51
Basic Ecclesial Communities (BEC) 1

Ano ang mga Basic Ecclesial Communities (BEC)

  • Upload
    ganya

  • View
    1.114

  • Download
    18

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ano ang mga Basic Ecclesial Communities (BEC). Ayon sa pagkakasunod-sunod ng kataga (Nomenclature). Bilang. Batayan Pangunahin Simula Ugat Munti maliit. Basic. Lugar sa lipunan. Ecclesial Pagiging Simbahan. Gw. 2:42-47 Gw. 4:33-35. Pag-ibig. relasyon. - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

1

Ano ang mga

Basic Ecclesial

Communities

(BEC)

Page 2: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

2

Ayon sa pagkakasunod-sunod ng kataga (Nomenclature)

Bilang

Lugar sa lipunan

Basic

BatayanPangunahinSimulaUgat Muntimaliit

Page 3: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

3

Ecclesial Pagiging Simbahan

Gw. 2:42-47Gw. 4:33-35

Page 4: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

4

Nanatiling tapat sa turo ng mga Apostol

Nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay

relasyon

Pag-asaMasayang

Panalangin atPagdiriwang ng buhay

Pag-ibig

Page 5: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

5

Community Pamayanan=Isang tukoy na lugar

kung saan naninirahan at itinataguyod ang buhay

ng nilalang

kapitbahayan

Page 6: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

6

Sa pagsusuma, ang BEC ay

Mga maliliit na Pulutong ng organisadong Pamilyang

magkakapitbahay na nagsisikap magsabuhay ng

pagiging simbahan.

Page 7: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

7

Gw. 2:42-47Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipirapiraso ng tinapay at sa

pananalangin. Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan

ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsasama-sama ang lahat ng

sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa

lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa kanilang tahanan at nagsasalu-salong

masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag

sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

Page 8: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

8

Gw.4:33-35Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng

sumasampalataya at di tinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa

lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling

pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat.

Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay at ang pinagbilhan

ay ibinigibay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa

Page 9: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

9

Nagkaisa sa isip at damdamin

Nanatiling tapat sa turo ng apostol

kapatiran

Malasakit

Bahaginan

Panalangin

Organisado

Mulat

Kumikilos

Page 10: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

10

Mula sa Redemptoris Mission n.51

Pulutong ng mga Kristiyano Karaniwang mga pamilya Nakabuklod upang manalangin, magnilay ng

salita ng Diyos, sama-samang nag-aaral ng mga katuruan ng simbahan at nagtatalakayan tungkol sa mga matitingkad na isyung naka-aapekto sa tao at simbahan.

Page 11: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

11

Isinasalin sa pagkilos at paglilingkod ang bunga ng mga talakayan at aralan para sa kabutihan ng lahat.

Ang mga pamayanang ito ay nagiging tanda ng muling paglakas ng simbahan

Instrumento o pagkakataon para sa paghuhubog at pangangatawan sa ebanghelisasyon

Simula ng pagbabago at paglakas ng lipunan – sibilisasyon ng Pag-ibig

Mula sa Redemptoris Mission n.51

Page 12: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

12

Mula sa PCP II #138, 139

1. Maliit na pulutong2. Pamilya3. Magkakapitbahay4. Magkakakilala ang mga kasapi5. Pinamumunuan ng Layko6. Kaisa ng kura paroko7. Regular na natitipon sa gitna ng Salita ng

Diyos at ng Eukaristiya8. Nagbabahaginan hindi lamang spiritual kundi

maging materyal na alalahanin

Page 13: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

13

Mula sa PCP II #138, 139

9. Pinapag-iisa ang pang-araw araw na pamumuhay at ang pananampalataya

10. Patuloy na tumataas ang kamalayan dahil sa regular na katesismo na nagsisilbi nilang gabay

11. Mayroon silang matinding pagdama sa pagiging kabilang at sa pananagutan sa isa’t isa

12. Sama-samang kumikilos para sa katarungan at tungo sa isang masiglang pagdiriwang ng buhay at liturhiya.

Page 14: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

14

Basic Ecclesial Communities

• Bagong Paraan ng Pagiging ng Simbahan

• Wastong Lugar ng Ebanghelisasyon

• Binhi sa pagpapanibago ng lipunan

Page 15: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

15

kapatiran

malasakitpanalangin

bahaginan

Gawa 2:42 - 47

Gawa 4:33 - 35

Bagong Paraan ng Pagiging Simbahan

Page 16: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

16

Tayo ang simbahan – Tayo ang may missionTayo ang magsasagawa/magsasakongkreto ng misyon.

?ebanghelisasyon

Paghahatid ng Mabuting

Balita

Kaligtasan at paglaya

Pag-ibigBEC tamang Lugar ng Ebanghelisasyon

Page 17: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

17

Mulat kumikilos

nakabuklod Malinaw

na pananaw

Page 18: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.

Page 19: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Layunin sa pagbubuklod ng mga BEC na:

Lumikha ng pagkakataon upang: Ipamuhay ng makahulugan at

makabuluhan ang kanilang pananampalataya (Diyos, Tao, Simbahan, Kasalanan, Kaligtasan at Daigdig)(Vision)

Magkaroon ng daan ang sama-samang pagkilos at malalim na pagsasamahan ng mga kaanib. (Misyon)

19

Page 20: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Layunin sa pagbubuklod ng mga Munting Pamayanang Kristiyano

Magbukas ng daan tungo sa pagtutulugan at pagmamalasakitan sa loob at labas ang organisadong pulutong

Sama-samang pamamahala at pagpapaunlad ng simbahan sa kanyang paglalakbay

Linawin ang hamon sa mas malaking pakikilahok sa pagtugon upang tulungan ang lipunan sa kanyang pagpapalakas at pagpapanibago

20

Pagsasabuhay o pagsasakongkreto ng misyon

Page 21: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

21

Iba’t ibang anyo ng BEC1. Liturgical BECAng mga BEC na ito ay nagbibigay ng tuon sa mga gawaing pangliturhiya, tulad ng:

1. Block rosary,Bible sharing, prusisyon2. Mga napapanhong pagdiriwang ng mga okasyong tulad

ng panahon ng kwaresma , adbiyento at iba pang mga selebrasyong katoliko

3. Pagpapanibago at pagsasapanahon ng mga pagdiriwang ng misa at pagsasagawa ng iba pang sakramento

4. Kadalsan umiinog ang buhay ng mga BEC sa mga gawaing pangsimbahan

5. Pagpapalahok sa mga layko sa mga paglilingkod ng parokya

Page 22: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

22

Iba’t ibang anyo ng BEC

2. Developmental BECa) Binibigyan ng pansin ang kaunlarang pang-ekonomiya ng

mga mananampalataya. Halimbawa dito ang: pagtatayo ng ibat ibang uri ng kooperatiba

b) Pagtutulungan para sa pagpapadaloy ng patubigc) Pagtutulungan para sa pagbili ng kanilang bangka at iba

pang gamit pangkabuhayan.

Binibigyan pansin ang mga ito, ngunit higit na pinahahalagahan nila ang kanilang pagkakabuklod upang tugunan ang kanilang magkakatulad na interes

Ngunit dahil ito ay pagiging simbahan, hindi nalilimutan ng mga organisadong grupong ito na salaminin ang kanilang pagkilos sa liwanag ng mga Salita ng Diyos

Page 23: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

23

Iba’t ibang anyo ng BEC

3. Liberational BECIto ang mga BEC na nagbibigay na kiling sa mga usaping

kinahaharap ng lipunan o lokal na kalagayan. Ilan sa mga binbigyan pansin ng mga ganitong uri ng BEC ay ang mga sumusunod

a. Pakikilahok sa mga pagkilos ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang sektorb. Pagbubuklod upang upaglabang ang karapatan, tulad ng paninirahan sa paninirahanc. Pakikiisa sa mga adbokasiya ng mga kaalyadong organisasyon.

Tulad ng mga naunang tipo ng BEC. Pinahahalagahan din ang mga pagkkilos ayon sa liwanag ng Salita ng Diyos

Page 24: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Ang mga BEC ay:

A.Pamayanang kinakikitahan ng aktibong pakikilahok at pagsasabuhay ng misyon Pamayanan ng pananalig,

pagmamahalan Pamayanan ng misyon na

nakabatay sa gawi ng mga apostol

Page 25: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Nagbibigay ng pagkakataon upang sama-samang makibahagi at magsabuhay ng pagkilos at katangian ng pagiging simbahan

Nagbibigay ng pagkakataon upang ang mga maralita, mahihina at walang kapangyarihan ay madama ang kanilang pagiging bahagi ng simbahan

Kongkretong pagpapatotoo ng pagtitipong liturhikal

Page 26: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

B. Pamayanang nakikinig at nagpapahayag ng mabuting balita• Sentro ng pagpapahayag ng

Mabuting Balita

C. Isang permanenteng pamayanan at hindi binuklod upang tumugon lamang sa mga pansamantalang pangangailangan.

Page 27: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

D. Pamayanang modelo ng simbahan bilang isang angkan• Angkan ng Diyos – kapatiran ng lahat• Relasyon bilang isang malaking

pamilya sa pamayanan• Talikuran ang pagiging

mapagkunwari at makasariling katangian

• Pagsisikap namaging misyunero para sa iba

Page 28: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Ang mga Hindi BEC

1. Hindi simpleng pagtitipon upang magdaos ng pulong o pagtitipon, mag-usap, manalangin at gumawa. – Ang pinakadiwa nito ay pagsasanib

lakas nito at pakikibahagi sa buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagkakapatiran.

Page 29: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

2. Hindi lamang protest group3. Hindi tanging grupong

tagapagligtas o messianic group4. Hindi simpleng discussion group,

prayer meeting group, o support group.

5. Hindi organisasyong paglilingkod o samahang nagpapabanal

Page 30: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Ang BEC ay hindi himala upang bakahin ang lahat ng mga kasamaan sa lipunan at simbahan. • Mayroong limitasyon at mga

pagkukulang• Hindi ligtas sa pagkakamali at mga

kasalanan. Dapat na laging nagsusuri at nagpapanibago

Ang mga Hindi BEC

Page 31: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.

Page 32: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Saligang paninindigan sa pagsusulong ng matatag na BEC

1. Natatanging pagkiling sa mga dukha2. Pagdanas sa realidad ng buhay3. Masusing pagsusuri ng realidad4. Pagninilay ng pananampalataya sa liwanag ng

realidad5. Pagpaplano at Pagkilos na nakabatay sa

realidad

Page 33: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Tatlong pangunahing SULIRANIN sa pagsusulong ng BEC

1. Hindi gagap ng tagapagsulong (layko man o pari) ang katuturan ng BEC at ang papel nito sa pangkalahatang misyon ng Simbahan.

Page 34: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Katuturan ng BEC

Bagong paraan ng pagiging Simbahan Binhi sa pagpapanibago ng lipunan Wastong lugar para sa

ebanghelisasyon Patikim ng paghahari ng Diyos

Page 35: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Daluyan ng kolektibong kamalayan ng pagiging simbahan

Pagkakataon upang isulong ang pakikilahok ng mga mananampalataya sa gawain at paglilingkod ng Simbahan

Pagkakataon upang ipahayag ang kongkretong katangian ng pagiging tagasunod ni Kristo – ang pag-iibigan.

Page 36: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

2. Hindi alam kung paano sisimulan ang gawaing pagbubuklod, kung paano pamamahalaan

at pauunlarin ang mga BEC.

Page 37: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Ang mga pamamaraan– Maraming naririnig na paraan ng

pagsusulong hal.: paraan sa rural, mga pamamaraan ng iba’t ibang institusyon (SPI, DC, Lumko, CO)

– Maraming BEC na nagsimula ng Block Rosary, Bible Sharing Group at hindi na nakaahon sa ganitong uri ng pagkilos.

Page 38: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

– Nakatuon sa mga gawaing liturhiya ang mga pagkilos sa halip na isabuhay ang kabuuang katangian ng pagiging simbahan batay sa karanasan ng mga unang mananampalataya (nag-uugat sa katapatan sa turo ng mga apostol, pagtuturingan bilang magkakapatid, pagmamalasakitan, pagbibigayan at pagdiriwang ng buhay.

Page 39: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

3. Di-sapat na kakayanan ng layko at maling pagtatalaga ng tagapagsulong

Page 40: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

a. Kulang sa kaalaman, kasanayan at wastong pagpapahalaga ang mga laykong inaasahang tutulong sa pagsusulong

b. Takot na magsulong ng pagpapanibago dahil na rin sa takot na mawalan ng papel sa parokya

c. Hindi na-imomodelo ng mga tagapagsulong ang mukha ng BEC sa istilo at relasyong pangunahing mukha ng BEC.

Page 41: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Ang tatlong pangunahing dahilang ito ay mabigat na salik kung bakit hindi sumusulong, dumarami at tumitibay ang mga nabuong BEC. Ito ang dahilan kung bakit matamlay ang pagsusulong ng BEC sa pangkalahatan.

Maganda at malaking tulong sana ang BEC sa pagsasakongkreto ng Pananaw, layunin at mga hinahangad ng Simbahan kung makikita ang yaman at lakas na taglay ng mga organisadong BEC.

Page 42: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)
Page 43: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Ilang Halimbawa ng mga pagkilos ng BEC

1. Sama samang pagdiriwang ng liturhiya

• Bible sharing• Area Mass• Block rosary• Novena• Prusisyon• Panalangin sa patay • At iba pang sama samang pananalangin at

pagsamba

Page 44: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

44

2. Pagtataas ng kamalayan at kakayahan.

• Pag-aaral ng mga katuruang panlipunan ng simbahan

• Katekesis ng pananampalatayang Kristiyano

• Patuloy na pagpapalalim ng kaalaman, kasanayan at mga pagpapahalaga sa BEC

Page 45: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

45

3 Pagtutulungan sa pagpapaunlad ng kabuhayan

• Proyektong pangkabuhayan• Pagninilay at pakikilahok sa mga matitingkad

na isyung kultural, pulitikal at pangkabuhayan• Pagharap sa mga suliraning tulad ng

demolisyon• Pagtatayo ng kooperatiba at iba pang pagkilos

na tulad nito• Scholarship

Page 46: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

46

4. Kapatiran, Pagmamalasakitan at pagtutulungan

• Pagdalaw sa mga maysakit at pagtutulungan sa gastusin

• Abuluyan• Sama-samang pagkilos sa mga gawaing

pangkapitbahayan. • Sosyalisasyon na makapagpapalalim ng kapatiran ng

mga kaanib. (birthday, anniversaries, atbp.• Pakikipagkaisa sa mga isinusulong ng iba’t ibang

sektor

Page 47: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod.

1.Gagap ang layunin, tunguhin, papel, tungkulin, katangian mga gawain at pagkilos ng BEC

2.Bukas sa bagong kaisipan at hindi kinamulatang pamamaraan

3.Kakayanang umabot sa anumang kalagayan ng mga taong nilalayong buklurin

4.Kakayanang magturo sa pamamagitan ng salita, gawa at halimbawa

Page 48: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

48

5. May matinding pagpapahalaga sa panahon – oras

6. Magalang7. Mahusay magpakita ng pagsang-ayon at

pakikiisa sa kapwa8. Mahusay sa gawaing pagpapadaloy9. May panahong magsuma at magnilay ng

kanyang mga kilos10. Umaasa gabay ng diwang banal at marunong

manalangin

Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod

Page 49: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

Paninindigan ng Tagapagbuklod Buhay na nakasentro sa Diyos at may

mataas na pagpapahalaga sa tao Naninindigan sa kanyang

pananampalataya at pinaniniwalaan Ganap na pagtitiwala sa kakayahan ng tao May mataas na pagpapahalaga sa pag-

aaral at paggampan ng gawain Tunay na disiplinadong tao Malakas ang fighting spirit

Page 50: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

50

PAGSUSUMA

Bilang mga mulat na mananampalataya kailangang maging mapagmatyag sa palatandaan ng panahon

Bukas at taglay ang tapang na harapin ang hamon ng pagpapanibago at pagsasapanahon

Kahandaang talikuran ang dating gawi at harapin ang napapanahon at kongkretong pangangatawan sa pag-ibig ng Lumikha

Page 51: Ano ang mga Basic Ecclesial Communities  (BEC)

51

Ang mga pamayanang ito ay nagiging tanda ng muling paglakas ng simbahan

Magsisilbing asin, ilaw at lebadura ng ating mga parokya

Pagkakataon at angkop na lugar para sa dalisay na paghahatid ng Mabuting Balita – ang walang hanggang Pag-ibig ng Diyos – ang Kaligtasan at Kaginhawahan.

Isulong ang pagpapanibago ng simbahan, isulong ang BEC – ang

bagong paraan ng pagiging simbahan