13
Camille G. Francisco Filipino110 BEEd2-1 Sir Jomer Tangonan I. Pamagat ng Akda-May akda Ang Dalaga ni Ka Bestra ni Alfonso O. Santiago II. Buod ng Akda Ang Dalaga ni Ka Bestra Si Ka Bestra kasama ang kanyang asawa na si Ka Simon ang tumatayong magulang ni Teryo. Dahil sa kagustuhan ni Ka Bestra na magkaroon ng anak o apo na babae ay binibihisan niya ng pambabae si Teryo simula noong bata pa ito na siya naming tinututulan ni Ka Simon dahil nais niyang lumaki si Teryo bilang isang makisig na lalaki. Hindi Teryo ang tawag ni Ka Bestra kundi Teryita kaya naman lalo siyang tampuhan ng tuksuhan sa kanilang nayon. Tatlo ang nagging anak ni Ka Bestra at Ka Simon ngunit hindi sila pinalad na magkaroon ng anak na babae. Ang ikatlo ay babae ng asana ngunit naging masakitin kaya hindi nagtagal at yao’y namatay kaya’t labis na nangulila si Ka Bestra. Kaya naman nasabik si Ka Bestra ng magkaapo siya ngunit lahat naman ay lalaki.Nang isilang si Teryo ay labis niya itong kinagiliwan dahil kamukhang kamukha daw ng bata ang anak niyang bunso. Siya na rin ang nag-awat kay Teryo. Lumaki si Teryo na sila ang kinikilalang mga magulang. Ang laging kasama ni Teryo ay ang grupo ng kababaiha n na kinabibilangan ni Weway. Kasama niya ang mga ito sa paglalaba sa ilog. Si Weway ang kasama ni Teryo sa mga lakaran nila. Si Teryo ang parang kinagigiliwan ni Weway at ng kanyang mga kasama na biru-biruin at hunta- huntahin kaya naman labis na naiinis si Ruming kay Teryo dahil hindi siya makakuha ng pagkakataon na maka usap si Weway ng sarilinan. Si Ruming ang masugid na manliligaw ni

Ang Dalaga ni Ka bestra

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Dalaga ni Ka bestra: Isang pagsusuri

Citation preview

Camille G. FranciscoFilipino110BEEd2-1Sir Jomer Tangonan

I. Pamagat ng Akda-May akdaAng Dalaga ni Ka Bestra ni Alfonso O. SantiagoII. Buod ng Akda

Ang Dalaga ni Ka Bestra Si Ka Bestra kasama ang kanyang asawa na si Ka Simon ang tumatayong magulang ni Teryo. Dahil sa kagustuhan ni Ka Bestra na magkaroon ng anak o apo na babae ay binibihisan niya ng pambabae si Teryo simula noong bata pa ito na siya naming tinututulan ni Ka Simon dahil nais niyang lumaki si Teryo bilang isang makisig na lalaki. Hindi Teryo ang tawag ni Ka Bestra kundi Teryita kaya naman lalo siyang tampuhan ng tuksuhan sa kanilang nayon. Tatlo ang nagging anak ni Ka Bestra at Ka Simon ngunit hindi sila pinalad na magkaroon ng anak na babae. Ang ikatlo ay babae ng asana ngunit naging masakitin kaya hindi nagtagal at yaoy namatay kayat labis na nangulila si Ka Bestra. Kaya naman nasabik si Ka Bestra ng magkaapo siya ngunit lahat naman ay lalaki.Nang isilang si Teryo ay labis niya itong kinagiliwan dahil kamukhang kamukha daw ng bata ang anak niyang bunso. Siya na rin ang nag-awat kay Teryo. Lumaki si Teryo na sila ang kinikilalang mga magulang.

Ang laging kasama ni Teryo ay ang grupo ng kababaihan na kinabibilangan ni Weway. Kasama niya ang mga ito sa paglalaba sa ilog. Si Weway ang kasama ni Teryo sa mga lakaran nila. Si Teryo ang parang kinagigiliwan ni Weway at ng kanyang mga kasama na biru-biruin at hunta-huntahin kaya naman labis na naiinis si Ruming kay Teryo dahil hindi siya makakuha ng pagkakataon na makausap si Weway ng sarilinan. Si Ruming ang masugid na manliligaw ni Weway. Minsan, nang sila ay nagtatanim ng palay sa bukid ay sinadya ni Ruming na siya ang magkalat ng mga punla. Nang makita niya si Teryo ay hinagis niya rito ang malaking bigkis ng punla dahilan upang matumba sa putikan si Teryo kayat naging tuksuhan siya ng mga ito ng siya ay tumayo na balot na balot ng putik. Pinuntahan siya ni Weway at sinabihan na maghugas sa malapit na dike. Nang makabalik si Teryo ay nilagyan naman siya ng palaka sa likod niya dahilan upang magsisigaw siya. Nagsipagtawanan ang mga kasama ni Teryo kaya naman napansin sila ng kabisilya. Nagpatuloy ang mga ito sa pagtatanim.

Lumipas ang mga araw at nahinog ang mga palay at nagapas. Isang araw, habang nakatambay si Ruming sa kanilang kanto kasama ang kanyang mga kaibigan ay nakita nilang paparating si Teryo na may dalang basket. Tinawag nila ito ng Aling Teryita ngunit hindi sila pinansin ni Teryo at tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. Patuloy ang pagtawag nila Ruming kay Teryo ngunit hindi pa rin sila pinapansin ni Teryo. Hinarangan siya nila Ruming at nakita ang laman nito na suha, manga, bayabas at santol at nais nilang humingi ng mga ito. Dahil sa ayaw silang bigyan ni Teryo ay nahulog ang mga prutas, agad-agad naman niyang kinuha ang mga ito ngunit agad ding nakakuha ang magkakaibigan na sila Ruming. Dahil sa sobrang inis ni Teryo ay napasigaw siya Huwag naman! Baka kayo mahawa!.Sa sobrang bigla ng magkakaibigan ay nailura nila ang mga prutas na kanilang nakain. Nagpatuloy sa paglalakad si Teryo patungo sa looban ng bahay at naiwan sila Ruming na hanggang makapanhik si Teryo ay wala pa ring kibuan. Naratnan ni Teryo ang mga magulang ni Weway, ang kanyang Lola Bestra na namumugto ang mga mata at ang Lolo Simon niya na masaya at hindi na nagkakamot ng ulo. At sa bahagyang nakabukas na pinto ay may mga matang sabik na sabik sa pagdating ni Teryo.

III. 3.A. Sariling Reaksyon1. Mga Pansin at Puna sa :a. Mga Tauhan Si Ka Simon ang lolo ni Teryo at asawa ni Ka Bestra. Siya ay tutol sa kilos at galaw ni Teryo dahil para sa kanya ang lalaki ay dapat kumilos na parang tunay na lalaki. Si Ka Bestra ang lola ni Teryo at siya ang may nais na maging babae si Teryo. Hindi naging maganda ang pagpapalaki niya kay Teryo sapagkat pinalaki niya si Teryo sa kung paano niya gusto. Dahil sa kagustuhan niya na magkaroon ng anak na babae pinalaki niya si Teryo na kilos babae at hinahayaan niya lamang na makisama ang apo niya sa mga kababaihan. Si Teryo ay isang lalaki na lagi nilang inaasar dahil sa kilos babae siya. Sa kwentong ito siya ay isang mabait na apo na sumusunod sa nais ng kanyang lola.

b. Istilo ng awtor Ang ginamit na istilo ng awtor ay pasalaysay dahil isinalaysay niya ang mga pangyayaring naganap sa buhay nina Teryo.

k. Galaw ng Pangyayari- ang galaw ng pangyayari sa kwento ay nasa karaniwang takbo. Nag-umpisa sa simula, gitna at wakas.

3.B. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip Masasalamin sa kwentong ito ang buhay ng isang lalaking sinasabing nasa ikatlong uri. Dito makikita kung gaano ba kahirap ang sitwasyon ng mga ikatlong uri sa lipunang ating ginagalawan. Huwag nating husgahan ang isang tao dahil lang sa kung paano siya gumalaw o magsalita. Dapat lamang na huwag natin silang ituring na iba sapagkat tayo ay pantay-pantay lamang. Tanggapin natin kung sino sila dahil walang taong perpekto dito sa ating mundo.

b. Bisa sa Damdamin Ang sitwasyon ni Teryo ay sadyang nakakalungkot sapagkat hinusgahan siya ng mga tao sa paligid niya dahil sa kanyang panlabas na anyo. Nakakalungkot isipin na maraming tao ang masyadong mapanghusga sa mga kapwa nila ng hindi iniisip kung makakasakit ba sila o hindi.

k. Bisa sa Kaasalan Sa sitwasyong katulad ng kay Teryo mas maganda kung hindi na lang natin papansinin ang anumang mga bagay na sasabihin sa atin ng mga kapwa natin, maging maganda man o masama dahil kung papatulan natin ang mga ganitong bagay ay wala ding magandang patutunguhan. Huwag nating hayaang masira ang ating buhay dahil sa mga maling panghuhusga nila dahil alam natin sa sarili natin kung ano o sino tayo.

C. Paglalapat ng Teoryang PampanitikanTeoryang Queer- Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mgahomosexual. Kung ang mga babae ay may feminismoang mga homosexual naman ayqueer.

PATOTOO:1.

I. Pamagat ng Akda-May AkdaSayaw sa Kasal ni Honorato I. Cabrera Jr.II. Buod ng Akda

Sayaw sa Kasal

Ang maikling kwento ay tungkol sa mag-asawang sina Awiyao at Lumnay. Sila ay matagal nang mag-asawa ngunit kailangang mag-asawa muli ni Awiyao at pakasaln si Madulimay sa kadahilanang hindi siya kayang bigyan ng anak ni Lumnay. Nakalipas na ang pitong anihan ngunit hindi pa rin nabubuntis si Lumnay kayat nagpasya na si Awiyao na magpakasal kay Madulimay sa pag-asang mabibigyan siya nito ng anak. Sa gabi ng kasal ni Awiyao kay Madulimay, nagtungo si Awiyao sa dati nilang bahay ni Lumnay upang anyayahan siya na makisali sa sayawan ngunit tumanggi si Lumnay. Si Lumnay ang pinakamagaling na mananayaw sa kanilang tribo.

Sa kanilang pag-uusap ay nalaman nilang pareho nilang iniibig ang isat-isa kahit na ikakasal na si Awiyao sa iba. Kinailangan lamang talagang magpakasal ni Awiyao kay Madulimay upang magkaroon siya ng anak na magdadala ng kanyang pangalan sa kanilang tribo. Sinabi ni Awiyao kay Lumay na pagtatawanan siya ng mga kapwa niya lalaki kung siya ay hindi magkakaroon ng anak. Mahirap man sa kanilang damdamin ay kailangan nilang maghiwalay. Napagkasunduan nila na kung hindi papalarin na magkaroon ng anak si Awiyao sa bago niyang asawa ay babalikan niya si Lumnay at doon ay magsasama na sila ng habang buhay. Itinago ni Lumnay ang butil na kwintas na simbolo ng kanilang paggmamahalan. Samantala kinailangan ng bumalik ni Awiyao sa sayawan dahil hinahanap na siya ng mga tao.

Matapos ang ilang sandali ay naisip ni Lumnay na hindi sila maaaring paghiwalayin ni Awiyao dahil siya ang tunay na asawa. Binalak niyang magpunta sa sayawan upang pigilan ang kasalan ngunit habang papalapit na siya ay bigla siyang nawalan ng lakas ng loob. Tila may kung anong pumipigil sa kanya kaya naman pinili na lamang niyang umalis doon at pumunta sa kabundukan. Doon, tanaw niya ang mga nagsasayawan, dinig niya ang mga gangsa na tumutugtog. Siya na ang nagparaya at habang papalayo sa kanilang tribo isa-isa niyang naaalala ang bawat pangyayari sa kanyang buhay kasama si Awiyao.

III. Sariling Reaksyon3.A. Mga Pansin at Puna sa :a. Mga Tauhan Si Awiyao ang asawa ni Lumnay at Madulimay. Para sa akin hindi siya naging mabuting asawa kay Lumnay at ganun din kay Madulimay. Una kay Lumnay, dahil mas pinili niyang magpakasal muli sa iba para lamang siya ay magkaroon ng anak. Mas nangibabaw sa kanya ang kung anong sasabihin ng ibang tao sa kanya kaysa sa kung ano ang nararamdaman niya para kay Lumnay. Samantala, sa ikalawa niyang asawa ay hindi niya nagampanan mabuti ang kanyang responsibilidad dahil patuloy niya pa ring minamahal si Lumnay. Si Lumnay ay isang ulirang asawa na sobra sobra ang pagmamahal sa kanyang asawa na si Awiyao at naging mabuting asawa dahil hindi siya nawalan ng pag-asa na magkakaroon sila ng anak ni Awiyao. Nang pinili ni Awiyao na magpakasal sa iba ay nagparaya siya. Doon ay makikitang labis talaga ang kanyang pagmamahal dahil ayaw niyang mabigo ang asawa sa nais niyang pagkakaroon ng anak kahit pa naging mahirap ito para sa kanya.

b. Istilo ng awtorAng awtor ay gumamit ng istilo na ginagamitan ng pag-uusap sa pagitan ng mga tauhan. Gumamit din ang awtor ng istilong pasalaysay.

k. Galaw ng Pangyayari Ang galaw ng pangyayari sa kwento ay nasa karaniwang ayos. Ang pangyayari ay nagsimula sa simula, gitna at wakas.

3.B. Bisang Pampanitikan:a. Bisa sa Isip Hindi batayan ng pagsasama ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak. Kung mahal mo ang isang tao, kahit pa wala kayong anak at kahit na alam mong tutuksuhin ka ng kapwa mo lalaki ay dapat mo pa ring panindigan ang nararamdaman mo para sa kanya upang hindi ka magsisi sa bandang huli.

b. Bisa sa Damdamin Nakakahinayang ang pagsasama ng mag-asawang Awiyao at Lumnay dahil bakas sa kanila ang tunay na nararamdaman nila, na labis silang nagmamahalan ngunit hinadlangan ang pagmamahalang ito sa pagnanais ng lalaki na magkaroon ng anak kayat nauwi din sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

k. Bisa sa Kaasalan Sa bawat bagay ating gagawin, maging maingat tayo sa pagdedesisyon sapagkat maaari itong magbunga ng hindi magandang bagay. Kung mahal mo ang isang tao, dapat mong ipaglaban lalo na kung alam mong hindi makatwiran ang kanyang dahilan. Sa buhay, natural ang pagkakaroon ng problema ngunit kailangang harapin natin ito at tanggapin kasama ang mga mahal natin sa buhay.

C. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

I. Pamagat ng Akda-May AkdaAwiyao ni Ruth MabangloII. Buod ng Akda

Awiyao

Ang simula ng kwentong ito ay ang tagpo kung saan inilibing na ang ama ni Lumnay. Marami ang nakiramay kasama na si Awiyao na tumulong sa paghuhukay ng paglilibingan ng ama ni Lumnay. Ibig kausapin ni Awiyao si Lumnay ngunit umakyat na si lumnay patungo sa kanilana ng bahay kaya naman tiningnan na lamang niya ito. Nakita ni Madulimay ang pagtitig ng kanyang asawa kay Lumnay kayat nakaramdam siya ng selos at paghihinala na naging dahilan ng kanilang pag-aaway. Pinauwi ni Awiyao si Madulimay at sinabing siya ay susunod na lamang. Sa kabilang dako ay nag aayos ng gamit sa kanyang baul si Lumnay at nakita niya roon ang butil na kwintas na matagal na niyang hindi nasusuot. Biglang may nagsalita at nakita ni Lumnay si Awiyao sa tapat ng kanilang pintuan. Sinabi ni Awiyao na matagal na niyang hindi nakikitang sinusuot ni Lumnay ang kwintas. Nais siyang paalisin ni Lumnay sapagkat nais niyang magluksa sa pagkamatay ng kanyang ama ngunit nais ni Awiyao na sila ay magkausap. Nagtapat si Awiyao na hindi siya masaya sa bago niyang asawa sapagkat lagi siya nitong pinaghihinalaan na hanggang ngayon ay mahal niya pa rin si LUmnay na siya naming katotohanan. Habang nagtatapat si Awiyao kay Lumnay ng mga bagay na mas nakakahigit si Lumnay kaysa sa bago niyang asawa biglang dumating si Madulimay at narinig niya ang pagtatapat ni Awiyao. Ninais niyang malinaw ang siglot sa pagitan nila. Sinabi niyang naiinip na din siya sa paghihintay sapagkat nakaraan na ang tatlong anihan ay hindi pa rin siya nagdadalantao. Sa bandang huli ay nakipaghiwalay siya kay Awiyao at tumakbo palabas. Sinabihan ni Lumnay si Awiyao na sundan si Madulimay ngunit hindi ito sinunod ng lalaki at doon ipinagtapat niya na siya pa rin ang mahal nito. Nais niyang magsama ulit sila at magpakasal muli ngunit tinutulan ito ni Lumnay. Sinabi niyang hindi na maaari dahil siya ay buntis na matapos siyang bilinan ng yumaong ama na mamahay muli sa olog. Nagulat si Awiyao sa pagtatapat ni Lumnay. Doon niya napagtanto nasiya pala ang may pagkukulang. Na hindi kasintikas ng kanyang kamao ang kanyang pagkalalaki. Habang umiiyak ay tumakbo siya palabas ng bahay.

III. Sariling Reaksyon3.A. Mga Pansin at Puna sa:a. Mga Tauhan Si Awiyao ay naging tapat sa kanyang nararamdaman dahil muli niyang ipinagtapat kay Lumnay na mahal niya pa rin ito kahit na nakaraan na ang tatlong anihan na hindi sila magkasama. Si Lumnay ay isang mabuting asawa kay Awiyao kahit na hindi na sila magkasama pa. Naging tapat siya sa kanyang nararamdaman dahil inamin niyang hindi na sila maaari pang magpakasal muli.

Si Madulimay ay naging mabuti ring asawa ngunit sadyang nakaramdam lamang siya ng pagkainip dahil sa hindi pa rin sila nagkaka-anak ni Awiyao. Nakaramdam din siya ng pagkalungkot sapagkat kahit na magkasama na sila ni Awiyao ay si Lumnay pa rin ang kanyang iniisip kayat pinili na lamang niyang makipaghiwalay dito.

b. Istilo ng awtorc. Galaw ng Pangyayari B. Bisang Pampanitikan a. Bisa sa Isip b. Bisa sa Damdamin c. BIsa sa Kaasalan

C. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

I. Pamagat ng Akda-May AkdaIndang Berta ni II. Buod ng Akda

Indang Berta

Isang araw, kumalat ang balita sa biglaang pagpanaw ni Indang Berta na pinag-uusapan ng walang panghihinayang. Maraming tao ang nagsasabing dapat lamang ang nangyari sa kanya dahil itoy parusa ng Diyos sa kanya dahil sa ginawa niya upang hindi na pamarisan pa ng iba ang ginawa niyang hindi kinagigiliwan ng marami. Dahil sa ginawang pagpaampon ni Indang Berta sa kanyang mga anak ay hinusgahan siya ng maraming tao na masamang ina. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring mga tao na naniniwala na isang mabuti at ulirang ina si Indang Berta. Isa na rito ang manunulat ng paboritong babasahin ni Indang Berta na naging kaibigan niya. Dito naisiwalat niya ang totoong dahilan at ang buhay niya. Dahil sa kahirapan sa buhay ay hindi kayang buhayin ni Indang Berta ang kanyang mga anak. Hindi niya kayang ibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak kayat naisipan niyang ipaampon ang mga ito kahit pa masakit sa kanya ang desisyong ito. Naiwan kasama niya ang kanyang panganay na anak na naglilinis ng sapatos kayat nakakatulong na rin sa kanya. Minsan ay binibisita niya ang kanyang tatlong anak, doon nakita niyang malinis at malusog ang mga ito dahil naibibigay sa kanila ang lahat ng kanilang pangangailangan. Naging masaya si Indang Berta sa mga ganitong bagay dahil alam niyang kapag nasa piling niya ang mga ito ay hindi niya maibibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan. Sa iba, isa siyang masamang ina dahil natitiis daw niya na magkahiwalay sila ngunit ang totoo ay iniisip lamang ni Indang Berta ang kiinabukasan ng kanyang mga anak. Nais niyang maging maganda ang buhay ng mga ito at hindi matulad sa nangyari sa kanilang ama. Tiniis niyang mawalay sa mga ito at itago ang sakit at pangungulila na nararamdaman niya para sa kanyang mga anak. Hindi niya pinansin ang panghuhusga ng marami sa kanya na siyang nagpatunay na isa siyang dakilang ina na walang bahid na pagsisisi.

III. Sariling Reaksyon:3.A Mga Pansin at Puna sa Mga Tao:a. Mga Tauhanb. Istilo ng Awtprc. Galaw ng pangyayari Ang galaw ng pangyayari ay nasa di-pangkarinawang ayos. Nagsimula ito sa gitna at pagkatapos ay isinalaysay ang simula ng kwento na siyang naging kasagutan sa mga tanong na nasa isipan ng mga mambabasa na sinundan ng wakas ng kwento.

3.B. Bisang Pampanitikana. Bisa sa IsipHindi dapat manghusga sa ibang tao ng hindi alam ang totoong dahilan.

Tradisyunal ang naging paraan ng paglalahad nitong tatlong maiiklingkuwento.Sinimulan ito sakaraniwang paglalarawan ngkapaligiran, panahon atkondisyon kungkelan nagaganapangmaiikling kuwento.Pinagpatuloyito sapagkilala ng pangunahing tauhan kung kanino iikot ang maikling kuwento.Tradisyunal na maikling kuwento ang pamamaraan o istilo ng paglalahad nitongsarilinga katha.Maski sahuli ngmaikling kuwentoay tangingtradisyunal napamamaraan rin kung saan nagtapos ang maikling kuwento sa pagbibigay ngkakintalan sa mambabasa kung saan mapapa-isip siya at maaari ring siyasatinniya ang kanyang kalooban sa katotohanang pangyayayri at pang-aapi sa mgamagsasaka.Mapangahas atmapanghimagsik rinang tatlongmaiikling kuwentosapagkat ang nais ipamahagi ng mga ito ay ang simpatiya sa mga sonanggerilya sa kanilang pagmamalasakit at pagkabayanihan sa kanilang mga kasamahabang pinapakita ang dungis at baho ng administrasyon at militar ng bansa

Sa maikling kuwento, ang banghay ay kawangis ng kalansay ng tao o ngplanoo disenyo ng itatayong bahay. Ito ay balangkas ng mga sunud-sunod na pangyayari na siyang magsisilbing gabay ng manunulat sa kanyang pagsulat.May limang bahagi ang banghay. Ito ay ang mga sumusunod:1. Panimulang Galaw o Simula- ito ay tumutukoy sa makapukaw damdaming umpisa. Kailangang maging kawili-wili ang bahaging ito upang magpatuloy ang mga mambabasa sa pagtunghay sa akda.

2. Papaigting na Galaw- anginteresng mga mambabasa ay dapat mapanatili ng manunulat. Sa bahaging ito'y paiigtingin ang nasaling na damdamin ng mga mambabasa upang madala sila sa higit na mataas na antas ng pananabik.3. Krisis- ito ang pinakatampok o pinakadramatikong bahagi ng akda. Tiyak at kailangang mabilis ang galaw ng mga tauhan sa bahaging ito.4. Kasukdulan- ito ang pinakamatinding bahagi ng akda. Ang pangunahing tauhan, sa bahaging ito, ay malalagay sa panganib kaya kailangan na niyang kumilos upang bigyan ng solusyon ang kinakaharap na suliranin.5. Realisasyon o Wakas - ito ang huling bahagi ng banghay. Lubusan na ritong naisakatuparan ng pangunahing tauhan ang solusyon sa kinaharap na suliranin.