6
9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO 335 9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO 34 May ilang mga batang nahihirapang makaya ang ilang mga tekstura ng pagkain sa bibig nila o ligtas na malunok ang ilang mga likido. Kapag may problema ang bata sa pagkain at pag-inom, isang paraan ang pagbabago sa tekstura ng pagkain o lapot ng likido na ibinibigay para maging mas ligtas at mas madali ang oras ng pagkain. Ang mga pagkain at likido ay maaaring natural na may espisipikong tekstura at lapot, o maaari itong baguhin ng mga tagapangalaga para maging mas angkop na tekstura at lapot na tugma sa pangangailangan ng bata. Puwedeng mabago ang mga pagkain at likido sa paggamit ng mga kasangkapan tulad ng mga kubyertos, blender, at iba pang mga pampalapot na pagkain at likido o mga artipisyal na pampalapot. PAANO PALAPUTIN ANG PAGKAIN AT LIKIDO Pagpapalapot ng mga pagkain at likido nang natural gamit ang mga karaniwang pampalapot na pagkain o likido Pagpapalapot ng mga pagkain at likido gamit ang mga artipisyal na pampalapot MGA NATURAL NA PAMPALAPOT Mga pagkain at likido na natural na nakapagpapalapot kapag hinalo sa iba pang pagkain at likido. MGA NATURAL NA PAMPALAPOT MAHAHALAGANG PAG-IINGAT Dry infant cereal (bigas, oatmeal) – durog o pinulbos o Hindi pira-piraso o butil-butil o Hindi dapat gamitin kasama ng gatas ng ina o Para sa mga mas bata sa 12 buwang gulang Gelatin, guar gum, galapong, harina, gawgaw tulad ng galing sa kamoteng kahoy o patatas, cornstarch, psyllium husk, carrageenan (Irish moss) o Para sa mga batang lagpas 12 buwang gulang at walang panganib ng allergy Ihalo ang mga likido (gatas, tubig, juice) sa mga pagkaing na-puree para makalikha ng mga napalapot na likido o Para sa mga batang lagpas 12 buwang gulang at walang panganib ng allergy MGA ARTIPISYAL NA PAMPALAPOT Maaaring ihalo ang mga artipisyal na sangkap sa mga pagkain at likido para mapalapot ang mga ito. Mabibili ang mga pampalapot na ito sa ilang mga tindahan, sa mga botika at online. May ibinibigay na espisipikong panuto ang bawat manufacturer ng mga pampalapot kung paano mapalalapot ang mga pagkain at likido gamit ang mga produkto nila. Huwag gumamit ng mga artipisyal na pampalapot maliban kung mas matanda sa 12 buwang gulang ang bata.

9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO...⑨ Huwag ihalo ang dry infant cereal sa gatas ng ina. Nadudurog sa gatas ng ina ang cereal kaya nagiging malabnaw ito. ⑩Palaputin ang mga

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO...⑨ Huwag ihalo ang dry infant cereal sa gatas ng ina. Nadudurog sa gatas ng ina ang cereal kaya nagiging malabnaw ito. ⑩Palaputin ang mga

9 E : P AG BA BA G O S A MG A PA G KA I N A T L I K I D O

335

9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO 34 May ilang mga batang nahihirapang makaya ang ilang mga tekstura ng pagkain sa bibig nila o ligtas na malunok ang ilang mga likido. Kapag may problema ang bata sa pagkain at pag-inom, isang paraan ang pagbabago sa tekstura ng pagkain o lapot ng likido na ibinibigay para maging mas ligtas at mas madali ang oras ng pagkain.

Ang mga pagkain at likido ay maaaring natural na may espisipikong tekstura at lapot, o maaari itong baguhin ng mga tagapangalaga para maging mas angkop na tekstura at lapot na tugma sa pangangailangan ng bata. Puwedeng mabago ang mga pagkain at likido sa paggamit ng mga kasangkapan tulad ng mga kubyertos, blender, at iba pang mga pampalapot na pagkain at likido o mga artipisyal na pampalapot.

PAANO PALAPUTIN ANG PAGKAIN AT LIKIDO

① Pagpapalapot ng mga pagkain at likido nang natural gamit ang mga karaniwang pampalapot na pagkain o likido

② Pagpapalapot ng mga pagkain at likido gamit ang mga artipisyal na pampalapot

MGA NATURAL NA PAMPALAPOT

Mga pagkain at likido na natural na nakapagpapalapot kapag hinalo sa iba pang pagkain at likido.

MGA NATURAL NA PAMPALAPOT MAHAHALAGANG PAG-IINGAT

Dry infant cereal (bigas, oatmeal) – durog o pinulbos

o Hindi pira-piraso o butil-butil o Hindi dapat gamitin kasama ng gatas ng ina o Para sa mga mas bata sa 12 buwang gulang

Gelatin, guar gum, galapong, harina, gawgaw tulad ng galing sa kamoteng kahoy o patatas, cornstarch, psyllium husk, carrageenan (Irish moss)

o Para sa mga batang lagpas 12 buwang gulang at walang

panganib ng allergy

Ihalo ang mga likido (gatas, tubig, juice) sa mga pagkaing na-puree para makalikha ng mga napalapot na likido

o Para sa mga batang lagpas 12 buwang gulang at walang

panganib ng allergy

MGA ARTIPISYAL NA PAMPALAPOT

Maaaring ihalo ang mga artipisyal na sangkap sa mga pagkain at likido para mapalapot ang mga ito. Mabibili ang mga pampalapot na ito sa ilang mga tindahan, sa mga botika at online. May ibinibigay na espisipikong panuto ang bawat manufacturer ng mga pampalapot kung paano mapalalapot ang mga pagkain at likido gamit ang mga produkto nila.

Huwag gumamit ng mga artipisyal na pampalapot maliban kung mas matanda sa 12 buwang gulang ang bata.

Page 2: 9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO...⑨ Huwag ihalo ang dry infant cereal sa gatas ng ina. Nadudurog sa gatas ng ina ang cereal kaya nagiging malabnaw ito. ⑩Palaputin ang mga

9 E : P AG BA BA G O S A MG A PA G KA I N A T L I K I D O

336

MGA ARTIPISYAL NA PAMPALAPOT MAHAHALAGANG PAG-IINGAT

SimplyThick, Thick It, Thicken Up, Thick and Easy, Gelmix Thickener

o Para sa mga batang lagpas 12 buwang gulang

MGA PANUTO SA PAGPAPALAPOT NG LIKIDO PAPUNTANG MAY KALAPUTAN (SINLAPOT NG KATAS NG PRUTAS) – GAMIT ANG NATURAL NA PAMPALAPOT

o Maghalo ng 6.3 gramo (1.5 kutsarita) ng dry infant cereal kada 30 ml (1 fl. oz.) ng formula na gatas o likido.

MGA HALIMBAWA:

o Para sa 90 ml (3 fl. oz.) na bote ng formula: magdagdag ng 19 gramo (4.5 kutsarita/1.5 kutsara) ng dry infant cereal

o Para sa 120 ml (4 fl. oz.) bote ng formula: magdagdag ng 25.2 gramo (6 kutsarita/2 kutsara) ng dry infant cereal

o Para sa 180 ml (6 fl. oz.) bote ng formula: magdagdag ng 37.8 gramo (9 kutsarita/3 kutsara) ng dry infant cereal

o Mas malapot na dapat ang mga likido (tulad ng katas ng prutas) at dadaloy dapat ito mula sa kutsara na mas mabagal kaysa tubig.

MGA PANUTO SA PAGPAPALAPOT NG LIKIDO PAPUNTANG KATAMTAMAN ANG LAPOT (SINLAPOT NG PULOT) – GAMIT ANG NATURAL NA PAMPALAPOT

o Maghalo ng 10.5 gramo (2.5 kutsarita) ng dry infant cereal kada 30 ml (1 fl. oz.) ng formula o likido.

MGA HALIMBAWA:

o Para sa 90 ml (3 fl. oz.) bote ng formula: magdagdag ng 31.5 gramo (7.5 kutsarita/2.5 kutsara) ng dry infant cereal

o Para sa 120 ml (4 fl. oz.) bote ng formula: magdagdag ng 42 gram0 (10 kutsarita /3 kutsara + 1 kutsarita) ng dry infant cereal

o Para sa 180 ml (6 fl. oz.) bote ng formula: magdagdag na 63 gramo (15 kutsarita /5 kutsara) ng dry infant cereal

o Mas malapot na dapat ang mga likido (tulad ng pulot) at dadaloy dapat ito mula sa kutsara na mas mabagal kaysa mga likidong may kalaputan.

Page 3: 9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO...⑨ Huwag ihalo ang dry infant cereal sa gatas ng ina. Nadudurog sa gatas ng ina ang cereal kaya nagiging malabnaw ito. ⑩Palaputin ang mga

9 E : P AG BA BA G O S A MG A PA G KA I N A T L I K I D O

337

Huwag magbigay ng totoong pulot sa mga mas bata sa 12 buwang gulang.

DAGDAG NA MGA PANUTO SA PAGPAPALAPOT NG MGA LIKIDO PARA SA MGA BATANG MAS MATANDA SA 12 BUWAN

o Paghaluin ang kaunting tubig, sabaw o juice at ang pagkain ng sanggol na idinaan sa blender para makagawa ng likidong pinalapot nang natural. Haluing mabuti hanggang sa maging pino at walang mga buo-buo. *Mas maraming likido ang idinadagdag, magiging mas malabnaw ang likido.

o Paghaluin ang kaunting tubig o gatas sa pudding o yogurt para makagawa ng likidong pinalapot nang natural. Haluing mabuti hanggang sa maging pino at walang mga buo-buo. *Mas maraming likido ang idinadagdag, magiging mas malabnaw ang likido.

o Ihalo ang mga durog na patatas, bread crumbs, harina o dinurog na mga cracker sa mga na-puree na nilaga, sopas at karne para sa dagdag na lapot. Haluing mabuti hanggang sa maging pino at walang mga buo-buo. *Mas maraming idadagdag na mga sangkap, magiging mas malapot ang tekstura ng pagkain.

MGA TIP SA PAGPAPALAPOT

① Alugin nang maigi ang mga likido sa baso o bote para mapalapot ang mga ito. ② Haluin ang mga likido sa baso o mangkok nang masigla gamit ang tinidor o whisk. ③ Bigyan ng ilang minuto ang lahat ng likido para manatili sa tamang lapot. ④ Maaaring mabago ng temperatura ang kung gaano kadaling lumapot ang likido. Tingnan nang

mabuti at baguhin kung kailangan. ⑤ Unti-unting magdagdag ng mga pampalapot sa mga likido para maiwasan ang sobrang

pamumuo. ⑥ Maaaring kailanganin ng mga likido na alugin o haluin uli kapag tumagal. Palaging tingnan

ang lapot ng likido bago ito ibigay sa bata. ⑦ Kapag masyadong malabnaw ang likido, magdagdag ng kaunting pampalapot hanggang sa

maging tama na ang lapot nito. ⑧ Kapag naging masyadong malapot ang likido, magdagdag ng kaunting malabnaw na likido

(tubig, sabaw, formula, gatas, juice) hanggang maging tama na ang lapot nito. ⑨ Huwag ihalo ang dry infant cereal sa gatas ng ina. Nadudurog sa gatas ng ina ang cereal kaya

nagiging malabnaw ito. ⑩ Palaputin ang mga likido nang derekta bago ito ibigay sa bata.

Page 4: 9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO...⑨ Huwag ihalo ang dry infant cereal sa gatas ng ina. Nadudurog sa gatas ng ina ang cereal kaya nagiging malabnaw ito. ⑩Palaputin ang mga

9 E : P AG BA BA G O S A MG A PA G KA I N A T L I K I D O

338

⑪ Kapag pinapalapot ang likido gamit ang bote, laging tingnan ang tsupon habang nagpapakain para masigurong hindi ito barado. Maaaring ang ibig sabihin ng tsupon na palaging barado ay kailangan ng tsupon na mas mabilis ang daloy (mas mataas ang level/mas malaki ang butas).

⑫ Huwag butasin ang tsupon para pakainin ang bata ng mas malapot na mga likido. Palitan ang tsupon ng mas angkop na sukat.

⑬ May mga pagkaing natutunaw at nagiging malabnaw na likido tulad ng ice cream, popsicle, yelo at Jell-O. Huwag ibigay ang mga pagkaing ito sa mga batang nahihirapang lumunok ng malalabnaw na likido.

PAANO GAGAWA NG PAGKAING NA-PUREE35 MGA KATANGIAN NG

PAGKAING NA-PUREE MGA PANUTO PARA MAKAGAWA NG

PAGKAING NA-PUREE

o Madalas na kinakain nang may

kubyertos o Hindi maiinom mula sa baso o straw o Hindi kailangang nguyain o Pino, walang buo-buo o Hindi maibubuhos o Nahuhulog mula sa kutsara nang

isahan at napapanatili ang hugis sa plato/tray/mesa

① Lutuin ang mga gulay at karne hanggang sa maluto nang

husto, pero iwasan ang masobrahan ang pagkakaluto. (Gulay na sobra ang pagkakaluto = malabsa; Karne na sobra ang pagkakaluto = maganit at matigas).

② Ilagay ang pagkain sa blender o sa food processor. ③ Unti-unti lang ang pagdagdag ng likido. ④ Takpan at i-blend hanggang maging pino ang pagkain. ⑤ Magdagdag ng mas maraming likido kapag kailangan, lalo na

kapag masyadong malapot ang puree.

MGA TIP SA PAGKAING PUREED

① Para sa mga karne at ulam: (a) Gumamit ng iba’t ibang sarsa at likido para makagawa

ng mga bago at nakagaganang lasa. (b) Madalas na madaling ma-puree ang mga ulam na

may sabaw. (c) Iwasan ang paggamit ng matigas, tuyo, at maganit

na mga karne. (d) Iwasan ang paggamit ng balat ng manok o pato.

② Para sa mga gulay: (a) Pasingawan o pakuluan ang mga gulay hanggang

sa lumambot. Salain at ipunin ang tubig para magamit sa pag-puree.

(b) Gumamit ng mantekilya, krema, mainit na gatas, sabaw, pinaglutuang tubig o sarsa para sa pag-puree ng patatas.

(c) Pagsamahin ang ilang mga gulay para makagawa ng masasarap na kombinasyon tulad ng broccoli at cauliflower; carrot at pipino.

(d) Maging maingat kapag nagpu-puree ng mga gulay na may balat, dahil hindi napu-puree nang maayos ang ilan.

(e) Iwasan ang paggamit ng hilaw na gulay o gulay na matigas ang balat o buto. ③ Para sa mga prutas:

(a) Kung gagamit ng de-latang prutas, salain at ipunin ang likido para sa pag-puree. (b) Ihalo ang piling mga prutas sa pudding, yogurt, o malambot na keso para makagawa ng

masarap na pagkain.

Page 5: 9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO...⑨ Huwag ihalo ang dry infant cereal sa gatas ng ina. Nadudurog sa gatas ng ina ang cereal kaya nagiging malabnaw ito. ⑩Palaputin ang mga

9 E : P AG BA BA G O S A MG A PA G KA I N A T L I K I D O

339

(c) Iwasan ang hilaw na prutas o prutas na may matigas na balat o buto. ④ Para sa mga butil:

(a) Lutuin ang kanin at noodles hanggang maging sobrang malambot bago i-puree. (b) I-puree ang lutong noodles/kanin kasama ang karne at/o gulay para makagawa ng

masarap na pagkain. (c) I-puree ang lutong noodles/kanin kasama ang mga sauce (hal., cream, kamatis), sarsa,

keso o mga sabaw para makagawa ng masarap na pagkain. (d) Iwasan ang lahat ng tinapay.

⑤ Para sa mga pagkaing may sabaw: (a) Salain ang lahat ng karne, noodles/kanin at mga gulay para sa pag-puree. (b) Dahan-dahan at unti-unting idagdag ang inipon na sabaw sa mga pagkaing na-puree.

Para mas maging malasa: subuking idagdag ang iba’t ibang sarsa, mga pampalasa at rekado sa puree.

Para maging mas marami ang calories: subuking magdagdag ng mantekilya, mantika, mga dairy product na mataas ang fat, at mga dressing at cream sa puree.

PAANO GUMAWA NG TINADTAD AT MAMASA-MASANG PAGKAIN

MGA KATANGIAN NG TINADTAD AT MAMASA-

MASANG PAGKAIN

MGA PANUTO PARA MAKAGAWA NG TINADTAD AT MAMASA-

MASANG PAGKAIN

o Kayang kainin gamit ang kubyertos, chopsticks o minsan kamay

o Kayang ihugis at kutsarahin mula sa plato/tray/mesa

o Nakikita ang maliliit na buo-buo

o Madaling madurog ng dila ang mga buo-buo

o Mamasa-masa at malambot

o Kaunting pagnguya lang ang kailangan

o Hindi kailangang kagatin

① Lutuin ang mga gulay at karne hanggang sa maluto nang husto, pero iwasan ang masobrahan ang pagkakaluto. (Gulay na sobra ang pagkakaluto = malabsa; Karne na sobra ang pagkakaluto = maganit at matigas).

② Ilagay ang pagkain sa food processor, gilingan ng karne o tadtarin nang pino at nang may pare-parehong sukat gamit ang matalas na kutsilyo.

③ Hindi dapat lalagpas sa 2 ml ang laki ng mga piraso ng pagkain.

④ Dagdagan ng sarsa at sabaw ang mga pagkain para maging mas basa at mas madaling kainin.

Page 6: 9E: PAGBABAGO SA MGA PAGKAIN AT LIKIDO...⑨ Huwag ihalo ang dry infant cereal sa gatas ng ina. Nadudurog sa gatas ng ina ang cereal kaya nagiging malabnaw ito. ⑩Palaputin ang mga

9 E : P AG BA BA G O S A MG A PA G KA I N A T L I K I D O

340

PAANO GUMAWA NG MALAMBOT AT PANG-ISANG SUBUANG PAGKAIN

MGA KATANGIAN NG MALAMBOT AT PANG-ISANG

SUBUANG PAGKAIN

MGA PANUTO PARA MAKAGAWA NG MALAMBOT AT PANG-ISANG

SUBUANG PAGKAIN

o Kayang kainin gamit ang kubyertos, chopsticks o kamay

o Malambot at mamasa-masang piraso na pang-isang subuan

o Kayang hiwain kahit walang kutsilyo

o Kayang durugin o pira-pirasuhin gamit ang kubyertos

o Kailangang nguyain

o Hindi kailangang kagatin

① Lutuin ang mga gulay at karne hanggang lumambot.

② Hiwain ang lahat ng pagkain nang pare-parehong laki gamit ang matalas na kutsilyo.

③ Hindi dapat lalagpas ng 8 ml ang laki ng mga piraso ng pagkain.

④ Kapag pinisa ang mga piraso ng pagkain gamit ang tinidor, puputi dapat ang dapat ang kuko at mapipisa dapat ang pagkain at hindi babalik sa nauna nitong hugis.

⑤ Dagdagan ng sarsa at sabaw ang pagkain para maging mas basa at mas madaling kainin.