015 sa Daet at Labo, Camarines Norte. Ang nasabing health fair ay nakapagbigay ng serbisyo sa 681 katao, kung saan 647 ay buntis at 34 ay nagpapasuso. Ang mga benepisyaryo ng nasabing programa ay mga miyembro ng CARD MRI at mga ka-partner nitong microfinance institusyon at iba pang mamamayan sa komunidad.

KKI sa Camarines Norte

Nagsagawa ng isang community health fair ang CARD MRI katuwang ang Freedom from Hunger at Microcredit Summit sa dalawang bayan sa Camarines Norte upang makapagbigay ng libreng check up sa mga ina.

Mula sa pahina 1

Bagong BotiCARD

BotiCARD sa rehiyon ng Timog-Katagalugan. “Nais ng institusyon na mas maramdaman ang presensya ng BotiCARD sa lahat ng panig ng Pilipinas bilang tugon sa pagdating ng ASEAN Integration kaya nasa hilagang bahagi na ng bansa ang BotiCARD,” ayon kay G. de Mesa. “Dahil na rin sa dumaraming bilang ng miyembro ng CARD MRI ay kinakailangan din ng BotiCARD na magpalawak upang maabot ang lahat ng mga miyembro,” dagdag pa niya. Inaasahang aabot sa 12,000 miyembro sa lungsod ang makikinabang sa pagbubukas ng bagong sangay. Layunin ng BotiCARD na ihatid sa mga miyembro at kanilang pamilya at ganon na rin sa buong pamayanan ang abot-kaya ngunit ligtas at dekalidad na mga gamot. Hangarin din nito na magbigay sa publiko ng karagdagang kaalaman kung paano maiiwasan o maaagapan ang isang sakit kaakibat ang CARD MRI Community Development Group sa pamamagitan ng programang Microfinance and Health Protection (MaHP). Ang BotiCARD ay patuloy na nagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad upang maiangat ang kalusugan at kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Ni DHIANNE REYES Siyam na OB-Gyne, isang pediatrician, siyam na boluntaryong nars mula sa Nurse Deployment Project pati na rin ang mga nars mula sa CARD MRI at labindalawang barangay health workers ang nagbigay ng kanilang mga libreng serbisyo sa mga benepisyaryo. Maging ang mga kinatawan mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng Daet ay lumahok din sa dalawang araw na health fair para magbigay ng oryentasyon at ng pagkakataon na mairehistro ang mga hindi pa miyembro ng PhilHealth. Ang Tulay Sa Pag-unlad, Inc. (TSPI), isa sa mga partner ng CARD MRI ay nakilahok din sa community health fair. Ayon kay Charlyn Sacatento, isang di-miyembrong benepisyaryo ng community health fair, nasiyahan siya sa programang ginawa para sa mga buntis na tulad niya sa kanilang lugar. Inaasahan niya na ang programang ito ay magpapatuloy. Sinabi rin niya na siya ay nagbabalak na sumali sa isang microfinance institution. Ang proyektong “Kalinga Kay Inay” ay nagbabalak na magkaroon muli ng tatlong-araw na community health fair sa lalawigan ng Samar sa 2nd Quarter ng 2015, upang makapaglingkod pa sa mga buntis at nagpapasuso. Ang CARD Mutually Reinforcing Institutions (CARD MRI), ang Microcredit Summit Campaign at Freedom from Hunger ay nagbuklod upang matulungan ang Pilipinas na maisakatuparan ang Millennium Development Goal (MDG) nito para sa kalusugan ng mga ina sa pamamagitan ng Kalinga Kay Inay Project. Ang proyektong ito ay naglalayong maabot ang higit sa 600,000 kababaihang kliyente ng microfinance bago matapos ang 2015 sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyong pangkalusugan at iba pang kaugnay na serbisyo para sa kababaihan at sa kanilang pamilya. Ang CARD MRI, sa pamamagitan ng kaniyang Microfinance and Health Protection Program, ay naglalayong patuloy na magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa 2.75 milyong miyembro nito sa buong Pilipnas.

Ang 41 iskolar ng CARD MRI kasama ang pamunuan ng Development Academy of the Philippines at CARD-MRI Development Institute (CMDI) sa pagtatapos ng unang bahagi ng kanilang kursong Master in Productivity and Quality Management noong Enero 28, 2015. Ang mga iskolar ay ginawaran ng Certificate in Productivity and Quality Management ng DAP. Glenda Lagarile