71
A NG HINDI N AKIKITANG P AKIKIPAG-ISA NG N OBYA NI CRISTO Ipinagpaliban ko ang isang biyaheng pangangaso, upang ako ay makapanatili sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya ito’y isang…Kami’y nagagalak na maparito. Naniniwala ako, noong huling pagkakataon dito, sinabi ko sa inyo: sa bawat pagkakataong paparito kami, mayroong isang nawawala. At kung kami ay babalik sa susunod na taon, kung ang Panginoon ay magtagal pa, mayroon na namang isang mawawala. 2 ’Yung isa ay talagang, napakalapit sa akin sa puso, sa espiritu. Iyan ay si Kapatid na Lyle. Palagi akong mayroong isang malugod na pagtanggap noon, sa pagpasok, na nandoon sa likuran at nakikinig, doon sa aralan ni Kapatid na Jack, sa pagkanta ng dating apatan na mang-aawit. Sila’y umaawit sa Kaluwalhatian, ngayong gabi. Buweno, mayroon nang isa sa mga tinig na iyon ngayon na Naroon na, na naghihintay sa tatlo. Palagay ko ay hindi ko na maririnig pa iyon dito sa lupa. Ngunit ako ay tunay na umaasa na maririnig itong muli, sina Kapatid na lalaki, Kapatid na babaeng Moore dito, doon sa Lupaing iyon kung saan sila’y…iyon kailanman ay hindi na magdidilim. 3 Si Kapatid na Palmer ay isang dakilang lingkod ni Cristo. Naaalala ko ang sinasabi sa akin ni Kapatid na Jack tungkol sa kanyang—kanyang buhay na itinalaga sa Diyos. Sila ay mga karpintero, na magkasama noon. At sinabi na kakainin niya ang kanyang—kanyang pananghalian, hawak ang kanyang sandwich sa isang kamay, kumakain ng sandwich at binabasa ang kanyang Biblia. Kita n’yo? Nakagawa siya ng ilang napakadakilang mga bagay, nagawa nga ni Kapatid na Palmer. Isa siyang magaling na karpintero, isang mabuting ama sa kanyang mga anak, isang kaibig-ibig na pamilya. Pinalaki niya silang lahat sa paglilingkod sa Panginoon. Sa pagkakaalam ko, silang lahat ay ligtas at puspos ng Banal na Espiritu. At iyan ay isang napakalaking ambag sa sinumang tao sa panahon na ito, mga kabataang lalaki at mga kabataang babae. Ngunit, kita n’yo, ang lahat ng kanyang mga nagawa ay walang gaanong halaga hanggang sa maglingkod siya sa Diyos, malibang paglingkuran niya ang Diyos. At ngayong gabi, ano man ang ginawa niya dito sa lupa, ang mga mabubuting gawa niya, ay naparoon na siya sa kanyang gantimpala, upang makasama nila. Papagpahingahin nawa ng Diyos ang kaluluwa ng ating kapatid.

A H NAKIKITANG P -ISA NG NICRISTOdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG65-1125 The Invisible Union Of The... · 31 Nais kong pamagatan itong kaunting mga pangungusap na sasabihin ko rito,

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

ANG HINDI NAKIKITANG

PAKIKIPAG-ISA NG

NOBYA NICRISTO

Ipinagpaliban ko ang isang biyaheng pangangaso, upangako ay makapanatili sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya

ito’y isang…Kami’y nagagalak na maparito. Naniniwala ako,noong huling pagkakataon dito, sinabi ko sa inyo: sa bawatpagkakataong paparito kami, mayroong isang nawawala. Atkung kami ay babalik sa susunod na taon, kung ang Panginoonaymagtagal pa, mayroon na namang isangmawawala.2 ’Yung isa ay talagang, napakalapit sa akin sa puso, saespiritu. Iyan ay si Kapatid na Lyle. Palagi akong mayroongisang malugod na pagtanggap noon, sa pagpasok, na nandoonsa likuran at nakikinig, doon sa aralan ni Kapatid na Jack, sapagkanta ng dating apatan na mang-aawit. Sila’y umaawit saKaluwalhatian, ngayong gabi. Buweno,mayroon nang isa samgatinig na iyon ngayon na Naroon na, na naghihintay sa tatlo.Palagay ko ay hindi ko na maririnig pa iyon dito sa lupa. Ngunitako ay tunay na umaasa na maririnig itong muli, sina Kapatidna lalaki, Kapatid na babaeng Moore dito, doon sa Lupaing iyonkung saan sila’y…iyon kailanman ay hindi namagdidilim.3 Si Kapatid na Palmer ay isang dakilang lingkod ni Cristo.Naaalala ko ang sinasabi sa akin ni Kapatid na Jack tungkolsa kanyang—kanyang buhay na itinalaga sa Diyos. Sila ay mgakarpintero, na magkasama noon. At sinabi na kakainin niya angkanyang—kanyang pananghalian, hawak ang kanyang sandwichsa isang kamay, kumakain ng sandwich at binabasa ang kanyangBiblia. Kita n’yo? Nakagawa siya ng ilang napakadakilang mgabagay, nagawa nga ni Kapatid na Palmer. Isa siyang magalingna karpintero, isang mabuting ama sa kanyang mga anak,isang kaibig-ibig na pamilya. Pinalaki niya silang lahat sapaglilingkod sa Panginoon. Sa pagkakaalam ko, silang lahatay ligtas at puspos ng Banal na Espiritu. At iyan ay isangnapakalaking ambag sa sinumang tao sa panahon na ito, mgakabataang lalaki at mga kabataang babae. Ngunit, kita n’yo,ang lahat ng kanyang mga nagawa ay walang gaanong halagahanggang sa maglingkod siya sa Diyos, malibang paglingkuranniya ang Diyos. At ngayong gabi, ano man ang ginawa niya ditosa lupa, ang mga mabubuting gawa niya, ay naparoon na siya sakanyang gantimpala, upang makasama nila. Papagpahingahinnawa ng Diyos ang kaluluwa ng ating kapatid.

2 ANG BINIGKAS NA SALITA

4 Alam ko, na hangga’t ito ay isang tabernakulo dito, ataking—alam ko na siya’y…ang kanyang tinig ay mananatilipa rin dito. Maririnig ninyo ito. Si Kapatid na Anna Jeanneat—at ang kanyang kapatid na babae, na tumutugtog ng organat piano, kung paanong hindi na sila kailangang maghintay.Si Kapatid na lalaking Palmer ay tatayo lamang dito at pipililamang siya ng awit, magpapatuloy na. Masusundan na nilaiyon. At hindi ko kailanman…Umaasa akong marinig siyangpangunahan ang awitan.

5 Sa kanyang mga anak; sa kanyang maybahay; at kayKapatid na Jack, ang matalik niyang kaibigan, matagal nanitong mga taon silang magkakaibigan; at si Kapatid nalalaking Brown, si Kapatid na babaeng Brown, at lahat kayosa tabernakulo: Pagpalain kayo ng Diyos. Nasasabik din ako sakanya. Papagpahingahin nawa ng Diyos ang kanyang magitingna kaluluwa, hanggang sa makatagpo natin siya doon sakapayapaan.

Iyukod natin ang ating ulo.

6 Mapagpalang Amang Makalangit, kapapangusap ko lamangtungkol sa dakilang lingkod na ito, kinasasabikan ko siya,ngayong gabi, siya na kinakamayan ako, at ang matalinongngiti na iyon na mayroon siya lagi kapag sinabi niyang,“Pagpalain ka ng Diyos, Kapatid na Branham,” sa pagpasoknamin sa pintuan. Nalalaman kong siya ay nariyan na sa IyongTahanan, ngayong gabi. Kaya dalangin ko, minamahal na Diyos,na Iyo pong pahihintulutan ang naturang mga bunga, angkanyang mga gawa na sumusunod sa kanya, ay maging dakila,na nagpapatuloy sa pamamagitan ng kanyang mga anak, atng kanyang asawa. Dalangin namin na Iyong pagpalain angkanyang asawa, Panginoon. Sinabi Mo na Ikaw ay magigingasawang lalaki sa “mga babaeng balo na mga tunay na balo.”Nananalangin po ako para sa aming Kapatid na babaeng Palmerat para sa lahat ng naturang mga anak. Nalalaman ko kungpapaano ang makipagdalamhati kapwa sa kanila, ang mawalanng isang katuwang at gayon din nangmawala ang aking tatay.

7 Kaya, Ama, habang kami’y naririto, ngayong gabi, dalanginpo namin na Iyong ihanda, rin, ang aming mga puso para saoras na iyon. Hindi namin alam. Maaaring iyon ay dumatingnang kasing bilis ng gaya ng sa kanya. Hindi namin alam kungkailan iyon darating, subalit nalalaman namin na ito’y talagangdarating. Kaya dalangin namin, Diyos, na Iyong saliksikinang bawat puso na naririto, ngayong gabi. Diyos, huwag Mopong lampasan ang aking puso. Saliksikin Mo rin po ang saakin, siyasatin Mo po ako. Panginoon, kung mayroong anumangmasama sa amin, alisin Mo po iyon. Gusto naming maglingkodsa Iyo. Iyan ang buong layunin namin, ay ang paglingkuranKa.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 3

8 Ibuhos Mo po ang Iyong Espiritu sa amin, ngayong gabi,at sa buong linggong ito. Pagpalain Mo ang tabernakulongito na tinatawag sa pangalang Life Tabernacle. Tumanggapnawa ito ng lubos na mga pagpapala ng pangalang iyan atmaging puspos ng buhay ng Diyos, itong sanlinggong ito, upangiligtas ang bawat ligaw na kaluluwa, upang puspusin angbawat mananampalataya ng Banal na Espiritu, at baguhingmuli ang mga pag-asa na nasa amin, Panginoon, muli. Dalangindin namin sa Iyo na pagalingin ang lahat ng mga may sakitat karamdaman na pumaparito sa aming kalagitnaan. Nawaang Iyong dakilang Espiritu Santo ay maparito, Panginoon, atsadyang magpagaling. At pahiran nawa ang bawat isa upangsumampalataya. IpagkaloobMo po angmga ito, Ama.9 Diyos, tulungan Mo po ako ngayon. Kung dumating,dumating na ang pagkakataon sa akin na ibigay ang Mensahe.Dalangin ko, Diyos, na Iyong hayaan na ang bahaging tao aymapasa isang tabi. Nawa ay maparito ang Espiritu Santo atkumilos sa amin, Panginoon. Nawa ay pamahalaan ng Banal naEspiritu ang pagtitipon, Panginoon. Nalalaman namin na kami’ywalang sapat na kakayahan. Hindi namin iyon magagawa, walasa amin ang makagagawa. Hindi po namin ipinamamarali namagagawa namin iyon. Subalit, Panginoon, nalalaman namin naIkaw Iyon. Kaya kami’y umaasa sa Iyo, Panginoon. Kumilos Ka,Espiritu ng Diyos, at bumabang panibago sa amin. Hinihilingnamin sa Pangalan ni Jesus. Amen.10 Ngayon nais kong magbigay ng sunud-sunod na mgapagbati, sa mga iglesya sa buong estado na nakakonektadito ngayon. Tayo’y nasa pagkakaugnay sa telepono, naisang mainam na munting pamamaraan na nakuha natin,sa pamamagitan ng ating kapatid na Pearry Green nataga-Beaumont, Texas. At ang mga iglesya, nang lubusan,na sumusunod sa Mensahe, sa buong Estados Unidos, aynakakonekta dito, ngayong gabi. Ipinaaabot namin ang mgapagbati, sa buong West Coast, magmula sa Vancouver hanggangsa Tijuana,Mexico, sa buong San Jose, Los Angeles. Ang lahat ngmga grupong naroroon, binabati namin kayo mula Shreveport.Gayon din, hanggang doon sa Prescott, Arizona, sa grupo doonna naghihintay sa Panginoon, ipinaaabot namin sa inyo ang mgapagbati, at sa Tucson, gayon din sa Sierra Vista. Hanggang doonsa New York, tuluy-tuloy, sa buong bansa, pagpalain kayo ngPanginoon, ang bawat isa. Sana ay naririto kayo, ngayong gabi,dito sa magandang estado ng Louisiana, kung saan ito ay parabang isang ikalawang tahanan na, sa akin. Ako…11 Alam n’yo, kayong mga taga-New York, alam n’yo medyomatatawa ka talaga nang kaunti, sa paraan ng inyongpagsasalita. Ako’y nasa pamamahay ko mismo ngayong gabi.Oo. Ang lahat na naririto, alam n’yo, sabi nila, “Hello, d’ere,Kapatid na Branham. Isamamo si Kapatid na babaeng Branham

4 ANG BINIGKAS NA SALITA

at lahat ng mga bata at pumarito kayo’t dalawin kami.” Oh,naku! Pinabubuti niyan ang pakiramdam ko. Iyan ay totoongIngles, para sa akin. Hindi naman sa binabale-wala ko kayongmga taga-silangan at hilaga, at mga taga-iba’t iba pang lugar.Ngunit, alam n’yo, palagay ko ako ay isinilang na isangmatandang Reb’ at kailangan kong manatiling ganoon. Ako—medyo gusto ko iyon, akomismo. Iyon ay totoong Ingles.12 Ako ay nasa isang agahan noon ng Business Men, dito hindipa katagalan, at sinabi nila, “Magsitayo na tayo ngayon atawitin ang pambansang awit.” At tumayo ako, sabi ko, “Formy old Kentucky home, far away.” Buweno, sa akin, iyon angpambansang awit. Iyan lang ang nalalaman ko tungkol diyan.Kaya, ipinaaabot namin sa inyo ang pagbati. Ngayon sa…13 Palagay ko sisikapin nilang isahimpapawid din angnaturang agahan, ang agahan ng Business Men, sa Sabadong umaga. Sasabihin sa inyo ni Kapatid na Green, yamangsiya ay nandiyan na sa mga mikropono diyan ngayon. Kayasasabihin niya sa inyo kung anong oras magsisimula angagahan, at kung anong oras, bawat gabi, para makapakinigsa radyo. Pinasasalamatan namin kayo nang lubos na magiliw.Ipanalangin ninyo kami.14 Ngayon, sa lokal na kapulungan dito, at sa taga-tabernakuloni Kapatid na Jack, may hihilingin lang sana ako sa inyona isang pabor, ngayong gabi. Dahil sa magbibigay ako ngaking pagpapasalamat na Mensahe sa buong—buong bansa,ngayong gabi, sa aming mga lokal na iglesya na sumusunod saMensahe. Dito, ako—ako ay maaaring magtagal nang kaunti. Atpagkatapos, muli, ako aymaaaringmangaral ngDoktrina. Kaya,kung gayon, at hindi kayo sumasang-ayonDito…15 Tulad lamang ng lagi kong sinasabi tungkol sa pagkain ngcherry pie: “Kapag ako ay nakakagat ng isang buto, hindi koitinatapon ang pie, itinatapon ko ang buto, patuloy lang ako sapagkain ng pie.”16 Kaya kung sakaling may mabanggit akong isang bagayngayong gabi, ako…Buweno, iyan ang isang dahilan kayako tinanggap ang paanyayang ito, ngayong gabi, na maparito,upang ibigay ang aking pagpapasalamat na Mensahe sa mgagrupo sa buong bansa, ay dahil sa si Kapatid na Jack aylaging labis ang malayang pagbubukas ng kanyang pintuan atsinasabing, “Ipangaral mo kung ano man ang nasa puso mo.”Kaya totoong palagay ang loob ko.17 Kaya maaaring dito, sa lokal na kapulungan dito kasamasi Kapatid na Jack, maaaring may mga ministro at ilang mgatao na hindi sasang-ayon sa naturang mga Doktrina. Kadalasanay mayroon akong paggalang na hindi magbanggit ng doktrinasa pulpito ng isang tao, na nag-anyaya sa aking mangaral parasa kanya. Kaya, pagkatapos ngayong gabi, sa palagay ko ay

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 5

mananalangin na lamang ako para sa mga maysakit at gagawinang karaniwang gawain. Ngunit naisip kong ipaalam na sa inyobago pa man, na kung may bagay na masasabi ko na hindi ninyomasasang-ayunan, naku, hayaan n’yo na lang iyon dahil sa akingkamangmangan, palagay ko, at na hindi nalalaman ang masmainam. At ipanalangin n’yo ako.18 Kaya ngayon tayo ay dumako sa Salita, sa isang kabanatarito. Nais kong tumukoy ng maraming kasulatan ngayong gabi,dahil mayroon akong ilang Mga Kasulatan at kaunting tala nasinulat dito sa isang maliit na papel.19 Naalala ko ang unang pagkakataon na ako ay umakyatsa entablado ng Life Tabernacle, dalawampung taon na angnakalipas. Ako—hindi ko na kailangang isulat noon ang akingMga Kasulatan at pinagbabasehan. Ako lamang noon aydalawampung taon na mas bata. Ngunit ngayon ako’y lipasna ng dalawampu’t limang taon, kaya ako…sa ikalawangpagkakataon. Kaya ako’y…hindi ko na maalala iyon na gayang dati kong ginagawa. Kailangan ko nang isulat ang aking MgaKasulatan, at kung minsan ay kailangan kong balik-balikan angkung ano man na nais kong tukuyin.20 At ngayon ay pagpalain nawa ng Panginoon habangbinabasa natin mula sa Salita ng Diyos, at sa Aklat ng Mga TagaRoma, sa ika-7 kabanata. Ngayon, nais kong ituro ito na parangisang araling pang-Sunday school.21 Alam kong may mga taong nakatayo. At sa tabernakulo,kadalasan, sa Jeffersonville, nais naming batiin din kayonglahat, ngayong gabi, nalalaman na kayo ay nakakonekta diyansa tabernakulo. At para bang ang tabernakulo, ngayong gabi,kung kayo ay naririto, ang mga tao ay nasa mga dingding na, atsiksikan. Ngayon, palagay ko kayo ay ganoon, din, ang lahat ngmga tao na nasa bahaging iyan ng bansa, na nakakonekta parasa Mensahe.22 Ngayon gagamitin natin ito na tulad ng isang araling pang-Sunday school. At ito’y hindi nakapatukoy sa anumang bagay,sa sinumang mga tao, o anumang bagay; tanging sa Iglesyalang, sa Katawan ni Cristo na sinisikap nating akayin sa masmalalim na mga kaisipan at mas mataas na mga layunin, nananiniwala na ang Pagdating ng Panginoong Jesus ay nalalapitna. Naniniwala tayo diyan. Mas lalo pa, dalawampung taon naitong mas nalalapit na kaysa sa unang pagkakataon noon naako ay pumarito sa Shreveport. Oh, napakarami nang nangyarimula nang pagkakataong iyon! Ngayon tayo’y naghihintay namay pananabik sa Pagparito ng Panginoon, sa ating henerasyon.Hindi ako naghihintay ng rebaybal sa ating henerasyon. Ako’ynaghihintay sa Pagparito ng Panginoon, sa ating henerasyon.23 Ngayon sa Mga Taga Roma 7. Umaasang nakabukas na anginyong mga Biblia, sa lahat ng dako ngayon, sa buong bansa.

6 ANG BINIGKAS NA SALITA

Nais nating basahin ito nang maigi ngayon. Ito—ang Mensahengito mula rito, para bang tungkol ito sa pag-aasawa at diborsiyo,ngunit hindi naman talaga. Para sa akin, ito’y isang propesiyapara sa Iglesya samga huling araw. Basahin natin.

O hindi baga ninyo nalalaman, mga kapatid,(sapagka’t nagsasalita ako sa mga taong nakakaalamng kautusan,) na ang kautusan ay naghahari sa taosamantalang siya’y nabubuhay?Sapagka’t ang babae na may asawa ay itinali

ng kautusan sa asawang lalaki samantalang ito aynabubuhay; datapuwa’t kung ang asawang lalaki aymamatay, ay kalag na siya sa kautusan ng kaniyangasawa.Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang

kaniyang asawa, siya’y makikisama sa ibang lalake,siya’y tatawaging mangangalunya: datapuwa’t kungmamatay ang kaniyang asawa, ay laya na siya sakautusan; ano pa’t siya’y hindi na mangangalunya,bagaman siya’y makisama sa ibang lalake.Gayon din naman, mga kapatid ko, kayo’y

nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ngkatawan ni Cristo; upang kayo’y makipag-isa omakisama sa iba, sa makatuwid baga’y doon sa nabuhayna mag-uli, upang tayo’y magsipagbunga sa Dios.Sapagka’t nang tayo’y nangasa laman,…pitang

salarin, na pawang sa pamamagitan ng kautusan, aynagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbungasa kamatayan.Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan,

yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin;ano pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagongespiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.

24 At ngayon tayo ay manalangin.25 Minamahal na Diyos, kababasa lamang po namin sa amingpinaniniwalaan na banal na Salita ng Diyos. At iyan ang amingsinasampalatayanan, na ni isa mang tuldok o isang kudlit ayhindi mawawala sa anumang paraan mula Rito hanggang saang lahat ay maganap. At naniniwala kami na sinabi sa aminng aming Panginoon, sa Apocalipsis sa ika-22 kabanata, na,“Kung ang sinuman ay mag-aalis ng isang Salita mula Rito omagdagdag ng isang salita Rito, siya rin, ang kanyang bahagi,ay aalisin mula sa Aklat ng Buhay.”26 At nakikita namin na, sa pamamagitan ng malingpagpapaliwanag sa Salitang ito, gaya ng Ito ay ipinaliwanagnang mali ni Satanas kay Eba, ay nagtulak sa kanya upangpag-alinlanganan ang isang Salita, inihulog ang buong

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 7

sangkatauhan sa lugmok na kapahamakan. Isang Salitalamang!27 Pagkatapos ay makikita namin sa kalagitnaan ng Aklat, nadumating ang aming Panginoon at Tagapagligtas, at ibinigayNiya sa amin ang sipi na ito patungkol Dito. “Hindi sa tinapaylamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat Salitang lumalabassa bibig ng Diyos.”28 Pagkatapos ay ang taimtim na babala sa huling Aklat, ngKapahayagan ni Jesus Cristo, “Ang sinuman na magdagdag omag-alis ng isang Salita, ang kanyang bahagi ay aalisin mula saAklat ng Buhay.”29 Oh Diyos, nalalaman, nakikita kung gaano kami kahina,nalalaman na kami ay lumalakad sa ibabaw ng madalingmapatid na mga sinulid ng buhay, nitong buhay na mortal(na hindi nalalaman kung anong oras kami tatawagin upangmanagot sa Kaitaasan), pahintulutan kami, Oh Panginoon, naisantabi ang lahat ng bagay sa aming puso, lahat ng bagay saaming isipan, at tumingin nang tuwiran sa Iyong Salita, ngayonggabi, at nawa Ikaw po ay pumarito at ipaliwanag Ito na maybuhay na mga aral. Ipagkaloob ito.30 Nawa ang Iyong Espiritu ay bumaba sa amin at pahiranang Salita sa aming puso, upang kami ay humayo mula rito,sa gabing ito, na mas mainam na mga tao kaysa sa kungano kami ngayon, nang sa gayon ay magkaroon kami ng masmalapit na pananaw kay Jesus Cristo. Ipagkaloob Mo po ito,Panginoon, upang aming maunawaan ang panahon na amingkinabubuhayan, at ang paghahanda ng Diyos para sa Kanyangmga tao sa panahong ito; itong dakila, mapanganib, madilim napanahon na aming kinabubuhayan ngayon. Diyos, pahiran ito,hindi lamang ang tagapagsalita, kundi maging ang tagapakinig.At, sama-sama, na gawin ang aming mga puso na manginigsa Iyong Salita. “Sapagkat ang pagkatakot sa Panginoon aypasimula ng karunungan.” Ipagkaloob Mo po ang mga bagayna ito, Ama, sapagkat hinihiling namin ito sa Pangalan niJesus. Amen.31 Nais kong pamagatan itong kaunting mga pangungusapna sasabihin ko rito, at ilang Mga Kasulatan na nais kongtutukan bilang kasunod, kung loloobin ng Panginoon, sa—sapagpapasalamat na Mensahe, sa hindi nakikita, tungkol sa,Ang Hindi Nakikitang Pakikipag-Isa Ng Nobya Ni Cristo. AngHindi Nakikitang Pakikipag-Isa Ng Nobya Ni Cristo. Para banghindi isang pagpapasalamat na Mensahe. Bagaman, anumangKasulatan, tayo’y nagpapasalamat para sa lahat Nito.32 Ako ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos, na nabubuhayako sa panahong ito, ng pagtatapos ng mga kaganapan ngkasaysayan ng sanlibutan. Hindi ko alam. Kung nagkaroon manako ng pagpipili bago ang pagkatatag ng sanlibutan, at kung

8 ANG BINIGKAS NA SALITA

ang Diyos ay inilatag marahil sa akin ang buong programa, atsinabi sa akin, “Aking—gusto Kong mangaral ka. At ngayonanong kapanahunan ang nais mo, upang pumaroon sa lupapara mangaral?” Pipiliin ko ang kapanahunang ito, sapagkat sapalagay ko ito ay ang ginintuang kapanahunan.33 Totoong iibigin kong maparito sa panahon ng Kanyangpagdalaw sa lupa. Ngunit, gayon pa man, sa palagay ko itongngayon mismo ay isang mas dakilang panahon, dahil ito’yisang panahon na Siya’y paparito upang kunin ang mga taona Kanyang tinubos, nalalapit na sa pagkabuhay na mag-ulikung saan ang lahat ng mga tinubos ay magsisipagbangon.Anong napakaluwalhating pagkakataon na mayroon tayo, angmangusap sa isang naghihingalong mga tao, napakadakilangpanahon! Tayo ay napapasigla tungkol dito.34 At nalalaman natin na ang kasaysayan ay papatapos na.Ang kasaysayan ng sanlibutan ay malapit nang magtapos,pagkatapos tayo’y papasok na sa isang bagong araw, doon sadakilang Milenyum. Na, bilang isang mananampalataya, akoay naniniwala sa…sa isang Milenyum, isang Milenyum napaghaharing kasama ni Cristo, isang libong taon sa ibabawng lupa; ang pisikal na pagbabalik ng Panginoong Jesus,upang kunin ang isang pisikal na mga tao, na niluwalhati, sapamamagitan ng Kanyang Dugo na naglilinis.35 Si Pablo dito ay nagbibigay ng isang paglalarawan, sa atingKasulatan, patungkol sa kautusan at biyaya, at isinasalarawanito na katulad ng pag-aasawa at diborsiyo. Ang sipi na ito aybibihirang maipangaral, dahil ito’y, humigit-kumulang, hinggilsa, parang, pag-aasawa at diborsiyo. Ngunit ito rin ay hinggilsa isang mas dakilang bahagi ng pag-aasawa at diborsiyo,kung paanong sinisikap niya na ilagay sa kaayusan dito natayo, bilang isang—bilang isang Iglesya, ay hindi na maaaringmakipag-isang-dibdib sa sanlibutan at kay Cristo, nang sabay,at—at maging legal at matuwid tungkol dito, kung paanonghindi rin maaari na ang isang babae ay makisama sa isangasawang lalaki habang siya ay mayroon nang isang buhay pa naasawang lalaki. At mayroon akong sariling mga kaisipan diyan,at naniniwala ako na kung ano ang sinasabi ng Biblia ay siyangKatotohanan.36 Ngayon, ngunit ako ay naniniwala, din, sa aking paniniwala,na inilalantad nito ang isa sa mga dakilang hiwaga ng propesiya.At umaasa ako na tutulungan tayo ng Panginoon, ngayong gabi,habang ipinapahayag natin ito sa ating nag-aabang na mga taosa buong bansa.37 Nasabi na noon, minsan (binabasa ko, noong isinusulat koang tala para dito, aking—hindi ko ganap na maalala ang aklatna kinaroroonan nito, ngunit ako—ako’y tiyak na ito ay tama), na(isa sa mga aklat na nabasa ko tungkol kay G. Moody, Dwight

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 9

Moody, sa Chicago; mayroon tayong isang malaking iglesyana nakikinig rin sa Chicago ngayong gabi), na, si G. Moody,matapos na basahin ang Mga Taga Roma 7, ay tumakbo doon salansangan, at ang unang lalaking nakasalubong niya, ay sinabiniya rito, “Kilala mo ba si grasya?”

At sumagot ang lalaki, “Sinong Grasya?”

Sinabi ni G. Moody, “Ang grasya ng Diyos.”38 Kaya, iyon ay labis na nakapagpatuwa sa kanya nangmakitaniya kung ano, kung paanong inihiwalay tayo ng grasya mulasa kautusan, at kung paanong, na kung ano ang bahagi naginampanan ng grasya. Buweno, ngayon, anumang bagay nagusto kong gawin, ay kapag…Palagi kong sinasabi sa mga tao,na kapag natawid ko na ang hangganan, tungo sa kabilangDako,ay nais kong tumindig at umawit.

Kahanga-hangang biyaya! Kay tamis nghimig,

Na nagligtas ng isang abang tulad ko!Biyaya, napakahalagang biyaya!Higit pang biyaya na dapat malaman!

39 “Sapagkat sa biyaya tayo ay naligtas; hindi sa pamamagitanng ating magagawa.” Ang ating magagawa, anuman ang atinggawin, ay hindi ibinilang sa atin. Ang biyaya ang siyangnagliligtas sa atin. “Sa biyaya tayo ay naligtas, sa pamamagitanng pananampalataya.”40 Maaari ko bang idagdag sa Babaeng ito, na si Grasya.Maaariko bang kilalanin Siya sa Biblia, rin naman, ay tinawag nahinirang na Babae, itong Binibining Grasya na ipapangusap ko.Alam n’yo, sinasabi ng Biblia, sabi, “Sa hinirang na Babae.”Iyan, kung inyongmapapansin, ang “hirang” aymula sa salitang“hinirang na Babae.” Isang Babae, sa gitna ng lahat ng iba pangmga kababaihan, ang nahirang.41 Tulad ng, ang birhen ay ipapanganak ang katawan ng Diyos,sa ibabaw ng lupa. Siya ay isang hinirang na babae. Pinili ngDiyos si Maria.42 At, gayun din, ang Diyos ay pumili ng isang hinirang naBabae, na siyang Kanyang Nobya. Siya ay hinirang. Umaasa akona tayo ay mga bahagi niyan, ngayong gabi, sa buong mundo, sabuong bansa, pala.43 Ang pagsasalarawan dito, na ipinapakita ang kaugnayanng Nobya kay Cristo, ang hinirang na Babae: at kung papaanona Siya ay dadalhin sa Kanya; kung saan Siya magmumula;at kung papaano na Siya ay dadalhin sa Kanya. Ang Iglesyarito, sa pagsasalarawan na nakikita natin, ay inilalarawan sapamamagitan ng isang babae. Na, ang isang babae ay palagingisang tipo ng Iglesya, dahil ang Iglesya ay itinuturing na isang

10 ANG BINIGKAS NA SALITA

Nobya. Isang Nobya, Siya ay ang Nobya ng Panginoong Jesus, naAnak ng Diyos.44 Sa tuwina, kung inyong mamasdan, masdan ang mgakalagayan at ang inuugali ngmga kababaihan, atmakikita ninyokung nasaan na ang iglesya.45 Ngayon, ito, ang ilan samga pangungusap na ito aymaaaringkakaiba sa ilan sa inyo, ngunit ito’y umaayon sa Mensahe nataglay ko mula sa Panginoon, na sinisikap kong dalhin sa mgatao. Kita n’yo? Masdan ninyo ang lahat ng bagay sa natural,kung paano ito nangyayari, ang kalikasan, at masdan ito. Ito aytumutugma sa espirituwal, din.46 Ngayon, kung makikita ninyo ang inuugali ng mgakababaihan sa sanlibutan ngayon, masdan ang inuugali ngmakasanlibutang iglesya ngayon. Pagmasdan n’yo lamang.Mangyari pa, ngayon, mayroon ding inuugali ang espirituwal naNobya, ang Iglesya. Kita n’yo? Masdan n’yo rin Iyan. [Blangkongbahagi sa teyp—Pat.] Dahil, ang natural na sa pangalan lamang,ay nag-aangkin na Nobya.47 Ngayon, kung maaari ay pahintulutan akong sabihin mulisa lokal na kapulungan. Huwag sumama ang inyong loobngayon. Ako’y—ako’y nangungusap sa lahat sa buong bansa,sa, sa aking ipinapalagay, na hinirang na Babae. Kaya kungmangyaring may mga ministro dito, na hindi sumasang-ayon,buweno, manahimik langmuna kayo sandali. Kita n’yo?Makiniglamang.48 Pansinin ninyo ang pag-uugaling ito. Kapag nakita ninyoangmga kababaihan na nagigingmasagwa, na ginagawa lamangang anumang maibigan nilang gawin, masdan, ang iglesya ayginagawa rin ang gayon ding bagay. Pansinin.49 Ngunitmasdan kapag, ang espirituwal naNobya, kapag Siyaay nagsimulang magkaroon ng isang rebaybal, kapag Siya aynagsimulang bumalik at ihanay ang Kanyang Sarili sa Salita ngDiyos. Masdan muli kung gayon, nakita ninyo, kung paano naang Mga Kasulatan, sa panahong iyan, Magkakaroon ng isangMensahe na lalaganap upang agawin ang Nobyang iyan, agawinang Babaeng iyan, na Hinirang.50 Sapagkat, gaya ng sanlibutan, si Satanas, ang manlilinlangna luminlang sa unang nobya, upang magkasala laban sa Diyos,sa pamamagitan ngmaling paniniwala saKanyang Salita.51 At ngayon, sa panahon ngayon, gaya ng nakikita natinang iglesyang natural, sa inyong ebanghelyong intelektuwal,na papalayo nang papalayo na sa Salita, sa ebanghelyongpanlipunan; masusumpungan natin na ang kababaihan ngsanlibutan, sa mga lansangan, mga miyembro ng mga ganoon,ay dinadala ang kanilang mga sarili sa gayun ding kalagayan.Hindi na ninyo sila mapagsabihan. Naiwala na nila ang lahat

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 11

ng kamalayan sa pangkaraniwang wastong kaasalan, naiwalana nga ng mga tao. Kita n’yo? At ganyan din ang nangyari saiglesya. At makikita ninyo itong patungo nang tuluy-tuloy sakonsehong ekumenikal, na sadyang kasing tiyak ng anumangbagay sa sanlibutan, at tuluy-tuloy na papasok doon sa Roma nakasing bilis ngmagagawa nito, kita n’yo, dahil ito’y naipropesiyana. At hayun siya. Iyan ang pag-uugali niya.52 Subalit sa gayon tumingin muli sa espirituwal na Iglesya,kung paanong ang grupo ng mga taong iyan, na tinawag napalabas, ang Hinirang, sa pamamagitan ng bawat rebaybal.Doon kay Martin Luther, ito ay nangyari sa gayon ding paraansa repormasyon. Ito’y nangyari nang ganoon din sa panahonni John Wesley. Ito ay nangyari nang ganoon din noong unangmagsimula ang Pentecostal. Dinala nila silang mga kababaihanna humanay pabalik sa Salita, at pagkatapos sila ay lumihisnang palayo. Hayun siya na tumungo na pabalik doon sakaguluhan. Subalit gayon pa man sa oras na ang mga tao ayhanda nang humanay, may dumarating na Mensahe, at sila ayhumahanay Rito.53 Si Luther ang mensahero ng isang panahon, ng pag-aaring-ganap, at ang Iglesya ay humanay rito, ang ilan sa kanila. Anglahat ng iba pa sa kanila ay nagpatuloy lamang. Si Wesley aydumating na taglay ang pagpapabanal, ang Iglesya ay humanaymismo rito. Ang Pentecostes ay dumating na taglay angpagpapanauli ng mga kaloob, ang Iglesya ay humanay mismorito, ang Hinirang ng panahon na iyon; at pagkatapos ay unti-unti nang nawala, bumalik mismo doon sa denominasyonalismoat sumama na mismo sa lahat ng iba pa sa kanila, lahat silamismo sa pagkakasunud-sunod.54 Ngayon, ngunit mapapansin ninyo, kapag ang mga tao aymagsimulang magsikap na humanay sa Salita, may dumaratingna isang sariwang Mensahe mula sa Salita ng Diyos, diretsomismo sa mga tao. At nakukuha nila ang Mensaheng iyonat humahanay, sa bawat pagkakataon. Iyon ay sadyang nasaDiyos…Taglay natin iyan.55 Mayroon tayong mga pamilya. Bawat pamilya rito aynasanay na diyan. Kung minsan ang lahat ng bagay aytumatakbo nang maayos para sa inyo, sa loob ng maramingtaon. Pagkatapos, biglang-bigla, makakaranas kayo ng isangpagbabago kung saan, sinasabi natin madalas sa Katimugandito, “Kapag umuulan, sadyang bumubuhos,” at lahat naay nagiging di-maayos. Dumaraan kayo sa isang panahonng gabi. Pagkatapos mayroong isang pagbubukang-liwayway,pagkatapos ay isa namang panahon ng gabi. Lahat ng bagay aytumatakbo nang tuluy-tuloy.56 Ang propeta, na si Pablo, dito ay nagsasabi na ang isangbabae ay hindi maaaring mag-asawang muli hanggang sa ang

12 ANG BINIGKAS NA SALITA

kanyang unang asawa ay patay na. Hindi siya maaaring mag-asawang muli hangga’t buhay pa ang kanyang unang asawa;siya, sa anumang kalagayan, ay hindi maaari talaga. Siyaay dapat na manatiling walang asawa hangga’t ang kanyangunang asawang lalaki ay buhay pa. At kung siya ay gagawa nggayong kasalanan, “siya ay tatawaging isang mangangalunya.”Ako’y nangungusap tungkol sa natural ngayon, upang itipo itosa espirituwal. Kung ang babaeng ito ay gagawa ng gayongkasalanan, kung gayon siya ay minamarkahan na, “isangmangangalunya,” kung mayroon siyang dalawang buhay naasawa nang sabay. Samakatwid, kanyang inalis na, sa paggawanito, ang kanyang mga karapatan sa Diyos at sa Langit, sapaggawa ng gayon. Talagang inalis na niya. Siya ay isangitinakwil na mula sa kapamahalaan ng Diyos, sang-ayon sa MgaKasulatan na kababasa ko lamang.57 Gayon din ang iglesya, kapag sinisikap niyang ihalo angkredo at denominasyon sa Salita ng Diyos. Hindi siya maaaringmakipag-isa sa isang denominasyon, at maging Nobya ni Cristo,nang sabay. Siya’y dapat na patay na sa isang iyon o doon saisa pa. Gayon ang sinasabi ng kautusan, dito. Napakaramingmga kautusan sa Salita ng Diyos. At iyan ay Kanyang kautusan,sinasabi ni Pablo ang gayon ding bagay dito. Hindi siyamaaaring makipag-isa sa isang iglesya ng makasanlibutangkredo, at maging Nobya ni Cristo, dahil (siya) ang isa ay salungatdoon sa isa pa. Ngayon, tandaan.

Halimbawa, “Buweno, pinaniniwalaan namin ito, pero hindinamin pinaniniwalaan Iyan.”58 Kung kayo ay nakipag-isa na kay Cristo, si Cristo ay angSalita ng Diyos. Sa San Juan, sa unang kabanata, ang sabi,“Nang pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos,at ang Salita ay Diyos. At ito rin ang siyang nagkatawang-taoat tumahan sa gitna natin.” Si Cristo ay ang buhay na Salita.Siya ang Salita sa tuwina noon pa man. Siya pa rin ang Salita.Siya ay mananatili pa ring ang Salita sa tuwina. Siya lamangang kapahayagan ngmga katangian ngDiyos, sapagkat Siya angAnak ng Diyos.59 At ang sinumang anak ay mga katangian ng kanyang ama,at gaya lamang na kayo ay nasa mga gene noon ng inyong ama,na nasa loob ng katawan ng inyong ama noong siya ay isangkabataan pa. Kayo ay nasa kanya noon. Gayunma’y, hindi niyamagawang makisama sa iyo, dahil hindi ka niya kilala. Ngunitgayon paman, sa pamamagitan ng punlaan ng isang ina, ikaw ayiniluwal sa mundo at naging nasa larawan ng iyong ama, kunggayonmagagawa na niyangmakisama sa iyo.60 At kaya gayon kayo, mga anak na lalaki ng Diyos at mgaanak na babae ng Diyos, bago pa magkaroon ng buwan, mgabituin, o isang molekula. Kayo noon ay mga anak na lalaki at

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 13

mga anak na babae ng Diyos, sapagkat kayo lamang ay angpisikal na kapahayagan ng mga katangian na nasa Diyos sapasimula. Sapagkat, mayroon lamang iisang anyo ng Buhayna Walang Hanggan, at iyon ay kayo, noon. Wala kayongnalalamang anuman tungkol dito. Ni hindi rin ninyo alamnoong kayo ay nasa inyong makalupang ama pa, ngunit kayo’ynahayag upang…sa kanyang larawan. Sa larawan ng Diyoskayo ay nalikha, at kayo ay nahayag para sa kaluwalhatian atsa pakikisama ng Diyos.61 At, samakatwid, kasing tiyak na ang inyong gene ay nasainyong ama, bago pa ang inyong natural na kapanganakan,ang inyong espirituwal na gene ay sadyang nasa Diyos na,dahil sa kayo ay isang kapahayagan ng mga katangian ngKanyang mga kaisipan, bago pa ang pagkatatag ng sanlibutan.Tama. Wala nang paliguy-ligoy pa rito. Tama ’yan. Ngayon,ngayon mapapansin natin, kung gayon, na ang Buhay na iyonay nasa inyo, ang Buhay ng Diyos ay nasa inyo, mula pa noongpagkatatag ng sanlibutan.62 Ngayon, ngayon, hindi ninyo maaaring ihalo ang kredongdenominasyon sa Salita, dahil angmga iyon ay labis na salungat,sa isa’t isa.63 Iyan ang sadyang sinikap na gawin ni Satanas kay Eba gamitang kanyang intelektuwal na kaisipan. Sinabi niya…inaminniya na sinabi nga iyon ng Diyos, ngunit sinabi niya, “Tiyaknga, na hindi kayo mamamatay.” Kita n’yo? At pinaniwalaannila iyan.64 At iyan ang ginawa ng kredo, ngayong gabi. Inihiwalay na ngdenominasyon ang mga tao mula sa Salita ng Diyos. Hindi ba’tsinabi ni Jesus, noong Siya ay pumarito, “Kayo, sa pamamagitanng inyong tradisyon, ay ginawa ninyo ang Mga Utos ng Diyosna walang bisa sa mga tao”? [Sinasabi ng kongregasyon,“Amen.”—Pat.] At sa pamamagitan ng ating kredo, ay atinginalis na ang pakikisama ng Espiritu Santo upang pahiran angSalita ngDiyos na inilaan para sa henerasyong ito. Inihiwalay nanatin ang mga tao sa gayon, sa pamamagitan ng denominasyon,na anopa’t hindi na sila maaaring magkaroon ng pagkakataongmakita Ito.65 Ngayon, ang Diyos, Siya, sa bawat henerasyon, aynagdaragdag Siya ng isang bagong bahagi ng Kanyang Aklat.Lahat ng Ito ay nagkakalakip-lakip.66 Katulad ng ang aking katawan ay nabuo. Nasabi sa akinna nagsimula ito sa gulugod, pero hindi naman lahat gulugod.Nagpatuloy ito mula diyan patungo sa mga tadyang, at mula samga baga, at patungo sa mga kamay, at mga braso, at mga paa,at iba pa, at lumitaw na ito bilang ang taong ako na ngayon.67 At sa gayon din naihayag angDiyos sa pasimula. At sa wakasSiya ay nagpakita bilang si Jehovah, angDiyos Ama. Pagkatapos

14 ANG BINIGKAS NA SALITA

Siya ay nagpakita bilang Diyos Anak, sa pamamagitan niJesus Cristo. Ngayon Siya’y nagpakita bilang ang Diyos naEspiritu Santo. Ang siya ringDiyos, sa lahat ng panahon, tatlongpagkakapahayag ng siya ring—siya ring Diyos.68 Ngayon, nasumpungan natin dito, na, sa bawat henerasyon,angDiyos ay naglaan ngKanyang Salitamula pa sa pasimula.69 Katulad lamang ng pagdating ng ebolusyon. Tulad lamangng unang bagay na nilikha ng Diyos, marahil, ay…Sabihinnating nilikha Niya ang buhay botanika, muna. Pagkatapos aynilikha Niya ang buhay hayop, kasunod niyon. Pagkatapos aynilikha Niya ang buhay tao, kasunod niyon. Para bang isangebolusyon, pataas nang pataas.70 Kaya ganoon din naman saDiyos at saKanyang Iglesya. Pag-aaring-ganap sa ilalim ni Luther. Pagpapa-…Paghahatak iyanpalabas sa KanyangNobya, ngayon. Nililikha Niya angKanyangNobya. Pag-aaring-ganap sa ilalim ni Luther; pagpapabanal sailalim ni Wesley; at iba pa, nakita ninyo. Siya, ang ebolusyon ngEspiritu na ibinibigay nang papalaki nang papalaki, dahil angKatawan ay binubuo, na nabubuo patungo sa Ulo, na iyon ay siCristo, ang naturang Katawan ni Cristo.71 Ngayon, Siya, bilang isang babae, kung Siya ay naipagkaisana kay Cristo ang Salita, Siya ay hindi maaaring makipagkaisarin sa isang iglesyang denominasyon nang sabay, sapagkatSiya’y nakatali na dito. Siya ay magiging…hindi maaaringmamuhay na kasama ng dalawang asawang lalaki nang sabay.Sila’y magkasalungat, sa isa’t isa. Ang isa ay sugo ng Diyos, angisa naman ay gawa ng tao, kaya sila’y magkasalungat. Ang sabi,“Maging kasinungalingan ang salita ng bawat tao; ang sa Akinang siyang Katotohanan.” Sinabi iyan ng Diyos.72 Kasing labis lamang na salungat sa isa’t isa, gaya ngkautusan sa biyaya, gaya ng sinasabi ni Pablo dito. Ang isaay dapat na patay na, upang makasama ang isa pa. “Atkung subukan niyang pagsamahin sila, siya ay tatawagingmangangalunya.” Oh! Isipin n’yo nga iyon. New York, Arizona,sa buong bansa, isipin n’yo nga iyon. Sinabi ng Diyos,“Kung sinubok niyang makisama sa dalawa nang sabay,tatawagin siyang mangangalunya.” Anong mangangalunya angmakakapasok sa Langit? Pakakasalan ba ng Diyos ang isangmangangalunya? Siguradong hindi. Hiniling Niya sa atin nahuwag gawin iyon. “Siya ay tatawagingmangangalunya.”73 Kung gayon, ang kanyang mga anak, kung siya ayisang mangangalunya, ang kanyang mga anak ay anak nailehitimo. Anak na ilehitimo! Anak na ilehitimo sa ano?Hindi sa iglesya, kundi sa Salita. Siya ay anak na ilehitimo.Napakalinaw na larawan ito ng Apocalipsis 3 dito, ng huling-panahong kapanahunan ng iglesyang Laodicea! Talagang isangilehitimong grupo! Anong halu-halong pagkadenominasyon!

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 15

Malahininga, kung anu-anong pinaggagagawa at tinatawag angkanilang mga sarili na mga Cristiano, at ikinakaila ang Salitang Diyos, “Na may anyo ng kabanalan, ngunit tinatanggihanang kapangyarihan nito,” gaya ng sinabi ng propeta na magigingganoon nga sila.74 Ang pag-aasawa ang pinakamatandang institusyon samundo. Ang pag-aasawa ay unang isinagawa, at pinasimulan,doon sa halamanan ng Eden.75 Ang isang babae ay napagkatiwalaan ng mga totoongkatangian na hindi niya dapat na dungisan. Ang isang babaeay pinagkatiwalaan niyan. Wala ni isang nilalang sa ibabaw nglupa na katulad ng isang babae. Walang babaeng aso, walangbabae mula sa anumang uri, na pinagkatiwalaan ng katangianna mayroon ang isang babae.76 Ang babae ay ni hindi nga kasama sa—sa pasimula ngpaglalang, dahil alam ng Diyos na siya ay mahuhulog. Lahat ngiba pang mga babae ay hindi makakagawa ng pangangalunya.Siya lang ang tanging makakagawa ng pangangalunya.Kung nilikha siya na katulad ng orihinal, iyan ay hindimakakapagbigay-puri sa dakilang karunungan ng Diyos. Kitan’yo? Nilikha siya na isang produktong ginawa mula sa isanglalaki.77 Ngunit dahil sa siya ay nailagay sa dakong iyon, siya aynapagkalooban din ng isang sagradong utos mula sa Diyos, parasa katubusan. Mayroon siyang mga katangian na hindi niyadapat na dungisan.78 Kung sisirain niya ang mga iyon, siya ay habang-buhaynang nadungisan. Gaano man siya mapatawad, hindi nasiya maaaring ariing-ganap. Sasagiin ko iyan maya-maya.Mayroon akong Kasulatan diyan, sa ilang sandali. Maaarisiyang mapatawad sa kanyang pagkakadungis, ngunit hindi siyamaaaring ariing-ganap sa buhay na ito. Iyon ay palagiang nasakanya na. Pansinin ninyo ngayon. Napagkalooban siya nito.Maaari siyangmapatawad, ngunit hindi inaring-ganap.79 Ang kanyang katawan ay ibinigay sa kanya, na isangsagradong pananagutan sa Diyos. Walang babaeng aso, walangibon, walang ibang hayop, walang ibang nilikha na katuladniyan. Wala. Siya lamang ang tanging isa. Sa pamamagitannito, siya ay…Ang dahilan kaya ito ay napakasagrado, siyaay magdadala ng buhay sa lupa. Ang kanyang katawan angsiyang punlaan ng buhay, samakatwid iyan ang dahilan kayasiya binigyan nitong sagradong pananagutan na ito.80 Ngayon narito kung saan kayo marahil ay hindi sumang-ayon, marami, kayong mga teologo. Iyan ang dumungis sa buongsangkatauhan, ay ang pangangalunya na iyon sa pasimula. Angkanyang punlaan ay nasira. Iniluwal niya ang kambal na iyon,

16 ANG BINIGKAS NA SALITA

sina Cain at Abel. Sa isang gawa, dalawang anak. Saliksikinninyo ang Mga Kasulatan. Uh-huh.81 Pansinin ninyo ngayon. Nasumpungan natin na angkanyang katawan ang punlaan, at samakatwid iyon ay isangsagradong pananagutan, na huwag dungisan iyon.Ngayon, ako’ynangungusap ngayon, na dinadala ito sa isang pagsasalarawan,upang ipakita sa inyo kung saan tumatayo ang Iglesya. Hindiako nangungusap tungkol sa inyo na mga kababaihan. Maginganuman kayo, iyan ay sa pagitan na ninyo at ng Diyos, o kayongmga kalalakihan. Ngunit ako’y nangungusap tungkol sa Iglesyaat kay Cristo.82 Ngayon, siya ay pinagkalooban nito, upang magluwal ngbuhay na tanging Diyos lamang Mismo ang makapagbibigay.Ang kanyang asawang lalaki ay maaaring tagapagdala ng punla,subalit ang Diyos ang siyang magbibigay ng buhay. Iyan aytama. Tiyak itong darating. Lahat ng buhay ay tiyak na galingsa Diyos. Anumang buhay ay tiyak na galing sa Diyos. Ito’ynabaluktot na, at iyan ang nagpaging makasalanan dito, ngunitang buhay ay tiyak na galing sa Diyos. Siya ang May-Akda ngbuhay. Ngayon ang babae aymay isang sag-…isa…83 Gusto kong pangalanan ang tatlong bagay dito na hindiniya dapat layuan. Ngayon, ako’y nangungusap, panatilihin sainyong isipan ang iglesya habang sinasabi ko ito na patungkolsa natural na babae, gaya ni Pablo rito, sa ika-7 kabanata ngMga Taga Roma.84 Siya ay pinagkatiwalaan ng kanyang Panginoon ngsagradong pananagutan hinggil sa kalinisang-puri, na isangkalinisang-puri. Wala nang iba pang nagtataglay nito kundi angisang babae. Tama. Iyan ay ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos.Hindi niya dapat na dungisan ang kalinisang-puri na iyan.85 Kung gumawa man siya ng pagkakamali, dapat niyangipagtapat iyon sa kanyang asawang lalaki bago siya tanggapinnito, at ituwid iyon. Kagaya rin naman ng iglesya na naipagkaisasa kautusan, ay kailangang humarap din kay Cristo, bago angikalawang pag-aasawa. Kailangan niyang ipagtapat iyon. Kunghindi niya ipagtatapat, at siya ay nakisama sa kanyang asawanglalaki sa loob ng sampung taon at saka ipagtatapat iyon, anglalaki ay may karapatang hiwalayan siya at mag-asawa ngibang babae. Iyan ang Kasulatan. Ang pakikiapid ay marumingpamumuhay.86 “Jose, huwag kang mangamba, sa pagtanggap kay Mariana iyong asawa, sapagkat ang kanyang dinadalang-tao ay saEspiritu Santo.” Siya ay nagpasyang hiwalayan ito nang lihim,kita n’yo, matapos na siya ay nangakong pakasalan ito. Kapagikaw ay nangakong pakasal sa kanya, ayon sa kinalaman ngDiyos, ikaw ay kasal na sa kanya.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 17

87 Pansinin n’yo ngayon. Siya ay mayroong isang sagradongpagkakatiwala ng kalinisang-puri na ibinigay sa kanya,ipinagkatiwala sa kanya ng Panginoon. Ibinigay sa kanya ngDiyos ang kalinisang-puri na iyan. Kagaya lamang noon sahalamanan ng Eden, maaari niyang sabihing “oo” o “hindi.”Mayroon siyang sagradong pagkakatiwala ng pagkababae naipinagkatiwala sa kanya, na hindi niya dapat na sirain. Angpagkababae na tinutukoy ko rito ay ang kanyang inuugali,ang pag-uugali niya sa palibot ng mga kalalakihan. Na hindipinahihintulutan ang bawat lalaki…88 Tingnan ang mga panooring ito at makita ninyo ang mgaartistang ito na nakikipaghalikan, at nakikipagyakapan, atnakikipagharutan, at kasa-kasama, ng mga kababaihang ito.Ang isang babae na gumagawa niyan, ay may masamang pag-uugali. Maaaring siya ay malinis, sa ibang paraan. Pero, kitan’yo, sa kanyang puso…Gayong, ang mga glandula na iyon,mga glandulang pang-seksuwal, ay nasa mga labi. Ang lalaki nahinahalikan ang isang babae, siya sa katunayan, ay potensiyalna, na nagkasala ng pangangalunya. Ang mga glandulang pang-seksuwal ay nasa mga labi ng babae at nasa mga labi nglalaki. Maaari niyang halikan siya sa kamay, hindi iyon hahalosa kanilang mga glandulang pang-seksuwal. Ngunit ang mgaglandulang pang-seksuwal ay nasa mga labi. At makita n’yoang lahat nitong mga kalokohan sa—sa Hollywood ngayon, nglahat nitong pakikipagharutan at pakikipaglampungan sa mgakababaihan, at iba pa, at ang mga batang babae ay nanonoodsa lahat niyan. Hindi kataka-taka na ang ating mga moral aymasama na at bulok na, at napakarumi na, kita n’yo, dahil iyonay inilalantad sa harapan ng mga bata. Tama iyon. Tiyak itongmagiging gayon sa huling panahon.89 Ngayon panatilihin pa rin sa isipan ang iglesya. Siya aynakikipaghalikan at nakikipagharutan, at nakikihalubilo na salahat ng iba pa maliban sa Salita, hinahayaan na ang Diablo na,at edukasyon atmga siyentipikong pananaliksik, at iba pa.90 Gayong, ang pagka-siyentipiko, edukasyon, lahat na, aytotoong salungat sa Diyos. Ang buong sistema ng sibilisasyonna mayroon tayo ngayon ay ganap na anticristo. Ang sistemangpang-edukasyon ay anticristo. Ang sibilisasyon ay anticristo.Ito’y laban sa Diyos. Sasabihin ninyo, “Laban sa sibilisasyon?”Ang Diyos ay magkakaroon ng isang sibilisasyon, isa sa mgaaraw na ito, na walang anumang kamatayan na nakasama dito.Angmakabagong sibilisasyong ito ay dumating sa pamamagitanni Satanas. Patutunayan ko iyan sa inyo, kung loloobin ngPanginoon, ngayong gabi, mula sa Biblia. Ang lahat ng mgabagay na ito ay kay Satanas. Ang ating bagong sibilisasyon aywalang mga ganito doon.

Mayroon siya nitong sagradong pagkababae.

18 ANG BINIGKAS NA SALITA

91 Hindi kataka-taka na kaya ganito ang ikinikilos ng mgakalalakihan sa mga kababaihan, ay dahil sa ganito rin angikinikilos ng mga kababaihan sa mga kalalakihan. Inaasal niyaang kanyang sarili dito sa labas na nakasuot ng shorts, at hapitna hapit, at nakadamit ng panlalaki at mga ganung bagay, doonsa lansangan, kumekendeng-kendeng. Kahit ano pa ang sabihinniya, maaaring napakalinis niya sa kanyang asawang lalaki,ngunit, sa paningin ng Diyos, “Siya ay isang mangangalunya.”“Ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay napagnanasa sa kanya ay nagkasala na ng pangangalunya kasamang babaeng iyon sa kanyang puso.” At iniharap niya ang kanyangsarili nang ganyan.

At iyanmismo ang ginawa ng iglesya kasama ng sanlibutan.92 Pansinin ninyo. Iyan ay ipinagkatiwala sa kanya:ang sagradong kalinisang-puri, sagradong pagkababae, atpagkatapos ay sagradong pagka-ina, karangalan sa kanyangasawang lalaki.93 Tingnan lamang ang kasalukuyang panahon. Sa mgasiyudad, sa maraming mga siyudad, mayroon pa nga silangmalalaking mga party sa tinatawag na samahan, ang mgamiyembro ng iglesya, din. Ilalapag ang kanilang mga sumbrerosa sahig, at silang lahat ay magpapakalasing at ilalagay angkanilang mga susi doon. Pupunta naman doon ang bawat babaeat dadampot ng isang susi mula sa sumbrerong iyon, para salalaki na kakasamahin niya sa buong sanlinggo. Lahat na ng uring ganungmga party! Na, marami pa akong sasabihin dito, kungloloobin ng Panginoon, wala lang akong panahon na dumakodoon. Ganung kalaswaan!94 At ang iglesya ay kasing sama lang din, mismo, nanagkakasala ng pangangalunya sa lahat na, at hindi siya dapatmakialam samga ganoon. Dapat siyangmanatili sa Salita.95 Ang mga gusali ay ayos lang. Ang mga ospital ay ayoslang. Lahat ng iba pang mga bagay na ito ay ayos lang. Mgaprogramang pang-edukasyon, iyan ay ayos lang. Kailangannating mamuhay dito, kailangang magbasa, magsulat. Isa iyansa mga ekonomiya.96 Katulad ng, hindi naman tayo dapat namagsuot ng anumangmga damit, noong pasimula. Mangangaral ako tungkol diyan, sadakong huli ng sanlinggong ito, kung loloobin ng Panginoon.Pero kailangan nating magsuot ng mga damit dahil binigyantayo ng Diyos ng mga damit. Pero, sa pasimula, hindi natinkailangan angmga iyon. Tayo ay nalalambungan noon.97 Ngayon ang babae ay nalalambungan mula sa kanyangkasalanan. Ni hindi nga niya nalalaman na siya ay nagkakasala,kita n’yo, kagaya niya noon. Sa pamamagitan ng…Ngayonsiya ay nalalambungan ng Diablo; noon siya nalalambungan ngDiyos. ’Yung kaibahan tungkol dito.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 19

98 Ngayon nasumpungan natin na siya ay pinagkaloobanng sagradong pananagutan na ito na hindi niya dapat nasirain: tungkol sa pagkababae, ang pagkilos, ang magkaroon ngkanyang pag-uugali, ang pag-aalaga sa kanyang mga anak, angmaging marangal sa kanyang asawa.99 Ngayon sa panahon na ito, wala na silang anupaman samundong pagpapahalaga dito. Dapat kayong maupo sa akingopisina minsan at makita ang mga kalalakihan na isinasamaang kani-kanilang asawa, kung saan sinisikap nilang magingmatuwid na sa Diyos at ipagtapat ang tungkol sa lahat ng mgalalaking kinasama nila noon, at lahat na ng iba pa, mula nangsila ay makasal. Oh, sasabihin ninyo, “Iyan ay…” Hindi. Iyanay mga Pentecostal. Uh-huh. Ang iba ay ayaw naman pumunta.Kaya iyon ay…100 Ako’y nangungusap kung papaano ito malalayo, kapag kayoay nagsimulang makihalubilo sa sanlibutan, ang iglesya, at salahat ng mga usong porma at mga bagay na mayroon tayo. Hindina tayo katulad ng noong orihinal na pentecostes kung paanongang araw ay iba rin sa gabi. Tayo’y natangay nang palihis sa kungsaan, patungo sa isang madilim na ganap na kaguluhan kungsaan, at naligaw na.101 Napakahalagang sagradong pagkakatiwala!Napakahalagang pananagutan para sa isang babae! Ngayonnakita n’yo na kung bakit siya ay isang tipo ng Iglesya, namay gayon ding pananagutan. Kung paanong ang isang babaeay mayroong sagradong pananagutan sa kanyang pagka-ina,sa kanyang moralidad, sa kanyang asawang lalaki, gayon dinnaman na ang Iglesya ay mayroong sagradong responsibilidadsa pananalangin at sa Salita, at kay Cristo, kagaya lamang namayroon ang babae.102 At gaya ng isang babae na natatangay kasama ng ibanglalaki; kapag ang iglesya ay napapalayo na dahil sa mgainstitusyonal na mga programang ito, at sa pagtatatag ng mgaprograma at mga paaralan, at iba pa. Wala naman akongminamasama sa mga iyon. Maiinam ang mga iyon. May silbi angmga iyon sa kanilangmga layunin. Pero angmga ito’y hindi…103 Hindi kailanman sinabi ni Jesus, “Humayo kayo, gumawa ngmga paaralan.” Ang sabi Niya, “Ipangaral ang Salita.”104 Diyan nila Ito napapabayaan. Hindi ang magtayo ng mgainstitusyon, mga ospital, at iba pa. Ang mga iyon ay mainam,pero hindi iyan ang tungkulin ng Iglesya. Ang kanilangtungkulin ay ipangaral ang Ebanghelyo, pero ginawa na natinang lahat ng iba pang bagay maliban diyan. At natangay na tayodoon, kagaya ng ginawa ni Satanas, at hinaluan na ito ng kunganong Ebanghelyo, ng kung anong iba pang bagay, at iba pangbagay, hanggang sa ito ay nagkaroon na ng isang halu-halongtambak ng kawalang-kabuluhan. Ng kabulukan, maging ang

20 ANG BINIGKAS NA SALITA

ating buong, ang buong mundo! Pagmasdan n’yo ang kalakaranng sanlibutan.105 Binabasa ko ang Reader’s Digest, dito hindi pa katagalan,kung saan ang mga kabataang babae ay nagme-menopause na,at ang sa mga kalalakihan naman, sa kanilang paggulang, sapagitan ng dalawampu at dalawampu’t limang taong gulang.Dumaraan na sila sa kanilang kalagitnaang gulang. Kabulukan,(bakit?) dahil sa siyentipikong pananaliksik hinggil sa pagkainat bagay-bagay na iniba na, mula sa mga bagay na likas nasiyang dapat nating ipinapasok sa ating katawan. Tayo ay isangbunton na lang ng namamatay na kabulukan.106 Ngayon, ganyan din nga ang iglesya. Ito’y nasa gayon dingkalagayan.107 Isa Siyang tipo. Mayroon Siyang gayon ding mahahalagangmga katangian sa pamamagitan ng Espiritu, na ipinagkaloobsa Kanya, upang ingatan ang Espiritu at ang Salita, at huwagkailanman magkasala ng pangangalunya sa anumang bagayng sanlibutan o anuman. Ang manatiling birhen sa Salita,kung paanong ang isang babae ay dapat na manatiling malinissa kanyang asawa. Ito’y isang sagradong pagkakatiwala, angigalang ang Salita ng Kanyang Panginoon nang higit sa bawatkredong gawa ng tao, karunungan, denominasyon man namayroon. Binigyan ng pagkakatiwalang iyan ang Iglesya.108 Kung sasabihin nila, “Aba, ang aking iglesya…” Walaakong pakialam ano pa man ang paniniwala ng iyong iglesya.Kung iyon ay salungat sa Salita ngDiyos, layuan ninyo iyon.109 Sinabi ng Biblia, “Si Jesus Cristo ay siya ring kahapon,ngayon, magpakailanman.” Sinabi ng Marcos 16, “Ang mgatandang ito ay lalakip sa mga nagsisisampalataya.” Kung angisang iglesya ay nangangaral ng iba Diyan, huwag n’yongpaniwalaan. Mamatay kayo sa bagay na iyan. Ipanganak namuli, sa Salita ng Diyos. “Humayo kayo sa buong sanlibutan atipangaral ang Ebanghelyo sa lahat ng nilalang.” Ganyan kalayoIto dapat na humayo. “Ang mga tandang ito ay lalakip sa kanilana nagsisisampalataya, sa buong mundo, at bawat nilalang nasasampalataya.” Nakita n’yo na kung papaano tayo nagsilayoRito? Totoo. Ngunit Siya aymay pananagutanDito.110 Subalit ngayon ay tingnan kung ano, ang Hollywood, ayinalis na ang mga mabubuting bagay mula sa ating mgakababaihan.111 Nakatayo ako rito na nakatingin sa minamahal namatandang babae, si Kapatid na babaeng Schrader, maramisa kanila na kababaihan rito, at sa likuran, at si Kapatid nababaeng Moore rito, ang mga matatandang kababaihan namatatandaan ang ilang mga taong nagdaan. Kung ang kanilangina, o maging sila, ay lumakad sa mga lansangan, kung paanolumakad ang ilan sa mga kababaihang ito ngayon, na mga

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 21

miyembro ng iglesya, ay tiyak na ikinulong na nila ang naturangbabae sa pagiging baliw. “Nakaligtaan niyang isuot ang kanyangpalda.” Aba, kung baliw ito noon, ito’y baliw din ngayon.112 Aba, tingnan n’yo, ang buong mundo ay pinatutunayang itoay baliw. Tingnan ninyo ang mga pagpatay at mga bagay nanagaganap ngayon samundo. Kita n’yo? Kabaliwan!113 Ang buong bagay ay dumarating na upang ganapin angApocalipsis. Maaaring dumako tayo doon, sa linggong ito. Kungsaan, ang mga kakila-kilabot na mga bagay na iyon, ang mgaiyon ay hindi sa natural. Iyon ay mga bagay na espirituwal, nanagtutulak sa mga tao na sumigaw sa mga malalaking bato at samga bundok, at lahat na ng iba pa, para bumagsak sa kanila.114 Ang ganap, lubos na kabaliwan na patutunguhan ngsanlibutang ito, kaagad-agad, ito’y halos naroon na ngayon.Aba, nakikita n’yo na ang mga bakas nito. Hayun na. Ito—ito’ylumalakad na mismo doon sa lansangan, tuluy-tuloy doon saupuan ng iglesya, lubos na pagkabaliw, gumagawa ngmga bagayna ni hindi ngamaiisip gawin ng isang tao at bilang sibilisado.115 Tingnan ninyo kung ano ang ginawa ng Hollywood sababae. Tingnan ninyo kung papaano nga ito. Ninakaw na nitoang mga sagradong moralidad ng babae. Makapagpapatuloy atmakapagpapatuloy, pa tayo. Kita n’yo?116 Lahat ng ito ay naiwala niya. Papaano niya nagawa iyon?Dahil mayroong isang tusong instrumento na tinatawag naiglesya, katulad ng naroon noon doon sa halamanan ng Eden.Isang tusong persona, ang Diablo, na pumasok sa loob ng iglesyana sadyang katulad ng ginawa niya noon sa halamanan ng Eden,at dinaya siya patungo dito. Siya ay nadaya. Inaakala lang ngbabae; hindi niya sinadyang maging mali.117 Hindi sinadya ni Eba na gumawa ng mali. Hindi iyonsinasadya. Ngunit siya…Sinabi ng Biblia, sa IkalawangTimoteo, Unang Timoteo 3, “Siya ay nadaya.” At ang nadaya ayhindi kapag ginawa mo ito nang sadya. Iyon ay kapag kayo aynalinlang na gawin ito.118 At ganyan mismo ang nangyari ngayon. Siya ay nadayana, ng telebisyon, ng magasin, ng mga taong ito, ng mga ito,lahat nitong magagarang mga bagay na kanilang pinupuntahan,doon sa lansangan. Ang makabago nang mga kabataang babae,titingin sila sa mga magasin at titingin sila sa mga larawan.Tumitingin sila sa lansangan. Makikita nila ang mga damitsa mga tindahan. Kung papaanong si Satanas, ang malakingintrumento na iyan ng—ng impiyerno, ay bumaba na sakalagitnaan ng mga tao at dinaya sila patungo sa mga bagay naito! At inaakala ng babae na siya ay ayos lang. At siya ay patayna at hindi nga nalalaman iyon. Siya ay malayo na sa Diyos.Kita n’yo kung papaano niya naiwala ang lahat ng ito, at kungpapaanong napakatuso niyon?

22 ANG BINIGKAS NA SALITA

119 Ngayon, gusto kong pansinin ninyo. Sinabi ni Jesus angtungkol dito. Gayon din, kung gusto ninyong basahin ito,binanggit ni Jesus na ang bagay na ito ay mangyayari. Alamba ninyo iyan? Noong mga huling sandali Niya, bago angKanyang pagkakapako sa krus. Basahin lamang natin ito, SanLucas, ang—ang ika-23 kabanata, at sa isang saglit lang, parangisang araling pang-Sunday school. Simulan sa ika-27 talata,palagay ko ay namarkahan ko rito. Si Jesus na patungo nanoon sa Kalbaryo. Makinig habang binabasa ko ito. Sige. SanLucas 23:27, palagay ko, kung saan nandoon tayo. Ganoon angpagkakatala ko. Oo nga. Heto na.

At siya’y sinusundan ng isang makapal nakaramihan sa bayan, at…mga babaing nagiiyakanat nananambitan dahil sa kaniya.Datapuwa’t paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi,

Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akongtangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at anginyong mga anak.Sapagka’t, narito, ang araw—darating ang mga

araw…na kanilang sasabihin, Mapapalad angmga baog, at ang mga tiyang kailan ma’y hindinangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan manay hindi nangagpapasuso.

120 Isipin ninyo, sa panahon ngayon, ay isang kahihiyan para sakanya namagkaroon ng isang anak. Kita n’yo?

Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nilasa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; atbu-…at sa mga burol, Takpan ninyo kami.Sapagka’t kung ginagawa ang mga bagay na ito

sa punong—punongkahoy na sariwa, ano kaya anggagawin nila sa tuyo?

121 Ang pangungusap tungkol sa araw kung kailan ang mgakababaihan ay hindi na gugustuhing magkaanak. Gusto nila ngisang aso o isang pusa, o bagay na tulad niyan, pero ayaw naniya ng mga anak. Bakit? “Siya ay matandang Inang Hubbardna kungmayroon siyang anak.” Kita n’yo? Ayaw niya. Iyan ang—iyan ang pananalita ng Hollywood. Ayaw nito na ang kanyangbabae ay maging isa nang matandang Inang Hubbard. Kaya angbabae ay, ang lalaki ay paooperahan ang kanyang sarili o angbabae, ang isa, para maiwasan nilang magkaroon ng mga anak.Ayaw nilang magkaroon ng mga anak.122 Sinabi ni Jesus ang tungkol dito. At ano’ng sinabi Niya?“Sa panahong iyon ay magsisimula silang sumigaw sa mgamalalaking bato atmga bundok upang bumagsak sa kanila.”123 Gagamit siya ng birth control, para makapunta siya samga party. Hindi siya puwedeng abalahin ng isang sanggol na

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 23

sumususo sa kanya. “Sisirain nito ang kanyang hitsura. Kapagsiya’y nagbuntis, mangyayari, na sisirain nito ang kanyanghitsura. Hindi na siya magmumukhang tulad ng dati.” At angkanyang asawa naman, sapat na ang pagka-walang alam parahayaan siyangmaging ganoon. Ayawniya itong bigyan ng anak.124 Sinabi ni Jesus ang tungkol dito. At sinabi Niya, na, “Kapagginagawa na nila ito, sa panahong iyan ay magsisimula silangsumigaw sa mga malalaking bato na bumagsak ang mga ito sakanila.” Iyon na ang Pagparito ng Panginoon.125 Nagbabayad sila ng malaking halaga ng pera para samga pusa, mga aso, para alagaang parang anak. Tama iyon.Kailangan niya ng isang bagay na alagaang parang anak, dahilsa iyon ay isang kalikasan na bigay ngDiyos sa kanya.126 Napansin ko. Ako ay nangangaso ng malakihangpangangaso. Ang isang matandang oso kapag taglagas ng taon,kapag siya ay naipakasta na sa lalaking oso, mayroon siyangmga batang oso kung gayon na ipinanganak. Ang mga ito’ymalalaking bulas na mga batang oso, siguro ay tumitimbangng isandaang libra o higit pa. Itataboy niya ang mga ito atpara matulog ang mga ito buong taglamig, dahil magsisilang pasiya ng marami pang batang oso. Sila’y ipinanganganak tuwingPebrero. Angmga oso aywalang alam tungkol dito.127 Ipinanganganak silang nasa loob ngmaliliit na mga supot namaninipis. Kung papaanong nagagawa ng Diyos na pabuksan sakanila itong mga maliliit na supot na maninipis, nang sila langmismo,maliit…parangmaliit na supot na cellophane. Kanilangnasusumpungan ang kanilang daan palabas. Tulog na tulog angkanilang ina. Wala pa siyang kinain na kahit ano mula Oktubre,at Pebrero na noon. Ang mga ito’y lumalapit at sumususo sakanya hanggang kalagitnaan ngMayo.128 At kapag nakita niya ang kanyangmga anak na oso, angmgaito’y talagang mabubulas na mga batang oso, na tumitimbangsiguro ng mga labinlima, sampu o labinlimang libra bawat isa.Sila’y sumuso sa kanya. Kung papaano siya nagkakaroon nggatas, iyan ay sa kaisipan na ng Diyos. Nabubuhay siya, mismo,at nagpapalabas ng gatas para samaliliit namga oso.129 At pagkatapos kung ang kanyang panganganak ay hindimangyari, at wala na siyang anumang mga batang oso,hahanapin niya ’yung sa nakaraang taon…mga batang oso ngnakaraang taon, at aalagaan sila sa buong panahon ng tag-araw,dahil iyon ay likas na ugali na nagmula sa Diyos. Kailangangmayroon siyang alagaan.130 At kung ang isang babae ay ayaw magkaroon ng isangsanggol para sa kanyang asawa, kukuha siya ng isang aso oisang pusa, o kung ano pa man. Kailangang mayroon siyanginaalagaan. Iyon ay isang kalikasan. Ngunit ang magsilangng anak para sa kanyang asawa, at palakihin ito para sa

24 ANG BINIGKAS NA SALITA

paglilingkod sa Diyos, iyan ay ganap na wala sa kanyanglinya. Dapat niyang gawin. Oh, siya’y…Oh, siya’y ibibilangna talagang kahiya-hiya, kung ginawa nga niya, ng kanyangmaibigin sa kasalanan na kalipunan ng tipo ng mga kababaihannitong 1965.131 Talagang isang larawan ng makabagong iglesya ngayon!Hindi rin gusto ng makabagong iglesya ang anuman sa mgaito rito, ang hiyawan, sigawan, pagsasalita sa iba’t ibang wika,Mga Gawa 2:38 na mga bata sa paligid niya. Oo. Oo. Kita n’yo?Oo. Ayaw niya nung humihiyaw, at umiiyak, at sumisigaw ng,“Amen! Aleluya!” ang sinuman sa kanila. Aba, ang ganoongbata ay agad-agad na makapagpapatalsik sa kanya mula sakanyang denominasyon. Kung mayroon silang isang ganyan saisa sa kanilangmga iglesya, aba, patatalsikin nila siya agad.

“Bakit mo hinahayaang magpatuloy ang ganitong klase ngbagay?”132 Kaya, nakita ninyo, mayroon siyang ipinagbubuntis na kungano, dahil palagi na lang siyang nagsisilang ng mga miyembro.Pero ayaw niya ng mga ganoong sumisigaw, humihiyaw,kung anu-anong sinasalita, na Mga Gawa 2:38, na sa akalaniya’y mga miserableng nilalang. Talagang ipapahiya siya nito.Sisirain siya nito at ang kanyang edukado’t etikal na maka-siyentipikong samahan na iglesya na kinabibilangan niya rito.Patatalsikin nila siya, sa susunod na konseho. Hindi siyamaaaring magkaroon nito. Kaya hindi niya gustong mabuntisng Salita, dahil iyon lang ang tanging uri na maaaring iluwalng Salita.133 Ipinanganak ng Espiritu ng Diyos, taglay nito ang Espiritung Diyos sa loob nito. Walang intelektuwal na pag-anib saiglesya at pagpapatuloy sa kredo, maikling buhok, pintadongmukha; walang gayong bagay na gaya niyan sa lahat Nito. Hindininyomasusumpungan iyan sa Salita ngDiyos. Masusumpunganninyo ang isang makaluma, pinaging-banal, anak na puspos ngBanal na Espiritu, ipinanganak ng Espiritu ngDiyos, na tumitili,humihiyaw, sumisigaw, pinupuri ang Diyos.134 Iyan ay lubusang hindi na niya kayang abutin. Hindi niyagusto Iyan. Oh, hindi, po! Hindi, talaga. Ano ang ginagawaniya kung gayon? Kaya siya ay nagluluwal ng isang pares, ngpintadong mukha, nagsusuot ng shorts, na samahan ng mgaJezebel, na ilehitimong “mga pusa,” ang tawag yata nila sakanila, sa palagay ko iyon nga. Kita n’yo? Palagay ko tinatawagnila iyon na mga pusa. Kita n’yo? “Tingnan n’yo ang pusangiyon na papunta doon,” sasabihin nila, o parang ganyan, alamn’yo na.135 Siya ay ipinanganak, o ikinasal, may kaugnayan pa sakanyang unang asawang lalaki, sa unang Adan, sa pamamagitanng mapangalunyang asawang babaeng si Eba, unang asawa ni

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 25

Adan. Sasabihin ninyo, “Mapangalunya?” Tiyak na ganoon ngasiya. Pero, oh, sinasabi niya na itong si Adan, itong unang Adan,ay patay na. “Oh, tiyak nga, na matagal na siyang patay. Ako’yipinanganak na muli, na naman,” sabi niya, “at ako’y totoongikinasal na sa IkalawangAdan, si Cristo, ang Salita.”136 Papaano? Pansinin ninyo kung ano ang kanyang iniibig.Masdan ang kanyang mángingibig, kung gusto ninyong makitakung kanino siya umiibig. Ang sinasabi ng Salita ay Ito, peroang sabi niya, “Ang sinasabi ng aking iglesya ay ito.” Kunggayon kanino siya umiibig? Sino ang kanyang asawa? Ang sariliniyang mga bunga ay nagpapatunay kung ano siya. Totoongtama, ipinapakita kung ano siya. Pansinin ninyo. Ipinanganaksiya, una, kay Adan, dahil iyan ang kanyang natural nakapanganakan. Kita n’yo? At hindi niya kailanman iniwan iyan.Iyan ay isang mángingibig ng sanlibutan. Sinasabi niya naipinanganak daw siyang muli, kay Cristo. Pero ang kanyangmángingibig, pansinin ninyo, ay si Adan, pa rin, dahil iniibigniya ang sanlibutan.137 At isa pa—isa pang bagay, pansinin kung anong uri ngmga anak ang kanyang isinisilang. Nagsasabi iyan kung anoang kanilang tatay, kung ito nga ay ang unang Adan o angIkalawang Adan. Kung ang Iglesya ay manganganak ng isanganak ng Ikalawang Adan, kikilos siya kung paano kumilosang Ikalawang Adan, katulad ng ginawa nila noong Araw ngPentecostes. Iyan ang totoong mga anak ng Ikalawang Adan.Kita n’yo? Tama. Ang kanilang kalikasan ay katulad ng sakanya at ng sa babae. Siyanga, po. Ang kanyang mga anak nababae, ay pintado ang mukha, maikli ang buhok, nagsusuot ngdamit panlalaki, mga pantalon. Sinabi ng Biblia sa kanya “nahuwag gawin iyon.” Pinuputol niya ang kanyang buhok. “Iyonay kahiya-hiya sa kanya.”

Sasabihin ninyo, “Tigilanmo na, ang tungkol diyan.”138 Iyan ang sinasabi ng Salita. Itinuturo ko lamang angkalikasan. Iyan ang ginagawa niya.139 Ang kanyang mga anak na lalaki, ang kanyang mga anak nalalaki na ipinanganak niya, ay nakasandig sa edukasyon, sa pag-aaral, sa kung anong tinatawag na paaralang pang-Biblia, natinatawag, isang kung anong malaking kolehiyo na umiiral nanang matagal na panahon, na nagpipisa sa kanila, sa isang kunganong pámisaan na paraan. Mga mahilig magdenominasyon,relihiyosong tulad ni Cain, na sadyang kasing ilehitimo sa Salitana gaya ni Cain noon; tama, sadyang kasing ilehitimo na gaya niCain noon, tiyak nga, namgamahilig magdenominasyon. Nakitana ninyo kung ano iyon?140 Ang Diyos kailanman ay hindi nag-organisa ng isangdenominasyon. Siya’y dati nang laging laban diyan. AngKanyang Salita ay laban diyan.

26 ANG BINIGKAS NA SALITA

141 Ngunit nanghahawakan sila diyan mismo, kaya nakita n’yona kung ano ang ipinapanganak nila. Ipinapakita niyan kungsino ang kanilang tatay at nanay. Eksakto. Eksakto. Sadyangkasing ilehitimo gaya ni Cain noon. Ganyang uri ng anakang kanyang naipaluwal mula kay Eba. Lumayo sila mulasa Salita, kung gayon tingnan ninyo kung ano ang kanyanginiluwal. Ganyan nga mismo ang iniluwal ng iglesya, ang gayonding bagay.142 Mapapatunayan ko iyon sa inyo, sa pamamagitan ngSalita, na diyan nagmula ang edukasyon at sibilisasyon, sapamamagitan ni Cain. Iyan ay talagang tama. Sapagkat sinasabinila…Pero sila—sinasabi nila na sila daw ay mga anak ngDiyos, pero ipinanganak sila sa denominasyon, pinadalubhasang maka-denominasyong paaralan, lahat na ng iba pa. Iyan aytalagang tama. Tuso, matalino! Naku! Gayon din ang serpiyente,ang kanilang ama. Tama. Sadyang kasing tuso at siyentipikongmga mangangaral na gaya ni Cain noon. Kita n’yo? Iyon ayeksaktong ganoon din.

Sasabihin n’yo, “Kapatid na Branham, totoo ba iyan?”143 Dumako kayo sa Genesis 4:16 at alamin n’yo. Bumalik ditosa Genesis 4:16, saglit lang, makikita ninyo kung papaanongnagkaganoon.

At umalis si Cain…sa harapan ng PANGINOON, attumahan sa lupain ng Nod, sa silanganan ng Eden.At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa; at siya’y

naglihi, at ipinanganak si Enoc: at siya’y nagtayo ngisang bayan, at tinawag ang bayan, ayon sa…kaniyanganak, Enoc.

144 Hanggang doon kay Tubal, tuluy-tuloy, sapagkat nagsimulasila, na dumating ang mga gumagawa ng mga instrumento,musika, at iba pa. Ang sibilisasyon ay dumating sa pamamagitanni Cain, tama, pagtatayo ng mga lungsod, mga instrumento.Ang mga siyentipikong tao ay nagmula kay Cain, ang binhi ngserpiyente. Ngayon pansinin ninyo ang ika-25 talata.

At nakilalang muli ni Adan ang kaniyang asawa;145 Ngayon, nakilala niya ito nang isang beses at nagkaroon itong dalawang anak. Saliksikin ang Kasulatan. Isinilang nito sinaCain at Abel. Isang gawa, at dalawang anak. Sasabihin n’yo…146 Sinabi nila sa akin, hindi pa katagalan, na hindi raw iyonmaaari, namangyari. Mayroon tayong pangyayari sa Hollywood.Hollywood? Mayroon tayong pangyayari sa Tucson ngayonmismo, na nasa korte. Isang babae ang nanganak ng isangbatang negro at isang batang puti, nang sabay. Sinasabi nilanghindi niya raw magagawa iyon. Maaari siyang magkaroon ngdalawang malusog na itlog, rin naman. Mayroon na sila nitongayon mismo sa korte. Alam kong magagawa ng mga aso iyon.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 27

Magagawang gawin iyon ng mga hayop. At naroon nga siya, angsabi ng lalaking puti, “Susuportahan ko ang sarili kong anak,pero siya ay hindi.”147 At ang naturang babae ay umamin. Nakisama siya sakanyang asawa nang umagang iyon, at sa lalaking negro namannang hapong iyon. “Kung iyon ay sa,” ang sabi ng doktor, “saloob ng dalawampu’t apat na oras, mangyayari iyon kung mayisa pangmalusog na itlog doon.”At sa ganoon niya nagawa iyon.148 At ganyan ang eksaktong nangyari dito. Si Cain nang…SiSatanas, nang umagang iyon, sa serpiyente; at si Adan naman,nang hapong iyon. Nang ang babae…At nagsilang siya ngdalawang anak.

Ngayon, nakilalang muli ni Adan ang kaniyang asawa(sa ikalawang pagkakataon); at nanganak siya ng isanglalake,…

149 Tandaan, wala saan man sa Biblia na nagsabi na si Cain ayanak ni Adan. Ang sabi, “Siya ay sa masama,” hindi kay Adan,“sa Diablo.”

…nakilala niya (sa ikalawang pagkakataon), atnakilala…at nanganak ng isang lalake, at tinawag angkaniyang pangalan na Set: Sapagka’t ang Diyos, aniya,ay binigyan…(Hindi iyon ang tunay na Binhi.)…binigyan ako ng ibang anak na kahalili ni Adan,sapagka’t siya’y pinatay ni Cain. Kaya…At nagkaanak naman si Set ng isang lalake; at tinawag

niya ang kaniyang pangalan na Enos: at noon aypinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ngPANGINOON.

150 Hindi mula kay Cain, ang talaangkanan ng salinlahi na iyan,kundi mula sa talaangkanan ni Set.

Kaya, “Si Cain ang masamang iyon.” Diyan dumaan angserpiyente.151 Ngayon pansinin. Maliwanag na sinasabi ng Biblia rito, na,“Ang kanyang unang asawang lalaki ay dapat na patay na,” hindilamang basta inihiwalay. Dapat na siya ay patay na.152 Katatapos ko lang na ipangaral ang tungkol sa Pag-aasawaAt Diborsiyo, at alam ninyong lahat ang tungkol diyan. Hindiako nangungusap ngayon, sa kabuuan, sa kongregasyon rito,kundi sa buong bansa. Sige. Ngayon nakita n’yo na kung ano angnangyari doon, sa Pag-aasawa At Diborsiyo. Nang ito…?…Ang Pitong Selyo ay nabuksan na, inilabas niyan ang tunay naKatotohanan tungkol dito.153 Kaya, upang maikasal sa Ikalawang Adan, kay Cristo,ang Salita, kailangan mong ihiwalay ang iyong sarili sapamamagitan ng kamatayan, mula sa iyong unang asawanglalaki na denominasyonal, dahil sa wala ni isa man sa kanila

28 ANG BINIGKAS NA SALITA

ang magagawang tumanggap sa buong Salita ng Diyos. Ipakitalamang ninyo sa akin kung nasaan ang isang iyon. “Oh,”sasabihin n’yo, “ang sa akin.” Ang sabi nung isa pang taoay ang sa kanya, rin daw. Pagsamahin n’yo iyon pareho, atmakikita ninyo na pareho kayongmali, sa oras na kayo ay nagingdenominasyon. Basahin ninyo ang Apocalipsis 17. Kaya, nakitan’yo, dapat na kayo ay patay namula sa bagay na iyan.154 Ngayon, hindi ako nangungusap sa lokal na kapulungan naito. Nangungusap ako sa kabuuan sa buong bansa. Dapat napatay na kayo sa inyong unang asawang lalaki. Kung kayo aynaipagkaisa kay Cristo at kasal pa rin sa isang denominasyon,kayo’y isangmangangalunya. Kayo ay Laodicea.155 Isang Iglesya sa buong bansa, tayo ay sumusunod kay JesusCristo, ang Salita. Upang mapabilang sa Nobya, kayo ay dapatna maikasal muli sa Salita ng Diyos, na si Cristo. “Nangpasimula ay ang Salita; ang Salita ay sumasa Diyos, at angSalita ay Diyos. At nagkatawang-tao ang Salita at tumahan sagitna natin.”156 Hangga’t kayo ay nanghahawakan sa tradisyon ng mgadenominasyon ng tao, kayo ay tinatawag na, sa Salita ngDiyos, “isang mangangalunya.” Hangga’t kayo’y isang mahiligsa maka-denominasyong kredo, na nabibilang sa isang maka-denominasyong iglesya na tinatanggihan ang Salita, kayo ay“isang mangangalunya,” ang sabi ng Biblia.157 Sinabi ni Jesus, “Hindi kayo maaaring maglingkod sadalawang diyos nang sabay. Inyong pinaglilingkuran ang Diyoso di kaya’y ang mammon.” Ang mammon ay “ang sanlibutan.”“Siya na umiibig sa sanlibutan, o sa mga bagay ng sanlibutan,ang pag-ibig ng Diyos ay wala man lang sa kanya.” Ang Binhing Diyos ay hindi maaaring nasa kanya (ang pag-ibig ng Diyos)habang ang pag-ibig sa sanlibutan ay kasabay na naroon din.Kapag ang Binhi ng Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ninyo,iyan ay ang Salita ng Diyos. Ang pag-ibig sa sanlibutan ayhindi maaaring kasabay na naroon din. Ngayon nasaan na angmaikling buhok, at ang mga shorts, at ang pintadong mgamukha? Ngayon saan na naroroon angmga iyon?158 Hindi kayo maaaring maging malinis kay Cristo, sa Salitang Diyos, at sabay na maglingkod din sa isang denominasyonggawang-tao. Ito’y salungat sa Salita. Sinabi rito ni Pablo. “Saanbanda?” Mga Taga Roma 7.159 Ni hindi rin kayo maaaring magluwal ng mga anak ngDiyos, ng Kanyang Salita, sa ilehitimong grupong ito na maka-denominasyon. Hindi ninyo maaaring gawin iyon. Sa inyongpámisaan, hindi kayo maaaring magluwal ng isang Salitanganak ng Diyos. Ako’y nangungusap sa iglesya. Pero inaangkinn’yo pa rin na kayo ay napakarelihiyoso. Gayon din si Cain noon,ang anak ng patutot na si Eba, napakarelihiyoso, nagtayo ngmga

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 29

altar at nag-alay ng hain, at nagbigay ng kanyang mga ikapu atginawa ang lahat ng bagay na gagawin ng sinumang relihiyosongtao. Ngunit nabigo siyang sundin ang Salita na iyan. Nabigosiyang magkaroon ng kapahayagan.160 At ang kapahayagan ay siyang tanging bagay, angkapahayagan ng Salita. Ano ang…Ano ba ang kapahayagan?Sinabi ni Jesus, “Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Koang Aking Iglesya, at ang mga pintuan ng hades ay hindimagsisipanaig laban Dito.” Ang Pananampalataya ay isangkapahayagan; dahil ang Pananampalataya ay naipahayag sa iyo.161 “Si Abel, sa Pananampalataya, ay naghandog ng ayon sakapahayagan (Pananampalataya), naghandog sa Diyos ng lalongmainam na hain kaysa kay Cain.”162 Inakala ni Cain na sila ay kumain ng mga mansanas. Taglaypa rin nila ang ideya na iyan, pero hindi iyon ganoon. Iyonay isang pangangalunya, binhi ng serpiyente. At doon nangmabuksan ang Pitong Selyo, ipinahayag iyon at pinatunayaniyon. Kalalabas lang nung aking aklat tungkol dito. Palagay komayroon na tayong isang libo dito ngayon. Kita n’yo? Pansinin.Iyan ay ayon saKasulatan,mulaGenesis hanggangApocalipsis.163 Sa huling panahon, ang naturang dalawang punongkahoyay hahantong sa pagkabinhi at patutunayan ang kanilangmga sarili. Narito na tayo, ngayon mismo, sa Laodicea at saNobya, na sadyang kasing linaw at kasing ganda na naroonsa Kasulatan, at nasa mismong harapan ninyo. “Hindi kayomaaaring maglingkod sa Diyos at sa mammon.” Hindi kayomaaaring maging malinis na Cristianong mananampalataya ngBiblia at iugnay ang inyong sarili sa maka-denominasyonggawain. Hindi ninyo basta magagawa iyon nang sabay. Ang isaay dapat na patay na, at hayaan na ’yung isa angmabuhay.164 Ni hindi rin ninyo magagawang magluwal ng Salitang anakng Diyos. Ni hindi rin magagawa ng iglesya na magluwal ngganun. Wala silang gusto ni isa—isa sa mga iyon, mga anakna humihiyaw, sumisigaw at nagsasalita sa iba’t ibang wika,at lahat ng mga bagay na iyon. Sila, hindi n’yo maaaringgawin iyan sa loob ng isang iglesyang denominasyon. Hindinila kayo tatanggapin. Hindi nila sila pinalaki na ganyan.Tinatanggap nila sila at kinakamayan sila at sinasabi, “Kungsumasampalataya ka, natanggap mo na Ito. Basta’t nailagay mona ang iyong pangalan sa aklat, iyan lang ang kailangan monggawin.” Kita n’yo? Ito’y—ito’y mga ilehitimong anak sa Salita,na inaangkin pa ring relihiyoso.165 Kaya, nabuntis sa karunungan at kaalaman ni Satanas,naging ganoon na ang iglesya! Ipinapadala nila ang kanilangmga tauhan sa paaralan, para matutunan kung papaanosabihin ang “amen” nang tama lamang. Tinuturuan nila silakung papaano sabihin ang lahat ng ito, at maging napaka-

30 ANG BINIGKAS NA SALITA

intelektuwal. Ano ba iyon? Iyon ay pambubuntis ng Diablo.Ano ba ang ipinangbuntis ni Satanas kay Eba? Ang hindisampalatayanan ang Salita, para sa mga pagka-intelektuwal,sa mga katalinuhan, at sinira niyon ang buong sangnilikha.Ganyan mismo ang ginawa niya sa Salita ngayon, ng iglesya.Pinabuntis niya ang kanyang sarili sa pang-Bibliang mgapaaralan at kolehiyo, at mga ganyang bagay, pagbabasa,pagsusulat, aritmetika, at wala silang nalalaman tungkol saDiyos kung paanong ganun din na ang isangHottentot aywalangalam tungkol sa mga kuwentong bayan sa Egipto. Alam nilaang lahat ng kanilang mga kredo, ng kanilang mga aklat ngpananalangin, at lahat na ng iba pa, pero walang alam tungkolsa Diyos.166 Alam nila nang ang Salita ay napatunayan, nang ang Diyosay nagsalita na noon at inilaan ang Kanyang Salita sa bawathenerasyon sa pagdating ng mga ito. Narito dumating si Noe, atnangaral siya sa henerasyong iyon.167 Ngayon, ano kaya kung si Moises ay dumating, ang sabi,“Gumawa tayo ng isang daong”? Siya’y tiyak na wala nasa panahon. Ngunit isa siyang propeta. Nasa kanya angkapahayagan ng Diyos.168 Pinatunayan ng Diyos na iyon ay Katotohanan. InilabasNiya ang mga anak na iyon, ang Israel, at ipinakita ang HaligingApoy sa harapan nila, at pinatotohanan ang propetang iyon; atsinabi mismo kung ano ang Kanyang gagawin, at ginawa ngaNiya iyon.169 Sinabi nila, “Huwag na ang Diyos ang magsalita. Si Moisesna angmagsalita, baka kami’y mamatay pa.”170 Sinabi Niya, “Hindi na Akomagsasalita sa kanila nang tuladniyan, kundimagpapalitawAko sa kanila ngmga propeta, at silaang magsasalita.”171 Naroon noon si Isaias na nakatayo doon, ang sabi, “Isangbirhen ang maglilihi.” Ang isang lalaking katulad niya sa isangpanahon kung kailan…Paanong maglilihi ang isang birhen?“Sa atin ay ipinanganak ang isang Anak na lalaki: isangBata ang ipinanganak, isang Anak na lalaki ang ibinigay.Ang Kanyang Pangalan ay tatawaging: Tagapayo, Pangulo ngKapayapaan, Makapangyarihang Diyos, ang Walang HanggangAma. Sa luklukan ng Kanyang ama, na si David, ay maghahariSiya. Hindi magkakaroon ng wakas ang Kanyang Kaharian.”Papaano mangyayari iyon? Hindi niya alam. Binigkas lamangniya kung ano ang sinabi ng Diyos. Iyon ay lagpas na sa kahitanong imahinasyon, intelektuwal. Iyon ay lagpas na sa kahitanong siyentipikong pananaliksik. Iyon ay ang Salita ngDiyos.172 Ngayon tinuturuan natin ang ating mga mag-aaral saseminaryo sa lahat ng uri ng teolohiya ng Biblia at mga ganungbagay, teolohiya na gawa ng tao, nagkaroon na ito ng pangkat

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 31

ng iglesya na eksaktong isang Laodicea, katulad ng sinabing Diyos na mangyayari. Oh, naku! Kapag tumitingin akodiyan, at pinanginginig ako nito. Buntis na sa intelektuwal napagbubuntis! Kailangan mongmaging isang nagtapos sa mataasna paaralan bago ka man lang makapasok. Kailangan mongmagkaroon…kailangang masuri ka muna ng isang psychiatristbago ka maordenan.173 Maiisip mo ba sina Pedro, Santiago, at Juan nanagpapatingin sa isang psychiatrist? Natatandaan n’yo ba’yung isandaan at dalawampu doon, ni hindi nga kayangisulat ang sarili nilang pangalan? Tatayo pa sa harapan ngisang psychiatrist, titingnan kung sila…kung ang lahat ngkanilang…kung ang kanilang mga kilos ay talagang tama, atiba pa? Mayroon silang pagkilos, pero iyon ay hindi intelektuwalna pagkaunawa o siyentipikong pananaliksik. Iyon ay sapamamagitan ng Kapangyarihan ng Diyos. Kapag Iyon aytumimo sa kanila, wala silang alam na gawin kundi gawinkung ano ang sinabi ng Banal na Espiritu na gawin. Hindi nilabinigyang-pansin ang anumang intelektuwal, kung ano angsinabi ng iglesya, at kung ano ang sinabi ng mga saserdote, kungano ang sinabi nito, sinabi niyan. Kumilos sila sa pamamagitanng Espiritu; mga lalaking walang takot.174 Unang Juan 2:15, ang sabi Niya, “Kung iniibig ninyo angsanlibutan, o ang mga bagay ng sanlibutan, ang pag-ibig ngDiyos ay wala man lang sa inyo.” Kita n’yo? Kaya papaano kayomagbubuntis sa Salita ng Diyos na humahatol sa sanlibutan,humahatol sa Hollywood, humahatol sa lahat ng mga pausongmoda nito, humahatol sa lahat ng mga party na ito at mga kunganu-anong ginagawa, at kung ano pa mang tawag na mayroonsila sa pangalan ng relihiyon?Hinahatulan iyanNito. Papaanongmapagbubuntis ng Salita ang isang tao: papaanomagagawa iyansa isang babaeng maikli ang buhok, na pintado ang mukha,nagsusuot ng shorts?175 Papaano magagawa ng isang mangangaral, na pupunta ritosa isang seminaryo, at titingin sa Mga Gawa 2:38 at makikita nawalang isa mang tao sa Biblia na kailanman ay nabautismuhansa mga titulo na iyon, at pagkatapos sasabihin pa rin nasiya ay buntis sa Salita ng Diyos? Nagsasabi siya sa inyo ngkasinungalingan! Ipinagbili niya ang kanyang mga karapatansa pagkapanganay. Nagkasala siya ng pangangalunya labansa mismong Bagay na sinabi niya. Siya ay inihiwalay na, sadiborsiyo.

Ang Diyos ay magkakaroon ng isang malinis na Iglesya,sadyang ganoon nga, isang Nobya.176 Ang sabi ng Biblia, “Ang Salita ay wala sa inyo.” Kaya anonguri ng mga anak ang iniluluwal ninyo? Buntis na mga maka-

32 ANG BINIGKAS NA SALITA

denominasyon. Hindi pa nagkaroon ng kamatayan doon paraihiwalay kayomula sa inyong unangmángingibig.177 “Ano kaya ang iisipin ng mga Jones kung ako ay mag-iiiyakat magsasalita sa iba’t ibang wika? Ano kaya ang iisipin nilakung ako ay nagpabautismo muli?” Napaka-walang kuwenta!Ikinasal ka ba sa mga Jones? Ikinasal ka ba sa iglesya? O ikinasalka kay Cristo, ang Salita?178 Ngayon, iyan ang dahilan kaya nagsisilang pa rin siya ngkanyangmga anak. Anong uri ngmga anakmayroon siya?Naritoang ilan sa mga pangalan nila na tinatawag nila ngayon: cats,beatles, monsters, rickies, rickettas. Cats, beatles, iyan ay mgamiyembro ng iglesya. Totoo. Silang lahat ay kanyang mga anak,mga anak ni Cain, na siyang mga anak ng naturang tusonghayop, na sadyang napakapinong mandaya.179 Ngayon tingnan nang maigi sandali, sa pamamagitan nginyong sariling espirituwal na paningin, ang inyong kaluluwa.Tumingin lamang sa paligid. Ako’y nangungusap sa buongbansa ngayon. Tumingin lamang sa ilang sandali, kayo diyansa Branham Tabernacle, kayong mga nasa mga tabernakulo saWest Coast, at Arizona, at sa lahat ng dako na kinaroroonanninyo. Tumingin kayo sa inyong sarili sa ilang sandali. Sasabihinninyo, “Ang Mensahe na iyan na ipinapangaral mo, Kapatid naBranham, ay mali.” Tumingin kayo sa inyong sarili nang kaunti.Hayaan ang Espiritu Santo na saliksikin ang inyong mga pag-iisip sa pamamagitan ng Salita, sasang-ayon kayo sa Mensahe.Hayaan si Cristo, ang pinahirang Salita, na saliksikin ang inyongsariling budhi. Hayaan Siyang pumasok sa inyo, tingnan kungIyan ba ay tama o hindi. At iyan lamang ay isa o dalawa namga bagay na binanggit ko, gayong mayroong daan-daan samga iyon.180 Sumasang-ayon ba ang Biblia sa isang babae na nagpuputolng kanyang buhok? [Sinasabi ng kongregasyon, “Hindi.”—Pat.]Ang Biblia ba ay naniniwala, sumasang-ayon sa tatlo, diyansa mga pagbabautismo sa pangalan ng “Ama, Anak, EspirituSanto”? [“Hindi.”] Walang gayong bagay. Sumasang-ayon baang Biblia sa pagsusuot ng babae ng kasuotang panlalaki?[“Hindi.”] Buweno, tingnan lamang ang tatlong iyan doon, kungsaan mayroong daan-daan pa. Saliksikin ito sa Liwanag ngSalita ng Diyos.181 Sasabihin ninyo, “Isa akong miyembro ng iglesya.” Ganoondin si Cain. Ganoon din si Eba. Sinasabi na ng Biblia, sa mgahuling araw, na ang Laodicea aymagiging ganoon din.182 Hayaan ang Espiritu Santo na saliksikin ang inyong budhi,at kayo ay sasang-ayon sa Daniel 5:12. Nang ang reyna aylumapit sa harapan ni Belteshazzar, at sinabi na natuklasanniya na mayroong isang propeta, si Daniel, na nasa kalagitnaannila, at siya ang pumapawi ng mga pag-aalinlangan. Hayaan

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 33

ninyo ang Espiritu Santo. Siya ang Propeta ng panahon. HayaanSiyang pumasok sa inyong puso ngayon mismo at siyasatinsa Salita ng Diyos, at ang mga pag-aalinlangan sa Mensaheay mapapawing lahat. Pinapawi Niya ang lahat ng mga pag-aalinlangan. Masusumpungan ninyo, na ito’y tugmang-tugma saSalita para sa panahon na ito.183 Hindi ninyo maaaring ipangaral ang mensahe ni Lutherngayon. Kasama iyon Dito, ngunit iyon ay ang mga paa. Uh-huh. Uh-huh. Hindi maaaring ipangaral ang kay Wesley. Hindimaaaring ipangaral ang sa Pentecostal. Tayo’y lubos na lampasna diyan. Sila ay naging denominasyon na at nangamatay na.Sila ang tangkay.184 Ang tangkay ay lumitaw kasama ng dahon, iyan ang unangkalagayan ng iglesya. Ngayon, iyan doon ay hindi naman katuladyaong unang butil na naibaon sa lupa, na trigo.185 Ang ikalawang lumitaw ay isang pollen. Hindi pa rinniyan katulad yaong butil. Medyo kahawig lang niyon. Iyon aydumarating na halos kawangis ng tunay na butil. Ngunit angmga dahon ay totoong hindi kawangis ng butil na naibaon salupa. Iyon ay tagapagdala lang ng buhay na nasa butil. Ngunitano ang ginawa niyon? Iyon ay nagdenomina, katulad lamangng ang lahat ng ibang kalikasan ay tumutugma rito. Iyon aynamatay.186 Pagkatapos ay ano? Ang buhay ay tutuloy mismo doon sauhay. Mayroon itong maraming maliliit—maliliit na mga bolana nakabitin dito, na mukhang parang maliliit—maliliit na mgabutil sa loob nito. Para bang isang totoong butil, pero hindi.187 Pagkatapos ay tutungo ito doon sa pagkatalukap. At ano angpinalilitaw niyon? Isang talukap.188 Ngayon, kumuha kayo ng isang butil ng trigo, kapag angtrigo ay nagsisimula nang umusbong. At sinabi ni Jesus, “Isangbutil ng trigo…” At kunin n’yo ang trigo na iyan at buksan ito.Hilahin n’yo ito sa tangkay. Tingnan n’yo ito. Sasabihin n’yo,“Mayroon na kaming butil ng trigo.” Mag-ingat kayo. Kahawiglamang ito ng butil, pero walang isa mang butil doon. Iyon ayisang talukap.189 Hayun ang mga Pentecostal, “Na halos na,” gaya ng sinabing Mateo 24:24, “mailigaw ang mismong Mga Hirang sa mgahuling araw, kung maaari.” Ngunit hilahin ninyong isa-isa angmga dahon, wala kayong anumang butil. Ang butil ay kasunodpa mismo niyon. Kita n’yo?190 At pagkatapos ang Buhay ay aalis sa denominasyon na iyan,paparoon sa butil. Pagkatapos anong mangyayari? Kapagkaang butil ay nagsimulang lumaki, at para mas lumaki paupang Ito ay makatakip sa isang bagay, ang denominasyon ayhumihiwalay mula Rito. Bakit hindi tayo nagkaroon ng isang

34 ANG BINIGKAS NA SALITA

denominasyon mula Rito? Hindi sila magiging gayon kailanman.Ito na ang butil. Ito’y wala nang paroroonan pa. Tayo’y nasahuling panahon na. Kaya ano na ang kailangan Nitong gawinngayon? Ang mabilad sa presensiya ng Anak, upang mahinog,ganyan ngang talaga, ang Salita para mahinog sa inyong puso,upang ilabas at ipamuhay ang kung ano ang ating sinasabi.Siyanga, po.191 Kung gayon ay hindi na kayo magkakaroon pa ng mga pag-aalinlangan, kung hahayaan ninyo ang Espiritu Santo na ihayagIto sa inyo, katulad ng sinabi ng reyna tungkol kayDaniel.192 Maaaring sabihin ninyo, “Ano naman ang kinalaman nitosa pagpapasalamat? Anong sinasabi mo, Kapatid na Branham?Heto na, labinlimang minuto bago mag-alas-nuwebe. Walaka pang sinabing kahit ano tungkol sa pagpapasalamat.”Napakatugmang Mensahe para sa naturang okasyon, para saakin! Oo, talaga.193 Ang mga magulang nating manlalakbay noon ay labisna nagpapasalamat sa kanilang bagong-nasumpungangpamamaraan ng pamumuhay, bilang nahiwalay na mula sasinaunang Ingles na mga denominasyon at kredo. Maaari nasilang maikasal sa bagong pinahirang Salita para sa kanilangkapanahunan; tama ’yan, ang bago, pinahirang Salita ngkanilang kapanahunan, para sa kanilang panahon.194 Gayon din naman na tayo ay labis na makapagpapasalamat,bilang mga manlalakbay, tulad ni Abraham, na inihiwalay naang ating sarili mula sa mga bagay ng sanlibutan, sa lahat ngatingmga naging kasamahan. Si Abraham ay isangmanlalakbaynoon. Inihiwalay na tayo ngDiyosmula sa lahat ngmga patay narelihiyon. Ako’y nangungusap sa buong bansa ngayon, lahat ngmga patay na kredo. At upang ano? Inihiwalay tayo, at binuksansa atin ang isang bagong lupain, isang bagong Mensahe para sapanahon na ito.195 Natuyot at namatay na ang Pentecostal, katulad nina Luther,Wesley, at ng lahat ng iba pa sa kanila. Iyon ay wala nang iba pakundi isang kawan na lang ng mga iglesya na pinagsama-sama.May mga taong mabubuti na naroon, gayon pa man, kailanganglumabas.196 Anong ginawa Niya? Binuksan Niya ang Pitong Selyo nghuling Mensahe. Napansin ba ninyo iyon? Ang Pitong Selyo, na,ang lahat ng mga hiwaga ng pitong kapanahunan ng iglesyaay naselyuhan ng Pitong Selyo. Ang mga repormador ay hindinagkaroon ng sapat na panahon para gawin ito noong kanilangpanahon. Hindi sila nabuhay nang matagal-tagal. Ngunit itongpinagpalang kapahayagan ng Pitong Selyo, ito ay bukas na saatin sa mga huling araw na ito, mula sa isang propesiya nanaipahayag doon sa Arizona.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 35

197 Kung gaano kong hiniling sa Diyos, noong isang araw, “Anopo ba ang gagawinMo sa akin dito sa disyerto?”198 Alam ba ninyo na isinulat ni Moises ang Bagong Tipan…oang Lumang Tipan? Totoong ginawa niya. Inilalahad ng unangapat na Aklat ang mga kautusan tungkol sa lahat na: Genesis,Exodo, Levitico, at Deuteronomio. Isinulat niya ang LumangTipan. Para magawa iyan, ay kinailangan niyang iwan ang lahatniyang mga kasama at mga mahal sa buhay, at pumaroon sadisyerto.199 Isinulat ni Pablo ang Bagong Tipan. Tama ’yan. Isinulat niyaang Mga Taga Roma, at ang Mga Taga Roma at ang lahat ng ibapa Nito doon, ang Mga Taga Hebreo at Timoteo, at iba pa. Atupang magawa iyan, kinailangan niyang ihiwalay ang kanyangsarili, at pumaroon sa Arabia, sa isang disyerto, sa loob ngtatlong taon, tanggapin ang kapahayagan ngDiyos.200 “Oh,” sasabihin ninyo, “papaano naman sinaMateo, Marcos,Lucas, at Juan?” Sila ay mga manunulat na isinulat lamang angginawa ni Jesus.201 Si Pablo ay pinagbukud-bukod at pinagbuo-buo angSalita. Tama ’yan. Buweno, kung gayon, tingnan ninyo, kungkinailangan niyan, at kinailangang pumaroon sa isang disyerto,malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.202 Natatandaan ninyo kung ano, Ano Na Ba Ang Oras, Ginoo?Ilan ang mga nakarinig niyon? Sabihin, “Amen.” [Sinasabing kongregasyon, “Amen.”—Pat.] Iyon ba ay totoong tama?[“Amen.”] Kung gayon nakamtan natin ang kapahayagan samga huling araw na ito, para matipong sama-sama ng Mensaheng Panginoong Diyos ang Kanyang Nobya. Walang ibangkapanahunan ang pinangakuan ng ganito. Ito’y ipinangako sakapanahunang ito: Malakias 4, Lucas 17:30, San Juan 14:12,Joel 2:38. Ang mga pangakong iyon ay sadyang katulad ni JuanBautista na ipinakilala ang kanyang sarili sa Kasulatan.203 Ipinakilala ni Jesus ang Kanyang Sarili. Ano’ng sinabi nila?“Lumayo kayo sa ganyang tao!” “Si Juan ay isang mailap natao.” Hindi kayang tanggapin ng iglesya iyon. Iyan ang tularán.Ni hindi rin matatanggap ito ng iglesya ngayon.204 Ngunit, sa Mga Hinirang, ang Diyos ay tumatawag sa MgaHinirang. Nakikilala nila iyon: tinatawag ang malinis na Nobya,ang Salita, ang panghuling-panahon na Iglesya, ang hinirangna Babae ng ating Panginoong Jesus Cristo, na Salita. Kung…Si Jesus ay ang Salita. Ilan ang naniniwala niyan? [Sinasabi ngkongregasyon, “Amen.”—Pat.] Mabuti. Kung gayon, ang Nobyaay laging bahagi ng Nobyo, kaya ang Nobya ay hindi magigingisang denominasyon. Ito ay dapat na maging ang Salita, nanahahayag, upang maging Nobya ni Cristo. Ipinangako Niyana gagawin ito. Sinabi Niya kung papaano Niya ginawa. Hindikailanman ginamit…nawala ang Kanyang tularán. Ginawa

36 ANG BINIGKAS NA SALITA

Niya iyon sa tuwina sa pamamagitan ng tularán. GinawaNiya iyon, sa bawat pagkakataon, sa pamamagitan ng tularán.Ginagawa Niya ito muli, tinatawag ang Kanyang malinis naNobya sa huling panahong ito, ang kaibig-ibig na si Rebecca nanaghihintay saKanyang Isaac. Napakagandang panahon!205 Dito ay inilalantad nito, ang dalawang aklat na magigingmisteryo sa inyo kapag nabasa ninyo ang aklat ng AngPitong Kapanahunan Ng Iglesya. Ang naturang dalawang aklat:ang aklat ng buhay, ay sinabing, may isang nagsasabi namailalagaymo ang iyong pangalan diyan, hindi ka na kailanmanmabubura; ’yung isa naman ay nagsasabing aalisin mo angkanyang pangalan mula doon sa Aklat ng Buhay. Ganap nitonginilalantad iyon, dito mismo. Ako’y hihinto nang ilang sandali,marahil, sa ilang tala na naririto, at makuha ito bago tayomagtapos.206 Ang buhay ay isang sagradong bagay, sa Diyos, atito’y nakatala sa isang aklat. Ang Diyos ang siyang May-Akda ng buhay. Pinaniniwalaan ba ninyo iyon? [Sinasabi ngkongregasyon, “Amen.”—Pat.]207 Ang ating natural na buhay rito, na mayroon tayo, ayisa lamang na binaluktot. Ito talaga ay dapat sana natamang buhay, sa simula pa lang, pero ito’y nabaluktot ngnatural na kapanganakan. Ang unang buhay, o ang inyongunang pakikipagkaisa, kayo ay pinag-isa sa kapanganakan,sa pamamagitan ng kalikasan, isang natural na gawa. Isangnatural na tao na pinag-ugnay, lalaki at babae nagkasama,pinag-ugnay na magkasama sa seksuwal na bagay, na nagdalang inyong unang buhay dito, at iyan ay may kaugnayan sakasalanan at kamatayan. Papaanong di n’yo pamakita ang binhing serpiyente?208 Gayong nakikita ninyo ang babae, na isang kalakip lang naprodukto; walang ibang babae ang katulad niya; na ginawa saganyang kalagayan, nalalaman na siya ay madadaya. Alam ngDiyos. Kung hindi Niya alam ang wakas mula sa pasimula, hindiSiya Diyos kung gayon. Kung hindi Siya walang-hanggan, kunghindi Siya…At hindi Siya maaaring maging walang-hanggannang hindi nagiging nakakabatid sa lahat ng bagay, sumasalahatng dako, nalalaman ang lahat ng mga bagay, Walang Hanggan.Kaya alam Niya ang lahat ng mga bagay, at kailangan Niyanglikhain ang babaeng iyan.209 Ang lalaki aywalang asawa noon. Ang asawang babae at angasawang lalaki noon ay iisa lang. Taglay pa ng lalaki noon angpambabae at panlalaki na espiritu sa kanyang sarili.210 Kinailangan Niyang paghiwalayin, kumuha ng isangkalakip na produkto, matapos na ang buong sangnilikha aynalikha na. Walang babae na nilikha ng Diyos, sa orihinal napaglilikha, na makagagawa ng bagay na tulad niyan. Ginawa

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 37

siyang ganyan, para magawa iyon. Alam Niyang gagawin niyaiyon. Kung hindi Niya alam, ay hindi Siya Diyos.211 Ngunit, kita n’yo, ang mga katangian na nasa Diyosay kinailangang maipakita. Siya—Siya ay magiging isangTagapagligtas. At upang likhaing sakdal ang lahat-lahat, gayasa mga ginawa na Niya, kung gayon ay walang bagay namapapahamak. Oh, huwag maging mga bata. Magpakalalaki atmagpakababae. Tayo’y nasa dulo na ng daan. Pansinin ninyo.212 Ngayon, iyon ay kalikasan, na nakaugnay sa kamatayan.Ang inyong unang asawa, na mayroong pamamahala sa inyo, ayang inyong kalikasan sa natural na kapanganakan. Sa natural,iniibig ninyo ang sanlibutan dahil kayo ay ang sanlibutan, atbahagi ng sanlibutan. Tama ba? [Sinasabi ng kongregasyon,“Amen.”—Pat.] Ang inyong mga pagnanasa, ayon sa inyongkalikasan, ay ang ibigin ang sanlibutan kung saan kayo aybahagi niyon. Kayo’y bahagi ng kalikasan. Pinaniniwalaan baninyo iyan? [“Amen.”] At natural na bagay iyan sa inyo.213 Iyan ang dahilan kaya dapat kayong maipanganak na muli.Kailangan n’yong humiwalay; kailangan n’yong mamatay saunang asawa na iyan. Hindi kayomaaaringmamuhay na kasamaiyon. Hindi ninyo maaaring sabihin lamang na, “Buweno,ididiborsiyo ko siya, at hayaan lang muna siya rito hanggangsa may pagkakataon na naman.” Hindi, po. Hindi lang bastakasulatan ng paghihiwalay! Siya ay kailangang mamatay. Angkalikasan ng sanlibutan ay kailangang mamatay. Bawat kaliit-liitan na bahagi niya ay kailangang mamatay. Kayo ay dapat namaibalik, muli, sa isa pang Kalikasan.214 Ang inyong pangalan sa inyong unang kalikasan, ayipinanganak, at inilagay sa isang aklat ng buhay. Ang lahatng inyong mga gawa ay isinulat rin doon. Lahat ng bagay nanagawa ninyo sa ilalim ng kalikasan na iyan ay inilagay sa isangaklat, na tinatawag na aklat ng buhay.215 Napansin ba ninyo, sa Daniel, nang siya ay pumaroonsa “ang Matanda sa Mga Araw, na ang Kanyang buhok aykasing puti ng balahibo ng tupa. Laksa-laksa ang naroongkasama Niya, upang maglingkod sa Kanya; ang—ang Nobya. Atpagkatapos ang mga aklat ay binuksan.” “At isa pang Aklat angbinuksan, na siyang Aklat ng Buhay.” Kita n’yo? Mayroon nangmga banal na naroon na, ang Iglesya, angNobya. “Isa pangAklatang binuksan, na siyang Aklat ng Buhay.”216 Ngayon, kayo, ngunit kapag kayo ay naihiwalay sapakikipag-isang iyon, sa pamamagitan ng espirituwal nakamatayan. Ang inyong natural na nasain ay putulin ang inyongbuhok. Ang inyong natural na nasain ay magsuot ng shorts,pintahan ang inyong mukha. Ang inyong natural na nasain aymaging intelektuwal, matalinong tao, may higit na nalalaman

38 ANG BINIGKAS NA SALITA

kaysa sa iba. Iyan ang gusto ni Eba. Iyan ang mismong gustoniya.217 “Aba, nga naman! Ikaw maliit na dalawang kapiranggot,na pipitsuging mangangaral, tatayo diyan at pagsasabihan paako? Mayroon akong Ph.D., LL.” Lalo ka lang inilalayo niyansa Diyos, sa tuwing magdaragdag ka ng isang bagay. Kita n’yo?Kita n’yo? Iyan ay tama. Totoo ’yon. Kita n’yo?218 Iyan ang pinili ni Eba. Siya noon ay buntis sa ganyanguri ng pagbubuntis. Ganyan ang iglesya sa ngayon, dahil samga paaralang pang-Biblia at mga intelektuwal. At, tingnanninyo, bawat isa ay hindi sumasang-ayon sa iba pa, isa nangmalaking kalituhan katulad na katulad lamang sa sinabi ngBiblia, “Babilonia.”219 Alam ng Nobya kung saan Siya naninindigan. Siya aytalagang kakaunti. Hindi marami ang maliligtas; talagang,talagang, talagang kakaunti lamang. Sasabihin ninyo, “Aba,doon, ang sabi, ‘libu-libo.’” Oo nga. Pero sila’y nagmula sa buongdalawang libong taon, din naman, sa bawat kapanahunan kungsaan Ito nagmula. Kailanman…220 Sa kapanahunan ni Luther at ng grupong iyon; atpagkatapos ay nangamatay, at napunta na sila, nagingdenominasyon na; pagkatapos ay si Wesley; at pagkatapos aydumating na ang mga pentecostal, at iba pa. Lahat na ng maliliitna lumabas na mga sanga ng mga Baptist, Presbyterian, mgaMethodist, mga Nazarene, Pilgrim Holiness, at iba pa, kita n’yo,lahat ngmga iyon na nagsangamula doon katulad ng dahon.221 Ngunit, tandaan, nang ito ay naibaon; at ang butil aynagsimulangmahinog.Masusumpungan ninyo, na bagomahinogang butil na iyan, lahat ng nasa tangkay na iyan ay kailangangpatay na. Aleluya! Hindi ba ninyo nakikita kung saan na tayonaroroon? Nasa butil na muli ang Buhay. Ano nga ito? Katuladna katulad lamang ng gayon ding butil na nabaon sa lupa, angsiya ring si Jesus sa anyong Nobya, siya ring kapangyarihan, siyaring Iglesya, siya ring bagay, siya ring Salita. Ang siya ring Salitana hinigop mula sa mga ito at lumabas rito, at humantong sa ulorito. At ang buong Buhay na iyan na dumaloy rito, ay pinili angmga tao nito. Ngayon ito’y nahuhubog na patungo sa ulo, parasa Pag-Agaw. Ipangangaral ko iyan bukas ng gabi, o sa susunodna gabi, isang gabi, kung loloobin ng Panginoon.222 Buweno, kayo ay nahiwalay mula sa inyong unangpakikipag-isa, sa pamamagitan ng espirituwal na kamatayan.Ngayon kayo ay ipinanganak na muli, o muling ikinasal, tungosa bagong espirituwal na pakikipag-isa; ng hindi sa inyongnatural na buhay ng mga bagay ng sanlibutan, kundi ng Buhayna Walang Hanggan. Ang binhi na iyan na nasa inyo na sapasimula, ay natagpuan kayo.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 39

223 Ngayon, ang inyong dating aklat ay wala na, kasama anginyong dating pakikipag-isa. Ngayon, ang inyong pangalan sainyong dating, sa inyong…ay nailipat na. Ngayon, sasabihinninyo, “Ibig mong sabihin sa akin na ang dati kong aklat…”Inilagay na iyon ng Diyos sa Dagat ng Kanyang Pagkalimot.Tumatayo kayong sakdal na sa harapan ngDiyos.224 Ngayon, ang inyong pangalan ngayon ay nasa bagong Aklatna; hindi ang aklat ng buhay, kundi ang Aklat ng Buhay ngKordero, ang tinubos ng Kordero. Hindi ang lumang aklat nginyong natural na pakikipag-isa, kundi ang inyong bago, napagka-Nobya. Aleluya! Ang inyong bagong buhay ay nasa Aklatng Buhay ng Kordero, ang inyong kasamiyento, aleluya, kungsaan ang inyong tunay na Walang Hanggang binhi, na mulapa sa pasimula, ay nanghawakan na. Ngayon hindi lamangkayo pinatawad, kundi kayo ay inaring-ganap. Luwalhati!“Inaring-ganap,” sabi ng Mga Taga Roma 5:1. Oo. Sinabi ngMga Taga Roma 5:1, “Yaman nga na mga inaaring-ganap sapananampalataya.”225 Tingnan ninyo ang salitang iyon. Ang naturang salitaay hindi nangangahulugang pinatawad. Ang salitangiyon ay nangangahulugang inaring-ganap. Hindi iyonnangangahulugang pinatawad ka na.226 Halimbawa, narinig ninyo na ako ay nalasing at—at gumawang mga bagay na masama, at lahat na. Pagkatapos ay lalapitkayo, sasabihin n’yo sa akin. Nalaman ninyo na hindi konaman pala ginawa ang mga iyon, pagkatapos ay lalapitkayo, sasabihin, “Kapatid na Branham, pinatatawad na kita.”Pinatatawad ako? Hindi ko naman ginawa iyon, unang-una.Kita n’yo?227 Ngayon, kung ginawa ko nga iyon, ako’y may-sala. Ngunitmaaari ninyo akong patawarin, at ako ay wala nang kasalanan.Ngunit gayon pa man ay hindi ako naaring-ganap, dahil ginawako talaga iyon.228 Ngunit ang salitang, inaring-ganap, ay para bang hindimo nagawa iyon. Amen. Ni hindi iyon isinaalang-alang, manlang. Papaano iyon nangyari? Sa Aklat ng Diyos ng Dagatng Pagkalimot, ang iyong lumang aklat at pagka-kasal ayidiniborsiyo na at patay na. Ni wala na nga iyon samga alaala ngDiyos. Amen. Ikaw ay inaring-ganap. “Yaman nga na inaaring-ganap.” Iyon ay pinaratangan noon. Ikaw ay pinaratangan noon.Hindi mo iyon kailanman ginawa, unang-una. Ang naturanglumang pakikipag-isa ay nasa Dagat na ng Pagkalimot ng Diyos.Hindi ka naman naikasal doon, sa simula pa lang. Siya, angNobyo, ay pinasan ang iyong kahihiyan, Siya Mismo, para saiyo, na kahalili mo. Kinuha Niya ang iyong lugar, dahil sa ikaway itinalaga para sa Kanya, na mapabilang sa Kanyang Nobya,

40 ANG BINIGKAS NA SALITA

bago pa ang pagkatatag ng sanlibutan. Gayon nga ang sinabi ngBiblia. Kayo ang itinalagang Binhi.229 Papaanong nangyari na nagawa n’yo ito? Nadaya kayodito dahil sa inyong unang kasal, sa inyong mapangalunyangmagulang, na si Eba. Hindi ninyo sariling kasalanan iyon. Sainyong natural na kapanganakan, dumating kayong kasunod niEba, na nagkasala ng pangangalunya. Iyan ang dahilan kayakayo ay ipinanganak na isang mangangalunya. Kayo’y isangmakasalanan, unang-una. Tama ’yan. Kayo ay nadaya dito. Walakayong…Hindi, kayo, hindi n’yo iyon pagkakamali.230 Hindi ninyo kailanman ginawa iyon. Dahil, ang muntingbinhi na iyan na nasa inyo, ay siyang kayo, bago pa angpagkatatag ng sanlibutan. Inilagay ng Diyos ang inyongpangalan sa Aklat ng Buhay ng Kordero.231 Katulad ng aking kuwento tungkol sa munting agila,lahat kayo ay narinig na iyon. Isang inahing manok…Isangmatandang magsasaka ang nagpalimlim ng isang—isang inahin,minsan. Kaya wala siyang sapat na mga inahin…mga itlogpara ipalimlim sa inahin. Kaya pagkatapos ay nakakita siya ngisang itlog ng agila, at ipinalimlim niya ito dito. Nang isilangna ang agila, iyon ang pinaka-katawa-tawang itsurang manokna kailanman ay nakita nilang mga manok, maliit na agilangnaglalakad-lakad. At sasabihin naman ng inahin, “Kluk, kluk,kluk, kluk.”232 Sabi ng munting agila, “Hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin ng tunog na iyan, pero susunod ako sa kanya, kahitpapaano.”233 At lumabas sila sa may bakuran at nagsimulang kumahigsa mga bunton ng dumi. At siya, “Kluk, kluk, kluk. Masarap ito.Masarap ito. Sumali ka sa amin. At ito ang…”234 Ang munting agila na iyon, hindi naman niya makain angbagay na iyon. Kita n’yo? Siya lamang ay—pasama-sama langsiya doon sa manok dahil hindi niya alam. Hindi niya alamkung ano ang gagawin. At pagkatapos ay lumabas ito doon, attutuka ito ng ganito o ganoon. At angmunting agila ay sadyang—kailangan lang niyang sikmurain iyon, pero siya—hindi niyaalam kung papaano gawin iyon. Pero nakita niya ang lahat ngmga manok na ginagawa iyon, gayun pa man may bagay nakakaiba. Hindi niya gusto iyon.235 Kaya, isang araw, alam ng ina na nangitlog siya ng dalawa.Kaya nagsimula siyang hanapin ang isang iyan, lumilipad-lipad,naghahanap-hanap, katulad ng dakilang Espiritu Santo. Isangaraw lumipad siya doon sa may bakuran, sa denominasyon naiyon. Tumingin siya doon sa ibaba, at nakita niya ang kanyanganak. Sumigaw siya. Iyon ay ang Tinig ng kung anong bagayna umalingawngaw mula sa kaloob-looban niya. [Blangkongbahagi sa teyp—Pat.] Oh, Iyan aymagandang tunog! Oh! Hayaan

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 41

na ang totoong itinalagang-ipinanganak na muli na binhi, naitinalaga ng Diyos, aymarinig ang Salita ng Diyos, Ito aymusikapara sa kanya. Alam niya na Ito angKatotohanan.236 Siya’y pagod na sa bagay na iyan na maka-denominasyon,kung tutuusin naman, “Umanib ka sa amin. Halika, sumamaka sa amin. Mayroon kaming isang pangkasayahang pagtitipon.Mayroon kami nito. Mayroon kaming…” Iyon ay sadyang hinditamang tunog, para sa munting agila.237 Sabi nito, “Anak, hindi ka naman kabilang sa grupong iyan,kung tutuusin. Kabilang ka sa akin. Akin ka.”238 Sinabi niya, “Nanay, mukhang totoo nga po iyan. Papaanopo ako makakalabas?”239 “Basta lumundag ka lang. Sasaluhin kita.” Uh-huh. Iyanlang ang kailangan mong gawin.240 Ang pinahirang Salita ng Diyos na pinatunayan sa harapanng sinumang tao na ipinanganak upang maging anak ng Diyos,na taglay ang itinalagang binhi sa loob niya para sa panahongito, ay makikita niya ang Mensahe ng Diyos na kasing tiyak namayroong isang Diyos sa Langit. Nakita ni Martin Luther Itopara sa panahon niya. Nakita ni Wesley Ito para sa panahonniya. Nakita ng pentecostal Ito para sa panahon niya. Ngayonpapaano naman kayo? Uh-huh. Naging isang denominasyon sila.Narito ang Salita na hinahatulan iyon; sinasabi sa inyo kungano ang matatanggap natin ngayon, at tugmang-tugma lamangsa Malakias 4 at lahat nitong iba pang mga pangako para sapanahong ito. Ano ang nakikita ninyo? Ano ang namamasdanninyo? Amen. Narito na tayo. Ang talagang tunay na agila aynakikinig. “Nakikilala ng Aking mga tupa ang Aking Tinig.Hindi nila susundan ang isang hindi nila kilala.”241 Bakit? Inilagay Ito doon sa pamamagitan ng pagtatalaga.Kayo ay itinalaga na maging isang anak ng Diyos. Kayo ay nasaDiyos na bago pa ang pagkatatag ng sanlibutan. Kayo lamangay nahayag sa panahon na ito para sa Kanyang karangalanat kaluwalhatian. Papaano ninyo magagawa ito nang hindipinahahalagahan ang Kanyang Salita, at manindigan sa bawatSalita ng Diyos? Siyanga, po. Na, kayo ay bahagi ng Salita naiyan, ayon sa pagtatalaga.Dahil, tingnan ninyo, angDiyos ay angSalita. Pinaniniwalaan n’yo ba iyan? [Sinasabi ng kongregasyon,“Amen.”—Pat.] Buweno, sa gayon, kung…Siya ay laging angSalita. “Nang pasimula ay ang Salita.” At kung ang Salita ayDiyos, kung gayon kayo noon ay nasa Diyos. Ang Salita, angbahagi na inyong gagampanan, ay nasa Diyos na bago pa angpagkatatag ng sanlibutan. Nakita na Niya kayo. Kilala na Niyakayo. Itinalaga Niya kayo doon.242 Sasabihin ko sa inyo, kagaya lang ng kung paanong angagilang iyan ay napagkilala ang tinig na iyon, gayon dinnaman na ang isang—isang tunay na ipinanganak na muling

42 ANG BINIGKAS NA SALITA

Cristiano ay makikilala ang Tinig ng Diyos na nangungusap sapamamagitan ng Salita, kapag nakita nila Itong pinahiran atpinatunayan. Tingnan n’yo. Tumingala siya Doon. Hindi niyanakita itong matandang inahin na nag-kluk-kluk sa paligidrito, “Umanib ka sa amin at magpunta ka rito. At pumunta karito, at pumunta dito at diyan.” Nakita niya ang isang—isangnilalang na gusto niyang maging katulad, na pumapailanlang sahimpapawid, sumisigaw, malaya, na naroon sa kaitaasan, na saibabaw pa ng lahat ng mga buwitre at mga bagay na makalupa.Aleluya! Gusto niyang maging ganyan dahil nasa kanya angmaging ganyan.243 At ang isang tao na ipinanganak ng Diyos, isang anak ngDiyos, ay dapat na taglay niya ang kalikasan ng Diyos. Siyaay dapat na maging katulad ng Diyos. Pinararangalan niya angDiyos. Siya ay bahagi ng Salita ng Diyos. At sa mga huling arawna ito, ng nahuhubog na Nobyang ito, sa sadyang eksaktong siyaring kapangyarihan na Siya nga sa pasimula, ay dumaan sa lahatnitong mga organisasyon, at iba pa, at nabuo nang kabilang saNobya. Siya ay wala nang iba pa kundi iyan.244 Dapat sanang nakita nila Ito, silang mga Judio noongpanahon nila, nang makita nila Itong nahayag sa harapan nila,na gaya ng sinabi ng propeta na gayon Siya. Sinabi Niya,“Saliksikin ninyo ang Mga Kasulatan; sa Mga Iyon ay iniisipninyo na kayo ay mayroong Buhay na Walang Hanggan. AngMga Iyon ang Mga nangagpapatotoo tungkol sa Akin. Kunghindi Ko ginagawa ang mga gawa ng Aking Ama, ay huwagninyo Akong sampalatayanan. Subalit bagaman hindi ninyo Akomasampalatayanan, ay sampalatayanan ninyo ang mga gawa naAking ginawa.”245 Sinabi nila, “Ang aming mga magulang ay nagsikain ngmanna sa ilang sa loob ng apatnapung taon. Alam namin kungnasaan kami.”246 Sinabi Niya, “At silang lahat ay nangamatay,” iyan ay,Walang Hanggang naihiwalay. Lahat ay nangamatay. Mayroonlamang tatatlo noon, dalawa ang lumabas mula sa isang milyon,dalawangmilyon. Iyan ay isa sa isangmilyon.247 Aba, sa isang paglabas, ng binhi mula sa lalaki at babae,kadalasan ay may isang itlog na malusog. May isang itlog,isang binhi na malusog, kung nakakita na kayo ng pagpapalahisa bakahan. Pansinin ninyo. Narito ang isang—isang milyongitlog; narito ang isang milyong semilya; at kapag sila ay—ay napakawalan, upang magsama sa loob ng sinapupunan, sapagdaan sa tubo at papasok sa sinapupunan, ay magtatagposila. Ang isa sa mga iyon ay mga itlog. Isang milyong itlog;isangmilyong semilya.May iisang itlog lamang doon namalusog.May iisang binhi lamang na malusog. Silang lahat ay buhay.Mapagmamasdan ninyo silang maliliit na mga baka na nag-

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 43

uunahan doon sa loob, isang katiting na mailalagay ninyo saisang palito ng posporo.248 At si Demos at sila ay nakikinig ngayong gabi, at naalalaniya nang sumama kami sa kanila. Isinama niya ako doon,ipinakita sa akin kung papaano iyan nangyayari. Mga test tubes,at naglagay doon ng sapat lamang na maaari mong ilagay sadulo ng isang posporo. Iyon ay libu-libong maliliit na mga bakaat mga toro doon sa loob, subalit isa lamang sa kanila angmabubuhay. Isa lamang sa kanila! At narito ang isang malakingpabilog na kumpulan ng mga iyon, dito. At inyong mapapansin,ang isa ay gagapang mula sa gitna ng isa rito, mauuna, angsemilya ay pupunta rito; at isang itlog ang lalabas mula rito saiba pang mga itlog sa banda rito, at sila’y magtatagpo. At anglahat na ng iba pa sa kanila ay mamamatay. Gayon man, sila’ymga buhay, ngunit sila’y mamamatay.249 Dahil, mayroong Bagay, may Isa na gumawa sa isang itona malusog, at itinalaga ang isang ito, rin. Ito’y pagtatalaga,kapatid ko. Totoo. Ang Diyos ang magpapasya kung ito ngaay magiging batang lalaki o batang babae, mapulang-buhok,maitim na buhok, o maging ano man ito. Ito’y itinakda ng Diyos.Mas higit na mahiwaga kaysa sa isang kapanganakang birhen,para sa akin. Ngunit, pansinin ninyo, ang lahat ng iba pa sakanila ay mamamatay.250 Mayroong dalawang milyong katao ang lumabas, umawit,sumigaw, gumawa ng lahat na. Nagsalita sa…hindi kailanmannagsalita sa iba’t ibang wika. Subalit sila’y sumigaw, at—atnagbigay-luwalhati sa Diyos, at sumayaw nang paroo’t paritosa may dagat, at ginawa ang lahat ng bagay na ginawa ng lahatng iba pa sa kanila, subalit dadalawa lamang ang pumasok salupang pangako. Si Caleb ay pumasok, si Caleb at si Josue,dadalawa lang. Iyan ay isa sa isang milyon. Iyon ay isa sa isangmilyon sa natural na kapanganakan. Bawat isa sa kanila aymayroong siya ring pagpapala.

Oh, kayong mga Pentecostal, sana ay hindi kayo magiginghuli sa paggising.251 Isa mula sa isang milyon. Tingnan ninyo. Mayroongipinapalagay na limandaangmilyong naturingangmgaCristianosa mundo ngayon. Kung si Jesus ay paparito, mayroon lamanglimandaan na makakasama sa Kanya, kung gayon, kung angestadistika na iyan ay magiging tama. Aba, mayroong higit padiyan ang nawawala araw-araw, sa buong mundo. Wala silangkaalam-alam tungkol diyan.252 “‘Nauunawaan ko,’ sabi ng mga eskriba, ‘nalalaman mona…’ Bakit sinasabi ng mga eskriba na—na, ‘Si Elias aykailangang dumatingmuna’?” Sabi nila kay Jesus.253 Sinabi Niya, “Si Elias ay dumating na at hindi ninyonalaman iyon.” Kita n’yo? Ginawa Niya nang sadyang eksakto

44 ANG BINIGKAS NA SALITA

kung ano ang sinabi ng Biblia na mangyayari nga sa Kanya.Kita n’yo? “Gayon din na ang Anak ng tao ay kinakailangangmagbata. Sa ilalim…” Hindi nila Siya napagkilala. Gayonpa man, silang lahat ay nasa iglesya. Lahat ay nagsasabingmay buhay.254 Masigurado mo na isang tunay, muling-ipinanganak naCristiano, isang tunay na lingkod ng Diyos, pag narinigang Salitang iyan ng Diyos, lalabas siya kaagad mula saanumang denominasyon, tungo sa tunay na matabang lupa, sapamamagitan ng Salita, sa punlaang lupa. Sadyang gagawinniya iyon. Hindi ko alam kung papaano niya ginagawa iyon.Itinalaga na ng Diyos na gawin iyon.255 Kayo ay nadaya sa pasimula, dahil sa inyong unang kasal.Ngayon alam na ninyo kung ano ang totoo. Katulad lamangng sinabi ko, ang munting agila nang marinig niya ang Tinigng Nobyo, ay nagpunta siya Doon, sa pinahiran, pinatunayangSalita ng Diyos para sa huling panahon.256 Si Noe ay ang pinatunayang Salita para sa kanyangpanahon.Naniniwala ba kayo diyan? [Sinasabi ng kongregasyon,“Amen.”—Pat.] Buweno, ang kanyangmensahe ay hindi na uubrangayon.257 Si Moises ay ang pinatunayang Salita sa kanyang panahon.Naniniwala ba kayo diyan? [Sinasabi ng kongregasyon,“Amen.”—Pat.] Hindi na iyon uubra para sa ngayon. Si Jesusay…258 Si Juan ay ang pinatunayang Salita. Pinaniniwalaan n’yoba iyan? [Sinasabi ng kongregasyon, “Amen.”—Pat.] Hindi iyonuubra noong panahon ni Jesus. Talagang hindi. Hindi, po. “Angkautusan at ang mga propeta ay hanggang kay Juan; mula noon,ang Kaharian ng Langit.”259 Ang mga apostol, sila na mga nagsaayos ng Biblia. Naritodumating si Luther, noong repormasyon, ang kanyang mgasalita, iyon, ang kanyang iglesya, ay hindi na uubra ngayon. Angkay Wesley ay hindi na uubra. Ang sa Pentecostal ay hindi nauubra. Umubra iyon noong kanilang panahon.260 Subalit ito’y ibang panahon na. Ito ay ang pagbubukas nang Pitong Selyo. Alam kong Ito ay kakaiba sa inyong pandinig,ngunit iyon ay lubusang pinatunayan na ng Diyos. Walang—walang alinlangan Dito. Sadyang napakasakdal! Hindi ko iyanisinisiwalat sa lokal na kapulungan dito. Ako’y nangungusapsa mga tao sa buong bansa. Kita n’yo? Gawin ninyo ang gustoninyong gawin.261 Ngayon pansinin ninyo ang pinahirang Salita ng kanyangpanahon, na kayo ay kabahagi, sa pamamagitan ng pagtatalaga.Kaagad ninyong, parang, nalaman. Nang marinig ninyo Iyan,alam ninyo kaagad na kayo ay isang agila. Inyo ring napagtanto

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 45

na kayo ay hindi isang denominasyonal na manok, sa simula palang. Alam ninyong mayroong bagay na mali doon. Mayroongbagay na mali, tama ’yan, sapagkat alam ninyo na kayo aynalinlang lang dito, noong pasimula.262 Siya, ang Nobyo, ay inalis ang inyong kahihiyan, “Atinilagay iyon sa Dagat ng Pagkalimot, sa pamamagitan ngpaghuhugas ng Tubig ng Salita at ng Dugo ng Buhay.” Iyan angsinabi ng Biblia. Ang inyong unang asawa na doon kayo ikinasal,ay ang sanlibutan; ang pinahirang Nobyo, na siyang nagtalagasa inyo, ay hinugasan kayo sa paghuhugas ng naturang Tubig.Sa pamamagitan “ng iglesya”? [Sinasabi ng kongregasyon,“Hindi.”—Pat.] Para bang hindi tama iyon. Tama ba? [“Hindi.”]Maaari ninyongmatagpuan iyan sa almanák, pero hindi sa Bibliang Diyos. “Sa paghuhugas ng Tubig sa pamamagitan ng Salita.”Sa Salita! Kita n’yo? Sa…263 Kayo ay tumatayong lubos na inaring-ganap, na para banghindi ninyo ginawa iyon sa simula pa lang. Ito ang Mensaheko sa Iglesya ngayon. Habang kayo…habang paalis na tayosa pagsasahimpapawid, sa ilang sandali lamang. Kayo aytumatayo, kung kayo’y tumatayo sa Salita ng Diyos at kasamang Salita ng Diyos, sa bawat amen, bawat tuldok, bawat kudlit.Saan kayo tumatayo? Sinisikap kong sabihin sa inyo, lumayokayo sa kanila na mga talukap. At tumungo kayo dito sa trigo,kung saan kayo ay maaaring mahinog sa harapan ng Anak.Naririnig ko na ang pagdating ng makinang panggapas atpanggiik. Kayo ay tumatayong sakdal, inaring-ganap, na parabang hindi ninyo iyon nagawa sa simula pa lang. Aleluya!264 Kung pag-usapan nga naman ang pagpapasalamat!Napakaganda ng pakiramdam ko. Ako’y higit nanagpapasalamat diyan kaysa anumang bagay na nalalaman ko.265 Kayo ang dalisay, malinis, walang kasalanang Nobya ngAnak ng buhay na Diyos. Bawat lalaki at babae na ipinanganakng Espiritu ng Diyos, at nahugasan sa Dugo ni Jesus Cristo, atsinasampalatayanan ang bawat Salita ng Diyos, ay tumatayongpara bang hindi kayo kailanman nagkasala sa simula pa lang.Kayo ay sakdal. Ang Dugo ni Jesus Cristo! Papaano ninyomagagawang…Kung ang isang tao…266 Kung ako ay dapat na mamatay kinaumagahan, isang lalakiang humalili sa akin, hindi na ako maaaring mamatay para sakasalanan na iyan. Mayroon nang humalili sa akin.267 At si Jesus, ang Salita, ay ang humalili sa akin. Siya aynaging ako, na isang makasalanan, upang ako ay maging Siya,ang Salita. Amen. Hayaan akongmanghawakan nang totooDito,hindi sa iglesya. Sa Salita! Amen.268 Oh, ang espirituwal na pagkakaisang iyan ngayon ni Cristoat ng Kanyang Nobya, kung kailan ang laman ay nagigingSalita na, at ang Salita ay nagiging laman na, nahahayag,

46 ANG BINIGKAS NA SALITA

pinatutunayan. Sadyang kung ano ang sinabi ng Biblia namangyayari sa panahong ito, iyon ay nangyayari na, sa araw-araw. Aba, ito’y nagtitipun-tipon na nang napakabilis doon,sa mga disyerto na iyon, at mga bagay-bagay na nagaganap,na ni hindi ko na nga masabayan iyon. Tayo’y nalalapit nasa Pagparito ni Jesus, upang maipagkaisa sa Kanyang Iglesya,kung saan ang Salita ay nagiging ang Salita. Ang pagtawag ngEspiritu Santo, na sinasaliksik angmga puso!269 Kayo ay tumatayong, lubos na ganap. Hindi kayo kailanmannagkasala sa simula pa lang. Ni hindi nalalaman ng Diyos.Iyon ay nasa Dagat na ng Pagkalimot. Hindi ninyo kailanmanginawa iyon. Kayo ay naparatangan dito, ng tagapagparatang.Ngunit sa totoo, mula sa pasimula, kayo ay itinalaga na upangmaging anak na lalaki at anak na babae ng Diyos. Kayo aytumatayo doon, na nahugasan na. At ang inyong lumang aklat ngpakikipaghiwalay ay itinapon na, at iyon ay patay na, lubusannang hindi umiiral, maging sa isipan ng Diyos.270 Kayo ang malinis na Nobya ni Cristo, na nahugasan saDugo ni Cristo. Minamahal, malinis, walang kasalanang Anakng Diyos na nakatayong taglay ang dalisay, walang-dungis naNobyang-Salita na hinugasan na Niya sa Tubig ng Sarili NiyangDugo; na naging laman at nahayag, upang makuha Niya kayona mga itinalaga na doon sa sinapupunan ng Ama, bago pa angpasimula, na kagaya Niya. Siya yaong dakilang katangian ngDiyos, na tinatawag na “pag-ibig.”271 Maging anuman kayo, kayo aymga lingkod ngDiyos, maginganuman ang gustong ipagawa ng Diyos sa inyo, kung saanman ang inyong puwesto. “Inilagay ng Diyos sa Iglesya, angiba ay mga apostol, mga propeta, mga guro, mga pastor…”Inilagay Niya iyan sa pamamagitan ng bisa ng Kanyang Sarilingpagtatalaga. At kayo ay iyon na, sa simula pa lang.272 Ang inyong unang kasal ay napawalang-bisa na. Iyon nga.Hindi ninyo kailanman ginawa iyon, sa simula pa lang. Dahil,mayroon lamang iisang bagay na makakagawa niyon, iyon ayang bumaba ang Diyos, Siya Mismo, at kunin ang inyong lugarsa anyo ng Anak ng Diyos, na si Jesus Cristo, at hugasan kayong Tubig, ng paghuhugas ng Tubig sa pamamagitan ng Salita.Ang Salita; hindi ang denominasyon! Ang Salita ang naghugassa inyo. Ngunit kung hindi kayo paparoon sa Tubig ng Salita,papaano kayo mahuhugasan? Kayo ay may dungis pa rin nakagaya ni Eba noon.

Oh, minamahal na Korderong naghihingalo,ang Dugo Mong mahal

Kailanma’y di mawawala ang kapangyarihanNito,

Hanggang sa ang tinubos na Iglesya ng DiyosAy maligtas at di magkasala pa.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 47

273 Ano ba ang kasalanan? Ang kasalanan ay “hindipagsampalataya.” Hindi pagsampalataya sa (ano?) sa Salita;hindi pagsampalataya sa Diyos, na siyang Salita.274 Dalisay, walang-dungis; oh, aleluya; hindi magtatagal aylilisan na patungo sa kaitaasan; amen; tumatayong handa na.Isipin ninyo. Ang inyong mga kasuotan, na nahugasan na ngTubig ng nagdurugong Salita! Ang Salita ay naging Dugo.Ang Salita ay nagdugo para sa inyo, at kayo ay nahugasan sanagdurugong Salita. Ang Salita, na nagdurugo! Ang Buhay ngDiyos na nasa Salita, at ang Salita ay nagdugo para sa inyo,upang kayo ay mahugasan sa karumihan ng mga patutot na ito,at magingmalinis at napaging-banal sa paghuhugas ng Tubig ngSalita, at ginagawa na ang inyong pag-iisip at puso ay manatilisa Diyos at sa Kanyang Salita.275 Ngayon, papaano ninyo malalaman na Ito’y totoo? KapagangDiyos ay bumababa at pinagtitibay Ito at pinatutunayan.276 Sasabihin ninyo, “Aba, hindi ko pinaniniwalaan Ito saganyang paraan.”Hindi nila pinaniwalaan Ito sa pamamaraan niJesus, ngunit pinatunayan Ito ng Diyos. Hindi nila pinaniwalaanIto sa pamamaraan ni Noe. Hindi nila pinaniwalaan Ito sapamamaraan ni Moises. Handa silang tanggapin ang salita niBalaam kapalit Nito, “Tayong lahat ay magkakapareho, kayamagsama-sama na lang tayo.”

“Ihiwalay ninyo ang inyong sarili,” ang sabi ng Biblia, “mulasa kawalang-pananampalataya.”277 Aleluya! Ngayon pansinin ninyo. Kayo’y hindi lamanggayon, kundi kayo’y paroroon sa Kasalan sa kalangitan. Atsuot ninyo ang pangkasal na singsing ng itinalaga, na biyayangdi kusang nakamit, isang pangkasal na singsing ng biyaya nanakamtan ninyo hindi dahil sa sarili ninyong kabutihan. Ginawaiyon ng Diyos, Siya Mismo. Kilala na Niya kayo bago pa angpagkatatag ng sanlibutan, kaya isinuot na Niya sa inyo angpangkasal na singsing Doon, inilagay ang inyong pangalan saisang Aklat. Napakalaking pagpapasalamat! Aleluya! Purihinang ating Diyos!278 Ngayon, sa pagtatapos, hayaang sabihin ko ito. Alamnating lahat na ang makabagong iglesya, na Pentecostal,sa kasalukuyang kalagayan nito, ang lahat na ng mgadenominasyong sama-sama! Pagsasama-samahin ko na silanglahat sa isang bigkis, dahil ganun nga sila. Tandaan, tatalianNiya ang mga damo, muna, at susunugin sila. Kukunin ang…Kukunin Niyang lahat ang mga tangkay ng trigo at susunuginlahat, muna; pagkatapos ay kukunin Niya, paparito at kukuninang Kanyang trigo at dadalhin na ito Pauwi. Silang lahatay tinitipon na sa isang bigkis, bigkis ng mga Methodist,mga Baptist, mga Pentecostal, lahat patungo na sa KonsehongEkumenikal. Iyan lang. Silang lahat ay susunugin. Kita n’yo?

48 ANG BINIGKAS NA SALITA

279 Alam nating lahat na ang makabagong iglesya, sakasalukuyang kalagayan nito at kasalukuyang katayuan nito,ay wala sa kalagayang tapusing gampanan ang dakilang utosna ibinigay ng Diyos sa Iglesya para sa panahon na ito. IlangPentecostal ang makapagsasabi ng “amen” diyan? [Sinasabi ngkongregasyon, “Amen.”—Pat.] Tama.Kita n’yo? Ito’y nasa…280 Kami’y oneness, twoness, threeness, ito, iyan, iba pa,nagtatalu-talo, nag-aaway-away. Ang isa ay ito, at ang isaiyan, at iba pa. At bawat isa sa kanila, takot na harapinang Salita, doon mismo para subukin. Kita n’yo? Alam nila.Sabihin mo sa kanila ang tungkol Dito; sasabihin nila, “Ako—hindi ko magagawa iyon. Hindi ko mapapaniwalaan Iyan. Hindimahalaga sa akin anuman ang gawin niya. Ako…” Kitan’yo? Kita n’yo? Kita n’yo? Ipinapakita lang kung ano angnanay at tatay mayroon kayo. “Maaaring ikaw ay maging isangstate presbyter balang araw. Maaaring ikaw ay maging ganito,ganyan, o iba pa.” Mas mabuti pang kayo ay maging isang anakng Diyos.281 Ngayon, alam natin na hindi magagawa ng iglesya, angiglesyang Pentecostal, sa anumang paraan, sa anumang paraan,ay hindi magagawang maisakatuparan ang Mensahe sa hulingpanahon, sa kasalukuyang kalagayan nito. Magagawa ba nito?[Sinasabi ng kongregasyon, “Hindi.”—Pat.] Aba, ni hindi nganito magawang makasang-ayon sa isa o dalawang Salita saBiblia. Papaano ninyo gagawin iyon? Hindi nito magagawa iyon.Kaya, nakita ninyo, ang denominasyon ay labas na. Tama iyan.

Iyon ay magiging ang isang hinirang na mga tao na nahirangpara dito. Kita n’yo?282 Nalalaman, at gayon din na ang bawat isa sa atin aynalalaman, na ang buong hanay ng mga denominasyonal, angPentecostal at lahat na, ay patay na, iyan ay, sa ipinanganak namuling Cristiano ng Mensahe. Uh-huh. Ang una ninyong asawaay patay na. Alam ninyo na siya’y patay na. Hinayaan ng Diyosna mamatay iyon. Iyon ay wala na. Ang lahat ng maka-aghamnito, ng intelektuwal, maka-edukasyon, na siyentipikong mgapamamaraan nitong naturingang mga paaralang pang-Biblia atmga bagay-bagay ay patay na. Anong ginawa nito? Gumawa ngpaghihiwalay, oneness dito, at trinities dito, at twoness dito, at sadako rito, at sa banda rito, at lubhang napakagulo, at tatawaginang kanilang mga sarili na mga Pentecostal.283 Aba, nagpunta ako sa isang kabataang lalaki, noongisang araw; na nakikinig mismo dito, ngayon mismo. Atisang kabataang babae, siya ay kabilang sa isang iglesya.Sinabi niya…Sabi ko…Naghiwalay sila. Sabi ko, “Anongproblema?”

Ang sabi, “Magkaiba po kami ng relihiyon.”Sabi ko, “Oh, ikinalulungkot ko. Ikaw ba’yKatoliko?”

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 49

284 Sabi nung babae, “Hindi po.” Sinabi niya sa akinang iglesyang denominasyon na kinabibilangan niya, isangPentecostal.285 Sabi ko, “Ano ka naman?” ’Yung lalaki naman ayPentecostal, din, pero ibang denominasyon. Oh!286 Alam n’yo bang ang iglesyang Romano Katoliko aynagsimulang Pentecostal? Ilan ang nakakaalam na iyan aytotoo? [Sinasabi ng kongregasyon, “Amen.”—Pat.] Inabot ito ngdalawang libong taon para mahantong sa kinaroroonan nitongayon, sadyang wala nang tinatanggap sa Kasulatan. Walana. Aba, ang Pentecostal, sa loob ng dalawampung taon mulangayon, ay magiging mas malala pa kaysa sa kanila ngayon,patuloy ito sa kalagayan nito ngayon. Aba, sigurado. Kitan’yo? Ano ba iyon? Ano ba iyon? Tingnan ninyo kung sino angkanilang tatay at nanay. Hinahayaan ang kanilang kababaihanna putulin ang kanilang buhok. Magagawa nilang gawin anghalos anumang bagay na ibigin nila. “Hangga’t sila ay kabilangsa iglesyang ito, iyan lang ang kailangan.”287 Oh, hindi nakapagtataka, hindi nakapagtataka na angkahatulan ng Diyos ay umaapaw na! Inilagay ng Diyos Itosa harapan ninyo mismo. Ipinikit ninyo ang inyong mga mataat hindi tumingin Dito. Oo. Isinasara ang inyong kaloobanng kahabagan, gayong nakikita na ninyo ang totoong Salitang Diyos at ang Pitong Selyo na ito na pinagtitibay atpinatutunayan na gayon nga. At nasaksihan sa kalangitan, sabawat panig ng mga bansa at sa lahat ng iba pang dako, sapamamagitan ng dakilang mga tanda at mga kababalaghan naipinangako Niyang gagawin Niya, pagkatapos ay pipikit kayo,sasabihing, “Ako—hindi ko alam. Ako—wala akong magawa.Ako…” Kita n’yo? Oh, naku! Iyon ay patay na, at hindinalalaman iyon. Talagang mga kasalanan at pagsalangsang!Kayo’y patay na. Oh, naku!288 Nalalaman nating lahat na ang iglesya sa ganyang kalagayanay hindi niya matatagalan ang huling panahon na ito. Papaanonito maipapasok ang Malakias 4? Papaano nito magagawa iyon?Ni hindi nga sila naniniwala sa gayong bagay. Papaano nitomagagawang paniwalaan, ipasok ang Lucas 17:30? Papaanonito magagawang ipasok ang lahat ng iba pang Mga Kasulatanna ito na ipinangako para sa huling panahon na ito? Hindinito magagawa iyon, dahil itinatakwil nito Ito. “Kung paanoang nangyari sa mga araw ni Lot, ay gayundin naman angmangyayari sa Pagparito ng Anak ng tao.”289 Tingnan ninyo ang kalagayan, si Lot, na kinalalagyan ngSodoma, nang panahon na iyon. Tingnan ninyo, ang kalagayanng iglesya sa ngayon. Tingnan ninyo kung ano ang nangyari kayAbraham, ang Hinirang.

50 ANG BINIGKAS NA SALITA

290 Tingnan ninyo kung ano ang nangyari kay Lot at sa kaniladoon sa Sodoma. Tingnan ninyo sina Billy Graham at OralRoberts, silang mga naroon sa mga denominasyon na iyon.Tingnan ninyo ang hinirang na IglesyangAbraham, inilabas.291 Tingnan ninyo kung anong uri ng tanda, na si Jesus Mismo,ang Diyos na nagkatawang-tao na nakatayo doon na nasakatawang-tao. Sasabihin ninyo, “Iyon ay isang Anghel.” Sinabing Biblia na Iyon ay ang Diyos.292 Ang Panginoong Diyos, si Elohim, nakatayo doon na nasakatawang-tao, ipinapakita na Kanyang lubos na papahiran angKanyang Iglesya sa mga huling araw. Iyon ay magiging angDiyos na kumikilos sa katawang-tao muli. “Kung paano angnangyari sa mga araw ng Sodoma, ay gayundin naman angmangyayari sa Pagparito ng Anak ng tao.” Gayon ding uring bagay. Nakikita nila iyon doon mismo sa Mga Kasulatan.Basahin ninyo ang…“Saliksikin ninyo ang Mga Kasulatan,sapagkat sa Mga Iyon ay inaakala ninyong mayroon kayongBuhay na Walang Hanggan.” At ang Mga Iyon ang Siyangnagpapatotoo Nito. Kita n’yo? Kita n’yo?293 Kaya alam natin na sila ay patay na. Hinayaan ng Diyosna iyon ay mamatay sa sarili nitong makasarili’t siyentipikongmaka-edukasyon na programa.294 Ang lahat ng mga Pentecostal ay dating nagsasabi tungkol—tungkol sa pagpapadala sa kanilang anak sa paaralang pang-Biblia, noon nang ang matandang Kapatid na Loyate, sila noonay narito pa, at palalabasin nila kayo ng iglesya. “Pero, oh,ngayon ito na ang siyang pinakadakilang bagay. Ang anak ko aynasa paaralang pang-Biblia.” Hinuhukay na niya ang libinganniya. Kaya, ngayon, sa akala ba ninyo ay matatanggap nila Ito,ngayon?295 Palagay ba ninyo ay sinusuportahan ko angpagkamangmang? Hindi. Ang sinasabi ko sa inyo na mayroongkaibahan sa pagitan nitong kapanahunang intelektuwal na atingkinabubuhayan, kung saan ang iglesya ay buntis na sa siyensiyaat lahat na nitong mga tinatawag na “napag-unawa na” daw atlahat na. Hindi ninyomapag-uunawa angDiyos.296 Aba, sila—silang mga saserdote ay napag-unawa na dawnang lubos ang Diyos. Nalaman nila kung papaano daratingang Mesiyas, ngunit dumating Siya na sadyang ibang-iba sakanilang pagkakaunawa. Hindi iyon siyentipiko. “Papaanongmagkakaganooon ang Lalaking ito, na isang ilehitimong Anak?Saang paaralan ba Siya nag-aral? Saan ba nagmula angKanyang edukasyon? Saan ba Niya nakuha ang Kanyang napag-aralan?”297 “Aba, sinisikap Mo bang turuan kami? Ipinanganak Ka sapakikiapid.” Kita n’yo? Oh, pambihira!

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 51

298 Nakita ba ninyo ang gayong ding bagay ay naulit muli?[Sinasabi ng kongregasyon, “Amen.”—Pat.] Nakita ba ninyo itona naulit muli? Lahat na sa kanilang relihiyosong siyensiya,relihiyosong siyensiya ayon sa sinasabi ng kanilang paaralangpang-Biblia, sa ganoong paraan nila Ito gusto. “Ganyang paraanIto dapat magkaganoon, o Ito’y hindi.”299 Nililinlang lamang sila ng Diyos, sa tuwina. Ito ay palagiangdumarating nang kakaiba. Nangyari Ito sa panahon ni Noe;nangyari sa panahon ni Moises; nangyari sa panahon ni Cristo;nangyari sa panahon ni Juan; nangyari sa panahon ng mgaalagad; nangyari sa panahon ni Wesley; nangyari sa panahonni Luther; nangyari sa panahon ng Pentecostal; at ganoondin nga na nangyari ito ngayon. Hindi Nito binabago angpamamaraan Nito. Palagiang dumarating na ganoon pa rin. Mgarepormador lamang sa loob ng pito…anim na kapanahunangiyon, hanggang sa ang ikapito na. At sinabi ng Apocalipsis 10, sapanahong ito aymagbabago na iyon. At nangyari nga.300 Ngayon tayo’y magtatapos na, sa pagsasabi nito. Angtapusing gampanan ang dakilang utos, papaano nila magagawaiyon? Alam nating sila ay patay na. Hinayaan ito ng Diyosna mamatay sa siyentipikong kapanahunang ito, ang lahat-lahat nito, nang sa gayon—nang sa gayon ay magawa Niya(ang ano?) na mabuksan ang hiwaga ng Pitong Selyo sa di-maka-denominasyong Nobya. Papaano matatanggap ng isangdenominasyon ang Pitong Selyo na iyon, gayong Iyon ay totoongsalungat, ang binhi ng serpiyente at lahat ng iba pangmga bagayna iyon? Ang lahat, na buong pitong hiwaga ay salungat sakung ano ang naituro sa kanila, dahil tinanggal nila ang lumangpaaralanmula sa kanilang paaralang pang-Biblia.301 At ang Pitong Selyo ng Diyos, nang Ito ay mabuksan doonsa bundok, ipahintulot ng Diyos na ako ay mamatay na ngayonmismo sa pulpitong ito kung Iyon ay hindi ang Katotohanan. Atipinagpauna ko nang sinabi sa inyo, isang taon at anim na buwanbago ito nangyari, kung ano ang sinabi Niya sa akin, “Pumuntaka sa Arizona,” at kung ano ang mangyayari doon sa disyerto. Atmay mga kalalakihan na nakaupo rito mismo, ngayong gabi, namga nakatayo doon mismo at naroroon nang bumaba ang pitongAnghel. At maging ang mag-…Ang magasin, ang magasin naLife, ay inilathala ang artikulo tungkol Dito. Iyon ay naroonmismo sa obserbatoryo, at lahat na. Ngayon ni hindi nila alamkung tungkol saan ang lahat ng Ito.302 At ang lahat ay nasabi na, oh, maging ang tungkol sapagkawasak ng California, na paparating na ngayon, at anglahat nitong iba pang mga bagay. At kung papaanong sinabi kosa kanila kung ilang araw ito magiging gayon, kung papaanomagiging ganoon kung saan ang malaking lindol na ito aynangyari sa Alaska, at iyan angmagiging simula ng palatandaanng panahon, at kung ano ang mangyayari. At sadyang sa bawat

52 ANG BINIGKAS NA SALITA

salita, kung ano ang sinabi Nito, hindi iyon kailanman nabigoni minsan. Hindi ninyo kailanman nakitang nabigo Ito. At Ito’yhindi mabibigo, dahil Ito’y Mga Salita ng Diyos. “At ang Langitat lupa ay lilipas, ngunit Iyon ay hindimabibigo.” Tama iyan.303 Kinailangang buksan ng Diyos ang Pitong Selyo na iyon,hindi sa isang denominasyon. Ako’y dati nang laging laban dito.Ngunit, mula sa denominasyon, ay maaari Siyang kumuha ngisang Nobya, hindi isang maka-denominasyon na nobya. HindiNiya magagawa iyon. Iyon ay laban sa Kanyang Sariling Salita.Binuksan Niya ang pitong hiwagang iyon na nakapaloob doon.Ipinapakita niyan, inilalabas ang mga bagay na iyon na naitagomula pa noong pagkatatag ng sanlibutan, namaaaringmaihayagsa mga huling araw, sa mga anak ng Diyos. Inilabas nila Iyanngayon sa harapan ng mga tao, upang makita nila Ito, hayanna nga ngayon, sa Nobyang ito na hindi maka-denominasyon.Oh, naku!304 Hayan ang inyong dalawang aklat. Ang isa sa kanila ayang Aklat ng Buhay ng Kordero. Ang inyong pangalan Doonay itinalaga Doon. Hindi iyon maaalis, dahil hindi ninyomaaaring alisin iyon kahit anupaman ang mangyari, kita n’yo,dahil itinalaga na mailagay iyon Doon. Ngunit sa naturangkaraniwang aklat ng buhay, ay maaaring alisin iyan anumangoras. Kita n’yo? Hindi kayo nagsisisi, iyon ay burado na, ano’tano man, dahil kayo ay daraan sa Paghatol. Ang Nobya ayni hindi daraan sa Paghatol; paparoon sa Pag-Agaw. Kagayalamang…305 Sasabihin ko ito, sa pagtatapos. Gumagabi na, kaya…halosalas-nuwebe y medya na. At tayo’y kailangang lumabas ditong alas-nuwebe y medya, kung loloobin ng Panginoon. Magingtotoongmapitagan lang ngayon,makinig kayo. Isang beses…306 Sa pagsasabi nito ngayon, ito’y paroroon sa buong bansa. SaNew York, ngayon ay dalawampu’t limang minuto na mataposang alas-onse. Doon sa Philadelphia at sa palibot doon, yaongmga minamahal na mga banal na nakaupo doon na nakikinig,ngayon mismo, sa mga iglesya sa lahat ng dako. Hanggang doon,doon sa Mexico, hanggang doon sa may Canada at sa palibotnito, sa buong bansa. Dalawandaang milya, kahit saan sa loobng kontinente ng North America rito, halos, ang mga tao aynakatuon dito, nakikinig ngayon mismo. Libu-libo at libu-libo,ang mga nakikinig.307 Iyan ang Mensahe ko sa inyo, Iglesya, kayo na isangpakikipag-isa, espirituwal na pakikipag-isa sa pamamagitanng Salita, na kayo ay patay na sa mga dating asawa na ito.Kayo’y panibago nang ipinanganak. Huwag ninyong subukanpang hukayin siya. Siya’y patay na. Kung kayo ay ipinanganakna muling Cristiano, ang munting binhi na iyan na itinalaga sainyo, iyon ay Salita na dumarating sa Salita, sa ibabaw ng Salita,

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 53

ng Salita, ng Salita, at hahantong sa ganap na kapuspusan niCristo, iyan ay tama, upang Siya’y makaparito na para kuninang Kanyang Nobya. Ngayon tayo’y nahahanda na lamang parasa isang bagay, iyan ay ang Pagparito ng Panginoon.308 Hayun ang inyong pangalan doon sa Aklat ng Buhay. AngAklat ng Buhay ay ang Salita ng Diyos, dahil ang Salita ayDiyos, at ang Diyos ang siyang tanging bagay na siyang Buhay.Kaya ang inyong pangalan ay ikinatawan na sa Biblia bagopa na ang Biblia ay naging Salita. At kung kayo’y nariritoupang gawin iyan, hindi ba’t patutunayan Nito ang Salita naiyan? [Sinasabi ng kongregasyon, “Amen.”—Pat.] Hindi ba’tpatutunayan ng Iglesya ang Sarili Nito? Hindi ba’t ang Malakias4, at lahat nitong iba pang mga bagay, ay ganap, na ganap napinatutunayan ang Sarili Nito at ipinapakita na Iyan nga kungano Ito? [“Amen.”]309 Nang dumating si Jesus, sinabi Niya, “Kung hindi Koginagawa ang mga gawa na ipinangakong gagawin Ko, ayhuwag ninyo Akong sampalatayanan.” Alin ba sa mga grupoang Kanyang inaniban? Sinabi Niya, “Silang lahat…Kayo’y sainyong ama, ang Diablo, at ginagawa ninyo ang kanyang mgagawa.” Kita n’yo? Kita n’yo?310 Tayo’y nasa mga huling araw na, Iglesya. Iyan ang akingpagpapasalamat na Mensahe sa inyo.311 Ngayon, bago magtapos. Isang beses ako ay naroon saGlacier National Park. Narinig namin, buong maghapon, nasila ay mayroong isang—mayroon silang isang pabagsak…isang glacier na apoy na babagsak sa gabi. Kaya ang mgatao ay abala, buong maghapon, sa paghahanda sa bagay naiyan, dahil ibubuhos nila ang apoy na iyan, nang gabing iyon.Naglagay sila ng likidong apoy na ipapatihulog, na katulad ngisang malaking glacier ng tubig. Pero ito’y…Para bang isangbahaghari, halos, kapag ito ay lumabas na, mula sa apoy naiyan na nahuhulog mula sa malaking glacier na ito. Sa lahat ngpaligid ng buong parke, ang maybahay ko at ako, at ang mgabata, namasyal kami sa palibot buong maghapon. Gusto namingmanatili, para makita ang pagpapamalas ng apoy na iyon. Kayaiyon—iyon—iyon ay naipangako sa amin namakikita namin iyon,at masasaksihan naming muli iyon. Sinabi nila na mayroon silaniyon sa buong mga panahon ng tag-araw at iba pa. Sabi ko,“Naku, maaari pa kaya namingmakita iyon?”312 Sabi, “Ipinangako namin iyon para sa gabing ito. Ipinangakonamin iyan.” Sabi, “Nandoon na sila sa itaas at inihahanda naito ngayon.”313 Matapos na ang lahat ay maihanda na para sa dakilangkaganapang iyon! Iyan ang nagaganap na ngayon mismo. Lahatay inihahanda na para sa dakilang kaganapang iyon, isangIglesya na inilalabas na alang-alang sa Kanyang Pangalan,

54 ANG BINIGKAS NA SALITA

kinukuha palabas ang Kanyang Nobya mula sa kalagitnaan ngsanlibutan, sa mga denominasyon na ito at sa buong sanlibutan,at sa karumihan at mga bagay ng sanlibutan.314 Ang lahat; ang dakilang kaganapan ay naihanda na. Anglahat ay nangakatayo na. Sabi nila, “Ngayon patuloy na mag-abang, naroon namismo sa itaas ng bundok.”315 Sa ganyang paraan Ito palaging dumarating. Sa ganyangparaan Ito darating sa panahong ito. Sa ganyang paraanIto laging dumarating. Hindi sa pamamagitan ng isangdenominasyon! Hindi kailanman gumamit ang Diyos ng isangdenominasyon, hindi kailanman!316 Darating ang repormador, tatanggapin niya ang Salita ngPanginoon. At pagkatapos kapag siya ay namatay na, magtatayosila ng isang denominasyon mula doon. Iyan ang ginawa ng mgaPentecostal at ng lahat. Kapag ang bagong mga isyu, lahat na,ganyan talaga iyon. Sa ganyang paraan nangyayari ang bagayna iyan. Isang bagong salita ang nadaragdag, pagkatapos aynagtatag na sila ng isang iglesya mula dito, ginawang isangdenominasyon, inihiwalay ang kanilang sarili. Kinailangangmaging ganyan.317 Ngayon, hindi ninyo magagawang daigin—hindi ninyomagagawang daigin ang kalikasan. Dumarating ang kalikasansa ganoon ding karaniwang pagkakasunud-sunod, palagi:tangkay, dahon, uhay, ganyan, pagkatapos ay ang trigo na.318 Ngayon pansinin ninyo. Ang lahat ay nakahanda na. Anglahat ay nasindihan na at inihanda na. At ang lahat ay nakatayona doon sa labas. Ang ulo ko ay nakatingala; nakaakbay angkamay ko sa aking maybahay. Nakatingin kami. At ang mgabata ay nakatayo doon, lahat kami ay nakatingala, nang ganyan.Naku! Napakaganda niyon, dahil inaasahan namin iyon. Iyonang ipinangako na sa amin.319 Amen! Ipinangako ng Salita Ito. “Mangyayari, nabago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ngPanginoon, narito, susuguin Ko sa inyo si Elias na propeta.Papagbabaliking-loob niya ang mga puso ng mga anak sa mgamagulang.”…?…“Mangyayari na sa mga huling araw, ayibubuhos Ko ang Aking Espiritu mula sa Kaitaasan.” “Ang unaat huling ulan ay darating na magkasama sa huling araw.”Lahat na ng mga pangakong ito, sa buong Kasulatan, aynaibigay na. Tayo’y nakatingala na. Makikita ang totoongNobya sa buong bansa sa panahong ito, na nakatingala na.Iglesya, Siya ay darating na, isa sa mga araw na ito. Kasingtiyak ng una Niyang pagparito, Siya ay paparating muli. Ihandana ang lahat. Ihiwalay na ang iyong sarili mula sa talukap.Mabilad sa harapan ng Anak. Manatiling nakatingala. Magingmapaghintay.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 55

320 Biglang-bigla, may narinig kami mula sa itaas ng burol,isang tinig ang dumating sa pamamagitan ng loudspeaker, sabi,“Ang lahat ay nakahanda na.”321 Pagkatapos ang lalaking ito, na nakatayo doon mismosa tabi ko, ay nagsabi, “Pabagsakin na ang apoy.” Heto naitong dumarating, bumubuhos sa bundok na iyon, isang glacierna apoy at ang mga liyab ay naglalagablab, napakagandangtingnan.322 Kapatid, ihanda na natin ang lahat, sapagkat isa sa mgaaraw na ito ang Apoy ay babagsak na. Tayo’y papaitaas na.Ngayon magsipaghanda na tayo para sa panahon ng pagbagsakng Apoy. Tayo’y nasa mga huling araw na, alam nating lahatiyan, at tayo’y handa na sa Pagparito ng Panginoon. Ang bagayna dapat gawin ay ihiwalay ang inyong sarili mula sa lahat ngkasalanan. Ihiwalay ang inyong sarili mula sa anumang bagay nanauukol sa sanlibutan. “Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan niang mga bagay ng sanlibutan.”323 “Huwag hayaan ang sinuman, na sa kanyang kredo, aydayain kayo.” Manatili kayo mismo nang tuwiran sa pangakong Diyos, ang Salita ng Diyos. At ang Salitang iyan, kung Ito’ySalita para sa panahong ito, patutunayan Ito ng Diyos na gayon.Kung hindi Niya patutunayan, hindi iyon ang Salita para sapanahong ito.324 Ang Salita na dumating noong Araw ng Pentecostes ay hindina uubra sa panahong ito. Hindi, po. Iyon ay para sa Pentecostes.Ito ay para sa Nobya, sa Pag-uwi na ng Nobya. Mayroon tayongbagay na kakaiba. Ang mga Pentecostal ay ikinakatawan iyon,muli. Tayo’y nasa kapanahunan na ng Nobya. Kung paanongang—ang Salita ni Noe ay hindi rin uubra sa panahon ni Moises;kung paanong ang kautusan ni Moises ay hindi rin uubra sapanahon ni Pablo rito. Sinikap niyang sabihin sa kanila, “Kayoay patay na doon, at hindi na ninyomaaaring taglayin pa iyon.”325 Iglesya, kayo na kausap ko, ngayong gabi, sa buong bansa,kung—kung inyong inihiwalay na ang inyong sarili mula sadenominasyon at sa lahat ng karumihan at mga bagay ngsanlibutang ito, at lahat ng mga bagay na iyon na nagpapanatilisa inyo sa mga kredong gawa ng tao at mga utos at mga bagayna katulad niyan, ihiwalay ninyo ang inyong sarili. Tumingalakayo. Maghanda kayo. Ang Apoy ay babagsak na, isa sa mgaaraw na ito. Pahihintulutan Siya ng Diyos na dumating na, atnapakagandang pagmasdan. Nakahanda na ba kayo pagdatingNiya? Nakahanda na ba kayong pumaitaas kasama Niyapagdating Niya? Ang lihim na Pag-Agaw sa supernatural naNobya, “Siya’y magiging mor-…mula sa pagiging namamatayay patungo sa pagiging walang-kamatayan; mababago, sa isangsaglit, sa isang kisap-mata lang. Tayong mga nabubuhay atnatitira ay hindi mauuna sa mga natutulog.”

56 ANG BINIGKAS NA SALITA

326 Noong isang araw, sa Araw ng Armistisyo, nakatayo akodoon sa Tucson. Ang munti kong anak na lalaki ay gustongmakita ang parada. Ako ay nag-aaral noon, at wala akongpanahon para gawin iyon. At marami akong tawag ng mgamaysakit noon at mga ganung bagay. Kaya sinabi niya, “Tatay,ayawpo nila akong dalhin.” Sabi niya, “Dalhin n’yo po ako.”327 Sabi ko, “O sige.” Si Kapatid na Simpson, palagay ko aynaririto siya; at ang kanyang munting anak na lalaki ay gustongpumunta. Kaya isinakay ko sila sa kotse at pumaroon.328 Tumayo ako doon sa sulok at nanood. At maya-maya,nakarinig ako, doon sa malayong likuran, ng isang mahinangtunog na dumarating, “womp, womp,” mga tambol, napinatutugtog. Tumayo ako doon. Naisip ko, “Aba, ang mgabatang ito, talagang nagbabasa sila ng lahat ng mga aklat naito tungkol sa hukbo. Talagang para silang katulad niyan.”Napansin ko, ang dumarating nang una ay ang lumang tangkeng Unang Digmaang Pandaigdig. Hayun dumating sila, maliliitna mga tangkeng katulad niyan. Naroon sumunod na dumating,pagkatapos niyon; ang sumunod na dumating pagkataposniyon ay ang malaking bagong tangke ng Ikalawang DigmaangPandaigdig, ang malaking tangkeng Sherman na mayroongisang natatakpang dulo doon. Pagkatapos ay dumating angkasunod, at ang kasunod, at hindi nagtagal ay dumating angmga Ina na sinabitan ng Gintong Bituin.329 At pagkatapos, maya-maya, dumating ang labindalawangbeterano na natira, sa buong estado ng Arizona, mula sa UnangDigmaang Pandaigdig; labindalawang beterano. Kasunod niyan,dumating naman ang isang karosa, ng mga hindi kilalangsundalo, ang munting puting krus. Naroong nakatayo angisang mandaragat, na marino, at isang sundalo, na nakatayongnagbabantay; may isang maliit na partisyon sa karosa. Sakabilang panig ay isang matandang ina na ubanin na, nakaupona may nakakabit na gintong bituin sa kanya, isang muntingkaibig-ibig na maybahay na umiiyak, ang asawa niya ay patayna; isang maliit na gusgusing batang lalaki, na patagilid nanakabaling ang kanyang ulo. Napatay ang kanyang tatay.At pagkatapos sa likuran niyan ay maraming, maraming,marami pa ang nagsidating, at pagkatapos hanggang sa bagonghukbo. Nakatayo ako doon. Napakainam na pánoorín, ngunitnapakalungkot!330 Naisip ko, “Oh Diyos, isa sa mga araw na ito ay makikita koang isa pang pánoorín.”331 Darating ang isang araw ng pagkabuhay na mag-uli, na,“Ang una ay mahuhuli; sila na mga huli ay mauuna.” Ang mgasinaunang propeta aymagsisipagbangon, muna, at makikita nilaang prusisyon na iyan na nagdaraan, nagmamartsa papaitaassa papawirin. “At tayong mga nabubuhay at natitira ay hindi

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 57

mauuna sa kanila na mga natutulog. Sapagkat ang trumpetang Diyos ay tutunog, ang mga namatay kay Cristo ay babangonmuna.” Tayo’y magsisipaghanay kasama nila na magsisipasok,aleluya, yaong lahat sa buong kapanahunan nina Luther,Wesley, Methodist, Presbyterian, tuluy-tuloy hanggang doonsa huling kapanahunan, na tumanggap sa Salita sa kanilangkapanahunan.

Pagpalain kayo ng Diyos. Ihanda na ang lahat ng mga bagay,at babagsak na ang Apoy.332 Iyukod natin ang ating mga ulo sandali. Gusto kongmalaman, sa nakikitang mga tagapakinig na ito ngayong gabi,yamang kayo’y aking pinanatili rito sa loob ng…hanggangalas-nuwebe y medya. Mayroon bang isa rito, mayroon bangisang dosena rito, ilan ba rito, at magsasabi, “Kapatid naBranham, ikinahihiya ko ang aking sarili, kung paano akonamuhay. Ako ay kumiling nang labis sa isang denominasyonat mga tao. Alam kong hindi ako nakahanay sa Salita ngDiyos. Hihilingin ko lamang sa iyo na manalangin para saakin, Kapatid na Branham”? Itaas ang inyong kamay. Pagpalainka ng Diyos. Pagpalain ka ng Diyos. Tingnan n’yo, hanggangdoon sa mga balkonahe, sa paligid. Pagpalain kayo ng Diyos.“Alam kong…”Ngayon huwag kayong mahiya. Ngayon, huwagmahiya.333 At doon sa malayo, sa buong bansa, magmula sa NewYork hanggang sa California, magmula sa Canada hanggangsa Mexico, kayong mga taong nangagkakatipun-tipon sa mgaiglesyang iyon kung saan naroon ang matatapat na mgamaliliit na grupo na sumasampalataya sa Mensaheng ito nangbuong puso nila. Nagsilabas sila, nagsilabas mula sa matindingkapighatian, nagsilabas mula doon sa mga denominasyon naiyon. Sila’y mga binhi ng Buhay. Nadarama n’yo ba angpaghihimok, ngayong gabi, katulad ng munting agila, naMayroon kayong naririnig na medyo kakaiba mula sa inyongnarinig na, ngunit, gayon man, sa inyong puso ay nalalamanninyo na ito’y Katotohanan? Kayo, diyan sa loob, may isangpastor na nakatayo diyan sa kung saanman. Nakataas ang iyongkamay. Mananalangin ako para sa iyo.334 Ang mga bagay na ito ay hindi ginawa sa isang sulok,kaibigan. Tandaan ninyo, “Makipot ang pintuan at makitid angdaan, at kakaunti ang makakasumpong niyon.” Huwag sumamasa karamihan na iyan na kumikilos patungo doon, kaibigan, saKapanahunan ng Iglesyang Laodicea na iyan. Magagawa nitongmaglulundag, sumayaw sa saliw ng musika, malahininga. Hindisinabi na kasing lamig ito ng yelo ngayon. Sinabi nito, “Ito aymalahininga,” iyan ang Pentecostal, “at hindi nalalaman na ito’ymaralita, aba, bulag.” Bulag sa ano? Sa Salita, sa paghahayag ngSalita, dahil hindi Ito kailanman dumating sa pamamagitan ngkanilangmga organisasyon. Hindi nila Itomatatanggap.

58 ANG BINIGKAS NA SALITA

335 At kayong mga ministro diyan sa Tucson, ngayong gabi,hindi ko kayo pinananagot para diyan. Ang Diyos angmagpapanagot. Nariyan ako ng tatlong taon. Sinabi ko sa inyona hindi ako magpapasimula ng isang iglesya. Hindi ko ginawa.Pinasimulan ito ni Kapatid na Pearry Green. Nariyan ako ngtatlong taon, at ni minsan ay hindi ninyo ako inanyayahan sainyong pulpito. Nanatili ako sa Tucson ng halos tatlong taon.Ang Diyos ay aalisin na ako mula sa disyerto isa sa mga arawna ito. Ang Mensaheng ito ay dapat na mabuhay. Sinikap koang buong magagawa ko na makapasok sa inyo. Ako—alam koang dahilan kaya ginawa ninyo iyon. Naririnig n’yo ba? Angtanging dahilan kaya ginawa ninyo iyon, patatalsikin kasi kayong inyong denominasyon. At nalalaman ninyo, marami sa inyona nakausap ko na, doon sa Furr’s Restaurant, at alam ninyo naiyon ang katotohanan. Mahiya kayo.336 Lumabas kayo diyan. Umalis na kayo diyan, kapatid.Kung mayroon mang anumang Buhay sa inyo, kayo’y magigingkatulad ng munting agila na iyon na kababanggit ko palamang, pakikinggan ninyo ang Salita ng Diyos. Tandaan ninyo,maririnig n’yo Ito sa huling pagkakataon, isa sa mga araw naito. Totoong napakalapit na natin ngayon. Maaari bang lumapitkayo, ngayong gabi?337 Minamahal na Diyos, kami po ay nariritong mapitaganngayon, ito nga ay totoong isang araw ng pagpapasalamat,Panginoon. Ako’y labis na nagpapasalamat, Panginoon, nanabubuhay sa panahon na ito. Ito ang pinakadakilang panahon.Si Pablo na apostol ay hinangad na masaksihan ang panahongito. Ang mga dakilang kalalakihan nang una ay hinangad namakita ito. Hinangad ng mga propeta na makita ito. Hinintaynila ang panahon na ito. Si Abraham ay naghintay para sapanahong ito, sapagkat naghanap siya ng isang Bayan naang Tagapagtayo at Gumawa ay ang Diyos; nakabitin iyon samismong itaas namin, ngayong gabi. Nakita ni Juan ang Espiritung Diyos na bumababa mula sa Langit, nagpatotoo, nalalamanna iyon ay ang Anak ng Diyos. At, isipin ngayon, pinipili na Niyaang Kanyang Nobya.338 Minamahal na Diyos, sa buong lupain sa lahat ng dako,ay mangusap Ka po sa kanilang puso. Ikaw lamang po angmakapagbabago sa kanilang puso. Kung hindi pa nailagay angBinhi na iyon doon sa pasimula pa lang, ay hindi nila kailanmanmakikita Ito, Panginoon. Sila lamang ay…“Ang bulag ayaakayin ang bulag. Mahuhulog sila sa hukay,” na kasing tiyakng anumang bagay, dahil sinasabi ng Iyong Salita na mahuhulognga sila.339 Ngayon, Ama, yamang nakikita namin sa buong bansa, sabuong mundo, sa Africa, dose-dosena, dose-dosena sa buongSouth Africa, Mozambique, lahat sa buong bansa, maliliit namga kapulungan na tinatanggap ang mga teyp na ito. At

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 59

gayon din na ang teyp na ito ay paroroon sa dalawampu-o-higit pang, iba’t ibang bansa. Nagsisimula na silang makita Itoat humihiwalay na, ang daan-daan sa kanila. Hindi gaanongmarami, Panginoon. Pagkatapos kapag ang huling bahagi aytinanggap na papasok saKatawan, darating na si Cristo.340 Panginoong Diyos, hinihiling ko po sa naturang Nobya,sa gabing ito, sila na sa pakiramdam ko ay humiwalay naat naghihintay. Nawa ay ibukod nila ang kanilang mga sarilimula sa lahat ng bagay ng sanlibutan. Dapat silang lumagay saPresensiya ngmainit na Liwanag-ng-Anak ngAnak ngDiyos, nanabibilad sa Kanyang Salita, sa Kanyang Pag-ibig. IpagkaloobMo po ito, minamahal na Diyos.341 Nawa ang mga taong ito rito, na nakikita, na itinaasang kanilang kamay, ngayong gabi, dose-dosena sa kanila sabuong malaking tabernakulo na ito. Dalangin ko, Diyos, naang bagong Buhay ay pumasok sa kanila. Dalangin ko ito,para sa buong bansa at maging sa buong mundo, kung saanang teyp ay mapapakinggan, na sila rin naman ay tanggapinang pagpapasalamat na Mensaheng ito at malaman, sa mgapahiwatig at mga bagay na naihagis, kung ano ang dapat nilanggawin. Dalangin ko ito, Ama. Ipagkaloob po ito. Pagpalain Mopo sila. Sila’y sa Iyo.342 Nalalaman kong ito’y kagawian na ngayon, Ama, namanawagan kami sa mga tao na lumapit sa altar. Dalangin ko,mahal na Diyos, na sa bawat misyon, sa lahat ng dako, at sabuong mundo, na sila ay lumapit sa altar: ang mga itim, angmga puti, mga dilaw, mga kayumanggi, saan man sila naroroon;ang mga mayayaman, ang mga mahihirap, ang mga walang-malasakit, angmga pulubi, maging anuman sila.343 Ang mga maka-denominasyon, yaong mga naglagay ngsariling-paraan at nakatuon lang sa sarili, Oh Diyos, “Hubad,maralita, aba, bulag, at ni hindi nalalaman iyon.” Sinabi Mo pona magiging gayon, at ito nga ay ganoon.344 Kaya dalangin ko, Ama, na Iyong tawagin ang bawat Binhi,ngayong gabi. At sa lahat ng dako sa buong mundo na maaaringkalagpakanNito, nawa aymatagpuanNito angmunting agila naiyon na nakikilala ang Tinig ng kanyang Panginoon. Ipagkaloobito, Panginoon. Itinatagubilin ko po sila sa Iyo, sa Pangalan niJesus. Amen.345 Ngayon habang ang inyong mga ulo ay nakayukod, ditosa nakikitang mga tagapakinig. Nanaisin ba ng ilan dito, nahindi pa naliligtas, na ni hindi pa ipinagkaloob ang inyongpuso sa Diyos, hindi ba ninyo naiisip na dapat kayong magingmapagpasalamat para sa ginawa ni Jesus para sa inyo? Naisipin, na kayo na isang makasalanan, na kayo na nalayo namula sa Diyos, at gayon pa man may Isang bagay sa inyongpuso, na kumakatok. [Kumakatok si Kapatid na Branham sa

60 ANG BINIGKAS NA SALITA

pulpito—Pat.] Anong malay ninyo kundi kayo ay isa sa mgaagilang iyon! Kayo ay maralita, at magiging maralita nga,hanggang sa sumuko kayo Dito. Bakit hindi ninyo gawin angisang ito na pinakadakilang pagpapasalamat na kailanman aynagkaroon kayo, kapag tinanggap ninyo si Jesus bilang inyongTagapagligtas.346 Maaari ba kayong lumapit rito at tumayo sa may altar?Mananalangin akong kasama ninyo kung paparito kayo,sinumang makasalanan, lalaki o babae, batang lalaki o batangbabae, kasapi ng iglesya o hindi kasapi ng iglesya. Ang pagigingkasapi ng iglesya ay hindi kayo gagawing Cristiano ha. Ang altaray bukas. Maaari ba kayong pumarito, sinumang makasalananna nagnanais na pumarito, na tanggapin ang Panginoong JesusCristo. Na gusto talagang maalis ang…347 Ang ilan sa inyong mga maka-denominasyon na gustonghuminto na sa kakakain ng pagkaing iyan ng manok, sapagsasabing, “Kayo’y kabilang dito at walang anuman iyon.”Gusto ba ninyong malaman talaga kung ano ang totoongbautismo ng Banal na Espiritu? Halikayo, alamin ninyo.348 Bukas ang altar. Handa na kami. Basta lumapit lamang kayomismo, mula—mula sa inyong kinauupuan. Pumarito mismo atlumuhod dito sa may altar, ang kapatid na lalaking ito nakalalapit pa lamang.349 “Pagpapasalamat, OhDiyos, ako’y lubos na nagpapasalamatsa Iyo. Na, buong buhay ko, nalaman ko na mayroong isangbagay, Panginoon. Kailanman ay hindi ako nasiyahan. Sinikapko. Ako—naisip ko, ‘Sa susunod na taon, ay gagawin ko na.Sa susunod na linggo, ay gagawin ko na, sa susunod namakarinig ako ng pagtawag sa altar. Gagawin ko, balangaraw.’ Ipinagpaliban ko ito, at ipinagpaliban ko ito. Ngunit,Panginoon, nalalaman kong may bagay na mali sa akin. Lagikong pinaniniwalaan na may bagay na kakaiba. At ngayon,Panginoon, sa gabing ito, ako’y labis na nagpapasalamat para saisang paghahanda na ginawa ngAnak ngDiyos, upang ang akingmga kasalanan, sa totoo ang aking kawalang-pananampalataya,ay mahuhugasan palayo sa akin. Lumalapit po ako, ngayonggabi, at luluhod upang tanggapin ang dakilang pagpapasalamatna pagpapala na ginawa ni Jesus Cristo para sa akin nang Siyaay mamatay sa Kalbaryo para sa akin.”350 Maaari ba kayong pumarito? Ngayon may mga taongnakaluhod na sa palibot ng altar dito. Bakit hindi kayo tumayoat pumarito? Gustung-gusto ninyong gawin iyan. Sinubukanninyo iyan.351 Isipin lamang si Kapatid na Lyle Palmer, ang ating mabuti,na minamahal na kapatid. Naroroon siya sa bakuran, sapagkakaunawa ko, nakatingin sa kanyang munting anak nababae na naglalaro ng croquet doon sa labas, o kung ano, at siya

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 61

ay napatiwarik sa upuan at namatay bago pa siya makakilos.Hindi ninyo alam kung anong oras kayo lilisan dito. Sadyanghindi ninyo alam kung anong oras kayo lilisan. Maaaring baka,ngayong gabi, kaya bakit hindi kayo pumarito at isaayos na itongayon?352 Halikayo, mga tao. Hindi ba ninyo nararamdaman angIsang bagay na humihila sa inyo? Ako—alam ko na maramisa inyo rito na dapat ay naririto mismo sa may altar, at itolamang anim o pitong katao rito ay hindi lamang ang dapat nanarito. Ngayon, kung pinaniniwalaan ninyo ako at mamasdanrito sa may entablado, ang mga bagay-bagay na nangyayari,paniwalaan n’yo na ako ngayon. Isang araw ang tinig ko ay titigilna. Hindi na ninyo ito maririnig pa. Maaaring hangarin ninyo nasana ay lumapit kayo.353 Sasabihin ninyo, “Pero, Kapatid na Branham, naging isa naakong kaanib ng iglesya.” Hindi mahalaga iyan kung naging anoka man. Gayon din—gayon din si Nicodemo ay naging kaanib ngiglesya.Gayon din sina Juan, Pedro, Santiago, Pablo, lahat ng ibapa sa kanila ay naging mga kaanib ng iglesya.354 Si Pablo ay isang kaanib ng iglesya hanggang sa may bagayna nangyari isang gabi, o isang araw iyon noon, at siya aylumapit. Siya ay isang kaanib sa iglesya na nagbago sa gayon,na naging isang anak ng Diyos. Maaari bang lumapit kayo?Oh, siya ay naturuan. Intelektuwal siya. Alam niya na siya aynaturuan, sa isa sa pinakadakilang tagapagturo namga paaralanna mayroon noon, kay Gamaliel, na isa sa pinakamagagaling namga guro na mayroon noon sa lupain. Ngunit nalaman niya nanangangailangan siya ng isang bagay.355 Maaari bang lumapit kayo? Minsan pa ay hihilingin ko sainyo. Saan…Dito o sa buong bansa, hinihiling ko sa inyo, saanman kayo naroroon, saan mang kapulungan kayo naroon, sapanahon ng pagpapasalamat na ito. Tandaan, ako ay naka-teyprito; hindi lamang rito, kundi sa Langit.356 Alam n’yo, napatunayan na nang ayon sa siyensiya nabawat kilos na gawin ninyo ay inirerekord. Pinatunayan nilaiyan. Tandaan, pinatunayan iyan ng telebisyon. Ang telebisyonay hindi—hindi gumagawa ng larawan. Kayo ang larawan.Dinadala lamang nito iyan, ang ginagawa ninyo, papasok saisang lagusan. Naroon pa rin kayo, kahit papaano. Kita n’yo?Kapag iginalaw ninyo ang inyong daliri, ang pagkilos na iyanay paroroon sa buong mundo. Sa tuwing kayo ay magsusuot ngdamit, ang inyong hitsura ay pumaparoon sa buong mundo. Ito’ynasa rekord. Bawat kaisipan na dumaan sa inyong isipan ay nasarekord. At balang araw ang rekord ay hihinto sa pagrerekord, itoay ilalagay na sa album.357 At pagkatapos sa Paghuhukom ito’y magbabalik. Doontatayo kayo na may putol na buhok, na nagsasabing isang

62 ANG BINIGKAS NA SALITA

Cristiano. Doon tatayo kayo na taglay ang mga kaisipan sainyong isipan laban sa Salita, at iyon ay nasa inyong pag-iisipmismo. Hindi ninyo maitatago iyon. Tandaan, ang telebisyon,maging ang siyensya ay nalalaman na iyan ay totoo. Kayongnakatayomismo ngayon, na nalalaman na kayo ay dapat nariritona, tandaan ninyo, kung kailan ito ay inirekord. Sa Araw ngPaghuhukom, ang siya ring kaisipan na mayroon kayo ngayonay ipapaalala mismo sa inyo muli. Iyan ay magiging nasa rekordmismo. Ang buong mundo ay makikita ito na ipinapalabas.Bakit hindi ba ang mundo…Nakatingin sa inyo, sa Araw ngPaghuhukom, ang lahat ngmga Anghel ay naroon.358 “Kung ikahihiya ninyo Ako rito, kapag ang inyong larawanay ginagawa na ngayon, sa Araw ng Paghuhukom ay ikahihiyaKo kayo. Sapagkat, pinahiran Ko ang Aking Salita, isinugo Itosa inyo. Ayaw ninyong sampalatayanan Ito. Itinago ninyo anginyong sarili sa likod ng kung anong bagay.”359 “Oh,” sasabihin ninyo, “ako’y totoong mabuti. Nagawa kona ito. Sumayaw na ako sa Espiritu. Nakapagsalita na akosa iba’t ibang wika.” Ganoon din naman ang mga pagano.“Sumigaw ako.” Ganoon din naman ang mga pagano. Papaanoninyomagagawang tumalikod sa Salita kung gayon?

Why not?Why not come to Him now?Why not? Why not?Why not come to Him now?Why do you wait, dear brother?Oh, why do you tarry so long?Jesus is waiting to save youA place in His sanctified Home.

Ilalagay kayong isa samga bahagi ngKanyangKatawan!Why not?

Oh, munting agila, lumapit ka na ngayon.Oh, why not come?

360 Panginoon, nagpapasalamat po ako. Ako’y lubos nanagpapasalamat. Pagpapasalamat sa Iyo, Panginoon; hindi parasa natural na pagkain, gayon man ay iyan. Subalit, Panginoon,ang huling panahon ay naririto na. Ako’y nagpapasalamat parasa espirituwal na Pagkain na ito, Panginoon, ang espirituwal naPagkain ng Pitong Selyo ay ipinangako namabubuksan.

Sasabihin ninyo, “Magiging isang bagay na iyan na iba.”Hindi, hindi.361 Hindi kayo maaaring magdagdag ng isang salita. Atmagbawas…Ito’y Naroon na, itinago lamang. Nakaselyo ito.Ilan ang nakakaunawa niyan? Sabihin, “Amen.” [Sinasabi ngkongregasyon, “Amen.”—Pat.] Kita n’yo?

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 63

Sasabihin ninyo, “Buweno, isang hiwaga lang iyan nadarating.” Oh, hindi.362 Nakasulat na Ito. Hindi kayo maaaring magdagdag ng isangsalita Dito, o magbawas ng isang salita mula Dito. Kita n’yo?Ito’y Naroon na. Kailangan lamang Itong maipahayag sa hulingpanahon.363 Maaari bang lumapit kayo? Lumapit na kayo ngayon,kaibigan. Kung hindi ninyo maunawaan, lumapit kayo.Lumuhod kayo, makipag-usap sa Kanya tungkol Dito. Kunghindi ko magawa Ito na maliwanag sa inyo, gagawin Niya,sapagkat Siya ay isang—siyang Tagapag-Alis ng lahat ng mgapag-aalinlangan.

…in His sanctified throne.Oh, why…(Maaari bang magsilapit na kayo?)Why not?

Why not come to Him now?364 Tandaan, mayroong isang rekording na ginagawa para dito,hindi lamang sa teyp na ito, kundi sa napakalaking rekord ngDiyos. Bawat isa sa inyo, bawat kilos, kapag iniyukod ninyoang inyong ulo, iniyukod ang inyong puso, anumang kaisipanna pumapasok sa inyong pag-iisip, tandaan, ito’y inirerekord nangayon mismo sa Kaluwalhatian, at ang rekord ay ipapalabas saAraw ng Paghuhukom. Nasaan na ang inyong pagpapasya? Oh,gaano ninyo ito gugustuhingmabago, sa Araw na iyon.365 Maghihintay lamang ako, dahil marami, marami, ang nasapalibot ng altar ngayon. Kita n’yo? Marahil ang isa sa kanila,kung maghihintay pa ako nang kaunti, maaaring mayroon pangisa doon, maaaring nasa kung saan sa New York, maaaring kungsaan sa Philadelphia, doon sa California, Arizona. Saan man,maaaring may isa pa na lalapit. Pastor, nasaan ka man, huwagmong ihinto ang pagtawag sa altar ngayon.366 Maaaring hindi na tayo kailanman makakakita ng ibapang Pagpapasalamat. Maaaring ito na ang huling isa, at angmga pagre-rekord ay isasaayos na, ngayong gabi, sa hulingpagkakataon. Itong teyp ay mauubos na, isa sa mga arawna ito. Ang rekord ay tatapusin at ilalagay na sa album ngDiyos. Pagkatapos ay ipapalabas na ito, kung ano ang inyongmga kaisipan sa ngayon. Huwag ninyong sabihin na hindininyo nalalaman. Nalalaman ninyo. “Ngunit walang sinumangmakakalapit sa Akin, maliban na ang Aking Ama ang magdalasa kanya. At ang lahat na sa Akin ay ipinagkaloob ng Ama, silaay lalapit.”

…come to Him?367 Naniniwala ako, na kung ako ay naririyan sa kung saandiyan, at hindi na ako mag-iisip pa, titiyakin kong paparitokaagad ako sa abot ng aking makakaya. Oo.

64 ANG BINIGKAS NA SALITA

Oh, why not? Why?368 Tapos na ba kayo? Tiyak ba kayo na hindi ninyo napipighatiang Kanyang Espiritu ngayon? Panatilihin nating nakayukoang ating mga ulo kung gayon. Tiyak ba kayo na hindi ninyonapighati ang Kanyang Espiritu? Tiyak ba kayo na nagawa naninyo nang tamang-tama ang sinabi Niya sa inyo na gawinn’yo? Positibo ba kayo ngayon? Tandaan, kayo—maaaring hindina kayo magkaroon pa ng isa pang pagkakataon. Ang rekorday maaaring matapos na, ngayong gabi. Maaaring ito na angkabuuan nito. Maaaring ito na ang huling teyp para sa inyo.Tiyak ba kayo na kayo ay handa na ngayon? Kung ganoon,iniiwan ko na ito sa inyong mga kamay, sa Pangalan ngPanginoong Jesus.369 Ngayon habang ang pangkat ng mga manganganta ayumaawit nang malumanay, ako’y mananalangin para sa mgaito na naririto. Ako’y medyo napaka-kakaiba na uri ng isangCristiano. Naniniwala ako na ang Diyos ang gagawa ngpagliligtas. Naniniwala ako na ang Diyos ang kailangangmagtanim ng Salita. “Ako na Panginoon,” sinasabi ng Biblia, saIsaias, “Akong Panginoon ang siyang nagtanim Nito. DidiliginKo Ito, araw at gabi, baka mayroong umagaw Nito mula saAking kamay.” Bago ko hilingin ang sinuman na pumaritosa paligid ng altar kasama ng mga taong ito, gusto kongmanalangin para sa kanila, ako mismo.

Iyukod natin ang ating mga ulo ngayon.370 Minamahal naming Jesus, kauulit ko lamang ng Iyong Salita,na sinabi ng Iyong propeta, at alam ko pong ang mga salitang mga propeta ay totoo. At sinabi Mo, “Ako na Panginoon ayitinanim Ito.” Aba, tiyak nga, na inilagay Mo po Ito sa Aklatng Buhay ng Kordero, bago pa ang pagkatatag ng sanlibutan.“Akong Panginoon ang siyang nagtanim Nito, at didiligin KoIto, araw at gabi, baka mayroong umagaw Nito mula sa Akingkamay.” Ang mga ito, marahil, Panginoon, ay nakarinig ngnapakaraming pagtawag sa altar. Ngunit patuloy Ka pa ringnagdidilig Dito, Panginoon.371 Narito sila, ngayong gabi. Nawa sila ay kumawala lamang,ngayong gabi, Ama, mula sa lahat ng mga bagay ng sanlibutan,lahat ng mga kasalanan at mga kabagabagan na nasa kanilangpuso, at sa maliwanag lamang na pag-iisip, mapitagan, sakanilang puso, ay kumawala na patungo sa Iyong Salita,ngayon mismo, at sabihin, “Panginoong Jesus, sa kaibuturanng aking puso, ay dati ko nang laging pinaniniwalaan namayroong bagay na para sa akin, na hindi ko pa kailanmannatanggap. Bagaman pinagsikapan ko, gaya ng ang naturangpagpapahayag ay nagawa na ngayong gabi, para sundan anginahin, ngunit mayroong bagay na para bang kakaiba parasa akin. Sadyang hindi tama ang dating niyon. Pagkatapos,

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 65

ngayong gabi, nararamdaman kong ako’y lumalapit ngayonnang mas malapit sa mga bisig ng buhay na Salita. Ako’ylumalapit dito na lubos nang sadyang mapitagan, sa akingtamang pag-iisip. Ako’y naririto na sa may altar na ito. Gustoko ng kaligtasan, Panginoon, kailangang-kailangan ko. Akopo’y nagugutom na nang husto! Nais ko po Kayo, Panginoon,na kargahin ako sa Iyong mga bisig, sa gabing ito. Hindi sapamamagitan ng anumang emosyon, kundi sa pamamagitan ngEspiritu ng pag-ibig, dalhin Mo ako sa Iyong mga bisig, mahalna Diyos.

372 “Ako’y anak Mo. Nararamdaman ko na ako yaong agila nasinasabi nila. Saluhin Mo po ako, Panginoon. Ako’y tumatalon.Tumayo po ako sa aking kinauupuan, at lumuhod dito. SaluhinMo po ako, Panginoon. Ako’y tumatalon. Dalhin Mo ako saibabaw ng Iyong mga pakpak, Panginoon, palayo sa mga bagayna ito ng sanlibutan. Paliparin Mo ako palayo sa karumihan ngsanlibutang ito, mula sa aking masamang pag-uugali, mula salahat kong tradisyong maka-denominasyon. Hayaang lumapitako sa Iyo lamang, mahal na Diyos, upang ang Iyong EspirituSanto ay ibuhos sa akin ang kapatawaran ng lahat ng akingmga pag-aalinlangan. Nawa ako, ngayong gabi, ay maging anakMo, na bago na, ipinanganak na, at isa nang bagong nilalang,ngayong gabi. Saluhin Mo po ako. Dalhin Mo po ako palayo,nang lampas sa mga pagkurok-kurok ng inahing manok. DalhinMo ako palayo, patungo sa pugad ng Agila, kung saan doon akoay mapapalaki ng Salita ng Diyos, hanggang sa makayanan konang lumipad.”

373 Ipagkaloob ito, mahal na Diyos. Kunin Mo po sila. Sila’y saIyo. Ito ang dalangin ko na may katapatan, nananalangin parasa mga taong naghihingalo na. Ipagkaloob ito, Ama. Iniaalay koang panalangin na ito para sa kanila. Para sa kaluwalhatian ngDiyos, hinihiling ko ito.

Ngayon habang ang atingmga ulo ay nakayuko.

374 Nais kong malaman, sa palibot ng altar ngayon, kayo nanakaluhod dito. Marami sa inyo ay nagsabing mga Cristiano,ngunit naramdaman ninyo na laging mayroong isang bagay,sa kung saan man, na hindi ninyo taglay. Maaaring nagawana ninyo ang lahat ng relihiyosong gawa. Maaaring sumigawna kayo. Maaaring nagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay.Maaaring sumayaw na sa Espiritu. Maaaring kayo ay nagsalitana sa iba’t ibang wika. At walang sinumang makapagsasabi nganumang bagay na mali laban diyan. Iyan ay totoo. Lahat ngiyan ay mabuti. Ngunit, nakita ninyo, iyan ay mga kaloob ngEspiritu, nawala ang Espiritu. Kung ang Espiritu ay naroon, angpakiramdam na iyan ay hindi makakaramdam ng hinahatulanna tulad niyan.

66 ANG BINIGKAS NA SALITA

375 Kayo ba ay talagang, totoong matapat, dito sa may altar, napinaniniwalaan iyan ngayon mismo, habang kayo ay naririto,na diyan pa lang sa pagkilos ng pagkakahulagpos ng inyongsarili, hindi sa isang emosyon ha, kundi sa tunay, walang-halong pananampalataya, na kayo ay tatanggapin ng Diyos atpangangalagaan kayo sa Kanyang Salita hanggang sa kayo aymga agila na, kayo mismo, at magagawa nang lumipad? Kungnaniniwala kayo, at gusto ninyo na gawin iyan ng Diyos, itaasang inyong kamay, kayo na narito sa palibot ng altar. Pagpalainkayo ngDiyos. Bawat isa ay itinaas na ang kanilangmga kamay.376 Ngayon, manahimik nang totoo, aking hihilingin sa mganakapag-alay na na mga lalaki at mga babae na totoongnakakakilala sa Diyos.377 Karamihan sa kanila, ito’y napaka-kakaiba, para nga itongganun, ang mga pagtawag sa altar na ginagawa ko ay halosmga lalaki lahat. Alam n’yo, kadalasan, ito’y mga kababaihan.Ngunit ito’y puro kalalakihan dito. Palagay ko ay mayroongisang babae sa may altar, ngayong gabi, maaaring dalawa.Kadalasan ito’y kababaihan. Ngunit, siguro o anuman, palagayko ay para bang inaakala ng mga kababaihan na nagsasalita akonang laban sa kanila. Hindi, kapatid na babae. Tatlo, palagay ko,ang sabi ng isa na nakikita daw nila. Hindi ko makita galing saitaas ng altar dito. Buweno.378 Magsilapit dito ang ilan sa inyo na nakapag-alay na namga Cristiano at tumayong kasama ko sa pananalangin saisang sandali lamang. Sa may altar, saan man kayo naroroon,sa may entablado, sinuman na totoong nakakakilala sa Diyos,na sadyang nalalaman kung paano ang tumayo rito ng ilangsandali lamang para sa pananalangin kasama nila, pagkataposay pauuwiin na natin ang mga tagapakinig. Lahat ay magingtotoong mapitagan ngayon. Huwag kayong umalis. Lumapitlamang kayo rito at tumayong paikot.379 Ang ilan sa inyo na mga taong totoong naniniwala naIto ay Katotohanan, na tayo’y pumapasok na sa panibagongkapanahunan. Tayo’y pumapasok na sa Kapanahunang Pag-Agaw. Nalalaman ninyo na ang iglesya ay hindi makakasama sakalagayan nito, at hindi na ito bubuti pa. Ito ay lalong sasamanang sasama. Ilan ang nakakaalam niyan? Sabihin, “Amen.”[Sinasabi ng kongregasyon, “Amen.”—Pat.] Ito’y talagang lalongsasama nang sasama. At hindi ito makapagpapatuloy nangganito. Kita n’yo? Talagang ito na ang Bagay na ’yun, atIto’y kumikilos na ngayon mismo, kaibigan. Ito’y—ito’y—ito’ykumikilos na, nagpapatuloy na ang naturang pagkilos para saNobya. Iyan ay Katotohanan. Iyan ay GANITO ANG SABI NGPANGINOON.380 Lumapit na kayo ngayon, mga nakapag-alay na na Cristianona gustong ang inyong—inyong rekord ay masumpungan na

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 67

ganyan, itong mga lumapit na may katapatan, na gusto ninyonglumapit at mag-alay ng panalangin kasama nila, bilang inyongmga kapatid na lalaki at babae, halikayo sa palibot ng altar.Tumayo kayo sa palibot rito sandali, para sa pananalangin.May iba pa ba na gustong lumapit? Tumayo kayo sa palibotrito. Lumuhod lamang sa tabi nila. Lumakad lamang, kungsaan kayong mga kalalakihan sa palibot ng mga kalalakihangiyon; kayong mga kababaihan. Magiliw, mapagpakumbabanghumiling ng panalangin para sa kanila.

Minamahal na Diyos, tulungan…?…381 “Isinusuko ko ang lahat. Isinusuko ko ang akingdenominasyon. Isinusuko ko ang aking unang kasal. Isinusukoko ang aking unang asawa. Isinusuko ko ang lahat ng bagay,Panginoon.”

…-der all.All to Thee, my blessed Saviour,I surrender all.

I surrender all,I surren-…

382 Isinusuko mo ba ang iyong sariling kaisipan? Magagawa mobang isuko ang sarili mongmga kaisipan, sa Salita ngDiyos?

All to Thee, my blessed Saviour,I surrender all.

I surrender all,I surrender all.All to Thee, my blessed Saviour,I surrender all.

383 Lahat ng sumasampalataya ngayon, sa mga tagapakinig,magsitayo kayo. Awitin natin ito, nang sabay-sabay, ngayon.

I surren-…

Isinusuko n’yo na bang lahat, na handa nang awitin itongayon?

I…

To Thee, my blessed Saviour,

I surren-…384 Ngayon, kayong nasa palibot ng altar, kung totoongisinusuko na ninyo, itaas ninyo ang inyong kamay sa Kanya,awitin, “Isinusuko ko lahat. Isinusuko ko ang denominasyon.Isinusuko ko ang denominasyon. Isinusuko ko ang iglesya.Isinusuko ko ang aking sarili. Isinusuko ko ang aking kaisipan.Ang lahat sa Iyo, aking mapagpalang Tagapagligtas, isinusukoko ang lahat. Sa Iyo, aking…”

68 ANG BINIGKAS NA SALITA

I surrender all,I surrender all.All to Thee, my blessed Saviour,I surrender all.

Iyan ba ay totoo sa inyo?I surrender all,[Blangkong bahagi sa teyp—Pat.]

385 Kayong narito sa altar ngayon. Kayong narito sa palibot ngaltar, na naipanalangin. Ang iglesya ay nanalangin na para sainyo. Nanalangin na rin kayo, mismo. Ngayonmay iisang paraanlamang upang kayo ay maligtas, iyan ay, “Sa pamamagitan ngpananampalataya kayo ay naligtas, at iyan ay dahil sa biyaya.”Ang biyaya ng Diyos ay nangusap sa inyo, dinala kayo sa altar.Hinahanap ninyo angmga pagpapala ngDiyos. Hinahanap ninyoang Kanyang Salita. Hinahanap ninyo ang Banal na Espiritu.Hinahanap ninyo ang mga lingap ng Diyos. At kung ganoonnga kayo, at magagawa ninyo, talaga, nang buong puso ninyo,isuko iyon. Ngayon, huwag kayong maghanap ng anumangemosyon. Hanapin ang Katotohanan, isang Katotohanan namula sa inyong puso, sa pamamagitan ng pananampalataya.“Panginoon, handa po akong gawin ang anumang bagay naipinag-uutos ng Iyong Salita sa akin na gawin. Isinusuko ko angaking sarili, sampu ng lahat ng nasa akin.”386 Kung sinasampalatayanan ninyo iyan nang buong pusoninyo, gusto kong kayo aymagsitayo, humarap kayo sa iglesyangito, sa mga tagapakinig, at itaas ang inyong mga kamay, ataawitin nating sabay-sabay na kasama sila, “Isinusuko ko anglahat ng bagay na nasa sa akin, Diyos. Sa abot ng akingkaalaman, ang lahat-lahat na kung ano ako, ay isinusuko ko.”387 Umakyat kayo dito sa entablado na ito, kayo na nasa mayaltar. Umakyat kayo mismo rito sa may entablado, mga kapatid,dito mismo sa itaas, lahat kayo, at mga kapatid na lalaki at mgakapatid na babae.

Tumingin kayo dito, iglesya.388 [Sinasabi ng isang kapatid na babae, “Kapatid na Branham,kabilang ako sa isang iglesya, ngunit kamakailan ako’y hindi—hindi na kabilang pa doon.”—Pat.] Isinuko na? [“Alam ngPanginoon kung saan ko gustong pangunahan Niya. Gustoko…?…sa iglesya. At gusto ko ang Espiritu Santo, angmapuspos ng Espiritu. At ako’y handang mamatay, kung iyanang kinakailangan.”] Oo. Iyan ay tama. Isinusuko mo ba anglahat-lahat sa Kanya at sa Kanyang Salita?389 Isang kapatid na babae rito, mula sa isang denominasyon.Sinabi niya, “Kabilang ako sa isang denominasyon.” Hindina natin kailangang banggitin iyon. Siya’y isang manggagawadoon. Ngunit sinabi niya, “Kapatid na Branham, gusto kong

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NI CRISTO 69

lumabas tungo sa Katotohanan. Gusto ko ng isang bagay na masmalalim pa doon.” Kita n’yo?390 Hayaang ulitin ko ang Kanyang Salita. “Mapalad silangmganangauuhaw at nangagugutom sa katuwiran, sapagkat sila aybubusugin.”391 Ngayon, kayong mga narito sa entablado, na kalalapit palamang, kung kayo ay handa nang isuko ang lahat ng bagaysa inyo, ang lahat-lahat, upang sundin ang Salita ng Diyos.Walang sinumang nagsabi sa inyo, sa sanlinggong ito, kungano ang dapat na gawin. Ngayon, kung kayo ay handa nangsumuko sa Kanya ngayon mismo, itaas lamang ang inyongmga kamay, tulad nito, sa mga tagapakinig. Ngayon, kayo nanarito sa entablado, awitin natin ito nang sabay-sabay ngayon,I Surrender All. Lahat, sama-sama. Sige.

I surrender all,Ngayon totoo ba sa inyo iyan!…?…

392 Totoo ba sa inyo iyan? Sabihin, “Amen.” [Sinasabi ngkongregasyon, “Amen.”—Pat.] Sabihin, “Amen,” minsan pa.[“Amen.”] Sabihin, “Panginoon,” [“Panginoon,”] “suriin Mo poako.” [“suriin Mo po ako.”] “Subukin Mo ako.” [“Subukin Moako.”] “At bigyan Mo po ako ng pagkakataon.” [“At bigyan Mopo ako ng pagkakataon.”] “Ito lang ang tangi kong magagawa,ngayong gabi,” [“Ito lang ang tangi kong magagawa, ngayonggabi,”] “ay ang ibigay ang aking sarili sa Iyo.” [“ay ang ibigayang aking sarili sa Iyo.”] “Alam Mo po ang pagkagutom ngaking puso.” [“Alam Mo po ang pagkagutom ng aking puso.”]“AlamMo po ang hangarin ko.” [“AlamMo po ang hangarin ko.”]“Ang Iyong pangako ay ang puspusin ang hangarin na iyan.”[“Ang Iyong pangako ay ang puspusin ang hangarin na iyan.”]“Ngayon ito’y tinatanggap ko.” [“Ngayon ito’y tinatanggap ko.”]“At sumusuko po ako sa Iyo.” [“At sumusuko po ako sa Iyo.”]Lahat sama-sama.

I surrender all,I surrender all.All to Thee, my blessed Saviour,I surrender all.

ANG HINDI NAKIKITANG PAKIKIPAG-ISA NG NOBYA NICRISTO TAG65-1125(The Invisible Union Of The Bride Of Christ)

Ang Mensaheng ito ni Kapatid na William Marrion Branham, orihinal naipinangaral sa Ingles noong Thanksgiving Day, Huwebes ng gabi, Nobyembre 25,1965, sa Life Tabernacle sa Shreveport, Louisiana, U.S.A., ay hinango mula samagnetikong teyp rekording at inilimbag na walang pagbabago sa Ingles. ItongTagalog na salin ay inilathala at ipinamamahagi ng Voice of God Recordings.

TAGALOG

©2014 VGR, ALL RIGHTS RESERVED

VOICE OF GOD RECORDINGS

P.O. BOX 950, JEFFERSONVILLE, INDIANA 47131 U.S.A.www.branham.org

Abiso Ukol Sa Karapatang Maglathala

Ang lahat ng karapatang maglathala ay saklaw ng may-ari lamang. Ang aklat na ito ay maaaring i-print sa home printer para sa personal na gamit o maipamahagi sa iba, nang walang bayad, upang magamit sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo ni Jesus Cristo. Ang aklat na ito ay hindi maaaring ibenta, kopyahin nang maramihan, i-post sa website, i-store sa retrieval system, isalin sa ibang wika, o gamitin upang manghingi ng pondo nang walang inilalabas na kasulatang nagpapahintulot galing sa Voice Of God Recordings®.

Para sa karagdagang impormasyon o para sa iba pang ipinamamahaging materyales, kontakin lamang ang:

Voice of God RecoRdinGsP.o. Box 950, JeffeRsonVille, indiana 47131 U.s.a.

www.branham.org