10
Pamantasan ng Ateneo de Davao Unit ng Grade School Araling Panlipunan II Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAO Pangkat at Baitang: Grade 2 – Mt. Bulusan PANTALEON A. PELAYO Si Pantaleon A. Pelayo ay pinanganak noong August 31, 1901 sa lungsod ng Zamboanga. Lumipat siya dito sa lungsod nd Davao noong 1926 matapos siya sakanyang kursong abogasya. Nanomina at nanalo bilang kandidato para sa isang “Constitutional Convention”. Idinulog niya sa nasabing “Constitutional Convention ang pagpasa ng resolusyon sa pagtanggal ng karapatan ng mga hapones sa mga lupain dito sa Pilipinas na nalikom sa di maganda at masamang paraan. Binigyan niya ito ng importansya lalong-lalo na dito sa lungsod ng Davao na nasabing “Little Tokyo” noon. Noong 1940, ginulat ni President Manuel Quezon si Ginoong Pelayo sa kanyang balitang pagtalaga nya sa kanya bilang pinakabatang alkalde ng Lungsod ng Davao noong panahong yaon. Dumaan ant natapos ang pangalawang pandaigdigang giyera, siya ay nagpatuloy sa kanyang pagka- alkalde ng Davao. Ang mahalagang kontribusyon niya sa Lungsod ng Davao ay ang kanyang pagpasa ng resolusyon na maibalik ang nga lupang nakamkam ng mga dayuhang hapon mula sa mga taga-Dabawenyo.

Angela Performance Task

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Davao City Impt Persons

Citation preview

Page 1: Angela Performance Task

Pamantasan ng Ateneo de DavaoUnit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAOPangkat at Baitang: Grade 2 – Mt. Bulusan

PANTALEON A. PELAYO

Si Pantaleon A. Pelayo ay pinanganak noong August 31, 1901 sa lungsod ng Zamboanga. Lumipat siya dito sa lungsod nd Davao noong 1926 matapos siya sakanyang kursong abogasya. Nanomina at nanalo bilang kandidato para sa isang “Constitutional Convention”.

Idinulog niya sa nasabing “Constitutional Convention ang pagpasa ng resolusyon sa pagtanggal ng karapatan ng mga hapones sa mga lupain dito sa Pilipinas na nalikom sa di maganda at masamang paraan. Binigyan niya ito ng importansya lalong-lalo na dito sa lungsod ng Davao na nasabing “Little Tokyo” noon.

Noong 1940, ginulat ni President Manuel Quezon si Ginoong Pelayo sa kanyang balitang pagtalaga nya sa kanya bilang pinakabatang alkalde ng Lungsod ng Davao noong panahong yaon. Dumaan ant natapos ang pangalawang pandaigdigang giyera, siya ay nagpatuloy sa kanyang pagka-alkalde ng Davao.

Ang mahalagang kontribusyon niya sa Lungsod ng Davao ay ang kanyang pagpasa ng resolusyon na maibalik ang nga lupang nakamkam ng mga dayuhang hapon mula sa mga taga-Dabawenyo.

Page 2: Angela Performance Task

Pamantasan ng Ateneo de DavaoUnit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAOPangkat at Baitang: Grade 2 – Mt. Bulusan

FRANCISCO VILLA ABRILLE

Noong mga taong 1800s, karamihan ng mga negosyante mula sa iba’t ibang parte ng mundo ay napdpad dito sa dakong Pilipinas. Isa na dito ay isang negosyanteng intsik na nagngangalang Lim Juna. Pinagsanay niya ang mga Tausog ng Jolo, natauhan sa delikadong negosyo at lumipat siya sa Lungsod ng Davao sa dahilan na makahanap ng magandang buhay.

Nagsimula sa isang maliit na tindahan (sari-sari store), ito’y lumaki at lumago ang kanyang negosyo. Nagpabinyag si Lim Juna ng pagka-Katoliko noong 1890. Dahil ditto, natuwa ang mga kastila sa panahong yaon, di lang sa kadahilanan sa paglago ng kanyang negosyo kundi pati sa kanyang pakikitungo sa mga tao. Binigyan siya ng mga kastila ng ekta-ektaryang lupain.

Para tumulong sa mga Dabawenyo, nagbigay ng mga lupain si Lim Juna sa mga dabawenyo bilang donasyon. Ito’y para sa paggawa ng mga kalye at isang lupain din kung saan nakinabang ang mga Dabawenyo, ang kinatatayuan ng Davao General Hospital na ngayon ay ang Davao Mental Hospital. Ang isa naman ay ang kinatatayuan ng Davao Chinese High School.

Nagbigay din ng maraming donasyon si Lim Juna sa mga simbahan dito sa Lungsod ng Davao, pati na rin sa mga nangangailangan. Noong nabinyagan siya sa relihiyong Katoliko – ang pangalan niya ay naging FRANCISCO VILLA ABRILLE.

Page 3: Angela Performance Task

Pamantasan ng Ateneo de DavaoUnit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAOPangkat at Baitang: Grade 2 – Mt. Bulusan

CONRADO C. ALCANTARA

Pinanganak noong February 19, 1913 bilang panganay nila Fulgencio Alcantara at Esperanza de la Cruz. Lumaki sa Maynila at nagtapos sa kursong komersyo “Major in Accounting”. Naging District Manager sa isang kompanya, ang Associated Insurance Surety Co. Dahil ditto, nabigyan ng pagkakataong bumiyahe sa Lungsod ng Davao.

Dito nagkaroon ng pagkakataong matulungan ang isang kompanyang gumagawa ng produktong yari sa kahoy. Nang malaman kung gaano ka yaman ang Mindanao sa lupain at mga puno, nagpasya siyang magtayo ng kanyang sariling negosyo ditto sa Lungsod ng Davao.

Noong 1954 at sa maillit na puhunan, pumasok siya sa negosyo ng pagto-troso. Ito’y lumago at nakapagtayo pa ng isang pagawaan ng “plywood” na ngayon ay kilala di lamang dito sa Pilipinas kundi rin sa iba’t ibang parte ng mundo.

Nagbigay siya ng isnpirasyon sa lahat lalong-lalo na sa mga Dabawenyo tungkol sa negosyo at pakikitungo sa mga tao.

Page 4: Angela Performance Task

Pamantasan ng Ateneo de DavaoUnit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAOPangkat at Baitang: Grade 2 – Mt. Bulusan

EDNA TIROL-KIMPO

Si Ginang Edna Tirol-Kimpo ay pinanganak noong August 27, 1909 sa isla ng Panay. Lumaki at nag-aral sa Maynila. Bago natapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, ikinasal siya kay Ginoong Ramon Kimpo, isang abogado.

Noong siya’y nasa kanyang kalagitnaan ng kanyang edad na 30s (mid-30s), lumipat ng Davao ang mag-asawa. Naging alkalde ng Peñaplata Samal ang kanyang kabiyak noong panahon matapos ang pangalawang pandaigdigang digmaan. Dito nagsimula ang ang adbokasiya ni Edna Tirol-Kimpo. Nagturo sa kindergarten ganun din sa mababang paaralan. Nagturo ng Español sa kolehiyo ng Holy Cross of Davao. Naging aktibo sa mga gawain sa simbahan lalong lalo na sa Catholic Women’s League, Archdiocesan Council of the Lay Apostolate (ACLA), CARITAS-Davao at sa iba’t iba pang mga grupo sa Lungsod ng Davao.

Dahil sa kanyang pusong busilak, tinawag siya na “Mrs. CARITAS” ng dating Arsobispo ng Lungsod ng Davao, si Monsignor Antonio Ll. Mabutas. Nakatanggap din siya ng “Pro Ecclesia Pontifice Award” mula sa Santo Papa, Pope Pius XII noong 1949.

Nagpatuloy ang kanyang adbokasiya hanggang siya ay mapayapang pumahinga noong 1995.

Page 5: Angela Performance Task

Pamantasan ng Ateneo de DavaoUnit ng Grade School

Araling Panlipunan II

Pangalan: ANGELA KRISTINE MAE V. LINAOPangkat at Baitang: Grade 2 – Mt. Bulusan

ALEX A. PANUNCIALMAN

Isang tubong Dabawenyo, pinanganak si Ginoong Alex A. Panuncialman noong January 11, 1918. Nagtapos din na “Valedictorian” sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Davao (Davao City High School) at naging “scholar” sa kursong medisina sa Pamantasan ng Pilipinas (University of the Philippines) College of Medicine at nagtapos noong 1942. Nakakuha ng ikatlong pinakamataas na antas sa resulta ng pagsusulit ng medisina (Medicine Board Exam).

Matapos ang pangalawang digmaang pangkalawakan, nagpatuloy siya sa kanyang propesyon sa “Philippine General Hospital”. Noong 1947 hanggang 1950, naging doctor siya sa Manay at Caraga.Lumipat siya sa Lungsod ng Davao noong 1950s. Nagsimula siya bilang “dispensary physician” sa San Pedro Hospital. Makaraan ng dalawang buwan, naging “assistant director” nang di nagkalaon – naging director din ng ospital, ang San Pedro Hospital.

Di niya sinayang ang mga pagkakataon dito sa Lungsod ng Davao. Tumulong siya sa pagtatag ng San Pedro School of Nursing noong 1956, at sa pagkakaroon din ng isa sa pangunahing paaralan ng mga doctor ditto sa Lungsod ng Davao, ang Davao Medical School Foundation.

Makikita sa kanya ang walang puwang na pagtulong lalong-lalo na sa mga mahihirap at kapus-palad. Nagbibigay siya nga libreng konsulta at operasyon sa mga di kayang magbayad.

Hindi lang sa ospital kilala si Dr. Alex Panuncialman, naging “Chairman of the Board” din siya sa Davao City Water District (DCWD) noong 1973 hanggang 1984. Kilala din si Dr. Panuncialman sa kanyang pakikitungo sa mga tao. Sa pamamagitan din ni Dr. Alex Panuncialman at kanyang impluwensiya sa mga Heswita ng Ateneo de Davao University, nagkaroon ng “computer system” ang DCWD sa mas mababang halaga.

Ibinuhos niya ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa mga mahihirap. Dahil ditto, naka-ukit ang pangalan ni Dr. ALEX PANUNCIALMAN sa puso ng mga mahihirap na kanyang natulungan.

Page 6: Angela Performance Task

Magandang _____________________ po sa inyong lahat.

Ngayon sa ating balitang kapanahunan.

Itatampok natin ang mga tanyag na mga taong naglilok

sa kasaysayan ng Lungsod ng Davao.

Ang una po ay si Ginoong Pantaleon Pelayo.

Pinanganak noong August 31, 1901.

Siya po ay isang abogado na tumulong sa pagpasa ng resolusyon

na ang mga Pilipino lamang ang mag mamay-ari ng lupa ditto sa Pilipinas,

lalong lalo na dito sa Davao na nabansagang “Little Tokyo” noon.

Noong panahon ni President Quezon, siya ang pinakabatang alkalde na

na-iluklok sa pwesto.

Ang susunod na itatampok ko po ay si Lim Juna, isang negosyanteng intsik.

Dahil sa kanyang magandang pakikitungo sa mga kastila noon,

Siya ay binigyan ng ekta-ektaryang lupain.

Dahil dito, binigay niya rin ang ilan sa mga nasabing lupain bilang donasyon.

Ang ilan dito ay kung saan nakatayo ang Davao Mental Hospital at ang Davao Chinese High School.

Nagbigay din siya sa mga simbahan at iba pang mga nangangailangan.

Ikinasal at naging katoliko at pinangalanan sa mas kilala natin na Francisco Villa Abrille.

Ang pangatlong itatampok ko po ay si Ginoong Conrado C. Alcantara.

Noong 1954, nagtayo siya ng isang kompanya na nag-susuplay ng mga troso.

Page 7: Angela Performance Task

Sumunod nito ay nagtayo din siya ng pagawaan ng “plywood” na ngayon ay kilala di lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Nagbigay siya ng inspirasyon sa lahat lalong-lalo na sa mga Dabawenyo tungkol sa pagtaguyod ng negosyo at pakikitungo sa mga tao.

Ang pang-apat na itatampok ko po ay si Ginang Edna Tirol-Kimpo.

Binansagang “Mrs CARITAS” ng dating Arsobispo ng Lunsod ng Davao, si Monsinyor Antonio Mabutas.

Isa rin siyang ulirang guro na nagturo sa Holy Cross at sa ICC na ngayon ay mas kilalang UIC.

Nilaan niya ang kanyang oras at sarili sa pagtulong sa mga kapus-palad.

Nakatanggap siya ng PRO ECCLESIA PONTIFICE AWARD mula sa Santo Papa,

Pope Payus Eleventh noong June 11, 1949.

Nagpatuloy ang kanyang adbokasiya hanggang siya ay mapayapang pumahinga noong 1995.

Ang panlima at huli kong itatampok ay isang pilantropispo.

Isang doctor na tumutulong sa maraming mahihirap.

Nagbibigay ng libreng operasyon sa mga kapus-palad.

Isa rin sa mga tumulong na maitayo ang San Pedro School of Nursing,

at ang nangungunang paaralan ng mga doctor dito sa Davao –

ang Davao Medical School Foundation.

Minsan nakasama ng aking butihing ama sa mga operasyon,

Pinapakita niya ang kanyang pag-aaruga at pagtulong sa mga mahihirap.

Ang taong tinutukoy ko po ay si Dr. Alex L. Panuncialman.

At yan po ang aking ulat kapanahunan.

Page 8: Angela Performance Task

Ako po si Angela Kristine Mae V. Linao.

Nagbabalita!