10
P AGTUTULOY —— —— S A S ANGGUNIANG B AYAN NG B USTOS B ULACAN : Buong kaluguran kong itinutuloy sa inyong Tanggapan ang kalakip na panukalang kautusan na may maikling pamagat na “Aksyon ng Mamamayan Ordinance.” Ang pagpapatibay ng panukalang ito ay sadyang mahalaga; sapagka’t napapanahon na na patingkarin ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang itinatadhana ng Artikulo XIII, Seksyon 15 ng Saligang Batas ng Pilipinas na kilalanin ang “bahaging ginagampanan ng malayang mga organisasyon ng sambayanan upang matamo at mapangalagaan ng mga taong-bayan, sa loob ng balangkas na demokratiko, ang kanilang lehitimo at sama- samang interes at hangarin sa pamamgitan ng paraang mapayapa at naaayon sa batas.” Nilalatag ng panukala ang mekanismo upang maging bukas ang Pamahalaan sa mamamayan, lalo’t higit sa pakikilahok sa pagpapasya ng mga may-kapangyarihan. Dito, tiyak na maihahain ng mamamayan ang kanilang mga damdamin at mithiin, at maseseguro na ang mga ito ay mailalangkap sa mga planong pangkaunlaran ng bayan. Gayundin ay kinikilala nito ang mga organisasyon ng sambayanan o civil society organizations (CSOs) bilang katuwang ng Pamahalaan at kinatawan ng mamamayan sa partisipatoryong pamamahala. Sinisinop din nito at inaayos ang proseso ng akreditasyon upang maitaguyod ang isang makatarungan at napapanahong pamantayan. Tanggapan ng Punong Bayan

Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ordinansa na binibigyang lakas at higit na partisipasyon ang mga samahan na makiisa sa tunguhin ng Pamahalaang Bayan.

Citation preview

Page 1: Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

PAGTUTULOY

——∞——

SA SANGGUNIANG BAYAN NG BUSTOS BULACAN:

Buong kaluguran kong itinutuloy sa inyong Tanggapan ang kalakip na panukalang kautusan na may maikling pamagat na “Aksyon ng Mamamayan Ordinance.”

Ang pagpapatibay ng panukalang ito ay sadyang mahalaga; sapagka’t napapanahon na na patingkarin ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang itinatadhana ng Artikulo XIII, Seksyon 15 ng Saligang Batas ng Pilipinas na kilalanin ang “bahaging ginagampanan ng malayang mga organisasyon ng sambayanan upang matamo at mapangalagaan ng mga taong-bayan, sa loob ng balangkas na demokratiko, ang kanilang lehitimo at sama-samang interes at hangarin sa pamamgitan ng paraang mapayapa at naaayon sa batas.”

Nilalatag ng panukala ang mekanismo upang maging bukas ang Pamahalaan sa mamamayan, lalo’t higit sa pakikilahok sa pagpapasya ng mga may-kapangyarihan. Dito, tiyak na maihahain ng mamamayan ang kanilang mga damdamin at mithiin, at maseseguro na ang mga ito ay mailalangkap sa mga planong pangkaunlaran ng bayan.

Gayundin ay kinikilala nito ang mga organisasyon ng sambayanan o civil society organizations (CSOs) bilang katuwang ng Pamahalaan at kinatawan ng mamamayan sa partisipatoryong pamamahala. Sinisinop din nito at inaayos ang proseso ng akreditasyon upang maitaguyod ang isang makatarungan at napapanahong pamantayan.

Kaya’t hinihiling ko na ang panukalang “Aksyon ng Mamamayan Ordinance” ay pagtibayin ng Sangguniang Bayan. Nawa’y matanaw natin na isa ito sa mga makasaysayang batas na maaari nating pagtibayin at ipagmalaki sa buong bansa.

Sumasainyo,

ARNEL F. MENDOZA

Tanggapan ng Punong Bayan

Page 2: Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

Punong Bayan

TANGGAPAN NG PUNONG BAYAN,NOBYEMBRE 15, 2010.

Page 3: Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

REPUBLIKA NG PILIPINAS}BUSTOS, BULACAN }SANGGUNIANG BAYAN }

PANUKALA BLG. ____

Akda ni: ________________

KAUTUSANGNAGPAPALAKAS SA PARTISIPASYON NG MAMAMAMAYAN NG BUSTOS, BULACAN, NAGTATAKDA NG MGA PANUNTUNAN PARA DITO, AT PARA SA IBA PANG MGA LAYUNIN

Isinasabatas ng Sangguniang Bayan ng Bustos, Bulacan sa Kapulungan nito:

SEKSIYON 1. Maikling Pamagat. – Ang Kautusang ito ay kikilalaning “Aksyon ng Mamamayan Ordinance.”

SEKSIYON 2. Mga Layunin. – Layunin ng Kautusang ito ang mga sumusunod:

1. Bigyang kapangyarihan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng mga civil society organizations o CSOs na lumahok sa pagpapasya ng Pamahalaan;

2. Maging kaakibat ang CSOs sa pagpaplano ng Pamahalaan at pagtukoy sa mga programa, proyekto at aktibidad (PPAs) na tutugon sa mga higit na pangangailangan ng taumbayan;

3. Magtakda ng mga pamamaraan upang maging kaagapay ng Pamahalaan ang mga CSOs sa pagpapatupad ng mga PPAs upang mapalakas ang mga sektor ng pamayanan; at

4. Itaguyod ang pagtatatag ng mga CSOs, at magtakda ng mga malilinaw na proseso sa akreditasyon ng mga ito.

SEKSIYON 3. Uri at Klasipikasyon ng mga Civil Society Organizations o CSOs. – (1) Ang Civil Society Organizations o CSOs ay tumutukoy sa mga boluntaryo at sibikong samahan na itinatag hindi upang kumita, magnegosyo o magkamit ng kapangyarihang pampamahalaan o lumahok sa anumang gawaing panghalalan o pampulitika kundi upang sumalamin sa naisin, prinsipyo, kagustuhan o sama-samang mithiin ng mga kasapi nito, maging ito ay sektoral, sosyal, etniko, kultural, syentipiko, relihiyoso, pilantropiko at iba pa.

(2) Ang mga sumusunod ang uri ng CSOs:

1. Non-Government Organizations o NGOs – Sumasaklaw ito sa mga samahang di-

Pahina 1

12

34

567

891011

12131415

1617

181920212223242526

27

2829

1

Page 4: Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

pampamahalaan, samahang propesyunal, foundations, independent research institutes, community-based organizations (CBOs), samahang salig-pananampalataya, samahang pangmamamamayan, kilusan, unyon at grupong pang-adbokasya.

2. Quasi Non-Government Organizations o QUANGOs –tumutukoy sa mga samahang binuo sa inisyatiba ng Pamahalaan o na pinopondohan ng Pamahalaan.

(3) Ang mga sumusunod ang klasipikasyon ng mga CSOs alinsunod sa International Classification of Nonprofit Organizations:

a. Kultura at Panlibangana. Media and Communicationsb. Sining Biswal at Arkitekturac. Performing Artsd. Isports, recreational

b. Edukasyon at Pagsasaliksika. Informal schoolsb. Adult/continuing educationc. Medical researchd. Science and technologye. Social sciences, policy studies

c. Pangkalusugana. Crisis interventionb. Public health and wellness educationc. Volunteer health care services

d. Serbisyong Panlipunana. Child welfare, youth services, family servicesb. Disaster and emergency prevention and controlc. Temporary sheltersd. Refugee assistancee. Income and material assistance

e. Pangkalikasan o Pangkapaligirana. Conservation, pollution control and prevention,b. Environmental educationc. Animal protection, wildlife preservationd. Pollution abatement and controle. Natural resources conservation and protectionf. Environmental and open spaces beautification

f. Pangkaunlaran at Pabahaya. Community and neighborhood organizationsb. Economic developmentc. Social developmentd. Homeowners associations, housing associations

and assistancee. Job training programsf. Vocational counseling and guidance

g. Batas at Adbokasiyaa. Advocacy organizationsb. Civil rights associationsc. Ethic and civic associationsd. Legal services

Pahina 2

123456

789

101112

1314151617181920212223242526272829303132333435363738394041424344454647484950515253

1

Page 5: Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

e. Crime prevention and public safetyf. Victim supportg. Consumer protection associations

h. Pilantropikoa. Grant-making foundationb. Voluntarism promotion and supportc. Fund-raising organizations

i. Pandaigdigana. Exchange/Friendship/Cultural Programsb. Development assistance associationsc. International disaster and relief organizationsd. International human rights and peace

organizationsj. Relihiyon

a. Simbahan, mosque, sinagoga, seminaryo, monasteryo at iba pang mga kahawig na institusyon

b. Iba’t ibang samahang inorganisa batay sa relihiyon o pananampalataya

k. Propesyunal na Samahan at Unyona. Samahan ng mga negosyanteb. Samahan ng mga magkakasing-propesyonc. Unyong pangmanggagawa, samahan ng mga

empleyadol. Sektoral

a. Kababaihan, kabataanb. Katandaan, beterano, may kapansananc. Indigenous groupd. Agrikultura, aquaculture

SEKSIYON 4. Akreditasyon. – (1) Lahat ng mga aplikasyon sa akreditasyon ay patiunang susuriin ng Tanggapan ng Usaping Pampamayanan o Office of the Community Affairs bago ihain sa Sangguniang Bayan, at alinsunod sa “Mga Patakaran at Alituntuning Nagpapatupad sa Batas ng Pamahalaang Lokal ng 1991,” ang Sangguniang Bayan ay magbibigay akreditasyon sa CSOs sa pamamagitan ng pagtalima sa mga sumusunod na pangangailangan:

1. Liham aplikasyon sa Sangguniang Bayan na nilagdaan ng pangulo ng CSO;

2. Kapasiyahan ng lupong patnugutan na humihiling ng akreditasyon ng CSO;

3. Katunayan ng pag-iral at operasyon sa Bayan ng Bustos, Bulacan nang hindi kukulangin sa isang (1) taon bago ang aplikasyon sa akreditasyon;

4. Katunayan ng mga naisagawang PPAs;5. Programa ng aktibidad para sa susunod na taon

makaraan ang akreditasyon;6. Sipi ng Saligang Batas o Artikulo ng Inkorporasyon.7. Tala ng mga opisyal at kasapi; at8. Liham mula sa Pinuno ng Usaping Pampamayanan o

Community Affairs Officer na inirerekomenda ang akreditasyon ng CSO.

Pahina 3

1234567891011121314151617181920212223242526272829

3031323334353637

383940414243444546474849505152

1

Page 6: Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

(2) Ang mga koalisyon, alyansa o pederasyon ng mga CSOs ay hindi na kinakailangang humiling pa ng akreditasyon kung ang limampung bahagdan (50%) ng mga kasaping CSO ay may akreditasyon bilang indibidwal na CSO.

(3) Ang CSO na binigyang akreditasyon ay tatanggap ng Katunayan ng Akreditasyon mula sa Sangguniang Bayan na nilagdaan ng Pinuno ng Usaping Pampamayanan, Pangalawang Punong Bayan at Punong Bayan. Kasama sa Katunayang ito ang mga kondisyon at alituntuning kinakailangang tupdin ng CSO upang mapanatili ang akreditasyon nito.

(4) Ang mga partido pulitikal at samahan ng mga kawani ng Pamahalaan ay hindi mapapabilang sa mga maaaring bigyan ng akreditasyon.

SEKSIYON 5. Bisa ng Akreditasyon. – Ang bisa ng akreditasyon ay limampung (50) taon mula sa pagpapatibay nito, at maaaring muling igawad sa pamamagitan ng panibagong aplikasyon. Sa alinmang panahon ay maaari itong ipawalang-bisa ng Sangguniang Bayan sa rekomendasyon ng Tanggapan sa Usaping Pampamayanan, batay sa alinman sa mga sumusunod na dahilan:

1. Paglabag ng CSO sa Saligang Batas ng Pilipinas, Kodigo ng Korporasyon ng Pilipinas, mga batas pambansa o kautusang pambayan;

2. Ang CSO ay inaakala o mapapatunayang may kaugnayan sa mga samahang sumasagwil sa mga prinsipyong demokratiko o laban sa republikanong pamahalaan ng Pilipinas, o nagtataguyod ng gayong mga paniniwala at gawain, o sumusuporta sa terorismo o karahasan;

3. Batay sa pagsusuri ng Tanggapan sa Usaping Panlipunan, ang CSO ay hindi nagsasagawa ng anumang aktibidad sa loob ng isang (1) taon o natagpuang hindi na ito umiiral; o

4. Hindi pasusumite ng mga ulat na itinatakda ng Kautusang ito.

SEKSIYON 6. Mga Ulat. – (1) Upang mapanatili ng CSO ang akreditasyon nito, ang bawat CSO ay magsusumite sa Tanggapan sa Usaping Pampamayanan ng mga sumusunod na ulat sa buwan ng Disyembre bawat taon:

1. PPAs na isinagawa sa buong taon;2. Financial statement at declaration of assets and

liabilities; 3. Katitikan ng lahat ng mga pulong na ginanap sa buong

taon; at4. Tala ng mga kasapi at opisyal.

(2) Isusumite rin sa Tanggapan sa Usaping Pampamayanan ang mga sumusunod:

1. Pagbabago sa pangalan ng CSO;

Pahina 4

1234

5678910

111213

14151617181920

2122232425262728293031323334

35363738

394041424344

4546

47

1

Page 7: Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

2. Pagsususog sa saligang batas o sa artikulo ng inkorporasyon;

3. Pagbabago sa adres ng tanggapan; at4. Pagbabago sa kasapian o sa patnugutan o sa tala ng

mga opisyal.

SEKSIYON 7. Karapatan at Pribilehiyo. – Ang mga CSOs na may akreditasyon ay maaaring makipagtulungan sa Pamahalaan sa pagsasagawa ng mga PPAs. Ang Pamahalaang Bayan ay maaaring magbigay ng anumang tulong sa CSO sa anumang anyo, gaya ng pinasiyal o materyal na suporta.

SEKSIYON 8. Pagkakaroon ng “Social Investment Fund.” – Ang Pamahalaang Bayan ay magtatakda ng pondo bawat taon para sa Social Investment Fund. Ang pondo ay ilalaan sa CSO na may akreditasyon sa paraang competitive grant na kung saan ang CSO ay magsusumite sa Tanggapan ng Usaping Pampamayanan ng mungkahing proyekto at tala ng mga gastusin, at ang proyektong ito ay mapapakinabangan ng mamamayan ng Bustos. Ang mungkahing proyekto ay susuriin ng Tanggapan sa Usaping Pampamayanan at isusumite sa Tanggapan ng Punong Bayan para sa pagpapatibay. Ang Tanggapan sa Usaping Pampamayanan ay bibigyang kapangyarihang magtakda ng mga pamantayan sa pagsusuri ng mga mungkahing proyekto.

SEKSIYON 9. Aksyon ng Mamamayan CSO Coordinating Council. – (1) Ang Tanggapan ng Usaping Pampamayanan ay magtatatag ng “Aksyon ng Mamamayan CSO Coordinating Council” na siyang magiging ugnayan at umbrella organization ng mga CSOs na may akreditasyon.

(2) Ang “Aksyon ng Mamamayan CSO Coordinating Council” ay bubuuin ng lahat ng mga pangulo ng mga CSOs na may akreditasyon, at mula sa kanila ay maghahalal ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Kalihim, Ingat-Yaman at iba pang mga opisyal na sa kanilang pagpapasya ay kinakailangan. Magtatakda rin sila ng saligang batas at iba pang mga alituntunin sa pamamahala ng pederasyon. Ang Pinuno sa Usaping Pampamayanan ang magsisilbing tagapayo nito.

(3) Ang “Aksyon ng Mamamayan CSO Coordinating Council” ay magpupulong minsan sa isang buwan, at anumang di-pangkaraniwang pulong ay maaaring ipatawag ng Pinuno sa Usaping Pampamayanan, o ng Pangulo, o ng sinumang tatlong (3) kasaping CSO.

SEKSIYON 10. Pagkakasapi sa mga Kapulungang Pambayan. – (1) Ang mga CSOs na may akreditasyon at kasapi ng “Aksyon ng Mamamayan CSO Coordinating Council” ang siyang magkakaroon ng tanging karapatan na mapabilang sa kasapian ng mga sumusunod na kapulungang pambayan:

1. Pambayang Kapulungan sa Kaunlaran;2. Pambayang Patnugutan sa Paaralan;3. Pambayang Kapulungan sa Kapayapaan at Kaayusan;

Pahina 5

12345

678910

11121314151617181920212223

2425262728

2930313233343536

3738394041

4243444546

474849

1

Page 8: Aksyon Ng Mamamayan Ordinance

4. Pambayang Patnugutan sa Kalusugan;5. Lupon sa Subasta at Paggawad;6. Kapulungan sa Sining, Kutura at Turismo;7. Kapulungang Pambayan sa Pagbawas sa Pinsala at

Pamamahala ng Sakuna;8. Pambayang Kapulungan sa Kasarian at Kaunlaran; at9. Lahat ng mga kapulungan, lupong pambayan,

patnugutan, task forces at mga kahalintulad nito na lilikhain sa pamamagitan ng batas na kung saan kinakailangan ang pagkakasapi ng CSO.

(2) Ang komposisyon ng bawat pambayang kapulungan, lupon, task force, patnugutan at iba pa na kung saan may kasapian ng CSOs ay mananatili hanggang sa ireorganisa tatlumpung (30) araw makaraang magkabisa ang Kautusang ito.

SEKSIYON 11. Pagkakasapi sa mga Lupon ng Sangguniang Bayan. – (1) Ang bawat pirmihang lupon ng Sangguniang Bayan ng Bustos, Bulacan ay magkakaroon ng dalawang (2) kasaping CSO, na pipiliin ng kasapian ng “Aksyon ng Mamamayan CSO Coordinating Council” sa loob ng siyamnapung (90) araw buhat nang magpasimulang manungkulan ang Sangguniang Bayan.

(2) Ang mga kinatawan ng kasaping CSO sa bawat pirmihang lupon ng Sangguniang Bayan ay ibibilang sa pagtutukoy ng quorum, may karapatang lumahok sa deliberasyon ng lupon, may boto, at maaaring magpanukala ng batas.

(3) Walang kasaping CSO ang magkakaroon ng kinatawan sa pirmihang lupon ng Sangguniang Bayan na lumahok bilang kandidato sa halalang pambarangay, pambayan o pambansa sa loob ng limang (5) taon bago ang pagkakatalaga bilang kinatawan.

SEKSIYON 12. Pagsususog na Sugnay. – Alinmang bahagi o mga bahagi ng mga kautusang pambayan, kautusang pambarangay, kapasiyahan, atas tagapagpaganap o pampangasiwaan na taliwas sa mga itinatadhana ng Kautusang ito ay inaangkop, binabago, sinususugan o pinawawalang-bisa.

SEKSIYON 13. Paghihiwalay na Sugnay. – Alinmang bahagi o mga bahagi ng Kautusang ito na mapapatunayang labag sa batas o sa Saligang Batas ay hindi magpapapawalang-bisa sa mga tadhanain ng Kautusang ito na hindi napatunayang labag sa batas.

SEKSIYON 14. Pagkakabisang Sugnay. – Ang Kautusang ito ay magkakabisa tatlumpung (30) araw makaraang ipaskil sa lahat ng mga gusaling pampamahalaang barangay sa Bayan ng Bustos, Bulacan.

PINAGTIBAY: ____________.

Pahina 6

12345678910

11121314

15161718192021

2223242526

2728293031

3233343536

3738394041

42434445

1