34
Ang Beterano ni Lazaro Francisco

Ang beterano

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang beterano

Ang Beteranoni Lazaro Francisco

Page 2: Ang beterano

Tauhan:•Bertha Carvel-isang manunulat na may matunong na

pangalan.-tinitingala siyang may pangimbulo at

paghanga ng kanyang kapanahon.•John Carvel-nuno ng mga Carvel.

-lumunsad at nag bukas ng Bagong Daigdig sa mga unang taong lulan.

•Heneral Carvel-nagtaas at nagwasiwas ng bandila ng kalayaan ng bumangon ang Estados Unidos laban sa Inglatera.

-Ama ni Tenyente Philip Hall.•Coronel Carvel-isa sa mga napabantog sa sagupaan sa

Gettysburg sa hanay ng mga taga-hilaga sa “Guerra civil” noong 1861.

Page 3: Ang beterano

Tauhan:

•Joseph Coronel-Ama ni Bertha Carvel at heneralng brigada ng pangkat ng kabayuhan ng hukbo ng Estados Unidos.

-isa sa naghain ng buhay sa ikapagwawagi ng dakilang simulain ng pagkapantay-pantay.

•Arcadio Politan-binatang Pilipino na nandayuhan sa Estados Unidos upang mag aral at makipagsapalaran.

Page 4: Ang beterano

I.Nagtapos ng isang mataas na karera sa

Unibersidad ng Illinois, makalawang pagmuntik-muntikanang maging “Miss America”; nagtamo ng gantimpalang “Nobel” na nasundan pa ng “Pulitizer” dahil sa isang marikit na kathambuhay na nang isadula’y lalo pang umani ng kabantugan; at nag mana ng isang malaking kayamanan sa kanyang nasirang ama, subalit kung si Bertha Carvel ay may ipinagmamalaking katangian sa buhay, ay walang iba kundi ang maluwalhating kasaysayan ng kanyang angkan.

Page 5: Ang beterano

Bukod sa mga katangian ni Bertha Carvel isa rin syang manunulat na may matunog na pangalan. Tinintingala siyang may pangimbulo at paghanga ng kanyang mga kapanahon. Ano pa nga’t sukat na makitang nakabuntot ang pangalang “Bertha Carvel” sa pamagat ng ano mang akda upang ipagliban ng isang mambabasa ang ano mang mahalagang gawain, maging yaon man ay ang pag aagahan o ang paghihilamos.

Ang damdamin ni Bertha Carvel sa mga kaluwalhating natamo nya ay may isang sugat na habang nalalao ay lalong nababalantugi.

Page 6: Ang beterano

Ito ay ang alaala ng isang mapait na paglagpak na tinamo niya, nag aaral pa, sa isang pagtatalong hayag na pinagharapan ng koponan ng Unibersidad ng Illinois at ng koponang ng Unibersidad ngMichigan at sinalungat ng taga Illinois, ay: “ Dapat palayain ang Pilipinas. “ ang koponan ng Illinois ay pinamumunuan ni Bertha Carvel at sa Michigan ay ni Arcadio Polintan.Tuluyan nang naglaho si Politan sa Estados Unidos na pinag anihan nya ng di mabilang na tagumpay.

Page 7: Ang beterano

Gayon man, tandang tanda pa ng dalaga, pagkat naninikit halos sa kaniyang gunita ang larawan ng naturang binata.

Subalit kay Bertha Carvel na ang dagundong ng palakpak sa papuri ng kanyang mga taga hanga ay tinutugon lamang ni Politan ng ngiwi ng mga labi at ng kibit ng mga balikat.

Page 8: Ang beterano

II.Makasandali’y isang ginoo ang sumungaw

sa pintuan ng aklatan, yumukod at magalang na bumati kay Bb. Carvel ng maligayang hapon. Pinatuloy at pinaupo ni Bb. Carvel si ginoong Robertson. Silnulyapan ng ginoo ang panulat sa kamay ng dalaga bago naupo sa inihimatong na likmuan.

”Naparito ako sa ngalan ng aming kapunlungan sa Wall Street.” Napataas ang ulo ni Bertha Carvel at kinabadhaan ng malaking pananabik. Hinanadungan ni Robertson si Bertha ng anim napunglibo ng dolyar upang sumulat ng isang aklat laban sa kagyat na pagsasarili ng Pilipinas,

“ Muntik ng matawa si Bertha”.

Page 9: Ang beterano

“Panauhin ko kangina-nginangina lamang,’’ ang madalang na saad ng dalaga, “ang kinatawan ng kapunlungang mangangalakal sa Londres at nag alok sa akin ng dalawang libong libras esterlines upang sumulat ng isang aklat sa kilusan sa indiya na pinamamatnugan ni Gandhi.”

Akala ni Robertson nagpapataas ng tawad ang dalaga kaya napabulong sa sarili, Aniya :” Sinupligan din ng isang mangangalakal ang lipi ng mga bayani at mandirgmang Carvel!’’

“Kung inaakala ninyong alangan sa sukat maging kapagalan ang halagang akin ng tinuruan”, ang tugon ni Robertson na di nagpahalata ng pagkabalino, “ay natatalaga kming magdagdag!”

Page 10: Ang beterano

“Kung itinanong muna ninyo lung ano ang itinugon ko sa taga-Londres, hindi na sana kayo nag pakasubo.”

“Ano naman ang iyong tugon?” nag paunlak na tanong ni Robertson.

“Sinabi kong ang panahon ko ngayon ay sa sarili na aklat na aking sinusulat.”

“Ang ibig ba ninyong sabihi’y pagkatapos ng aklat na iyan ay saka pa lamang mapaunlakan an gaming pithaya?”

“Isusunod ko rito ang sa taga-Londres; anang dalaga na minasdan ang mikha na panauhin.’’Ngumiti si Robertson.

“Ngunit, ngayon, hogit mag pakainlan man , lalaong mapanahon ang aklat na aming hinihingi!” ang pasulabali ng Ginoo.

Page 11: Ang beterano

“Bulagsak kayong lubha! Ang pakling biro ng dalaga,

“Bulagsak? A! kaipalay iba ang maging manunulat kaysa maging mamumuhunan”

“Kaipala nga ngunit bakit hindi muna ninyo itinanong kung ano ang aklat na aking sinusulat?”

“Ba!at sino ang nagsabi sakin na di kayo mamumuhi kung ginawa ko ang ganyang paghihimasok?”

“Tanggapin natin,” anang binibini. “Ngunit animnaoung libong dolyar nab a naman kaya ang sukat maging mahalaga ng aking pagkamuhi?”Napahalakahak si Robertson.

“Sa ganang akin,” anang ginoo na tila inalihan ng pagbibinata sa kagandahan ng kaharap ng dilag,” ang pagkamuhi ninyo ay di mapapantayan ng pilak.”

“Hmmm!” mahinang ungol ng dalaga at ngumiti.

Page 12: Ang beterano

Humingi ng paumanhin ang dalaga dahil sya’y nagbibiro lamang at nangangalahati na ang gaya ng aklat na hinihingi ni Ginoong Robertson.“Diyata? Ang pagkilas ni Robertson.” “Ano ang pamagat ng aklat?”“Ang kutsilyo sa kamay ng bata. Patutunayan ko kung paano ang kalayaan sa kamay ng mga Pilipino ay makakahalimbawaa lamang ng kutsilyo sa kamay ng isang paslit na bata na maaring igilit sa sariling lalamunan.“Magling!” ani Robertson sabay palakpak ng kamay.“Nabasa ba ninyo ang “The Philippines, A Treasure and a Problem” at ang “The Isle of Terror?”“Nabasa ko na. May mga sipi ako sa aking aklatan.”“Hindi ba ninyong tinangkang magsadya sa Pilipinas upang lumikom ng mga tala at ulat na makapagbibigay ng lalong kislap s mga pagkukurong lalamanin ng inyong aklat?”

Page 13: Ang beterano

“Nagpahatid na ako ng kablegrama sa aking pinsan, ky Tenyente Philip Hall, upang ipag laan ako ng isang silid sa pina kamabuting otel sa Maynila.”“Tutulak bukas ang President Jackson na siya kong lululanan.”“Ibigay ko sa inyo ang sandaang libong aming inaalok,” ani Robertson at lumabas ng tseke na may lagda ngunit wala pang sulat na halaga.

Malugod na tumindig at nag paalam si Ginoong Robertson at hinatid ang dalaga sa beranda.

Umalis si Ginoong Robertson na buong higpit na kinamayan ang dalaga at nag pasalamat.

Page 14: Ang beterano

III.Magikakasampu ng umaga ng ika-17

ng Disyembre, lulan ng President Jackson buhat sa Estadod Unidos nang lumunsad sa dalampasigan ng Maynila ang magandang si Bertha Carvel.

Ang pagdating ni Bertha Carvel sa Pilipinas ay nag angkin ng di mabilang na mga katangian, bago pa lamang bumagtas ang President Jackson sa dagat ng Tsina kaya nga gayon na lamang ang pagkamanghang dalagang manunulat.

Page 15: Ang beterano

Ang paglunsad ni Bertha Carvel sa Pier-7 ay nabatid pala sya ng ipinag ukulan ng isang marangal na pasalubong na binuo ng maraming tanyag na kababaihan, mga litaw na ginoo, mga mambabatas , mga mamamahayag, sa katawang may laman at butong isang bantog na manunulat na pinag muntik-muntikang maging Miss America na nagtamo ng mga gantimpalang”Nobel Pilutizer sa angkan ng lipi ng mga bayani, sa milyonar ya, at kung anu-ano pang kabunyiang ipinamalita ng mga pahayagan.

Page 16: Ang beterano

Pagkatapos mag kunwating magpasalamat sa malugod na bati ng nagsisalubong at tumugon sa di matapos tapos na pagtatanong ng mauurirang mamamahayag, si Bertha Carvel, kasama ng pinsang si Tenyente Philip Hall na sa kanya’y sumasalubong ay nagtuloy sa isang magarang silid ng Maynila Hotel.Tumawa si Bertha Carvel samantalang inilapag ang kipkip n a kalupi sa ibabaw ng isang hapag sa loob ng silid ng otel.“Mga tala at ulat na kailangan upang tapusin ang aklat na aking mga sinusulat” paliwanag ni Bertha.“Ano ang tinutukoy ng aklat mong iyon?”“Patutunayan kong isang malaking kasalanan ang pagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas,”

Page 17: Ang beterano

Si Philip Hall ay napakagat labi, pinamutlaan ng mukha , at matagal na napayuko.“Marahil ay may iba kang palagay sa suliraning iyan.” Puna ng dalaga.

Hindi napansin ng binata ang huling kataga ng dalaga. Madami syang tanong sa dalaga.“Nakakuha ka ba ng pahintulot sa pamamahinga? Ang tanong ni Bertha sa binata sa isang tinig na malamig at tuyot.“Oo, gaya ng tagubilin mo ay dalawang buwan ang aking hinihingi!”“Maisasanli mo na” anang dalaga. Hindi na kailangan! Makakalakad na ako nang nag iisa sa balak kong pagliliwaliw.”

Page 18: Ang beterano

Nabigla ang binata. Hindi nya alam kung ano ang sanhi ng mga ito.

Namula ka, Bertha! Ikinamumuhi mo ban a matapos kong manahin ang dugo at laman ng mga bayani at magigiting nating ninuno ay minana ko rin pati ang kagitingan ng kanilang damdamin.Ano ang ibig mong sabihin, Philip?” sasamahan kita saan ka man paroroon. Tungkulin ko iyan sa iyo habang naririto ka sa Pilipinas.”“Tungkulin? Ako ang nagbibigay sa iyo ng tungkuling iyan at ako rin ang makakapagalis. Inalis ko ngayon din.

 

Page 19: Ang beterano

IV Hindi si Bertha Carvel sa pagpupumilit ni Philip na

ito ay ipagsama sa gagawing paglalakabay sa iba’t-ibang dako ng kapuluan.Linggo kinahapunan, ang dalawa ay makikitang sumasagap ng malayang hangin sa Luneta. Sa Glorieta ay nagpaparinig ng magagandang tugtugin ang banda ng konstabalarya.

Iba’t-ibang bagay ang pinag uusapan ng dalawa. Hinay-hinay sa paglalakad. Nagibayo man din ang karigalan ni Bertha sa kanyang kasuotang kulay krema. Si Tenyente Philip Hall naman ay parang manikin sa kanyang “de gala”.

Naupo at nagpahinga sila s paanan ni Ga’t Jose Rizal na di gaanong malayo sa kanila.

Page 20: Ang beterano

Ilang sandali’y may nagdaan sa kanilang tabi na isang lalaking nakterno ng itim at nababalabalan ng gaban at tila isinaklay lamang sa mga balikat ang lalaki ay tumigil malapit sa kanila ay sinukat-sukat at pinaliguan ng tingin ni Bertha Carvel bagamat hindi man lng nasino ni Tenyente Philip Hall.

Maksandali’y inhudyat ng banda ang tugtuging pambansa ng Estados Unidos. Si Bertha Carvel at pinsang si Tenyete ay panabay na tumindig. Tumigil sila sa paglalakad. Nagsipugay ang madla. Napuna si Bertha Carvel na ang nakagaban ay nanatili lamang sa pagkakat ayo ngunit hindi nag alis ng sombrero. Natiyak niyang dagli na ang lalaking yaon ay Pilipino.

Page 21: Ang beterano

Napahihintulot ba ninyong huwag igalang dito ang ating tugtuging pambansa? Ang tanong ng dalaga sa kanyang pinsan sa isang tinig na may panunumbat.

“Huwag igalang? Ang pamanghang tanong ni Tenyente.

“Bakit mo naitanong, Bertha?”“Tingnan mo! Anang dalaga na ininguso ang

lalaking nakagaban.Napakagat labi si Tenyente. Dalawang bagay lang

ang sa kanyang isip, ang pagkakaroon ng puwang ng dalaga na isurot sa kanyang mga mata ang kapintasan ng isang Pilipino at ang tila pagpapawalang-halaga ng sa makasaysayang tugtuging yaon sa harap pa naman ng isang matuturang pinuno ng Hukbong-Dagat ng Estados Unidos.

Page 22: Ang beterano

Gayon man isang taong mahinahon at marangal, kaya nga sa halip na magpamalas ng pagkabigla, si Tenyente Philip Hall ay pumunta sa likuran at dahan-dahang inalis ang sombrero nito.

Ang nakagaban na tila nabigla ay kagyat na pumihit at hinarap ang Tenyente. Inunahan sya ng tanong ni Philip.

“Maipapaliwanag ba ninyo, ginoo, kung bakit hindi ninyo ipinugay ang inyong sombrero samantalang tinutugtog ang “Himno Nacional” ng Estados Unidos.

Ngumiti ang lalaki at sa halip na sumagot ay iginalaw ang mga balikat sa tangka man ding ilaglag ang suot na gaban..

Page 23: Ang beterano

Nalaglag ang gaban at sa paningin ng mag pinsan ay nalantad ang mga medalya at kruses na iyon, san g naturang lalaki ay napuna nila ang isang mahabang pilat na likha mandin ng mga taga ng sable.

Napuna rin ng mag pinsan na ang magkabilang manggas ng kanyang amerikana ay pipis at walang laman na nagpapakilalang putol ang dalawa nyang bisig.

Napatitig si Bertha Carvel at namangha sa kanilang kaharap.

“Maari bang sabihin ninyo sa amin kung sino kayo?”Ang magalang tanong ni Philip.

Page 24: Ang beterano

“Ako si Arcadio Politan na mapagutusan ninyo sa lahat ng sandali” ang tugon ng lalaki sa buhay na tinig.

“Naglingkod baga kayo sa digmaan sa Europa?” ang pamuling tanong ni Tenyente.

“Doon nawala ang dalawa kong bisig na inilalaan ko sana sa paglilingkod sa aking bayan.”

Ang mapaglayang bandila ng Estados Unidos ang taga pagsanggalang ng pagkakapantay-pantay at ng kalayaan ng mga bansang api at maliliit.

Huminga ng malalim si Philip Hall. Si Bertha Carvel ay yumukong tila sinakal ng malulungkot na gunamgunam.

Nagging pinuno sa paglilingkod si Heneral Carvel na syang nagturo sa akin ng lalong dalisay at wagas na pagpapakasakit sa ka pakanan ng mga dakilang layon.

Page 25: Ang beterano

Namatay si Heneral Carvel nang malaglag sila sa kabayo. Sinubukan ni Philip Hall na sagipin si Heneral Carvel nang magpasubo sila sa isang kakilabot labot na sagupaan. Ang magkabilang pamakpak ng kanilang hanay ay nagsimula nang magtaklop. Mga sampung legwas pa ang layo kampo ng pransiya. Natatanaw naming ang mg a humaharurot na mga eroplano at ang walang katapusang mga sumasagupang kabayuhang mga kaaway. Yumanig ang lupa sa dagundong ng kanyon at ng sala-salabat na putok ng mga almetrayadora.

Page 26: Ang beterano

Nagpilas ang Heneral at sumigaw ng malakas na parang nag uutos. Aniya : “Politan! Bitawan mo ako, kunin mo at itaas ang bandilang tinubos ng dugo at buhay ng aking mga magulang! Ngayon din!” hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, ang kanyang utos ay matigas na at makapangyarihan. Nagulat ako ng may pumutok na bomba sa aking likuran. Nabitawan ko sya at ako’y nabulagata! Hindi ko nalaman pa kung anong nangyari. Nang matauhan ako, ay nasa loob na ako ng isang pagamutan at putol na ang dalawa kong bisig.”

Page 27: Ang beterano

Hinahabol ang paghinga ni Politan kaya sya’y tumigil sa pagsasalita. Namumula ang kanyang mga mata. Pagkuwa’y inihit siya at sinasal ng matinding ubo na nagpayanig sa buo niyang katawan.

Tinawag ni Philip ang kanyang pinsan na si Bertha. Subalit si Bertha ay nakayuko at sa mga mata’y bumabalong ang masaganang luha.

Hayan ang lalaking kanyang hinahanap. Hayan ang lalaking gusto nyang ibagsak. Bagsak na, api, duhagi at salanta, at ang lahat ay dahil sa buhay ng kanyang ama, sa ikaluluwalhati at sa ikaliligaya ng buong daigdig.

 

Page 28: Ang beterano

VSa paggalang mandin sa mapapangalaw na

gunitang namumugod noon sa diwa ni Bertha Carvel, si Philip Hall ay humalukip-lukip at malungkot ding yumuko.

Nanumbalik na ang dating kapayapaan sa mukha ni Politan.

“Nabubuhay na lamang ako sa paggunita sa maluwalhating alaala ng mga dakilang pagpapakasakit na pinagsamahan naming ng aking marangal na pinuno.”

“Bugtong na anak siya ni Heneral na inying itinatanggi! Anang Tenyente na tinukoy si Bertha.

Page 29: Ang beterano

“Diyata?” ang pagilalas ni Politan na napatitig sa dalaga. Mapalad ang aking bayan! Alin mang yapakan ng isang Carvel ay isang bayang makapaghihintay pa ng katubusan.”

“Hindi nab a ninyo nagunita ang isang Bertha Carvel na nagging katunggali ninyo sa labanan ng Michigan at Illinois noong tayo’y nagsisipag aral pa? ako ang kahabag-habag na Bertha Carvel yaon.”

“Kayo? Kayo? Ang may pagkamanghang ni Politan.

“Salamat kuno, nalimot na ninyo ako” ang malungkot na pakli ng binibini.

Page 30: Ang beterano

“Ibig ko na ngang malimot na ninyo ako” anang dalaga, upang mapawi na rin ang aking mapapait na tuligsa sa paksang kinapapalamnan ng mga mithiing buong katalinuhan ninyong ipinagsanggalang at ipinagtagumpay sa tunggaliang yaon.

“Hindi tayo nagtalo noon dahil sa diwa ng paksa. Nagtuggali lamang tayo sa ikaluluwalhati ng sining. Mananatili kayo sa aking gunita sa alaala ng isang liping bayani at magiting, sa alaala ng mapaglayang bandila ng Estados Unidos na kinasasalayan ng pag asa ng aking bayan, at sa alaala ng inyong ama, ng bayaning si Heneral Carvel na karapat dapat na pintoho at paggalang ng sangkatauhan.”

Page 31: Ang beterano

“Ibibigay ko ang buo ko ang buo kong buhay, anang binibini sa ikapagiging dapat ko sa mga dakilang ninyong pagtuturing.”

Malugod na isinuot sa ulo ni Politan ang inalis na sombrero.

Si Bertha Carvel ay maliksing yuko. Mairog na pinalisan ng dumi ngkanyang mabango at maputing panyo at saka isinampay sa balikat ng Arcadio na sa mga mata’y nangingilid ang luha.

Page 32: Ang beterano

VI Isang lingo ang nakalipas, lulan ng Empress of Canada, si Bertha Carvel ay nagbalis na sa Estados Unidos, isang malaking bungkos ng papel na puno ng sulat-kamay ang inihagis ng dalaga sa karagatan, bago na kubli sa paningin ang mga huling banaag ng sangkapuluan.Pagkalipas ng isang araw, sa loob ng kanyang kamarote, si Bertha Carvel ay nagsimula na namang sumulat ngunit hindi na sa paksang “Ang Kutsilyo sa Kamay ng Bata” kundi sa paksang “Nasa Pagtupad ang kadakilaan ng Pangako.”

Page 33: Ang beterano

Di sasaalang sa pagsulat sa bagong paksang ito, ang tanging patnubay ni Bertha Carvel ay ang malungkot na alaala ng isang salantang beterano na natagpuan nila sa Luneta. Hindi mamakalaing naibulong nya sa kanyang sarili ang mga katagang buntong-hininga na” Ang isang bayang nagkaroon ng mga anak na natutong maghainng buhay sa pagkadakila ng ibang bandila at sa kaluwalti ng sangkatauhan ay baying karapat-dapat sa kagyat, lubos at ganap na paglaya.”

Page 34: Ang beterano

Wakas!