3
Ang K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon saBasic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbangsa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag naSenior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon naTechnical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian. Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa saAsya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasanegosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mgasilid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrangdami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila. Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga estudyante na maraming oras ang ginugugolsa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabottuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para langmakapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na rin mismo saKagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadongguro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon-taon rin ay naglilimbag ng aklat perokinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa edukasyon ngbansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindimuna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silidpaaralan. Magbigay ng mga aklat na

Ang K to 12 Sa Edukasyon Ng Pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang K to 12 Sa Edukasyon Ng Pilipinas

Citation preview

Page 1: Ang K to 12 Sa Edukasyon Ng Pilipinas

Ang K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas

  Kasalukuyan   ng   ipinapatupad   ng   pamahalaang   Aquino   ang   programa   nitong   kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon saBasic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbangsa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag naSenior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon naTechnical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian.

Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na   lang   kasi   ang   bukod   tanging   bansa   saAsya   ang  may   pinakamababang   bilang   ng   taon   sa   Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasanegosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mgasilid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrangdami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila.

Naiiba naman ang kwento pagdating sa  mga malalayong  lugar  sa bansa.  Naririyan ang mga estudyante na maraming oras ang ginugugolsa  paglalakad ng  ilang milyang  layo makarating  lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabottuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para langmakapagtapos sa elementarya at high school.  Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na rin mismo saKagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadongguro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo   rin   nila   ang  mababang   pasahod   sa  mga   guro.   Taon-taon   rin   ay   naglilimbag   ng   aklat perokinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa edukasyon ngbansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng  ibang programa ay hindi  naman naaangkop ang pagpapatupad nito.  Bakit  kaya hindimuna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silidpaaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo.

Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad ngedukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang   katalinuhan   ng   tao.   Kaya   namang   matutunan   ng   mga   Pilipinoang   dapat   na   matutunan   sa kasalukuyang  umiiral   na   sistema.  Ang   katunayan  dito   ay   ang  mataas   na   kalidad   ng   edukasyon   sa mgapribadong paaralan. Dahil ito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng kanilang magulang. Maymga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.

Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung sa ngayong sistema pa nga lang ay marami na ang drop out ay paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin pang libre angpag-aaral sa mga pampublikong paaralan  ay  gumagastos  pa   rin  ang  mga magulang   sa  mga pang-araw-araw na  baon  ng  mga bata. Ibigsabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirapmakahanap ng trabaho. Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing.

Page 2: Ang K to 12 Sa Edukasyon Ng Pilipinas

Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Halimbawa   nito   ay   ang   malawakangpagpapatupad   ng   distant   learning   sa   mga   malalayong   lugar. Nandiyan na ang teknolohiya ng  Internet.  Maaring sa halip  na araw-araw napasakit  sa pagpasok sa eskwelahan   ay   gawing   lingguhan  na   lang.   Pwede   ring   gamitin   ang   telebisyon   sa   pamamagitan   ng paggawa ngmga educational  channel  na panonoorin  ng mga bata na kasabay ng turo sa aktwal  na panahon sa paaralan. Marami pang alternatibongparaan ang naghihintay na linangin para makatulong sa pag angat ng edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa.

Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang malinaw na direksyon at hindinapapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado ang problemang ito sa pamamagitan ng isang solusyong sa huli ay magigingdagdag pa pala sa suliranin.