4
ANO ANG RETORIKA? Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita. (Sebastian, 1967) BAKIT MAHALAGA ANG RETORIKA? Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay- bagay. Mahalaga ito sa pang araw- araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal. Mawawala ang ating pagkakaisa. KAHULUGAN NG RETORIKA Maraming pagkakahulugan ang iba’t-ibang tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang sariling pananaw, karanasan at lawak ng tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang kalituhan sa sinikap ng mga manunulat na ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon sa dipinisyon ng retorika. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa nangangahulugang isang “Guro” at “Mananalumpati” o tagapagsalita sa isang pagpupulong. Matatandaan na Malaking papel ang ginagampanan ng retorika bilang isang mahalagang sangkap ng pagpapahayag maging sa pormal na pananalumpati. Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao. Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa simbolo o lenggwaheng ginamit sa likod ng mga musika, pelikula, radio, pahayagan at telebisyon. Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng ipinapahatid ng mga naturang simbolo. -Kenneth Buke. Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit- akit at magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. - Tumangan, Sr. 13 Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit- akit na pagpapahayag maging pasalita o pasulat. -Rubin 46 Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat. Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuhan- Sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap- Ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa maganda at kaakit-akit na pagpapahayag. - Sebastian, 1 Si Dr. Venacio L. Mendiola, sa isang pambansang seminar tungkol sa retorika na ginanap sa PNU (Pebrero 6, 1998) ay nagpahayag ng mga sumusunod: a) Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay siyensya o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.” b) Aristole: “Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.” c) Richard Whattley: “Ang Sining ng Argumento ng pagsulat.” d) Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamilian o alternatibo. Ipinahayag pa rin ni Dr. Mendiola na ang kaayusang ng salita ay dinidikta ng gramatika at ang tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap. Iminumungkahi ng retorika ang masining na paggamit ng mga salita upang makapaghatid ng pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa labas o dating ng mensahe sa nakikinig o nagbabasa. KASAYSAYAN NG RETORIKA Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng

Ano Ang Retorika

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ano Ang Retorika

ANO ANG RETORIKA?

Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita. (Sebastian, 1967)

BAKIT MAHALAGA ANG RETORIKA?

Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay- bagay. Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal. Mawawala ang ating pagkakaisa.

KAHULUGAN NG RETORIKA

Maraming pagkakahulugan ang iba’t-ibang tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang sariling pananaw, karanasan at lawak ng tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang kalituhan sa sinikap ng mga manunulat na ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon sa dipinisyon ng retorika.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa nangangahulugang isang “Guro” at “Mananalumpati” o tagapagsalita sa isang pagpupulong. Matatandaan na Malaking papel ang ginagampanan ng retorika bilang isang mahalagang sangkap ng pagpapahayag maging sa pormal na pananalumpati.

Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao.

Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa simbolo o lenggwaheng ginamit sa likod ng mga musika, pelikula, radio, pahayagan at telebisyon.

Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng ipinapahatid ng mga naturang simbolo. -Kenneth Buke.

Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. -Tumangan, Sr. 13

Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit- akit na pagpapahayag maging pasalita o pasulat. -Rubin 46

Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat. Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuhan- Sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap- Ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa maganda at kaakit-akit na pagpapahayag. -Sebastian, 1

Si Dr. Venacio L. Mendiola, sa isang pambansang seminar tungkol sa retorika na ginanap sa PNU (Pebrero 6, 1998) ay nagpahayag ng mga sumusunod:

a) Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay siyensya o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.”

b) Aristole: “Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.”

c) Richard Whattley: “Ang Sining ng Argumento ng pagsulat.”

d) Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamilian o alternatibo.

Ipinahayag pa rin ni Dr. Mendiola na ang kaayusang ng salita ay dinidikta ng gramatika at ang tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap. Iminumungkahi ng retorika ang masining na paggamit ng mga salita upang makapaghatid ng pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa labas o dating ng mensahe sa nakikinig o nagbabasa.

KASAYSAYAN NG RETORIKA

Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.

Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon; ang salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento(supporting arguments); at ang konklusyon. naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa syracuse, isang isla sa sicily noong ika-limang siglo bago dumating si kristo. makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong na sicorax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.

Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag- apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.)

Sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338 B.C.).

Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng

Page 2: Ano Ang Retorika

panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.

Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.

Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap.

Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan niAristotle ang oratoryong deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mgasalita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.

KAHALAGAHAN NG RETORIKA

Anu-Ano nga ba kahalagahan ng Retorika sa….. Edukasyon Relihiyon Pamayanan o Pulitika

ANO ANG KAHALAGAHAN NG RETORIKA PARA SA LAHAT?

Ang kahalagahan ng Retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang putahe. Ito’y nakapagbibigay lasa sa isang sulatin o

kaya’y kapag ang isang tao ay may bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito’y pinag iisipan. Napakasarap din pakinggan ng mga salitang ginamitan ng Retorika.

DEPINISYON NG RETORIKA

Ang retorika ay sining ng mabisa at magandang pagpapahayag na sumasaklay sa maraming sangkap na may kaugnayan sa pagsusulat gaya ng pananalita, himig, struktura at kalinawan sa pagpapahayag, sulat, memo, ulat, pagsusuri, pamanahong papel, paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto o anu mang klase na may kaugnayan sa pagsusulat o paglalarawan.

SANGKAP NG RETORIKA

Ang kaisipang gustong ipahayag -

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. May mga mahahalagang kaisipang nais ipahayag Ang pagbuo o organisasyon-

Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad, kumakatawan sa kahusayan ng pagkakabuo.

Ang Istilo ng Pagpapahayag -

Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang kaugnayan sa istilo ang anyo o kaayusan ng akda o komposisiyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhang ng balarila kungdi maging sa panitikan.

UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT SOSYOLOHIYA.

Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kutura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit, MAGKAKAMBAL. Samakatuwid masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura.

LAYUNIN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG

Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa

pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri, pamanahong papel(term paper), mga panuto, at paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto ang malaking bahagdan ng akademya, tiyak na kakailanganin pa rin ang kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumutuon sa dalawang pangunahing interbensiyon sa pag-aaral ng retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.

MGA KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG

1. Kahalagahang Pangrehiyon – Napahihikat ang iyong tagapakinig na mananatili sa kanyang paniniwala at huwag lumipat ng sasamahan.

2. Kahalagahang pampanitikan - ang mga nanunulat ay may responsibilidad na palutangin ang mga kahalagahang makakatulong sa pagpapalawak ng karanasan.

3. Kahalagahang Pang-ekonomiya - ang sinumang nagnanais na umunlad ang kanyang buhay ay may puhunang kilangan gampanan at ito ay palaguin. Taglay ang maretorikang pang- a lot sa mga nagnanais na makakumbinsi.

4. Kahalagahang Pampulitika - marami sa mga matgumpay ngayon sa larangan ng pulitka ay likha ng personalidad at popularidad ng maretorikang pahayag. Ang isa sa pangunahing puhunan upang makakumbinsi ng mga taong boboto sa isang kandidato.

KANON O BATAS NG RETORIKA

1. Imbensyon : Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para sa isang talumpati na maaring sa paraang induktibo o deduktibo.

Ang Induktibo ay ang pagbuo ng pankalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiran. Ang Deduktibo ay tumutukoy sa pangangatwiran o mga impormal na anekdota.

2. Pagsasaayos : Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas sa mga sumusunod: I. Introduksyon o Panimula. II. Narasyon o paglalahad ng mahahalagang punto

tungkol sa isang isyu. III. Paghahain ng mga patunay sa kasong tinatalakay. IV. Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga katuwiran.

Page 3: Ano Ang Retorika

V. Kongklusyon na tumutukoy sa nabuong hinuha matapos mailahad ang isang talumpati.

3. Istilo : Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya. Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga salita, pagbuo ng istruktura ng mga pangungusap, paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa kabisaan at kagandahan ng pagpapahayag.

4. Memorya : Ito ay tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko.

5. Deliberasyon : Tumutukoy sa aktuwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokontrol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga ankop na kumpas sa isang talumpati upang higit itong maging mabisa.

ANG RETORIKA SA PROSESO NG MABISANG PAGPAPAHAYAG.

Sa mabisang pagpapahayag, ang retorika ay may mahalagang papel na ginampanan. Kung susuriin ang isang pangungusap o pahayag, maliwanag na makikita at lilitaw na hindi sapat ang balarila lamang kundi kailangan din ang retorika upang ito’y maging mabisa.

Wasto man ang gamit ng mga salita, kung may kakulangan naman sa hikayat, kulay at kagandahan, hindi rin maituturing na mabisa ang alinmang pahayag. Hindi maitatanggi kung ganoon na ang retorika ay isang sangkap na kailangang kasama ng balarila upang magkaroon ng init at buhay ang pakikipagkomunikasyon at ang mga pahayag na binibitawan ng tao.

http://www.slideshare.net/margielynaninon/retorika-36744589?related=1