2
www.rexinteractive.com Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________ Filipino 6 Ang activity sheet na ito ay na-download mula sa www.rexinteractive.com. Ang mga karapatan ay nakareserba. Paksa 51: Pagtukoy ng Detalye ng Balita Panuto: Suriin ang balita sa ibaba at isulat ang mga hinihinging detalye sa ibaba. NBI may bagong 6 na testigo, Hubert Webb muling idiniin Hunyo 29, 2011- Manila, Philippines — Iprinisinta kahapon ng National Bureau of Investigation ang testimonya ng anim na bagong testigo na magpapatunay na nasa Pilipinas ang pinawalang-salang suspek na si Hubert Webb nang paslangin ang tatlong miyembro ng pamilya Vizconde sa BF Homes, Parañaque noong Hunyo 1991. Sinabi ni Department of Justice Secretary Leila de Lima sa isang pulong- balitaan sa punong-himpilan ng NBI sa Maynila na mga totoong testigo ang kanilang inihaharap. “Alam namin ang kanilang tirahan at nakausap namin sila para beripikahin ang sinumpaan nilang salaysay,” sabi pa ni de Lima bagaman sinabi niya na tinagubilinan ang bagong mga saksi na huwag magpakita sa publiko at binigyan sila ng mga alyas para sa kanilang seguridad. Bukod sa mga testigo, sinabi ni NBI Death Investigation Division Head Romulo Asis na nakuha nila ang magnetic reel tapes ng Bureau of Immigration na magpapatunay na hindi umalis ng bansa si Webb. Narekober aniya dito ang listahan ng mga taong may apelyidong Webb, na umalis ng bansa sa buong buwan ng Marso noong 1991 at hindi kasama si Hubert sa listahan kundi isang Freddie. Mayroon naman aniyang mga Webb na dumating noong Oktubre 1992 at dito kasama ang pangalan ni Hubert at ito ang kanilang tinitingnan. Ginamit na depensa ni Webb sa paglilitis sa kaso noon na nasa United States siya nang paslangin sina Estrellita Vizconde at mga anak nitong sina Carmelita at Jennifer at gahasahin si Carmelita. Ang naturang depensa niya ang isa sa mga dahilan kaya pinawalang-sala siya at ang iba pang akusado sa kaso. 1. Tungkol saan ang balita? _________________________________________________________ 2. Kailan naganap ang balita? _________________________________________________________

Activity Sheet 6 - Rex Interactive 6/RTP...na umalis ng bansa sa buong buwan ng Marso noong 1991 at hindi kasama si Hubert sa listahan kundi isang Freddie. Mayroon naman aniyang mga

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Activity Sheet 6 - Rex Interactive 6/RTP...na umalis ng bansa sa buong buwan ng Marso noong 1991 at hindi kasama si Hubert sa listahan kundi isang Freddie. Mayroon naman aniyang mga

ww

w.rexinteractive.com

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________

Filipino 6

Ang activity sheet na ito ay na-download mula sa www.rexinteractive.com. Ang mga karapatan ay nakareserba.

Paksa 51: Pagtukoy ng Detalye ng Balita

Panuto: Suriin ang balita sa ibaba at isulat ang mga hinihinging detalye sa ibaba.

NBI may bagong 6 na testigo, Hubert Webb muling idiniin Hunyo 29, 2011- Manila, Philippines — Iprinisinta kahapon ng National Bureau of Investigation ang testimonya ng anim na bagong testigo na magpapatunay na nasa Pilipinas ang pinawalang-salang suspek na si Hubert Webb nang paslangin ang tatlong miyembro ng pamilya Vizconde sa BF Homes, Parañaque noong Hunyo 1991. Sinabi ni Department of Justice Secretary Leila de Lima sa isang pulong-balitaan sa punong-himpilan ng NBI sa Maynila na mga totoong testigo ang kanilang inihaharap. “Alam namin ang ka nilang tirahan at nakausap namin sila para beripikahin ang sinumpaan nilang salaysay,” sabi pa ni de Lima bagaman sinabi niya na tinagubilinan ang bagong mga saksi na huwag magpakita sa publiko at binigyan sila ng mga alyas para sa kanilang seguridad. Bukod sa mga testigo, sinabi ni NBI Death Investigation Division Head Romulo Asis na nakuha nila ang magnetic reel tapes ng Bureau of Immigration na magpapatunay na hindi umalis ng bansa si Webb. Narekober aniya dito ang listahan ng mga taong may apelyidong Webb, na umalis ng bansa sa buong buwan ng Marso noong 1991 at hindi kasama si Hubert sa listahan kundi isang Freddie. Mayroon naman aniyang mga Webb na dumating noong Oktubre 1992 at dito kasama ang pangalan ni Hubert at ito ang kanilang tinitingnan. Ginamit na depensa ni Webb sa paglilitis sa kaso noon na nasa United States siya nang paslangin sina Estrellita Vizconde at mga anak nitong sina Carmelita at Jennifer at gahasahin si Carmelita. Ang naturang depensa niya ang isa sa mga dahilan kaya pinawalang-sala siya at ang iba pang akusado sa kaso.

1. Tungkol saan ang balita? _________________________________________________________

2. Kailan naganap ang balita? _________________________________________________________

Page 2: Activity Sheet 6 - Rex Interactive 6/RTP...na umalis ng bansa sa buong buwan ng Marso noong 1991 at hindi kasama si Hubert sa listahan kundi isang Freddie. Mayroon naman aniyang mga

ww

w.rexinteractive.com

Ang activity sheet na ito ay na-download mula sa www.rexinteractive.com. Ang mga karapatan ay nakareserba.

Filipino 6

3. Saan nangyari ang balita? _________________________________________________________

4. Sinu-sino ang nasa balita? _________________________________________________________

5. Ano ang kahalagahan ng balita? _________________________________________________________