3
ANG SPRATLY URI NG PANITIKAN: Editoryal SINULAT AT SINALIKSIK NI: Moron, John Ross R. Ayon kay Antonio Carpio, manunulat ng The Manila Times, ang China ay nagsimula nang mabagal subalit siguradong kilos sa Spratly simula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Balikan natin ang kasaysayan bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang French ang unang namahala sa Spratly noong 1930. At sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ito’y nakuha ng Japan. Ngunit pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, iniwan ng Japan ang Spratly. Hindi ang French o Amerika ang humawak nito. Noong 1946 ang China ang humawak sa pinakamalaking bahagi ng Spratly. Noong 1974 kinuha ng China ang isla na Parcel na kinukuha ng South Vietnam. Noong 1978, ang Vietnam ang Humahawak naman sa limang isla. Noon 1979, ang Malaysia ang humawak sa unang isla sa Spratly. Noong 1992 kinuha ng China ang Da Lac Reef Off Vietnam. At noong 1995, nagtayo ang China ng “Fishing Shelters” sa Mischief Reef na pinaniniwalaang sakop ng Pilipinas. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang China ang pinakamalaking bansa sa buong mundo, walang kakayahan ang Pilipinas na labanan ang China, kung tutuusin ang Beijing, kapital ng China ay kasinlaki na ng Pilipinas. Kaya’t hindi malayo na ang China ang mamahala sa Kabuuan ng Spratly. At sinasabing ang pang-aangkin sa Spratly ng China at Taiwan ay nakabatay sa kasaysayan. Sapagkat ang Spratly ay natuklasan ng Chinese Navigators mula kasaysayan kaya mayroong ding punto ang China sa pagkuha ng Spratly. Ayon naman kina Martin P. Marpel at Carlito Pablo, mga manunulat sa Philippine Daily Inquirer, Mapanganib ang usapin ukol sa Spratly sapagkat ang katotohanan ay walang sapat na kagamitan ang bansa upang makipaglaban. Ayon naman sa isang Senador “ Invasion” o “Inappropriate” ang pakikipaglaban ng bansa. Ang kasunduan ukol sa VFA ay nakatuon lamang sa bansa. Kung gayon, wala talagang kakayahan na ipaglaban ng Pilipinas ang Spratly. May paniniwala ang China na ang nabibilang o nasa South China Sea ay sakop nito. Sinabi ni Hao

Ang Spratly

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Spratly

ANG SPRATLYURI NG PANITIKAN: EditoryalSINULAT AT SINALIKSIK NI: Moron, John Ross R.

Ayon kay Antonio Carpio, manunulat ng The Manila Times, ang China ay nagsimula nang mabagal subalit siguradong kilos sa Spratly simula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Balikan natin ang kasaysayan bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang French ang unang namahala sa Spratly noong 1930. At sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ito’y nakuha ng Japan. Ngunit pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, iniwan ng Japan ang Spratly. Hindi ang French o Amerika ang humawak nito. Noong 1946 ang China ang humawak sa pinakamalaking bahagi ng Spratly. Noong 1974 kinuha ng China ang isla na Parcel na kinukuha ng South Vietnam. Noong 1978, ang Vietnam ang Humahawak naman sa limang isla. Noon 1979, ang Malaysia ang humawak sa unang isla sa Spratly. Noong 1992 kinuha ng China ang Da Lac Reef Off Vietnam. At noong 1995, nagtayo ang China ng “Fishing Shelters” sa Mischief Reef na pinaniniwalaang sakop ng Pilipinas. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang China ang pinakamalaking bansa sa buong mundo, walang kakayahan ang Pilipinas na labanan ang China, kung tutuusin ang Beijing, kapital ng China ay kasinlaki na ng Pilipinas. Kaya’t hindi malayo na ang China ang mamahala sa Kabuuan ng Spratly. At sinasabing ang pang-aangkin sa Spratly ng China at Taiwan ay nakabatay sa kasaysayan. Sapagkat ang Spratly ay natuklasan ng Chinese Navigators mula kasaysayan kaya mayroong ding punto ang China sa pagkuha ng Spratly.

Ayon naman kina Martin P. Marpel at Carlito Pablo, mga manunulat sa Philippine Daily Inquirer, Mapanganib ang usapin ukol sa Spratly sapagkat ang katotohanan ay walang sapat na kagamitan ang bansa upang makipaglaban.

Ayon naman sa isang Senador “ Invasion” o “Inappropriate” ang pakikipaglaban ng bansa. Ang kasunduan ukol sa VFA ay nakatuon lamang sa bansa. Kung gayon, wala talagang kakayahan na ipaglaban ng Pilipinas ang Spratly. May paniniwala ang China na ang nabibilang o nasa South China Sea ay sakop nito. Sinabi ni Hao Yinbiao ang ganito: “Chinese armed naval ships in the disputed Spratly islands in the South China Sea is legal and normal. It is China’s proper legal rights and is unobjectionable that China conducted activities of peaceful use within the waters of its own jurisdiction.”

Ayon kay Antonio C. Abaya, “In the End, China will control the Spratly. After the collapse of the Soviet Union I find it logical that China be considered the next strategic enemy, confrontation with China is really useful. Philippine Armed Forces do not have the capability to repel any Chinese invasion of the Spratly. China had a strategic decision made at the highest level of China’s political leadership.”

Page 2: Ang Spratly

Kaya pakaisipin na lamang ang mga Puntong ito kung ipipilit ang pakikipaglaban sa China.

KRIMENURI NG PANITIKAN: EditoryalSINULAT AT SINALIKSIK: Moron, John Ross R.

Laganap na ang iba’t ibang krimen sa Pilipinas. Tulad ng kidnapping, carnapping, rape, pagnanakaw, pagpatay at iba pa. Subalit bakit nga ba nagkakaroon ng ganito? Ano ang pinagmumulan? At paano ito masusugpo?

Ilan lamang ito sa mga katanungan pumapasok sa ating isipan kapag tayo ay nakakarinig at nakakapanood ng karumal-dumal na pangyayari.

Alam nating maraming naghihirap at mahihirap ngayon. Kaya ang tao ay nakapag-iisip at nakagagawa ng di mabuti mabuhay lamang sa kanyang ginagalawan. Gaya ng kidnapping, minsan ang tagapag-alaga o mismong kamag-anak ang kumikidnap upang ipatubos sa mga magulang nito. Madalas, ang mayayamang Intsik at dayuhan ang nagiging biktaima. Ang pagnanakaw ng mga sasakyan upang maibenta. May bukas-kotse gang na kadalasan ay nakikipaghabulan sa mga makapangyarihan. Panggagahasa, na kung minsan ay sakit na maituturing na pagnanasa sa laman. Ang pagnanakaw, holdapan, at pagpatay ang mga pangit na larawan sa ating lipunan.

Sa kabila ng lahat ay dapat na mag-ingat. Sapagkat kahit nasaan ka, ay di mo maiiwasan ang krimen. Dapat ay huwag magtiwala kaagad sa taong di kilala sapagkat marami ang napapahamak. Ang mga kababaihan ay maging alisto kung nasaan man siya. Dapat ay nagsusuot siya ng damit na hindi kakikitaan ng kalaswaan upang hindi makaisip ng di mabuti ang makakita sa kanya.

At upang masugpo ang mga ito ay dapat na tumutulong sa pamahalaan sa pagpapatupad ng ating mga batas. Kung magagawa ito, napapadali ang pagsugpo o pagsawata sa krimen.

Page 3: Ang Spratly

VIRGINTY: BATAYAN NA SA PAG-AASAWAURI NG PANITIKAN: EditoryalSINULAT AT SINALIKSIK NI: Moron, John Ross R.

Kadalasan, kapag virginity ang talakayan, kaagad-agad na pumapasok sa isipan