4
ARALING PANLIPUNAN 6 UNANG MARKAHAN: ARALIN 1 PAKSA: ANG LOKASYON AT TERITORYO NG PILIPINAS LAYUNIN: Malaman ang dalawang paraan ng pantukoy lokasyon ng Pilipinas Maintindihan ang kasaysayan ng Pilipinas Matukoy ang kahalagahan ng ng lokasyon ng Pilipinas TALASALITAAN: Archipelagic Doctrine Exclusive Economic Zone Indias Orientales Espanolas PAGTATALAKAY: Mahalagang isaalang-alang sap ag-aaral ng pagbubuo ng bansa ang mga katangian nito, lalo na ang lokasyon at teritoryo. Isa sa mga salik sa paglaganap ng mga ideya mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang lokasyon ng Pilipinas. Batay sa kasaysayan, nagkaroon ng mga pagbabago sa hangganan at teritoryong sakop ng bansa. ANG LOKASYON NG PILIPINAS 2 Paraan ng pagsasabi ng lokasyon ng Pilipinas Absolutong Lokasyon – Paglalarawan ng tiyak na kinaroroonan ng isang lugar sa mundo. Matutukoy ito sa pag gamit ng mga likhang guhit na makikita sa mapa o globo. (Halimbawa: Guhit latitude at guhit longhitud)

ARALING PANLIPUNAN 6 UNANG MARKAHAN: ARALIN 1 PAKSA: …

  • Upload
    others

  • View
    75

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

ARALING PANLIPUNAN 6

UNANG MARKAHAN: ARALIN 1

PAKSA: ANG LOKASYON AT TERITORYO NG PILIPINAS

LAYUNIN:

➢ Malaman ang dalawang paraan ng pantukoy lokasyon ng Pilipinas ➢ Maintindihan ang kasaysayan ng Pilipinas ➢ Matukoy ang kahalagahan ng ng lokasyon ng Pilipinas

TALASALITAAN:

• Archipelagic Doctrine

• Exclusive Economic Zone

• Indias Orientales Espanolas

PAGTATALAKAY:

Mahalagang isaalang-alang sap ag-aaral ng pagbubuo ng bansa ang mga

katangian nito, lalo na ang lokasyon at teritoryo. Isa sa mga salik sa paglaganap

ng mga ideya mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang lokasyon ng Pilipinas.

Batay sa kasaysayan, nagkaroon ng mga pagbabago sa hangganan at

teritoryong sakop ng bansa.

ANG LOKASYON NG PILIPINAS

2 Paraan ng pagsasabi ng lokasyon ng Pilipinas

➢ Absolutong Lokasyon – Paglalarawan ng tiyak na kinaroroonan ng isang

lugar sa mundo. Matutukoy ito sa pag gamit ng mga likhang guhit na

makikita sa mapa o globo. (Halimbawa: Guhit latitude at guhit longhitud)

➢ Relatibong Lokasyon – Paglalarawan sa isang lugar batay sa relasyong

kinaroroonan nito sa mga nakapaligid na katubigan at lupain.

ANG PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS

Nakasaad sa Saligang-Batasa ng 1987 ang pambansang teritoryo ng Pilipinas .

Inilalarawan dito ang sakop at saklaw ng buong kapuluan, kabilang ang iba

pang teritoryong pag-aari nito sa pamamagitan ng karapatang kinikilala sa

kasaysayan o sa batas.

1. Batay sa mapang Politikal – May teritoryo ang bansa dahil sa mga

sumusunod.

a. Matiyak ang hangganan ng bansa

b. Matukoy ang mga lugar na sakop ng soberanya ng pamahalaan

c. Mataya ang mga lugar na maaaring panahanan ng mga Pilipino

d. Maitakda ang mga lugar na maaaring pagkunan ng kabuhayan at likas

na yaman

e. Maprotektahan ang mga teritoryo sa illegal na pagpasok ng mga

dayuhan.

ARTIKULO I

ANG PAMBANSANG TERITORYO

Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat

ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga

teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo

ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal,

ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang

iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid,

nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang

lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng

Pilipinas.

Sakop at saklaw ng pambansang teritoryo:

➢ Panlupa – Terrestrial

➢ Pantubig – Fluvial

➢ Panghimpapawid – Aerial

Ang pagtatakda ng teritoryo ng Pilipinas ay alinsunod sa mga sumusunod

➢ Archipelegic Doctrine – Doktrinang Pangkapuluan

➢ UNCLOS – United Nations Convention on the Law of the Seas

a. Batayang guhit na pangkapuluan – Archipelagic baseline

b. Panloob na karagatan – Internal water

c. Katubigang pangkapuluan – Archipelagic water

d. Dagat teritoryal – Territoril sea

e. Kailaliman ng lupa – Continental shelf

➢ EEZ – Exclusive Economic Zone

2. Batay sa Kasaysayan

Ang Pilipinas ay pormal na napasailalim sa pananakop ng mga Espanyol noong

1565. Unang Kabisera nito ay ang Cebu at inilipat sa Maynilla noong 1571.

Kabilang ang Pilipinas sa Spanish East Indies (Indias Orientales Espanolas) mga

teritoryong sakop ng Espanya na nasa Karagatang Pasipiko. Natapos ang

pananakop noong 1898 at ang Pilipinas ay napasailalim ng Estados Unidos ng

Amerika.

➢ Treaty of Paris 1898 – Nagsasaad ng mga lupain sa loob ng itinakdang

hangganan kapalit ang halagang 20 milyong dolyar.

➢ Cession Treaty 1900 – kasunduan sa pagitan ng Espanya at ng Estados

Unidos binigyan linaw ang sakop na lupain ng Pilipinas isinama dito ang

pulo nhg Cagayan de Sulu at Sibutu.

KAHALAGAHAN NG LOKASYON NG PILIPINAS

Sagana sa yamang lupa at tubig ang kapuluan. Ginawang kolonya ang Pilipinas

ng mga bansang Espanya, Estados Unidos at Hapon dahil sa estratehikong

lokasyon nito sa kontinente at sa pandaigdigang layunin

1. Kahalagahang Pang-ekonomiya

Nakarating ang mga Espanyol sa Pilipinas sa paghahanap nila sa Mollucas o

Spice Island nabighani sila sa Pilipinas sa angkin nitong likas na yaman. Sumunod

sa kanila ang bansang Estados Unidos napaunlad ng bansang Amerika ang

kanilang industriya sa pamamagitan ng mga raw materials na nakukuha nila sa

Pilipinas.

2. Kahalagahang Pampolitika

Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang Pilipinas ay nagging

mahalagang tanggulan ng Espanya upang pangalagaan ang interes nito sa

Asya Pasipiko. Sa panahon ng mga Amerikano ginamit din ng Estados Unidos ang

estratehikong lokasyon ng Pilipinas upang pangalagaan ang kanilang

kapangyarihan at impluwensya sa Asya.

KAHALAGAHAN NG PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS

Nakagagawa ng batas ang isang bansa para sa kapakanan ng mamamayan

na sakop nito. Naiiwasan ang hidwaan ng mga bansa sa isat-isa.

PAGSASANAY:

A. Sagutin sa tatlong pangungusap ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ilarawan ang kinaroroonan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mga guhit

longhitud at latitude.

2. Paano matutukoy sag lobo ang absolutong lokasyon ng isang bansa

gaya ng Pilipinas.

3. Bakit mahalagang matutunan ang mga paraan ng pantukoy sa lokasyon

ng Pilipinas.

4. Bakit kailangang itakda ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas

5. Ano ang Treaty of Paris?

TAKDANG ARALIN:

Mangalap ng ibat-ibang larawang nagpapakita ng kahalagahanng lokasyon

ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo. Gumawa ng

presentasyon sa Powerpoint ng mga nakalap na larawan na may tatlong

bahagi.

I. Introduksyon – ipakita ang absolutong lokasyon ng Pilipinas sa mapa at

globo na nagpapatunay sa estratehiko o magandang lokasyon nito

sa mundo.

II. Katawan – lagyan ng maikling kapsiyon o paliwanag ang mga

nakalapat na larawan

WAKAS