2
Ang panawagan ng guro Bagama’t ito ang pinakamaliit na klaseng tinuruan ko, mayroon akong pitong designated students…. Ang reading levels ay kasing baba ng sa Grade 1, at mayroon pa akong limang estudyanteng naghihintay para ma-test. Talagang pinagsisikapan ko at ng aking pagod ná na EA na ihanda sila para sa middle school. Araw-araw ay mayroon kaming kinasisayahan, pero kulang pa rin. Kahit hindi namin isasaalang-alang ang mga pagbabagong nais gawin ng pamahalaan, maraming pa ring mga estudyanteng nahuhulog sa sistema! Pagod na ako, dahil napakahirap tulungan ang mga estudyanteng nahuhulog sa sistema. — Tamara Thomson, 25-taong-gulang na guro Ibahagi ang iyong mga alalahanin sa mga MLA Nananawagan ang mga guro sa kanilang mga kasamahan sa trabaho, sa mga magulang, at mga nag-aalalang British Columbians na magsalita na ngayon. Mangyaring hikayatan ang iyong MLA na palitan kaagad ang kanilang nais gawin! Mahalagang marinig ng lahat ng mga MLA, at hindi lamang ang Education Minister, ang ating mensahe: Itigil ang pagpaplano para sa prevalence model at simulan ang funding para sa public education, nang talagang isinasaisip ang mga bata at ang mga pamilya! Dahil ang bawat bata ay may karapatang makakuha ng public education na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan. Hanapin ang email address ng iyong MLA dito: www.leg.bc.ca/content-committees/Pages/MLA-Contact-Information.aspx CCD19-0045 March 2019 [Filipino] SPECIAL SPECIAL EDUCATION EDUCATION FUNDING FUNDING Dapat palitan ng ating pamahalaan ang nais nitong gawin Image source: iStock.com/FatCamera Nalalaman ng mga magulang at mga guro na naiiba ang bawat bata. Kapag ang mga estudyante ay may special needs, lubos na mas mahalaga ang kilalanin at tugunan ng mga paaralan ang kanilang kaiba-ibang likas na katalinuhan at mga hamon.

Ang panawagan ng guro SSPECIALPECIAL - bctf.ca · Sa kasamaang-palad, plano ng BC Minist ry of Education na palitan ang paraan ng pagpopondo nito sa mga serbisyo para sa mga estudyanteng

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang panawagan ng guro SSPECIALPECIAL - bctf.ca · Sa kasamaang-palad, plano ng BC Minist ry of Education na palitan ang paraan ng pagpopondo nito sa mga serbisyo para sa mga estudyanteng

Ang panawagan ng guro

Bagama’t ito ang pinakamaliit na klaseng tinuruan ko, mayroon akong pitong

designated students…. Ang reading levels ay kasing baba ng sa Grade 1, at

mayroon pa akong limang estudyanteng naghihintay para ma-test. Talagang

pinagsisikapan ko at ng aking pagod ná na EA na ihanda sila para sa middle

school. Araw-araw ay mayroon kaming kinasisayahan, pero kulang pa rin.

Kahit hindi namin isasaalang-alang ang mga pagbabagong nais

gawin ng pamahalaan, maraming pa ring mga estudyanteng

nahuhulog sa sistema! Pagod na ako, dahil napakahirap

tulungan ang mga estudyanteng nahuhulog sa sistema.

— Tamara Thomson, 25-taong-gulang na guro

Ibahagi ang iyong mga alalahanin sa mga MLA

Nananawagan ang mga guro sa kanilang mga kasamahan sa trabaho, sa mga magulang, at mga nag-aalalang British Columbians na magsalita na ngayon.

Mangyaring hikayatan ang iyong MLA na palitan kaagad ang kanilang nais gawin! Mahalagang marinig ng lahat ng mga MLA, at hindi lamang ang Education Minister, ang ating mensahe:

Itigil ang pagpaplano para sa prevalence model at simulan ang funding

para sa public education, nang talagang isinasaisip ang mga bata at ang

mga pamilya! Dahil ang bawat bata ay may karapatang makakuha ng

public education na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Hanapin ang email address ng iyong MLA dito: www.leg.bc.ca/content-committees/Pages/MLA-Contact-Information.aspx

CCD19-0045 • March 2019 [Filipino]

SPECIALSPECIALEDUCATIONEDUCATIONFUNDINGFUNDINGDapat palitan ng ating pamahalaan ang nais nitong gawin

Image source: iStock.com/FatCamera

Nalalaman ng mga magulang at mga guro na naiiba ang

bawat bata. Kapag ang mga estudyante ay may special needs,

lubos na mas mahalaga ang kilalanin at tugunan ng mga

paaralan ang kanilang kaiba-ibang likas na

katalinuhan at mga hamon.

Page 2: Ang panawagan ng guro SSPECIALPECIAL - bctf.ca · Sa kasamaang-palad, plano ng BC Minist ry of Education na palitan ang paraan ng pagpopondo nito sa mga serbisyo para sa mga estudyanteng

Ano ang mas mahalaga—ang mga estudyante o ang statistics?

Sa kasamaang-palad, plano ng BC Ministry of Education na palitan ang paraan ng pagpopondo nito sa mga serbisyo para sa mga estudyanteng may special needs. Sa halip na magbigay ng pondo batay sa mga pangangailangan ng mga indibidwal na bata, ito’y ibabatay sa kung gaano karami sa lahat ng mga estudyante ang mayroong ganoong kondisyon o kapansanan. Lubos na nag-aalala ang mga guro na kapag lumipat sa isang funding model batay sa prevalence statistics sa halip na mga tunay na pangangailangan ng mga estudyante, magkakaroon ito ng masamang konsekwensiya para sa special education sa BC.

Ang mga magulang, mga guro, at support

staff ay hindi isinama sa panel

Ang pagbabagong ito ay inirerekomenda ng isang panel na walang mga kinatawan mula sa mga magulang, mga guro, o school support staff . Sa madaling salita – hindi kasama sa panel ang mga taong pinaka-maaapektohan dahil sila ang nagbibigay-suporta sa mga batang minamahal nila, at dahil sila ang nagbibigay ng pinakamalaking tulong sa mga bata.

Kapag walang link ang mga pangangailangan

at ang mga serbisyo

Kung ang mga pangangailangan ng mga estudyante ay hindi na kailangang idiyagnos para sa funding, mas mababawasan ang makikitang ebidensiya na nararapat silang makakuha ng mga serbisyo. Kapag walang designation ng special needs, mas mababawasan ang mga dahilan na magbigay ng dollars upang matugunan ang mga ito.

Sa Ontario, ang prevalence model ay nagdulot ng lubos na alalahanin. Ayon sa isang report mula sa Elementary Teachers’ Federation of Ontario: Ang pagtanggal ng link ng funding sa needs ay lubos na nakaapekto sa mga estudyante, mga magulang, mga guro, at special education administrators, [dahil ang] tungkulin nila…ay nagbago; dati’y nakapagbibigay sila ng access sa mga serbisyong kinakailangan, pero ngayon ay kailangan nilang bantayan nang husto ang mga gastos at ang pagbabahagi ng kakaunting resources.

Kailangang paglabanan nang husto ng

mga magulang ang mga serbisyo

Kapag may prevalence model, mas madaragdagan ang pressure sa mga magulang dahil mas ipaglalaban nila ang pagkuha ng atensyon para sa kanilang mga minamahal na anak. Ang ilang mga magulang ay highly skilled advocates at sila’y may panahon at resources upang ipaglaban ang mga serbisyong kinakailangan ng kanilang mga anak, pero marami sa mga magulang ang walang panahon para dito. Dahil dito, hindi na magiging pantay-pantay ang pagkakataon para sa lahat ng mga bata sa ating buong school system, at mababawasan ang mga pagkakataon para sa mga pinakamahinang estudyente at kanilang mga pamilya.

Walang accountability

Isa pang nakakaligalig na aspeto ng prevalence model ay ang pagbigay ng pahintulot sa pamahalaan at sa Ministry of Education na hindi managot para sa kawalan ng mga serbisyo sa mga batang pinaka-nangangailangan nito. Kapag ipinasa nila ang pananagutan sa school districts, hindi sila mananagot para sa makatarungang funding at pamamahala sa pampublikong edukasyon. Ang kaisa-isang layunin ng prevalence model ay ang bawasan ang administratibong pamamahala, at hindi ang tunay na pagsisilbi sa mga estudyante.

Ayon sa pag-aaral ng epidemiologists sa Queen’s University tungkol sa rates

ng autism spectrum disorder, learning disabilities, atbp., sa nakaraang 20

taon, ang probinsiya ng BC ay ang probinsiyang may pinaka-reliable na data

dahil iniugnay natin ang funding sa designations, ibig sabihin, ang access

sa … assessments sa tamang panahon ay hindi naging hadlang para sa

ating mga estudyante, tulad ng nangyayari sa ibang mga jurisdiction. Kaya’t

isa pa itong karagdagang katunayan na kapag hiniwalay mo ang funding,

kapag hiniwalay mo ang accountability para sa mga district, kadalasan

ay hindi binibigyan-pansin ang disability rights ng mga estudyante.

— Reagan Sawka, Presidente, Prince Rupert Teachers’ Union

Hindi sapat ang kasalukuyang funding

Ang funding para sa K–12 education bilang bahagi ng provincial economy ay patuloy na bumababa sa nakaraang 18 taon. Bagama’t ang pamahalaan ay gumagawa ng capital investments, talagang kulang na kulang pa rin ang operational funding para sa K-12. Kung pareho pa rin ang level ng paggastos ng BC tulad ng sa 2002, magkakaroon tayo ng karagdagang $3,000 para sa bawat estudyante sa ating public schools!

Dahil sa patuloy na underfunding na ito, ang school districts ay gumagastos ng karagdagang daan-daang milyun-milyong dolyares para sa special education services kaysa sa natatanggap nila bawat taon mula sa Ministry of Education. Napupuwersa silang kumuha ng pera mula sa ibang mga programa upang subukang matugunan ang special needs. Dapat ay matagal nang inayos ng pamahalaan ang operational funding.

Mas lalalâ pa ang pagkukulang ng funding

Sa ilalim ng isang prevalence model, mas madaling malilimitahan ang halaga ng funding, kaya’t ang mga programa ay mag-aaway-away para makuha ang kakaunting perang nakalaan. Ang mga school district ay kailangan tuloy magdesisyon kung mag-aalok sila ng breakfast programs o ng autism services. Malinaw na malinaw na kailangan natin ang dalawang ito sa ating mga paaralan dahil pareho silang mahalaga.