26
Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming bilang ng mga tao, sa buong mundo,, walang makatunton kung saan sila pumunta , ito ang tinatawag ng iglesya na sumasangguni sa “Masidhing Kagalakan” . Ito ay hinula ni Jesus dalawang libung taon na ang nakalipas na naitala sa Biblia ayon kay Apostol Pablo . Maari mong basahin ang tungkol dito sa Unang aklat ng Mga Taga-Tesalonica Kabanata 4 talata 13 hanggang 17, ang sabi, Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa. Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. Dito ang katagang “pagkakatulog” sumasangguni doon sa mga nangamtay sa pisikal ngunit ang kanilang mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3 talata 20 at 21 ang sabi Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.

Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming bilang ng mga

tao, sa buong mundo,, walang makatunton kung saan sila pumunta , ito ang tinatawag

ng iglesya na sumasangguni sa “Masidhing Kagalakan” . Ito ay hinula ni Jesus

dalawang libung taon na ang nakalipas na naitala sa Biblia ayon kay Apostol Pablo .

Maari mong basahin ang tungkol dito sa Unang aklat ng Mga Taga-Tesalonica

Kabanata 4 talata 13 hanggang 17, ang sabi, “Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di

makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay,

na gaya ng mga iba, na walang pagasa. Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang

si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay

Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa

salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito

ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may

tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang

mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira,

ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin:

at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.” Dito ang katagang

“pagkakatulog” sumasangguni doon sa mga nangamtay sa pisikal ngunit ang kanilang

mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3 talata 20 at 21

ang sabi “Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay

hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang

magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng

kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga

bagay sa kaniya.”

Page 2: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Subalit ano ang patungkol sa mga pumupunta sa simbahan subalit hindi kabilang

sa masidhing kagalakan? Pagpunta sa iglesya o kaya pagsikap maging mabuti hindi

sapat upang ang tao maging anak ng Dios.

Ang tanging mga anak ng Dios lamang ang aagawin upang salubungin ang

panginoon sa hangin. Ang aklat ng Juan kabanata 3 talata 3 hanggang 6 ang sabi,

“Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo,

Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.

Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda

na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?

Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y

ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. Ang

ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.”

Ang masidhing kagalakan ay ang unang kaganapan na mangyayai na

sinasangguni ng Biblia bilang Malaking Kapighatian . Ang Malaking Kapighatian ay

tumatagal ng pitong taon kung saan pinapakita ng Dios ang kanyang poot laban sa

kasalanan nasa sanlibutan at ang kanyang dakilang pakay na muling maipagpapasuko

ang kapangyarihan sa lupa. Ang aklat ng Mateo talata 24 verse 21 hanggang 25 ang

sabi, “Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang

gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi

na mangyayari kailan man. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang

lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na

yaon. Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang

Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga

bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at

Page 3: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito,

ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.”

Yaong pitong taon pahirapan ng Dios ang sanlibutan sa kanyang dakilang poot

sa pamamagitan ng pitong selyo, pitong trumpeta, at ang pitong salot na hatol. Lahat na

ito ay naitala sa aklat ng Pahayag. Ang aklat Revelation Revealed ni Dr. Jack Van Impe

at ang aklat Revelation: A Chronology ni Dr. Jimmy De Young ay mga mabubuting

pinagbubuhatan ng tulong upang iyong maintindihan ang Pahayag. Ang aklat ni Dr.

David Jeremiah, Anwers to the Unsolved Mysteries of Prophecy ay isa ring mabuting

mapagkukunan .

Ang pitong taon na kapighatian ay matatapos sa pagdidilim ng araw at ang

buwan. Mateo kabanata 24 talata 29 at 30 ang sabi “Datapuwa't karakarakang

pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang

buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula

sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung

magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y

magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao

na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang

kaluwalhatian.” Ang anticristo ay ihahagis sa dagatdagatang apoy..Ang Anticristo at

ang bulaang Propeta ay ihahagis dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre.

Pahayag Kabanata 19 talata 20 ang sabi, “At sinunggaban ang hayop, at kasama niya

ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya

sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang

dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:” .

Ang Cristo ay maghahari sa sanlibutan mula sa Jerusalem sa loob ng sanlibung taon.

Ito ay tumutukoy sa milenyo . Sa panahon ng kapighatian ipapakita ng Dios sa lahat na

Page 4: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

siya ay di lamang mapagmahal na Dios na sadyang ibinigay ang kanyang Anak upang

mamatay sa Krus dahil sa ating mga kasalanan kundi Dios ng katuwiran na hindi

pinapayagan ang kasalanan dimaparusahan.

Naitala sa Biblia, sa aklat ng Daniel, pinapakita ng Dios kay Daniel ang tatlong

pangitain sa apat na imperyo na maghahari sa mundong kanluranin bago maghari si

JesuCristo ng sanlibung taon. Aklat ng Daniel Kabanata 2 naitala ang unang pangitain,

na inilalarawan ang imperyo gaya ng malaking nakasisilaw na estatwaAng ikalawang

pangitain ipinapakita sila bilang mabangis na halimaw. Ito ay naitala sa Kabanata 7. Sa

Daniel kabanata 8 ang pangitain ng isang kordero at kambing. Ang tatlong mga

pangitain tumutukoy sa parehong apat na imperyo na pinapakita ang kahalagahan ng

pagtatalaga ng Dios nitong mga imperyo, na may kaugnayan sa kanyang balak na

walang hanggan . Ang apat na imperyo ay ang Babilon, Medo-Persia, Grecia, at Roma.

Ang Unyong Europeo ay ang binuhayang muli na Imperyo Romano na pinapakilala ng

Biblia, sa unang pangitain ni Daniel bilang sampung daliri sa paa at ang pangalawang

pangitain may sampung sungay.

Ang muling binuhay na Imperyo Romano, na iginagaya bilang Unyong Europeo,

ay mga pagsasanib at masyadong matibay gaya ng bakal subalit mahina kaakibat ng

luad, sakaling mahina ito dahil walang pagkakaisa . Binubuo ito ng sampung indibidwal

na pamahalaan , at ang tangin totoong lakas at pagkakaisa ay nagmula sa pinuno na

may karisma , yaong hindi magpakita sa eksena hanggat pagkatapos ng masidhing

kagalakan. Ang pinuno na ito tinatawag na anticristo.,Ang Europo at anticrsito ay

magkasanib pwersa na naitala sa mga sumusunod, Daniel kabanta 2 talata 40 at 41

nagsasabi “At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal,

palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung

paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik. At

Page 5: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng

magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't

magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay

nahahalo sa putik na luto.” Daniel kabanata 7 talata 23 hanggang 25 ang sabi, “Ganito

ang sabi niya, Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng

lupa, na magiging kaiba sa lahat ng kaharian, at sasakmalin ang buong lupa, at

yuyurakan, at pagluluraylurayin. At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito

ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y

magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari. At siya'y

magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng

Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y

mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at

kalahati ng isang panahon. Nguni't ang kahatulan ay matatatag, at kanilang aalisin ang

kaniyang kapangyarihan, upang patayin at ibuwal hanggang sa wakas. At ang kaharian,

at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit,

mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: ang kaniyang kaharian ay walang

hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa

kaniya.” (Ang tatlo at kalahating taon ay ang ikalawang bahagi ng dakilang

kapighatian).

Ang anticristo ay isang makarismang pinuno na may taglay na karunungan sa

pagwagayway sa pangkaramihan sa kanyang kakayanang pagsasalita. Hindi

mahahalata ang pagtaas ng kanyang kapangyarihan. Walang makakahalata nito sa

umpisa, at may kahirapan sa pagalintana kahit na yaong mga malalapit sa sentro ng

pagkilos. Subalit, sa panahon ng kalagitnaan ng kapighatian, ay kanyang ihahayag ang

sarili na siya ang Dios at wasakin nito ang sumasalungat sa kanya. Ang Anticristo ay

nilalarawan sa Pahayag Kabanata 13 talata 1 hangganng 10. Sa kalagitnaan ng

Page 6: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

panahon sa kapighatian, tatlo at kalahating taon pagkatapos ng masidhing kagalakan,

ang Anticrsito ay kanyang ipaalam na siya ang dios mula sa katatapos na pagawa ng

Templo ng mga Hudyo. Ang mga Hudyo itatakwil siya bilang dios, na magpagalit sa

kanya, at kanyang tankain na wasakin ang lahat ng mga Hudyo bilang mga tao at

kanyang papatayin ang tumututol sa kanya. Ang sabi sa aklat ng Daniel kabanata 11

talata 36, “At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siya'y

magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga

kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang

galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin.” Ayon sa aklat ng Mateo

kabanata 24 talata 15 hanggang 18, “Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na

paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal

(unawain ng bumabasa), Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa

Judea: Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob

ng kaniyang bahay: At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang

balabal. Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang

gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi

na mangyayari kailan man.”

Sa panahon nalalapit na sa kagitnaan ng kapighatian ang anticristo mag-uutos

sa lahat na magpatanda sa kanilang noo o kaya sa kanang kamay na walang

pinahintulutang bumili o kaya magbinta kung wala ito . Maaring ito ay buhat sa

computer chip kung saan ang lahat ng inyong impormasyon nakaloob dito. Ang lahat na

magnanais sa anticristo upang tugunin ang lahat ng problema na sa kasalukuyang

niraranas ng sanlibutan o kaya ang pagtanggap ng tanda sa kanilang noo o kaya sa

kanang kamay ay makakatanggap sa poot ng Dios na walang hanggan. Naitala ito sa

aklat ng Pahayag kabanata 13 talata 16 at 17, ang sabi, “At ang lahat, maliliit at

malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay

Page 7: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag

makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay

ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.” Sa Pahayag kabanata 14 talata

9 hanggang 11ang sabi, “At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na

nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa

kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay

iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa

inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng

mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng hirap nila ay

napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi,

silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap

ng tanda ng kaniyang pangalan.”

Subalit papaano ang Unyong Europeo maging makapangyarihan, at paano ang

patungkol sa Estados Unidos at Rusya? Sinusulat ko ito habang wala pa ang masidhing

kagalakan at ang Biblia walang tugon patungkol sa Estados Unidos., hindi ko pa alam

kung ito ay tiyak subalit ang nakikita ko sa ngayon. Nararamdaman ko sa pagitan ng

serye ng mga kaganapan ang Estados Unidos ay bumagsak sa pinansyal. Patungkol

sa Rusya, nakipagsanib sa Iran at sa ibang bayan ng mga Muslim upang salakayin ang

Israel . Wawasakin ng Dios ang kanilang mga mandirigma at napakalawak ang

pagkawasak nito na umabot ng pitong buwan ang Israel sa paglibing ng mga bangkay

nito. Naitala ito sa aklat ng Ezekiel kabanata 38 at 39 ang sabi “Pagkatapos ng

maraming araw ay dadalawin ka: sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na

ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na napisan mula sa maraming bayan, sa mga

bundok ng Israel, na naging laging giba; nguni't nalabas sa mga bayan, at sila'y

magsisitahang tiwasay, silang lahat. At ikaw ay sasampa, ikaw ay darating na parang

bagyo, ikaw ay magiging parang ulap na tatakip sa lupain, ikaw, at ang lahat mong mga

Page 8: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

pulutong, at ang maraming tao na kasama mo.” Sabi ng talata 16, “At ikaw ay sasampa

laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari sa mga

huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa,

pagka ako'y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata.” Kabanata

39, talata 3 hanggang 5 ang sabi, “At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa, at

aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan. Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng

Israel, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang mga bayan na kasama mo: aking

ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari, at sa mga hayop sa parang upang

lamunin ka. Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang: sapagka't aking sinalita, sabi ng

Panginoong Dios.” Sa talata 12 at 13 ang sabi, “At pitong buwan na mangaglilibing ang

sangbahayan ni Israel, upang kanilang linisin ang lupain. Oo, sila'y mangaglilibing ng

buong bayan ng lupain; at magiging sa kanila'y kabantugan, sa araw na ako'y

luluwalhati, sabi ng Panginoong Dios.” Ang Dios lamang ang maaring humula at

maitala sa pagsusulat ang apat na maghaharing imperyo na aangat sa kapangyarihan

sa pagitan ng 500 BC at sa kasalukuyan at alamin ang pagkabuhay muli ng Imperyo

Romano na higit sa isang libu at limang daang taon ang nakalipas matapos ang

pagkawasak nito. Kanya ring hinula sa pagsulat nito yaong mga bansa na sasanib sa

Rusya upang salakayin ang Israel sa panahong yaon ang Imperio Romano ay Muling

Buhayin. Ang mga bansa na sasanib sa Rusya ay ang Siria, Libya, Saudi Arabia, at

Libanon. Sabi sa Ezekiel 38:2-6 “Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa dako ni

Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal, at manghula ka

laban sa kaniya, At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y

laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal: At aking ipipihit ka

sa palibot, at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita,

at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang

lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat

Page 9: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

ay nangagtatangan ng mga tabak: Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila;

silang lahat na may kalasag at turbante; Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong;

ang sangbahayan ni Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang

mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.” Upang malaman kung sino ang mga

bansang ito dapat mong alamin ang mga bansa na umiiral na noong 500 BC, noong

isinulat ito ni Ezekiel. Ang Magog at Ukraine ay ang Rusya, Meshech, Tubal, Gomer at

Togarmah sa modernong panahon ay ang Turkey. Ang Afganistan, Pakistan, at Iran

kilala bilang Persya. Ethyopya, Somalia, at Sudan kilala bilang Cus at ang Libya ay

kilala bilang Put..

Dadayain ng Angticristo ang sanlibutan sa paniwalang meron siyang kakayahan

sa pagpatupad ng totoong katahimikan at paglago sa sanlibutan. Sabi sa Juan

kabanata 14 talata 6 “ Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at

ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan koAng aklat

ng Lucas kabanata 9 talata 25 ay nagsabi“Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao,

kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang

kaniyang sarili? Sabi ng Mga Taga-Roma kabanata 3 talata 23 “Sapagka't ang lahat ay

nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; Ang sabi ng aklat

ng Mga Taga-Roma kabanata 6 talata 23 “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay

kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang

hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” 2 Mga Taga-Corinto kabanata 5 talata

21 ang sabi“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa

atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.” Si Jesus ay hindi lamang

matuwid na tao subalit ang tanging Anak ng Dios. Si Jesus, kaylanman hindi nagkasala,

kinuha ang iyong mga kasalanan at namatay para sa iyo sa krus upang matubos ang

iyong mga kasalanan. Sabi ng Mga Taga-Roma; “Sapagka't kung ipahahayag mo ng

iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay

Page 10: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:” Ang talatang ito ay nagsasabi na

tayong lahat ay mga makasalanan, na walang sinoman ang pinagmaliban, at kung wala

si Jesus walang makaparoon sa langit. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.

Samakatuwid ang sinoman na hindi tatanggap sa kamatayan ni Jesus sa krus bilang

pagtubos sa kanilang mga kasalanan ang maging Panginoon nila ay pupunta sa

kaparusahan na walang hanggan doon sa dagatdagatan apoy na walang pagkakataon

makatakas. Kahit gaano tayo kabuti sa mundong ito wala itong saysay kung ang

patutungohan natin ay ang walang hanggang kaparusahan doon sa dagatdagatang

apoy na walang pagkakataon makatakas.

Sa Panahon ng Dakilang Kapighatian ang Dios ay magpadala ng

makapangyarihan na paglinlang para sa lahat na tumakwil kay Jesus na kanilang

tagapagligtas. Ang sabi sa 2 Mga Taga-Tesalonica kabanata 2 talata 11 at 12, “At dahil

dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala

sila sa kasinungalingan: Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya

sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.” Sabi sa talata “At may buong daya ng

kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa

katotohanan, upang sila'y mangaligtas.” Ang sabi sa Juan kabanata 3 talata 19 “At ito

ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang

kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka't ang

bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw,

upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.” Ang sanlibutan ay madaya sa

paniwala yaong Anticristo ay siyang tagapagligtas ng sanlibutan subalit kung iyong

maramdaman bumabatak sa iyong puso ang Dios na nagsasabi sa iyo ang Biblia ay

totoo at ikaw ay makasalanan, na kailangan mo ang kapatawaran, huwag mag antala.

Lumapit ka sa Dios habang siya ay iyong makausap. Aminin mo sa Dios ikaw ay isang

makasalanan at iyong tatanggapin ang kamatayan ni Jesus sa upang tubusin ang iyong

Page 11: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

kasalanan. Kinasusuklaman ng Dios ang kasalanan. Wasakin ng kasalan ang lahat na

mahipo nito. Sa awa ng Dios, kahit na hindi tayo karapatdapat nito, ay kanyang

binibigyan ang sankatauhan ng isa pang pagkakataon na tumalikod sa kanilang

kasalanan at maging ligtas galing sa palalapit na paghatol. Kahit ang karamihan ay

nadaya sa Anticristo, marami pa ang yaong magsisisi sa kanilang kasalan. Sabi ng

Pahayag kabanata 7 talata 13 at 14, “At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi

sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan

nagsipanggaling? At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At

sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at

nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.”

Kahit ibubuhos ng Dios ang kanyang poot sa kasalanan ng sanlibutang ito

magtalaga siya ng mga maraming saksi. Saglit ng pagkatpos ng masidhing kagalakan

ang Dios magpadala ng dalawang saksi na magpakita sa Jerusalem suot ang

kasuotang sako. Magbabala sila sa sanlibutan patungkol sa nalalapit na hatol sa

kasalanan ng mundo. Ang sanlibutan tanbgkain silang patayin ngunit hindi nila magawa

ang pagpatay sa kanila,hanggang umabot Ang kanilang mga bangkay ay ilalapag sa

lansangan sa loob ng tatlo at kalahating araw.Bubuhayin silang muli ng Dios sa

harapan ng sanlibutan na nakamasid sa kanilang pagsunggab pataas ng alapaap.Ito ay

naitala sa aklat ng Pahayag kabanata 11 talata 3 hanggang 12 “At may ipagkakaloob

ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan

at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo. Ang mga ito'y ang

dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng

Panginoon ng lupa. At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang

lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng

sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan. Ang mga

ito'y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga

Page 12: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at

mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain. At pagka natapos nila

ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at

pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin. At ang kanilang mga bangkay ay nasa

lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto,

na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila. At ang mga tao mula sa gitna

ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang

mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay

ay malibing. At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa

kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang

dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa. At

pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay

pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga

nakakita sa kanila. At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila,

Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng

kanilang mga kaaway.” Ang Dios magpadala ng 144,000 mga Hudyong saksi, 12,000

mula sa bawat angkan. Ito ay naitala sa aklat ng Pahayag kabanata 7 talata 3

hanggang 8. Meron uli ito sa Biblia, mga aklat, at web sites.

Ang Biblia at ang mensaheng ihinihayag ng Anticristo at Bulaang Propeta hindi

maaring magkatunay. Ikaw ang magpasya kung sino ang nagsasabi ng katoothanan at

ano man ang iyong gagawin hango sa iyong paniniwala. Ang iyong eternidad ay

nakasalalay sa iyong pagpasya.

Yaong mga nagsitanggap sa kapatawaran ng Dios sa pamagitan ng dugo ni

Jesucristo ito ay hind imaging madali, ang sabi sa Mateo kabanata 24 talata 21 at 22

“Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di

Page 13: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na

mangyayari kailan man. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang

makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.” Ang

Pahayag kabanata 13 talata 7 hanggang 10 naitala ang lawak ng kanyang

kapangyarihan “At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at

pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at

wika at bansa. At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na

ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay

buhat nang itatag ang sanglibutan. Kung ang sinoman ay may pakinig, ay

makinig. Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: kung

ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang

pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.” Nilalarawan dito ang pagpahintulot

ng Dios sa kapangyarihan ng Anticristo at ng kasalanan. Ang Dios ang may kakayahan

pagpigil sa kapangyarihan ni Satanas at kung ano lamang ang kanyang

pinapahintulutan na gawin mula pa simula hanggan sa masidhing kagalakan. Subalit sa

Panahon ng Dakilang Kapighatian walang pupuksa sa kapangyarihan ni Satanas o

kaya kung ano pinapahintulutan niyang gagawin. May kahirapan ito, subalit manatili

kayong tapat sa inyong tawag. Kay Jesus tayo magmasid, ang kanyang pagmamahal

sa iyo ay handa siyang mamatay sa krus upang iyong matamasa ang eternidad sa

langit na kasama siya. Sabi sa Hebreo 12:2 “Na masdan natin si Jesus na gumawa at

sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan

niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng

luklukan ng Dios.” Ang kagalakan na matamasa mula sa kanya yaong makasama mo

siya sa langit dahit sa kanyang nagawa sa krus. Kapag iyong tanggaapin ang kanyang

kamatayan sa krus bilang pagtubos sa iyong kasalanan, darating ang araw makasama

Page 14: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

mo siya sa langit at maglalakad sa lansangan ng ginto. Doon wala ng pasakit o kaya

lungkot.

Marami pa ang naitala na mga kaganapan sa Biblia ang patungkol sa Panahon

ng Dakilang Paghitain. Ito ay isinusulat upang iyong malaman ang Dios na tinukoy sa

Biblia ay siya ang tanging , nag-iisang Tunay at Buhay na Dios.

Page 15: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Mga Pangako ng Diyos

Kaligtasan

Isaias 55:6-7 6 Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang

siya'y malapit:

7 Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa

Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana.

Roma 5:12 12 Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang

kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao,

sapagka't ang lahat ay nangagkasala:

Roma 3:10 10 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;

Roma 6:23 23 Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay

buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Juan 3:16-17 16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na

Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na

walang hanggan.

17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang

sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.

2 Corinto 5:21

Page 16: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa

kaniya'y katuwiran ng Dios.

1 Juan 1:9 9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga

kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Roma 10:13 13 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

Juan 3:3-7 3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y

ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.

4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga

siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?

5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at

ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.

6 Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.

7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.

2 Corinto 5:17 17 Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na;

narito, sila'y pawang naging mga bago.

1 Juan 2:1-2

2 Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala.

At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:

2 At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa

buong sanglibutan din naman.

Page 17: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Kapatawaran

Mateo 5:44-45 44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y

nagsisiusig;

45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw

sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

Marcos 11:25 25 At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong

anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga

kasalanan.

Mateo 6:14 14 Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng

inyong Ama sa kalangitan.

Roma 12:20 20 Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa

paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.

Lucas 6:35-38 35 Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na

kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga

anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.

36 Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.

37 At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo

parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain:

38 Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong

kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.

Page 18: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Kawikaan 20:22 22 Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka.

Katapatan ng Diyos

Deuteronomio 7:9 9 Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan

at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang

sa isang libong salin ng lahi;

Deuteronomio 4:31 31 Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay maawaing Dios; hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya ni

kalilimutan ang tipan sa iyong mga magulang na kaniyang isinumpa sa kanila.

Mga Bilang 23:19 19 Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya

gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?

Mga Hebreo 10:23 23 Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang

nangako:

Isaias 25:1

25 Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't ikaw

ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at

katotohanan.

Page 19: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Awit 9:10 10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw,

Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.

Awit 119:160 160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan

man.

Isaias 54:10 10 Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking

kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng

Panginoon na naaawa sa iyo.

Isaias 46:11 11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa

malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

Juan 15:10-11 10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad

sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig.

11 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong

kagalakan ay malubos.

Roma 8:38-39 38 Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel,

kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang

mga kapangyarihan,

39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa

atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Page 20: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Pananampalataya

Mga Hebreo 11:1

11 Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga

bagay na hindi nakikita.

Mga Hebreo 11:6 6 At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit

sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

Efeso 2:8-10 8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili,

ito'y kaloob ng Dios;

9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng

Dios nang una upang siya nating lakaran.

Colosas 2:6-7 6 Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya,

7 Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo,

na sumasagana sa pagpapasalamat.

Galacia 3:26 26 Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.

1 Corinto 16:13

Page 21: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

13 Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y

mangagpakalakas.

Galacia 2:20 20 Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa

akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang

pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

2 Corinto 5:7 7 (Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin);

Efeso 3:17-19 17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y

magugat at magtumibay sa pagibig.

18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at

lalim,

19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa

buong kapuspusan ng Dios.

Mga Hebreo 12:1-2

12 Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't

pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa

harapan natin,

2 Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang

inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan

ng Dios.

Tiwala

Page 22: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Kawikaan 3:5-6 5 Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:

6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

Awit 46:1-3

46 Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.

2 Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa

kagitnaan ng mga dagat;

3 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag. Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa

unos niyaon. (Selah)

Awit 84:11-12 11 Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:

hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.

12 Oh Panginoon ng mga hukbo, mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.

Lucas 12:32 32 Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y

ibigay ang kaharian.

1 Pedro 5:7 7 Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.

Mateo 6:31-32 31 Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o,

Ano ang aming daramtin?

Page 23: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

32 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong

Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.

Awit 40:4 4 Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, at hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga

naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.

Awit 62:5-6 5 Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.

6 Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan: siya'y aking matayog na moog; hindi ako makikilos.

Pangamba

Marcos 4:40 40 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo nangatakot? wala pa baga kayong pananampalataya?

Mateo 10:28 28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa

kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

1 Pedro 3:12-14 12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang

mga daing: Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.

13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?

14 Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot

sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo;

Mga Hebreo 13:6

Page 24: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

6 Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong

magagawa sa akin ng tao?

Awit 91:4-6 4 Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka:

ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti.

5 Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw;

6 Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.

Isaias 43:2 2 Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay

lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.

Juan 14:27 27 Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng

ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

Awit 23:4-5 4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't

ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.

5 Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking

ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan.

Awit 27:1-3

27 Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan

ng aking buhay; kanino ako masisindak?

2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga

kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.

3 Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon

ang pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako.

Page 25: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

Roma 8:37-39 37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa

atin ay umibig.

38 Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel,

kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang

mga kapangyarihan,

39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa

atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

1 Juan 4:18 18 Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may

kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.

Kamatayan

1 Corinto 15:55 55 Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?

Mga Hebreo 2:14-15 14 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito;

upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid

ay ang diablo:

15 At mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.

Juan 8:51 51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya

makakakita magpakailan man ng kamatayan

Page 26: Ang inyong naranasan sa kasalukuyang paglaho ng maraming ...theendtimeswitness.com/assets/rapture-tagalog.pdf · mga kaluluwa ay kay Jesus. Sa aklat ng mga Taga-Filipos Kabanata 3

2 Corinto 4:16 16 Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't ang aming

pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.