Upload
rosanna-lombres
View
212
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
ANG MGA ASSYRIAN (1813-605 B.C.E.)
Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyon sa hilaga ng Babylon Sa pagtatapos ng ika- 19 na siglo B.C.E., napasakamy ng sundalong si Shamshi- Adad I
(1813-1781 B.C.E.) ang Ashur, ang unang kabisera ng Assyria. Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at naabot
ng puwersa niya ang baybayin ng Mediterranean. Noong unang milenyo B.C.E., sa baybayin malapit sa hilagang Egypt namalagi ang mga
Philistine, habang ang mga Hebrew ay nanirahan sa maburol na bahagi paloob pa ng lupain. Sa Mesopotamia, patuloy na naglaban ang mga tribo ng Aramean at Chaldean sa layong
mapasailalim ang Babylonia. Si Ashurnasirpal II (1049-1031 B.C.E.) ang isang mahalagang pinuno ng Assyria sa ikasiyam
na siglo B.C.E.
Ashurnasirpal II ng Assyria
Noong 745 B.C.E.,napasakamay ni Tiglath-Pileser III (745-728 B.C.E.) ang kapangyarihan at isinailalim ang iba pang estado sa isang imperyo.
Isa si Ashurnasirpal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakikitaan ng maayos na pamamahala sa kanyang panahon.