108
Ang Misteryosong Aklat Kabanata 1 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 73 Layunin: Upang maunawaan ang background at kahalagahan ng aklat ng Mga Hebreo. Noong una, nangusap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit nitong mga huling araw, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag- iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos doon sa langit. —Mga Hebreo 1:1-3 Ang aklat ng Mga Hebreo ay isang misteryosong obra maestra. Ang mga iskolar sa Biblia ay hindi alam kung sino ang sumulat nito o para kanino ito, ngunit alam natin sila ay mga Hudyong Kristiyano na naghihirap sa pag-uusig. Ang sumulat ng Mga Hebreo ay nag-aalok ng kasiguruhan ng kaligtasan, pagpapalakas, at pag-uudyok na maniwala na siyang lalong kailangan. Iilang mga iskolar ang nagsabi na si Pablo ang sumulat nito, ngunit marami ang di sumasang- ayon. Ang mga sulat ni Pablo ay laging nagsisimula sa kanyang pangalan, ngunit ang aklat ng Mga Hebreo ay wala. Palaging sumisipi si Pablo mula Lumang Tipan na isinulat sa Hebreo, ngunit ang sumulat ng Mga Hebreo ay sumipi mula Septuagint, ito ang Greek translation ng Lumang Tipan. Gayun din, ang sumulat ng Mga Hebreo ay hindi binigyang diin ang pagpapawalang sala sa pananampalataya, na siya laging idinidiin ni Pablo. Di tulad ni Pablo, ang sumulat dito ay hindi niya inaako na nakita niya sa personal si Jesu-Cristo. Mahalaga kung kilala mo ang pagkatao ng mga sumulat ng mga aklat sa Biblia, bagamat sa kahuli-hulihan Diyos ang talagang sumulat ng mga aklat. Manapa’y, ang mahalagang tanong na dapat itanong sa ano mang aklat sa Biblia ay ang mga sumusunod: Ano ang sinasabi ng aklat? Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang ibig sabihin nito sa akin? Obra maestra ang laman ng Mga Hebreo. Higit sa anumang libro, pinagdudugtong niya ang Luma at Bagong Tipan. Naglalaman ito ng mga argumento mula sa simula hanggang sa huli. Ipinapakita nito na si Jesus ang Mesiyas na propesiya sa Lumang Tipan, ang Panginoon na nagpakita sa Bagong Tipan, at ang darating na Hari ng mga hari. Tatlong susing mga salita ang makakatulong sa atin upang maunawaan ang argumento sa Mga Hebreo: Mas higit, maniwala, at mag-ingat. Dahil si Jesus ang Anak ng Diyos, mas higit siya sa mga propeta, mga anghel, ang mga saserdote, mga tipan, ang tabernakulo, at lahat. Wala nang

Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

  • Upload
    others

  • View
    35

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Misteryosong Aklat

Kabanata 1 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 73

Layunin: Upang maunawaan ang background at kahalagahan ng aklat ng Mga Hebreo. Noong una, nangusap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit nitong mga huling araw, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay

nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos doon sa langit.

—Mga Hebreo 1:1-3 Ang aklat ng Mga Hebreo ay isang misteryosong obra maestra. Ang mga iskolar sa Biblia ay hindi alam kung sino ang sumulat nito o para kanino ito, ngunit alam natin sila ay mga Hudyong Kristiyano na naghihirap sa pag-uusig. Ang sumulat ng Mga Hebreo ay nag-aalok ng kasiguruhan ng kaligtasan, pagpapalakas, at pag-uudyok na maniwala na siyang lalong kailangan. Iilang mga iskolar ang nagsabi na si Pablo ang sumulat nito, ngunit marami ang di sumasang-ayon. Ang mga sulat ni Pablo ay laging nagsisimula sa kanyang pangalan, ngunit ang aklat ng Mga Hebreo ay wala. Palaging sumisipi si Pablo mula Lumang Tipan na isinulat sa Hebreo, ngunit ang sumulat ng Mga Hebreo ay sumipi mula Septuagint, ito ang Greek translation ng Lumang Tipan. Gayun din, ang sumulat ng Mga Hebreo ay hindi binigyang diin ang pagpapawalang sala sa pananampalataya, na siya laging idinidiin ni Pablo. Di tulad ni Pablo, ang sumulat dito ay hindi niya inaako na nakita niya sa personal si Jesu-Cristo. Mahalaga kung kilala mo ang pagkatao ng mga sumulat ng mga aklat sa Biblia, bagamat sa kahuli-hulihan Diyos ang talagang sumulat ng mga aklat. Manapa’y, ang mahalagang tanong na dapat itanong sa ano mang aklat sa Biblia ay ang mga sumusunod: Ano ang sinasabi ng aklat? Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang ibig sabihin nito sa akin? Obra maestra ang laman ng Mga Hebreo. Higit sa anumang libro, pinagdudugtong niya ang Luma at Bagong Tipan. Naglalaman ito ng mga argumento mula sa simula hanggang sa huli. Ipinapakita nito na si Jesus ang Mesiyas na propesiya sa Lumang Tipan, ang Panginoon na nagpakita sa Bagong Tipan, at ang darating na Hari ng mga hari. Tatlong susing mga salita ang makakatulong sa atin upang maunawaan ang argumento sa Mga Hebreo: Mas higit, maniwala, at mag-ingat. Dahil si Jesus ang Anak ng Diyos, mas higit siya sa mga propeta, mga anghel, ang mga saserdote, mga tipan, ang tabernakulo, at lahat. Wala nang

Page 2: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

sakripisyong dapat pang ihandog, dahil lahat ay tinupad ni Jesus sa kanyang kamatayan. At sa pamamagitan ng pananampalataya sa tinapos na gawain ni Cristo, tayo ay makakaranas ng kaligtasan.

Piliin ang tamang sagot.

1. Tama o Mali? Alam natin na ang may akda ng Aklat ng Mga Hebreo ay isang apostol.

2. Tama o Mali? Ang Mga Hebreo ay tumatalakay ng malawak kung sino si Jesus. 3. Tama o Mali? Inilaan ito para sa mga Griyegong mananampalataya.

4. Tama o Mali? Ang pagkakakilanlan sa may akda ay hindi na mahalaga, dahil ang aklat ng mga Hebreo ay isinulat sa pamamagitan ng inspirasyon ng Banal na Espiritu.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Bakit naniniwala ang mga iskolar na hindi si Pablo ang may akda ng Mga Hebreo? a. Ang aklat ay nagsisimula ng kanyang pangalan. b. Madalas ay sumisipi si Pablo mula sa Griyegong Lumang Tipan, ang Septuagint. c. Ang Mga Hebreo ay hindi nakatuon sa pinawalang sala sa pananampalataya. d. Binanggit ni Pablo ang may akda ng Mga Hebreo sa sulat niya kay Timoteo.

6. Ano ang inaalok ng may akda sa Mga Hebreo sa mga magbabasa nito? a. Pera mula sa pangongolekta sa mga ibang Kristiyano b. Payo sa mag-asawa c. Kasiguruhan ng kanilang pananampalataya d. Payo para sa mga matatanda at mga diakono

Page 3: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

7. Nang sinipi ng may akda ang Lumang Tipan, isinulat niya, “Sinabi ng Diyos” imbis na

“sinabi ni Moses” o “Sinabi ni David.” Bakit? a. Nalito siya. b. Inisip niya na magmumukha siyang espirituwal kung sinulat niya ang “sinabi ng

Diyos.” c. Hindi niya maalala kung sino ang nagsabi at ayaw na niyang tingnan ito. d. Nais niyang ipakita na ang mahahalagang bagay ay Diyos ang nagsabi.

8. Bakit ang aklat ng Mga Hebreo ay naglalaman ng isang obra maestra?

a. Dahil ang kanyang teolohiya ay madaling maunawaan. b. Lahat ng isinulat ni Pablo ay obra maestra. c. Ito ay lubos, sistematikong argumento tungkol kay Jesus bilang Cristo. d. Ibinibilang ng mga iskolar na ang may akda ay ang pinaka-magaling na

manunulat sa Biblia.

9. Paano ipinapakita ng aklat ng Mga Hebreo sa teolohiya si Jesus? a. Siya ay mabuting tao at guro ng moralidad. b. Siya ang Mesiyas. c. Siya ang nagpapagaling at gumagawa ng milagro. d. Siya ang Hari ng mga hari na darating muli isang araw.

10. Bakit mahalaga ang aklat ng Mga Hebreo? a. Ito ang naguugnay sa Luma at Bagong Tipan. b. Tinatalakay lahat nang kailangan nating malaman tungkol sa paghihirap. c. Ipinapaliwanag bakit kailangan pa nating magsakripisyo sa Diyos. d. Nagsasabi ng marami tungkol sa halaga ng mga anghel.

11. Ano ang pinakamahalagang dapat tandaan sa aklat ng Mga Hebreo?

a. Ang pagkakilanlan sa taong may akda nito b. Ang paggamit ng mga katotohanan dito para sa ating buhay c. Ang orihinal na tumanggap nito d. Ang pagtitiwala ng may akda sa Greek translation ng Lumang Tipan

12. Ano ang dapat nating tingnan habang pinag-aaralan natin ang bawat aklat sa Biblia? a. Halimbawa ng mabuting gawa na kailangan nating sundin b. Mga paraan na maaari pa tayong magkasala ng epektibo c. Dahilan kung bakit karapat-dapat maligtas ang tao d. Jesus na siyang Cristo

Page 4: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Kapag tayo ay nag-aaral ng aklat sa Biblia, ano ang mga unang tatlong katanungan na dapat nating tanungin? Bakit sa tingin mo mahalaga ang mga katanungan na ito? Alin ang pinaka-mahalaga sa lahat?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Bakit kailangang maipaliwanag na si Jesus ay mas mabuti kaysa anumang bagay? ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Purihin ang Diyos sa Mga Hebreo, isang aklat na magpapalakas sa atin at sa ating pananampalataya. Pasalamatan ang Diyos sa pakikipag-usap Niya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Pasalamatan ang Diyos na si Jesus ay mas

mabuti at mas mataas kaysa kanino man o anuman na dumating bago Siya o simula ng Siya ay dumating. Hingin sa Diyos na tulungan kang lumago sa iyong relasyon sa Kanya habang nakikilala mo at nauunawaan mo kung sino si Jesus sa pamamagitan ng iyong pag-aaral.

Page 5: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit ang aklat na ito ay itinuring na “Misteryosong Obra

Maestra.” 2. Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit ang mga iskolar ay naniniwala na hindi si Pablo ang

may akda ng aklat ng Mga Hebereo, at ipaliwanag alin sa mga ito ang pinakamalakas na argumento.

3. Base sa nilalaman ng aklat na ito, magbigay ng larawan ng mga taong tumanggap ng sulat na

ito. 4. Iugnay at gamitin sa tatlong paraan na ang ikatlo at ikaapat na kabanata sa Mga Hebreo ay

nagbigay ng makahulugang komentaryo sa panglabing-apat na kabanata ng aklat ng Mga Bilang.

5. Ipakita kung paano ang argumento ng aklat ng Mga Hebreo ay gumagamit ng tatlong salita

mas higit, maniwala, at mag-ingat.

Page 6: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano ipinapakita sa atin sa aklat ng Mga Hebreo na hindi mahalaga kung sino ang may akda ng isang aklat, o talata sa Biblia, kundi, ang mahalagang bagay, ito ay ang Salita ng Diyos?

7. Base sa may akda ng aklat na ito, magbigay ng walong bagay na mas mababa kaysa kay

Jesus.

Page 7: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Kailangan Ninyong Paniwalaan

Kabanata 2 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 74

Layunin: Upang maunawaan ang mga babala at mensahe sa Mga Hebreo. Marami pa kaming masasabi tungkol sa bagay na ito, ngunit mahirap ipaliwanag sa inyo sapagkat napakabagal ninyong umunawa. Dapat sana'y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo'y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin

tungkol sa mga Salita ng Diyos. Dapat sana'y kumakain na kayo ng matigas na pagkain ngunit hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya…Kaya't iwanan na natin ang mga panimulang aralin tungkol kay Cristo at magpatuloy na tayo sa mga araling para sa mga may sapat na pang-unawa na.

—Mga Hebreo 5:11-12, 6:1 Sapagkat paano pang magsisisi at manunumbalik ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo. Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat, hindi na sila maaari pang maakay sa pagsisisi at mapanumbalik sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.

—Mga Hebreo 6:4-6

Gaya nang ating nasabi sa nakaraang aralin, ang aklat ng Mga Hebreo ay mayroong tatlong salita: Mas-maigi, maniwala, at mag-ingat. Ang Mag-ingat ay susing salita dahil maraming babala ang may akda sa bumabasa nito. Nagbabala siya sa apostasy (pagtalikod), ibig sabihin ay nawala o umalis sa iyong pananampalataya. Sa Mga Hebreo, kasama sa pagtalikod ang tamang teolohiya ngunit hindi ito ginagamit sa buhay. Ang pagtalikod ay magpapatigas sa atin sa pandaraya ng kasalanan at magiging dahilan upang lubusan tayong lumayo sa pananampalataya. Nagbabala din ang aklat laban sa masamang puso ng di-paniniwala. Tulad ng mga Israelita na hindi nakapasok sa kapahingahan sa Canaan dahil sa di-paniniwala, binabalaan ng may akda ang mga hindi nakapasok sa kapahingahan ng kaligtasan dahil sa di-paniniwala. Sinasabihan sila na maniwala kay Jesu-Cristo upang makapasok sila sa espirituwal na kapahingahan. At sinasabihan niya ang mga bumabasa na huwag maging bata sa pananampalataya kundi maging may-gulang sa espirituwal na mananampalataya na lumalapit sa Salita ng kusa, sa pagtuturo at gabay ng Banal na Espiritu. Ang Mga Hebreo 6:4-6 ay maaaring pinakamahirap na mga talata sa aklat. Ang mga iba ay naniniwala na nawawala ang iyong kaligtasan. Ang iba naman ay naniniwala na kapag ikaw ay ligtas na, mananatili kang ligtas. Kung naniniwala sa eleksyon, gaya ng itinuro ni Pablo sa Mga Taga Roma, samakatuwid naniniwala ka na hindi mo mawawala ang iyong kaligtasan. Ang mga

Page 8: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

talatang ito, sa makatuwid ay naglalarawan sa isang tao na hindi pa ligtas ngunit kinakausap na siya ng Banal na Espiritu. Ang ganoong mga tao ay dumarating sa punto na halos tanggapin si Jesus, ngunit hindi sa pananampalataya. Hinihimok ng aklat ng Mga Hebreo ang mga tao na maniwala na—na manatili kay Cristo at magkaroon ng kasiguruhan sa kaligtasan.

Piliin ang tamang sagot.

1. Tama o Mali? Ang mga Israelita ay hindi nakapasok sa Lupang Pangako dahil ang mga tao sa lupain ay pinigilan sila na makapasok.

2. Tama o Mali? Ang mga bata pa sa pananampalataya ay hindi nakapasok sa kapahingahan ng

kaligtasan. 3. Tama o Mali? Kailangan ng may gulang na sa pananampalataya ang espirituwal na gatas.

4. Tama o Mali? Kailangang ihanda natin ang ating mga puso bago pumunta sa iglesia.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ano ang kailangan natin upang makapag-aral tayo ng Biblia? a. Edukasyon sa seminaryo b. Isang pastor o guro c. Ang Banal na Espiritu d. Mga gabay sa pag-aaral

6. Ano-ano ang mga katangian ng isang tumalikod sa pananampalataya? a. Sabik sa mga bagay para sa Panginoon b. Deboto kay Jesu-Cristo c. Di-paniniwala d. Lumalayo sa pananampalataya

Page 9: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

7. Anong uri ng tao ang inilalarawan sa Mga Hebreo 6:4-6?

a. Nabubuhay para kay Jesus araw-araw sa buhay niya b. Nakatikim ng Salita ng Diyos c. Hindi narinig si Jesus kahit kailan d. Nakabahagi sa Banal na Espiritu

8. Bakit isinulat ng may akda ang napakahirap na mga talata sa Mga Hebreo 6?

a. Upang lituhin ang mga babasa b. Upang panghinaan ng loob ang mga tumatalikod c. Upang maalis anumang maling kasiguruhan sa pananampalataya d. Siya mismo ay tuliro

9. Paano posible para sa mananampalataya na lumapit sa Diyos na may kumpiyansa? a. Ang kabutihan sa ating puso b. Ang ating gawain c. Ang ating matapat na pananampalataya d. Ang tinigis na dugo ni Jesus para sa atin

10. Ano ang dapat nating tandaan sa buhay natin sa iglesia? a. Lumapit sa Diyos bago pumunta sa iglesia b. Pumunta sa iglesia tuwing Linggo c. Magpakita ng espirituwal na kaloob para makita ng lahat d. Huwag magtrabaho pag Sababo

11. Paano natin dapat tratuhin ang kapwa mananampalataya?

a. Laging pansinin ang kanilang kasalanan b. Pag-usapan sila lagi na may pag-tuligsa c. Palakasin ang loob nila d. Makipag-ugnayan sa kanila

Page 10: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Sa Mga Hebreo 5:11, nais ng may akda na magsabi pa ng marami sa mga bumabasa, ngunit sinasabi niya na sila ay “mabagal sa pagkatuto.” Ikaw ba ay umiinom ng espirituwal na gatas o kumakain nang espirituwal na pagkain? Ano ang mga paraan na maaari kang pumunta sa pagiging isang may gulang sa espirituwal?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Sa palagay mo ba ay maaari mong mawala ang iyong kaligtasan? Bakit o bakit hindi? Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos? Tingnan ang Mga Hebreo 7:25, 9:11-14, 26-28, 10:12-14, Juan 17:11, Mga Taga Efeso 2:1-10, 1 Pedro 1:5, Mga Taga Roma 5:1-8, 8:31-39, 1 Mga Taga Corinto 5:1-5 at Judas 24 para mabanggit lang ang kakaunti. ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa kaloob Niyang kaligtasan. Hingin na bigyan ka ng kasiguruhan ng iyong kaligtasan o bigyan ka ng tapang na kailangan mo upang maniwala at sumunod kay Jesus at maligtas. Hingin na tulungan kang sumulong sa

pagiging may gulang sa espirituwal. Hingin na bigyan ka ng karunungan habang ikaw ay natututo tungkol sa Kanya. Pasalamatan ang Diyos, dahil sa sakripisyo ni Jesus, maaari ka na ngayong lumapit sa Diyos na may kumpiyansa.

Page 11: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Iugnay at gamitin ang taghoy (moaning) ng may akda sa simula ng kabanatang 5, tungkol sa

kawalan ng lalim sa espirituwal sa kanyang mga sinusulatan, sa taghoy ni Pablo noong isulat niya ang ikatlong kabanata sa unang sulat niya sa mga taga Corinto.

2. Ano ang pagkakaiba ng “gatas” ng Salita ng Diyos at “karne” ng Salita ng Diyos? 3. Base sa iyong pag-aaral sa mahirap na mga talata sa (6:4-6), sabihin bakit naniniwala ka na

ang may akda ay hindi nagtuturo na posibleng mawala ang kaligtasan ng mananampalataya. 4. Magbigay ng iilang dahilan bakit naniniwala ka na hindi niya itinuturo yon, kung ang

mananampalataya ay maging alibugha, imposible na pag-ibayuhin sila sa pagsisisi. 5. Ipaliwanag bakit sa kanyang paglalarawan sa katayuan nila sa espirituwal, ang mga taong ito

ay maaari nating tawaging “espirituwal na pagkalaglag.”

Page 12: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Sa iyong pagbibigay ng kahulugan, pagbubuod, at paggamit sa napakahirap na mga talatang ito sa Kasulatan, sa paanong paraan na nagbigay ito ng paghamon at inspirasyon sa iyo upang dalhin ka sa mas malalim na paglago sa iyong paglalakbay sa pananampalataya?

7. Paano ang parehong mga talatang ito ay nagbibigay sa iyo ng inspirasyon at paghamon na

palakasin at hamunin ang mga pinagpapastoran mo upang sila ay sumulong sa kanilang espirituwal na paglago?

Page 13: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Manatili sa Pananampalataya

Kabanata 3 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 75

Layunin: Upang maunawaan kung bakit kailangan tayong manatili sa ating pananampalataya.

Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya. Kung hindi tayo

sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya.

—Mga Hebreo 11:1-2, 6 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan.

—Mga Hebreo 12:1 Dahil ang mga bumabasa sa Mga Hebreo ay naghihirap sa pag-uusig, nasisiraan na sila ng loob. Hinihimok ng may akda na isipin nila noong una silang naligtas, noong si Jesus ang una nilang pag-ibig. Kung mananatili sila sa kanilang pananampalataya, sa langit magkakamit sila ng mas malaking gantimpala. Hinihikayat din sila ng may akda na manatili sa kanilang pananampalataya sapagkat ang matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya. Tayo ay naligtas sa pananampalataya at sa pananampalataya din tayo dapat mabuhay. Ang kabanatang 11 ay tinaguriang Kabanata ng Pananampalataya, na binigyang kahulugan ang pananampalataya sa talatang isa. Kapag tayo ay umaasa, naniniwala tayo na mayroong bagay na mabuti dito sa mundo at ito ay mangyayari sa atin, ngunit wala tayong ebidensiya rito. Ang pananampalataya ang siyang ebidensiya: nagbibigay ito ng sangkap sa ating pag-asa. Ang maka-bibliang pananampalataya ay isang pagtugon sa pinaniniwalaan na bagay o tao na hindi nakikita base sa ebidensiya. Ngunit sa talatang ito, ang pananampalataya mismo ang siyang ebidensiya sa hindi nakikitang pakay: Diyos. Ang pinakadakilang ebidensiya ng Diyos ay ang taong may pananampalatya, dahil ang Diyos ay pinagmumulang ng pananampalataya. Kinakailangan tayong manatili sa ating pananampalataya sapagkat kung wala ito, hindi natin mabigyan lugod ang Diyos. Kapag tayo ay lumapit sa Diyos dapat maniwala tayo na mayroon Diyos at binibigyan Niya ng gantimpala ang mga naghahanap sa Kanya. Sa Jermiash 29:13, sinabi ng Diyos, “Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin.”

Page 14: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang pananampalataya ay nangangailangan ng pagkilos. Ang mga bayani sa pananampalataya na nabanggit sa Mga Hebreo 11 may ginawa sa kanilang pinaniwalaan. Si Noah, hindi pa nakita ng ulan, nagtrabaho sa loob ng 120 taon upang gawin ang arko. Ang ebidensiya ng pananampalataya ni Noah ay ipinakita sa kanyang pagsunod sa Diyos, ang kanyang pagkilos—gumawa ng arko. Sa Mga Hebreo 12:1 sinasabi sa atin ang mga bayani sa pananampalataya ay nakapalibot sa atin na para bagang nasa loob tayo ng napakalaking istadyum. Tayo ang mga kalahok at sila ang mga saksi, pumapalakpak sa atin. Pinapalalahanin tayo ng may akda na dinisiplina ng Diyos yong Kanyang minamahal. Bagamat mahirap dumanas ng disiplina, ang layunin nito ay pagtibayin ang ang ating kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus.

1. Tama o Mali? Ang pananampalataya ay pangloob lang; hindi ito kailangan ng paggawa.

2. Tama o Mali? Ang may akda ng Mga Hebreo ay nangaral sa mga bumabasa dito na manatili sa kanilang pananampalataya.

3. Tama o Mali? Ang pananampalataya ay sa isip lang natin, hindi sa ating kalooban.

4. Tama o Mali? Ang pinakamalaking ebidensiya na buhay ang Diyos ay ang tao mismo na naniniwala sa Kanya.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Bakit nais ng mga Hebreo na umalis na sa kanilang pananampalataya? a. Hindi napatunayan ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. b. Napagod na sila sa paglelektura ng may akda. c. Iilang mga Hudyo ay nagtatangkang turuan sila ng maling ebanghelyo. d. Sila ay inuusig.

Page 15: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Ano ang ipinangako ng Diyos sa mga nananatili sa kanilang pananampalataya? a. Isang masaganang buhay sa mundo b. Walang pag-uusig c. Mas malaking gantimpala sa langit d. Walang paghihirap

7. Bakit tinawag ang mga taong ito na bayani ng pananampalataya?

a. Ang kanilang pananampalataya ay may ebidensiya ng kanilang gawain. b. Nagsagawa sila ng mga gawaing pambihirang kabayanihan. c. Nagligtas sila ng buhay ng ibang tao. d. Sinabi nila sa ibang tao ang tungkol kay Jesus.

8. Bakit kinuha ng Diyos is Enoch?

a. Napalugod niya ang Diyos. b. Hindi niya sinunod ang Diyos. c. Nagalit ang Diyos sa kanya. d. Ang asawa ni Enoch ay kamamatay lang, at siya ay malungkot.

9. Sinasabi ng Mga Hebreo 11:6 na, “Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran.” Bakit?

a. Kung nais mong lumapit sa Diyos, kailangan sumasampalataya ka sa Kanya. b. Hindi pinapansin ng Diyos ang mga taong hindi sumasampalataya sa kanya. c. Magagalit ang Diyos kapag wala kang pananampalataya sa iyong puso. d. Hindi natin malalaman kung ano ang nakakalugod sa Diyos.

10. Bakit nasama si Noah sa kabanatang pananampalataya, Mga Hebreo 11? a. Hindi pa siya nakakita ng ulan o arko, ngunit naniwala siya sa Diyos. b. Ang kanyang talento sa pagiging karpentero ay pambihira. c. Kinuha ng Diyos ang kanyang mga anak upang iligtas sila mula sa kamatayan. d. Sinunod niya ang Diyos

11. Sinasabi sa atin ng Mga Hebreo na “napapaligiran tayo ng mga saksi sa ulap” na nakapaligid

sa atin. Sino kaya ang mga taong ito? a. Mga anghel b. Ang mga taong nakatala sa Mga Hebreo 11 c. Mga mahal sa buhay na mananampalataya na namatay d. Mga taong ayaw nila na manatili tayo sa ating pananampalataya

12. Kung minsan, ginagamit ng Diyos ang paghihirap upang disiplinahan tayo. Bakit?

a. Malupit siya. b. Mahal Niya tayo bilang Kanyang mga anak. c. Nais Niya na matakot tayo sa Kanya. d. Ginagawa Niya ito para sa kabutihan natin.

Page 16: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Natukso ka na ba na binale-wala mo ang iyong pananampalataya? Bakit? Nakatulong ba ang pag-aaral na ito sa iyong pananamapalataya? Paano?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Paano magkaugnay ang pag-asa at pananampalaya? Anong nagbibigay sangkap sa pag-asa? Inilagay mo na ba ang iyong pag-asa kay Jesus? ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos dahil ang pananampalataya ay kaloob mula sa Kanya. Hingin na tulungan kang manatili sa iyong pananampalataya, ano man ang mangyari, at palaliman pa ito. Pasalamatan ang Diyos sa mga tao sa Biblia na

nagsilbing halimbawa dahil sa kanilang pananampalataya. Hingin ang tulong Niya na maging halimbawa ka sa mga nakapaligid sa iyo.

Page 17: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ilarawan at gamitin paano ang puso ng may akda ay nagsimula sa argumento sa 10:35 at

nagpatuloy hanggan sa simula ng kabanatang 12. 2. Magbigay at gamitin ang apat na dahilan bakit ang may akda ay sinabihan ang mga

mananampalatayang Hebreo na huwag itapon ang kanilang pananampalataya. 3. Paano ang mga dahilan na ito ay nagbibigay ng tunay na kahulugan ng pananampalataya? 4. Sa paanong paraan ang kahulugan na nabanggit ay nagpapakita ng konteksto kung saan ang

may akda ay nagbigay ng listahan ng mga bayani sa pananampalataya? 5. Ilarawan at gamitin kung ano ang pagkakapareho ng mga bayaning ito sa pananampalataya. 6. Ilarawan at gamitin sa iyong sarili kung paano ang pananampalataya mismo ng isang

mananampalataya ay ebidensiya ng hindi nakikitang Tagabigay ng pananampalataya.

Page 18: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

7. Paano mo ilalarawan at gamitin sa iyong sarili ang paraan ng pagdidisiplina ay pagpapatunay

na tayo nga ay tunay na anak ng Diyos?

Page 19: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Pinagmulan at mga Hakbang Tungo sa Kaligtasan

Kabanata 4

Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 76

Layunin: Upang ipakilala ang aklat ng Santiago at matutunan ang pinagmumulan ng mga pagsubok.

Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y

maging ganap at walang pagkukulang. Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat. Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.

—Santiago 1:2-5, 12 Sa aklat ng Santiago, nakarating na tayo sa bagong bahagi ng Bagong Tipan ayon sa pagkahati ng mga aklat dito: ang panlahat na mga sulat. Ang panlahat na sulat, na sinulat ng mahigit sa isang tao, ay hindi isinulat para sa partikular na mga babasa nito. Puno ng mga praktikal na kagamitan, ang aklat ng Santiago ay kilala bilang Kawikaan ng Bagong Tipan, dahil naglalaman ito ng mga hindi magkakaugnay na mga tipak ng katotohanan at karunungan. Kilalang lubos ng may akda ang katuruan ni Jesus, at tulad ni Jesus, nais niyang makita ang pinagmumulan ng mga bagay: ang motibo o ugali sa likod ng gawa ng tao. Maraming mga iskolar ang nagsasabi na ang may akda ng Santiago ay hindi ang alagad kundi ang nakababatang kapatid ni Jesus. Sinasabi ng Kasulatan na ang mga kapatid ni Jesus ay hindi naniwala sa Kanya. Gayunpaman, pagkatapos ng Pagkabuhay muli nagpakita si Jesus sa maraming tao, kasama rito si Santiago, na sa panahon na ito ay nagbago na siya. Isang labis na debotong Hudyo, si Santiago ay kilala sa palayaw na “tuhod ng kamelyo,” dahil labis ang panahon na ginugol niya sa kanyang tuhod sa pananalangin kaya naman nagkakalyo ang mga tuhod niya. Mataas ang respeto ng mga Hudyo sa kanya at ganon di naman ang mga Krisityano. Mabilis siyang umakyat sa pagiging mahalagang lider sa iglesia sa Jerusalem, kasabay ni Pedro at Juan. Namuno siya sa Konseho sa Jerusalem, na nagpasya na ang mga Hudyong Kristiyano ay maaring manatili sa kanilang pagiging Hudyo at sa kabilang dako naman ang mananampalatayang Hentil ay hindi kailangan maging Hudyo upang maging Kristiyano. Sa aklat na ito, sinasabi sa atin ni Santiago na ang buhay ay binubuo ng mga pagsubok. Kapag dumating ang bagyo, huwag nating ikasama ng loob ito kundi maluwag na tanggapin ito. Sinasabi ni Santiago na ang bagyo ay galing sa Diyos—o kaya ito ay pinayagan Niya—upang tulungan tayong lumago. Nais ng Diyos na matanto natin na kapag kailangan natin ang

Page 20: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

karunungan, kailangan humingi sa Kanya. Kapag hiningi natin ang karunungan, ipagkakaloob Niya ito sa atin. Kapag ginamit natin ang karunungan, matutuklasan natin na ang pagtitiwala natin sa pananampalataya ay magdadala sa atin sa tagumpay sa pananampalataya, o sa putong ng buhay.

1. Tama o Mali? Ang may akda ng Santiago ay malapit na kaibigan at alagad ni Jesus.

2. Tama o Mali? Ang Santiago ay isinulat para sa mga partikular na taong bababasa. 3. Tama o Mali? Ang aklat ng Santiago ay tinatawag na Kawikaan ng Bagong Tipan.

4. Tama o Mali? Hindi mahalaga kay Santiago kung ano ang pinanggagalingan ng mga bagay.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ano ang ilan sa mga katangian ng sulat ni Santiago? a. Praktikal na gamit b. Mga tipak (nuggets) ng katotohanan c. Komentaryo sa mga katuruan ni Jesus d. Sumasangguni sa mga katuruan ni Pablo

6. Bakit napuno ang may akda na ito ng mga katuruan ni Jesus?

a. Si Santiago ay isa sa mga alagad ni Jesus. b. Si Santiago kapatid ni Jesus sa laman. c. Tinuruan siya ni Pablo na lahat ng nalalaman niya. d. Nagpakita si Jesus kay Santiago na mag-isa pagkatapos ng kanyang Muling

Pagkabuhay.

7. Bakit kaagad na naging dakilang lider sa iglesia sa Jerusalem si Santiago, kasama si Pedro at Juan?

a. Humanga ang mga tao sa kanya dahil kapatid siya ni Jesus. b. Naging martir ang mga ibang lider kaya siya ang naging kahalili.

Page 21: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

c. Siya ay respetadong Hudyo bago pa siya nagbago. d. Gumugol siya ng mahabang panahon sa pananalangin.

8. Namuno sa Konseho sa Jerusalem si Santiago. Anong isyu ang tinalakay ng Konseho?

a. Sino ang susunod na lider sa iglesia. b. Paano maitatayo muli ang templo. c. Kung sino ang dakila, si Pedro o si Juan. d. Kung kinakailangan lumipat sa pagiging Hudyo ang mga mananampalatayang

Hentil upang maging Kristiyano.

9. Lahat ng panlahat na sulat, kasama ang aklat ng Santiago, iisa ang isyu na kanilang tinatalakay sa unang iglesia na hanggang ngayon ay magagamit. Ano ito?

a. Pagtalikod sa pananampalataya b. Pagkakilanlan kay Jesus c. Paghihirap ng mga Kristiyano d. Pag-aasawa

10. Isaalang-alang ang Santiago 1:2-5, 12 ulit. Bakit mahalaga ang pagtitiyaga? a. Mapahanga ang iba b. Nagdadala sa paglago c. Nagpapakita na ikaw ay mabuting Kristiyano d. Nangangahulugan na ikaw ay may katigasan ng ulo

11. Ano ang pangako ng Diyos sa mga matiyaga sa kabila ng maraming pagsubok?

a. Di na magkakaroroon ng pagsubok b. Paghihiganti sa mga nanakit sa kanila c. Isang mabilis na paglutas ng pagsubok d. Ang putong ng buhay

12. Saan nagsisimula ang tukso ng kasalanan?

a. Sa ibang tao b. Diyos c. Satanas d. Sa ating masasamang pagnanasa

Page 22: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin kapag naharap tayo sa mga pagsubok?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Sa Santiago 1:2-5 at 12, paano ang pagtitiwala sa pananampalataya ay magdadala sa atin sa tagumpay ng pananampalataya? ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos na lagi mo Siyang kasama, kahit sa gitna ng mga pagsubok. Hingin sa Diyos na tulungan ka na magpatuloy at magtiwala sa Kanya sa mga kahirapang hinaharap mo. Pasalamatan Siya na Siya ang iyong Amang

nasa langit at makakalapit ka sa Kanya sa anumang bagay. Hingin ang karunungan sa Kanya. Pasalamatan Siya sa bagong buhay dahil sa iyong kaligtasan.

Page 23: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin kung bakit ang may akda ng sulat na ito ay lubhang

iginagalang ng mga tagasunod ni Jesus at mga debotong Hudyo sa unang siglo ng iglesia? 2. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin kung bakit sinabihan tayo ni Santiago na ibilang na

kagalakan kapag marami tayong mga pagsubok? 3. Paano mo magagamit sa iyong sarili kung paano tayo pinayuhan ni Santiago na tumugon sa

mga pagsubok lalo na kapag tayo ay nasosobrahan na at hindi natin alam ang gagawin? (1:5) 4. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin sa iyong sarili kung ano ang itinuro ni Santiago

tungkol sa pagsubok sa pananampalataya, pagsubok (test) sa pananampalataya, at ang tagumpay sa pananampalataya?

5. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin sa iyong sarili kung ano, ayon kay Santiago, ang

pinagmumulan ng tukso sa pagkakasala?

Page 24: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Ipaliwanag at gagamitin sa iyong sarili bakit, noong muling nabuhay si Jesus mula sa mga patay, isa sa mga naunang tao na nagpakita si Jesus ay kay Santiago?

7. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sarili ang pagiging kapantay ng aklat ng

Santiago sa Lumang Tipan na aklat ng Kawikaaan?

Page 25: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Pinagmulan at Pagkasunodsunod Ng Kabanalan

Kabanata 5

Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 77

Layunin: Upang maunawaan ang dulot ng kasalanan, ang halaga ng pagsunod sa Salita ng Diyos, at ang halaga ng pagkakaroon ng bunga mula sa pananampalataya.

Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa

kanyang sariling nasa. Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan.

—Santiago 1:13-15 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. Ngunit may nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa naman ako.” Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kasamang gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa.

—Santiago 2:17-18 Bagamat ginagamit ng Diyos ang pagsubok upang tulungan tayong lumago, hindi Niya tayo tinutukso na magkasala. Hindi Diyos ang pinanggagalingan ng kasalanan o tukso. Ang kasalanan ay nagsisimula sa mga bagay na gusto natin. Kung iisipin natin, nagsisimula ito sa ating matinding pagnanasa. Ngunit kung hindi pagbibigyan ang ating pagnanasa, kaya nating pigiling magkasala. Maari nating makontrol ang pagtingin ng pangalawang tingin na nagdadala sa ating sa tukso upang magkasa. Walang tayong laban sa tukso, at ang sinasabi ng Diyos sa atin ay lumayo dito. Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang malabanan ang kasalanan. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu tayo ay magkakaroon ng panibagong buhay—samakatuwid, lilikha siya ng buhay sa ating puso—kapag tayo ay tumugon ng tama. Ang Salita ng Diyos ay parang salamin. Sinasabi sa atin ang mga kakulangan natin upang magbago. Kapag tayo ay tumugon ng tama sa Salita ng Diyos, makikita natin na ito ay buhay at aktibo at kayang magdala ng pagbabago sa atin. Ngunit kung wala tayong gagawin, tayo ay mga hangal—tagapakinig lang tayo ng Salita. Sa isang kontrobersyal na bahagi ng kanyang sulat, sinabi ni Santiago na walang bagay na sinasabing pananampalatayang walang gawa. Noong sinubok si Abraham, nagtiwala siya sa Diyos, at handa niyang gawin anoman ang sinabi ng Diyos sa kanya, kahit na ialay niya ang kanyang anak. Ang kanyang pananampalataya ay nakompleto ng kanyang gawa. Tulad ni Jesus, niliwanag ni Santiago na, “Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila.” (Mateo 7:16)

Page 26: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ngunit ang pananampalatayang nagliligtas ay laging may kasamang mga gawa upang ito ay patunayan na totoong pananampalataya. Sinasabi ni Santiago ang hindi pinaamong dila ay parang apoy, puno ito ng kasamaan at lason. Kailangan nating ang espirituwal na disiplina upang mapaamo natin ang ating dila. Tinukoy din sa atin ni Santiago ang pinanggagalingan ng karunungan. Karunungan mula sa Diyos ay nanggagaling sa Kanyang Salita. Dapat tayong humingi ng karunungan at disiplina upang sumunod. Kung maghahasik tayo ng kapayapaan na may karunungan na nanggagaling mula sa taas, magkakaroon ng pagaani ng katuwiran.

1. Tama o Mali? Hindi tayo tutuksuhin ng Diyos upang magkasala.

2. Tama o Mali? Sinasabi ni Santiago na walang pananampalatayang walang gawa. 3. Tama o Mali? Kailangan nating hingin sa Diyos ang tulong upang mapaamo natin ang ating

mga dila.

4. Tama o Mali? Ang kalutasan sa kasalanan ay makamundong karunungan.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Bakit ang Salita ng Diyos ang kalutasan sa kasalanan? a. Marami itong halimbawa sa kasalanan. b. Magdadala ito sa iyo sa bagong buhay. c. Makakatulong upang mapagtagumpayan mo ang tukso. d. Lumikha ang Diyos ng kasalanan upang malunasan ito ng Kanyang Salita.

Page 27: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano nagiging salamin ang Salita ng Diyos? a. Tinutulungan tayong makita ang katotohanan tungkol sa ating Sarili. b. Sumasalamin ito sa ating kaluwalhatian. c. Tinutulungan tayong makaramdam ng mabuti sa ating sarili. d. Ipinapakita sa atin ang ating kakulangan.

7. Ano dapat ang ating gagawin pagkatapos marining ang Salita?

a. Isantabi ang pagsunod hanggat hindi tayo magulang. b. Gawin kung ano ang sinasabi nito. c. Kalimutan ito. d. Makipagtalo kung hindi ka sangayon dito.

8. Ayon kay Santiago ano ang pananampalatayang nagliligtas?

a. Ang nanalangin lagi para sa iba. b. Ang nagmamahal sa pagsamba sa pag-awit. c. Ang nagpapakita ng gawa na ito ay totoo. d. Ang humahayo sa maraming paglalakbay at nag-aalay ng maraming sakripisyo.

9. Paano natin maipapakita sa iba kung ano ang ating paniniwala? a. Sa pagsasabi sa kanila ng maraming beses kung ano ang ating paniniwala. b. Sa ating ginagawa at pamumuhay. c. Sa pagpunta sa iglesia tuwing linggo. d. Sa pangangaral sa ating mga kapitbahay.

10. Bakit ginamit ni Santiago si Abraham bilang halimbawa ng tunay na pananampalataya? a. Ginawa ni Abraham ang sinabi ng Diyos. b. Inabot ni Abraham ang mga mahihirap. c. Tinatrato niya ng pantay ang bawat isa. d. Ang pananampalataya ni Abraham ay nakumpleto sa kanyang mga gawa.

11. Bakit ang dila ay mapanganib?

a. Lagi itong handa umatake. b. Tumutulong ito na magpuri ka sa Diyos. c. Maaring sirain ang iba. d. Maaing itaas ang iba.

12. Paano mo alam kung ang karunungan ay galing sa Diyos?

a. Ito ay puno ng pagkainggit at makasariling ambisyon. b. Ito ay mapagmahal sa kapayapaan, dalisay, at mapagkumbaba. c. Ito ay nagreresulta sa di-kaayusan at masasamang gawain. d. Ito ay nagdadala sa katuwiran.

Page 28: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ano ang sinasabing kasunod sa Santiago 1:13-15 bago ang kasalanan? Ano ang sabi ng Salita ng Diyos na magagawa mo upang ito ay maiwasan mo?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Basahin ang Santiago 2:17-24. Bakit ang mga talatang ito ay kontrobersyal? Paano mo maipapamalas ang iyong pananampalataya sa linggong ito?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang Salita ng nagbibigay buhay. Hingin na tulungan kang marinig at sundin ito. Hingin sa Diyos ang tulong na maiwasan mo ang kasalanan lalo na ang pagpapaamo sa dila. Ipahayag ano mang kasalanan at

hingin sa Kanya na bigyan ka ng kasiguruhan ng kaligtasan. Hingin na ipakita sa iyo kung paano mo maipapamuhay ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng iyong mga gawa.

Page 29: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin sa iyong sarili ang anatomya (anatomy) ng kasalanan

na sinabi ni Santiago sa unang kabanata? 2. Paano mo bibigyan ng kahulugan at gagamitin ang paglalarawan ni Santiago nang sinabi niya

na ang Salita ng Diyos ay tulad ng isang salamin? 3. Paano mo ipapaliwanag at magagamit ang dalawang uri ng relihiyon na inilarawan ni

Santiago? 4. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin ang dalawang uri ng iglesia na inilarawan ni

Santiago? 5. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin ang dalawang uri ng pananampalataya na inilarawan

ni Santiago?

Page 30: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano ipapaliwanag at gagamitin ang dalawang uri ng puno na nilarawan ni Santiago?

7. Paano mo ipapaliwanag at gamitin ang kahalagahan ng pagsulat ni Santiago sa kanyang

liham bago isinulat ni Pablo ang kanyang mga liham?

Page 31: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Pinagmulan at Pagkasunodsunod Ng Solusyon

Kabanata 6

Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 78

Layunin: Upang maunawaan ang mga praktikal na payo ni Santiago tungkol sa kabanalan habang tayo ay naghihintay sa Kanyang huling solusyon.

Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos. Huwag ninyong akalaing walang kabuluhan ang

sinasabi sa kasulatan, “Ayaw ng espiritung ibinigay sa atin ng Diyos na siya'y may kaagaw sa ating pag-ibig.” Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay niya sa atin. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit nalulugod sa mga mapagpakumbabá.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan kayo nito. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip… Magpakumbabá kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

—Santiago 4:4-8, 10 Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

—Santiago 5:16 Sinulat ni Santiago na walang bagay na sinasabing pananampalataya lamang. Nagliligtas ang pananampalataya sa atin, at ang gawa ang nagpapatunay dito. Ang ating mga kilos ang nagsasabi ano ang ating pinaniniwalaan. Sinasabi ni Santiago na ang kabanalan ang siyang solution sa pagkahulog o pagka-akit sa kasalanan. Tayo’y kanyang inuudyukan na linisin ang ating puso at huwag magkaroon ng pagdadalawang isip. Pagkatapos pumunta si Santiago sa panghuling solusyon ng Diyos sa problema ng mundo: divine intervention sa pamamagitan ng Muling Pagdating ni Cristo. Tulad ng ibang manunulat sa Bagong Tipan, siya ay nagtapos sa positibong salita: Darating muli si Cristo. Inuudyukan tayo ni Santiago na maging matiyaga, at habang tayo ay naghihintay, huwag tayong magsalita ng masasama sa bawat isa. Tinalakay din ni Santiago ang buhay ng Iglesia. Dapat tayong magministeryo sa bawat isa, pagpalain natin ang bawat isa ng ating mga espirituwal na kaloob, at pag-ibig at mangalaga sa bawat isa. Dapat tayong maging matapat sa bawat isa, magpahayag ng ating mga kasalanan, at pagkatapos ay manalangin sa bawat isa upang magkaroon tayo ng kagalingan sa espirituwal.

Page 32: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Nagsulat din si Santiago tungkol sa kagalingan sa pananampalataya. Kung mayroong may sakit, ipatawag ang mga matatanda pahiran ng langis ang may sakit at ipanalangin siya. Ang may sakit ay kailangang may pananampalatayang tumawag sa mga matatanda at ang matatanda ay kailangang may pananampalatayang manalangin para sa kanya. Hindi ang langis ang nagpapagaling sa taong may sakit kundi ang Diyos ang sumasagot sa panalangin may pananampalataya.

1. Tama o Mali? Ang ating mabubuting gawa ay magliligtas sa atin.

2. Tama o Mali? Kapag nilalabanan (resist) natin ang diyablo, siya ay lalayo sa ating. 3. Tama o Mali? Ang pagsuko sa Diyos ay laging mahalaga para sa ating kabanalan.

4. Tama o Mali? Ang pisikal na kagalingan ay kalooban lagi ng Diyos.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Sinasabi ni Santiago sa ibat-ibang lugar ng kanyang sulat na magpakumbaba tayo sa harapan ng Panginoon. Paano ito umaakma sa mga talata sa (Santiago 4:13-16) tungkol sa pagyayabang sa ating mga plano sa hinaharap?

a. Kung tayo ay nagpakumbaba sa Panginoon ang maipagmamalaki lang natin ay Siya.

b. Hindi tayo dapat magplano o magmalaki tungkol sa hinaharap. c. Okey lang na magmalaki sa ating mga plano para sa hinaharap dahil binigyan

tayo ng mga kaloob at mga abilidad. d. Laging kalooban ng Diyos na gawin nating matagumpay ang ating mga plano.

Page 33: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Bakit laging tinatapos ni Santiago at iba pang mga manunulat ang kanilang aklat sa Muling Pagbabalik ni Jesus?

a. Labis nilang inaasahan ang tungkol dito. b. Wala silang anumang pakialam sa buhay na ito. c. Ayaw nilang pag-usapan ang tungkol sa paghihirap. d. Nais nilang palakasin ang loob ng mga naghihirap na babasa nito.

7. Ano ang tamang kahulugan ng salitang ipahayag (confession)?

a. Sabihin na sorry ng maraming beses. b. Maging malungkot, manalangin ng marami, at maglakbay (pilgrim) c. Sabihin sa pastor lahat ng ginawa mong mali. d. Sumangayon sa Diyos at sa iba na ang iyong ginawa ay masama.

8. Bakit hindi pinapahayag ng mga mananampalataya ang kanilang mga kasalanan o ibahagi

ang kanilang pakikibaka sa isa’t-isa? a. Ayaw natin ang iba na husgahan tayo. b. Takot tayong maging bukas ang ating buhay sa iba. c. Nais natin na isipin ng mga tao na ang buhay natin ay walang mali. d. Lahat ng nasa itaas.

9. Ano ang mga ilang dahilan bakit kailangan mong ibahagi sa iba ang iyong kasalanan? (Piliin ang mga aakma para lang sa iyo)

a. Para palakasin ang iba b. Para magpakumbaba at masunurin c. Para may pananagutan sa iba d. Para makapanalangin ang iba sa iyo

10. Ano ang dapat nating gawin sa ating mga espirituwal na kaloob? a. Ipagmalaki ang mga ito b. Ipagmayabang ang mga ito c. Pagpalain at palakasin ang iglesia sa pamamagitan ng mga ito d. Gamitin ang mga ito para sa ating katanyagan

11. Kapag ang mga matatanda ay nagkasama at nanalangin para sa kagalingan, ano ang nagbigay

ng kagalingan? a. Ang pagpahid ng langis b. Ang pananampalataya ng mga matatanda c. Ang pari d. Ang Diyos, tumutugon sa panalangin ng pananampalataya

Page 34: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Bakit ang pagbibigay ng sarili sa Diyos ay mahalaga? Anong bahagi ng iyong buhay at puso ang kailangan mong ibigay sa Diyos?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Ano ang iilang mga paraan na maari kang lumapit o maging malapit sa Diyos? Alin sa mga ito ang maari mo nang gawin ngayong linggong ito?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Iyo bang ipinapahayag ang iyong mga kasalanan at pakikibaka sa ibang mga mananampalataya? Kund hindi pa, mayroon ka bang kakilalang mananampalataya na iyong mapagkakatiwalaan upang magbahagi at humingi ng panalangin? Komportable ba ang iba na magbahagi sa iyo, na alam nilang iingatan mo ang lahat ng bagay ng sikreto? Kung hindi, paano mababago ito? ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pagbabalik loob ni Santiago at sa kanyang sulat. Hingin ang tulong na magpasakop ka sa Kanya, magpakumbaba sa Kanya, at mahalin siya lalo araw-araw. Hingin sa Kanya na maitakwil mo ang diyablo at ang kanyang

mga taktika. Pasalamatan ang Diyos na kapag ikaw ay lumalapit sa Kanya, Siya’y lumalapit sa iyo. Hingin na tulungang kang mangalaga at manalangin para sa iba sa iglesia at maging masunurin na ibahagi ang iyong mga pakikibaka sa kanila.

Page 35: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Sa kabanatang 3 hanggang 5, paano mo magagamit ang paraan ni Santiago sa pagbanggit

niya ng mga solusyon upang matalo ang kasalanan? 2. Paano mo gagamitin sa iyong sarili ang kabanatang 3 na sinulat niya tungkol sa dila bilang

solusyon? 3. Paano ang karunungan mula sa itaas ay mananalo sa karunungan mula sa ibaba, at ang ibang

mga problem ng mga tagasunod ni Cristo? 4. Paano mo gagamitin sa iyong sarili ang bugkos ng mga alituntunin na binanggit ni Santiago

sa kabanatang 4:7-17? 5. Paano mo gagamitin sa iyong sarili ang mensahe na alalahanin ang katiyagaan ni Job at mga

propeta?

Page 36: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano gagamitin sa iyong sarili ang pagsabi ni Santiago na ang huling solusyon ay ang Muling Pagbabalik ni Jesu-Cristo?

7. Ano ang ating matutunan at paano mo gamitin sa iyong sarili ang larawang ibinigay ni

Santiago sa kabanatang 5 kung paano ang Iglesia sa Bagong Tipan ay umandar? (Isaalang-alang ang 5:13-20)

Page 37: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Tatlong Pedro

Kabanata 7 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 79

Layunin: Upang ipakilala ang may akda ng sulat ni Pedro at ang proseso ng pagbabalik loob.

“Simon, Simon! Hiniling ni Satanas na subukin kayo tulad sa pag-aalis ng ipa sa mga trigo. Subalit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid.” Sumagot si Pedro,

“Panginoon, handa po akong mabilanggo at mamatay na kasama ninyo!” Ngunit sinabi ni Jesus, “Pedro, tandaan mo ito, bago tumilaok ang manok sa araw na ito ay tatlong beses mo akong ikakaila.”

—Lucas 22:31-34 Ang Pedrong sumulat ng liham ni Pedro ay parehong tao na nasa mga Ebanghelyo at Mga Gawa, ganun pa man siya ay ibang-iba. Masusundan natin ang kanyang paglago sa buong Bagong Tipan. Si Jesus ang nagbigay ng pangalang Simon, kapatid ni Andres, na ang palayaw ay Cefas o Pedro, na nangangahulugang bato o katatagan, bagama’t si Pedro ay hindi matatag sa espirituwal at mapusok. Ang palayaw na ibinigay ni Jesus sa kanya ay isang insentibo upang siya ay lumaking buo at matatag. Sa gabing inaresto Siya, sinabi ni Jesus kay Pedro na nais ni Satanas na salain siya bilang trigo, ngunit ipinalangin ni Jesus si Pedro, na ang kanyang pananampalataya ay hindi mabibigo. Sinabi ni Jesus kapag nagbalik si Pedro, kanyang palalakasin ang kanyang mga kapatid. Ang pahayag na ito ay nagpaparamdam na hindi pa nagbago si Pedro. Maaaring ang kanyang pagbabalik loob ay nangyari sa gabi ring iyon na ipinagkaila niya si Jesus ng tatlong beses gaya ng hinulaan ng Panginoon. Sa araw ng Pentecostes, nang dumapo ang Banal na Espiritu sa mga mananampalataya, sinabi ni Pedro sa karamihan ng tao na magsisi at magbago. Magbago (converted) ang tunay na kahulugan ay baligtarin. Tayo ay ipinanganak na baligtad. Noong tayo ay nabago, tayo ay binaligtad. Ito ay kumpletong pagbabaliktad, upang maranasan ang isang makapangyarihang bagay sa ang iyong buhay. Si Pedro, tulad ni Moses, natutunan niya na siya ay walang halaga, na isang taong magagamit ng Diyos, at mayroong magagawang kamangha-manghang bagay ang Diyos sa pamamagitan ng isang tao na natutunan na siya ay walang halaga. Mula ng pangalanan siya ni Jesus na Bato, sa kabila nang paghagulgol niya noong panahon na pagkatapos niyang ipagkaila si Jesus, natutunan ni Pedro na siya ay bale wala. Pagkatapos ng Muling Pagkabuhay, nagpakita si Jesus kay Pedro at sa ibang mga alagad at tinanong Niya si Pedro ng tatlong beses kung mahal Siya. Nang sabihin ni Pedro, “Oo Panginoon, alam Mo ang lahat ng bagay, alam Mo na mahal kita,” sinabi ni Jesus na pakainin at pastulan ang Kanyang mga tupa. Natutunan ni Pedro na siya ay isang magagamit

Page 38: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

at gustong gamitin ng Diyos. Sa Pentecostes, ang Banal na Espiritu ay nagpamalas kay Pedro, dahil sa panahon na ito alam na ni Pedro ang mga sikretong espirituwal: 1) Wala akong halaga ngunit Siya ay may halaga at Siya ay nasa akin; 2) Hindi ko kaya ngunit kaya Niya at Siya ay nasa akin; 3) Hindi ang aking gusto kundi ang gusto Niya at Siya ay nasa akin. Sa Pentecostes, 3,000 tao ang naligtas. Pagkalipas ng maraming taon, bilang isang matandang pastor, babalikan ni Pedro ang kanyang buhay at sasabihin, “Hindi ko ginawa, kundi Siya ang gumawa.”

1. Tama o Mali? Ang taong sumulat ng liham ni Pedro ay hindi si apostol Pedro.

2. Tama o Mali? Ang liham ni Pedro kung minsan ito ay nagpapakita kung sino ang dating Pedro, mapusok at hindi matatag.

3. Tama o Mali? Ang pagbabalik loob o pagbabago ay nangangahulugang kumpletong

kabaligtaran.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

4. Sino si Simon? a. Kapatid ni Andres b. Ang alagad na pinangalanang Pedro c. Isang walang mataas na edukasyon na mangingisda d. Lahat ng nasa itaas

5. Bakit ang pangalang napili ni Jesus na Simon—Cefas o Pedro—ay mukhang kakaiba?

a. Si Simon ay mangingisda. b. Si Simon ay matatag at maaasahan araw-araw. c. Si Simon ay mukhang bato. d. Si Simon ay hindi matatag sa espirituwal tulad isang bato.

6. Bakit sa palagay mo ibinigay ni Jesus kay Pedro ang pangalang iyon?

a. Para maramdaman niyang espesyal siya b. Upang pagtawanan siya

Page 39: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

c. Hindi pa niya masyadong kilala si Simon d. Upang ipakita ang kanyang malaking potensyal

7. Anu-ano ang mga natutunan ni Pedro?

a. Siya ay walang halaga at mananatili siyang walang halaga. b. Siya ay walang halaga ngunit siya ay isang taong magagamit ng Diyos. c. Siya ay walang halaga, at hindi magagamit ng Diyos ang taong walang halaga. d. Siya ay walang halaga, at nais ng Diyos na maramdaman niya na siya ay ganito

nga.

8. Sa aklat ng Mga Gawa, ano ang kaibahan ni Pedro kaysa doon sa unang nakatagpo niya si Jesus sa mga Ebanghelyo?

a. Naging matatag na siya sa espirituwal at emosyonal. b. Kung minsan natatalo siya ng kanyang emosyon. c. Nais niyang maging lider at laging nag-aalala sa lahat. d. Hindi siya nagdalawang isip sa kanyang layunin at pagiging masigasig para kay

Jesus.

9. Kailan nagbalik loob si Pedro? a. Sa gabi na pinagkaila niya si Jesus b. Sa pampang kasama ni Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay c. Sa Pentecostes noong dumating ang Banal na Espiritu d. Hindi natin matitiyak kailan

10. Ano ibig sabihin ng pagbabalik loob o pagbabago?

a. Tayo ay nanalangin at nabautismuhan. b. Tayo ay matapang ng nagbabahagi ng ating relihiyon sa iba. c. Tayo ay matapat na dumadalo sa iglesia. d. Tayo ay nabaligtad sa espirituwal.

11. Ano ang susing tema sa liham ni Pedro?

a. Paghihirap b. Pag-ibig c. Bunga d. Kaligtasan

12. Bakit kung minsan mahirap maunawaan ang mga liham ni Pedro? a. Siya ay iskolar. b. Palundag-lundag si Pedro sa mga paksang kanyang tinatalakay. c. Nagkamali si Sylvanus sa pagsusulat ng mga sinabi ni Pedro. d. Mahirap mabasa ang sulat kamay ni Pedro.

Page 40: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Sa araw ng Pentecostes, hinimok ni Pedro ang kanyang mga taga-pakinig na magsisi at magbago (magbalik loob sa Diyos). Ang ibig sabihin ng pagbabago ay buong kabaligtaran. Ito ang makapangyarihan pagbabago sa iyong buhay. Nagsisi ka na ba sa iyong kasalanan at nagbago? Kung hindi pa, ito ay magagaw mo ngayon. “Mapagmahal na Ama sa Langit, inaamin ko na nahiwalay ako sa Iyo at sa Iyong mga plano sa buhay ko. Inaamin ko na ako ay makasalana. Nagtitiwala ako sa Iyong Anak, si Jeus-Cristo, na aking personal na Taga-pagligtas. Inilalagay ko ang buong pagtitiwala sa Kanyang kamatayan sa krus para sa kapatawaran ng lahat ng kasalanan ko. Salamat ginawa mo akong matuwid sa Iyo sa pamamagitan ng natapos na gawain sa krus. Aking ngayong tinatakwil at tumatalikod sa lahat ng aking kasalanan. Dito at ngayon aking pinuputong ang korona ng aking Taga-pagligtas, si Jesu-Cristo, bilang Panginoon ng aking buhay, at aking sinusuko ang aking buhay na walang kundisyon sa Kanyang kamay at direksyon. Sa aking pagsunos sa Iyong Anak na si Jesu-Cristo, dalhin mo aking buhay na ayon sa iyong dakilang disenyo na siyang itinalaga Mo para sa aking buhay. Amen.”

Ipaliwanag ang sekretong espirituwal na natutunan ni Pedro sa araw ng Pentecostes sa iyong sariling pananalita. Natutunan mo na ba ang mga sekretong iyon sa iyong sarili? Kung hindi pa, hingin sa Diyos na tulungan kang maunawaan mo at magawa mo ang mga ito sa iyong sariling buhay.

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa paglago at sa pag-gulang sa espirituwal ni Pedro. Pasalamatan ang Diyos sa halimbawa ni Pedro at sa kanyang matatag na pananampalataya maging sa huling araw. Hingin sa Diyos na tulungan kang

matutunan mo ang mga aral at mga sekretong espirituwal na natutunan ni Pedro. Pasalamatan ang Diyos sa mga ipapahayag ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral sa liham ni Pedro.

MGA TALA

Page 41: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sariling paglalakbay sa pananampalataya kung

anong ibig sabihin ng nagbago or pagbabalik loob sa Diyos? 2. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sariling paglalakbay sa pananampalataya ang

tatlong magkakaibang Pedro na nakita natin sa Bagong Tipan? 3. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sariling paglalakbay sa pananampalataya ang

tatlong aral na natutunan ni Pedro mula noong nakilala niya si Jesus hanggang sa nakarating siya sa kadiliman ng gabi at humagulgol ng lubha, noon muli niyang makita si Jesus sa pampang (makikita sa Juan 21), at noong nangaral siya ng dakilang sermon sa Araw ng Pentecostes.

4. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sariling paglalakbay sa pananampalataya ang

apat na sekretong espirituwal na natutunan ni Pedro? 5. Paano nagkaroon ng epekto sa estilo ng pagsusulat ni Pedro ang katotohanang siya na hindi

marunong magbasa o magsulat na nagsulat ng kanyang liham.

Page 42: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Ipaliwanag at gamitin sa iyong sariling buhay kung saan, ang apostol na walang pinag-aralan, nakuha ang kayamanan ng inspiradong karunungan na ibihagi sa atin mula sa kanyang sulat?

7. Ilista at gamitin sa iyong sariling buhay ang mga bagay na mahahalaga sa matandang

aspostol nagsulat ng liham na ito.

Page 43: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Pagninilay sa Bagong Buhay

Kabanata 8 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 80

Layunin: Upang maunawaan kung bakit pinapayagan ng Diyos ang paghihirap at paano nagkakaroon ng bagong kapanganakan.

Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa

pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos.

—1 Pedro 1:22-23 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y tinatanggap na ninyo ang kanyang habag.

—1 Pedro 2:9-10 Sa ating panahon ang “prosperity theology” ay nagtuturo ng mali na kapag ikaw ay nasa kalooban ng Diyos, ikaw ay magiging malusog, mayaman, at hindi dadapuan ng paghihirap. Ito ay hindi ayon sa mga naghihirap at inuusig na matatagpuan natin sa liham ni Pedro at iba pang mga aklat sa Bagong Tipan. Ang mensahe ni Pedro sa mga naghihirap na mga Hudyong Kristiyano ay palakasin ang kanilang loob—at udyukang magpatuloy sa pagsunod sa Panginoong Jesu-Cristo. Nagbibigay ng dalawang dahilan si Pedro kung bakit ang mga tao ng Diyos ay naghihirap. Pinapayagan ng Diyos ang paghihirap upang tayo ay lumago sa pananampalataya. Halimbawa, ang paghihirap ni Job ay galing kay Satanas, ngunit ito ay pinayagan ng Diyos. Pinangako ni Jesus na walang problemang dumarating sa atin na hindi dumadaan muna sa Kanya. Isa pang dahilan kung bakit pinapayagan ng Diyos ang paghihirap ay upang gawing dalisay ang ating pananampalataya, na mas mahalaga kaysa sa ginto. Inilarawan ni Pedro ang proseso ng bagong kapanganakan. Ang buhay ay nagsisimula kapag ang binhi at ang itlog ay nagtagpo. Kapag tayo ay tumugon sa Salita ng Diyos, ang di-namamatay na Binhi, tayo ay ipinapanganak na muli. Ang Espirituwal na buhay ay magsisimula na sa atin. Ang ating kaluluwa ay nalinis. Pagkatapos ng espirituwal na paglilihi, ang panahon ng pagbubuntis ay magsisimula, sa takdang panahon tayo ay isisilang sa bagong kapanganakan. Ang sanggol ay nangangailangan ng gatas, kailangang natin ang Salita ng Diyos. Ang resulta ng muling kapanganakan ay ang bunga ng Espiritu: Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan,

Page 44: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. (Mga Taga Galacia 5:22-23) Sa 1 Pedro 2:9-10, isinulat ni Pedro ang tungkol sa kaharian ng Diyos. Para sa mga Israelita, ang kaharian ng Diyos ay parehong pambansa at pang-heograpiya. Ngunit sa Bagong Tipan, ang unang mensahe ni Jesus ay, “Mangag-sisi kayo, dahil ang kaharian ng Diyos ay malapit na.” (Mateo 4:17) Ang kaharian ng Diyos ay nasa atin na, sa mga naniniwala. Ang kaharian ay ang lugar kung nasaan ang mga taong naniniwala at sumusunod kay Jesu-Cristo. Lahat ng nanampalataya kay Cristo ay kabilang sa maharlikang saserdote. Sa Lumang Tipan, ang saserdote ay papasok sa presensiya ng Diyos para sa mga tao. Ngayon, tayong lahat ay tinawag na saserdote upang gumawa ng mga alagad at mamagitan para sa kanila. Ito ay kilala sa tawag na pagkasaserdote ng mga mananampalataya.

1. Tama o Mali? Ang pangunahing dahilan ng liham ni Pedro ay upang aliwin ang mga naghihirap.

2. Tama o Mali? Ang “prosperity theology” ngayon ay akmang-akma para sa mga naghihirap

na mga tao ng Diyos ngayon at noong nakalipas na panahon. 3. Tama o Mali? Hindi naintindihan lahat ng tungkol sa kaligtasan ng mga propeta noong

hinulaan nila ang tungkol dito.

4. Tama o Mali? Nais ng Diyos na iwasan ng Kanyang mga tao ang lahat ng pag-uusig at paghihirap.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Bakit pinapayagan ng Diyos ang Kanyang mga tao na maghirap? a. Hindi Niya talaga tayo mahal. b. Nais Niyang lumago ang ating pananampalataya. c. Hindi niya kayang pigilan ang paghihirap.

Page 45: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

d. Ang paghihirap ay para sa mga masasamang tao lamang.

6. Ano ang inilarawan ni Jesus sa Kanyang Sarili bilang Mabuting Pastol kaugnay sa paghihirap ng Kanyang mga tupa.

a. Maari tayong magtiwala sa Kanyang pag-iingat sa atin. b. Hindi naman siya mabuti. c. Ang mga problemang dumarating sa ating ay yun lamang pinayagan Niyang

darating. d. Hindi ito maunawaan.

7. Sinabi ni Jesus isang tao ang nagpupunla at iba naman amg umaani. Ano ang kahulugan nito

sa Kaharian ng Diyos? a. Walang isang gumagawa lamang sa Kaharian. b. Ang umaani ang nakakakuha ng pakinabang. c. Ang ibang mga tao ay mas mahalaga sa gawain sa Kaharian. d. Ang Kaharian ay lumalaki dahil sa ating mga gawa.

8. Ano ang nangyayari kapag tayo ay na-born again o nakaranas ng bagong kapanganakan?

a. Narinig natin ang Salita, naniwala, at pinanganak na muli. b. Matapat tayong dumadalo sa iglesia. c. Nanalangin tayo at nabautismuhan. d. Tayo ay ipinanganak sa pamilya ng Kristiyano.

9. Ang Kaharian ng Diyos ay hindi na sa ilalim ng isang bandila o bansa. Nasaan ito? a. Kung saan naninirahan ang mga Hudyo. b. Kung saan ang iglesiang pinpuntahan ng mga tao. c. Nasa mga puso ng mga manampalataya. d. Ito ay sa langit lamang.

10. Ano ang pagka-saserdote ng mga mananampalataya? a. Ang mga obispo, arsobispo, at kardinal ang maaring maging saserdote. b. Bawat mananampalataya ay saserdote. c. Walang sinoman ang saserdote ngayon. d. Mga Hudyong saserdote lang ang ibinibilang ng Diyos na saserdote.

11. Bakit ikinumpara ni Pedro ang paghihirap sa ating pananampalataya sa pagpapadalisay ng

ginto? a. Ang ginto ay mahalagang metal, at ang ating pananampalataya ay mahalaga sa

Diyos. b. Ang ginto ay nagiging dalisay sa pamamagitan ng paglilinis ng tubig. c. Ang ginto at ang ating pananampalataya ay nagiging mas mahalaga kapag ito ay

nagiging dalisay. d. Ang ginto ay magandang tingnan.

Page 46: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Sinabi ni Jesus na siya ang Pinto o bantay pinto para sa Kanyang mga tupa. Kung magkagayon walang tupa na lalabas na walang alam at walang maninila na darating na hindi Niya alam. Anong kaugnayan ng pangakong ito sa iyo at sa paghihirap?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Ipaliwanag ang proseso ng espiritual na paglilihi ang simula ng bagong kapanganakan. Naranasan mo na ba ang bagong kapanganakan?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa kaligtasan na nakalaan para sa iyo. Pasalamatan Siya na ikaw ay anak ng Diyos, itinalaga para sa Kanya at mahalaga sa Kaharian. Sa panahon ng paghihirap, hingin na gawing dalisay ang iyong pananampalataya at tulungan kang maging matapat sa Kanya. Pasalamatan Siya sa lahat ng tao na

ibinigay ang kanilang buhay upang masiguro na ang Biblia ay mananatili sa paglipas ng mga panahon. Pasalamatan Siya na ang Kanyang Salita ay nakalaan para sa iyo.

Page 47: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Bakit binanggit ni Pedro ng maka-labingapat na beses ang paghihirap sa kanyang sulat? 2. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sariling buhay ang tatlong bagay na sinulat ni

Pedro tungkol sa paghihirap ng mga tagasunod ni Cristo sa talatang 6 at 7 sa kabanatang 1? 3. Paano mo gagamitin sa iyong sariling paglalakbay sa pananampalataya at ituro sa iba ang

tungkol sa paraan paano tinignan ni Pedro ng pabalik tingin (sa 1:22, 23-2:2) ang karanasan ng bagong kapanganakan?

4. Ano ang katalista na nagdadala ng “espirituwal na paglilihi” (simula ng buhay) sa

inspiradong pagsasalarawan ni Pedro kung saan kanyang ikinumpara ang bagong buhay sa pisikal na kapanganakan?

5. Paano ang paglalarawan na iyon ay nagpatuloy sa talatang 1 at 2 sa ikalawang kabanata?

Page 48: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Ipaliwanag at gamitin sa iyong sariling buhay at ministeryo ang relasyon ng Salita ng Diyos sa buong proseso na ito?

7. Kung magkagayon, bakit napakahalaga na dalhin ang mga tao sa Salita at ang Salita sa mga

tao? (Isama sa iyong sagot ang 2 Pedro 1:19, na nagtuturo sa atin ng napakaganda at makalarawan na kapag ang mga tao ng Diyos ay pumunta sa Kanyang Salita at ang Kanyang Salita ay nagpunta sa Kanyang mga tao, mararanasan nila ang bagong kapanganakan.)

Page 49: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Uliran ng Pag-aasawa

Kabanata 9 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 81

Layunin: Upang maunawaan ang modelo ng Diyos sa pag-aasawa sa 1 Pedro. Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. At kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal, kahit hindi na kayo magpaliwanag pa

sa kanila. Sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos. Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina, at tulad ninyo'y may karapatan din sila sa buhay na walang hanggan na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito, nang sa gayon ay walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin.

—1 Pedro 3:1-4, 7 Ang pinaka mabuting payo para sa pag-aasawa ay matatagpuan sa Kasulatan, dahil ang Diyos ang pinagmulan ng pag-aasawa. Pareho si Pablo at Pedro na nag-uudyok sa atin na tingnan si Cristo at ang iglesia bilang modelo sa pag-aasawa. Sa modelong ito, ang kumakatawan sa asawang babae ay ang iglesia, at ang asawang lalaki naman ay si Cristo. Dapat ituon ang pagbabago sa atin imbis na ang ating kapareha, dahil sa araw ng Paghuhukom, bawat isa sa atin ay magbibigay ng ulat sa Diyos sa ating sarili. Ang malaking problema sa mag-asawang Kristiyano ay ang asawang lalaki na hindi inaako ang responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa kanya. Pinapayuhan ni Pedro ang mga asawang babae na lumago sa kanilang pananampalataya. Kung ang asawang lalaki ay hindi tumatayo sa kanyang responsibilidad, walang masyadong magagawa ang asawang babae kundi, sa biyaya ng Diyos, maging babae ayon sa pagkagawa sa kanya at maging malumanay, tahimik ang espiritu. Maaaring hindi pa rin gagawin ng kanyang asawang lalaki ang espirituwal na pangunguna, ngunit ang kanyang halimbawa ay higit na makakatulong kaysa iba pa upang makumbinsi ang kanyang asawa. Sinasabi din ni Pedro sa mga asawang bababe na magpasakop tulad nang pagpapasakop ni Cristo sa Ama—ang halimbawa na dapat nating sundin. Ibinigay ng Diyos ang pangunguna sa mag-asawa at pamilya sa kalalakihan; sila ang may responsibilidad sa kanilang mga asawang babae at mga anak. Ang mga kalalakihan ay kumakatawan kay Cristo dahil dito kailangang mahalin nila ang kanilang mga asawang babae tulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesia. Dapat kilala ng mga asawang lalaki at mahalin ang kanilang asawang babae. Sinabi ng kasulatan na “manahan sa kanila,” na ang ibig sabihin ay magbigay ng panahon sa kanilang pagsasama, sila ang pangunahing prayoridad.

Page 50: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Kahit na ibinigay ang payong ito maraming siglo na ang nakaraan, mabisa pa rin itong payo dahil ito ang Salita ng Diyos. Ito ay hindi nalalaos sa panahon. Kung ang Banal na Espiritu ang nagsasabi sa atin na gawin ito, kailangan nating gawin ito. Gamitin ang modelong ito ng pag-aasawa, at sa biyaya ng Diyos, manatili sa iyong katayuan bilang asawang babae o lalaki.

1. Tama o Mali? Ang karaniwang problema sa pag-aasawa ay ang mga asawang babae ay hindi nagpapasakop sa kanilang mga asawang lalaki.

2. Tama o Mali? Posible sa asawang babae na madala ang kanyang asawang lalaki sa

Panginoon sa pamamagitan ng kanyang halimbawa. 3. Tama o Mali? Iniatang ng Diyos ang responsibilidad sa sambahayan at mga anak sa asawang

babae.

4. Tama o Mali? Nagbigay ng payo si Pedro sa mga asawang babae kung paano baguhin ang kanilang mga asawang lalaki.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Bakit hindi epektibo ang karamihan sa mga Kristiyanong mag-asawa ngayon? a. Ginagambala ng mga anak ang kanilang mga magulang palayo sa kanilang

responsibilidad. b. Nagpapasakop ang mga asawang babae sa kanilang mga asawang lalaki imbis na

hingin na magkapantay sila. c. Ang mga kalalakihan ay hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin na dinisenyo

ng Diyos para sa kanila. d. Nag-aasawa ang mga tao pag sila ay matanda na.

Page 51: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Bakit dapat sundin ng mga mananampalataya ang payo sa mag-asawa na nasa Kasulatan? a. Dinisenyo ng Diyos ang pag-aasawa na maging halimbawa kay Cristo at sa

Iglesia. b. Ang payo ng Biblia sa pag-aasawa ay sing buti ng ibang mga payo. c. Dahil sinabi ito ng Pastor. d. Dahil ang Kristiyanong mag-asawa ang laging pinakamabuti.

7. Bakit ginamit ni Pedro ang halimba ni Cristo sa pagdurusa na isang lingkod upang ilarawan

kung ano ang hitsura ng pag-aasawa? a. Dahil ang asawang babae ang siyang lingkod at nagdurusa. b. Ipinakita ni Cristo paano magpasakop sa Diyos at sa bawat isa sa pamamagitan ng

Kanyang pagpapakumbaba. c. Nag-asawa si Cristo. d. Si Cristo bilang ulo ng Iglesia ay ganon din naman ang asawang lalaki bilang ulo

ng sambahayan.

8. Ano ang sinabi ni Pedro na dapat gawin ng asawang babae at asawang lalaki? a. Sikaping baguhin ang bawat isa. b. Baguhin ang kanilang sarili. c. Huwang tangkaing gayahin ang halimbawa ni Cristo na nagmamahal sa Iglesia. d. Huwag magkaroon ng anak sapagkat sila ay nagpapagulo sa pag-aasawa.

9. Bakit kailangan magtuon tayo ng pansin sa ating responsibilidad at pagkukulang sa pag-aasawa imbis na ang responsibilidad at pagkukulang ng ating kapareha?

a. Tayo ay mananagot sa Diyos sa ating sarili lamang. b. Ang tangkaing baguhin ang ibang tao ay epektibo. c. Natutuwa ang mga tao kapag sila ay binabago natin. d. Ang pagtatalak at reklamo sa iyong kapareha ay nagpapatibay sa inyong relasyon.

10. Bakit napakahalaga para sa mga asawang babae na magpasakop sa kani-kanilang mga asawang lalaki?

a. Ang mga asawang lalaki ay mas mahalaga kaysa sa mga asawang babae. b. Maaaring itawil ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawa kung hindi sila

magpapasakop. c. Ang plano ng Diyos para sa mga asawang lalaki ay maging responsable sa loob

ng pamamahay. d. Dahil ang mga kalalakihan ay laging gumagawa ng mas mabuting desisyon.

11. Bakit sinabihan ni Pedro ang mga kababaihan na maging tahimik?

a. Upang madala nila sa Panginoon ang kanilang mga asawang lalaki sa pamamagitan ng halimbawa.

b. Upang mailayo nila ang kanilang mga asawang lalaki na lumayo sa Salita. c. Nais niya na mas maraming kontrol ang lalaki. d. Hindi niya gusto kapag nasasalita ang mga kababaihan.

Page 52: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

12. Ano ang inutos sa mga asawang lalaki sa pagtrato ng kanilang asawang babae? a. Bilang kapatid kay Cristo. b. May respeto. c. May pagmamahal gaya ng kay Cristo. d. Lahat ng nasa itaas.

Ano ang iilang mga dahilan na iniisip ng mga tao kung bakit hindi maaaring gawin ang payo ng Biblia tungkol sa pag-aasawa ngayon? Ano ang iyong palagay?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

kung ikaw ay may asawa, ikaw ba ay nakatayo sa lugar mo sa pag-aasawa? Ang iyo bang buhay may-asawa ay kagaya ng halimbawa ni Cristo sa Biblia? Upang magamit ang mga natutunan mo mula sa pag-aaral na ito, ano ang isang bagay na dapat mong gawin upang lalong maging masunurin sa Salita ng Diyos? Ano ang mga paraan para mas mapalakas mo ang iyong buhay may-asawa ngayon? ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Kung ikaw ay may asawa, pasalamatan ang Diyos sa iyong asawa at ang iyong relasyon sa kanya. Hingin na tulungan kang maunawaan mo ang kanyang payo sa pag-aasawa at ipakita sa iyo paano mo ito maisasagawa. Hingin sa Diyos na bigyan ka ng malaking pasensiya sa iyong asawa at dagdagan ang biyayang

kailangan mo. Pasalamatan ang Diyos sa pag-ibig ni Cristo sa Iglesia at sa iyo, ang iyong asawa, at iyong mga anak. Hingin sa Kanya ang lakas at tapang upang maging asawang karapat-dapat na nais Niya. Kung wala ka pang asawa, manalangin at hingin na pagpapalain ng Diyos ang mga mag-aasawa sa iyong iglesia at gamitin ka upang maging pagpapala sa buhay nila.

MGA TALA

Page 53: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo magagamit sa iyong sariling asawa, o sa mga tinuturuan mo na may asawa, ang

inspiradong modelo ng pag-aasawa na ginamit ni Pedro sa mga talata mula sa huling bahagi ng 1 Pedro kabanatang 2 hanggang kabanatang 3:1-7?

2. Base sa modelong iyon ng pag-aasawa, ano ang tungkuling iniatang sa asawang babae at ano

naman ang tungkuling iniatang sa asawang lalaki? 3. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin bakit inutusan ni Pedro ang asawang lalaki na

manahan sa kanyang asawang babae ayon sa kaalaman? 4. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin bakit tinukoy ni Pedro ang babae noong sinusulat niya

ang tungkulin ng isang babae at ang lalaki noong sinusulat niya ang tungkulin ng isang lalaki?

5. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa buhay mag-asawa ang Kasulatan na sinipi ni Pedro

sa huling bahagi ng kabanatang 2?

Page 54: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin ang katotohanang na binigyan ni Pedro ng mas mabigat na hamon ang asawang lalaki?

7. Paano mo ilalagay sa maikling pananalita at ibubuod ang payong ito ni Pedro para sa mag-

asawa?

Page 55: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang mga Bagyo ng Buhay Ang Salita, at ang Saksi

Kabanata 10

Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 82

Layunin: Upang maunawaan pa ang tungkol sa paghihirap at gayun din naman ang tungkol sa tungkulin ng mga matatanda.

Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan

kapag nahayag na ang kanyang kadakilaan. —1 Pedro 4:12-13

Sa mga matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo. Saksi ako sa mga paghihirap ni Cristo at makakabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. Nakikiusap ako sa inyo, alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Alagaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa nila kayo.

—1 Pedro 5:1-3 Hindi marunong magbasa at magsulat si Pedro—idinikta niya ang kanyang mensahe—at siya ay palundag-lundag sa mga pangunahing paksa sa isang kabanata. Ang pinakamahirap na mga talata ay noong sinabi niya na si Jesus ay nagministeryo sa mga espiritu sa bilangguan na sumuway matagal na panahon na ang nakalipas sa panahon ni Noah. Hindi alam ng mga iskolar ano ang pakahulugan dito at hanggan ngayon ito ay malalim na misteryo. Pagkatapos, inudyukan ni Pedro ang mga bumabasa na maging kalmado, magpigil sa sarili, maging magiliw sa panauhin, at magmahalan sa isat-isa. Tayo ay dapat maging matapat sa ating mga kaloob, na naglilingkod sa bawat isa, kinikilala na ang Diyos ang nagbigay ng lahat at gamitin ang mga ito para sa Kanyang kaluwalhatihan. Sinasabi ni Peter na hindi tayo dapat masorpresa sa mga paghihirap; kasama ito sa buhay. Pinapayagan ng Diyos ang mga pagsubok at bagyo sa ating mga buhay upang tayo ay maging patotoo para sa Kanya. Upang malampasan natin ang paghihirap, tinitignan natin ang pagsubok sa Salita at natutunan natin na tayo ay kabahagi ni Jesus sa Kanyang paghihirap. Kapag tayo ay naghihirap, tayo ay papahiran ng langis ng espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos. Ibibigay lahat ang ating kailangan upang makapagtiis. Kung tayo ay naghihirap ayon sa Kanyang kalooban, manatili tayong nagtitiwala sa Diyos, dahil hindi Niya tayo kailanman bibiguin.

Page 56: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Sa kabanatang 5, nagsalita si Pedro na may pakumbaba sa mga matatanda sa iglesia bilang kapwa matanda, na nagpapa-alala na ang Diyos ay nasa kanila. Hinihikayat ni Pedro ang mga lider sa iglesia na maging halimbawa sa kanilang mga tupa, hindi pinamumukha ang kanilang kapangyarihan sa kanila, kundi ituring silang mga kapatid na pantay-pantay sa pamamahala ng Diyos.

1. Tama o Mali? Hindi nilayon na maunawaan natin lahat ang nasa Biblia.

2. Tama o Mali? Ang ating mga espirituwal na kaloob ay ibinigay upang palakasin natin ang ating sarili.

3. Tama o Mali? Tinawag tayo na makibahagi sa paghihirap ni Jesus.

4. Tama o Mali? Kadalasan pinapatay ng paghihirap ang pagnanasa na mamuhay sa aliw ng kasalanan.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Pinapa-alala ni Pedro na si Jesus ay malapit ng dumating. Ano ang mga dapat nating gawin bago Siya dumating?

a. Matakot sa mga huling panahon. b. Pakinggan ang mga taong may alam kung kailan tiyak na darating si Cristo. c. Maging kalmado, mapag-pigil sa sarili at laging nananalangin. d. Huwag mag-alala tungkol dito. Maaring hindi pa mangyayari sa lalong madaling

panahon.

6. Ano dapat ang maging ugali mo tungkol sa pagiging maalalahanin sa iba? a. “Masyado akong busy.” b. “Walang taong maalalahanin sa akin.” c. “Gagawin ko ngunit ayokong gawin.”

Page 57: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

d. “Natutuwa akong maglingkod kay Jesus at sa iba sa ganitong paraan.”

7. Ano ang layunin ng mga espirituwal na kaloob? (piliin lahat ng akma) a. Upang magministeryo sa isat-isa sa loob ng iglesia b. Upang ipagmalaki ang mga ito c. Upang maluwalhati ang Diyos d. Upang mapabilib ang iba

8. Ano ang iilan sa mg tagubilin ni Pedro sa mga mananampalatayang naghihirap?

a. Iwasan ang paghihirap sa ano mang paraaan. b. Masopresa kung ikaw ay naghihirap para kay Jesus. c. Magalak na ikaw ay kabahagi sa paghihirap ni Jesus. d. Mahiya ka pag naghihirap ka dahil sa pangalan ni Jesus.

9. Paano tayo tutugon sa paghihirap at pagdurusa? a. Tumalikod sa Diyos dahil iniwan ka Niya. b. Sisihin ang Diyos sa panahon ng paghihirap. c. Maging mapait dahil sa iyong paghihirap. d. Tingnan ang iyong mga pagsubok sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.

10. Ano ang payo ni Pedro sa mga matatanda sa Iglesia? a. Patakbuhin ang iglesia tulad sa militar. b. Maglingkod bilang mga pastol at maging halimbawa. c. Mamuno sa kawan na may disiplina at lakas. d. Patakbuhin ang iglesia tulad sa isang negosyo upang ito ay magtagumpay.

11. Bakit mabuting matanda si Pedro? (piliin lahat ng akma)

a. Mababa ang kanyang loob. b. Pinagmamalaki niya ang panahon na kasama si Jesus. c. Pinaalala niya sa mga bumabasa na siya ay mabuting matanda. d. Pinaglingkuran niya ang kawan, imbis na siya ang paglingkuran.

Page 58: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ikaw ba ay nag-aalala kapag mayroon kang hindi maunawaan na talata sa Kasulatan? Bakit o bakit hindi? Karaniwan ano ang iyong tugon? Ano sa palagay mo ang dapat na maging tugon mo?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Ikaw ba ay dumadaan sa paghihirap sa mga panahon na ito? Ano ang mga natutunan mo dito sa aralin na ito na nakatulong sa iyo at sa iyong paghihirap?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sapagkat kasama mo Siya sa iyong paghihirap. Hingin sa Kanya na ipaalala sa iyo kung ano sinasabi ng Salita tungkol sa iyong paghihirap at ang halaga ng paglingon sa Kanya at sa Kanyang Salita upang maaliw at lumakas. Pasalamatan Siya kung papaano Niya binago si Pedro mula sa mapusok

na mangingisda tungo sa mapagmahal na pastor, at hingin sa Kanya na baguhin ka tungo sa taong nais Niyang ikaw ay maging. Hingin sa Kanya na bigyan ka ng tapang na maging patotoo para sa kanya saan ka man magpunta.

Page 59: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang sinasabi tungkol sa istilo ng pagsusulat ni Pedro sa katotohanang sinabi niya ang

tungkol sa sampung paksa (sa 3:18-22) at paano mo magagamit ang turo niya tungkol sa bautismo sa tubig?

2. Paano mo magagamit sa iyong sariling buhay at sa iyong iglesia, ang kahanga-hangang

kumpol na mga mensahe ni Pedro (sa 4:7-11) tungkol sa pagkakaroon ng maalab na pagmamahal sa bawat isa, na nagtatakip ng maraming kasalanan, at ang bawat isa ay nagpapahayag ng malaking ibat-ibang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng mga espirituwal na kaloob?

3. Paano mo maipapaliwanag at gagamitin sa iyong sariling buhay at ministeryo ang katuruan

ni Pedro na huwag nating isipin na kakaiba kapag tayo ay dumaranas sa kahirapan, dahil tayo ay tinawag na maghirap habang tayo ay sumusunod sa halimbawa ng ating Panginoon na naghirap?

4. Paano mo gagamitin sa iyong sariling paghihirap ang dakilang pangako sa Pedro (sa 4:13.14)

na ikaw ay kabahagi sa paghihirap ng iyong Panginoon, at ang Kanyang kaluwalhatian na dumapo sa iyo sa paraan na kapag Siya ay bumalik muli, ikaw ay mapupuno ng malaking katuwaan?

Page 60: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

5. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa sariling buhay at ministeryo ang kakaibang pagpapakumbaba na pinahayag ni Pedro sa 5:1-6, na hindi niya itinuring ang kanyang sarili bilang obispo kaugnay sa ibang mga matatanda kundi bilang kapwa matanda?

6. Paano mo ituturo at gagamitin ang mataimtim na babala ni Pedro (sa 5:8,9) tungkol sa

mapanirang layunin ni Satanas?

7. Sa paanong paraan ang talatang 10 ng kabanatang 5 ay isang buod ng tatlong Pedro na

nakilala natin sa Bagong Tipan?

Page 61: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Dapat Magbukang Liwayway Ang Bagong Araw

Kabanata 11

Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 83

Layunin: Upang maunawaan anong mga katangian ang idadagdag sa ating pananampalataya at maunawaan kung anong mangyayari sa Araw ng Panginoon.

Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-

Diyos; sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig.

—2 Pedro 1:5-7 Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuting ito'y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga. Higit sa lahat, unawain ninyong walang makakapagpaliwanag ng alinmang propesiya sa Kasulatan sa sariling kakayahan, sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

—2 Pedro 1:19-21 Naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa na paghaharian ng katuwiran, sapagkat ganoon ang kanyang pangako. Kaya nga, mga minamahal, habang naghihintay kayo, sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, walang dungis at walang kapintasan. Isipin ninyong kaya nagtitimpi ang Panginoon ay upang bigyan kayo ng pagkakataong maligtas.

—2 Pedro 3:13-15a Sinulat ni Pedro ang kanyang pangalawang liham noong ang pag-uusig sa mga Kristiyano ay lumalala na at kumakalat sa buong bansa. Nais ni Pedro na ipaalala sa mga tao ang alam na nila, dahil kailangan nilang maalala ito sa mga darating na mga araw. Sa liham na ito, sumulat siya tungkol sa espirituwal na paglago. Naniniwala ang mundo na ang kaalaman ay banal, ngunit sa espirituwal na mga bagay, ang paggamit ng kaalaman ay siyang nagpapa-banal, hindi ang kaalaman mismo. Kinakailangan nating idagdag muna ang kabanalan o kabutihan sa ating pananampalataya, at pagkatapos ang iba pang mga bagay na binanggit ni Pedro. Pinaalala ni Pedro ang kahalagahan ng Salita ng Diyos. Ang pinagmulan lahat ng Kasulatan ay ang Diyos. Kumilos ang Banal na Espiritu sa mga propeta upang isulat ang mga salita.

Page 62: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Nagdadala ng pagbabagong buhay sa ating puso ang Kasulatan. Sinasabi ni Pedro, ito ay tulad ng bukang liwayway, at ang Tala ng Umaga, si Jesus, bumangon sa ating mga puso. Binibigyan diin ng mga Kristiyano ang pagtanggap kay Jesus sa ating puso, ngunit ang talatang ito ay nagsasabi sa atin na si Jesu-Cristo ay ipinanganak sa atin. Sa kabanatang 2, sinaway ni Pedro ang mga bulaang mga guro. Inilalarawan ng kabanatang 3 ang Araw ng Panginoon, isa sa mga maraming pangyayari sa Pangalawang Pagdating ni Cristo, at kasama dito: ang Rapture ng Iglesia, ang Matinding Kapighatian, at pangyayari sa huling panahon. Ang huling pangyayari, ang Araw ng Panginoon, ay malaking sakuna, paglusaw ng lahat ng bagay sa mundo at sa buong sangsinukob mula sa matinding init. Si Jesus mismo ang nagsabi na lilipas ang langit at lupa, at ito ay inilarawa ng malinaw ni Pedro. Bagamat giniba na ng Diyos ang buong mundo sa pamamagitan ng baha, iilang mga tao ay hindi naniniwala na sisiraing muli ng Diyos ang mundo. Ang iba naman ang palagay nila ay mabagal ang Diyos. Ayaw ng Diyos na ang bawat isa ay mapapahamak; nais Niya na ang bawat isa ay magsisi, kaya binibigyan tayo ng panahon na ibahagi ang Ebanghelyo. Habang tayo ay naghihintay, kailangan mamuhay tayo nang may kabanalan.

1. Tama o Mali? Humuhupa na ang pag-uusig sa mga Kristiyano noong sinulat ni Pedro ang 2 Pedro.

2. Tama o Mali? Sumulat si Pedro sa mga Hudyong Kristiyano tungkol sa mga bagay na alam

na nila. 3. Tama o Mali? Hindi alam ni Pedro na malapit na siyang mamatay.

4. Tama o Mali? Para kay Pedro ang pinakamahalagang maunawaan ay ang propesiya.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Bakit inulit ni Pedro ang mga bagay na alam na ng babasa sa kanyang sulat? a. Inisip niya na sila ay ignorante. b. Alam niya na kailangan nilang maalala ang mga bagay habang ang pag-uusig ay

palala na.

Page 63: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

c. Wala siyang bagong mensahe mula sa Banal na Espiritu. d. Tumatanda na siya at hindi niya maalala kung ano na ang naituro niya sa kanila.

6. Nagbigay si Pedro ng mga iilang paraan upang lumago sa espirituwal. Anong katangian ang

una nating dapat idagdag sa ating pananampalataya? a. Kaalaman b. Pag-ibig c. Pagtitiyaga d. Kabutihan o kabanalan

7. Bakit ang kaalaman ay pangalawang dapat idagdag imbis na ito ay una?

a. Ang paggamit sa ating nalalaman sa Kasulatan ang nagbibigay bisa dito. b. Ang pagtitiyaga ay mas mahalaga kaysa sa kaalaman o kabutihan. c. Nagkamali siya sa pag-aayos ng listahan. d. Walang pinag-aralan si Pedro kaya walang halaga sa kanya ang kaalaman.

8. Kung idadagdag natin sa ating pananampalataya ang mga bagay na ito, ano ang mangyayari?

a. Hindi tayo magkakaroon ng mga pagsubok o kaguluhan. b. Makilala tayo sa ating mga nalalaman. c. Magiging mabunga at kapaki-pakinabang tayo para kay Jesus. d. Wala. Hindi tayo magbabago.

9. Bakit tayo magbibigay ng pansin sa Kasulatan? (piliin lahat ng akma) a. Ang mga sumulat sa Biblia ay matatalino, at isinulat nila ang alam nila na

makakatulong sa iba. b. Pinakilos ng Banal na Espiritu ang mga propeta at ibang mga sumulat upang

isulat ang mga salita. c. Mga apostol ang sumulat karamihan ng Bagong Tipan, sila ang mga saksi na

nakakita kay Jesus na buhay at namatay at nabuhay muli at umakyat sa langit. d. Kapag nakakita tayo ng mga mali sa Biblia, hindi natin ito kailangang sundin.

10. Ano ang mangyayari kapag sineryoso natin ang kasulatan? a. Dadalhin tayo ng ating kaalaman sa langit. b. Mapapabilib ang mga nakapaligid sa atin. c. Maari tayong maging lider dahil marami tayong alam. d. Binabago ang ating mga puso.

11. Ano ang mangyayari sa Araw ng Panginoon?

a. Ang Matinding Kapighatian ay magsisimula. b. Magpapadala ulit ng baha sa buong mundo ang Diyos tulad ng ginawa Niya sa

panahon ni Noah. c. Lahat ay lubusang masisira. d. Ang bawat isa ay magkakalakip-lakip ang kamay at magpupunyagi.

12. Bakit mahirap sa maraming tao ang maniwala sa Araw ng Panginoon na totoong darating?

Page 64: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

a. Palagay nila hindi ganon kalakas ang Diyos upang magawa niya ang Kanyang sinabi.

b. Sa palagay nila hindi na muling sisirain ng Diyos ang mundo. c. Hanggang ngayon ang araw na iyon ay hindi pa dumarating, bagama’t ito ay

hinulaan na ng matagal na panahon. d. Lahat ng nasa itaas. Ang mga Kristiyano ay nakatuon sa pagtanggap o hingin si Jesus na manahan sa kanilang mga puso kapag nais dalhin ang mga hindi mananampalataya kay Jesus, ngunit ano ang sinasabi ni Pedro kapag si Jesus ay nasa iyong puso? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Maliwanag na sinabi ng Diyos na si Jesus ay darating muli. Ano ang maaari nating gawin upang mahiwalay tayo sa araw na iyon? Anu-ano ang mga paraan upang maging handa ka sa Kanyang pagdating?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Pasalamatan ang Diyos sa mga kalalakihan tulad ni Pedro at Pablo na nagbigay ng kanilang buhay upang ikalat ang Ebanghelyo. Pasalamatan din ang Diyos sa kaalamang ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng Salita at ng Banal na Espiritu. Hingin sa Kanya na lumago ka sa kabutihan, na ibig sabihin ay ginagamit mo ang

mga kaalaman na nasa iyo na. Hingin sa Kanya na ipaalala sa iyo, habang iyong hinihintay ang kanyang tulong, na ang paglago sa espirittuwal ay pang habang buhay na proseso at nangangailangan ng pasensiya at katapatan.

MGA TALA

Page 65: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo gagamitin ang paraan paano ang konteksto at ang dahilan ng pagsulat ni Pedro sa

ikalawang Pedro kumpara doon sa parehong konteksto at dahilan kung paano sinulat ni Pablo ang pangalawang liham kay Timoteo?

2. Paano mo magagamit sa iyong sariling buhay at sa iyong ministeryo ng pagtuturo at

pandagdag sa pananampalataya na itinala ni Pedro? 3. Paano mo magagamit at ituturo ang kahalagahan ng katotohanan na si Pedro ay nagtuturo sa

atin na idagdag ang kabutihan sa ating pananampalataya, at pagkatapos ay kaalaman? 4. Paano mo magagamit at ituturo ang paraan kung paano inilarawan ni Pedro ang Araw ng

Panginoon na parang thermonuclear explosion? 5. Paano mo magagamit at ituturo pagkatapos ang paraan na maaari nating padaliin ang

pagdating ng Araw ng Panginoon? (Isa alang-alang ang sinabi ng Panginoon sa Mateo 24 tungkol sa pangangaral muna ng Ebanghelyo sa lahat ng mga bansa sa buong mundo.)

Page 66: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Ipaliwanag paano ang kamangha-manghang pambihirang tagumpay na nakamit natin sa pamamagitan ng mga computers, cell phones at MegaVoice audio devices na aking ginagamit ngayon upang dalhin ang Ebanghelyo sa 26 na lengguwahe mula sa ospital kung saan ako nakahiga na maaaring dinisenyo ng Diyos upang mapadali ang Araw ng Panginoon.

7. Ano ang iyong ginagawa upang makibahagi sa malaking gawain na iyon?

Page 67: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Kompas ng Kasiguruhan

Kabanata 12 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 84

Layunin: Upang ipakilala ang liham ni Juan at ang kasiguruhan ng kompas. Ang Diyos ay ilaw at walang anumang kadiliman sa kanya. Kung sinasabi nating tayo'y may pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan. Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa

liwanag, gaya ng pananatili niya sa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak... Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

—1 Juan 1:5b-7, 9 Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.

—1 Juan 2:3-4 Sumulat si Juan ng tatlong liham at ganun din naman ang Ebanghelyo ni Juan at ang aklat ng Pahayag. Sinulat niya ang una niyang liham upang malaman ng magbabasa na mayroon silang buhay na walang hanggan. Nais niya na ang mga naniniwala sa kanilang kaisipan ay maniwala sa kanilang puso at mgakaroong kasiguruhan ng kanilang kaligtasan.

Page 68: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Nagbigay si Juan ng walong puntos sa kasiguhan ng kaligtasan, tulad ng isang kompas o bruhula. Ang unang punto ng kasiguruhan ng kompas ay katunayan. Ang pananampalataya ay base sa katunayan o ebidensiya. Ang pangalawang punto ay ang pananampalataya ay ang ebanghelyong mga katibayan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Ang pangatlong punto ay ang kapatawaran. Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, mayroon tayong hawak na pangako na patatawarin Niya tayo. Ang pang apat na punto ng kasiguruhan ng kompas ay ang samahan (fellowship). Ang muling pagkabuhay ni Cristo ay nangangahulugang maari nating makikilala Siya at magkaroon ng samahan sa Kanya. Katulad ni Pedro, maari nating masabi, “Hindi ko kaya ngunit kaya Niya at Siya ay nasa akin. Wala akong halaga ngunit Siya ay may halaga, at Siya ay nasa akin.” Kabahagi tayong lahat na nasa Kanya at sa kabila dako naman, ay kabahagi Siya sa atin. Ang susunod na punto na kasiguruhan ng kompas ay ang pagsunod. Kung tayo ay susunod kay Jesus, sisiguruhin Niya sa atin ang ating kaligtasan, bibigyan din tayo ng kasiguruhan na magiging katulad natin Siya. Ang pang anim na punto ay kalayaan. Kung tayo ay naniniwala at sumusunod sa Kanyang Salita, malalaman natin ang katotohanan sa pamamagitan ng karanasan, ang katotohanan ay magpapalaya sa atin. Ang pang pitong punto ay kapunuan. Sinulat ni Juan ang mga salitang ito upang ang ating kagalakan ay mapuno. Ang pang walo at huling punto ng kasiguruhan ng kompas ay mabunga. Si Jesus ang punong ubas. Handa ba tayong maging mabungang sanga para sa Kanya? Ang pagiging mabunga ay tanda ng kasiguruhan na ang Diyos ay gumagawa sa atin.

1. Tama o Mali? Maari tayong manatili kay Jesus kahit hindi tayo lumalakad kasama Niya.

2. Tama o Mali? Kung tunay ka ngang Kristiyano, hindi ka magaalinlangan na ikaw ay ligtas. 3. Tama o Mali? Ang layunin ni Juan sa pagsulat niya ng 1 Juan ay tulungan ang mga

mananampalataya na magkaroon ng kasiguruhan na sila ay ligtas.

4. Tama o Mali? Kung may katibayan na, hindi na kailangan magkaroon ng pananampalataya kay Jesus.

Page 69: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Ano ang mga katibayan ng Ebanghelyo? a. Namatay si Cristo sa krus para sa ating mga kasalanan at nabuhay muli mula sa

mga patay. b. Ipinanganak si Cristo sa Bethlehem ng isang birhen. c. Nagpamalas ng maraming milagro si Cristo at mayroon Siyang 12 alagad. d. Darating muli si Cristo at mamumuno at maghahari Siya sa buong mundo.

6. Ano ang mga ilang paraan na maari magkaroon tayo ng kasiguruhan ng kaligtasan?

a. Sa pagsasamahan b. Sa pagsunod kay Jesus c. Sa pamumunga d. Lahat ng nasa itaas

7. Ano ang sinasabi ng 1 Juan 1 tungkol sa kasalanan at kasiguruhan ng ating kaligtasan?

a. Kung kilala natin Siya, hindi tayo lalakad sa kadiliman. b. Kung magkasala tayo, okey lang dahil alam ng Diyos na hindi tayo perpekto. c. Hindi pinapansin ng Diyos ang kasalanan ng mga Kristiyano. d. Hindi na kailangan ng mga Kristiyano ang magpahayag ng kanilang kasalanan

maliban sa unang beses.

8. Bakit mahalaga ang kapatawaran para sa kasiguruhan ng ating kaligtasan? a. Hindi na kailangan ang maniwala na si Jesus ay namatay para sa ating kasalanan

upang makamit ang kapatawaran ng Diyos. b. Kung ipapahayag natin ang ating kasalanan sa Kanya, maari tayong magtiwala na

patatawarin Niya tayo. c. Kailangan patawarin ang iba upang tayo ay maligtas. d. Ang pagpapatawad sa ating sarili lamang ang kailangan para iligtas tayo ng

Diyos.

9. Ano ang ibig sabihin ng pakikisama kay Jesus? a. Siya ang aking kapartner b. Ibinabahagi Niya lahat sa akin. c. Dapat kong ialok lahat sa Kanya. d. Lahat ng nasa itaas.

10. Bakit mahalaga na sumunod kay Jesus? a. Upang matamasa natin ang kasaganaan at tagumpay b. Upang tayo rin ay magkaroon ng mga alagad at maraming tagasunod c. Upang mapabilib natin ang iba dahil sa maka-diyos nating buhay d. Upang tamasin natin ang samahan sa ating Tagapagligtas habang tayo ay

lumalakad na may pagsunod sa Kanya.

Page 70: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

11. Bakit sa palagay mo isinali ni Juan ang kalayaan sa kanyang mga puntos tungkol sa kasiguruhan?

a. Hindi posible na maging malaya sa kasalanan, bagamat tayo ay ligtas na. b. Pinalaya na ni Jesus ang Kanyang mga tao mula sa kaparusahan at

kapangyarihan ng kasalanan. c. Hindi tayo lubusan makakalaya sa kapangyarihan ng kasalanan. d. Hindi naman talaga alipin ng kasalanan ang mga tao.

12. Bakit ang pagsunod ay isa ring tanda ng kaligtasan?

a. Kung mahal natin si Jesus, hindi na kailangan ang sumunod sa Kanya. b. Kung susundin natin ang mga utos ni Jesus, makakasiguro tayo na kilala

natin Siya. c. Mahal na tayo ng Diyos, samakatuwid hindi na mahalaga kung susunod sa Kanya. d. Hindi na tayo dapat sumunod sa anumang mga utos dahil tayo ay nasa ilalim ng

biyaya, hindi ng kautusan. Habang iniisip mo ang kasiguruhan ng kompas, ang mga susunod na tanong ay makakatulong: Naniniwala ba ako sa mga katibayan ng Ebanghelyo? Ipinahayag ko na ba ang aking mga kasalanan sa Diyos at tumanggap ng kapatawaran? Mayroon ba akong pakikisama sa Kanya at sa ibang mananampalataya? Sumusunod ba ako kay

Jesus? Nararanasan ko ba ang kalayaan? Nararanasan ko ba ng lubos na kagalagakan sa Kanya? Mabunga ba ako para sa kanya? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Sinabi ni Jesus, “Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.” (Juan 15:5) Ang pagiging mabunga ay makakatulong sa ating kasigurahan sa kaligtasan. Ano ang kailangan pang mamunga ng marami sa akin? Kanino ko maaring pang ibahagi ang mangandang balita? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang Salita. Hingin sa Diyos na buksan ang iyong mga mata sa mga bagay na nais Niyang matutunan mo. Pasalamatan Siya sa kasiguruhan ng kaligtasan. Hingin sa Kanya na tulungan kang mabuhay sa katotohanang kung sino ka kay Cristo at maging matapang na ibahagi si Jesu-

Cristo sa iba.

Page 71: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo gagamitin at ipapaliwanag sa iba ang pagkakaiba na mga dahilan ni Juan na

kanyang ibinigay sa atin sa pagsusulat ng Ebanghelyo at nitong Liham sa 1 Juan? (Isaalang-alang ang 1 Juan 5:13 at ang huling dalawang talata sa Juan kabanatang 20).

2. Sa paanong paraan ang unang 16 na mga talata sa 1 Juan magka-kumpara sa unang 18 mga

talata sa Ebanghelyo ni Juan 3. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang walong puntos ng

Kasiguruhan ng Kompas? 4. Ano ang dalawang katibayan sa Ebanghelyo na bumubuo sa pundasyon ng Kasiguruhan ng

Kompas? (Isaalang-alang ang 1 Mga Taga Corinto 15:1-4) 5. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang paraan na kung inilagay mo

ang iyong pananampalataya sa dalawang katibayan na iyon ay magdadala sa iyo sa kasiguruhan ng iyong kaligtasan?

Page 72: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano mo ipapaliwanag sa iba at gagamitin sa iyong sarili ang paraan na ang konseptong 1 na pinangalanang “follow-ship” ay mahalagang punto sa Kasiguruhan ng Kompas? (Isaalang-alang ang Juan 17:17 at 7:17)

7. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang huling tatlong puntos sa

espirituwal na kompas: kalayaan, kapunuan at mabunga?

Page 73: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Kaloob na Katiyakan

Kabanata 13 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 85

Layunin: Upang maunawaan ang mga bahagi sa katiyakan na nasa 1 Juan. Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?

—1 Juan 4:20 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.

—1 Juan 2:15 Sino nga ba ang sinungaling? Hindi ba't siya na nagsasabing si Jesus ay hindi ang Cristo? Ang sinumang nagsasabi nito ay ang anti-Cristo; hindi nila pinaniniwalaan ang Ama at ang Anak. Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag kinilala ninuman ang Anak, kinikilala rin niya ang Ama.

—1 Juan 2:22-23 Sinulat ni Juan ang 1 Juan upang malaman ng mga naniniwala kay Jesus na mayroon silang buhay na walang hanggan. Sa kabanatang 2, ibinigay niya ang mga bahagi ng katiyakang ito. Ang una ay ang mahalin ang kapatid o kapwa. Itinuro ni Jesus na dapat nating mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa sarili. Sinabi Niya sa mga alagad na magmahalan sila sa isat-isa upang malaman ng mundo na sila ay mga alagad ni Jesus. Sa liham na ito, sinasabi ni Juan na kung sino man ang nagsasabi na siya ay nasa liwanag ngunit kinapopootan ang kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin siya. Ang pangalawang bahagi ng katiyakan ay ang ibigin ang Diyos higit pa sa mundo at sa pananaw nito, sa kahalagahan nito, at sa istilo ng pamumuhay nito. Ang pangatlo ay ang pagpahid ng langis ng Banal na Espiritu. Iniingatan tayo ng Banal na Espiritu sa tamang doktrina. Ang bawat nakakakilala sa Diyos ay alam ang katotohanan. Ang taong nagkakaila sa Ama at kay Jesus ay sinungaling at anti-Kristo. Kung mayroon tayong kakayahan na kumilala sa espirituwal na bagay, mayroon tayong karisma o ang Banal na Espiritu. Pang-apat, ang mga taong ipinanganak sa Diyos ay hindi gawi ang magkasala. Sila ay maaaring mahulog sa kasalanan, ngunit hindi ito ang natural sa kanila. Noong ipinanganak tayong muli, ang ating mga gawi ay nabago. Kapag tayo ay nagkasala, ipinapahayag natin ito sa Diyos—sumasang-ayon tayo sa Diyos—at nagpapasalamat sa Kanyang kapatawaran.

Page 74: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Pang-lima, ang ating kaligtasan ay hindi base sa pakiramdam. Kapag binabagabag tayo ng ating budhi, dapat nating alalahanin na ang ating kaligtasan ay base sa ginawa Niya at ang ating paniniwala sa Kanya, hindi nang ating pakiramdam.

1. Tama o Mali? Maaari nating mahalin ang Diyos kahit hindi natin mahalin ang ating kapatid.

2. Tama o Mali? Kung pakiramdam natin na tayo ay espirituwal, ligtas nga tayo. 3. Tama o Mali? Maaari nating mahaling sabay ang Ama at ang mundo.

4. Tama o Mali? Ang mga taong ipinanganak sa Diyos karaniwan ay nagiging ugali ang magkasala.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Ano ang mga iilang dahilan bakit mag-aalinlangan tayo sa ating kaligtasan? a. Nasiraan ng loob sa ating paglago sa espirituwal b. Kapagurang pisikal sa ministeryo c. Pakikibaka sa espirituwal d. Lahat ng nasa itaas.

6. Ano ang isa sa mga bahagi ng katiyakan?

a. Pagkilala sa mga bagay na espirituwal b. Opinyon ng iba sa atin c. Pagmamahal sa mundo d. Pagiging mabuting tao

7. Bakit mahalaga na makasiguro sa ating kaligtasan? (piliin lahat ng akma)

a. Makakatulong ito para maging epektibong patotoo para kay Cristo. b. Magbibigay aliw sa atin. c. Upang makaranas ka ng kagalingan pisikal. d. Imposible na makasiguro.

Page 75: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

8. Ano ang kahulugan ng mahalin ang Diyos higit sa mundo?

a. Sundin ang Kanyang mga paraan at mabuhay para sa Kanya. b. Lubos na humiwalay sa mundo. c. Mahalin ang Diyos at mapoot sa mga hindi mananampalataya. d. Mabilang ng iglesia na ikaw ay matagumpay.

9. Bakit hindi natin puwedeng mahaling sabay ang Diyos at ang mundo?

a. Tayo ay tao lamang at hindi natin kayang gawin ang ganoong pagmamahal. b. Dapat nating mahalin ang mundo, kung magkagayon ay maaari tayong maging

epektibong patotoo. c. Lahat ng nasa mundo—ang mahalaga dito, ang istilo ng pamumuhay dito, at ang

pananaw dito—ay salungat sa banal na kalikasan ng Diyos. d. Ang mundo ay puno ng mga makasalanang tao, ayaw ng Diyos sa mga

makasalanan.

10. Paano natin malalaman na mayroon tayong Banal na Espiritu? (piliin lahat ng akma) a. Kapag tayo ay nagsalita sa ibang wika. b. Kapag nakaranas tayo ng milagro. c. Ang bunga ng Espiritu ay makikita sa ating buhay. d. Tinuturuan tayo ng Banal na Espiritu ng mga espirituwal na katotohanan.

11. Ano ang papel ng ating pakiramdam sa ating kasiguruhan? (piliin lahat ng akma)

a. Kung pakiramdam natin tayo ay ligtas, kung ganon ligtas nga tayo. b. Ang kaligtasan ng Diyos ay hindi nagbabago dahil sa ating mga damdamin. c. Kung binabagabag tayo ng ating puso, gayon din ang Diyos. d. Ang ating kaligtasan ay base hindi sa pakiramdam kundi sa mga katibayan na

tayo ay nagtitiwala sa Ebanghelyo.

12. Paano ang kasalanan ay nagiging tagapaghiwatig ng ating kaligtasan? a. Hindi natin nagiging ugali ang magkasala. b. Hindi tayo magkakasala kailan man. c. Hindi natin pinapansin ang pagkakasala. d. Nagkakasala lamang tayo ng kaunti.

Page 76: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Nararamdaman mo ba na hinihila ka ng pagmamahal sa mundo? Ano ang iilang bahagi ng iyong buhay na dapat isuko sa Ama?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Aling bahagi ng kasiguruhan ang higit na makakatulong sa iyo? Bakit? Alin dito ang mahirap para sa iyo na maunawaan o mapaniwalaan? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos na makakasiguro tayo sa ating kaligtasan. Hingin sa kanya na gamitin ang mga bahagi ng katiyakan upang tiyakin ang iyong kaligtasan at lumago ang iyong pananampalataya sa Kanya upang maibahagi mo sa iba. Pasalamatan ang Diyos na ang iyong kaligtasan ay hindi nakadepende sa iyong

mga pakiramdam. Pasalamatan ang Diyos sa paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iyong puso at buhay upang turuan ka at tiyakin sa iyo na ikaw ay nasa Kanya. Hingin sa Kanya na tulungan kang maalala ang mga natutunan mo sa pag-aaral na ito sa tuwing maramdaman mo na hindi ka sigurado sa iyong kaligtasan.

Page 77: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang ang paraan ni Juan sa

pagsasabi sa atin na ang Pagpahid ng Langis sa atin, ang nangangalaga sa atin sa tamang doktrina, ay isa sa mga bahagi ng katiyakan?

2. Ipaliwanag at gamitin sa iyong sariling buhay ang paraan kung saan si Apostol Pablo ay

nagtuturo din ng parehong bagay sa 1 Mga Taga Corinto 2 at 12:3. 3. Ipaliwanag at gamitin sa iyong sariling buhay ang paraan kung saan sinabi sa atin ni Juan sa

kabanatang 3 na mayroon dalawang uri ng tao sa mundong ito, ang mga anak ng Diyos at mga anak ng diyablo, at ito ay maaaring isa pa ring bahagi ng ating katiyakan.

4. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ibabahagi sa iba ang katotohanan na ang mga anak ng

Diyos ay hindi nagkakasala? 5. Gawin din ang pareho para sa katuruan ni Juan na ang mga anak ng Diyos ay hindi maaring

magkasala dahil ang Kanyang binhi ay nananatili sa kanila.

Page 78: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano mo gagamitin sa iyong sariling buhay at ipapaliwanag sa iba ang katuruan ni Juan (sa 3:18-23) na, kung maramdaman natin ang lumbay, ang Diyos ay higit sa ating pakiramdam?

7. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang payo ni Juan upang malabanan

ang kalumbayan at makikita ang isa na namang bahagi ng kasiguruhan sa katotohanang ang magmahalan sa isat-isa ay nagbibigay ng kasiguruhan sa atin.

Page 79: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Kapahayagang Nagbibigay Katiyakan

Kabanata 14

Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 86

Layunin: Upang maunawaan na ang pagpapahayag kay Cristo ay sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa iba.

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

—1 Juan 4:7-8 Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?

—1 Juan 4:18-20 Nagbigay si Juan ng maraming dahilan bakit kailangan nating mahalin ang bawat isa at samakatuwid ating ipinapahayag ang Espiritu ni Cristo, ito ang espiritu ng pag-ibig. Ang Diyos ay pinagmumulan ng pag-ibig, at tayo lamang ang makakaibig ng agape. Kung tayo ay nagmamahal, tayo ay ipinanganak sa Diyos at kilala ang Diyos, dahil ang agape ay nanggagaling lamang sa Diyos. Ang esensya ng Diyos ay pag-ibig. Kung tayo ay ligtas, tayo ay na kay Cristo, at ang ating kredensyal ay pag-ibig. Dapat din tayong mag-ibigan sa isat-isa dahil kung tayo ay nananahan sa pag-ibig, tayo ay nananahan sa Diyos at Siya ay nananahan sa atin. Ang agape ay hindi makasarili, walang inaasahan, tulad ng pag-ibig ni Jesus sa atin. Nais ng Diyos na mahalin natin ang mga tao sa paligid natin nang Kanyang pag-ibig. Isa pang dahilan kung bakit dapat tayong magmahal ay upang magkaroon ng katapangan na humarap sa Judgment Seat of Christ. Kung tayo ay ganap na nagmamahal, kaya nating humarap sa paghahatol nang may lakas ng loob dahil ang pag-ibig ang siyang katuparan ng kautusan. Ang ganap na pag-ibig ay nagtatakwil sa pagkatakot—isa sa mga problema ngayon. Kung mayroong kang ganap na pag-ibig sa Diyos, maaari mong isuko lahat at ang buo mong pagkatao sa Kanya. Kung mayroon kang ganap na pag-ibig sa iba, maaari mong sabihin, “Lahat nang nasa akin ay sa iyo. Pangako ko na mamahalin kita.” Kapag mayroon kang kusang loob na nagbibigay, wala kang dapat ikatakot o ikawala.

Page 80: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Dapat din nating mahalin ang ating kapwa dahil hindi tayo puwedeng magmahal sa Diyos kung hindi natin mahal ang ating kapwa. Kahuli-hulihan, si Jesus ang ating Panginoon, nag-utos na mahalin ang ating kapwa, at kailangan tayong sumunod sa Kanya. Sumulat si Juan ng tatlong saksi sa ating karanasan na nagbibigay sa atin ng kasiguruhan: ang pagsaksi at bunga ng Banal na Espiritu sa atin; ang tubig, maaaring tumutukoy sa bautismo, na nangangailangan ng pagpapahayag sa publiko ng ating pananampalataya; at ang dugo ni Jesus. Sa 1 Juan, binigyang diin ni Juan ang kasiguruhan. Sa 2 at 3 Juan, ang binigyan niya ng diin ay ang katotohanang itinuro ni Jesus, at ang ating pananatili sa katapatan sa katotohanan. Ang pagtalikod (heresy) ay nagsimula ng maaga sa kasaysayan ng iglesia, at sinabi ni Juan na maliwanag na wala tayong dapat pakikisama sa mga tumatalikod sa pananampalataya.

1. Tama o Mali? Mahirap makilala ang mga espiritu sapagkat wala sila sa laman.

2. Tama o Mali? Ang tatlong saksi sa ating kaligtasan ay: ang Banal na Espiritu, ang tubig, at ang dugo.

3. Tama o Mali? Ang makilala si Jesus na personal ay mas mahalaga kaysa malaman ang

tungkol sa Kanya.

4. Tama o Mali? Inuudyukan ni Juan ang mga bumabasa na sikaping pabalikin sa pananampalataya ang mga tumalikod.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Ano ang ibig sabihin ni Juan na subukin ang mga espiritu? a. Tumawag sa mundo ng mga espiritu upang makita ang mga sagot sa mga

katanungan sa buhay. b. Lahat ng espirituwal ay mabuti.

Page 81: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

c. Tignan kung ang espiritu ay sumasang-ayon sa Katotohanan ng Salita ng Diyos.

d. Ilagay ang mga ibang tao sa espirituwal na pagsubok.

6. Ano ang panalangin ni Jesus sa mga alagad na gagawin nila? a. Maging pinaka-makapangyarihang lider ng relihiyon sa buong panahon. b. Magmamahalan sa isat-isa upang maniwala ang mundo na Siya ay pinadala ng

Diyos. c. Tumigil sa pag-aaway nila. d. Maging matagumpay sa lahat ng kanilang gagawin.

7. Ayon kay Juan, paano natin ipapahayag si Cristo sa ating laman?

a. Sa pagsunod sa mga kautusan Niya. b. Magmahalan sa bawat isa. c. Magkaroon ng bunga ng espiritu d. Magkasala at tumanggap ng kapatawaran

8. Ano ang isang dahilan bakit ang mga Kristiyano ay dapat magmahal sa kapwa.

a. Tayo lang ang may kakayahang magmamahal ng agape. b. Dapat tayong magmahal dahil nagbibigay ito ng magandang pakiramdam. c. Hindi natin kayang magmahal gaya ng Diyos, kaya huwag na lang nating gawin

ito. d. Ang magmahal sa kapwa ay nagpapakita na nauunawaan natin ang ebanghelyo.

9. Ano ang mga iilang katangian ng agape? a. Ito ay may kundisyon, base sa asal. b. Hindi ito makasarili, hindi nakatuon sa sarili. c. Inaalagaan ang iba pagkatapos alagaan ang sarili. d. Nagpapatawad sa mga iilang kamalian.

10. Paano ang paraan ng pagmamahal sa iba ay nagiging kasiguruhan sa ating kaligtasan?

a. Ang Diyos ay pag-ibig, samakatuwid kung tayo ay nananahan sa pag-ibig, tayo ay nananahan sa Diyos at Siya ay nananahan sa atin.

b. Kung magmamahal tayo ng tamang bilang ng tao, magiging karapatdapat tayong makarating sa langit.

c. Kapag nagmahal tayo, nagiging pag-ibig tayo at makakasiguro tayo sa pag-ibig ng Diyos.

d. Hindi naman talaga natin kailangan mahalin ang iba upang makarating sa langit.

11. Bakit may lakas loob tayong humarap sa paghuhukon kung tayo ay tunay na nagmahal dito sa buhay na ito?

a. Maipagmamalaki natin ang ating sarili sa pagsunod sa kautusan na ito. b. Magiging malinaw na mas mabuti tayo kaysa sa ibang mga Kristiyano na hindi

nagmahal sa ibang tao. c. Ang agape love ay ang katuparan ng Kautusan ng Diyos. d. Sa wakas makukuha natin ang pagkilala at gantimpala na nararapat dahil sa ating

pagsunod.

Page 82: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

12. Bakit sinabi ni Juan na pinapawi ng ganap na pag-ibig ang pagkatakot?

a. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay nagpapaalis ng takot sa Kanya. b. Imposible na magkaroon ng ganap na pag-ibig. c. Ang ganap na pag-ibig ay magagawa lamang sa Diyos, hindi sa iba. d. Kung mayroon tayong ganap na pag-ibig, pinapakawalan natin lahat ng mayroon

tayo dahil dito wala nang maiiwan na mawawala sa atin. Magtala ng tatlo o apat na bagay na natutunan mo mula sa pag-aaral na ito tungkol sa pagmamahal sa iba. Paano mo magagamit ito ngayong linggong ito? Paano mo magagawang regular na bahagi ang mga ito ng iyong buhay?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Sinasabi ni Juan, “Ang pinapawi ng ganap na pag-ibig ang takot.” (1 Juan 4:18) Ano ang iilan sa mga takot mo? Habang isinasa-alang-alang mo ang bawat isa, tukuyin kung saan ka natatakot na may mawala o maaari mong isuko. Maaari ka bang mangako na mamahalin ang Diyos nang ganap upang ibigay ang mga takot na ito sa Kanya? Kung hindi, manalangin na magkaroon ka ng lakas upang gawin ito sa susunod na buwan. ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Sa pagpapatuloy ng iyong buhay ngayon at araw-araw, isa alang-alang ang panalangin na ito: “Panginoon, ngayon nais kong pumunta kung nasaan ang mga taong nasasaktan at ilagay ang aking sarili sa gitna ng pag-ibig na nasa Iyo at lahat ng sakit na kanilang nararamdaman. Pakiusap ko ipagkaloob mo ang

pagmamahal mo sa pamamagitan ko at makapagministeryo ako sa kanilang mga kasakitan.” Pasalamatan ang Diyos na una Niya tayong minahal. Pasalamatan Siya na ang Kanyang pag-ibig, agape love, ay walang bayad na ibinibigay at walang kondisyon at inaasahan. Hingin sa kanya na lumago ka sa pag-ibig sa Kanya at sa iba. Hingin ang lakas na mahalin ang mga hindi kaibig-ibig. Hingin na tulungan kang magpatuloy sa mga natutunan mo sa pag-aaral na ito, tulungan ka sa mga bagay na mahihirap maunawaan at maisagawa.

MGA TALA

Page 83: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ayon sa 1 Juan 4:1-6, paano mo magagamit sa iyong sarili at ipaliwanag sa iba ang paraan

paano natin susubukin ang mga espiritu upang malaman kung galing sila sa Diyos? 2. Ayon sa 1 Juan 4:1-6, paano mo magagamit sa iyong sarili at ipaliwanag sa iba ang paraan na

ang isang espiritu ay pinapahayag si Cristo sa mundong ito? 3. Ayon sa 1 Juan 4:7-21, ibigay at gamitin sa iyong sarili ang sampung dahilan bakit sinabi ni

Juan na dapat tayong magmahalan sa isat-isa. 4. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sarili ang paraan paano sinabi sa atin sa

talatang 16 kabanatang 4 na maaari nating makilala ang Diyos at maging daluyan tayo ng pag-ibig ng Diyos na isa na namang bahagi ng ating kasiguruhan?

5. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sarili ang paraan na ang siyam na salita sa

talatang 17 ay naglalarawan ng tunay na alagad na pinapahayag si Jesu-Cristo sa kanilang mga espiritu? (“…kung ano Siya, ay gayon din naman tayo sa sanlibutang ito…”)

Page 84: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang paraan kung saan ang ganap na pag-ibig ay magagawang pawiin ang takot at umaasa sa paghuhukom ni Jesu-Cristo na walang takot?

7. Anong kautusan (sa 4:21) sa palagay mo binabase ni Juan sa kanyang huling dahilan kung

bakit dapat tayong magmahal, at paano mo ito magagamit sa iyong sarili at ipaliwanag sa iba?

Page 85: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Kapahayagang Mula Sa Diyos

Kabanata 15 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 87

Layunin: Upang ipakilala ang aklat ng Judas at Pahayag. Ngunit magpakatatag kayo, mga minamahal, sa inyong napakabanal na pananampalataya. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo. Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay kayo sa ating Panginoong Jesu-Cristo na

magkakaloob sa inyo ng buhay na walang hanggan dahil sa kanyang habag sa atin. —Judas 20-21

Ito ang pahayag na ibinigay ng Diyos kay Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo, kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya. Ang layunin ng paghahayag na ito'y ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. Ito ang patotoo ni Juan sa lahat ng nakita niya tungkol sa mensahe ng Diyos na ipinahayag naman ni Jesu-Cristo.

—Pahayag 1:1-2 Isa sa mga pinakamaikling aklat sa Bagong Tipan ay isinulat ni Judas, sinasabi ng mga iskolar na siya ay, tulad ni Santiago, isa sa mga kapatid sa laman ni Jesus. Tinatalakay ni Judas ang problema ng mga tagapagturo sa pagtalikod (apostate) ang mumurahing biyaya. Tinuturo ng mga tagapagturo na ito na hindi dinidisiplina ng Diyos ang Kanyang mga anak. Sa paggamit ng mga halimbawa sa Biblia, ipinaliwanag ni Judas na hindi pinababayaan ng Diyos na gawin ng Kanyang mga anak ang lahat ng gusto nila. Malinaw na inilalarawan ni Judas ang mga tumatalikod bilang masasamang mga dungis, punong hindi namumunga, at mga talang pagala-gala na ang kahihinatnan ay kadiliman. Inuudyukan niya ang mga mananampalataya na sagipin ang mga nahulog sa pagtalikod, sila mismo ay manatili sa pananampalataya, at matututong manalangin sa Banal na Espiritu. Ang huling aklat ng Biblia, ang Pahayag, ay maaaring ang pinakamahirap maunawaan na aklat sa Biblia. Ang salitang pahayag ay galing sa salitang Griyego na ibig sabihin ay “alisin ang nakatakip na belo.” Kung hindi inalis ang belo hindi natin mahuhulaan ano ang nasa likod. Nagpapahayag ang Diyos sa atin ng dalawang lugar ng katotohanan sa pamamagitan ng mga propeta: ang simula, o pagkalikha, at ang hinaharap. Kailangan natin ang ibang mga aklat sa Biblia upang tulungan tayong maunawaan ang Pahayag. Ang aklat ng Pahayag ay nagsimula kay Juan sa Isla ng Patmos dahil sa kanyang pananampalataya kay Cristo. Ang Pahayag ay isinulat sa pamamagitan ng code, at kailanga natin ang susi upang mabali natin ang code. Ang master key ay ang Banal na Espiritu. Hindi lamang tayo tinuturuan sa mga espirituwal na bagay, kundi tinutulungan din tayo ng Banal na Espiritu na maunawaan at magamit ang Salita ng Diyos sa ating buhay.

Page 86: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Isa pang susi upang mabali ang code ay kaalaman sa mga simbolo o tanda sa Biblia. Ang Pahayag ay maganda, isang inspiradong sign language at isang mensahe mula Diyos para sa Kanyang mga tao.

1. Tama o Mali? Naniniwala ang mga iskolar na ang sumulat sa liham ni Judas ay ang kapatid ni Jesus at Santiago.

2. Tama o Mali? Binigyang babala ni Judas ang mga bumabasa sa kanyang sulat tungkol sa

mga tao sa Iglesia na nagtuturo ng mumurahing biyaya. 3. Tama o Mali? Ang mga tumalikod (apostate) ay tama tungkol sa hindi pagdidisiplina ng

Diyos sa Kanyang mga anak.

4. Tama o Mali? Ang Pahayag ay puno ng mga simbolo na hindi natin kayang maintindihan.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Bakit sumulat si Judas tungkol sa kaligtasan? a. Alam niya na naintindihan na nila ang lahat. b. Kaagad na nagulo ang kanyang layunin sa pagsusulat. c. Kinakailangan siyang sumulat tungkol sa mga tumatalikod na humihila sa mga

tao upang tumalikod sa pananampalataya. d. Nais niyang pag-usapan ang tungkol kay Jesus.

6. Paano inilarawan ni Judas ang mga tumalikod? (piliin lahat ng akma)

a. Mga talang pagala-gala b. Mga kapatid kay Cristo c. Mga punong walang bunga d. Pinagkamaliang mga Kristiyano

Page 87: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

7. Ano ang ipinayo ni Judas na gawin ng mga mananampalataya? a. Patibayin ang kanilang pananampalataya at tulungan ang mga lumalayo sa

pananampalataya b. Pumunta sa iglesia tuwing linggo at magbigay ng ikapu c. Huwag makisama sa mga mananampalataya na tumalikod d. Iwanan ang iglesia at magsimula ng bago

8. Bakit nasa Isla ng Patmos si Juan?

a. Matanda na siya at pumunta siya doon upang mamatay ng payapa. b. Mayroon siyang pamilya at mga kaibigan doon. c. Nagbabakasyon siya doon. d. Napatapon siya doon dahil sa kanyang pananampalataya kay Cristo.

9. Bakit inilagay sa huli ng Biblia ang Pahayag ng mga nag-organisa dito? a. Kailangan natin ang ibang mga aklat sa Kasulatan upang bigyan ng kahulugan ito. b. Alam nila ang mga tao ay titigil sa pagbabasa kapag inilagay ito sa harapan. c. Ang mga larawan ay magbibigay takot na huwag nang tingnan ang ibang bahagi

ng Kasulatan. d. Hindi nila alam anong gagawin dito.

10. Ano ang dalawang malaking kaganapan ang hindi natin malalaman kung hindi inalis ng

Diyos ang takip ng belo at ipinakita sa Kanyang mga propeta? a. Ang pagpasok sa Lupang Pangako b. Ang pagkasira ng Sodoma at Gomorrah c. Ang simula at katapusan ng mundo d. Ang baha at ang arko

11. Ano ang isang bagay na dapat mayroon tayo upang mabali natin ang code ng Pahayag?

a. Tapang b. Edukasyon c. Talino d. Ang Banal na Espiritu

12. Ano ang isa pang susi na nabanggit sa pag-aaral na ito na kailangan natin upang mabali ang

code ng Pahayag? a. Mga impormasyon sa Kasulatan tungkol sa mga tanda na nabanggit b. Siyentipikong code na ginawa sa nakalipas na tatlong dekada c. Sikretong kaalaman tungkol sa mga numero d. Ang pastor ang magbibigay kahulugan para sa atin.

Page 88: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang mga tumalikod o bulaang mga guro ay ginawang walang halaga ang kaligtasan kaloob ng Diyos sa pagsasabi na hindi didisiplinahin ng Diyos ang Kanyang mga sumusuway na mga anak. Bakit mali na ituro ang biyaya ay mumurahin? ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Gumawa ng listahan na may mga pamagat na ganito, at iyong punuin ito habang pinag-aaralan natin ang aklat ng Pahayag. 1st Column: Tanda 2nd Column: Personal na pahayag ( hingin sa Diyos anong ibig sabihin ng tanda)

3rd Column: Ang Salita (itala saan pang lugar makikita sa kasulatan ang tanda) 4th Column: Komentaryo (ano ang sinasabi ng mga iskolar dito)

5th Column: Huling konklusyon (ang sarili mong kaisipan dito)

Pasalamatan ang Diyos sa napaka-mahal na kaloob na biyaya na ibinigay Niya at kung ito ay binale wala mo lang, humingi ng kapatawaran. Hingin na tulungan kang basahin ang Pahayag na may pananabik, kababaan ng loob, at pananampalataya. Pasalamatan Siya na ikaw ay pinakamamahal Niyang anak.

Hingin na tulungan kang makilala mo pa Siya ng mabuti at magtiwala sa Kanya, ano man ang sitwasyon mo sa buhay. Pasalamatan Siya na Siya ang iyong pag-asa dito sa buhay na ito at sa kabilang buhay.

MGA TALA

Page 89: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Hindi natin maikakaila kundi humanga sa pagdidiin sa dalisay na doktrina sa pangwakas na

sulat ni Juan at sulat ni Judas. Paano mo magagamit sa iyong sarili ang mga sulat na ito at ipaliwanag sa iba?

2. Paano mo ipapaliwanag at gagamitin sa iyong sarili ang matibay na katotohanan na ang

apostol ng pag-ibig, si Juan, ay matatag sa kanyang pagsasabi kung paano tayo makisama sa mga bulaang guro na hindi nagtuturo ng tamang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Jesu-Cristo?

3. Sa parehong paraan, ano ang iyong paniniwala sa personal na gamit nitong kamangha-

manghang, makalarawang sulat ni Judas na pinapaliwanag ang mga taong nagtuturo ng maling doktrina?

4. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang paraan na ginamit ni Judas ang

kabanatang 14 ng Mga Bilang at Sodoma at Gomorrah upang ituro sa atin ang tungkol sa ugali ng Diyos na parang bahaghari—iba-ibang katangian mula sa pag-ibig tungo sa poot?

5. Sa paanong paraan nakatulong ang pinagawang talaan sa aklat ng Pahayag upang

maunawaan mo at maipaliwanag sa iba ang huling aklat ng Biblia?

Page 90: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Aling susi ang nakakabali sa code ng mensahe ng Diyos sa Kanyang mga tao (Ang Pahayag)

na magpapaliwanag bakit ang mga nag-organisa ng Biblia ay inilagay ang aklat na ito sa hulihan ng Biblia?

7. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang simbolong “Ang Pitong

Espiritu ng Diyos?”

Page 91: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Mga Simbolo ng Tagapagligtas

Kabanata 16 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 88

Layunin: Upang maunawaan ang halaga ng mga tanda at simbolo sa Pahayag. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan. Ginawa niya tayong isang lahi ng mga pari na naglilingkod sa kanyang Diyos at Ama. Kay Jesu-Cristo ang kapurihan at kapangyarihan magpakailanman!

Amen. —Pahayag 1:5b-6

Naputol na tulad ng punongkahoy, ang paghahari ng anak ni Jesse. Ngunit katulad ng pag-usbong ng mga bagong sanga sa pinutol na puno, sa lahi niya'y lilitaw ang isang bagong hari. Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa, ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.

—Isaias 11:1-2 Kapag pinag-aaralan ang Pahayag, kailangan natin ang mga susi upang buksan ang misteryo sa loob nito. Ang Banal na Espiritu ang master key na Siyang nagsasabi sa atin kung ano ang darating. Ang pangalawang susi sa aklat na ito ay ang kanyang mga simbolo, dahil ginamit na ito sa ibang bahagi ng Biblia. Ang isang hanay ng mga simbolo ay ang pitong espiritu ng Diyos. Ang pito ay sumisimbolo sa pagiging ganap o buo, nangangahulugan na ang mga espiritung ito ay kapahayagan ng pagka-perpekto ng Diyos. Inilista sa Isaias 11:1-2 ang mga ito. Ang talatang ito ay tumutukoy sa Mesiyas na darating, si Jesus, na siyang ganap na kapahayagan ng Diyos. Ganun din naman, sinasabi ng Pahayag 4 na ang pitong ilawan sa harapan ng trono ay ang pitong espiritu ng Diyos. Ang Kordero na mukhang pinatay ay mayroong pitong sungay, na kumakatawan sa kapangyarihan, at pitong mata, na kumakatawan sa karunungan. Ang Korderong ito, si Jesus, ay ang pinagsamang kapahayagan ng Espiritu ng Diyos, na may ganap na karunungan at kapangyarihan. Si Jesu-Cristo lamang ang laging puspos ng Espiritu. Isa pang simbolo sa aklat ng Pahayag ay ang boses na tunog trumpeta, nagpapa-alala sa atin ng pagtunog ng trumpeta na maririnig sa buong mundo bago ang Rapture. Ang salamin na dagat ay tumutukoy sa pingga na ginamit sa tabernakulo para sa paglilinis. Ang dagat ay pinatigas, ibig sabihin dahil sa nilinis na tayo ng dugo ni Jesus, sa langit hindi na tayo lilinisin pa. Nakakita si Juan ng librong selyadong-selyado ng pitong selyo, ngunit walang sino man ay karapat-dapat na magbukas nito. Ito ay tumutukoy sa aklat ng Ruth, na nagsasabi sa mga pagkakautang ng babae na selyado hanggang sa panahon na papayag ang kinsman-redeemer

Page 92: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

(kamag-anak na taga-pagtubos) na bayaran ito sa pamamagitan ng pagtutubos sa kanya. Sa Pahayag, walang sinoman na handa o makayang sirain ang selyo at bayaran ang utang, kaya nga umiyak si Juan. Pagkatapos ang Leon ng Judah, si Jesus, tumayo at sinira ang selyo. Binayaran niya ang ating mga utang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan.

1. Tama o Mali? Kapag nabali natin ang code sa Pahayag, malalaman natin ang eksaktong mangyayari at kailan.

2. Tama o Mali? Laging tinatawag ni Jesus ang Kanyang Sarili na Apha at Omega, na siyang

una at huling letra sa alpabeto ng Griyego. 3. Tama o Mali? Ang Pahayag ay dapat sumunod sa Genesis dahil pareho silang kapahayagan

ng Diyos.

4. Tama o Mali? Posible na lagi kang puspos ng Espiritu.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Paano natin maintindihan ang mga simbolo sa Pahayag? (piliin lahat ng akma) a. Hanapin sila kung saan sila binanggit sa ibang bahagi ng Kasulatan at pag-aralan

sila. b. Gamitin ang ating imahinasyon. c. Hingin ang tulong ng Banal na Espiritu. d. Tanggapin ano man ang pakahulugan ng iba.

6. Sa Pahayag, bakit si Jesus ang kumpletong kapahayagan ng Diyos?

a. Mayroon siyang boses ng napakalaking trumpeta. b. Hindi natin sila parehong lubos na kilala.

Page 93: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

c. Ganap na ipinamalas Niya ang pitong espiritu ng Diyos. d. Ang katangian Niya sa pisikal ay kumakatawan sa mga katangian ng Diyos sa

langit.

7. Alin sa mga ito ang kasama sa pitong espiritu ng Diyos? (piliin lahat ng akma) a. Mabuting payo b. Pag-ibig c. Kapatawaran d. Karunungan

8. Ang Kordero na mukhang pinatay ay may pitong sungay at pitong mata. Alin sa pitong

espiritu ang maaaring kumakatawan sa mga ito? a. Proteksyon at pangitain b. Katigasan ng ulo at pagtingin sa hinaharap c. Kapangyarihan at karunungan d. Mga sandata at kaalaman

9. Sinong tao ang puspos ng Espiritu? a. Isang nagsasalita sa ibang wika b. Isang nagpapamalas ng pitong espiritu ng Diyos c. Isang nagpapanggap na masyadong espirituwal d. Bawat isa na nagsasabi na siya ay Kristiyano

10. Sa pag-aaral na ito, ano ang maaring kahulugan ng trumpeta? (piliin lahat ng akma)

a. Pagtawag upang sumamba b. Ang Rapture c. Ang boses ng Diyos d. Ang poot ng Diyos

11. Ano ang kumakatawan sa salamin na dagat?

a. Ang kagandahan ng langit b. Ang paalala na hindi na natin kailangan ang paglilinis sa espirituwal pagdating sa

langit c. Ang tubig na buhay d. Ang Dagat ng Galilee

12. Bakit naunang umiyak si Juan sa aklat na mayroon pitong selyo?

a. Nais niyang makita kung ano ang nasa sa loob ngunit ayaw siyang payagan ng anghel.

b. Walang sinoman ang maaaring magbayad sa Diyos sa pagkakautang ng tao dahil sa kasalanan.

c. Tinangka niyang buksan ito ngunit hindi niya kaya. d. Lubhang napakaganda nito.

Page 94: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Sino ang karapat-dapat na magbukas ng aklat na may pitong selyo? Bakit?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Ang 24 na matatanda na pinapaikutan ang trono ng Diyos ay karapat-dapat na maging malapit sa trono. Mayroon silang kanya-kanyang trono, nakasuot ng maputing damit at korona, at may mga hawak na alpa at mangkok ng insenso. Mukhang may matataas at marangal silang posisyon. Ang buhay mo ba ay nagpaparangal sa Diyos? Ano ang maaari mong gawin ngayon, itong linggo na ito, upang maparangalan mo Siya? ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pangitain na ito ng Kanyang kaluwalhatian sa langit. Pasalamatan Siya na ang Kanyang Salita ay puno ng mga simbolo na tumatali sa Luma at Bagong Tipan at pinuno ng pag-aaral sa misteryo at pagtutuklas. Hingin sa Diyos ang sigasig na pag-aralan at alamin ang Kanyang Salita. Manalangin na

ang Kanyang Banal na Espiritu ay magpahayag sa iyo ng mga nais Niyang ipaalam sa iyo tungkol sa aklat na ito at paano mo magagamit sa buhay mo. Manalangin nang may kababaan ng loob habang pinag-aaralan mo ito at ibinabahagi sa iba.

MGA TALA

Page 95: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang paraan ng mga simbolo sa

pambungad na mga talata sa kabanatang 4 na inilalarawan ang Diyos na binabaling lahat ng pagsamba sa langit palayo sa Kanya at papunta sa Kanyang Anak?

2. Paano ang reperensiya sa carnelian, jasper at emerald na mga hiyas ay maisasama sa

katanungan na iyon? 3. Sa paanong paraan ang pitong ilawan ay kumakatawan sa pitong espiritu ng Diyos na

kumikilos papunta sa mundo? 4. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ituturo sa iba ang detalye ng paraan na ang pitong

espiritu ng Diyos ay tumutukoy kay Jesus noong Siya ay narito at nabuhay muli, ang buhay na Cristo na nais ipamuhay ang Kanyang buhay sa pamamagitan natin ngayon?

5. Ano ang sinasabi ng mga alpa, koronang ginto, puting damit at mga mangkok na puno ng

insenso tungkol sa mga Matatanda na nakapaligid sa trono na kumakatawan sa pamumuno ng mga tao ng Diyos?

Page 96: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Ano ang sinasabi ng maliwanag na salamin na dagat tungkol sa katayuan natin sa kapatawaran sa lupa at ng sa langit?

7. Sa paanong paraan ang apat na buhay na nilalang pinapakilala ang pangkalahatang gawain ng

Diyos sa buong mundo?

Page 97: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Ministeryo ng Apostol

Kabanata 17 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 89

Layunin: Upang maunawaan ang balangkas at kronolohiya nang aklat ng Pahayag. Pagkakita ko sa kanya, para akong patay na bumagsak sa kanyang paanan, ngunit ipinatong niya sa akin ang kanyang kanang kamay at sinabi, “Huwag kang matakot! Ako ang simula at ang wakas, at ang nabubuhay! Namatay ako ngunit tingnan mo,

ako'y buháy ngayon at mananatiling buháy magpakailanman. Nasa ilalim ng aking kapangyarihan ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Kaya't isulat mo ang iyong nakita, ang nangyayari ngayon at ang mangyayari pa pagkatapos nito.

—Pahayag 1:17-19 Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.

—Pahayag 3:20 Ang pinakamahalagang susi upang mabuksan ang Pahayag ni Jesu-Cristo na natanggap ni Juan sa isla ng Patmos ay ang balangkas ng aklat. Sinabi ni Jesus kay Juan na itala kung ano ang kanyang nakita at sabihin ito sa pitong iglesia. Isusulat din ni Juan “ang mga bagay ngayon,” ang mga nangyayari sa mga iglesia, gayun din naman ang mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Ang tatlong puntos na ito—ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap—ang bumubuo ng balangkas ng aklat. Sa kabanatang dalawa at tatlo, sinabihan ni Jesus ang pitong iglesia na nasa Asia Minor sa panahon na iyon: Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea. Ang komentaryo Niya sa mga iglesia ay nagtapos sa, “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya,” at karamihan sa kanila ay sinabihan Niya na magsisi. Halimbawa, ang unang iglesia na sinabihan ay ang Efeso, na nanlamig siya sa kanyang unang pag-ibig, si Jesus. Kung hindi sila magsisisi, sinabi ni Jesus aalisin niya ang kanilang lampara—ang kanilang ministeryo. Naniniwala ang ibang mga iskolar na ang mga iglesiang ito ay kumakatawan sa balangkas ng kasaysayan ng iglesia. Kung magkagayon, ang Laodicea, ang huling iglesia na sinabihan, ay kumakatawan sa iglesia sa ating panahon. Dahil sala sa lamig o init ang kanilang pananampalataya, malapit na silang isuka ni Jesus mula sa Kanyang bibig. Akala nila sila ay mayaman, ngunit tinawag silang “abang-aba, kaawa-awa, mahirap, bulag, at hubad.” Pinaalala Niya sa kanila na dinidisiplina Niya ang mga mahal Niya at sinasabi na magsisi at buksan ang pintuan upang magkaroon sila ng samahan.

Page 98: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang ika-apat na susi upang mabuksan ang Pahayag ay maunawaan ang kronolohiya ng kabanatang 6-19, na bumubuo sa ikatlong bahagi ng balangkas ng aklat at pagtuon sa hinaharap. Ang kabanatang 4 at 5 ay sinisiyasat ang pagsamba sa langit, ngunit ang kabanatang 6 ay nagsisimula sa mga talatang mahirap bigyan ng kahulugan. Inilalarawan ni Juan ang sunod-sunod na pangyayari na bumubuo sa Pangalawang Pagdating ni Jesu-Cristo, ang Malaking Kapighatian. Ang susunod na bahagi, ang Paghuhukom ng Pitong Selyo, ang Pitong Trumpeta at ang Pitong Mangkok ay mahirap at kamangha-manghang basahin, at ang karagdagang komentaryo ay wala sa ayos ng kronolohiya. Hingin sa Banal na Espiritu na gabayan ka habang binabasa mo ang mga talatang ito.

1. Tama o Mali? Ang iglesia sa Sardis ay sala sa lamig o init.

2. Tama o Mali? Ang mga sinabi ni Jesus sa mga iglesia ay hindi magagamit sa ating panahon ngayon.

3. Tama o Mali? Posible na balangkasin ang aklat ng Pahayag.

4. Tama o Mali? Ang komentaryo sa gitna ng mga Paghuhukom ay mahirap maunawaan.

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Ano ang pinapagawa kay Juan? a. Bisitahin ang mga iglesia b. Tumakas mula sa pagkatapon c. Katagpuin ang ibang mga apostol d. Isulat lahat nang makikita niya

Page 99: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Ano ang tatlong pagkahati sa balangkas ng Pahayag? a. Mundo, langit, impiyerno b. Mga Selyo, mga trumpeta, mga mangkok c. Nakaraan, kasalukuyan, hinaharap d. Jesus, Diyos, Banal na Espiritu

7. Si Cristo ay nasa gitna ng pitong ilawan, na kumakatawan sa mga iglesia. Ano ang Kanyang

ginagawa? a. Inuutusan Niya ang bawat isa na pakinggan kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa

mga iglesia. b. Tumalikod siya sa ilawan. c. Binigyan Niya ng korona ng buhay lahat ng mga iglesia. d. Sinasabi Niya na nalulugod Siya sa kanila.

8. Ang Pahayag 3:20 ay tanyag na talata. Ano ang kahulugan nito? (piliin lahat ng akma)

a. Magkakaroon tayo ng samahan muli kay Jesus kung Siya ay iimbitahin natin. b. Huwag maging sala sa lamig o init. c. Sa langit, magkakaroon tayo ng ating sariling mga bahay. d. Dapat imbitahin Siya ng hindi mananampalataya sa kanilang buhay.

9. Ano ang mga sunod-sunod na pangyayari na itinala ni Juan sa Pahayag? a. Kung paano siya mapapalaya sa pagkatapon b. Ang pagkalikha sa mga iglesia c. Ang pagkasira ng mga iglesia d. Ang huling mga araw at ang Pangalawang Pagdating ni Cristo

10. Bakit paiiksiin ng Diyos ang Malaking Kapighatian sa pitong taon?

a. Ititigil niya ang proseso ng Pangalawang Pagdating upang maligtas ang mga tao. b. Ayaw na Niyang hatulan ang mga hindi pa tinubos. c. Magmamaka-awa si Jesus upang itigil ito. d. Walang mabubuhay kung hindi ito gagawin.

11. Ano ang kumakatawan sa mga selyo, trumpeta, at mangkok?

a. Ang ganap na espiritu ng Diyos b. Kaloob ng Diyos sa mga anghel c. Kaloob ng mga matatanda para sa Diyos d. Kakila-kilabot na mga paghatol

12. Ano ang mga susi na nabanggit sa pag-aaral na ito na makakatulong upang baliin ang code

ng Pahayag? (piliin lahat ng akma) a. Tagubilin sa mga iglesia b. Wika c. Balangkas ng aklat d. Kronolohiya

Page 100: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Bakit mahalaga na tandaan ni Juan na siya ay “nakarating sa Espiritu” noong natanggap niya ang pahayag mula kay Cristo?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Maaari ka bang makiisa sa igleisa sa Efeso o iglesia sa Laodicea? Kailangan mo bang magsisi ng anumang bagay ngayon? Kung ito ay totoo, ipahayag at pagsisihan mo na ito ngayon.

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos na ibinigay Niya sa atin ang mensaheng ito upang malaman natin ang darating na pangyayari. Hingin na tulungan ka habang nauunawaan mo at nagagamit mo ang mga natutunan mo sa aklat ng Pahayag. Manalangin na tulungan kang maging handa sa Kanyang pagdating. Pasalamatan

Siya sa pagsulyap ng Kanyang kahanga-hangang kamahalan at kapangyarihan. Pasalamatan Siya na balang araw itutuwid niya ang lahat ng bagay at tatanggap Siya ng kaluwalhatiang nararapat sa Kanya. Pasalamatan siya sa Kanyang pag-ibig at proteksyon sa iyo.

MGA TALA

Page 101: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ipaliwanag paano ang pinagawa kay Juan sa 1:19 kumakatawan sa balangkas ng aklat ng

Pahayag? 2. Bakit ang mga paghatol ay ipinakilala bilang mga bagay na siyang MANGYAYARI

pagkatapos? 3. Paano mo gagamitin sa iyong sarili at ipapaliwanag sa iba ang paraan na ang nakaselyong

balumbon sa kabanatang 5 ay nauugnay sa katubusan at sa Lumang Tipan ng aklat ni Ruth? 4. Sa paanong paraan ang mga susi upang mabali ang code sa Pahayag na aking ibinahagi sa iyo

ay nakatulong sa iyo upang maunawaan, magamit at maituro sa iba ang aklat ng Pahayag? 5. Paano mo magagamit sa iyong sarili at maipaliwanag sa iba ang paraan ng susi na aking

ibinahagi sa iyo sa kabanatang 6-19 ay nakatulong sa iyo na maunawaan ang pinakamahirap na bahagi ng aklat?

Page 102: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano magagamit sa iyong sarili at maituturo sa iba ang paraan ng aklat ng Mga Gawa (tingnan 1:6-8), kasama ang mga pahayag ni Jesus sa Mateo 24:36, nagtuturo sa atin na magpakumbaba tungkol sa pagbibigay kahulugan sa mga kronolohiyang ayos ng mga pangyayari na ating tinutukoy sa Pangalawang Pagdating ni Jesu-Cristo?

7. Ano ang iyong sariling paggamit at pananaw habang iyong tinuturo sa iba ang katotohanan

na ang lahat ng Kasulatan na nagtuturo sa bagay ng mga huling araw ay may mga praktikal na gamit tungkol sa mga uri ng mga tao na dapat tayong maging, at ang buhay na dapat nating ipamuhay dito sa mundo?

Page 103: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Ang Pag-awit ng mga Banal At Pagluhod ng mga Makasalanan

Kabanata 18

Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 90

Layunin: Upang malaman ang marami pang mga susi upang maunawaan ang Pahayag. Umaawit sila nang malakas, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, parangal, papuri at paggalang!”

—Pahayag 5:12 At sinabi ni Jesus, “Makinig kayo! Darating na ako! Mapalad ang tumutupad sa mga propesiya na nilalaman ng aklat na ito!”

—Pahayag 22:7 Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, “Pagmasdan ninyo, binabago ko na ang lahat ng bagay!” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo, maaasahan at totoo ang mga salitang ito.” Sinabi pa rin niya sa akin, “Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ng tubig na walang bayad na mula sa bukal na nagbibigay-buhay.”

—Pahayag 21:5-6 Ito ang huling kabanata sa Mini Bible College, ang kursong pagmamasid sa Biblia. Ang dalangin namin, pag natapos mo ang aralin, magpapatuloy kang pumunta sa Kasulatan ng madalas na mag-isa at makinig sa Banal na Espiritu sa mga bagay na nais Niyang ituro sa iyo. Tinalakay natin ang apat na susi at ito ang: Banal na Espiritu, ang mga tanda o simbolo, mga pagkahati ng libro, at ang kronolohiya sa kabanatang 6-19. Ngayon, sa ikalimang susi: magpakumbaba sa iyong pakahulugan sa mga pangyayari ayon sa kronolohiya at sa komentaryo ni Juan sa aklat. Sinabi ni Jesus sa Mateo kahit Siya hindi niya alam kung kailan siya babalik, kaya nga siguradong hindi natin matiyak kung kailan. Samakatuwid, ating tingnan ang aklat na ito na may kababaan ng loob. Pang-anim, ang ating tanging layunin ay sambahin ang Diyos, imbis na unawain o bigyan ng kahulugan ang lahat sa Pahayag. Marami tayong mauunawaan dito at dapat nating sundin ang mga ito, ngunit higit sa lahat, ang pag-aaral natin sa maka-propetang aklat na ito ay magtulak sa atin na sambahin ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Ang ika-pitong susi ay tanungin ang Diyos bakit pinahayag ang mga bagay na ito. Hindi Niya kailangang ipaliwanag o ganapin ang mga plano dito. Kundi, ang Kanyang layunin na ang Kanyang Salita ay maka-apekto sa atin. Inalis Niya ang belo upang mamuhay tayo na nagbibigay karangalan sa Kanya.

Page 104: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Pang-walo, maging maingat tayo sa nais nating isipin. Sinasabi ni Juan ang mga kaganapan sa aklat na ito ay kailangan mangyari. Napakaraming hindi makatarungan sa ating mundo, kung magkagayon ay mayroong paghatol upang ituwid ang lahat. Pang-siyam, dapat nating tandaan na hindi lahat ay makakasama sa trono ng Diyos. Sinasabi sa atin ng Filipos 2 na ang bawat tuhod ay yuyuko at bawat dila ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, ngunti hindi nangangahulugan na ang bawat isa ay ligtas. Kundi, ang ibig sabihin ang bawat nilalang, kahit ang mga nasa impyerno, ay ipapahayag na si Cristo ay Panginoon. Pang-sampu, kapag nakita natin ang Diyos sa Kanyang kaluwalhatian, kailangan natin masabi ang hindi masasabi. Ang mga banal ay aawit ng mga bagong awit, at kahit ang mga makasalanan ay sasaludo kay Jesus mula sa impiyerno. Iba pang mga susi na makakatulong sa atin upang maunawaan natin ang code ng Pahayag: ang makalanggit na drama at makamundong drama ay sabay na magaganap; ang komentaryo sa paghuhukom ay wala sa ayos ng kronolohiya; at panghuli, ang pagkukumpara sa aklat na ito sa ibang Kasulatan tungkol sa huling panahon ay makakatulong ng mabuti sa pang-unawa sa mga pangyayari.

1. Tama o Mali? Kapag natuklasan mo paano baliin ang mga code sa Pahayag ay may karapatan kang mag-mataas.

2. Tama o Mali? Walang nakakaalam kung kailan babalik si Jesus kundi ang Ama. 3. Tama o Mali? Ang pinakamahalagang layunin sa pag-aaral ng Pahayag ay sambahin ang

Diyos, hindi para malaman ang bawat piraso ng mga code.

4. Tama o Mali? Ang kanais-nais na pag-iisip tungkol sa mga huling panahon ay maaaring maglagay sa atin upang madaya tayo at ang iba kung ano ang maaaring mangyari.

Page 105: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Piliin lahat ng sagot na aakma.

5. Ano ang layunin ng Diyos sa propesiya? a. Upang hayaan tayong malaman ang mga kahulugan nito. b. Upang hayaan tayong mag-aral ng Salita. c. Upang itago ang katotohanan mula sa ibang tao. d. Upang sabihin sa atin ang tungkol kay Jesus.

6. Bakit ang pagiging mababa ay susi sa pang-unawa sa code ng Pahayag? (piliin lahat ng

akma) a. Ang pagpapakumbaba ay nagdadala sa atin na maging bukas sa pagtuturo ng

Banal na Espiritu. b. Ang pagpapakumbaba ay nagsasara sa ating kaisipan upang tingnan ang ibang

mga kahulugan. c. Makakatulong lang ang pagpapakumbaba kung iniisip natin na mali tayo. d. Ang pagpapakumbaba ay nagsasabi na naunawaan natin na hindi natin kayang

alamin paano o kailan mangyayari ang mga bagay.

7. Ano ang tamang tugon sa Pahayag? a. Nahuhumaling sa mga detalye b. Makipagdebate sa ibang mga Kristiyano tungkol sa inyong mga opinyon c. Binabale wala ang ibang bahagi ng Biblia upang mag-aaral lamang ng Pahayag d. Sambahin ang Diyos

8. Ano ang sinabi ng anghel noong nagpatirapa si Juan at sambahin siya?

a. “Ako ay karapat-dapat sa iyong pagsamba.” b. “Huwag mo akong sambahin, lingkod din ako ng Diyos.” c. “Tama ka sa pagsamba sa akin.” d. “Huwag mo muna akong sambahin.”

9. Bakit sasabihin sa atin ng Diyos ang tungkol sa mga huling araw? a. Nais Niya na malaman natin upang masunod natin ang Kanyang plano sa ating

buhay. b. Utang niya sa atin ang paliwanag, dahil tayo ay nilalang ayon sa Kanyang wangis. c. Alam Niya na matutuklasan di naman ng siyensiya ito. d. Nais Niya na mamuhay tayo na maka-diyos habang naghihintay sa pagganap ng

Kanyang mga plano.

10. Ayon sa pag-aaral, ano ang ibibigay ng Diyos upang masamba natin siya ng mabuti? a. Makalangit na koro b. Makalangit na lider sa pagsamba c. Bagong awit d. Boses ng mga anghel

Page 106: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

11. Ano ang mga kuwento na lalabas sa Pahayag? (piliin lahat ng akma)

a. Ang kuwento ng mga iglesia b. Ang makamundong kuwento c. Ang kuwento ng paglalang d. Ang makalangit na kuwento

12. Habang binabasa natin ang kamangha-manghang, mahihirap na mga talata sa Pahayag, ano

ang dapat isa-isip natin? a. Si Jesu-Cristo ay Hari ng mga hari at Panginoon ng mga Panginoon. b. Ang wika ay simboliko kaya ang mga kakila-kilabot na mga bagay ay hindi

mangyayari. c. Magbabagong isip ang Diyos sa huling sandali at hindi Niya gagawin ang mga

paghahatol. d. Hindi tayo dapat mag-alala tungkol dito dahil malayo pa ito sa hinaharap. Ano ang mga bagay na inilagay mo sa iyong puso mula sa pag-aaral sa Pahayag? Ano ang nais ng Diyos na gawin sa mga bagay na iyon?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ Mayroon bang inilantad na hindi kanais-nais na pag-iisip ang Banal na Espiritu mula sa iyo tungkol sa pag-aaral ng Pahayag? Ipahayag mo na ang mga bagay na ito ngayon sa Kanya, at hingin sa Kanya na baguhin ang iyong pag-iisip at tulungan kang magtiwala sa Kanya at sa Kanyang plano. ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa mga pinakita at itinuro sa iyo sa pag-aaral na ito. Hingin na ipagpatuloy na dalhin sa isip mo ang mga itinuro Niya. Hingin na hubugin at ayusin ang iyong pagkatao na nabubuhay at nagmamahal kay Jesus. Hingin na ipaalala sa iyo na nasa trono Siya, at nanalo na Siya sa labanan kay Satanas.

Pasalamatan ang Diyos na kahit ang langit at lupa ay lilipas, ikaw ay makakasama Niya sa walang hanggan dahil ang kasalanan na utang mo ay nabayaran na sa dugo ng Kordero ng Diyos—si Jesus na Cristo—na namatay. Hallelujah!

MGA TALA

Page 107: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano magagamit sa iyong sarili at maituturo sa iba ang kahalagahan ng katotohanan, sa

dalawang okasyon naitala sa 19:10 at 22:8-9, noong nais sambahin ni Juan ang anghel na tumulong sa kanya upang maunawaan ang lahat sa Pahayag, siya ay sinaway at sinabihan na huwag sumamba sa pang-unawa kundi SAMBAHIN ANG DIYOS?

2. Paano magagamit sa iyong sarili at maituturo sa iba ang halaga na huwag maakay ng kanais-

nais na kaisipan habang ikaw ay tumitingin sa likod ng belo ng Pahayag na ipinagkaloob ng Diyos sa atin?

3. Paano magagamit sa iyong sarili at maituturo sa iba ang kahalagahan ng katotohanan na ang

iilan sa bawat tribo at bansa ay naroon sa palibot ng trono sa langit? (Paano sila nakarating doon?)

4. Bakit mahalaga na bigyan ang mga tao ng Diyos ng bagong awit kapag sila ay nagkatipon

palibot sa Kordero sa Kanyang trono sa langit? 5. Ano ang iyong pansariling gamit at istratehiya sa pagtuturo habang ipinapakita mo ang

katayuan ng bawat bagay kaugnay sa trono maliban ang mga makasalanan na sumasaludo sa Kordero habang ang napakaraming mga mananampalataya ay umaawit ng mga bagong awit sa palibot ng trono?

Page 108: Ang Misteryosong Aklat - mbctagalog.org

6. Paano mo magagamit sa iyong sarili at maituturo sa iba na ang Biblia ay nagbukas sa

pamamagitan ng pagtatanong sa atin ng katanungan, “Nasaan ka?” at nagtapos nagpapahiwatig ng mahirap na katotohanan na kung saan noon nakadepende kung saan ka ngayon?

7. Paano magagamit sa iyong sarili at maituturo sa iba na posibleng may magawa sa kalidad ng

ating walang hanggan habang tayo ay nabubuhay dito?