25
Alamat ng Anay Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya. Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa pagpalayaw na tinatanggap. Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang ama't ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Si Ranay naman ay lalong nagkakagana sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa niya. Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging ang kakainin na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain. Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at ina. Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma- buhay na siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay. Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain ng kahoy. Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan ay naging anay.

Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Embed Size (px)

DESCRIPTION

epiko

Citation preview

Page 1: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Alamat ng Anay

Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya.

Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa pagpalayaw na tinatanggap.

Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang ama't ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Si Ranay naman ay lalong nagkakagana sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa niya.

Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging ang kakainin na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.

Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at ina.

Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.

Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain ng kahoy.

Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan ay naging anay.

Alamat ng Palay

Page 2: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Ang ating mga ninuno ay may sariling paraan ng pamumuhay noong unang panahon. Wala silang sariling mga bahay. Palipat-lipat sila ng tirahan. Kung saan sagana ang pagkain ay doon sila titigil. Tumitira sila sa loob ng mga kweba. Ang iba ay gumawa ng bahay sa itaas ng malalaking puno. Ang iba ay nagtirik ng bahay na yari sa kugon.

Kabilang sa grupong nagtatayo ng bahay na kugon sina Burnik at Paway. Iisang taon pa lang silang mag-asawa at pinagdadalantao ni Paway ang kanilang unang supling.

"Tumigil na lang tayo sa isang lugar. Malapit na akong manganganak kaya kailangan natin ng pirmihang titirhan," wika ni Paway.

Naunawaan ni Burnik ang asawa kaya naghanap siya ng lugar na masagana sa mga tanim na puno at malapit sa ilog para mapangisdaan. Nagtayo siya roon ng isang maliit na kubong gawa sa kugon.

Pansamantala ay maraming nakuhang pagkain si Burnik. Sagana ang lugar sa mga prutas at nahuhuling isda. Habang tumatagal ay nauubos ang pinagkukunan ng makakain ni Burnik.

Isang araw, sa paghahanap ng pagkain ni Burnik ay nakarating siya sa lugar na maraming tumutubong damo. Kulay ginto ang bunga niyon.

Isang katutubo ang nagsabi na manguha siya ng mga butil niyon, bayuhin hanggang lumabas ang kulay puting bunga at pagkatapos ay iluto. Palay daw ang tawag doon.

Tuwang-tuwa si Burnik. Ngayon ay may tiyak na silang pagkukunan ng pagkain. Nagtanim siya ng maraming palay at pagkatapos ay itinuro sa ibang katutubo kung paano iyon pararamihin.

Hanggang ngayon ang pagtatanim ng palay ang hanapbuhay ng karamihan sa mga magsasaka.

Alamat ng Makahiya

Ang mag-asawang Mang Dondong at Aling Iska ay mayaman at may kaisa-isang anak. Mahal na mahal nila ang labindalawang taong gulang na si Maria. Napakabait at masunuring bata si Maria. Sa kabila ng magandang katangiang ito ni maria, ang pagkamahiyain ay kaakibat ng kanyang

Page 3: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

katauhan. Ayaw niyang makipag-usap sa ibang tao kung kaya't nagkukulong lamang siya sa kanyang silid para lamang makaiwas sa mga tao.

Si Maria ay may taniman ng mga magagandang bulaklak. Ang kaniyang mga bulaklak ay sadyang napakagaganda kung kaya't ang mga ito ay kilalang-kilala sa kanilang bayan.

Isang araw, ang kanilang bayan ay pinasok ng mga bandido. Pinapatay nila ang bawa't masalubong at kinukuha ang anumang mahahalagang bagay. Sa takot na mapahamak si Maria, itinago siya ni Mang Dondong at Aling Iska sa bunton ng mga halaman. Si Aling Iska ay nagtago sa loob ng kabahayan, samantalang si Mang Dondong ay nakahandang salubungin ang pagdating nga mga bandido.

"Diyos ko! Iligtas mo po ang aking anak." Dasal ni Aling Iska.

Nang walang anu-ano'y bumukas ang pintuan ng kanilang bahay. Si Mang Dondong ay walang nagawa nang pukpukin siya sa ulo ng mga bandido. Nagtangkang tumakas si Aling Iska nguni't tulad ni Mang Dondong, siya rin ay nahagip at nawalan ng malay-tao. Naghalughog ang mga bandido sa buong kabahayan. Matapos samsamin ang mga kayamanan ng mag-asawa ay hinanap nila si Maria nguni't sila ay bigong umalis. Hindi nila natagpuan si Maria.

Nang matauhan ang mag-asawa, ang kanilang anak na si Maria ang agad nilang hinanap. Patakbo nilang tinungo ang halamanan. Laking lungkot ni Aling Iska ng hindi matagpuang ang anak. Nang walang anu-ano'y may sumundot sa paa ni Mang Dondong. Laking pagtataka niya nang makita ang isang uri ng halaman na mabilis na tumitikom ang mga dahon.

"Anong uri ng halaman ito? Ngayon lang ako nakakita nito!" Ang may pagkamanghang sabi ni Mang Dondong.

Tinitigang mabuti ng mag-asawa ang halaman, at doon nila napagtanto na ang halamang iyon ay dili-iba't si Maria. Ginawa siyang halaman ng Diyos upang mailigtas sa mga bandido.

Hindi mapatid ang pagluha ni Aling Iska at laking pagkagulat na muli ni Mang Dondong na bawa't patak ng luha ni Aling Iska, ito ay nagiging isang maliit at bilog na kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon, ang halamang iyon ay inalagaang mabuti ng mag-asawa sa paniniwalang ito ang kanilang anak. Tinawag nila itong Makahiya, tulad ng isang katangian ni Maria.

Alamat ng Rosas

Noong unang panah0n ay may isang magandang dalaga mula sa malayong bayan ng Tarlac na Rosa ang pangalan.Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para mapatunayan ang tunay na pag—ibig.Ayon sa kwento nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang may malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.

Page 4: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin ang pag-ibig ng dala sa kabilang buhay.Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog.Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng hininga.Ang mga gniti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit nang dinadalaw ang puntod nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi niya."Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami na hindi na maghihiwalay pa."Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni Rosa sa katipan.Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing. Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng naging mga bulaklak.Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng tunay ng pag-ibig.

Alamat ng Papaya

Si Payang ay anak ng isang mayamang mag-asawa mula sa Laguna. Ipinagkasundo siya ng ama't ina sa anak na binata ng pinakamayamang angkan sa kanilang lalawigan.

Lingid sa mga magulang ay may nobyo na ang dalaga. Ito si Pepe, isang magsasaka.

Nagpasyang magtanan sina Pepe at Payang upang hindi mag-kahiwalay. Ngunit natuklasan iyon ng ama ni Payang at ipinahabol sa mga tauhan ang dalawa.

Page 5: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Nang abutan sila ay ipinabugbog ng ama ni Payang si Pepe sa dalawang tauhan nito at iniwang duguan. Si Payang naman ay sapilitang iniuwi sa kanilang bahay at ikinulong sa sariling silid.

Isang matanda ang nakatagpo kay Pepe. Sa pag-aaruga nito ay unti-unting bumalik ang lakas ng binata.

Ngunit huli na. Nalaman ni Pepe na namantay si Payang sa lungkot at sama ng loob.

Nagluksa ang binata at halos araw gabing umiyak. Nang tuluyang gumaling si Pepe ay agad tinungo ang libingan ni Payang.

Sa libingan ni Payang ay may nakita si Pepe na halamang tumubo malapit sa puntod. Tila nababantay ang halaman sa ulilang puntod ng dalaga.

Inalagaan ni Pepe ang halaman hanggang mamulaklak at mamunga. Nang mahinog ang prutas nito ay kanyang tinikman. Nasarapan siya sa lasa nito. Naalala ni Pepe ang nobyang si Payang dahil sa punong iyon.

Ang bunga ng puno ay tinawag niyang Payang. Nang lumaon ay naging papaya ang tawag dito ng mga tao.

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng

Page 6: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

"Tingnan ninyo ako," wika ni Santol. "Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata."

"Daig kita," wika ni Mangga. "Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga."

"Higit akong maganda," wika ni Kabalyero. "Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na."

Page 7: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

"Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga," wika ni Niyog. "Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa."

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Page 8: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.

"Kalbo! Kalbo, ako!" sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Kung Bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw

Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano ang nangyayari.Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya sumigaw po kami, paliwanang ni Roy.Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok? tanong ni Lorna.May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na iyon, sagot ni Lolo Andres.Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola Anding. Makinig kayong mabuti. Ganito ang kuwento.Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa kabilang nayon. Naroroon si Tandang

Page 9: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

at ibig niyang maging maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok.Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay pa iyan sa akin ng aking ina.Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya ito.Salamat, Lawin, wika ni Inahing Manok. Asahan mong iingatan ko ang iyong singsing.Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni Tandang si Inahing Manok ay kaagad niyang sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang hiniram niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni Inahing Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at sinabi na kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba pang inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing Manok.Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang humaliling mga inahing manok at lawin. Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok.

Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.

Page 10: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni Iskong Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.

Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa nagugutom. At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

Page 11: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

MGA BUGTONG

Dalawang bangyasan, naghahagaran.Sagot sa Tagalog: Binti

Limang puno nang niyog; isa'y matayog.Sagot sa Tagalog: Daliri

Dalawang balahibuhin masarap pagdaitin.Sagot sa Tagalog: Mata at kilay

Hindi hayop hindi tao,nagsusuot ng sumbrero. Sagot: Sabitan Ng Sumbrero

Naligo si Adan,hindi nabasa ang tiyan. Sagot: Sahig

Page 12: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

MGA SALAWIKAIN

1.lahat ng gubat ay may ahas.

2.nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa

3. Ang kalusugan ay kayamanan. - Health is Wealth

4. Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.

5. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.

Page 13: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

RIHAWANI ANG EPIKO NG MGA KAPAMPANGAN

Sa isang kagubatan maraming bundok sa isang lugar ng Marulu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mga puting usa. Ito ang kuwento ng kanilanga mga ninuno na unang nanirahan doon.

Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito na takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa.

Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong nanirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kanyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang nagging katatakutan ang kagubatang iyon.

Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doong na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong ang mga ito kung sang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook na iyon. Para sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagapag-gabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagka-interes na dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad muna at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa na sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang puting usa rin at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nan tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamahan gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ang bundok ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.

Page 14: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

EPIKO ng BIAG NI LAM ANG

Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan.Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan ito naroroon, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga anting-anting na makapag-bibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglay ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nangamatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang.Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-ang kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kung ito'y makapagbibigay ng doteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila ni Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan sa Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin sa kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakailangang sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sumunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urin ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang puting tandang at abuhing aso.

Page 15: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Bidasari

(Epiko ng Mindanao)

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito ay naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at pinauwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol na Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng: "mahal na mahal ka sa akin." Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: "Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?" Ang naging tugon ng

Sultan ay: "Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat." Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang mas maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana. Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang di-umano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang gilid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at ipinauwi na niya si Bidasari. Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Page 16: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat ni Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad na pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon, ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahinik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat. Si Sinapati ay kamukhang-kamukha ni Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari na kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

Page 17: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Prinsipe Bantugan (Epiko ng Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan. Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saansaan si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat. Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran. Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at nagbago si Haring Madali. Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran. Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan. Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban. Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga. Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban. Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian. Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.

Page 18: Alamat Kwentong Bayan Epiko Salawikain

Hudhud hi Aliguyon

ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa

mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.

Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad ni Aliguyon.

Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.

Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa’t isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan hanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.

Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.