3
Ang Istorya ng Pinto Ako si Ryan Carlo P. Conde, labing pitong gulang. Ipinanganak noong ika-dalwa ng Abril noong 1996 sa Tayabas, City. At nag- aaral sa unibersibad ng Southern Luzon State College bilang estudyante ng Haynayan, sa ilalim ng departemento ng College of Arts and Sciences. Araw na nang bakasyon, masaya’ng masaya ang mga estudyante, guro, at mga magulang, dahil tapos na araw ng pasukan, samantalang malungkot naman ang iba dahil siguradong mahina ang benta, o negosyo nila, sapagkat walang estudyante’ng nadaan o namamasahe at tapos na nga ang araw ng pasukan. Simula na, ng araw nang bakasyon, para sa mga estudyante, at ang bawat isa ay may kanya kanyang plano para sa kanilang bakasyon. Kagaya ng nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng manok ng kapitbahay. Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at ang mga tao ay nagsisimula na ring gumising sa lugar na ito. Ryan Carlo P. Conde Page 1

Ang istorya ng pinto.docx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

short story

Citation preview

Page 1: Ang istorya ng pinto.docx

Ang Istorya ng Pinto

Ako si Ryan Carlo P. Conde, labing pitong gulang. Ipinanganak noong ika-dalwa ng Abril noong

1996 sa Tayabas, City. At nag-aaral sa unibersibad ng Southern Luzon State College bilang

estudyante ng Haynayan, sa ilalim ng departemento ng College of Arts and Sciences.

Araw na nang bakasyon, masaya’ng masaya ang mga estudyante, guro, at mga magulang, dahil

tapos na araw ng pasukan, samantalang malungkot naman ang iba dahil siguradong mahina ang

benta, o negosyo nila, sapagkat walang estudyante’ng nadaan o namamasahe at tapos na nga ang

araw ng pasukan. Simula na, ng araw nang bakasyon, para sa mga estudyante, at ang bawat isa

ay may kanya kanyang plano para sa kanilang bakasyon.

Kagaya ng nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng manok ng kapitbahay.

Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at

ang mga tao ay nagsisimula na ring gumising sa lugar na ito.

Ilang araw pa lang ako dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar kong nakagisnan. Sa lugar nakagisnan

ko, hindi natutulog ang oras. Maumaga man o gabi, napupuno ng ingay na dala ng kasiyahan.

Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligitan nito, natutunan kong mahalin ang lugar na

iyon kasama ng pagyakap ko sa mga tao’ng nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon ang ingay

at gulo, ngunit naroon din ang saya’t ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang

buhay. Gigising kang Masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi na dulot ng mga

masasayang panyayari.

Ryan Carlo P. Conde Page 1

Page 2: Ang istorya ng pinto.docx

Ang Istorya ng Pinto

Narito ako ngayon. Lugar na pagkatahimik-tahimik. Tangay ang katahimikang nababalot sa

paligid at gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng hangin. Dito ko naranasan ang

katahimikan na aking hinahanap-hanap, kung saan kapiling ko ang kalikasan, ang simoy ng

hangin, ang pag-agos ng tubig na nagmumula sa ilog, at ang magandang tanawin na nakakapag

pakalma sa aking isipan. Tila isang paraiso ito’ng lugar na ito sa akin, ang mamuhay sa isang

lugar na ang musika ay ang huni ng mga ibon. Ang masarap na pakiramdam na ang kaniig mo sa

gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at ang liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng

kumukititap na mga bituin sa langit ay parang diyamante na ang sarap-sarap titigan.

Ang buhay dito malayo sa mga bisyong maaring sumira sa buhay na maraming pangarap, at

malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao.

Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig na dala ng hangin. Tumatayo ang

lahat ng balahibo ko sa katawan, Pinihit ko ang seradura ng pinto, ngunit sa laki ng anking

pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina,

nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara ang pinto.

Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong lola.

Ryan Carlo P. Conde Page 2