Upload
others
View
99
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
ARALIN 2: ANG MISYON NG ISANG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAG GABAY
SA PAGPAPASIYA AT PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA.
Nabasa mon a baa ng katagang ito? May mga mithiin o tungkulin ka na ban a
nagampanan o natamo? Di ba’t kay sarap sa pakiramdam na nakakagawa at nakagawa
ka ng iyong tungkulin sa iyong buhay bilang isang tao? Sa ating mga karapatang
natatamo, kaakibat nito ang responsibilidad. Ika nga sa pelikulang ‘Spiderman’ “with great
power comes great responsibility.” Patunay lamang na tayong lahay ay may pananagutan
sa ating mga natatamo at tinatamasang mga karapatan at biyaya bilang kasapi ng ating
pamilya. Ang mga magulang bilang ama at ina ay may misyong gabayan ang kanilang
mga anak.
Sa araling ito ay mauunawaan atin kung ano ang misyon ng isang pamilya na
mahalagang gampanan sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at
paghubog ng pananampalataya.
PANUTO: Basahin o awitinn ang awit na “Anak” ni Fredie Aguilar.
Batay sa awit, nakamit ba ng magulang ang kanyang misyon sa kanyang anak?
Bakit? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________
May pagkukulang bang analk sa kanyang pamilya? Nagampanan ba ng anak ang
kanyang misyon sa kanyang pamilya? Bakit? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________
,
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong
nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka
nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha
ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
BASAHIN NATIN:
Mayroon ka bang misyon sa buhay?
Ano ang iyong misyon?
Ano baa ng kahulugan ng salitang misyon?
Ang misyon ay kasingkahulugan ng salitang “tungkulin,” “katungkulan,”
“pananagutan,” at resposibilidad. Ang misyon ay ang batayn ng iyong hangarin at saligan
ng iyong pananw na pinahahlagahan upang matamo ang kagannapan sa buhay. Ito ay
ang pukos, layunin o mga Gawain na kailangan mong maisagawa. Bilang parte ng isang
pamilya ang bawat miyembro ay kaisa sa misyon ng pamilya. Halimbawa, ang mga
magulang ay may misyon na maging kabalikat at katulong ng Diyos sa paglikha at
pagpapalaki ng mga anak sapagkat mula sa kanyang pagkasilang sila ay
nangangailangan pang palakihin at alagaan.
Mayroon ding misyon ang magulang na gawin ang lahat para sa ikabubuti ng
buong kaanak.
May misyon ang isang pamilya sap ag pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasiya at paghubog ng pananamplataya.
PAGBIBIGAY NG EDUKASYON
Kaalaman
Ayon kay Dr. Florentino T. Timbreza (2010) isa sa mga mahahalagang obligasyon
ng mga magulang ay ang pagppaaral sa kanilang mga supling. Bukod pa rito’y itinadhana
ng Saligang Batas ng Pilipinas na katungkulan din ng mga magulang na palakihing may
taglay na sapat na kaalaman at karunungan ang mga anak. Itinadhana sa New Civil Code
ng ating Saligang Batas, particular sa article 365, ang karapatan ng bawat anak na
makatapos man lamang ng elementarya sa kanyang pag-aaral. Kasama sa mga
karapatan ng anak ay ang pagkalinga at pagmamatnubay ng mga magulang tungkol sa
magandang asal at kasanayang pampayamanan, at mabuhay sa isang kaayang
kapaligiran naangkop sa kanayang physical, moral, at intellectual na paglaki o aspekto
ng buhay.
Hindi lamang ang magulang kundi gayundin sa sinumang tagaalaga o guardian ng
bata ang dapat tumingin at magpatupad sa mga karapatan niya upang itanim sa kanyang
murang isipan ang kumpiyansa sa sarili, pag-ibig sa bayan, paggalang sa mga
pambansang bayani, karapatan sa demokrasya bilang Sistema ng pamumuhay.
Mayroong joint parental authority, (tambalan ng kapangyarihang pangmagulang), ang
ama’t ina sa kanilang lumalaking mga anak.
Hindi maaring ipaubaya at ipagkait ng mga magulang ang kanilang tungkuling
mamatnubay at magpaaral ng kanilang mga anak, maliban na lamang kung ipaampon
sila alinsunod sa batas. Gayunpaman, dapat ding sundin, kilalanin, at respetuhin ng mga
anak ang kanilang pinagkakautangan ng buhay.
Subalit mawawala ang karapatan o kaya’y parental authority ng mga magulang sa
kanilang mga anak kung sila’y iniiwan, inuutusang gumawa ng masasama o magpalimos.
Mayroon ding karapatan ng gma magulang na ituwid ang masamang landasin ng mga
anak at bahagyang parusahan sila kung kinakailangan.
Sa pamamagitan ng edukasyon ay lalong maitataguyod ang paglinang sa mga
kabataan para sa kahusayang pangsibiko, at paghubog sa kanilang karakter. Ang
pagpapaaral ng anak ay isang prosesong pagtuturo at paghahanda sa kanya para sa
hinaharap niyang buhay panlipunan.
Sa edukasyon at pagpaparal ng anak, kailangang bigyang kasiyahan ang
pangangailangan ng bata para maunawaan ang bagay sa kanyang paligid. Dapat sagutin
at ipaliwanag sa bata ang kanyang mga katanungan at pag-aalinlangan. Kailangan ng
bata ang isang huwaran o modelo para sa kanyang paglaki. Kailangan ng bata ang
pagtitiwalang siya’y minamahal at poprotektahan ng kanyang mga magulang.
Napakalaki ang epekto para sa isang lumalaking bata ang mga saloobin, kilos, at
mga pananalita ng mga magulang. Kahit na sa unang taon pa lamang ng kanyang buhay
at hindi pa nakakapagsalita ay nararamdaman na niya ang damdamin ng mga magulang
para sa kanya. Pati ang kanilang paniniwala, pananalig sa buhay, mga pag-uugali, at
pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng tahanan ay magkaroon ng epekto sa lumalaking
bata.
Kaya para sa edukasyon ng lumalaking bata, wala nang mas mabisa at wala nang
makahihigit pa pagbibigay ng magandang halimbawa. Kung namamalas niyang
nagsisimba at nagdadasal ang mga magulang, tiyak na tumitino ito sa kanyang isipan at
lumalaking gayon din ang kanyang gagawin. King naririnig niayng nagmumura at
nagisisinungaling at hindi tapa tang mga magulang sa isa’t isa, iyon din ang kanyang
tutularan. Mas malakas ang epekto sa bata ng mga ikinikilos ng magulang kaysa sa
kanilang pananalita.
PAGGABAY SA PAGPAPASIYA
Ang mga magulang ay may responsibilidad, sap ag-aalaga, pagpapalaki,
pagdidisiplina at paggabay sa kanilang mga anak upang lumalaki silang mahusay na mga
mamamayan.
Resulta ng pagpapalaki ng magulang kung paano mag-isip, kumilos at magpasya
ang mgs anak. Base ito sa pamamaraan kung paano sila tinuruan, inilandas, disiplina, at
pinatnubayan ng kanilang mga magulang.
Malaki ang paanw ni Dr. Florentino T. Timberza (2020) na nasa awtoridad ng mga
magulang ang makatwirang pagwawasto sa tiwaling pag-uugali ng kanilang kamag-anak,
at dapat silang turuan ng mga tamang pagpapahalaga sa pamamagitan ng
paghahalimbawa sa gawa at sasalita, sa halip na nasa pamamagitan ng paggagantipala
at pagpaparusa.
Ayon kay Chona M. Domingo at Bessie A. Rios (1998) ang paggabay ay iba kaysa
pangangaral at pagtuturo. Ngunit ito ay mayroon ding tuwirang turo at pangangaral
patungkol sa maling nararanasan o kaalamang nais laliman ang unnawa at gamit. Ang
gabay ay may lakip nap ag-uugnay nang gagawin sa isang pagkakamali o pagsuway.
Narito ang mga Pananaw ng mga Filipino sa Paghubog sa Ugali ng Tao mula sa
aklat ni Dr. Florentino T. Timbreza (2010).
Batbat ng matatalinghagang pamamatnubay at pangangaral ang pamanang-
bayan ng mga Filipino, na angat sa kani-kanilang katutubong karanasan at praktikal na
pag-iisip. Maihahalintulad diumano sa paggawa ng palayok ang paghubog sa ugali ng
tao. Habang malambot pa ang luwad ay madalin ihulma sa ano mang anyong ninanais.
Subalit kung pabyaang tumigas ang luwad bago ito hulmahin, mabibiyak at madudurog
ito kapag iaayos. Nakapaloob ang metaporang luwad sap ag-iisip at karanasan ng mga
tagalog: “Ang punukahoy na liko’t/Hukutin mo habang malombot/ Kung malaki na’t
tumayog/ Mahirap na ang paghutok’.
Sang-ayon din ditto ang mga Ilokano; “Lintegem tay kawayan no rabong pay,
no natangkenanen dikanton maippay” (ituwid moa ng kawayan habang ito’y labong
pa, kapag magulang na’y hindi mon a mapayuko). Gayundin diumano ang tao. Kapag
hindi maagapang ituwid ang masamang ugali ng isang bata, siay’y mammihasa sa
gayong gawi at tataglayin nito ito hanggang sa pagtanda. Kaya kung malaki na’y mahirap
nang baguhin ang kanyng pag-uugali.
Dahil ditto mahalaga ang paghubog sa murang isipan ng kabataan. “ang gawa sa
pagkabata, dala hanggang tumanda,’ sabi ng mga tagalog. Ang ibig sabihin ay kung ano
ang pinagkabataan ay siya ring pagkakatanda. Kung ano ang kinamulatan ai siyang
pagkaktanda, sapagkay ang gawang kinamulatan ay maliwanag mailmutan. Ang
katotohanang ito’y bahagi rin ng pangangaral ni Haring Solomon: “Turuan ang bata
tungkol sa wastong daan, at tumanda man siay’y hindi niya ito lalayuan” (Kaw 22;6).
At sino ang dapat magturo sa bata tungkol sa wastong landasin o pag-uugali? Siyempre
ang mga magulang. Sa kanila nakasalalay ang malaking pananagutan tungkol sa
wastong pagpapalaki at pagtutuwid sa inaasal ng mga anak.
Ayon naman sa mga Ilonggo, “ang mga magulang ang sentro ng pananagutan sa
buong tahanan). Sila ang patnubay at tanglaw ng mga anak sa karapatdapat na landasin
sa buhay. Bahagi rin ito ng karanasang Tagalog:” Gayundin sa mga Boholano, “Unsa ang
mga guinbicanan ma-oopod ang ilang caliwat” (Kuna ano ang ga magulang ay gayundin
sa mga anak).
Itinuturing rin ito ng mga ilokano, “Dagti annak tis arming dagiti nagannak” Ang
mga anak ay salamin bng mga magulang). “Dagati tattao sika’t inda paganniwanan iti
kababalin ni tatangmo kasta met ken inam” (Maaaninaw sa iyo ng mga tao ang pag-uugali
ng iyong ama at gayundin ng iyong ina). Isinasaad nit ang malaking impluwensiyang
magagawa ng magulang sa kanyang supling. Masasalamin sa inaasal ng mga anakkung
paano sila pinalaki at tinuruan ng kanilang mga magulang. Sakaling maligaw sa wastong
landasin ang isang bata’y karaniwang iginiit ito sa mga magulang.
Palasak ang kaisipang ito sa mga taong-bayan. Para sa mga Tagalog, “Ang anak
na nagkukulang sa katungkulang binyagan, nasisisi’t nadaramay ang nag-iwing mga
magulang. “Gayundin sa mga Ilokano, “No daytay labba a linagam ket agarrisit wenno
agiisar. Amin dagiti tattao a makaimatang awan sabali nga dillawan, no di sika nga
akinlaga, akingapuanan” (Kung ang nilala mong bilao ay kawang-kawang ang
pagkakayari, lahat ng taong makakakita’y walang ibang pinupulaan kundi ikaw na rin na
naglala o naghabi).
Gayundin diumano sa mga anak. Ang pagkakahubog ng kanilang pag-iisip at pag-
uugali ay nababatay sa kung papaano sila tinuturuan, inilalandas, at pinapatnubayan ng
kanilang mga magulang mga magulang. Kaya kung ano man ang lakulangn sa wastong
pag-aasal ng isang anak, malimit itong isinisi sa kanyang magulang; sapagkat sakop ito
ng pananagutang pangmagulang.
Sa pagdidisiplina ang mga bata ay nagagabayan sa pagtukoy ng Tama o Mali
upang magamit sa tamang pagpapasiya.
PAGHUBOG NG PANANAMPLATAYA
Inuutusan ng Diyos an gating magulang na subaybayan tayo sa maayos na
pamumuhay. Gayunpaman, ang pamilya ay kailangan ng pananampalataya. Ano ng aba
ito? Isipin muna natin kung ano ang pananampalataya ay tulad ng isang bagay na ibinigay
sa atingng Diyos. Ayon sa aklat ng Pagpapalaki ng Anak sa Tahanang Kristiyano, ito ay
kusang paniniwala sa isang bagay o sa isang tao.
Nagpapamalas tayo ng pagtitiwala araw-araw. Kapag tayo ay umupo sa silya,
naniniwala tayong kaya tayo ng silya. Pagsakay natin sad yip, nagtitiwala tayong ligtas
tayong makakarating sa ating pupuntahan. Sa pagkain natin sa restaurant, naniniwala
tayong walang lason ang pagkain. Pinag-aaral ng mga magulang ninyo ang mga anak
dahil nagtitiwala sila sa mga guro na tuturuan ang kanilang mga anak ng mga dapat
malaman.
Kaya’y hindi natin masasabing wala tayo kahit konti mang pananampalataya.
Araw-araw nagpapamalas tayo ng pananampalataya habang ipinagkakatiwala natin ang
ating kalusugan, mahal sa buhay at ang sarili nating buhay sa pangangalaga ng iba.
Ginagawa natin ito kahitsa hindi natin gaanong kilala gaya ng may-ari ng restaurant o
tsuper ng bus. Nagtitiwala tayo sa kanila dahil sa rekomendasyon ng ating kaibigan o
pahintulot ng pamahalaan.
Kapag sinasabi nating nananamplataya tayo sa Diyos nangangahulugang itong
nagtitiwala tayo sa kanya. Ipinagkakatiwala natin sa Diyos an gating sarili, pamilya at
bawat bahagi ng ating buhay. Kung pinagtitwalaan natin ang tao sa maramig mahalagang
bagay lalong higit nating dapat pagtiwalaan ang Diyos na lagging gumagabay para sa
ating ikabubuti.
Gumagawa ang Diyos sa ating pamilya. Gusto niyang maligtas an gating pamilya.
Isa sa mga misyon ng isang pamilya ay mapalaki ang anak na may takot at pag-ibig sa
Diyos.
Ang pangunahing paraan ng Diyos para maakay ang mga anak sa Kanya ay sa
pamamagitan mismo ng ating mga magulang. Binalak Niyang makikilala natin Siya sa
pamamagitan ng ating halimbawa o atig pananampalataya. Binalak Niya na makita natin
ng lakas ng loob at tiyaga at ang Kanayang sagot sa ating dalangin Kapag nagtiwala tayo
sa kanya.
Sinasabi ni Dr. Florentino T. Timbreza (2010) na responsibilidad ng mga magulang
na panagutan ang lahat ng pangangailangan ng kanilang anak sa kangyang paglaki
upang siya ay maging isang responsableng mamaayan. At ang magulang ay may tugkulin
na tugunan ang pangangailangan sa pagpapapalaki at pagpaparal sa kanilang mga anak.
Kasama rito ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng
pananampalataya.
GAWAIN 1
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Kung bahagi ka ng isang pamilya at parte ka ng isang misyon, ano ang iyong
tungkulin sa iyong pamilya bilang anak? Ipaliwanag.
________________________________________________________________

__________________________________
2. Bakit napakahalagang responsibilidad ng magulang sa paghubog ng
pananampalataya ng kanyang mga anak? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________
________________________________________________________________
__________________________________________________________
3. May misyon ang isang pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya, alin sa mga ito ang piakamalaga
sa iyo? Bakit? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________________________________
GAWAIN 2
PANUTO: Kumuha ng larawan ng iyong pamilya at idikit ito sa isang Cartolina bondpaper.
Anong masasabi ninyo? Pagmasdan ninyo an gating pamilya! Anong
nararamdaman nyo na may pamilya kayo?
Sagutin ang tanong:
Anu-ano ang gusto nating gawin bilang pamilya?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________
Ayon kay Wagayway H. Estabilo, nilikha ng Diyos ang pamilya. Siya ang nagtatag
nito. Ginanap niya ang unang kasalanan. Siya ang nagbigay ng anak kina Agan at Eva.
Ang Diyos ang nakapangyayari sa buhay ng pamilya. May layunin siyang pahintulutan
ang mga mangyayari.
Para maging maligaya ang pamilya at malutas nila ang mga problema, kailangang
may magandang samahan ang lahat ng miyembro nito. Dapat tuparin ng bawat miyembro
ng pamilya ang kanyang responsibilidad para sa ikabubuti ng buong pamilya. Dapat
makiisa ang lahat para malutas ang problema. Dapat mahalin isa’t – isa.
Anu-ano ang tungkulin ng magulang sa pamilya?

______________
GAWAIN 3
PANUTO: Dapat nating pasalamatan ang ating magulang sa disiplina at pagtuturo sa
atin. Ihayag natin an gating pasasalamat sa kanila sa pamamagitan ng sulat.
Isama ninyo sa inyong sulat ang pagpapahayag ng iyong pagtangi kung
minsan sa kanilang disiplina at turo. Sabihin ninyo sa kanila na mula ngayon,
sisikapin ninyong sundin sila sa tatlong bagay na inyong isinulat sa
kuwardeno. O kaya gumawa kayo ng “thank you card” para sa kanilang
disiplina at turo.
Halimbawa:
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Salamat po: ________
____________________
Sanggunian:
Pagpapahalaga ng PAMILYA, Valuing the Family & Parental Responsibility ni Florentino
T/ Timbreza, Ph.D., Logos Publication, Inc. Manila 2010.
Pagmamahal Sa Aking Sarili at Sa Iyo, Youth Bible Studies 10 nina Amelia Ferrez,
Wagayway Estabillo, 1986 by Philippine Christian Education Publications, Inc.
Kahalagahan ng pamilya sa paghubog sa ating pagkatao Tuesday. 06 November 2012
04:12 CHE SARIGUMBA
Mga Imahe:
http://www.plipinomirror.com.ph/index.php/lifestyle/1184-kahagahan-ng-pamilya-sa-
pahubog-sa-ating-pagkatao