12
Ang Inahin at ang Agila Ann Nduku Wiehan de Jager Karla Comanda Tagalog Level 3

Ann Nduku Wiehan de Jager Karla Comanda Tagalog Level 3...si Inahin na nagkukumahog sa buhangin para hanapin ang karayom. 10 Sa tuwing pumapanaog ang anino ng pakpak ni Agila sa lupa,

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Ang Inahin at ang Agila

    Ann Nduku Wiehan de Jager Karla Comanda Tagalog Level 3

  • Noong unang panahon, magkaibigan sina Inahin atAgila. Mapayapa silang nanirahan kasama angibang mga ibon. Walang nakalilipad sa kanila.

    2

  • Isang araw, nagkaroon ng tagtuyot sa nayon.Kinailangang maglakad ng malayo ni Agila. Bumalikna sobrang pagod si Agila. “Siguro namanmayroong mas madaling paraan para maglakbay,”sabi ni Agila.

    3

  • Matapos makatulog ng mahimbing noong gabi,nagkaroon ng magandang ideya si Inahin.Nagsimula siyang mag-ipon ng mga nalaglag napakpak sa kanilang mga kaibigang ibon. “Tahiinnatin ang mga ito sa ibabaw ng mga pakpak natin,”sabi niya. “Marahil siguro ay mapapadali nito angpaglalakbay natin.”

    4

  • Tanging si Agila lang ang may karayom sa kanilangnayon, kaya nauna siyang manahi. Naghabi siya ngnapakagandang pares ng mga pakpak at lumipadsa taas ni Inahin. Hiniram ni Inahin ang karayomngunit agad siyang napagod sa pananahi. Iniwanniya ang karayom sa paminggalan at nagtungo sakusina para maghain ng pagkain para sa kanyangmga anak.

    5

  • Ngunit nakita ng ibang mga ibon na lumipad palayosi Agila. Nakiusap sila kay Inahin na ipahiram sakanila ang karayom para makapaghabi rin sila ngsarili nilang mga pakpak. ‘Di naglaon aynagsisiliparan na rin sa langit ang ibang mga ibon.

    6

  • Wala si Inahin nang ibinalik ng huling ibon anghiram na karayom. Kinuha ng mga anak niya angkarayom at pinaglaruan ito. Nang magsawa sila sapaglalaro, iniwan nila ang karayom sa buhangin.

    7

  • Bumalik si Agila kinahapunan. Hinanap niya angkarayom para tagpiin ang mga balahibonglumuwag sa kanyang paglalakbay. Naghanap siInahin sa paminggalan. Naghanap siya sa kusina.Naghanap siya sa bakuran. Pero hindi niyamahanap ang karayom.

    8

  • “Bigyan mo ako ng isang araw,” pagmamakaawa niInahin kay Agila. “Pagkatapos ay puwede mo nangtagpiin ang pakpak mo para makalipad ka’tmakahanap ng pagkain.” “Isang araw lang,” sabi niAgila. “Kung hindi mo mahanap ang karayom,kailangan mong ibigay ang isa sa iyong mga sisiwbilang kabayaran.”

    9

  • Nang bumalik si Agila kinabukasan, natagpuanniyang nagkukumahog sa buhangin si Inahin, perowala ang karayom. Kaya bumulusok pababa si Agilaat hinuli ang isa sa mga sisiw. Itinakas niya ito. Mulanoon, sa tuwing nagpapakita si Agila, nakikita niyasi Inahin na nagkukumahog sa buhangin parahanapin ang karayom.

    10

  • Sa tuwing pumapanaog ang anino ng pakpak niAgila sa lupa, binabalaan ni Inahin ang kanyangmga sisiw. “Umalis kayo sa hubo at tuyong lupain.”At sagot nila, “Hindi kami mga mangmang. Tatakbokami.”

    11

  • Storybooks UKglobal-asp.github.io/storybooks-uk

    Ang Inahin at ang AgilaWritten by: Ann Nduku

    Illustrated by: Wiehan de JagerTranslated by: Karla Comanda

    This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) and is broughtto you by Storybooks UK in an effort to provide children’s stories in UK’s manylanguages.

    This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 International License.

    https://global-asp.github.io/storybooks-uk/https://africanstorybook.orghttps://global-asp.github.io/storybooks-uk/https://creativecommons.org/licenses/by/3.0/https://creativecommons.org/licenses/by/3.0/