32
1 Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

  • Upload
    doxuyen

  • View
    392

  • Download
    71

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

1

Ang KaloobNg Diyos

Ang KaloobNg Diyos

Page 2: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

2

Acknowledgements

‘The Gift of God’ has been compiled by -

The Seamen’s Christian Friend Society

www.scfs.org

With the permission of -

Evangelism Explosion Oceania

www.eeinternational.org

Published with assistance from -

SPCK - Australia Inc.

www.spcka.org.au

Scripture quotations from -

Magandang Balita Biblia ®.

Copyright © 1980 by Philippines Bible Society

Page 3: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

3

Nilalaman

Ano ang naghihintay sa kabilang buhay?.....4

Magandang balita para sa iyo .................5-13

Biyaya ng buhay na walang hanggan....14-19

Panahon na upang tayo ay mag-isip..........20

Panalangin ng pagtugon.............................21

Alamin na may katiyakan............................22

Ang aking pagtatalaga sa Diyos.................23

Nais ng Diyos na lumago ka..................24-30

Page 4: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

4

Sa walang katiyakang mundong ito isang bagay lang ang tiyak,lahat tayo ay mamamatay. Subalit ano ang naghihintay sa kabilangbuhay? Halos lahat ng tao ay umaasa at nais makasiguro na maybuhay na walang hanggan o langit.

Maraming tao ang umaasang sila ay magkakaroon ng buhay nawalang hanggan o makakarating sa langit sa pamamagitan ngpagiging relihiyoso o sa pamamagitan ng kanilang mabubutinggawa. Ang iba naman ay umiiwas na pag-isipan ito.

Anuman ang inaasahan o iniisip, ang pangunahing mensaheng Bibliya ay ang malaman ng bawat isa na may kasiguruhan okatiyakan na buhay na walang hanggan ngayon pa man – kayamakapamuhay ng masagana at may katiyakan, at langit pag tayoay namatay.

Ito ang sinasabi ng Diyos – mula sa Bibliya ...

Ano ang naghihintay sa kabilang buhay?

Page 5: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

5

Ang buhay na walang hanggan o langit aykaloob ng Diyos na walang bayad

Ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sapamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Roma 6:23

Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayosa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang

kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo.Efeso 2:8

Page 6: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

6

Sapagkat ang buhay na walang hanggan ay kaloob, tulad ngtunay na kaloob ...

Hindi natin ito pinaghirapan o pinagpagurano karapat-dapat tanggapin

Ito ay kaloob ng Diyos – HINDI ITO DAHIL SA INYONG MGAGAWA, kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

Efeso 2:8-9

Sinasabi ng Bibliya na hindi natin makakamit ang buhay na walanghanggan sa pamamagitan ng sariling pagsisikap, sa paggawa ngmabuti o kahit sa pagiging relihiyoso.

Kung ang Diyos ay hindi nag-alok sa bawat isa sa atin ng kaloobna ito, walang sinuman ang makapupunta sa langit o magkaroonng buhay na walang hanggan, sapagkat ...

Page 7: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

7

Sa ibang tao, ang kahulugan ng kasalanan ay ang pagpatay,panggagahasa o pagnanakaw, sa iba naman ito’y maaaring tuladng panloloko sa kapwa. Lahat tayo ay may sariling pag-aakala atpamantayan ng kasalanan – subalit tanging ang pamantayan ngDiyos lamang ang mahalaga.

Sa Diyos, ang pagkapoot at pagnanasa ay mga kasalanangkahalintulad din ng pagpatay o pangangalunya (pakikiapid),sapagkat ang lahat na ito ay nagsasaad ng pagka-makasarili atkamangmangan sa Kanyang kautusan.

Ang pinakadakilang kautusan ay ibigin natin ang Diyos ng buongpuso, buong kaluluwa, buong kaisipan at buong kalakasan atibigin natin ang ating kapwa tulad din ng pag-ibig natin sa atingsarili. Sa gayon, kahit alisin ang mga masasamang gawa na naisnating gawin o isipin, tayo ay nagkakasala pa rin kung hindi natininibig ang Diyos o tumutulong sa mga taong nangangailangan!

Ang lahat ay nagkasala

LAHAT AY NAGKASALA at walang sinumang karapat-dapatsa paningin ng Diyos. Roma 3:23

Page 8: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

8

Hindi natin makayang iligtas ang atingsarili sapagkat hindi natin maabot angganap na pamantayan ng Diyos.

Wala tayong magagawa para iligtas angating sarili

Kaya, dapat kayong maging ganap,gaya ng inyong Amang nasa langit.

Mateo 5:48

Ang tumutupad sa buong kautusan ngunit lumabag sa isaay lumabag sa lahat. Santiago 2:10

At dahil dito ...

Gaano man tayo kabuti, kapag tayo ay nagkasala – kahit ito’ymaliit sa ating paningin – ito ay sumisira sa pagiging ganap nahinahangad ng Diyos.

Kahit ang isang tao ay mas magaling sa iba, ang pagiging higitna magaling ay hindi sapat kung tayo ay nagkulang. Isipin mona lang kung ikaw ay tatalon sa pagitan ng dalawang bundok namay malalim na bangin sa gitna at ikaw ay nagkulang ng kungilang pulgada lamang, ikaw ba ay mas nakakahigit kaysa sa isangtaong tumalon ng hanggang kalagitnaan? Hindi! Parehas kayongnagkulang.

Dahil nagkulang tayo sa pamantayan ng Diyos, tunay na tayo aymakasalanan at walang kakayahang magligtas ng sarili. Sapagkatalam ng Diyos na hindi natin kayang abutin ito, at bagamat hinditayo karapat - dapat dito – inalok tayo ng Diyos ng langit o buhayna walang hanggan bilang isang kaloob na walang bayad!

Page 9: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

9

Bakit inalok ng Diyos sa lahat ng nilalang ang kaloob na buhay nawalang hanggan?Ang sagot ay -

Ang Diyos ay mapagmahal at mahabagin atayaw Niya tayong parusahan.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig Niya’y walang hanggan.Awit 100:5

Kay Yahweh na inyong Diyos. Siya’y may magandang-loobat puspos ng awa, mapagpahinuhod at tapat sa kanyang

pangako; laging handang magpatawad ...Joel 2:13

Sinasabi ng Bibliya -Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan,

kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak,upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,

kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.Juan 3:16

Ang Diyos ay pag-ibig.1 Juan 4:8

Page 10: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

10

Ang Diyos ay tunay na makatarungan kayasa Kanyang pagkamakatarungan kailangan

Niyang parusahan ang kasalanan

Gayun pa man, ang Kanyang pag-ibig ay hindi mangingibabaw saKanyang katarungan – at ang Bibliya na nagsasaad ng Kanyangpag-ibig ay siya ring nagsasaad ng maliwanag na -

Parurusahan ko ang daigdig dahilsa kanyang kasamaan,

at ang mga tao dahil sa kanilangkasalanan. Isaias 13:11

Kung sakaling hindi pansinin ng Diyos ang ating mga kasalanandahil sa Kanyang pag-ibig, hindi na Siya magiging makatarungan.Ang Kanyang batas ay ganap at ang Kanyang hatol ay ipinatawna ...

Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan. Roma 6:23

Matuwid ang lahat niyang kilos.Deuteronomio 32:4

Huwag ninyong hahatulan ngkamatayan ang isang taong

walang kasalanan.Exodo 23:7

At sinabi ng Diyos -

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay atpagkatapos ay ang PAGHUHUKOM. Hebreo 9:27

Page 11: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

11

Subalit, magkasamang ibinigay ng Diyos ang Kanyang pag-ibigat ang Kanyang katarungan sa isang kahanga-hangang paraan– sa pagkatao ni Jesu-Cristo.

Subalit sino si Jesus?

Maliwanag na sinasabi sa Bibliya na ...

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita (Jesus). Kasama ngDiyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.

Juan 1:1

Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin.Juan 1:14

Si Jesus ay Diyos

Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki,at tatawagin itong Emmanuel - ang kahuluga’y Kasama

natin ang Diyos. Mateo 1:23

Ang Diyos ay naging tao kay Jesu-Cristo at ito ang atingipinagdiriwang tuwing Pasko.

Subalit bakit naparito si Jesus sa sanlibutan?

Page 12: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

12

Dumating siya para bayaran ang parusa nanararapat sa ating mga kasalanan

Ang bawat isa sa atin ay nahatulan na sa harap ng Diyos dahilsa ating mga kasalanan. Subalit dahilan sa Kanyang malabis napagmamahal sa atin, ipinataw Niya ang ating mga kasalanan kayJesus.

Tayong lahat ay parang mga tupangnaligaw; nagkanya-kanya tayo ng

lakad. Ngunit inibig ni Yahweh na sakanya ipataw ang parusang tayo ang

dapat tumanggap.Isaias 53:6

Minsan may isang balong ina na nilitis sa harap ng isang hukom.Siya ay nagkasala ng pagnanakaw ng mga paninda sa palengke.Alam ng hukom na walang perang pambayad ang balong ina parasa multa na limang daang piso, subalit hindi rin kayang ipakulongng hukom ang balong ina sapagkat ito ay may dalawang mallit naanak. Subalit ang kasalanang pagnanakaw ay dapat hatulan ngmulta o ikulong. Ang ginawa ng hukom pagkatapos magbigay nghatol, ay nanaog sa kanyang hukuman at inalok ang balong ina nasiya na lamang ang magbabayad ng multa. Tinanggap ng balongina ang magandang alok na ito at siya ay pinalaya! Hindi niya itopinaghirapan o pinagpaguran. Hindi siya karapat-dapat nito, subalitang hukom ay nahabag sa kanya. Ang batas ay natupad sapagkatang hatol na multa ay nabayaran ng lubos; at sa katulad na paraanang pag-ibig ay naganap.

Kahalintulad nito ang ginawa ng Diyos sa ating lahat!

Page 13: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

13

Si Jesus ay namatay sa krus para bayaran ang parusangnararapat sa ating mga kasalanan at para isakatuparan din angkatarungan ng Diyos.

Sa ikatlong araw si Jesus ay muling nabuhay mula sa kamatayanat ngayon ay buhay magpakailanman, at inalok Niya ang kaloobna buhay na walang hanggan sa sinumang tatanggap nito.

Ito ang ating ipinagdiriwang sa Pasko ng Pagkabuhay.

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig saatin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y

makasalanan pa.Roma 5:8

Ito ang ginawa ng Diyos para sa ating lahat

Ang pagkamatay ni Jesus sa krus ang siyang nag-ayos ng atingnasirang kaugnayan sa Diyos. Ngayon, sa pamamagitan ni Jesus,makalalapit na tayo sa Kanyang harapan bilang banal, dalisay atwalang kapintasan.

Page 14: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

14

Ang inyong nabasa ay siyang kabuuan ng mensahe ng Bibliya;ang mabuting balita na ginawa sa atin ng Diyos sa pamamagitanni Jesus. Ang kabuuan ay makikita sa talatang -

Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sapamamagitan ng INYONG PANANALIG kay Cristo.

Efeso 2:8

Ang kaloob na buhay na walang hanggan ay para sa SINUMANna mananampalataya sa kanya at ang salitang – sinuman – ayKABILANG KA!

Naniniwala ka ba kay Jesus? Kung ganun ...

Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kayaibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang

sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16

Maari mong tanggapin ang kaloob na buhayna walang hanggan sa pamamagitan ng

pananalig

Page 15: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

15

Lubusang pagtitiwala kay Jesu-Cristolamang

Kung maglalakbay sa ibang bansa na sakay ng eroplano hindilamang mahalaga na malaman mo ang oras, halaga, lakbayin,atbp. – upang makarating sa iyong patutunguhan. Kinakailangandin na isagawa mo ang kaalaman - gawin mo ang iyongPANANALIG - kinakailangan na sumakay mismo sa eroplano atmagtiwalang dadalhin ka nito sa lugar na nais mong marating!

Ganuon din kung nananalig ka sa ginawa ng Diyos. Kungnaniniwala ka na si Jesus ay Diyos na namatay sa krus, nabuhayna muli at nagkakaloob ng buhay na walang hanggan at naismong tanggapin ang kaloob Niyang buhay na walang hanggan,kinakailangan mong isagawa ang iyong pananalig at pagtitiwalakay Jesu-Cristo lamang. Wala ng ibang paraan.

Maaring umaasa ka sa iyong sariling pagsisikap o sa iyong sarilingpag-iisip o di kaya sa iyong mga relihiyosong gawain subalit angmga ito ay hindi makakapagligtas sa iyo. Ang pananalig lamangkay Jesus ang tanging paraan para sa kaligtasan.

Subalit ang pananalig na nagliligtas ay hindi lamang paniniwalatungkol kay Jesus o di kaya paglapit sa Kanya sa panahon ngkagipitan - bagaman mabubuti ang mga ito. Ang pananalig nanagliligtas ay nangangailangan ng ...

Page 16: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

16

Pagsisihan mo ang lahat mong kasalanan

Binibigyan niya ng pagkakataon ang lahat na makapagsisiat magbalik-loob sa Diyos, sapagkat hindi niya nais na

kayo’y mapahamak. 2 Pedro 3:9

May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunitkamatayan ang dulo nito. Kawikaan 14:12

Kailangan mong aminin na nasaktan mo ang Diyos dahil sa iyongpagkamakasarili at hindi pagsunod sa Kanya.

Kailangan mong pagsisihan ang lahat ng kamaliang o kasalanangnagawa. Kailangan magbago ng gawi o magtalikod sa datingmong gawi.

Kailangan humingi ka ng kapatawaran kay Jesu-Cristo atmagtiwalang tuturuan ka Niya ng tamang daan.

Ang pagsisisi ay pagtalikod sa datimong masasamang gawi

Ngayon ay pupunta ka na sa tamang daan -Ang Pamamaraan ng Diyos.

Page 17: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

17

Kapag ikaw ay tumalikod na sa dati mong gawi at lumakad na sadaan ng Diyos, kinikilala mo na -

Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita. Juan 14:23

Si Jesus ay Panginoon

Tayo’y kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan ni CristoJesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng

mabuti ... Efeso 2:10

Ang pagsunod sa Kanya ay nangangahulugan ng paggawa ngmga ilang bagong gawain at paggawa rin ng dating gawain sapanibagong paraan.

Bagama’t hindi ka maliligtas ng iyong mabuting gawa, ang iyongpamumuhay na nakalulugod sa Diyos ang siyang magpapatunaysa bagong buhay na ibinigay Niya at magpapatibay ng Kanyangpagiging Panginoon sa buhay mo. Sa gayon, ang iyongmabubuting gawa ay bunga ng iyong pananampalataya.

Alam ni Jesus ang pinakamabuti para sa iyo. Magtiwala ka nadadalhin ka Niya sa isang buhay na ganap habang ikaw nga aypatuloy na sumusunod sa Kanyang kalooban. Sinasabi ni Jesus,

Page 18: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

18

Para tanggapin mong Panginoon ng iyong buhay si Jesus atsundin Siya ay hindi madaling desisyon o pasiya. Ang iyongpanibagong buhay ay mangangahulugan ng mga pagbabago atmayroong mga ibang bagay na mahirap mabago. Hindi gagawinng Diyos ang pagbabago para sa iyo, subalit pag tinanggap moang Kanyang kaloob na buhay na walang hanggan, ang KanyangBanal na Espiritu ay mamumuhay sa iyo at magbibigay ngkapangyarihan upang mamuhay na sumusunod sa Kanya.

Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos atnaninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?

1 Corinto 3:16

Ang Espiritu ng Diyos ay nagbibigay buhay

Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak saEspiritu ay espiritu. Juan 3:6

Ang Espiritu ng Diyos ay mamumuhay sa iyo; hindi ka lamangmagkakaroon ng panibagong buhay kundi ganoon din ngkapangyarihan at patnubay sa iyong panibagong buhay.

Page 19: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

19

Ang bagong buhay na natanggap mo sa pamamagitan ng Espiritung Diyos ay nangangahulugan na ikaw ay kabilang na sa isangbagong sambahayan.

Ang sambahayan ng Diyos

Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya aypinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

Juan 1:12

Dahil kay Cristo, tayo’y kapwa makalalapit sa Ama sapamamagitan ng Espiritu. Samakatuwid, hindi na kayodayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mgahinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.

Efeso 2:18-19

Ang mga bata ay lalaking mabubuti sa isang matatag nasambahayan; ganuon din ang mga anak ng Diyos. Ang pagigingkasapi sa iglesya - na siyang kumakatawan sa sambahayanng Diyos - ay likas lang sa isang nananampalataya kagaya ngtahanan ay para sa isang pamilya.

Page 20: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

20

• Nauunawaan mo ba ang magandang balita na nasaBibliya?(sa pahina 4 hanggang pahina14 ng pulyetong ito).

• Naniniwala ka ba sa mga itinuturo ng Bibliya tungkolsa kaloob ng Diyos na buhay na walang hanggan sapamamagitan ni Cristo?

• Nauunawaan mo ba ang tugon na ninanais ng Diyos namanggagaling sa iyo?(sa pahina 15 hanggang pahina 19 ng pulyetong ito).

• Nais mo bang tanggapin ang kaloob ng Diyos na buhay nawalang hanggan?

• Ibig mo bang Siya lamang ang pagtitiwalaan para sa iyongkaligtasan?

• Tapat ka ba sa pagsisisi sa lahat mong mga kasalananat nais mo bang Siya lamang ang maging Panginoon saiyong buhay?

• Nais mo bang maging isa sa Kanyang mga anak, magingbahagi sa Kanyang sambahayan, ang iglesya?

Panahon na upang tayo ay tumigilat mag-isip

Kung ang mga sagot mo ay ‘Oo’sa bawat katanungan na ito, angdalangin sa kabilang pahina aymakakatulong sa iyo sa pagsagotsa paanyaya ng Diyos.

Page 21: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

21

Aking Panginoon at Diyos,Namuhay ako sa aking sariling paraan.Nakagawa ako ng maraming pagkakasala.Pinagsisisihan ko ang lahat ng aking kasalanan.Hinihiling ko na patawarin Ninyo ako.

Panginoong Jesus, pinagkakatiwalaan kita mula ngayon bilangaking Tagapagligtas.Salamat sa Iyong pagkamatay sa katayuan ko.Hinihingi ko ngayon ang iyong kaloob na buhay na walanghanggan.Ibinibigay ko ang buhay ko sa Iyo at tinatanggap Kita bilangaking Panginoon.

Tulungan mo akong mamuhay para sa Iyo sa pamamagitan ngkapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu.Ang lahat ng ito ay dalangin ko sa pangalan ni Jesus.Amen.

Panalangin ng pagtugon

Page 22: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

22

Kung tunay ngang ikaw ay nagsisi o tumalikod sa iyong mgakasalanan at nagtiwala na kay Jesu-Cristo, ibig ng Diyos namalaman mo na ikaw ay mayroon ng buhay na walang hanggan.

Sinasabi ng Bibliya,

Alamin na may katiyakan

Pansinin mo kung sino ang nagsabinito - si Jesu-Cristo!

Pansinin mo na ang pangako ay para sa ngayon: Hindi“magkakaroon” o “baka magkakaroon” kundi “mayroon na.”Sinabi ni Jesus kung ikaw ay nanalig o naglagak ng iyongpagtitiwala sa Kanya, mayroon ka nang buhay na walanghanggan. Sa gayon, batay sa katatapos na dalangin, ayon sanabasa mong Salita ng Diyos at paniniwala sa iyong puso, ikawngayon ay may buhay na walang hanggan.

Para matulungang maalala ang iyong ginawang pagpapasyangayon, inaanyayahan ka namin na lagdaan ang iyong pagtatalagasa kabilang pahina.

Isinusulat ko ito sa inyo upang MALAMAN NINYO nakayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na

walang hanggan. 1 Juan 5:13

Sinabi ni Jesus,

Sinasabi ko sa inyo, ang nananaligsa akin ay may buhay na walang

hanggan. Juan 6:47

Page 23: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

23

Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa angmagkaloob nawa sa inyo ng kagalakan at kapayapaan

sa pananalig upang sumagana kayo sa pag-asa sapamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Roma 15:13

Tinitiyak ko sa inyong ang mabuting gawa na pinasimulansa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw

ng pagbabalik ni Cristo Jesus. Filipos 1:6

Ang aking pagtatalaga sa Diyos

Naniniwala ako na gayon na lamang ang pag-ibig ngDiyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyangkaisa-isang Anak upang ang sinuman na sumampalatayasa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ngbuhay na walang hanggan. Sa gayon, sa araw na ito,pinagsisisihan ko ang lahat ng aking kasalanan atngayon ay nagtitiwala kay Jesu-Cristo na ako’y kanyangpatatawarin at pagkakalooban ng panibagong buhay -buhay na walang hanggan.

Ipinasya ko sa kapangyarihan ng Kanyang Espirituna mamuhay bilang isang kasapi sa pamilya ng mganananampalataya na susunod kay Jesus bilang Panginoon.Pagsisikapan kong lumago sa aking pagmamahal sa Diyosat sa aking kakayahan na maipamalas ang Kanyang pag-ibig sa iba.

Lagda

Petsa

Page 24: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

24

Ang tiyak na palatandaan ng panibagong buhay ay ang paglagoat ...

Gaya ng sanggol, kayo’ymanabik sa gatas na

espirituwal upang umunlad sapananampalataya hanggang

kamtan ang ganap nakaligtasan.1 Pedro 2:2

Nais ng Diyos na lumago ka

Tutulungan ka ng Diyos sa paglago sa pamamagitan ng -

• Kanyang Banal na Espiritu.• Kanyang isinulat na Salita.• Kanyang kaloob na dalangin.• Kanyang mapagmahal na sambahayan – ang iglesya.• Kanyang magandang balak o panukala para sa iyong buhay.

Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, magpatuloy kayo sapaglago sa kabutihan at sa pagkakilala sa ating Panginoon

at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 2 Pedro 3:18

Ang pisikal na buhay ay nagsimula sa pisikalna kapanganakan. Ang espirituwal na buhay aynagsimula ng ikaw ay ipinanganak na muli sapamamagitan ng Espiritu ng Diyos.

Sa gayon, ito ang unang araw ng iyongpanibagong buhay - buhay na walang hanggan.

Page 25: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

25

Ang Diyos ay laging sasaiyo

Ako’y sasainyo, huwag kang matakot, Ako ang iyong Diyos,di ka dapat mangamba kaninuman. Palalakasin kita at

tutulungan, iingatan at ililigtas. Isaias 41:10

Ikaw ay hindi na muling mag-iisa dahil ang Diyos Ama, DiyosAnak, Diyos Espiritu ay nangako -

Sabi ni Jesus,

Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos atnaninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?

1 Corinto 3:16

Ako’y laging kasama ninyo hanggang sakatapusan ng sanlibutan.

Mateo 28:20

Page 26: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

26

Ang Kanyang nasulat na Salita

Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sapagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa malingaral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa

matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos aymagiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

2 Timoteo 3:16-17

Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, liwanagna tumatanglaw sa landas kong daraanan. Awit 119:105

Nais ng Diyos na malaman mo ang Kanyang daan at ang Kanyangkalooban sa iyong buhay, kaya ibinigay Niya sa iyo ang Bibliya -

Sa iyong patuloy na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya masasabimo rin na -

Page 27: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

27

Sa pamamagitan ng Bibliya ang Diyos ay nakikipag-usap sa iyo,subalit sa pananalangin ikaw ay nakikipag-usap sa Diyos.

Hindi kailangang gumamit ng mga di-pangkaraniwang salita sapananalangin - kausapin mo lang Siya ng pangkaraniwan. Masmahalaga sa Kanya ang marinig ang bumabagabag sa iyongpuso hindi ang pagpapahanga sa pamamagitan ng maramingpananalita.

Maari mo Siyang kausapin kahit anong oras, kahit saan atpatungkol sa anumang bagay sa pamamagitan ng -

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay.Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong

kailangan sa pamamagitan ng panalanging maypasasalamat. Filipos 4:6

Huwag kayong magsasawa sa pananalangin. Gawin ninyoitong mataimtim at may pasasalamat. Colosas 4:2

Hanggang ngayo’y wala pa kayong hinihingi sa kanya sapangalan ko; humingi kayo, at kayo’y tatanggap upang

malubos ang inyong kagalakan. Juan 16:24

Kanyang kaloob na panalangin

Page 28: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

28

Kanyang mapagmahal na sambahayan –ang iglesya

Simula sa pagsilang ng iglesya ang mga bagong nananampalatayaay naging malapit sa bawat isa at sila ay sama-samangnakakaranas ng maalab na pagmamahal at pagtanggap habangang bawat isa ay nakikibahagi sa kapakanang espirituwal ng ibasa ...

Kung ikaw ay nasa iglesyang alam mong itinalaga ng Diyos parasa iyo, magkakaroon ka ng malaking kasiglahan at kalakasan.Ito ay manggagaling sa pananambahan, sama-samang pag-aaralng Salita ng Diyos at iba pang mga gawain, at higit na mahalagamakakakilala ka ng ibang kristiyanong malago na sa kanilangbuhay na espirituwal.

Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-samabilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa

pananalangin. Gawa 2:42

Page 29: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

29

Ang Diyos ay may magandang balak sa iyong buhay na ibigNiyang malaman mo.

Ang sabi ng Bibliya ...

Tayo’y kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan niCristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa

paggawa ng mabuti, na itinalaga na ng Diyos para saatin noon pa mang una.

Efeso 2:10

Ang Kanyang magandang balak sa iyongbuhay ay Kanyang ihahayag habang ikaw ay

• Pinapatnubayan ng Kanyang Banal na Espiritu.• Sumusunod sa Kanyang salita.• Nananalangin sa Kanyang patnubay.• Maging kasapi sa Kanyang sambahayan.

Page 30: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

30

Habang ikaw ay namumuhay ayon sa Kanyang kalooban lalokang mamumuhay ng matiwasay!

Nais ng Diyos na ikaw ay maging tapat na alagad o isangtagasunod na natututo. Ang tapat na alagad ay namumunga,nangangahulugang siya ay mapagmahal at nagtuturo ng kaniyangmga natutuhan sa iba nang sa gayon magkakaroon din ang mgaito ng buhay na walang hanggan.

Napararangalan ang Ama kung kayo’y namumunga nangsagana at sa gayo’y napatutunayang mga alagad ko kayo.

Juan 15:8

... ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’yhumayo at mamunga. Juan 15:16

Ang pagiging Disipulo

Kaya, ngayon na ibinigay mo na ang iyong pagtitiwala kay Jesus,ipagsabi mo ito sa iba. Sabihin mo sa iyong mga kamag-anakanat sa mga kaibigan ngayon o sa loob ng madaling panahon.

Page 31: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

31

Huwag ipaghahambog ang araw ng bukas, pagkat di moalam kung anong magaganap.

Kawikaan 27:1

Page 32: Ang Kaloob Ng Diyos Ang Kaloob Ng Diyos

32

Naval Military & Air Force Bible SocietyCastaway House, 311 Twyford AvenuePortsmouth PO2 8RN, United Kingdom

www.nmafbs.org

Registered Charity Number 1102593

Produced for seafarers’ missions:

Apostleship of the Seawww.stellamaris.net

The Mission to Seafarerswww.missiontoseafarers.org

Sailors’ Societywww.sailors-society.org

Seamen’s Christian Friend Societywww.scfs.org