11

Click here to load reader

ANEKDOTA final

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANEKDOTA final

ANEKDOTA

Page 2: ANEKDOTA final

Ang anekdota ay isang maikling salaysay na karaniwang naglalarawan ng panlahat na katotohanan o panuntunan o kaya’y isang

makatawag-pansing katangian ng isang tao.

Page 3: ANEKDOTA final

Dapat na maging payak ang pagpapahayag dahilan sa naglalayong manlibang sa

pamamagitan ng pagbibigay ng di-karaniwang pangyayari, ng matapat at

mapalagay na pagtingin sa isang kilalang tao o pangyayaring nakawiwili at tipikal sa isang

lahi o relihiyon o pangkat ng mga tao

Page 4: ANEKDOTA final

Anekdotang hango sa tunay na buhay

Ang anekdotang hango sa tunay na buhay ng isang tao ay nagbibigay sa mga

mambabasa ng pagkakataong lalong makilala ang pansariling buhay ng taong iyon

sapagkat ang mga pangyayari’y naglalarawan sa katauhan nito.

Page 5: ANEKDOTA final

Anekdotang hindi hango sa tunay na buhay

Ang anekdotang hindi hango sa tunay na buhay ay madalas na katatawanan ngunit madalas din na may mahalagang tinutukoy

Page 6: ANEKDOTA final

Nilalaman ng mga pangungusap

• Konkretong pangalan• Aktibong pandiwa• Ilan lamang ang pang-uri at pang-abay

Page 7: ANEKDOTA final

Pormula ng kayarian ng anekdota

1. Ibigay ang tagpuan at tauhan

2. Ibigay ang suliranin o kumplikasyong lumikha sa anekdotang maging karapat-dapat isalaysay

3. Magpasok ng mga pangungusap na magpapatindi sa kapanabikan

4. Ibigay ang punto ng kasukdulan

5. Ibitin ang kapanabikan at huminto na kaagad

Page 8: ANEKDOTA final

MGA HALIMBAWA NG ANEKDOTA

Page 9: ANEKDOTA final

Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang bangka ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Page 10: ANEKDOTA final

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.”

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

Page 11: ANEKDOTA final

Shorts ni Manuel Quezon

Noong kapahanahunan pa ng pamumuno ni Pangulong Manuel Quezon, gawain ng mga Amerikanong makialam sa buhay niya. Akala nila, porke mestiso si Quezon, parehas sila. lagi siyang ginagayot ng mga ofisyal ng American Government para pumayag sa mga kasunduang pabor sa United State of America. Isang araw, may appointment si Quezon sa isang ofisyales na pinepreyssure siya para lumagda sa kasunduang hindi niya naman kursunada. pormang-porma ang ofisyales.

pagdating nito sa Quezon’s residence, tinawag si Quezon ng first lady niyang si Mrs. Quezon. at lumabas mula sa kanyang silid ang kagalang-galang na Pinuno ng Pilipinas, lider ng pitong libong pulo, at kapita-pitagan ang katayuan sa bansa, si Pangulong Manuel Quezon. nakasando at shorts lang. "bakit nakapambahay ka lang?!" tanong ng butihin niyang maybahay na nanlaki ang mga mata at nadiscombobulate. sumagot si Quezon, "para alam niyang sa bahay na'to, ako ang may-ari."