8
Mga Nilalaman: Mga Balita 2 Daluyan React 3 Kaligtasan sa UP, Pinaigting 4 Bitter or Better 4 Ang Kabalintunaan ng May Kapangyarihan 5 Ang Pagbabago at Ako 5 Ding, Ang Bato—aaa! 6 Sa Pagtatapos, May Isang Bagong Panimula 6 Ang Bukal 7-8 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG U.P. BUKLOD - ISIP ang daluyan PANG-HULING ISYU UNANG SEMESTRE SY 2005-2006 TRANSISYON Hudyat ng bagong araw ang bagong buhay. Ngunit huwag sanang malimutan ang haliging naitayo. Maging bukas palad sa pagtanggap ng pagbabago. Ang Istap ng Daluyan Pagsusulat at panunuri ng mga artikulo: Chris, Faye, Ivy, Lea, Poring Lay-out: Tina Maraming salamat sa mga sumusunod na kontribyutor: Shei, Charm, Shem Isang Aplikasyon, isang Induksyon ang muli na namang naganap. Isang semestre ang muling nasimulan at lumipas. Para sa iba ang natapos na semestre ay hudyat ng pagsisimula ng panibago. Para sa iba naman, ito ay nangangahulugan ng panibagong buhay kasama ang Bukluran. Para sa iilan, ito ay hudyat ng paglabas sa isang mundong nagkanlong sa kanila sa loob ng apat na taon at pagpasok sa mundo sa labas ng kolehiyo. Ano man ang ibig sabihin ng panibagong semestreng darating, ito ay bagong araw at maituturing isang transisyon tungo sa bagong buhay. Hayaan nating sumabay ang ating mga sarili sa agos ng panahon. Maging bukas palad at yakapin ang pagbabago. Ituring ito na isang pintong magbubukas ng pagkakataon sa bagong karanasan at pagkatuto. Ngunit huwag sana nating hayaang tuluyan tayong malunod sa bilis ng agos ng pagbabago. Kaalinsabay sana ng transisyon sa ating mga buhay ang pagpapatuloy ng ating mga nasimulan at panininidigan. Huwag sanang malimutan ang haliging naitayo na ng mga nauna sa atin. Darating man ang dapit hapon dahil sa pagtatapos ng semestreng ito, maaninag pa rin natin ang bukang- liwayway sa semestreng darating.

AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

  • Upload
    hatuyen

  • View
    238

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

Mga Nilalaman:

Mga Balita 2

Daluyan React 3

Kaligtasan sa UP,Pinaigting 4

Bitter or Better 4

Ang Kabalintunaan ngMay Kapangyarihan 5

Ang Pagbabago at Ako 5

Ding, Ang Bato—aaa! 6

Sa Pagtatapos, May IsangBagong Panimula 6

Ang Bukal 7-8

A N G O P I S Y A L N A P A H A Y A G A N N G U . P . B U K L O D - I S I P

a n g d a l u y a n

PANG-HULI NG ISYU UNANG SEMESTRE SY 2005-2006

T R A N S I S Y O NHudyat ng bagong araw ang bagong buhay. Ngunit huwag

sanang malimutan ang haliging naitayo. Maging bukaspalad sa pagtanggap ng pagbabago.

Ang Istap ng DaluyanPagsusulat at panunuri ng mga artikulo: Chris, Faye, Ivy, Lea, Poring

Lay-out: TinaMaraming salamat sa mga sumusunod na kontribyutor: Shei, Charm, Shem

Isang Aplikasyon, isang Induksyon ang muli na namang naganap. Isang semestre ang muling nasimulanat lumipas. Para sa iba ang natapos na semestre ay hudyat ng pagsisimula ng panibago. Para sa iba naman, ito aynangangahulugan ng panibagong buhay kasama ang Bukluran. Para sa iilan, ito ay hudyat ng paglabas sa isangmundong nagkanlong sa kanila sa loob ng apat na taon at pagpasok sa mundo sa labas ng kolehiyo.

Ano man ang ibig sabihin ng panibagong semestreng darating, ito ay bagong araw at maituturing isangtransisyon tungo sa bagong buhay. Hayaan nating sumabay ang ating mga sarili sa agos ng panahon. Maging bukaspalad at yakapin ang pagbabago. Ituring ito na isang pintong magbubukas ng pagkakataon sa bagong karanasan atpagkatuto.

Ngunit huwag sana nating hayaang tuluyan tayong malunod sa bilis ng agos ng pagbabago. Kaalinsabaysana ng transisyon sa ating mga buhay ang pagpapatuloy ng ating mga nasimulan at panininidigan. Huwag sanangmalimutan ang haliging naitayo na ng mga nauna sa atin.

Darating man ang dapit hapon dahil sa pagtatapos ng semestreng ito, maaninag pa rin natin ang bukang-liwayway sa semestreng darating.

Page 2: AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

1 stsemender

issue0

5-06

AN

GD

AL

UY

AN

2

Balita

PAHINUNGOD, Nilahukan ng BuklodNi: Faye

Bilang bahagi ng LINGAP-KAMAY, lumahok angBukluran sa Pahinungod, isang paglilingkod ng CSSP-SC samga mag-aaral ng San Vicente Elementary School. Noongika-3 ng Setyembre 2005 ay tinuruan ang mga bata kungpaano gumawa ng mga maskara, isang pagbibigay-halaga sasining. Noong ika-10 naman ng Setyembre, binasahan angmga bata ng maikling kuwentong pinamagatang Kala-kalahati. Nagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga batatungkol sa magandang asal, ang pagiging mapagbigay, naitinuturo ng kuwento. Nakipaglaro rin sa mga bata atpinakain ang mga ito pagkatapos. ΨΨΨΨ

Iskolar ng Bayan, PinasalamatanNi: Poring

Isang malaking kawalan sa buhay ng isang Iskolarkung mawawala ang mga UP Manininda, pero noongSetyembre 28, 2005: magndang balita ang sumalubong,“Salamat sa mga estudyante, nanalo ang UP Manininda saAcad Oval”. Hindi na raw ibibidding ang mga kiosk samga private stalls, sa halip, sa mga UP Manininda na dawpauupahan ang mga kiosk, dahil daw iyan sa labing-isanglibo na pumirma sa Signature Campaign at buong suportang Iskolar ng Bayan sa laban ng UP Manininda.

Noong Setyembre 27, 2005 nagkaroon ng isangmobilization patungong Quezon Hall at isang pag-uusapukol sa kiosk, na nagsasabi na hindi na daw ibibidding angmga kiosk. Isang maluwag na paghinga ang naramdamanng mga UP Manininda dahil patuloy ang kanilang trabahoat buhay. Gayundin naman ang mga Iskolar ng Bayan,dahil hindi na mangyayari ang paghihigpit ng kanya-kanyang sinturon kung private stalls ang makakaupa ngmga kiosk.

Isang taus-pusong pasasalamat din ang dapat ipaabotsa Administration sa pag-unawa ng magiging negatibongepekto kung mawawala man ang mga UP Manininda.Kahanga-hanga ng kanilang naging desisyon, sa hindipagpapaalis ng UP Manininda. Nagkaroon ng “Hitting twobirds at one shot” Napaganda na ang mga tindahan,natulungan pa ang mga UP Manininda Napatunayan langng insedenteng ito na bukas pa rin ang tainga ngnakakataas sa mga hinaing ng nakararami. ΨΨΨΨ

Setyembre 27, 2005: Ginanap ang pinakahulingDiscussion Group sa Unang Semestre napinanghawakan ng Daluyan na may titulong“Generation Gap: Mahirap Magpalaki ng Magulang”.Ganap na alas-singko y medya ng hapon nagsimulaang nasabing talakayan. Nabanggit rito na makikitaang Generation Gap sa mga lingo na ginagamit,marami nang salita na hindi na naiintindihan ng atingmga magulang tulad ng batsi, tepok, walan-jo atbp, sapag-aaral, sa oras, sa relasyon at kaibigan, at higit salahat sa pera. Madalas magkumpara ang atingmagulang noong nangyari sa kanila sa mga ginagawanatin ngayon, na hindi lamang isinasaalang-alang angpagkakaiba ng panahon, lipunan, mahahalagangpangyayring naganap. Ilan sa mga solusyon sa hindipagkaakunawaan ng magulang at anak na nabanggit satalakayan ang pagkakaroon ng mahabang pasensya samga pagkukumpara ng magulang, pag-uusap ng buongpamilya na isang gintong oportunidad, at bukas natainga sa mga nais sabihin ng bawat miyembro sapamilya.

Dapat nating ilagay sa ating mga isipan na lahattayo ay unique sa ating mga paraan at pagkilos at pag-iisip. Ayon nga sa Sikolohiyang Pilipino, Lahat ngindibidwal ay magkakaiba. Magkakaiba tayo nghenerasyon, magkakaiba tayo ng karanasan,magkakaiba tayo ng pinapahalagahan sa buhay atmagkakaiba tayo ng nais tunguhin.

Siguro nga ay mahirap magpalaki ng magulanglalung-lalo na nagyon kung saan mabilis ang pag-usadng mga ideyolohiya at teknolohiya. Malawak napagtingin na lang siguro sa mga bagay-bagay at sarilingpagekeksplor ang magtuturo sa mga magulang natinkung ano ang makabagong lipunan na atingginagalawan. ΨΨΨΨ

Iba Tayo, Iba SilaNi: Poring

Faye Poring Charm G-net

Gracielle Shei Shem Joy D.

CONGRATS SA MGA BAGONG SALING-KIDS

WELCOME SA BUKLOD-ISIP!!!

Page 3: AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

ko

men

taryo

R E A C Td a l u y a nA

NG

DA

LU

YA

N1 stsem

enderissue

05-0

6

3

“Anak, bangon na, maaga pa tayo kay SirGabriel…”“Opo itay…hmp…lagi na lang tayo maagagumising…pero sila…mahimbing pa rin ang tulog sakanilang mga kama…”

“Wag ka ngang maging reklamador…matuto kangtumanaw ng utang na loob…”

Papanik na ko noong araw na yaon ng mapansin koang isang teaser na naka-post sa bulletin ng PhanLobby. Wala siyang kulay, walang mga dekorasyon omga nakakatuwang tao na makikita dito. Pero, napukawng mensaheng ito ang aking atensyon…

“Ang utang na loob ay tinatanaw, hindibinabayaran…”

Napaisip ako sa mga katagang ipinaskil sa board naiyon. At mula noon isinapuso ko ang mga katagangiyon…

Sa ating lipunan, itinuturo sa atin ang pagganti ngkabutihan sa mga taong pinagkakautangan natin – pera,pagkain, edukasyon at maging ating mga buhay.Nariyan ang pagkilala sa kanilang magagandang nagawaat pagbabalik nito sa pamamagitan ng paggawa sa kanilang pabor o kaya naman ay pagtulong. Kung iisipn, walanaman talagang masama dito. Isang kaayaaya pa ngangugali ito kung ating titignan. Ngunit ano ang kontekstoat hangganan ng “pagtanaw” ng utang na loob ay hindimalinaw.

Sa ngayon kase, ang sistema ay automatic angpagbabayad ng utang na loob.

Nakakalungkot isipin na may mga kaso pa rin naipinapakasal ng mga magulang ang kanilang mga anakupang iahon sa hirap at mabayaran ang pamilyangpinagkakautangan. Nariyan ang halos buong buhaynilang pagsisilbi sa mga haciendero dahil sapagpapakakain ngmga ito kani-kanilang pamilya.

Ngunit kung hihimayin natin ang ating kasaysayan,hindi ganito ang konsepto ng “utang na loob”. Dahil sapagbibinyag, binigyang kahulugan ng mga banyaga angisang katutubong paniniwala ng kanilang sarilingkahulugan. Ang “utang na loob” ay isinalin bilang “debtof gratitude”. Debt, ibig sabihin, utang, na sa kontekstong tao ay dapat ibalik (reciprocity).

Nakakalungkot isipin na dahil sa “pagkaka-utang naito” may mga buhay na hindi umuunlad tulad ngkwento ng mag-ama. Nababaon sila sa isang utang nahindi naman talaga dapat bayaran kung hindi ay dapattanawin. Ang pagbabalik ng kabutihan ay nagiging isangobligasyon at hindi binibigay na kusang-loob.

Nariyan pa kaya ang diwa ng pag-tulong?“Itay, kailan matatapos ang pagsisilbi natin kay Sir

Gabriel?”“Malapit na anak, bukas anak, bukas…” ΨΨΨΨ

(Isyu 1, Unang Semestre SY 2005 – 2006)

Sa lahat ng mga artikulo na nabasa ko sa unangisyu ng Daluyan ngayong semstre, nakuha ng“BUKAS” ang aking atensyon. Ang utang na loobay konsepto, na sa palagay ko, ay alam ng haloslahat na Pilipino. Ngunit iba-iba ang pagkakaintindinatin sa konsepto ng utang na loob.

Isang halimbawa yung mag-ama sa artikulo kungsaan pinagsisilbihan nila ang pamilya na tumulong sakanila na hindi alam kung kailan ito matatapos.Kahit ako dati ay hindi alam paano ito ipaliwanag…

“ Ang utang na loob ay tinatanaw, hindibinabayaran…”

Para sa akin, ito ang pinakamagandangeksplanasyon para sa konsepto ng utang na loob.Ang utang na loob ay isang katutubong konsepto namaganda ang ibig sabihin ngunit binigyan ng ibangkahulugan ng mga dayuhan bilang “debt ofgratitude” kaya sa ngayon ay nabago na rin angpagkakaintindi nating mga Pilipino sa konseptongito.

Malapit din ang konseptong ito sa akin saisang personal na karanasan. Naisip ko na ang anakay may utang na loob din sa kanyang magulang nanagpalaki at nagpaaral sa kanya ngunit paano niyamatatanaw ang utang na loob na ito? Ang ama ko ayang nagsusustento pa rin sa kanyang mga magulangbuwan buwan at napakalaking halaga nito. Siya rinang nagpaaral sa kanyang mga kapatid at pati na rinsa ilan nilang anak. Hindi nakakaipon ng pera angaking mga magulang dahil dito kaya natatakot akona pagnagretiro na ang aking ama ay wala silangipon.

Mali ba na sumama ang loob ko sa aking amadahil sa kanyang “sobrang” pagtanaw ng utang naloob? Hindi pa ba sapat ang lahat ng kanyangginawa dati at kailangan pa rin niyang ituloy angpagsusustento sa kanyang magulang at mga kapatidngunit ang kapalit ay sariling problemang pinansyal?

Maari ring ikumpara ito sa ating pulitikal nasistema kung saan ang mga pulitiko ay kailangan ngmga “sponsors” pagdating ng panahon ngpangangampanya at eleksyon. Pag naupo na sila saposisyon, oras na para tumanaw ng “utang na loob”sa mga tumulong sa kanila noong eleksyon. Ito aymaaaring sa pamamagitan ng tax exemptions,pagaapruba agad ng kanilang hiniling na mgaproyekto at iba pa. Tingin ko ito ay isang dahilankaya hindi umuunlad ang bansa natin.ΨΨΨΨ

BukasNi: Tina

ANG REAKSYON Ni: Sheryl Anne E. Andrada

Page 4: AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

S I Tl o ck

om

entar

yoA

NG

DA

LU

YA

N1 stsem

enderissue

05-0

6

4

Nitong kasalukuyang semestre,kapapansin-pansin ang mga grupo ngkalalakihang nakahimpil atnagpapatrol sa paligid ng Acad Oval.Hawak ang mga arnis na nagsisilbingkanilang mga armas, ang mgatinatawag na Special Security Brigade(SSB), ay aasahang madalas na natingmakikita sa iba’t ibang lugar sa loobng kampus. Ang pagpapakalat ngmga nasabing SSB ay kabilang sakampanya ng UP Admin sapagpapaigting ng seguridad sa loobng kampus Kabilang rin sakampanyang ito ay ang pagsasaayosng mga street lights sa Acad Oval atbagong sistema ng pag-iilaw sa iba’tibang parte ng kampus.

Sa kanyang talumpati noongnakaraang Investiture Rites, inilahad niChanselor Cao na isa sa bibigyan ngmataas na prayoridad ng kanyangAdminitrasyon ang pagkakaroon ngseguridad sa loob ng kampus. Sinabiniyang isang akademikong proyektoang mabigyan ng kasiguruhan atkapanatagan ang bawat estudyante,guro at iba pang indibidwal ngacademic community tuwing sila’ynasa loob ng kanilang mga tahanan okaya’y naglalakad sa loob ng kampus.Hindi maikakaila na sari-saring mgakrimen ang nagaganap sa loob ngkampus na kadalasan ay mgaestudyante ang nagiging biktima,mula sa simpleng hold-up hanggangsa walang kabuluhang pagpatay.

Ang pagpapahalaga sa seguridad aymaaaring maiugnay natin sa konseptonatin ng panatag na kalooban. Angmaramdaman na ligtas at protektado salugar na siyang ginagalawan aymasasabing hangad ng bawat isa. Angmaging panatag kahit man lamang saloob ng kampus upang hindi na sanamakadagdag sa mga problema sa pag-aaral ng isang estudyante ang banta sakanyang kaligtasan. Gayundin, angmaging panatag ang kalooban ng mgamagulang na nagtatrabaho o kaya’ynasa probinsya, at masiguradong angkanilang mga anak ay ligtas sa loob ngkanyang paaralan.

Sa kabilang banda, sana ay magingtuloy-tuloy ang kampanyang ito ng UPAdmin. Sana’y gampanan rin ng mganakatalagang SSB sa paligid ng AcadOval, mga security personell at ng UPDPolice ang kanilang mga tungkulin sapagpapatibay ng seguridad sa loob ngkampus. Inaasahang hindi ito magingisang huwad na kampanyang para langmay masabing may ginagawa angAdministrasyon ukol sa isyu.Inaasahang mapipigilan na angkrimeng nangyayari loob ng kampus atmagiging ligtas nang maglakad sa Betaway at sa iba pang panig ngunibersidad. Sa lahat ng ito, marapatlamang na gawing ligtas at payapa angunibersidad dahil ito’y itinayo para samga estudyante at sa akademya hindipara sa mga kriminal at mandurukot.ΨΨΨΨ

Dinumog ang Araneta Colisseum noong Setyembre17, 2005, kung kalian ginanap ang taunang CheeringCompetition, umulan ng luha nang ianunusyo na angUniversity of the Philippines Pep Squad ay ikalawa langsa University of Santo Thomas Salinggawi. Nakisimpatyanaman lahat ng Iskolar ng Bayan sa pagluha ng PepSquad. Makaraan ang ilang araw ay may kumakalat nakuru-kuro sa Unibersidad, na nagsasabi na nadaya angUP sa iskor ng mga hurado, apat na hurado sa pitongrepresentatib ng iba’t-ibang unibersidad (hindi mag-iiskorang representatib mula sa UP) ang bumuto sa UP bilangKampeon sa sinabing patimpalak ngunit nahatak dawang iskor na ibinigay ng apat na hurado ng grado naibinigay ng representatib mula sa UST. Bakit nga ba maykumkalat na ganitong mga ideya Bitter ba tayo na natalotalo ng UST at pagbibigay sa kanila ng titulong Grandslam Champion dahil sa apat na taon na silangnamamayagpag sa nasabing Kompetisyon o talaga langna Better ang performance ng UP?

Ayon nga sa Sikolohiyang Pilipino, Dapat maspahalagahan ang proseso kaysa sa resulta, hindi ganonkahalaga ang titulo o anumang pagkapanalo, mas mahalagaang natutunan, ang napagdaanan, at ang mga nagawangmaipagmamalaki. Siguro panahon ngayon ng UST at bukasnaman panahon natin. Siguro panalo sila, pero panalo rinnaman tayo sa mga papuring natanggap ng University ofThe Philippines sa magandang performance na pinakita.Siguro mas magaling sila sa ganung aspeto pero hindikailanman mawawala na

Tayo, mga Iskolar para sa Bayan: Patuloy naLumalaban at lalaban. ΨΨΨΨ

Bitter or better Ni: Poring

Sa naging ulat ng UP Newsletter(September 5, 2005), sinabing isa rin sagagawing hakbang ng Opisina ng BiseChanselor para sa GawaingPangkomunidad ay ang pagpapatatag ngmga gate sa sampung campus entry points atpagpapatupad ng isang malawak nakomunikasyon sa mga security personell sapamamagitan ng isang synchronized radiofrequency. Kaugnay rin nito angpagpapatrolya sa mga residential area saloob ng kampus at pagsasaayos ng mgapolisiya ukol sa mga informal settlers napinaghihinalaang pinanggagalinangan sakaramihan ng mga suspek ng mgakrimeng nagaganap sa loob ngunibersidad.

Ang kampanyang ito ng UP Adminay masasabing isang mahusay na hakbangat malaki ang maidudulot na kabutihanlalong-lalo na sa mga estudyante. Marapatpang sabihin na dapat ay matagal na itonginumpisahan at binigyan ng pansin. Angpagpapanatili ng seguridad sa loob ngisang institusyon ng kaalaman ay dapat namaging concern ng bawat isa, lalong-lalo nang mga namumuno.

Kaligatasan sa UP, Pinaigting N i: Charmaine Galano

Page 5: AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

ko

men

taryo

AN

GD

AL

UY

AN

1 stsemender

issue0

5-06

5

n a t S I T

Panatag na patungong Amerika ang pangulo upangmaging kinatawan ng Pilipinas sa UN bilang presidente ngSecurity Council para sa buwan ng Setyembre. Nakatutuwaang balitang ito. Ngunit naroon ang isang bagay na di yata’tdi napapansin. O sadyang di pinapansin?

Paano ka ba mamumuno sa isang layuningpangkaayusan at pangkapayapaan para sa mga bansa gayongmismong sarili mong bansa ay di mo maiayos at dimapayapa? Ito’y sadyang kakatwa. Hindi kaya tayomagmistulang bulag na tagaakay? Ang nakakahiya pa,mukhang nakakakita naman ang iba nating aakayin.

Sabihin na nating minsan lang mangyari ito, kailanganggampanan at di maiiwasan. Ngunit naroon pa rin angkatotohanang maiiwasan sana ang ganitong sitwasyon kungsa haba ng panahong ang ‘Gloria issue’ ay namayagpag,ginawan ng karampatang aksyon ng kinauukulan ang mgahinaing ng taong bayan.

Ang kaso, wala ngang pagtugon na makita. Alin? Angpagbasura sa impeachment complain na ihinain ng oposisyon?Di yata’t nabubulagan na ang nasa kapangyarihan? Oo nga’tnasa batas ng pormalidad na kailangan ng 79 na boto paratanggapin ang reklamo. Ngunit di pa ba sapat ang mayoryang masa na walang araw na di dumaing na patalsikin na siGloria? Di ba’t tayo’y isang bansang may demokrasya?

Para kay Gloria at sa kanyang pamilya lang ba angdemokrasya? Para sa may kapangyarihan lang ba?Kabalintunaan ang mga ito. Dahil ang kapangyarihan saisang demokrasya ay dapat gamitin sa kapakanan ngnakararami ay di sa interes na pansarili.

Dahil ba sa kakulangan sa pinag-aralan at kaalaman sabatas ay di na marapat pakinggan ang masa? Tunay na ito’ymaling-mali. Quality beats quantity? Tama po. Pero talaga bangmay kalidad at marapat ang pinanigan mo?

Ang kinauukulan ay iniluklok sa kapangyarihan ngmasang umaasa sa kanyang katapatan sa interes ngnakararaming mamamayan. Ngunit ano ang ginagawa ngmga iniluklok? Nasaan ang kanilang katapatan sa sumpangmaglilingkod nang tapat sa bayan?

Kulang na lang at mapatid ang lalamunan ng masangsumisigaw, “Patalsikin si Gloria”. Di alintana ang tindi ngsikat ng araw at gutom, nabasa na at natuyuan ng pawisngunit tuloy pa rin. Nasaan na ang mga pinunong halal? Diyata’t nabingi na? O nanghiram na ng tenga sa kawali? Silana inaasahan nating magpaparating ng ating hinaing atmagtatanggol sa ating interes bilang mamamayan – wala na.Wala na sila dahil bumalimbing na. Tinalikuran na tayo.

Ang kabalintunaan ay singkad na…singkad na singkadna.ΨΨΨΨ

Ang Kabalintunaan ng May Kapangyarihan Ni: Mary Shemuel Balaibo

Ano ang mga bagay na kinatatakutan niyo?Yung iba, daga. Tapos ipis.Mayroon ding takot humawak ng palaka at human brain.Terror professors.Death.Ako, takot ako sa goodbyes.Pero bukod doon, medyo natatakot din ako sa isa pang bagay.Pagbabago.

Malamang hindi lang naman ako. Alam kong ganon rin ang nararamdaman ng ibang tao. Halimbawa, tinanong angofficemate ko kung sino ang iboboto nya noong 2004 elections, sabi niya si GMA pa rin. Stability pa rin daw siya overchange.

Yung isa namang kakilala ko, kahit away sila nang away ng boyfriend niyang seloso, ayaw pa ring makipaghiwalay. Angdahilan niya, hindi dahil sa mahal nya yung bf nya, pero dahil natatakot siya sa pwedeng mangyari. Natatakot siyang mag-isa.

Isa namang malapit na kaibigan ang na-interview ko. Mas gusto niya na kasama ang mga kaibigan niyang high schoolkesa sa mga ka-edad nya. Ayaw niya pa raw kasing tumanda at umastang matanda.

Ano ba ang nakakatakot sa pagbabago? Siguro, nakakatakot ang pagbabago lalo na kapag kaakibat ito ng isangtransition; yun bang lilisanin ang isang yugto ng buhay patungo sa isa pa, at sa oras na nangyari yun, wala nang balikan pa.Hindi kasi ganoon kapalagay ang loob natin na makipagsapalaran sa isang yugto na walang kasiguraduhan. Paano kungmasaktan lang tayo? Paano kung wala namang naghihintay na magandang kapalaran sa akin doon? Paano kung wala nangmanligaw sa akin kapag hiniwalayan ko to? Paano kung habambuhay na lang akong mag-isa? Paano kung mapahamak akosa kolehiyo? Paano kung hindi ko kayanin ang buhay sa labas ng eskuwelahan? Paano kung corrupt din pala ang ipapalitkong presidente? Paano…?

Siguro kasi, nasanay lang talaga tayo na manahimik sa ating mga comfort zones. Mas masarap yata dun.Nakakapraning yata ang masira ang equilibrium. At isa pa, sa mga ganitong sitwasyon, hindi natin maiiwasan na mayroonmga bagay na dapat nating bitiwan, at mayroon din naman na kahit ayaw natin, kailangan namang dalhin. May mga taongmaiiwan, may mga bagong taong dapat harapin, mga lugar na lilisanin, at bagong pagsubok na kailangang harapin.

Siguro sigurista lang din tayo. Baka gusto lang natin na lagi nating nape-predict ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay.Kaya nga hindi lahat mahilig sa sugal. Kaya nga mahilig tayo sa horoscopes.

O baka naman kasi, masaya o kuntento na tayo sa kung ano at nasaan tayo ngayon. Na hindi natin naiisip na bakamayroon pang mas magagandang bagay na naghihintay sa atin somewhere over the rainbow.

Hay, ano ba itong mga sinasabi ko? Ewan. Siguro baka natatakot lang din ako. Sa mangyayari sa akin after college. Samangyayari kapag natuloy ang Martial Law ala Gloria. Sa hindi ko pagpursue sa mga tunay kong gusto kong gawin sa buhayko.

Bahala na. ΨΨΨΨ

Ang Pagbabago at AkoNi: Lea

Page 6: AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

featur

eA

NG

DA

LU

YA

N1 stsem

enderissue

05-0

6

6

S i p a t S a B u h a yKatapusan na ng unang semestre ng taon, at dadako na ang

ikalawa. Sa paglipas ng unang bahagi ng taon ay maramingbagay na nangyari, di nangyari, inakala nating nangyari namaaaring hind nangyari, inakala nating di nangyari na nangyari,inasahan nating mangyari na naganap, inasahan natingmangyari na di naganap, inasahan nating di mangyari nanaganap, at inasahan nating di mangyari na di naganap.

Sa dami ng mga bagay na ito ay grasya na lamang ngPanginoon kung hindi pa tayo pagod. Pagod sa kaiisip,kapapanaginip, kakikilos at kahihintay. Ngunit hindi pa taposang laban, dahil may ikalawang semestre pa. Para naman samga magtatapos na ng pag-aaral sa unang semestre, congrats,trabaho naman!

Isang malaking panahon ng transisyon ang sem break.Pagkatapos ng mga exam at paper ay para kang nasa limbo.Alam mo na mayroon kang pinanggalingan (syempre...sananaman.), at alam mo na mayroong darating, ngunit hindi ka pasigurado kung ano talaga ito. Kung Inductee ka pa, transisyonito di lamang sa estado mo bilang bahagi ng Buklod, ngunit ngestado ng buhay mo bilang mag-aaral. Mayroon ka nang ibangobligasyon na sana ikatuwa nating gawin ng sama-sama.Mayroon ka nang mga bagong bagay na idadagdag sa iba pangbagay na kailangan mong i-juggle sa kalendaryo mo.Magkakaroon ka nang bagong kabarkada, kung hindi mo pasila nakilala noong buklet ka pa lang. At higit sa lahat, hindi kana lulutang sa AS; mayroon ka nang opisyal na maaaringmalagyan ng puwitan mo tuwing vacant time―ang tambuk.

Kung matandang kid ka naman ay malaking transisyon pa

rin ito, dahil maliban sa pagkakaroon ng mga bagong Lupapat Lupan BT, heto na naman ang bagong semestre ngpagod, kangaragan, tuwa, ginhawa at pagkakaibigan saBuklod, kasama ang bagong kids.

Ngunit hindi lang sem break ang maaaring magingpanahon ng transisyon para sa atin.Bawat araw ay isangtransisyon patungo sa isang bagay na madalas ay hindi natintiyak na alam kung ano. Ang bawat ngayon ay isangmalaking daanan tungo sa panibagong mamaya. Minsan,parang ayaw mo pa kumilos—parang walang batonghumahabol sa iyo pababa ng bundok ng oras at panahon.Lahat tayo ay ganyan minsan. Ang bawat ngayon ay ngayonlamang. Walang masama doon, dahil isa iyong paraan upangmakaiwas sa pagkamatay ng maaga. Hindi dahil transisyonang bawat minuto ay aatakihin ka na sa puso sa pag-aalala.Ngunit hindi rin ito dahilan na malimutan mo na ng tuluyanang bukas.

Basta, kahit anong mangyari, sabay-sabay tayongmatuwa sa ngayon at kapit-kamay na humarap sa bukas.Ano ngayon kung may bato? Gayahin mo na lang siDarna—kinain niya ang bato, at ginamit ito upang magingmas higit pa sa inakala niyang maaari niyang makaya.ΨΨΨΨ

DING, ANG BATO—AAAAAAA!

Ni: ivy

gawain. Ilan ang nagdadalawang-isip pa sa kanilangpagsali. Mahirap nga namang pagsabayin ang pag-aaral atang pagkumpleto ng mga kailangan para sa aplikasyon. Sakabila nito, nagpatuloy at natapos ang aplikasyon.

Masarap maging bahagi ng Buklod. Kahit kami aymga aplikante pa lamang, mabuti ang pakikitungo sa aminng Kids. Nakatagpo rin kami ng mga bagong kaibigannang makilala namin ang aming co-Lets. Maliban sa mgaito, marami kaming natutunan sa aming pagsali, mula narin sa masasayang gawaing amino dinaluhan. Nariyan angmga konseptong nagbukas sa aming isip sa pagbibigay-halaga sa ating pagiging Pilipino at ang mga bagay nanagmulat sa amin sa kahalagahan ng pagsusuri sa mgapangyayari sa paligid. Naintindihan namin angkahalagahan ng Sikolohiyang Pilipino. Ang mga ito angnagpanatili sa amin sa aplikasyon.

Totoong nakagagaan ng loob ang makatapos sa isangaplikasyong tulad nito. Pero ano na nga ba angsusunod? Magkahalong excitement at kaba ang akingnararamdaman. Kapag kami ay naging Bukids, siguradongmas marami pa kaming gagawin. Ito na nga ang simula ngpakikibahagi namin sa pagsulong ng SP. Kung hindinaman, katapusan na nga rin ba ng aming pagpapahalagasa SP?

Anuman ang maging kinalabasan ng aplikasyon,binibigyan namin ng halaga ang aming mga natutunan sapagsali at lubos kaming nagpapasalamat para sa mgaito. Sa kabila ng mga hindi magagandang naging bahaging aplikasyon, nangingibabaw ang kabuluhan ng amingpagsali. Hindi mawawala ang SP na siyang nagbuklod saamin. Lahat tayo, tungo sa isang malaya at mapagpalayangsikolohiya! ☺ - Faye -

Sa Pagtatapos, May Isang Bagong PanimulaSentimyento ng mga Lets

Kung ako ang tatanungin, halu-halo ng mga isinagot ngaking co-Lets ang aking naramdaman matapos angaplikasyon.

Hindi lahat ay naging madali. Maliban pa sa pagod samga kailangang gawin bilang bahagi ng pagsali, nagkaroonkami ng ilang kahinaan bilang mga aplikante. Maraminghindi tumuloy. Ilan ang hindi madalas na makadalo sa mga

“Ngayong tapos na ang aplikasyon, magkahalong saya at kabaang nararamdaman ko. Masaya dahil masarap talaga angpakiramdam kapag nag-survive ka sa isang mahirap nachallenge. Masaya rin ako dahil malaki ang ipinagbago ko. Masnagging aware ako sa social issues at kritikal sa mga bagay-bagay. Sa kabilang banda, nakakakaba dahil ngayon na ie-evaluate ang lahat ng mga ginawa naming. At dun nakasalalaykung karapat-dapat kaming maging Kid.” – Gnet

“Masaya akong tapos na ang app process, nakakapagod atmatrabaho pero sobrang worth it! Sobrang suwerte ko sa co-appsko kasi isa sila sa nagging reasons kaya tumuloy ako. Grabe, di kotalaga akalaing mai-in love ako sa Buklod at sa SP!” – Shei

“Masaya na malungkot. Masaya kasi tapos na, wala nangkailangang alalahaning requirements. Malungkot kasi sa appperiod ang bonding, so in a way, wala na tayong dahilan paramagsama. All in all, mas nakahinga na nang maluwag.” – Gracielle

“Naging masaya ako dahil ano pa man ang nangyari, tumuloypa rin tayo. Kahit papaano, maganda naman ang aking nagingkaranasan at ito’y nakapagbigay din ng kabuluhan sa semestrekong ito.” – Joy

Page 7: AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

AN

GD

AL

UY

AN

Ang

Bu

kal

7

d i w a n g M A K A T A

NNN AAA KKK AAA WWW

* tina *

Dahan-dahanBaka may makakita

Unti-unti langBaka may makahalata

Pag tumalikodBiglang mang-uumit

Ng isang tinginNg isang ngiti

Ng isang saglit

Kahit sandali langMapagbigyan sana

Nang mula sa malayo’yDoon na lamang

Mahalin ka.

Your shadowFalls across mine-

The dainty shape of a footIn an indeterminable color(black is a mixture of all colors of light,or the total absence of it, you see)

Transposed upon by a different figureLess dainty and less familiarYet with a beauty all its own.

It’s a dulling of colors on these cotton sheets,A blankness that doesn’t seem to be as empty

as it should be.

Then—A shifting of weights—

And moonlight shinesOn natural fibersGlimmering in the almost-darkLike wildcat eyes in the foliage.

1 stsemender

issue0

5-06

Katotohanan* romeovporlasjr *

Init ng lipunan nararamdamanSigaw ng Pilipinong lumalaban

Dala-dala reklamo ng bayanKasabay ng paglabas sa tahanan

Mga Pinoy nagpakita ng katapanganNag-isa kontra sa pamahalaanTatak ng Pilipino natagpuan

Sa mga EDSA Revolution lang namanPinuri, tiningala’t hinangaan

Sabay na pagkilos sa taong-bayanSa diktadurya at mga kadayaan

Ngayon nama’y sabwatan sa halalanUmaasa ang buong pamayananNa uusigin ang may kasalanan

Lalung-lalo ang nasa panguluhanBinhi’t pugad ng kasinungaliganPilipinas, Perlas ng Silanganan

Damang-dama lahat ang kahirapanDulot ng mga sakim sa kayamananPati mga ganid sa kapangyarihanTama na siraan, dapat tulungan

Sa adhikain at paninindiganKumilos at magsama sa lansangan

Giting ay ipapamalas na namanTungo sa lahat ang kapayapaanAt sa maayos na kinabukasan

Ipaglaban ang katotohananKinakailangan ng buong bayan

Be

fo

re

the

mor

nin

ga

fte

r*

ivy

Page 8: AN G OP ISYA L NA PA HA YAGA N N G U.P . BUK LO D -I · PDF fileNagkaroon ng maikling pakikipag-usap sa mga bata ... marami nang salita na hindi na naiintindihan ng ating ... Isang

.

M A K A T Ad i w a n gAn

gB

uk

alA

NG

DA

LU

YA

N1 stsem

enderissue

05-0

6

8

Its melodramatic reallyThe trickling down of tearsThe screaming sound of silenceThe pangs of a broken heart

Most of the time,its really just emotion driven

Words flood out of my heartAnd direct my motor neuronsTo send my hand scribbling downpieces of thought on paper

Trying hard to,the encapsulable stress responses

Trying to concretize what is clearlythe subjective experienceof hurt and pain

All in the hopes of breathingin positive emotion.

It’s the little things you say ,It’s the everyday acts you do,Its our spontaneous 10 minute meetings,It’s the sharp gaze in your eyes,…that tear me apart and hurt me soYou break me into piecesevery time in every little wayI don’t really know what to doI mean, I’m me and you’re you.Its as plain as thatI don’t know whose to blame.I just know I’m hurting insideand maybe so are you.

Naglalaglagang dahonNaghahampasang alonPagdaan ng panahon

Gunita ng kahaponMabilis na pag-agosMaingay at maayos

Mistulang mga kaluskosPagdating ay mga unosMga kagandahang hatid

Hindi ko pa rin batidUtak ay nakapinidOras ay sinisisid

Ang Oras ba ay posas?Hadlang sa ating pag-aklas

Ang Oras ba ay rosas?Dala ay pagbabagong likas

Mga UP Maninindadapat bang palayasin

Sa itinuturing na trabahoat buhay na rin

Kanilang pamumuhayhuwag sanang angkinin

Naging tulong na rinsa Unibersidad natin

Makiisa sa kanila,ito’y para sa ’tin

Sila ay tulongsa pagtaas ng bilihin

Eviction ay hindi maka-masa na gawainDapat hinaing nang nakararami ay dinggin

Makinig sa kanilang bosesnang mataimtim

Upang magingputi’t busilak

ang kulay itim

Chap t e r 17* chrystal_water5 *

i t i m

O r a s

* romeovporlasjr *

* romeovporlasjr *

8: 35 .* chrystal_water5 *