Upload
lamliem
View
546
Download
13
Embed Size (px)
Citation preview
Page 1
ARALING PANLIPUNAN Grade 5
(Ikatlong Markahan)
Kagamitan ng Mag-aaral at
Gabay sa Pagtuturo
2016
Page 2
Talaan ng Nilalaman
IKATLONG MARKAHAN (Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang Kolonyal ng mga Espanyol)
Aralin 1 Mga Pagbabago sa Panahon ng Pananakop 4-15 Mga Pagbabago sa Uri ng Pamahalaan 6
Antas ng Mamamayan 9
Kalagayan ng mga Babae sa Lipunan 9
Mga Pagbabago sa Ekonomiya 10
Aralin 2 Mga Pagbabago sa Kultura ng mga Pilipino sa
Panahon ng Espanyol 16-30 Relihiyon 18
Buhay Pampamilya 19
Mga Laro at Pagdiriwang 20
Mga Pagkain 20
Musika, Sayaw, at Sining 21
Agham at Panitikan 22
Pananamit 23
Edukasyon 24
Aralin 3 Mga Pagbabagong Pampulitika sa Panahon ng
Espanyol 31-49 Pamahalaang Sentral 33
Pamahalaang Lokal 36
Pamahalaang Panlalawigan, Pambayan, Panlungsod 37
Aralin 4 Pagpupunyagi ng mga Katutubong Pangkat sa
Kolonyal na Pananakop 50-62 Tangkang Pananakop sa Cordillera 53
Tangkang Pananakop sa mga Bahagi ng Mindanao 55
Anim na Yugto ng Pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas 57
Ikatlong Markahang Pagsusulit at Talaan ng Ispesipikasyon
Susi sa Pagwawasto
Page 3
Yunit III
IKATLONG MARKAHAN Pagbabagong Kultural sa Pamamahalang
Kolonyal ng mga Espanyol
Page 4
Aralin 1
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pananakop
PANIMULA
Maraming pagbabago ang ipinakilala ng mga Espanyol sa uri ng
pamumuhay ng mga Pilipino tulad ng pagbabagong pampulitika,
panlipunan, at pangkultura. Krus at espada ang ginamit na sandata ng mga
Espanyol sa pananakop ng ating bansa. Ginamit ang mga misyonero upang
mahimok ang maraming Pilipino sa paniniwalang Katolisismo. Maliban sa
paniniwalang Katolisismo marami pa ang nabago sa pamumuhay ng mga
Pilipino na tatalakayin sa araling ito.
Pamantayan sa Pagkatuto: (10 days) (Layunin)
1. Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon
ng mga Espanyol (e.i. pagkakaroon ng organisadong poblasyon, uri
ng tahanan, nagkaroon ng mga sentrong pangpamayanan, at iba
pa.) (AP5KPK-IIIa-1)
1.1. Naiisa-isa ang uri ng panahanan sa panahon ng Espanyol.
1.2. Natutukoy ang pagbabago sa uri ng panahanan ng mga
Pilipino sa panahon ng Espanyol.
1.3. Naipaliliwanag ang pagbabago sa uri ng panahanan ng mga
Pilipino sa panahon ng Espanyol.
2. Napaghahambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan
bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng Kolonyalismo
(AP5KPK-IIIb-2)
2.1. Napaghahambing ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na
papel ng babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa
panahon ng kolonyalismo.
2.2. Naipaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga
sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo
2.3. Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapabuti ng
katayuan ng mga babae.
Page 5
Paksang Aralin
Paksa : Mga Pagbabago sa Panahon ng Pananakop
Kagamitan : Manila paper, panulat, Video presentation
Sanggunian : Learner’s Material, p.
A. Panimula 1. Ipakita ang mga sumusunod na larawan sa buong klase at pag-
usapan ang mga ito gamit ang mga tanong na nasa ibaba.
(Kunin ang mga larawan sa soft copy ng LMs at i-print ang mga
larawan sa bond paper na may akmang laki upang makita ng
lahat ng mga mag-aaral sa loob ng klase)
Page 6
2. Itanong:
a. Ano-ano ang mga ipinakitang larawan?
b. Anong materyal/materyales gawa ang mga ito?
c. Ilarawan ang bawat panahanan?
d. Sa kasalukuyan, may mga panahanan pa bang ganito ang
pagkakagawa?
e. Paano ninyo ilalarawan ang mga tahanan sa kasalukuyan?
f. Kung kayo ang papipiliin, aling panahanan ang nais ninyong
tirhan: panahanan noon o sa kasalukuyan? Bakit?
3. Iugnay ito sa aralin.
Mahalaga na malaman natin ang mga pangyayaring
nagbago sa panahanan ng ating mga ninuno at ang naging
pagbabago nito sa pananakop ng mga Espanyol. Ito ang ating
pag-aaralan sa araw na ito.
ALAMIN MO
B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga sumusunod na tanong: a. Ano ang ibig sabihin ng panahanan?
b. Ano-ano ang mga uri ng panahanan ng ating mga ninuno?
c. Paano nagbago ang pamumuhay ng mga Pilipino sa
pagbabago ng panahanang dulot ng kolonyalismong
Espanyol?
d. Ano ang epekto ng pagbabagong ito sa pamumuhay ng
mga sinaunang Pilipino?
2. Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat
ng mga sagot nila.
3. Talakayin ang aralin gamit ang sumusunod na teksto
A. Mga Pagbabago sa Uri ng Panahanan
Napagsama-sama ang mga katutubong Pilipino sa mga pueblo dahil
sa pagkakaroon ng reduccion o ang sapilitang paglilipat ng mga Pilipino
sa iisang lugar mula sa malalayong pamayanan. Ang panahanan ng
ating mga ninuno na dati rati’y sa mga tabing ilog lamang ay napalitan
ito sa pagdating ng mga Espanyol.
Nagkaroon ng pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa
pagdating ng mga Espanyol, nagkaroon ng pagbabago sa lokasyon,
may mga bahay para sa mga nakaririwasang Pilipino at karaniwang
Page 7
Pilipino. Sa ating bansa ay maraming mga lumang bahay. Ang unang
bahay, ang “bahay kubo” o “nipa hut” sa ingles ay ang bahay ng mga
Pilipino kung saan ang kanyang arkitektura ay iniangkop sa mainit na
kapaligiran at klima ng Pilipinas upang matamo ang ginhawa ng tumitira
dito. Ang mga materyales na gagamitin dito ay nasa palagid lamang ng
mga katutubong Pilipino.
Mahalaga ang bahay
kubo, ayon kay Dr. Zeus
Salazar, dahil sa pinakalat ng
kolonyalismo na nosyon ng
“kahit munti,” akala natin
maliliit ang mga bahay kubo.
Ngunit tulad ng Langgal at
Torogan sa Maguindanao,
malalaki ito at ilang pamilya
ang maaaring tumira. Maaari itong tawaging Bahay Austronesyano, ang
kultural na gamit na tugon sa tropikal na klima sa karagatang Pasipiko.
Ang Torogan ay ang tawag sa bahay ng mga Maranao ng nakatira sa Rehiyon ng
Lanao sa Mindanao. Ang mga nagmamay-ari ng bahay na kagaya nito ay na nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Ito ang nagsisilbing tahanan para sa datu kasama ang kanyang mga asawa at mga anak. Sa isang pamayanan, ipinagbabawal magkaroon ng bahay na mas malaki pa kaysa sa torogan ng datu sapagkat ito ay nagpapakita ng estado, karangyaan at kayamanan.
Ang torogan ay bahay na tinitirahan ng datu. Ang bahay na ito ay walang mga kwarto at ito ay tamang tamang tirahan para sa pamilya ng datu, sa kanyang mga asawa at mga anak. Ang bintana ng torogan ay gawa sa mga piraso ng kahoy na nakakabit sa kahoy na panel at dinesenyuhan ng okir. Ito ay nakalagay sa harapan ng bahay. Ang lutuan ay kalahating metrong mas mababa sa bahay at ginagamit upang lugar ng kainan at lutuan. Ang torogan ay nilalagyan ng madaming dekorasyon. May disenyong diongal sa bubong, sa sahig at bintana ay okir naman ang disenyon. Mayroon ring mga
malong na nakasabit gamit ang mga tali, ito ay upang magkaroon ng harang sa isang partikular na teritoryo. Ang bahay ay ginawa upang sumunod sa galaw ng lindol. dalawampu't limang poste ng mamalaking puno ang sumusuporta sa bahay, bagaman hindi ito nakabaon sa lupa. Minsan gumagamit ng mga wooden pegs para mas maging matibay ang istruktura.
Ang torogan ay hindi lamang ginagamit para tirahan ng datu at nang kaniyang pamilya, may iba pa
itong gamit. ang tahanang ito ay ginagamit din sa tuwing may mga kaganapang pang lipunan at pangrelihiyon kagaya ng kasalan, dito rin minsan binuburol ang patay, mga konperensya at kahit pagdidisiyson sa mga kriminal. Minsan ginagamit din itong bahay para sa mga bisita ng lugar.
Langgal Torogan
Page 8
Mula sa isang bahay-kubo, itinuro ng mga Espanyol sa mga katutubo
ang paggawa ng bahay na bato o tisa. Ibinahagi rin nila ang antillean na
istilo ng paggawa ng bahay. Ang ibabang bahagi ng mga antillean na
tahanan ay yari sa bato, samantalang yari naman sa kahoy ang itaas.
Mayroon itong malalaking bintanang gawa sa capiz. Kapag sarado ang
bintana, mayroon itong ventanilla o maliit na bintana sa ibaba na
binubuksan tuwing gabi. Gayunpaman, mayayaman lamang ang
nakapagpapagawa ng ganitong uri ng bahay. (Masdan ang larawan sa ibaba –
halimbawa ng mga bahay na bato ng syudad San Fernando)
Hizon-Singian House. This bahay na bato was declared a heritage house by the National Historical Institute in January 2003. Currently owned by the heirs of the late businessman and civic leader Gerry H. Rodriguez, the house was built in 1870 by the couple Don Anacleto Hizon, gobernadorcillo of San Fernando from 1877-1879 and 1886-1887, and Victoria Singian de Miranda y de Ocampo.
The ancestral home of Fernando Ocampo-Hizon. This renowned architect help rebuilt the church after the war. He was one of the founders of the UST school of Architecture and Fine Arts.
Nanatiling bahay-kubo ang tirahan ng nakararaming katutubo.
Nagkaroon lamang ng kaunting dagdag, gaya ng balkonahe o azotea at
banggera. Ang balkonahe ay isang bahagi sa harap ng kubo kung saan
karaniwang sama-samang pinagpapahingahan ng mag-anak. Lagayan
naman ng pinggan, palayok, at iba pang kagamitan ang banggera na
matatagpuan sa gawing likuran ng bahay.
banggera balkonahe o azotea
Karamihan sa mga katutubong Pilipino ang nanatili ang kanilang
payak na tahanan. Karaniwang yari sa kahoy at pawid pa rin ang kanilang
bahay na may isang silid na kanilang kinakainan at tinutulugan. May batalan
Page 9
din ito na kanilang pinagpapaliguan at pinaghuhugasan sa mga kagamitan.
Ang silong ng bahay ay ginagawang kulungan ng mga hayop at taguan ng
pagkain.
Iba-iba man ang istilo ng mga tahanan noon, mayroong isang bahagi
ang bahay na hindi mawawala – ang altar. Dito nakapatong ang mga
rebulto ng mga santo. Dito lumuluhod ang magpapamilya tuwing
magdarasal ng rosaryo ng orasyon gabi-gabi.
B. Antas ng Mamamayan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang antas o
katayuan sa lipunan ang mga mamamayan – maharlika, timawa, at alipin.
Nagkaroon ng bagong pagpapangkat sa lipunang Pilipino sa panahon ng
pananakop.
1. Peninsulares – mga Espanyol na isinilang sa Espanya, at naninirahan sa
Pilipinas dahil sa ibinigay sa kanilang katungkulan sa pamahalaan o
simbahan. Itinuturing na pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa
bagong pagpapangkat-pangkat.
2. Insulares – mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas.
3. Mestizo – mga mamamayang mayroong magkahalong lahi o mga
hindi purong Pilipino. Ito ang pinakamataas na antas na maaaring
maabot ng isang Pilipino.
4. Principalia – mga katutubong Pilipino na binigyan ng kapangyarihan o
posisyon sa lokal na pamahalaan.
5. Inquillino – mga taong pinili upang mamahala o mangasiwa ng mga
lupa ng mga mamamayan at mga prayle o pari.
6. Indio – mga katutubong Pilipino, pinakamababang antas.
C. Kalagayan ng mga Babae sa Lipunan
Sa panahong bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa,
mayroong kapangyarihan ang mga kababaihan sa lipunan. Minsan, sila
ay nagiging babaylan, katalonan, o kaya naman ay prinsesa. Ang dating
mataas na katayuang ito sa lipunan ay higit pang tumaas sa ilalim ng
pamahalaang kolonyal. Ang mga kababaihan ay nirerespeto ng lahat ng
kalalakihan. Sila ay malayang nakakalahok sa mga gawain sa
pangangalakal.
Ang mga babaeng walang asawa ay lubos ding iniingatan.
Kinakailangan nilang magkaroon ng kasama o tagabantay sa tuwing sila
Page 10
ay aalis ng tahanan o sa pagdalo sa mga pagtitipon. Hindi sila basta
maaaring makihalubilo sa mga kalalakihan.
Ang mga kababaihan ay hindi maaaring makapag-aral sa mga
unibersidad at makakuha ng kursong abogasya, medisina, at iba pa. Sila
naman ay binigyan ng pagkakataong makapag-aral sa mga kolehiyo at
beateriong eksklusibo lamang para sa kababaihan. Ang kolehiyo ay
regular na paaralan para sa mga kababaihan. Sa mga beaterio naman
ay sinasanay sila sa pagluluto, pananahi, at pagbuburda upang maging
mabuting ina at asawa. Pinag-aralan din nila rito ang Doctrina Christiana,
musika, at ang kagandahang-asal. Ang kababaihan namang walang
balak mag-asawa ay kadalasang binibigyan ng pagkakataong
magmadre at ialay ang kanilang buhay at panahon sa Diyos.
Ang kababaihan sa ating lipunan noong bago dumating ang mga
Espanyol ay talagang naiiba sa kababaihan sa Asya na itinuturing na
alipin o mababa ang antas sa lipunan. Ito ang isang malaking bagay na
hinahangaan at maaaring ipagmalaki sa ating kultura.
D. Mga Pagbabago sa Ekonomiya
Gumamit ng iba’t ibang paraan ang Espanya sa pagpapatakbo ng
ekonomiya ng Pilipinas. Ang ekonomiya ay ang sistema ng paglikha,
pamamahagi, paggamit, at pangangasiwa ng yaman, kalakal, at
serbisyo ng bansa.
1. Merkantilismo Masidhi ang pagnanais ng mga Europeong bansa noong ika-16
hanggang ika-18 siglo na mapayabong ang kanilang ekonomiya.
Bunga nito, ginamit ng mga makapangyarihang bansa ang sistemang
merkantilismo.
Sa ilalim nito, pinalakas ng isang bansa ang kanyang
ekonomiya sa pamamagitan ng pagpaparami ng pagluwas ng
produkto, kaysa pag-angkat. Hindi maaaring magkaroon ng industriya
sa mga kolonyang sakop ng isang bansa. Ang mga produkto ng mga
kolonya ay ipinadadala nang hilaw sa sumakop na bansa, kung saan
ito pinauunlad at ginagawang industriya.
Ito ang sistemang umiral sa Pilipinas. Ginamit ng Espanya ang
mga natural na produkto ng bansa upang lumakas ang ekonomiya
nito. Isa sa mga halimbawa ng mga produktong ito ay ang tabako.
2. Kalakalang Galyon Naging sentro ng kalakalan ng Tsina at Mexico ang mga
daungan sa Pilipinas. Pangunahing kalakalan na kinasangkutan ng
Pilipinas ay ang Kalakalang Galyon. Ito ay ang paraan ng
Page 11
pangangalakal ng mga Tsino at Mehikano sa pamamagitan ng
paglalakbay gamit ang galyon o sasakyang pandigma.
Walang masyadong produktong katutubo ang isinali sa
kalakalan. Ang tanging partisipasyon lamang ng mga Pilipino sa
kalakalang galyon ay magsilbing polista o kaya’y sundalo.
3. Monopolyo Nang maging gobernador heneral si Jose Basco noong 1778,
nagpasimula siya ng mga programang pang-ekonomiya upang
mapaunlad ang Pilipinas. Isa rito ang monopolyo sa mga produkto.
Monopolyo ang tawag sa mga produkto o kalakal na
eksklusibong pag-aari ng isang tao o grupo. Sa kaso ng mga Espanyol,
monopolyo ng gobyerno ang tabako. Solong pinapatakbo ng
gobyerno ang pagtatanim, pag-aani, paggawa, at pagbebenta ng
tabako sa mga tao. Matatagpuan ang mga taniman ng tabako sa
Cagayan, Ilocos, Nueva Ecija, at Marinduque.
4. Bandala Ang sistema ng bandala ay una ng tinalakay sa mga
nakaraang aralin bilang pagbubuwis. Sapilitang binibili ng
pamahalaan ang produkto o ani ng mga mamamayan, kapalit ng
maliit na halaga o papeles.
Bukod sa pagbubuwis, ipinatupad din ng Espanya ang bandala
upang mapuwersa ang mga mamamayan na magbenta ng kanilang
produkto o ani sa gobyerno. Bawat manggagawa ay mayroong
takdang dami ng ani o produkto na kailangan nilang ipagbili sa
pamahalaan. Kapalit niyon ay isang piraso ng papel na kung tawagin
ay cedula. Sa pamamaraang ito hindi kumikita ang mga katutubong
Pilipino sa kanilang hanapbuhay.
GAWIN MO
Gawain A
1. Magpabuo ng 5 pangkat. Ang bawat pangkat ay bubunot ng isang
larawan na kanilang gagamitin sa pangkatang gawain. Ibigay ang
mga sumusunod na tanong na gagamitin sa pagtalakay ng larawang
nakuha:
o Ano ang kahalagahan sa nakaraan, pagdating ng mga
mananakop, at sa kasalukuyan?
o Ano/ano-ano ang mga pagbabagong nangyari noon at sa
panahon ng kolonyalismo?
o Nanaisin mo bang tumira/ o gamitin pa rin ito hanggang sa
kasalukuyang panahon? Pangatwiran ang sagot
Page 12
2. Bibigyan ng 15 minuto upang tapusin ang gawain. Sa bawat tanong
ay pipili ng isang miyembrong mag-uulat ng sagot. Binibigyan lamang
ng 3 minuto sa pag-uulat ang bawat pangkat.
Gawain B 1. Sa pamamagitan ng “Thinking Map Scales”, ilarawan ang mga
tradisyunal at makabagong bahaging ginagampanan ng mga babae
sa lipunan simula noong panahon ng ating mga ninuno, panahon ng
mga Espanyol, at sa kasalukuyang panahon.
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_________________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Kasalukuyang Panahon
Panahon ng mga Espanyol
Panahon ng mga Katutubo
Page 13
2. Limang (5) pangkat ang bubuuin. Bibigyan ng 15 minuto upang
tapusin ang gawain.
3. Magkaroon ng “gallery walk” sa natapos na gawain.
4. Isusulat ng bawat pangkat ang mga nakitang ginawa ng ibang
pangkat na wala sa ginawa ng sariling pangkat.
5. Pag-usapan ang mga nakita sa bawat pangkat.
TANDAAN MO
Kasabay ng pagbabago sa sistema ng pamamahala, nagkaroon din
ng mga pagbabago sa lipunan at ekonomiya ng Pilipinas.
Isa sa mga palatandaan ng mga pagbabagong ito ay ang
pagkakaroon ng mga bagong istilo ng panahanan na karaniwang
yari sa bato at tisa, karagdagang bahagi ng bahay tulad ng
balkonahe at banggera, at ang paglalagay ng mga altar sa bawat
tahanan.
Nagkaroon ng mga bagong antas ng mamamayan sa pagdating ng
mga Espanyol: Peninsulares, Insulares, Mestizo, Principalia, Inquillino, at
Indio o masa. Napunta sa pinakamababang antas ang mga
ordinaryong katutubong Pilipino.
Ang mga babae sa ilalim ng pamahalaang kolonyal ay mayroong
mataas na kalagayan sa ating lipunan, bagamat nalimitahan ang
kanilang karapatan. Pinanatili sila sa mga tahanan upang matutunan
ang mga gawaing-bahay.
Sila ay maaaring makapag-aral, makilahok sa pangangalakal, at
iginagalang ng mga kalalakihang naging dahilan upang lalong
mapabuti ang kanilang kalagayan sa lipunan.
Naging sentro ng kalakalang galyon ang mga daungan ng Pilipinas.
Gayunpaman, hindi masyadong nakalalahok sa kalakalang ito ang
mga produkto ng mga katutubong Pilipino.
Pinasimulan ni Jose Basco sa Pilipinas ang sistema ng monopolyo, o
ang eksklusibong pagkontrol ng isang tao o grupo sa isang kalakal o
produkto.
Bukod sa pagbubuwis, ginamit din ang bandala sa pagpapalago ng
kaban ng pamahalaan. Sapilitang binibili ng mga Espanyol ang ani ng
mga katutubo, kapalit ng cedula.
Page 14
NATUTUHAN KO
A. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang salitang may
salungguhit ay wasto at totoo. Kung MALI ang salitang may
salungguhit, isulat ang tamang sagot sa patlang.
__________ 1. Ang mga panahanan sa panahon ng Espanyol ay higit na
malalaki at matitibay dahil ang mga ito ay yari sa pawid.
__________ 2. Ang bahagi sa likod ng bahay kung saan inilalagay ang mga
pinggan, palayok, at iba pang mga kagamitan ay tinatawag
na banggera.
__________ 3. Sa panahon ng pananakop, lahat ng mga katutubong Pilipino
ay napalitan ang dati nilang panahanan sa bahay na gawa sa
bato o tisa.
__________ 4. Ang nasa pinakamataas na antas ng mga mamamayan ay
ang mga Indio na binubuo ng mga Espanyol na pinanganak sa
Espanya.
__________ 5. Ang pinakamataas na antas na maaaring maabot ng isang
katutubong Pilipino ay ang Mestizo o mga hindi purong Pilipino.
__________ 6. Ang mga babae sa ilalim ng pamahalaang kolonyal ay
mayroong mataas na kalagayan sa ating lipunan.
__________ 7. Pinag-aaral ang mga kababaihan sa mga kolehiyo at beaterio
upang maihanda silang maging ina ng tahanan o magmadre.
__________ 8. Ang mga kababaihan ay pinahihintulutang pumasok sa
kolehiyo ng medisina at abogasya.
__________ 9. Sa sistemang bandala pinalalakas ng isang bansa ang kanyang
ekonomiya sa pamamagitan ng pagpaparami ng pagluwas ng
produkto kaysa pag-angkat.
__________ 10. Ang kalakalang galyon ay ang pagpapalitan ng kalakal ng
Tsina at Mexico.
__________ 11. Ang tanging partisipasyon ng mga Pilipino sa kalakalang
galyon ay magsilbing polista.
__________ 12. Merkantilismo ang tawag sa mga produkto o kalakal na
eksklusibong pag-aari ng isang tao o grupo.
Page 15
__________ 13. Pinasimulan ni Jose Basco sa Pilipinas ang sistema ng
monopolyo.
__________ 14. Naging sentro ng kalakalang galyon ang mga daungan ng
Pilipinas subalit hindi masyadong nakalahok sa kalakalang ito
ang mga produkto ng mga katutubong Pilipino.
__________ 15. Sapilitang binibili ng pamahalaan ang mga ani ng katutubo,
kapalit ng cedula sa sistemang bandala.
B. Performance-Based Assessment: (20 puntos)
1. Bigyan ng kapareha ang bawat mag-aaral (partner).
2. Sa kasalukuyang panahon maraming mga kababaihan ang
nagpapakita ng maraming positibong katangian na ikinararangal at
dapat na tularan ng bawat kabataang Pilipino.
3. Sumipi/ gumupit ng isang larawan ng babaeng inyong hinahangaan
na nagbigay ng karangalan, pagsisikap, pagpupunyagi, o inyong nais
na tularan.
4. Ipaliwanag kung bakit siya ang inyong napili.
5. Ilagay ito sa isang malinis na papel (bond paper).
Rubrik sa Paggawa ng Awtput
1. May kaugnayan ang larawang napili
sa ibinigay na panuto
5
2. Malinaw, malaman, at nauunawaan
ang ibinigay/isinulat na
pagpapaliwanag
5
3. Malinis ang pagkakagawa ng awtput
5
4. Naipasa ang awtput sa itinakdang
panahon
5
Kabuuan
20
Remedial Activity: Isulat sa bawat kahon ang antas ng mamamayan sa
panahon ng kolonyalismong Espanyol.
Page 16
Aralin II
Mga Pagbabago sa Kultura ng mga
Pilipino sa Panahon ng Espanyol
PANIMULA
Ang higit sa tatlong daang taong pananakop ng mga Espanyol sa
ating bansa ay nagdulot ng napakalaking epekto sa ating kinamulatang
kultura. Mapapansing sa mga nakaraang aralin ating natalakay at
mababakas ang mga pagbabagong nangyari sa ating kultura. Hindi lamang
ang pamahalaan, lipunan, at ekonomiya ang nabago sa pagdating ng mga
Espanyol. Ang mismong kultura ng mga Pilipino ay nagkaroon ng
pagbabago. Sa kabila ng mga pagbabagong ito ay hindi tuluyang nawala
ang ating kinagisnang kultura.
Pamantayan sa Pagkatuto: (9 days) (Layunin)
1. Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa panahon ng
Espanyol. (AP5KPK-IIIc-3)
1.1. Naipaliliwanag ang impluwensya ng kulturang Espanyol sa
kulturang Pilipino.
1.2. Natatalakay ang bahaging ginagampanan ng Kristiyanismo sa
kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
1.3. Nasusuri ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa kulturang
ipinakilala ng Espanyol.
Paksang Aralin
Paksa : Mga Pagbabago sa Kultura ng mga Pilipino sa Panahon
ng Espanyol
Kagamitan : Manila paper, panulat, Video presentation
Sanggunian : Learner’s Material, p.
A. Panimula
1. Bumuo ng limang (5) pangkat at ipagawa ang nakahandang gawain
sa bawat pangkat. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.
Page 17
Ipaskil ang mga sumusunod na larawan sa pisara. Sa loob ng maliit na
envelope ay nakalagay ang mga salitang may kaugnayan sa kultura
ng mga Pilipino. Sa hudyat ng guro ay bubuksan ang bawat envelope
at isulat sa malinis na papel ang sagot ng bawat guro (bilang 1
hanggang 6).
pandanggo moro-moro Florante at Laura
Spoliarium ni Luna sarsuwela La Solidaridad
pista pangungumpisal Empanada
Talakayin ang ginawang gawain ng bawat pangkat. Ang unang
tatlong grupong nakatapos ay may karagdagang isang puntos.
2. Itanong ang mga sumusunod:
a. Paano ang ginawang pagsagot sa mga larawan?
b. Bakit mabilis/mabagal ang pagsagot ng ibinigay na gawain?
c. Ano/ano-ano ang naramdaman habang ginagawa ang gawaing
sa pangkat?
d. Ano ang inyong napansin sa inyong mga sagot?
e. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa ating kasaysayan?
3. Iugnay ito sa aralin
Sa ating ginawang gawain ay inyong tinalakay sa bawat
pangkat ang mga mahahalagang salik na may kaugnayan sa kultura
ng mga Pilipino. Ang mga kulturang ito ay kapansin-pansin sa
larangan ng musika, sining, at panitikan.
Page 18
ALAMIN MO
B. Paglinang
Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga sumusunod na tanong: a. Ano-ano ang naging ambag ng mga Espanyol sa ating
kultura sa larangan ng relihiyon, musika, sining, sayaw,
panitikan, pagdiriwang, at agham?
b. Paano nakaapekto sa mga Pilipino ang pagbabagong
nangyari sa larangang ito?
c. Magbigay ng mga katibayang mahusay na naiangkop ng
mga Pilipino ang mga pagbabagong nangyari sa mga
larangang ito?
d. Sa iyong palagay, buhay pa ba ang mga kulturang ito?
Patunayan ang iyong sagot.
Relihiyon
Malaking impluwensya ng mga Espanyol ang Kristiyanismo. Ang mga
katutubong Pilipino ay may paniniwala sa mga diyos at diyosa ng kalikasan,
marami rin ang may paniniwala sa relihiyong Islam. Sa pagdating ng mga
Espanyol, unti-unting napalitan ng Kristiyanismo ang mga paniniwalang ito.
Unti-unting itinuro ang mga Katolikong
kaugalian kagaya ng pagbibinyag,
pagpapakasal, pangungumpisal,
pagrorosaryo, pagnonobena, pagsisimba, at
iba pa. Sinunog ng mga prayle ang mga
dokumento na patungkol sa mga lumang
paniniwala. Kaugnay nito nagpalimbag ang
mga prayle ng mga bagong babasahin
tungkol sa mga prinsipyo ng paniniwalang
Kristiyano.
Ang Doctrina Christiana ang kauna-
unahang aklat na nilimbag sa Pilipinas noong
1593, isang aklat tungkol sa katesismo. Akda ito
nina Padre Juan de Placencia at Padre
Domingo Nieva. Ito ay nagtataglay lamang ng
87 pahina. Ang orihinal na teksto nito ay
nakasulat sa wikang Espanyol. Mayroon din itong edisyon sa wikang Tagalog.
Ang bersiyon nitong nasa wikang Tsino ay tinatawag na Shih-lu. Ang Doctrina
Christiana ay naglalaman ng sumusunod: Pater Noster, Ave Maria, Regina
Page 19
Caeli, Sampung Utos ng Diyos, mga utos ng Sta. Iglesia Katoliko, Pitong
Kasalanang Mortal, Pangungumpisal, at katekismo.
Upang madali ang pagpapasunod sa mga katutubo sa dalang
bagong pananampalataya ginamit ng mga prayle ang mga naunang
pamamaraan ng paniniwala. Kabilang dito ang pagbabasbas, paggamit ng
mga rebulto, at makukulay na pagdiriwang ng kapistahan.
Isa sa mga kaugaliang ipinamana ng mga Espanyol ay ang
indulgencia. Ito ang dasal o sakripisyong isinasagawa ng mga Katoliko
upang diumano ay mapababa ang parusa ng kanilang kasalanan, o
mapatawad ang mga kasalanang kanilang nagawa. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang pangungumpisal, pagpepenitensiya, at paggawa ng
iba’t ibang ritwal at relihiyosong gawain.
Buhay Pampamilya
Likas na matibay ang pagkakabuklod ng mga pamilyang Pilipino.
Nagtutulungan ang mga magulang at mga anak sa iba’t ibang mga gawain
sa tahanan at sa paghahanapbuhay. May paggalang sila sa isa’t isa.
Iniingatan nila ang pangalan at dangal ng pamilya.
Lalong lumakas ang kapangyarihan ng kalalakihan sa tahanan.
Pinanatili naman sa loob ng tahanan ang kababaihan. Lalong tumatag ang
paniniwalang tungkulin ng kababaihan ang gawaing-bahay, samantalang
ang kalalakihan naman ang siyang naghahanapbuhay.
Nang masakop ng mga Espanyol ang kapuluan, nagkaroon ng ibang
mga gawain ang mga kaanib ng pamilya. May mga ama ng tahanan at
mga anak na lalaki na napahiwalay sa kanilang pamilya dahil sa sapilitang
paggawa. May mga anak na namasukan bilang katulong sa mga pamilyang
Espanyol o sa mga pari. Napawalay rin ang iba sa pamilya dahil sa pag-
aaral o pagsasanay.
Sa kabila ng pagbabago sa mga
tungkulin ng mga kaanib ng pamilya,
nanatili pa rin itong buo. Ipinagpatuloy ng
mga pamilyang Pilipino ang nakagawiang
pagtitipon tuwing pista o ibang
mahahalagang okasyon at gawaing
panrelihiyon tulad ng pagsisimba,
pagdarasal kung orasyon, pagrorosaryo
at iba pa.
Mga Laro at Pagdiriwang
Marami ring mga laro at
pagdiriwang na Pilipino ang impluwensya
ng mga Espanyol.
Page 20
Ang mga larong ginagamitan ng
kard ay nagmula sa mga Espanyol tulad
ng juego de prenda, pangguinggui, at
sietesiete. Ang patintero at sipa ay mga
larong panlabas na sa mga Espanyol din
nanggaling.
Ang pagdiriwang ng kapistahan ng
patron o santo ng bayan ang
pinakatanyag at nakaaaliw na
pagdiriwang. Dinala ito ng mga Espanyol
upang parangalan ang mga patron ng
bayan. Magarbo ang mga handaan, at
kahit maliliit na tahanan ay naghahanda ng mga pagkain. Ang mga kamag-
anakan mula sa ibang bayan ay dumadalaw sa mga tahanan upang
makipagdiwang ng pista.
Bukod sa pista, naging bahagi na ng kaugalian at tradisyong Pilipino
ang iba pang mga panrelihiyong pagdiriwang katulad ng mga binyagan at
kasalan. Natutong mangutang ang mga Pilipino para lamang
maipagdiwang nang marangya ang mga okasyong ito.
Iba pang pagdiriwang na panrelihiyon na minana mula sa mga
Espanyol ang Pasko, Mahal na Araw, Bagong Taon, Flores de Mayo, at
Santacruzan.
Mga Pagkain
Ang impluwensya ng mga Espanyol sa pagkaing Pilipino ay makikita
hanggang sa kasalukuyan. Natutunan ng mga Pilipino ang pagluluto ng
longganisa, tocino, at embutido. Nabigyan ng pangalan ang sinaunang
paraan ng pagluluto ng karne ng mga Pilipino – ang adobo.
Bago pa man dumating ang mga Espanyol, nagluluto na ang mga
Pilipino gamit ang karne, suka, at toyo. Ito ay upang hindi madaling mapanis
ang kanilang pagkain. Sa pag-usbong ng kolonyalismong Espanyol, tinawag
ng mga Espanyol na adobar, na ang ibig sabihin ay “pagbabad,” ang
ganitong uri ng pagluluto. Kinalaunan, tinawag na itong adobo ng mga
Pilipino.
Tuwing may pagdiriwang naman, niluluto ang mga espesyal na
putahe gaya ng bistek, callos, arrozcaldo, empanada, paella, chicharon,
torta, pochero, escabeche, at estofado.
Page 21
Musika, Sayaw, at Sining
Ang pagkamalikhain at pagkahilig sa musika’t pagpipinta ay likas na
sa mga katutubong Pilipino. Mula sa kalikasan ay nakalilikha sila ng mga
tunog at instrumentong pangmusikang gaya ng tambol at gong. Sa kanilang
mga katawan naman ay may pinta o tattoo makikita ang kanilang
kahusayan sa pagpipinta noon pa man.
Ang ating pagkahilig sa
musika ay napayaman pa ng
kulturang Kanluranin o kultura ng
mga bansang mula sa Europa na
sumakop sa Pilipinas, partikular na
ang Espanya. Natutuhan ng mga
Pilipino noong panahon ng mga
Espanyol ang paggamit ng alpa,
byulin, gitara, piano, at plawta.
Naipakita rin ang kanilang husay sa
paglikha ng mga instrumentong yari
sa kawayan.
Pamana ng mga Espanyol ang “Organong Kawayan” na nasa
simbahan ng Las Piñas. Ito ay ginawa ni Padre Diego Cera, isang rekoletong
misyonero noong 1818. Ito ay malakas na humikayat sa mga turistang lokal at
dayuhan.
May ilang paring matiyagang nagturo ng musika sa mga katutubong
Pilipino. Sa katunayan noong 1742 ay itinayo ni Arsobispo Jose Angel
Rodriguez ang Konserbatoryo ng Musika sa Maynila. Naging tanyag na
kompositor ng musikang pansimbahan ang isa sa mga mag-aaral nitong si
Marcelo Andoy na tinaguriang “Prinsipe ng Musikang Pansimbahan.”
Nakalikha rin ng mga awit na may impluwensiyang Espanyol ang mga
Pilipino gaya nina P. Castañeda na lumikha ng “La Mestiza,” Dolores Paterno
sa awiting “Sampaguita,” at Julian Felipe na lumikha ng himig ng “Lupang
Hinirang” na naging pambansang awit ng Pilipinas.
Ang mga sayaw na tulad ng cariñosa, pandanggo, la jota, rigodon,
lancer, polka, at surtido ay madali ring natutuhan ng mga Pilipino.
Nalinang din ang kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng
pagpipinta at eskultura. Si Damian Domingo ay tinaguriang “Ama ng mga
Pintor na Pilipino.” Pinakabantog na mga pintor sa panahong iyon sina Juan
Luna at Felix Resurreccion Hidalgo. Si Juan Luna ang lumikha ng “Spolarium,”
ang dibuhong nagwagi ng unang gantimpala sa isang patimpalak sa
Espanya.
Page 22
Agham at Panitikan
Ang mga misyonerong Espanyol ay mahusay sa larangan ng agham.
Itinuro nila ang kaalaman ukol sa halaman at hayop. Si Padre Blas dela
Madrid de Dios ang sumulat ng unang aklat ukol sa halaman ng bansa
noong 1811.
Lalong umunlad ang agham sa bansa nang magkaroon ng kursong
medisina at parmasiya (pharmacy) sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Sa
katunayan, ang mga unang Pilipinong manggagamot, pharmacist, chemist,
at zoologist ay nagtapos dito.
Napabantog sa larangan ng Chemistry sina Antonio Lim at Mariano
del Rosario at Anacleto del Rosario, ang tinaguriang “Prinsipe direktor ng
Obserbatoryo ng Maynila.” Naging tanyag naman sa Zoology si Padre Castro
de Vera. Sina Dr. Jose P. Rizal, Dr. Leon Ma. Guerrero, at Dr. Mariano V. del
Rosario ay nakilala bilang mga siyentipiko.
Obserbatoryo ng Maynila noon Obserbatoryo ng Maynila ngayon
Ang Obserbatoryo ng Maynila ay itinatag ng mga Heswita noong
1865. Isa itong malaking kontribusyon sa bansa ng mga siyentipikong
Espanyol. Ito ang pinakamatandang obserbatoryo sa Asya na hanggang
ngayon ay ginagamit pa ng bansa gamit ang mga makabagong
kasangkapan. Nakilala nang lubos ang obserbatoryong ito dahil sa
pagbibigay ng tumpak na babala at tala ng mga kalamidad na gaya ng
bagyo at tala tungkol sa lakas ng lindol noon sa ilalim ng pamamalakad ni
Padre Federico Faura. Katangi-tangi rin ang ginawang sundial ni Padre Juan
Sorolla noong 1871 sa Tagudin, Ilocos Sur.
Sundial – Tagudin, Ilocos Sur
Page 23
Ang mga Espanyol din ang nagsaayos ng ating kalendaryo. Mula sa
matandang kalendaryo ay ipinalit ang kalendaryong Gregorian na
ginagamit ng marami sa mundo.
Malaki rin ang impluwensya ng mga Espanyol sa larangan ng
panitikan. Noong panahong ito, karamihan ng mga panitikan ay pawang
may kaugnayan sa relihiyon katulad ng dasal, doktrina, at iba pang aklat na
panrelihiyon gaya ng pasyon.
Nakilala rin noong panahong ito ang awit at korido. Ang awit ay isang
tulang pasalaysay na may labindalawang pantig sa bawat linya. Halimbawa
nito ang “Florante at Laura” na isinulat ni Francisco Baltazar (Balagtas) ang
tinaguriang “Prinsipe ng mga Makatang Tagalog.” Ang korido naman ay ang
tulang pasalaysay na may walong pantig sa bawat linya. Ang “Ibong
Adarna” at “Don Juan Tiñoso” ang mga halimbawa nito.
Naging tanyag naman sa panitikang Ilokano si Pedro Bukaneg ang
“Ama ng Literaturang Ilokano,” dahil sa kanyang epikong “Biag ni Lam-ang.”
Kilala ring makata at mandudula si Jose dela Cruz na kilala bilang “Huseng
Sisiw” dahil sa paghingi niya ng sisiw bilang bayad sa kanyang pagtuturo at
paggawa ng mga tula. Si Modesto de Castro naman ay nakilala sa kanyang
“Urbana at Feliza.”
Kabilang pa rin sa panitikan noon ang mga dula, duplo, at karagatan,
na kinawiwilihang gawin kapag may lamay sa patay. Ang senakulo, moro-
moro, at sarsuwela ay naging tanyag namang mga dulang panrelihiyon
noong panahong ito.
Naging mahusay ring manunulat noong huling bahagi ng pananakop
ng mga Espanyol ang mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa gaya
nina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Jose P. Rizal. Si Rizal
ang sumulat ng walang kamatayang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”
na tumuligsa sa pamahalaang Espanyol at simbahan, at sa mga maling
pamamalakad nito.
Umunlad din ang pamamahayag sa panahong ito. Ang unang
pahayagan sa bansa ay ang “Del Superior Gobierno” sa pamamatnugot ni
Gob. Heneral Manuel Gonzales de Aguilar. Una itong nailathala sa Maynila
noong Agosto 8, 1811. Malaki ang naitulong ng mga pahayagan sa larangan
ng propaganda sa pagpaparating ng kanilang kuro-kuro’t damdamin sa
pamahalaang Espanyol at mga kapwa Pilipino, halimbawa nito ang
pahayagang “La Solidaridad.”
Pananamit
Unti-unting nagaya ng mga Pilipino ang kasuotan ng mga Espanyol.
Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at
sapatos. Ang kalalakihan ay natutong magsuot ng amerikana at sombrero.
Page 24
Ang kababaihan naman ay natutong magsuot ng kamisa at saya.
Minsan ay sinasamahan nila ito ng panuelo o panyo, at mantilla o alampay.
Sa kanilang ulo ay mayroong belo o panyeta.
Gayunpaman, ang mahihirap na Pilipino ay hindi naman kayang
bumili ng mga magagarang damit. Dahil dito, simple lamang ang kanilang
kasuotan. Ang kalalakihan ay nagsusuot ng kamisa de chino at pantalon,
samantalang ang kababaihan naman ay nagbibihis ng baro’t saya.
Edukasyon
Naitatag ang iba’t ibang paaralang pamprimarya at pansekundarya
sa Pilipinas nang magpalabas ng dekreto ang hari ng Espanya hinggil sa
sapilitang pag-aaral ng mga batang Pilipino. Ang pormal na edukasyon sa
Pilipinas ay pinasimulan. Ang mga paaralang ito ay eksklusibo lamang sa
mga Espanyol at kalalakihan bago pa sumapit ang ika-19 na siglo. Ang
pagtuturo ng katekismo, lingguwistika, at aritmetika ang tanging pokus ng
mga paaralang ito. Ang agham ay hindi itinuturo sa mga paaralang ito
noon.
Itinatag ng mga Heswita ang kauna-unahang kolehiyo sa bansa
noong 1590, ang Colegio de San Ignacio. Naisara ang kolehiyong ito nang
buwagin ang samahan ng mga Heswita noong ika-18 siglo.
Ang Colegio de San Ildefonso (ngayon ay University of San Carlos sa
Cebu) na itinatag noong 1595 ang itinuturing na ikalawang
pinakamatandang kolehiyo sa bansa. Ang Colegio de San Jose sa Maynila
ay naitatag noong 1601, kilala ang paaralang ito ngayon bilang San Jose
Seminary. Binuksan ang Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario, na
mas kilala ngayon bilang Unibersidad ng Santo Tomas noong taong 1611. Sa
kasalukuyan, ang Unibersidad ng Santo Tomas ang pinakamatandang
unibersidad sa Pilipinas. Ang Escuela Municipal, na kilala ngayon bilang
Ateneo de Manila University ay naitayo nang bumalik ang mga Heswita sa
Pilipinas noong 1859.
University of Sto. Tomas Ateneo de Manila University
Pawang kalalakihang Espanyol lamang ang tinatanggap ng mga
paaralan. Noong ika-19 siglo lamang sila unang tumanggap ng
Page 25
kababaihang Pilipino. Nang makapagtatag ng mga paaralan para sa
kababaihan, ito ay para lamang sa mga mayayaman. Nakapokus lang din
ang mga aralin sa mga gawaing-bahay at paglilingkod sa simbahan.
Kabilang sa mga kolehiyong para sa kababaihang Espanyol ay ang
Colegio de Santa Potenciana na itinatag noong 1589. Sumunod dito ang
Colegio de Santa Isabel na binuksan para sa ulilang kababaihang Espanyol
noong 1632.
Ang Beaterio de la Compania de Jesus (ngayon ay Religious of the
Virgin Mary) ay naitatag noong 1684 ni Sor Ignacia del Espiritu Santo – isang
mestizang madre. Pangunahing layunin ng samahang ito na bigyan ng
edukasyon ang mga kabataang kababaihan. Naitayo ang Colegio del
Beaterio (ngayon ay St. Mary’s College of Quezon City) para sa lahat ng uri
ng kababaihan, Espanyol man o Pilipino.
Bagamat nakapagtayo ng mga iba’t ibang paaralan noon, kaunti
lamang ang nakapag-aral sapagkat pribado at eksklusibo ang mga
paaralan. Ang pag-unlad ng edukasyon noon ay mabagal, kung kaya’t ang
ibang mga mag-aaral na may kaya sa buhay ay nangibang-bansa upang
doon mag-aral ng kolehiyo.
Sa kabila ng kahirapan upang makapag-aral ang mga ordinaryong
Pilipino, sumibol ang mga bagong kaisipan, gumawa ng paraan ang ilang
mga Pilipino upang magising ang diwa ng pagkamakabayan ng maraming
Pilipino.
Pagbubuod
Magkakaiba ang naging pagtanggap ng mga Pilipinong napaloob sa
lipunang Espanyol. Bagama’t mababakas pa rin ang malaking impluwensya
ng kulturang Espanyol sa lipunang Pilipino hanggang sa kasalukuyan, hindi ito
nangangahulugang buong-buo ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga
patakarang kultural ng Espanya. Tanging ang mga nasa mataas na
katayuan sa buhay at ang kanilang pamilya ang ganap na yumakap sa
kulturang Espanyol. Akulturasyon (acculturation) ang tawag sa buong
pagtanggap ng mga principalia sa kulturang Espanyol at akulturado naman
sa Pilipinong tumanggap.
Asimilasyon ang naging pagtanggap ng nakararaming Pilipino sa
kulturang Espanyol. Sa larangang kultural, ang asimilasyon ay ang pag-
aangkop ng isang bagong kultura sa katutubong kultura para makabuo ng
isang bagong kultura. Ito ay ang pag-aangkop sa ilang aspekto ng kulturang
Espanyol na bumabagay na maihalo sa katutubong kultura. Sa pag-
aangkop sa kulturang dayuhan, pinili lamang ng mga Pilipino ang kanilang
tatanggapin. Kinakailangan na ang ihahalong kulturang banyaga ay hindi
sumasalungat at ganap na babago sa kulturang katutubo. Ang asimilasyon
ay nagpanatili sa likas na pagkakakilanlan ng kulturang Pilipino sa kabila ng
pagsakop ng mga Espanyol.
Page 26
GAWIN MO
Gawain A 1. Bumuo ng pangkat na mayroong tatlong (3) miyembro o triad bawat
grupo.
2. Pumili ng lider sa bawat pangkat.
3. Gagamit ng isang bond paper, larawan, pentel pen o iba pang
panulat, pangkulay at mga materyales na pandekorasyon.
4. Itupi ang bond paper sa dalawang bahagi.
5. Sa mga napag-aralang kultura na dinala sa atin ng mga Espanyol,
pumili ng isa at gumuhit o magdikit ng larawan na nagpapakita ng
kulturang ito, sa kabilang bahagi ng papel, ipaliwanag kung papaano
naimpluwensyahan ng kulturang ito ang kinagisnang kultura ng mga
katutubong Pilipino.
Halimbawa:
Pananamit
Rubrik sa Paggawa ng Awtput
Kaangkupan ng larawang iginuhit o ginupit sa napag-
aralang mga kultura
5
Kaangkupan ng pagpapaliwanag sa larawan
kaugnay ng kulturang napili
10
Kabuuan ng ginawa: malinis at nasunod ang oras ng
pagpapasa ng awtput
5
Kabuuan
20
Bago pa dumating ang mga mananakop sa
ating bansa, ang pananamit ng mga
katutubong Pilipino ay halos bahag lamang
sa mga kalalakihan at walang sapin sa
paa. Sa pagdating ng mga Espanyol
dinala sa atin ang makabagong pananamit
natutong magsuot ng sapatos at tsinelas ang
mga kababaihan at kalalakihan. Mala
Maria Clara naman ang nagging kasuotan
ng mga maykayang kababaihan.
Page 27
TANDAAN MO
Maraming nagbago sa katutubong kultura ng Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol.
Asimilasyon ang naging pagtanggap ng nakararaming Pilipino sa
kulturang Espanyol - pag-aangkop ng isang bagong kultura sa
katutubong kultura para makabuo ng isang bagong kultura.
Sa relihiyon, naging pangunahing paniniwala ang Katolisismo na
tinaguriang “Folk Catholicism.”
Ang Doctrina Christiana ang kauna-unahang aklat na nilimbag sa
Pilipinas noong 1593, isang aklat tungkol sa katesismo.
Ang indulgencia ay ang dasal o sakripisyong isinasagawa ng mga
Katoliko upang diumano ay mapababa ang parusa ng kanilang
kasalanan, o mapatawad ang mga kasalanang kanilang nagawa.
Ang tungkulin ng mga kababaihan sa panahon ng pananakop ay
ang mga gawaing bahay, samantalang ang mga kalalakihan ang
paghahanapbuhay.
Naipakilala ang pagdiriwang ng mga kapistahan ng patron o santo
ng bayan.
Iba pang pagdiriwang na panrelihiyon na minana mula sa mga
Espanyol ang Pasko, Mahal na Araw, Bagong Taon, Flores de Mayo, at
Santacruzan.
Umusbong ang impluwensyang Kanluranin sa pagkain, panitikan,
sining, musika, at pananamit.
Nagkaroon ng pormal na sistema ng edukasyon sa bansa.
Colegio isang regular na paaralan para sa mga babae, Beaterio isang
paaralan para sa mga nagmamadre
Colegio de Santa Isabel- (1632) pinakamatandang paaralan para sa
kababaihan.
University of Sto. Tomas (1611) dating Colegio de Nuestra Señora del
Santísimo Rosario at naging pamantasan noong 1645.(Dominikano).
Noong una, para lamang sa mga Espanyol ang mga paaralan.
Tumanggap lamang ng mga Pilipino ang mga paaralan sa Pilipinas
noong ika-19 siglo.
Malikhaing naiangkop ng mga katutubong Pilipino ang dating kultura
sa kulturang ipinakilala ng mga Espanyol.
Ang mga Pilipinong naging dalubhasa at tanyag sa iba’t ibang
larangan ay mga patunay ng pagiging malikhain ng mga Pilipino.
Page 28
NATUTUHAN KO
A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot.
_____ 1. Ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593.
A. Florante at Laura C. Doctrina Christiana
B. Del Superior Gobierno D. La Solidaridad
_____ 2. Sa Katolisismo, ang pagkakaloob ng kapatawaran ng mga
kasalanan ay matatanggap sa _____.
A. penitensya C. kumpisal
B. indulgencia D. pag-aayuno
_____ 3. Ang Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario na itinatag
noong 1611 ay kilala ngayon bilang _______.
A. Unibersidad ng Santo Tomas C. Colegio de San Ignacio
B. Ateneo de Manila University D. University of the Philippines
_____ 4. Pinakatanyag na nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal
A. Ibong Adarna C. Urbana at Feliza
B. Biag ni Lam-ang D. Noli Me Tangere at El
Filibusterismo
_____ 5. Ang Spoliarium, na siyang nagpahiwatig noon na kayang maging
mahusay ng mga ordinaryong Pilipino sa larangan ng pagpipinta ay
iginuhit ni ______.
A. Felix Hidalgo C. Juan Luna
B. Antonio Luna D. Jose Rizal
_____ 6. Instrumentong pangmusikang nakalagak sa simbahan ng Las Piñas.
A. Konserbatoryo ng Musika C. Obserbatoryo ng Maynila
B. Musikang Buho D. Organong Kawayan
_____ 7. Sa panahon ng mga Espanyol, ang mga aralin ay nakapokus sa
Katekismo, lingguwistika, at __________.
A. sining C. aritmetika
B. pagluluto D. agham
_____ 8. Ito ay itinatag ng mga Heswita noong 1865 na nagbibigay ng mga
babala at tala hinggil sa mga kalamidad.
A. Konserbatoryo ng Musika C. Obserbatoryo ng Maynila
B. Musikang Buho D. Organong Kawayan
_____ 9. Kalendaryong ipinagamit ng mga Espanyol
A. Kalendaryong Gregorian C. Kalendaryong Hebrew
B. Matandang Kalendaryo D. Kalendaryong Katoliko
_____ 10. Ang mga sumusunod ay mga pagtatanghal sa entablado na
impluwensya ng mga Espanyol MALIBAN sa isa, alin ito?
A. moro-moro C. sarsuwela
B. komedya D. pasyon
Page 29
B. Pangkatang Pagsasanay. Bawat pangkat ay may limang (5)
miyembro. Pag-usapan at ipasuri ang mga sumusunod na pahayag sa
bawat pangkat. Isulat kung ang mga pahayag ay OPINYON o
KATOTOHANAN. (isang sagutang papel sa bawat grupo)
1. Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at pagkahilig sa musika.
2. Ang naging impluwensiya ng mga Espanyol sa ating kultura ay
kakaunti lamang.
3. Ang mga pinta o tattoo sa katawan ng mga katutubo ay patunay sa
kahusayan ng mga Pilipino sa pagpipinta.
4. Madaling natutuhan ng mga Pilipino ang mga sayaw na cariñosa,
pandanggo, at La Jota.
5. Ang La Solidarida ay isa sa mga pahayagang nakatulong sa mga
propagandistang ipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin.
6. Nakatulong ang pagbubukas ng kursong medisina at parmasiya sa
Unibersidad ng Santo Tomas upang lalong umunlad ang agham sa
bansa.
7. Sa aming palagay ay nakatulong nang malaki ang mga gobernador-
heneral sa pagpapaunlad ng agham sa bansa.
8. Sinasabing ang mga putaheng tulad ng menudo,adobo, sarciado,
pochero, at mechado ay nanggaling sa mga Espanyol.
9. Sa pag-aangkop ng kulturang dayuhan, lahat ng mga kulturang
dinala ng mga Espanyol ay tinanggap at ginawang lahat ng mga
katutubong Pilipino.
10. Maaaring nagtiyaga lamang ang mga paring Espanyol kaya’t
nadagdagan ang kaalaman sa panitikan ng mga Pilipino.
11. Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang husay sa paglilok sa
pamamagitan ng mga gawang rebultong kahoy at bato sa mga
simbahan.
12. Hindi pinayagang makapag-aral ng medisina at abogasya ang mga
kababaihan noon marahil ay natatakot ang mga Espanyol na mas
magiging magaling ang mga kababaihan sa kanila.
13. Karaniwang ang mga panitikang naisulat sa panahong ito ay pawang
may kaugnayan sa relihiyon.
14. Nahirapan ang mga Pilipino sa paggamit ng alpa, byulin, gitara, at
piano kaya’t nanatiling tambol ang kanilang mga isntrumentong
pangmusika.
15. Nagwagi sa patimpalak sa pagpipinta sa ibang bansa ang mga pintor
na sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo.
16. Ang kulturang Espanyol ay iniangkop sa ating kultura at naging
dahilan upang madagdagan at mapayaman an gating kaalaman sa
maraming bagay.
17. Marahil kung hindi isinaayos ng mga Espanyol ang ating kasalukuyang
kalendaryo ay matandang kalendaryo pa rin an gating ginagamit.
18. Kapag may patay ay nakagawian nang maglaro ng duplo at
karagatan ng mga Pilipino noon.
19. Ang pahayagang La Solidaridad ay ang tanging pahayagan lamang
na nailathala sa panahon ng mga Espanyo.
20. Hanggang sa kasalukuyan ipinagdiriwang pa rin ng mga Pilipino ang
kapistahan ng mga santo ng bawat bayan.
Page 30
C. Pagsasaliksik (Research Work). Gamit ang dating pangkat sa
nakaraang gawain (5 miyembro), ipagawa ang mga sumusunod na
pagsasaliksik. (Localization) – 40 points
1. Alamin ang 35 barangay ng Siyudad San Fernando.
2. Sino ang santo o patron ng bawat barangay na ito?
3. Kailan ipinagdiriwang ang kapistahan ng kanilang santo?
4. Isumite ito pagkaraan ng isang lingo sa isang malinis na papel.
Barangay Santo/Patron Petsa ng Pagdiriwang
San Agustin Saint Augustine August 28
San Felipe Saint Felipe May 26
RUBRIK PARA SA PAGSASALIKSIK (Research Work) - Product
10 7 4
Kabuuang bilang
ng mga barangay
na nasaliksik
Kumpleto ang 35
barangay
30-34 ang nakalap
na barangay
Mababa sa 30 ang
nakalap na
barangay
Kawastuhan ng
mga patron o santo
sa bawat barangay
Tama lahat ang
nakalap/naisulat
na patron o santo
1-7 ang mali sa
nakalap/naisulat
na patron
8 pataas ang mali
sa nakalap/
naisulat na mga
santo o patron
Kawastuhan sa
mga petsa na
pagdiriwang o
pyesta ng mga
santo
Tama lahat ang
nakalap/naisulat
na petsa ng
pagdiriwang
1-7 ang mali sa
nakalap/naisulat
na petsa ng
pagdiriwang
8 pataas ang mali
sa nakalap/
naisulat na petsa
ng pagdiriwang
Petsa ng pagpasa
ng pagsasaliksik
Naipasa bago o
ang petsang
ibinigay ng guro
Nahuli ng isa o
dalawang araw sa
petsa ng pagpasa
Nahuli ng 3 pataas
na araw sa petsa
ng pagpasa
Remedial Activity Panuto: Bilugan ang mga salita o produktong impluwensya ng mga Espanyol:
sungka adobo sombrero moro-moro
baraha pansit sapatos hamburger
sabong paella empanada embutido
longganisa panyeta tattoo callos
alpa computer polka hotdog
Page 31
Aralin III
Mga Pagbabagong Pampulitika sa
Panahon ng Espanyol
PANIMULA
Sa mga naunang pagtalakay ay ating natalakay ang pamayanan ng
mga katutubong Pilipino. Sa ikaapat na baitang naman ay napag-aralan
ang istruktura ng pamahalaan ng kasalukuyang Pilipinas. Natatandaan mo
pa ba kung sino-sino ang mga opisyales na bumubuo sa ating kasalukuyang
pamahalaan? Ano-ano ang kanilang mga tungkulin?
Umiral ang kolonyalismong Espanyol sa tulong ng pagtatatag ng isang
pamahalaang kolonyal, pagpasok ng mga pagbabagong pang-ekonomiya,
at mga bagong aspektong pangkalinangan. Matutunghayan sa araling ito
ang mga patakarang pampulitika, uri at katangian ng pamahalaan, mga
pinuno ng pamahalaan, katangian ng pamahalaang kolonyal, at mga
patakarang pangkabuhayan.
Sa aralin na ito ay ating malalaman ang mga pagbabagong
naganap sa pamumuhay ng ating mga ninuno sa pagdating ng mga
Espanyol. Tatalakayin ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa ating
bansa, may pagkakahawig ba ito sa nakaraan at sa kasalukuyan? Ating
tuklasin ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol.
Pamantayan sa Pagkatuto: (2 weeks/ 10 days) (Layunin)
1. Nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika na ipinatupad ng
kolonyal na pamahalaan. (AP5KPK-IIId-e-4)
1.1. Natutukoy ang uri ng pamahalaang sentral at lokal;
1.2. Natatalakay ang naging istruktura ng pamamahala sa panahon
ng pananakop ng Espanya;
1.3. Naiisa-isa ang mga opisyales at ang kanilang tungkulin;
1.4. Naihahambing ang istruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri ng
pamamahala ng sinaunang Pilipino;
1.5. Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng
mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino.
Page 32
2. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng
kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino. (AP5KPK-IIIf-5)
Paksang Aralin
Paksa : Mga Pagbabagong Pampulitika sa Panahon
ng Espanyol
Kagamitan : Manila paper, panulat, Video presentation, mga larawan
Sanggunian : Learner’s Material, p.
A. Panimula
1. Bumuo ng pangkat sa klase para sa pagsisimula ng aralin.
Magkakaroon ng laro o palaisipan. Gagamit ng sagutang papel o
“show me board” para sa larong ito. Pagkatapos maibigay ang
tanong, sa hudyat na “GO” ang bawat grupo ay pag-uusapan ang
sagot (5-10 seconds), sa hudyat na “SHOW” ang sagot ng grupo ay
kailangang itaas. Ang hindi nakapagtaas kaagad ng sagot ay
mawawalan ng pagkakataon para maitama ang kanilang sagot.
a. Sinong FM ang nanguna sa paghahanap sa Moluccas at
unang Espanyol na nagtangkang sakupin ang Pilipinas.
Napatay ng grupo ni Lapulapu.
b. Ang H na munting pulong unang pinagdaungan ng mga
Espanyol.
c. Si Raja K ang unang katutubong nakipagsandugo sa mga
Espanyol.
d. Tatlong T na bilang ng taong nasakop ng Espanya ang
Pilipinas.
e. Ang L na sinasabing unang pinagdausan ng misa sa bansa.
f. Sinong L ang itinuturing na unang bayani ng bansa?
g. Ang ekspedisyong pinamunuan ni M.L.D.L. ay ang
nagpasimula ng matagumpay na pananakop ng Espanya
sa Pilipinas at siya ring naging unang gobernador-heneral ng
bansa.
h. Ang lalawigan ng C ang naging unang panahanan ng mga
Espanyol sa bansa. Ito ay matatagpuan sa Visayas at
tinawag ding Santissimo Nombre de Hesus.
i. Ang pamahalaang S ay ang uri ng pamahalaang itinatag
ng mga Muslim sa Mindanao. Sultan ang tawag sa pinuno
ng pamahalaang ito.
j. Talong K na pangunahing layunin sa pagsakop ng Espanya
sa ating bansa.
2. Itanong ang mga sumusunod:
a. Paano ang ginawang pagsagot sa mga tanong/palaisipan?
b. Bakit mabilis/mabagal ang inyong pagsagot?
Page 33
c. Ano/ano-ano ang naramdaman habang ginagawa ang gawain
sa pangkat?
d. Ano ang inyong napansin sa inyong mga sagot?
e. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa ating kasaysayan?
3. Iugnay ito sa aralin
Sa linggong ito ay ating tatalakayin ang pamahalaang itinatag ng
mga Espanyol sa ating bansa. Ating malalaman kung anong uri ng
pamahalaan ang kanilang ipinatupad , ang istruktura nito, at ang
mga taong namamahala at tungkulin nila.
ALAMIN MO
B. Paglinang
Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga sumusunod na tanong: a. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Espanyol?
b. Paano ang istruktura nito?
c. Sino-sino ang mga taong namamahala nito at ano-ano ang
kanilang tungkulin?
d. Ano ang pagkakatulad/pagkakaiba ng pamahalaang
itinatag sa panahon ng mga katutubong Pilipino at sa
kasalukuyang panahon?
Balik-aral:
a. Pamahalaang Barangay
b. Pamahalaang Sultanato
c. Tatlong sangay ng kasalukuyang pamahalaan:
tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom
Pamahalaang Sentral
Ang sentralisasyon ng kapangyarihan sa pamahalaan at simbahan
ang pinakamalaking pagbabagong politikal na ipinatupad ng Espanya sa
Pilipinas.
Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas, napasailalim ito sa Consejo de
las Indias. Ito ay isang konsehong gumagawa ng mga patakaran o batas
para sa mga bansang nasakop ng Espanya. Ang konseho ay kinakatawan sa
kolonya ng isang viceroy – isang opisyal na namamahala at nagpapatakbo
ng bansa o kolonya sa ngalan ng hari o reyna ng isang makapangyarihang
bansa.
Page 34
Itinatag ng mga Espanyol ang isang pamahalaang sentralisado na
hinati sa dalawang antas – ang pamahalaang sentral at pamahalaang lokal.
Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito ay nagmumula sa pamahalaang
pambansa. Nagbuklod ito sa mga hiwa-hiwalay na mga barangay noon ng
ating mga ninuno. Sakop ng pambansang pamamahala ang buong
kapuluan at nasa ilalim nito ang pangangasiwa ng mga pamahalaang lokal.
Ito ang sumasaklaw sa pangangasiwa sa pagpapanatili ng kapayapaan,
kaayusan, at katarungan sa mga gawaing pampubliko, at iba pang may
kaugnayan sa kapakanan ng bansa.
Maihahalintulad ang pamahalaang sentral sa ehekutibong sangay ng
pamahalaan sa kasalukuyan. Ito rin ang nagsilbing kapalit ng iba’t ibang
barangay na inabutan ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Dalawang mahalagang bahagi ng pamahalaang sentral ang
gobernador-heneral at Royal Audiencia. Ang gobernador-heneral ang
pinuno ng buong kolonya at ang Royal Audiencia naman ang pinakamataas
na hukuman.
Gobernador-heneral
Ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal na hinirang
ng hari ng Espanya bilang kinatawan niya sa bansa ay ang gobernador-
heneral. Maaari siyang manungkulan hanggang hindi siya pinapalitan ng hari
ng Espanya. Pawang mga Espanyol lamang ang may karapatang maging
gobernador-heneral dahil sa taglay nilang kapangyarihan. Siya ay hindi
lamang gumaganap ng kapangyarihang tagapagpatupad kundi maging
ng panghukuman, pangmilitar, at panrelihiyon. Siya rin ang nagpapatupad
ng mga batas. Tanging ang tagapagbatas ang wala sa saklaw ng
gobernador-heneral. Ito ay nasa ilalim ng Consejo de las Indias na nasa
Espanya.
Bagamat may mga batas na nagmumula sa hari ng Espanya ay may
kapangyarihan siyang hindi ipatupad ito lalo na kung ang batas ay hindi
angkop para sa pangangailangan ng kolonya. Ang ganitong uri ng
kapangyarihan ay tinatawag na cumplase. Subalit ang kapangyarihang ito
ay naging sanhi ng pang-aabuso ng mga gobernador-heneral dahil minsan,
ang mga batas na kanyang ipinatutupad ay naaayon lamang sa kanyang
pansariling interes. May kapangyarihan din siyang humirang at mag-alis ng
mga opisyal. Nasa kanya ring kamay ang pamamahala sa hukbong-
sandatahan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa pati
na rin ng mga opisyal sa ilalim ng kanyang kapangyarihan.
Bilang pinakamataas na pinuno ng Real Audiencia, siya ay may
karapatan ding magbigay ng hatol at kaparusahan sa mga kriminal. May
kapangyarihan din siyang magpatawad o magpawalang-sala sa isang
criminal na nagkasala.
Page 35
May kapangyarihan din siyang pumili at mag-alis ng mga pinuno ng
simbahan at pangunahan ang iba pang isyu o usapin hinggil dito, tinatawag
ang kapangyarihan niyang ito bilang vice real patron ng bansa.
Tanging ang hari ng Espanya ang may karapatang pumili at mag-alis
sa puwesto ng isang gobernador-heneral dahil sa napakalawak nitong
kapangyarihan. Dahil malayo ang Pilipinas sa Espanya, hindi nakikita at
nasisiyasat ng hari ang lahat ng ginagawa at ikinikilos ng gobernador-
heneral. Upang maiwasan ang mga pang-aabusong maaaring gawin ng
isang gobernador-heneral at masubaybayan ang sistema ng kanyang
pamamalakad ay itinatag ng hari ang Real Audiencia, Residencia, at
Visitador.
Sa loob ng mahigit na tatlong dantaon ng pamahalaang kolonyal,
nagkaroon ng mahigit sa 100 gobernador-heneral sa ating bansa, kaya’t
humigit-kumulang na kada dalawang taon lamang ang kanilang
panunungkulan sa bansa. Si Miguel Lopez de Legazpi ang unang
gobernador-heneral (1565 – 1572) at si Diego delos Rios naman ang huli (1898
– 1899).
Miguel Lopez de Legazpi – kauna-unahang gobernador-heneral ng Pilipinas (1656 – 1572)
Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang nagdeklara ng Batas Militar sa unang walong lalawigan na nag-aklas noong Himagsikang 1896.
Carlos María de la Torre y Nava Cerrada, 91st Governor-General of the Philippines (1869–1871)
Diego de los Rios – ang pinakahuling naging gobernador-heneral (1898 – 1899)
Real Audiencia
Ang nagtatag ng Real Audiencia o kataas-taasang hukuman ng
bansa ay si Haring Felipe II. Nililitis dito ang mga pinunong papaalis at
mapang-abuso sa tungkulin at mga usaping kriminal at sibil. Nagbibigay rin
ito ng kaparusahan sakaling mapatunayang nagkasala ang isang pinuno
kasama na ang gobernador-heneral. Nagsisilbi rin itong tagapayo ng
gobernador-heneral. Minamatyagan din niya ang mga Gawain at gastusin
ng heneral. Nagbibigay ang hukumang ito ng ulat sa kanyang mga
obserbasyon sa hari ng Espanya kada taon.
Ang Real Audiencia ay binubuo ng apat na oidor o mahistrado o
hukom. Binubuo ito ng gobernador-heneral bilang pinakapinuno (mula 1583
hanggang 1861), ng isang piskal, ng isang alguacil mayor, at ng isang
teniente de gran chanciller. Pansamantalang inalis ang Royal Audiencia
noong 1589 ngunit ibinalik ito noong 1598.
Page 36
Residencia
Ang residencia o hukumang tagasiyasat at tagasulat sa hari ng
Espanya. Isa itong proseso kung saan ang Audiencia at bagong gobernador-
heneral ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa panunungkulan ng dating
gobernador-heneral at sa mga kasamang opisyal nito sa ilalim ng kanyang
pamumuno. Kadalasan, ang imbestigasyon ay tumatagal nang anim na
buwan at ang mga opisyal na napatunayang nagkasala ay nililitis at
maaaring maparusahan gaya ng pagkasuspinde sa tungkulin o pagmumulta
ng malaking halaga.
Visitador
Ang Visitador naman ay isang tagapagsiyasat na ipinadadala ng hari
ng Espanya upang magmasid sa kalagayan ng bansa. Gumagawa siya ng
mga pag-uulat ukol sa mga opisyal o pinuno ng kolonya. Iniuulat niya ito sa
hari ng Espanya sa kanyang pagbabalik.
Hindi pa rin naging sapat at matagumpay ang mga hakbang na
ginawa ng hari ng Espanya upang masupil ang pang-aabuso ng mga
gobernador-heneral dahil ang mga taga-usig at visitador na karaniwang
nasa puwesto ay nasusuhulan. Sa halos mahigit na 100 gobernador-heneral
na namuno sa bansa mayroon din namang naging tapat sa kanilang
tungkulin bilang kinatawan ng hari ng Espanya gaya nina Simon S. de Anda,
Jose Raon, Jose V. Basco, Narciso Z. Claveria, at Carlos M. de la Torre.
Simon S. de Anda Jose V. Basco Narciso Z. Claveria Carlos M. de la Torre
Pamahalaang Lokal Ang pamahalaang lokal ang ikalawang antas ng pamamahala ng
mga Espanyol sa Pilipinas. Ang pamahalaang pambansa ay hinati sa maliliit
na yunit. Ang bawat yunit ay pinamumunuan ng mga lokal na pinuno na
nasa ilalim pa rin ng pamahalaang sentral. Ito ang pamahalaang umusbong
na ibinatay sa sistemang encomienda na unang ginamit ng mga
mananakop. Ang encomienda ay lupang ipinagkakaloob ng hari ng
Espanya bilang gantimpala sa mga tauhang Espanyol. Kasamang ibinibigay
rito ang mga mamamayang naninirahan sa lupa. Encomendero ang tawag
Page 37
sa namumuno rito. Tungkulin nilang mangolekta ng buwis at mangalaga sa
kapakanan ng kanilang nasasakupan. Binuwag ang encomienda dahil sa
pagmamalabis ng mga encomendero, ipinalit dito ang iba’t ibang sangay
ng lokal na pamahalaan.
Nagtatag ng pamahalaang lokal ang Espanya upang lubos na
mapamahalaan ang bagong kolonya. Ito ay binubuo ng dalawang antas ng
pamahalaan - ang pamahalaang panlalawigan at pamahalaang
pambayan.
Pamahalaang Panlalawigan Dalawa ang uri ng pamahalaang panlalawigan – ang alcaldia at ang
corregimiento.
1. Alacaldia
Ang alcaldia o alcaldias mayores na pinamumunuan ng alcalde-
mayor ang lugar na nasakop na at kumikilala na sa pamahalaang
Espanyol. Ito rin ay itinuturing na mga tahimik na lalawigan. Ilan sa
mga tungkulin ng alcalde-mayor sa loob ng alcaldia ang mga
sumusunod:
pangongolekta ng tributo sa kolonya at pagpapadala nito
sa pambansang pamahalaan ng Espanya;
pangangalaga sa kaligtasan at kaayusan ng nasasakupan;
pangangasiwa ng pananampalataya ng mamamayan;
pagpapalaki ng produksyon ng pagkain at iba pang
produktong pangkalakal;
pangangasiwa at pagbibigay-lisensya ng mga negosyo sa
lalawigan;
pagpapagawa ng mga gusaling tanggapan, paaralan,
simbahan, kalsada, at iba pang gawaing pampubliko; at
pangangasiwa sa eleksyon at gawaing pampulitika.
2. Corregimiento
Ito ang mga lalawigang hindi pa ganap na nasasakop o
napasusuko ng mga Espanyol. Ang mga mamamayang naninirahan
sa mga lugar na ito ay patuloy na tumututol at hindi sumusunod sa
kanilang mga namumuno o lider. Pinamumunuan ng isang
tagapamahalang militar o corregidor ang lalawigang ito.
Ang mga tungkulin ng isang corregidor ay katulad ng mga
tungkulin ng alcalde-mayor. Subalit, higit na mabigat ang
responsibilidad ng corregidor pagdating sa pagpapanatili ng
kapayapaan sa kanyang nasasakupan.
Page 38
Ang alcalde-mayor at corregidor ay parehong kinatawan ng
gobernador-heneral sa mga lalawigan. Ang kanilang suweldo ay di-
gaanong malaki bagama’t may mga pribilehiyo naman silang
tinatamasa gaya ng paglahok sa kalakalang galyon o tinatawag na
indulto de commercio. Ang pribilehiyong ito ay hindi gaanong
nagtagal dahil sa pang-aabuso.
Pamahalaang Pambayan o Panlungsod
Ang sentralisadong pamahalaan sa Pilipinas ang ipinatupad ng mga
Espanyol subalit napanatili pa rin ang sistema ng barangay. Ang lahat ng
mga magkakalapit na barangay ay pinagsama-sama upang mabuo ang
isang bayan, na kung tawagin ay pueblo.
Pueblo
Ang bawat lalawigan ay binubuo ng ilang pueblo o bayan. Bawat
pueblo ay mayroong cabecera o kabisera na tinatawag din nating
poblasyon o kabayanan na sumasakop sa mga baryo at sitio, ito rin ang
sentrong lugar ng pangangasiwa ng mga opisyal. Karaniwang matatagpuan
ang mga simbahan at kumbento, pamilihan, plaza, munisipyo, paaralang
pampubliko, at iba pa.
Pinamumunuan ng isang gobernadorcillo ang bawat pueblo na
dapat ay may edad na di bababa sa 25 taong gulang at naging tenyente
mayor o cabeza de barangay na. Ilan sa mga sumusunod ang tungkulin ng
isang gobernadorcillo:
mangolekta ng buwis;
magpatupad ng mga batas;
magsilbing hukom sa mga kasong sibil;
maghanda ng listahan ng mga mamamayan sa pueblo;
mangalap ng mga polista o kalalakihan para sa polo y
servicio;
magpanatili ng kapayapaan;
mapangalagaan ang kalinisan at kaayusan ng casa
tribunal – isang gusaling tinutuluyan ng mga bisita at
manlalakbay sa isang bayan.
Sa mga unang bahagi ng pananakop, ang gobernadorcillo ay
inihahalal ng mga kalalakihang Pilipino na may asawa upang manungkulan
sa loob ng isang taon. Nang lumaon, ang paghalal sa kanila ay napunta sa
isang lupong binubuo ng 12 kasalukuyan o dating cabeza de barangay at
gobernadorcillo. Tatlo ang pinipiling kandidato para sa tungkulin at mula sa
tatlo, hinihirang ng gobernador-heneral ang gobernadorcillo.
Sa pamamalakad ng pueblo, katulong ng gobernadorcillo ang
tatlong teniente de justicia na namamahala sa mga hangganan ng mga
sinasakang lupa, mga alagang baka at pulisya; mga alguacil o konstable;
Page 39
apat na teniente segundos; mga tenyente ng mga distrito at isang kalihim o
directorcillo.
Kabilang sa mga pribilehiyong natatanggap ng isang gobernadorcillo
ay ang hindi pagbabayad ng buwis at di paglahok sa polo y servicio o
sapilitang paggawa.
Ang pagkagobernadorcillo lamang ang pinakamataas na tungkuling
maaaring gampanan ng isang katutubong Pilipino noon upang hindi sila
magkaroon ng ganap at mataas na kapangyarihan kaysa sa mga Espanyol.
Si Carlos Aguinaldo, ang ama ni Emilio Aguinaldo, ay isa sa mga nakahawak
ng posisyong ito.
Lungsod
Sa panahon ng mga Espanyol ay nagkaroon din ng mga ciudad o
lungsod. Ang mga bayang may malaking populasyon, maunlad, at naging
aktibo sa pulitika, kabuhayan at kalinangan ay binigyan ng tanging karta
upang maging lungsod. Ang pamahalaang ito ay tinatawag na
ayuntamiento na pinamumunuan ng alcalde at anim hanggang 12 regidores
o konsehal, isang escribano o kalihim at isang alguacil-mayor o punong
konstable. Ang tungkulin ng isang alcalde sa lungsod ay halos katulad ng
gobernadorcillo sa pueblo.
Naging sentro ito ng kalakalan, edukasyon, at iba pang gawain. Ang
ayuntamiento ay hindi sakop ng pamahalaang panlalawigan sapagkat ito
ay may sariling charter na nagtatadhana ng sariling patakaran at paraan ng
pamamahala. Ang Cebu, Maynila, Lipa, Albay, Arevalo, Jaro, Naga, at
Vigan ay ilan lamang sa mga naging pamahalaang lungsod noon.
Ang Maynila ang lungsod na pinagkalooban ng opisyal na eskudo ng
hari ng Espanya. Ito ang naging kabiserang lungsod ng kolonya noong
Nobyembre 19, 1595.
Barangay
Ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan noon ay ang barangay na
pinamumunuan ng isang cabeza de barangay na karaniwang
pinamumunuan ng mga datu o raja noon. Mayroong 3 hanggang 100
pamilya ang sakop ng bawat barangay. Tatlong taon ang haba ng
panunungkulan ng isang cabeza de barangay. Ang mga sumusunod ay ilan
sa mga tungkulin ng isang cabeza:
paglikom ng mga tributo at buwis para sa gobernadorcillo;
pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa barangay na
nasasakupan;
pagtulong sa gobernadorcillo sa pagkuha ng mga polista o
mga lalaking gagawa para sa mga pambayang gawain.
Page 40
Wala siyang suweldong natatanggap mula sa pamahalaan,
bagama’t may pribilehiyo siyang mapabilang sa pangkat ng principalia o
aristokrasya – mga pangunahing tao sa bayan kasama ng gobernadorcillo.
Hindi rin siya nagbabayad ng tributo o buwis at hindi kabilang sa polo y
servicio o sapilitang paggawa.
Noong 1874, nagkaroon ng pamantayan ng pagpili ng isang cabeza
de barangay. Kinakailangang marunong siyang magbasa at magsulat sa
Espanyol, may magandang reputasyon at may mga ari-arian.
Si Emilio Aguinaldo, sa edad na 17 taon, ang pinaka batang naging
cabeza de barangay. Bagama’t labag sa batas ang kanyang
panunungkulan ay hindi ito naging hadlang dahil sa impluwensiya ng
kanyang pamilya.
Pagbubuod
Ang pagiging sentralisado ng pamahalaan sa panahon ng
pananakop ng Espanya ay hanggang sa kasulatan lamang. Karaniwang
nararamdaman ang kapangyarihan ng gobernador-heneral sa loob ng
Maynila at bihirang-bihira lumabas ng Intramuros. Malayang-malaya naman
sa pamamalakad ang mga alcalde mayor sa kanilang alcaldia at hindi rin
naman lumalabas sa kabisera ng kanilang alcaldia.
Dahil sa sitwasyong ito kung bakit maraming mga prayle ang naging
pinakamakapangyarihang tao sa bansa sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol. Ito arin ang nagbigay daan sa maraming prayle na sila ay naging
mapang abuso sa ibinigay na kapangyarihan. Dahil sa pangingibabaw ng
mga prayle sa kapangyarihan sa pamahalaan at sa lipunan, tinawag ni
Marcelo H. del Pilar ang pamahalaan sa Pilipinas bilang la soberania
monacal o frailocracia. (Mactal; Historia, p. 137; Phoenix Publishing House)
Page 41
GAWIN MO
Differentiated Instructions (DI)
Pangkat 1 - Analohiya Kumpletuhin ang analohiya ng istruktura ng pamahalaang ipinatupad
ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop.
Pamahalaang ________________________
Royal Audiencia
Residencia
Pamahalaang _______________________
: Alcalde Mayor
Corregimiento:
Pamahalaang Pambayan
Pueblo:
: Alcalde
Barangay :
Pangkat 2 – Tsart ng mga Tungkulin Kumpletuhin ang tsart ng mga tungkulin ng mga namamahala sa
pamahalaang sentralisado sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol:
Mga Namamahala/Pinuno Tungkulin/Kapanyarihan
1. Gobernador Heneral
2. Royal Audiencia
3. Visitador
Page 42
4. Residencia
5. Alcalde Mayor
6. Corregidor
7. Gobernadorcillo
8. Cabeza de Barangay
Pangkat 3 – Noon at Ngayon Pagkatapos pag-aralan ang sistema ng pamahalaan sa Pilipinas, sumulat ng
tatlo hanggang limang pangungusap upang maipakita ang pagkakaiba/
pagkakapareho noong panahong bago dumating ang mga Espanyol,
panahon ng pananakop at sa kasalukuyang panahon.
SISTEMA NG PAMAHALAAN SA PILIPINAS
Bago Dumating ang mga Espanyol Panahon ng Pananakop ng Espanyol
Kasalukuyang Panahon/Sistema ng Pamahalaan
Page 43
Pangkat 4 – Simbolismo ng Pamahalaan Pag-usapan sa inyong pangkat ang sistema ng pamahalaan noong bago
dumating ang mga mananakop, panahon ng pananakop, at sa
kasalukuyang panahon. Ilarawan ang bawat sistema sa pamamagitan ng
isang simbolo (symbolism), ipaliwanag kung bakit ito ang napili.
SISTEMA NG PAMAHALAAN SA PILIPINAS
Bago Dumating ang mga Espanyol Panahon ng Pananakop ng Espanyol
Paliwanag: Paliwanag:
Kasalukuyang Panahon/Sistema ng Pamahalaan
Paliwanag:
Pangkat 5 – AKROSTIK Gumawa ng isang AKROSTIK sa salitang PAMAHALAAN upang ilarawan ang
sistema ng pamahalaan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
P - ____________________________________________________________
A - ____________________________________________________________
M - ____________________________________________________________
A - ____________________________________________________________
H - ____________________________________________________________
A - ____________________________________________________________
L - ____________________________________________________________
A - ____________________________________________________________
A - ____________________________________________________________
N - ____________________________________________________________
Page 44
Rubriks sa Pangkatang Gawain (Differentiated Instructions)
Pangkat 1 - Analohiya
20 puntos Nasagot ang lahat na hinihingi sa analohiya
Lahat ng miyembro ay nakilahok sa gawain
Nasunod ang ibinigay o itinakdang oras sa
gawain
10
5
5
Pangkat 2 – Tsart ng mga Tungkulin
20 puntos
Nakasulat ng mga tungkulin o kapangyarihan sa
bawat pinuno ng pamahalaan sa panahon ng
pananakop
Lahat ng miyembro ay nakilahok sa gawain
Nasunod ang ibinigay o itinakdang oras sa
gawain
10
5
5
Pangkat 3 – Noon at Ngayon
20 puntos Nakasulat ng tatlo hanggang limang
pangungusap o pagpapatunay ukol sa sistema
ng pamahalaan noon, panahon ng Espanyol, at
sa kasalukuyan
Lahat ng miyembro ay nakilahok sa gawain
Nasunod ang ibinigay o itinakdang oras sa
gawain
10
5
5
Pangkat 4 – Simbolismo ng Pamahalaan
20 puntos Kaugnayan ng simbolong iginuhit sa sistema ng
pamahalaan
Kalinisan at kaayusan ng simbolong iginuhit
Partisipasyon ng mga miyembro at pagsunod sa
itinakdang oras sa gawain
10
5
5
Pangkat 5 - Akrostik
20 puntos
Kaugnayan ng pahayag ng bawat titik/letra sa
sistema ng pamahalaan
Lahat ng miyembro ay nakilahok sa gawain
Nasunod ang ibinigay o itinakdang oras sa
gawain
10
5
5
Paalala:
1. Pagkatapos ng gawain ng bawat pangkat sa itinakdang oras ay
magkakaroon ng “gallery walk” sa mga natapos na awtput ng bawat
pangkat.
2. Paalalahanan ang bawat pangkat na sa pag-ikot sa mga awtput ay
isulat ang kanilang natutunan sa bawat awtput.
3. Magkaroon ng pagpoproseso ang guro sa ginawang gawain, bigyan
ng diin ang mga positibong nagawa ng mga mag-aaral.
Page 45
TANDAAN MO
Ang pamahalaang sentralisado ay pamahalaan kung saan
nagmumula sa pamahalaang pambansa ang kapangyarihan. Sakop
nito ang mga pamahalaang lokal na kinabibilangan ng mga
lalawigan, lungsod, pueblo o bayan, at barangay. Ito ang sistema ng
pamahalaang ipinatupad ng Espanya sa Pilipinas.
Naging madali ang pagsakop at pamamahala sa hiwa-hiwalay na
lugar sa Pilipinas bunga ng pamahalaang sentralisado.
Ang gobernador-heneral ang pinakamataas at
pinakamakapangyarihang pinuno sa ilalim ng pamahalaang
Espanyol.
Ang Real Audiencia, Residencia, at Visitador ang ilan sa mga sistema
o hakbang na ginamit ng hari ng Espanya upang masiyasat ang uri ng
pamamahala ng mga gobernador-heneral at mga opisyal sa mga
bansang kolonya.
Real Audiencia – pinakamataas na hukuman
Residencia – nagsisiyasat sa mga opisyal at papaalis na gobernador –
heneral Visitador – gumagawa ng ulat para sa hari ng Espanya
Sa sistemang encomienda ibinatay ang pamahalaang panlalawigan.
Ang encomienda ay isang sistema ng pamamahala ng mga Espanyol
kung saan pinamumunuan ng isang encomendero ang isang
malaking lupain sa pahintulot ng hari ng Espanya.
Ang pamahalaang pambansa ay hinati sa maliliit nay unit na
pinamumunuan ng mga lokal na pinuno.
Bawat antas ng pamahalaan ay pinamumunuan ng isang opisyal:
gobernador-heneral – para sa pamahalaang pambansa
encomiendero – para sa encomienda
alcalde mayor – para sa alcaldia
corregidor – para sa corregimiento
gobernadorcillo – para sa pueblo
alcalde – para sa malalaking pueblo o lungsod
cabeza de barangay – para sa barangay
Ang pangongolekta ng buwis ang pangunahing tungkulin ng lahat ng
pinuno ng pamahalaan sa kanilang nasasakupan.
Makikita sa ibaba ang pinakabuod ng sistema ng pamahalaan sa
ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
Page 46
HARI NG ESPANYA
VICEROY
Pamahalaang Pambansa
PAMAHALAANG SENTRALISADO
Pamahalaang Lokal
Pamahalaang Panlalawigan
Alcaldia
Alcalde MayorCorregimiento
Corregidor
Pueblo/Bayan - Gobernadorcillo
Barangay - Cabeza de barangay
Pamahalaang Lungsod
Ayuntamiento
Page 47
NATUTUHAN KO
A. Pagsusuri ng mga Pahayag Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat sa patlang ang
FACT kung ang pahayag ay tama, BLUFF kung ito ay mali.
1. Ang pamahalaang pambansa ay hinati sa maliliit na
yunit upang higit na mapadali ang pamamahala sa
bansa.
2. Ang pinakamalaking pagbabagong pulitikal na
ipinatupad ng Espanya sa Pilipinas ay ang pagtatalaga
ng mga prayle bilang mga pinuno ng bawat kolonya.
3. Maihahalintulad ang pamahalaang sentral sa
ehekutibong sangay ng pamahalan sa kasalukuyan.
4. Ang pagiging vice real patron ang nag-alis ng
kapangyarihan sa gobernador-heneral na makialam sa
mga gawaing pansimbahan.
5. Ang pagkagobernador-heneral ang pinakamatas na
tungkuling maaaring gampanan ng isang Pilipino noon.
6. May kapangyarihan ang gobernador-heneral na
magpatawad sa mga criminal o taong nagkasala sa
pamahalaan.
7. Naging matagumpay ang hari ng Espanya na masupil
ang pang-aabuso ng mga pinuno sa bansa dahil naging
tapat ang lahat ng tagasiyasat at visitador na ipinadala
sa Pilipinas.
8. May kapangyarihan ang gobernador-heneral na hindi
ipatupad ang ilang batas sa kanyang nasasakupang
kolonya na tinatawag itong Consejo de las Indias.
9. Tanging ang kapangyarihang magpatupad lamang ng
batas ang kayang gawin ng isang gobernador-heneral.
10. Ang Real Audiencia ay ang pinakamataas na hukuman
sa kolonya, na may tungkuling duminig sa mga usaping
kriminal at sibil.
B. Pamahalaang Sentralisado at Pamahalaang Lokal Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang PS kung ito ay
tumutukoy sa pamahalaang sentralisado at PL kung tumutukoy ang
pahayag sa pamahalaang lokal.
1. Ang ayuntamiento na pinamumunuan ng alcalde-mayor
ay bahagi ng pamahalaang ito.
2. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa
pamahalaang pambansa.
3. Ang pueblo, bayan, at barangay ay kabilang sa
Page 48
pamahalaang ito.
4. Ang sistema ng pamahalaang ito ay unang ibinatay sa
sistemang encomienda.
5. Isang gobernador-heneral ang namumuno rito.
6. Ito ang bumuo sa mga hiwa-hiwalay na barangay ng
mga katutubong Pilipino.
7. Ito ang pamahalaang binubuo ng mallit na yunit.
8. Pinamumunuan ng alcalde mayor o corregimiento.
9. Sakop nito ang pamamahala sa buong kapuluan at
nasa ilalim nito ang pangangasiwa sa pamahalaang
lokal.
10. Sumasaklaw ito sa pagpapanatili ng kapayapaan,
kaayusan, at katarungan sa mga gawaing pampubliko
at iba pang bagay na may kaugnayan sa bansa.
C. Halo-halo letra (Pangkatang Gawain) Bumuo ng pangkat.
Ayusin ang mga halo-halong letra o titik upang mabuo ang
hinihinging sagot sa bawat pahayag.
Pag-uusapan sa bawat pangkat ang mga pahayag sa
itinakdang oras ng pagsagot.
Isang papel (activity sheet) sa bawat pangkat.
D O R I V I S A T
1. Tagapagsiyasat na ipinadadala ng hari
ng Espanya para magmasid sa kalagayan
ng bansa.
Sagot:
D A N E M O C E I N
2. Sa sistemang ito unang ibinatay ang
pamahalaang local na pinamumunuan
ng isang encomendero.
Sagot:
D S I E N C I A R E
3. Prosesong isinasagaw upang
maimbestigahan ang dating gobernador-
heneral at mga kasamang opisyal sa
kanilang panunungkulan.
Sagot:
I A I C N E D U A L A E R
4. Pinakamataas na hukuman sa bansa
noong panahon ng Espanyol.
Sagot:
5. Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan
noon.
Page 49
A G Y R N A A B Sagot:
I M N E O Y T U A N A T
6. Pamahalaan ng malalaki at mauunlad na
lungsod.
Sagot:
I A D L A C L A
7. Lugar na lubos na nasakop na at
kumikilala na sa pamahalaang Espanyol
Sagot:
R R O C E G I T O E M N I
8. Lalawigang hindi pa lubos na nasasakop
ng mga Espanyol.
Sagot:
O R Y C E I V 9. Kinatawan ng konseho sa kolonya.
Sagot:
S M U A L P E C
10. Kapangyarihan ng gobernador-heneral
na suspindihin o hindi sundin ang mga
batas galing sa hari ng Espanya na hindi
angkop sa kalagayan ng bansang
kanyang pinamumunuan.
Sagot:
Remedial Activity (Bigyan ng kapareha ang mga mag-aaral na gagawa ng remedial na gawain)
Magbigay ng dalawang pinuno o kilalang tao sa kasalukuyan na sa
iyong palagay ay katangi-tangi at nararapat na maging pinuno.
Ipaliwanag ang iyong dahilan kung bakit sila ang iyong napili.
Kilalang Tao sa Kasalukuyan
Pangalan ng Tao/
Pinuno sa Kasalukuyan
Katungkulan o
Posisyon
Dahilan kung Bakit ko
ito Napili
Page 50
Aralin IV
Pagpupunyagi ng mga Katutubong
Pangkat sa Kolonyal na Pananakop
PANIMULA
Sa nakaraang aralin ay natalakay ang sistema ng pamahalaang
ipinatupad ng mga Espanyol – ang sentralisadong pamamahala, kung saan
napasailalim sa pamumuno ng Espanyol ang halos kabuuan ng bansa.
Nawala sa kamay ng mga katutubo ang karapatang pamunuan ang
kanilang sariling lupain. Pinayagan silang maglingkod sa pamahalaan subalit
sa pinakamababang posisyon.
Gumamit ang Espanya ng “divide and rule policy,” ito ay isang
paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway ng mananakop ang mga
lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar upang mas madali ang
kanilang pananakop.
Sa aralin na ito ay malalaman natin kung ang buong kapuluan ng
Pilipinas ay napasailalim sa kamay ng mga mananakop. Anong
kahalagahan ng relihiyon sa kolonyalismong Espanyol, partikular ang
Kristiyanismo at Islam.
Pamantayan sa Pagkatuto: (2 weeks/ 10 days) (Layunin)
1. Naipaliliwanag ang di matagumpay na pananakop sa mga
katutubong pangkat ng kolonyalismong Espanyol. (AP5KPK-IIIg-h6)
1.1 Nasusuri ang mga paraang armado ng pananakop ng mga
Espanyol;
1.2 Natatalakay ang iba’t ibang reaksyon ng mga katutubong
pangkat sa armadong pananakop;
1.3 Natatalakay ang mga isinagawang rebelyon ng mga katutubong
pangkat;
1.4 Natataya ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang
reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa kolonyalismo;
1.5 Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng di
matagumpay na armadong pananakop ng mga Espanyol sa ilang
piling katutubong pangkat.
Page 51
2. Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. (AP5KPK-IIIi-7)
2.1. Napaninindigan ang mga prinsipyo at paniniwala gaya ng
ipinamalas ng mga katutubong lumaban sa mga Espanyol.
Paksang Aralin
Paksa : Pagpupunyagi ng mga Katutubong Pangkat Laban sa
Kolonyal na Pananakop
Kagamitan : Manila paper, panulat, Video presentation
Sanggunian : Learner’s Material, p.
A. Panimula
1. Sa pagsisimula ng aralin ipasagot ang mga sumusunod na tanong: Sa
bawat pangkat ay babasahin ang bawat pahayag at sasagutin ito ng
Tama o Mali (bahaging “Bago ang Aralin” lamang ang sasagutin).
2. Pagkatapos itong sagutin ay hayaang ipapaskil ang mga sagot ng
bawat pangkat. Huwag muna itong itatama.
3. Pagkatapos ng aralin ay muling balikan ang sinagot ng bawat
pangkat at sasagutin muli ang bahaging “Pagkatapos ng Aralin,” at
itatama ng sabay ang ginawa sa bahaging “Bago ang Aralin” upang
makita ang pagkakaiba/pagkakapareho ng sagot. Hindi maaaring
magpalit ng sagot sa nauna ng ginawa ng pangkat.
Bago ang
Aralin
Mga Pahayag
Pagkatapos
ng Aralin
1. Nakatulong ng malaki ang mga
cabeza de barangay sa mga
Espanyol sa pananakop ng
Maynila at ilang kalapit na lugar
nito sa Luzon.
2. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng
wika ng mga katutubo, ang mga
misyonero ay medaling tinanggap
ng ilang mga tribo.
3. Malaki ang kagustuhan ng mga
Espanyol na masakop ang
Pampanga dahil sa napabalitang
mayroon itong deposito ng ginto.
4. Isa sa mga dahilan kung bakit bigo
ang mga Espanyol sa pagsakop
sa Mindanao sapagkat
organisado at bihasa sa
pakikidigma ang mga Sultanato sa
Mindanao.
Page 52
5. Ginalugad ni Miguel Lopez de
Legazpi ang bahaging hilaga ng
Luzon at naitatag ang Villa
Fernandina, na ngayon ay ang
Lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur.
6. Ang mga “Tinggian” ay kilalang
namumugot ng ulo.
7. Madaling tinalikuran ng mga
Muslim ang relihiyong Islam at
niyakap ang relihiyong
Kristiyanismo na dinala ng mga
Espanyol.
8. Nagkaroon ng iba’t ibang
kasunduan sa pagitan ng Moro at
mga Espanyol
9. Ilan sa mga magigiting na
mandirigma sa Maguindanao
noon ay sina Francisco Dagohoy,
Apolinario dela Cruz, at Tamblot.
10. Naipakita ng mga katutubo sa
Cordillera at sa Mindanao ang
tunay na katapangan, dahil sa
paninindigan sa kanilang mga
prinsipyo at paniniwala.
Puntos:
Puntos:
4. Itanong ang mga sumusunod:
a. Paano ang ginawang pagsagot sa mga tanong?
b. Bakit mabilis/mabagal ang pagsagot sa ibinigay na mga tanong?
c. Ano/ano-ano ang/mga naramdaman habang ginagawa ang
gawain sa pangkat?
d. Sa inyong palagay ay tama ba lahat ang inyong mga tugon? Bakit
Oo/ Hindi?
e. Ano kaya ang kaugnayan ng mga tanong na ito sa ating paksa?
5. Iugnay ito sa aralin
Sa linggong ito bilang pinakahuling aralin natin sa ikatlong
markahan, ating tatalakayin ang mga pagpupunyagi ng mga
katutubong pangkat partikular ang mga katutubo sa Cordillera at
Mindanao laban sa mga Espanyol.
Page 53
ALAMIN MO
B. Paglinang
Ilahad ang aralin sa pagpapasagot sa mga sumusunod na tanong: a. Sa panahon ng pananakop, nasakop ba ng mga Espanyol
ang buong kapuluan ng Pilipinas?
b. Bakit ninais ng mga Espanyol na masakop ang Cordillera at
Mindanao?
c. Bakit kaya hindi naging matagumpay ang pananakop ng
mga Espanyol sa kapuluan ng Cordillera at Mindanao?
d. Ano-ano ang mga nagging kasunduan sa pagitan ng mga
Moro at mga Espanyol?
e. Sino/Sino-sino ang mga kinikilalang mga magigiting na
mandirigma sa Maguindanao?
Tangkang Pananakop sa Cordillera
Mula sa Maynila , ang pagsakop sa ibang bahagi ng Luzon ay naging
madali na para sa mga Espanyol. Nakatulong ang mga misyonero sa
pagsakop sa Luzon. Madaling nakuha ng mga misyonero ang pagtitiwala ng
mga katutubo. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika ng mga katutubo,
ang mga misyonero ay medaling tinanggap ng ilang tribo. Marahil wala ring
lakas ang mga barangay na labanan ang kapangyarihan ng mga Espanyol.
Kabilang sa mga tribong ito ay matatagpuan sa Pangasinan, Bulacan,
Tarlac, at Pampanga.
Ang kabundukan ng
Cordillera ay isang malawak
na bulubundukin sa gitnang
hilaga ng pulo ng Luzon sa
Pilipinas. Noong panahon ng
pananakop ang buong
kabundukan ay tinatawag na
Nueva Provincia (Bagong
Lalawigan). Ang kabundukan
na ito ay napabalitang
mayaman sa ginto.
Page 54
Dahil sa nabalitaang ito, natuon
ang pansin ng mga Espanyol na noo’y
gobernador-heneral si Miguel Lopez de
Legazpi sa Cordillera. Si Juan de Salcedo
na apo ni Miguel Lopez de Legazpi ay
naatasang galugarin ang bahaging
hilaga ng Luzon upang hanapin ang
napabalitang deposito ng ginto. Sa mga
panahon ng kanyang paggalugad,
naitatag niya ang Villa Fernandina, na
ngayon ay ang Lungsod ng Vigan sa
Ilocos Sur.
Nagkaroon ng iba’t ibang ekspedisyon mula 1620 hanggang 1660
upang hanapin ang mga deposito ng ginto sa kabundukan, at ang
tangkang pananakop na rin sa Cordillera.
Nabigo ang mga Espanyol sa kanilang tangkang pananakop sa
Cordillera gaano man karami ang mga ipinadalang tauhan. Ang puwersa ng
mga katutubo ay malakas upang ipagtanggol ang kanilang lugar, at ang
kasanayan nila sa pasikot-sikot na lugar sa kabundukan ang nagpasuko sa
mga Espanyol.
Sinubukan ng mga Espanyol na gumamit ng ibang paraan upang
masakop ang Cordillera. Nagpadala sila ng mga misyonerong pari upang
maturuan at mabinyagan ang mga katutubo sa Hilagang Luzon. Ang mga
Agustino ay itinalaga sa gawing kanluran ng kabundukan, habang mga
Dominiko naman ang itinalaga sa gawing silangan.
Hindi lahat ng mga paring misyonero ay nagtagumpay sa kanilang
misyon. Kabilang sa mga naging matagumpay sa misyon ay ang Dominikong
misyonero na si Padre Tomas Gutierrez. Upang marating niya ang Ilocos Sur
ay matiyagang nilakad ang Pangasinan hanggang Cagayan Valley, sa lugar
na ito nabinyagan niya ang pinunong si Datu Dogarat.
Sa simula ay nakikinig lamang si Datu Dogarat sa mga panagral ni
Padre Gutierrez, ngunit nang siya ay nagkasakit at binasbasan siya ng paring
misyonero doon na siya lubusang naniwala sa Kristiyanismo at nagpabinyag
bilang Katoliko. Tinawag siyang “Domingo” pagkatapos ng pagbibinyag,
nanatili pa rin si Datu Domingo sa kabundukan kasama ang kanyang tribo
kahit nabinyagan na bilang Katoliko.
Karamihan sa mga misyonerong pari ay bigo ang kanilang misyon.
Ang iba sa kanila ay hindi kinaya ang klima, nahirapang kumbinsihin ang
mga katutubo at ang ilan ay natakot na maka engkuwentro ang mga
Tinggian (Tinguian) na kilalang namumugot ng ulo.
Ang mga Aeta sa Mindoro, Zambales, Negros, at Panay ay hindi rin
nagawang impluwensyahan ng mga Espanyol, dahil sa kasanayan ng mga
ito sa pakikipaglaban bukod pa sa malalayo o liblib ng kanilang mga tirahan.
Page 55
Halos 50 taon ang ginugol ng mga Espanyol sa paghahanap ng ginto
sa Cordillera at ipatanggap ang koloniyanismo ngunit nanlaban ang mga
katutubo dito sa ibat –ibang paraan upang sila ay hindi masakop.
Tangkang Pananakop sa mga Bahagi ng Mindanao
Katulad ng bigong tangkang pananakop sa Cordillera, naging bigo rin
ang mga Espanyol sa tangkang pagsakop ng malaking bahagi ng
Mindanao. Ilan sa mga sumusunod ang mga dahilan ng bigong pananakop
ng mga Espanyol sa kuta ng Mindanao:
pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga sultanato;
pagiging organisado nila;
pagiging matapang at bihasa sa pakikipaglaban;
paninindigan sa kanilang nakagisnang relihiyon – ang Islam
Isa sa kinikilalang mandirigmang magiting, matapang, at matalino mula
sa Mindanao si Sultan Mohammed Dipatwan Kudarat o mas kilalang Sultan
Kudarat (Qudarat). Noong January 1975, ipinahayag ni dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos si Sultan Kudarat bilang isang bayani, hindi lamang ng
mga taga-Mindanao, kundi ng buong bansa.
Naglabas din ng selyo na nagtataglay ng kanyang imahe. Isang
dekorasyon o gawad ang ipinangalan sa kanya ang Order of Kudarat. Isang
probinsya din ang ipinangalan sa kanya at isang monumento sa kanyang
karangalan ang ipinatayo sa puso ng Makati Central Business District.
Si Kudarat ay isinilang noong 1580 at nang mamatay ang kanyang
bayaning ama na si Sultan Buisan ng Maguindanao noong 1602, ang batang
Kudarat ay hinirang na humalili sa kanya. Noong 1619, ganap siyang
Page 56
nanungkulan bilang sultan. Ang tawag sa kanyang ng mga Espanyol ay
Cachil Corralat, at nakilala nila bilang isang mandirigmang magiting,
matalino at matapang at kinilala siya bilang tunay na pinuno ng mga Muslim
sa Maguindanao. Ang kanyang hukbong may dalawang libong kawal ay
naging matagumpay sa pakikidigma sa mga Espanyol.
Nakaranas siya ng pagkatalo sa Lamitan sa itinuturing na
pinakamadugong labanan na namagitan sa mga Muslim at mga Espanyol
sa Pilipinas. Nasugatan siya sa isa niyang bisig at nang mapagtanto na
matatalo din sila sa laban na ito, nagpasya siyang lumikas. Ngunit hindi niya
matagpuan ang kanyang mag-ina. Ang kanya palang asawa, kilik sa dibdib
ang kanilang sanggol na anak ay tumalon sa bangin kaysa maging bihag ng
Espanyol. Sa kabutihang palad, ang mag-ina ni Kudarat ay sumabit sa isang
puno at nakaligtas.
Dalawang beses na ninais makipagkasundo ng mga Espanyol kay
Kudarat dahil hindi talaga siya mahuli-huli. Ngunit dahil sa nakikita niyang
pang-aabuso ng mga Espanyol, hindi niya tinupad ang mga kasunduan na
ito at kinausap ang ibang mga datu na tumiwalag na sa mga Espanyol.
Noong 1663, pansamantalang nilisan ng mga Espanyol ang pulo ng
Mindanao dahil hindi tumigil sa paglaban si Kudarat.
Maliban kay Sultan Kudarat, kilala ring matatapang na mandirigma sina
Datu Piang ng Cotabato, at Datu Amai Pakpak ng Lanao.
Ang Sulu ay napuntahan naman ng mga Espanyol noong 1636. Naitatag
ni Gobernador Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera ang isang
kampaniento sa Jolo. Nagkaroon ng kasunduan ang mga Kastila at mga
taga-Sulu na magtulungan kung may ibang dayuhang magtatangkang
manakop sa naturang pook katulad ng mga Dutch o Portuges. Ang
kasunduan ay naglalaman din ng pagkilala ng Pamahalaang Espanya sa
lubusang kapangyarihan ng Sultan ng Sulu sa ilang mga pulo. Pinahintulutan
din ng Sultan ang mapayapang pagpasok ng mga paring Heswita sa Jolo.
Hindi nagtagal ang bisa ng kasunduan. Noong 1647 ay sinalakay ng
mga Suluano ang Kabisayaan at ginipit ang mga mamamayan ng
Zamboanga. Noong 1737, isang kasunduan ang pinagtibay naman ni Sultan
Alimud Din na nilagdaan nina Datu Mohammed Ismael at Datu Ja’far at
Gobernador Heneral Fernando Valdes y Tamon sa Maynila. Itinakda sa
kasunduang ito ang pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa
pamamagitan ng mapayapang paglutas ng anumang suliranin.
Nang mamatay ang amang si Sultan Alimud Din, ang kasunduan ay
ipinagpatuloy ni Israel, ang humaliling pinuno ng Sulu. Ang kasunduang
nilagdaan noong Abril 1851 ay nagtakda ng halos lubusang pagsanib ng
Sultanato ng Sulu sa Kaharian ng Espanya. Tumanggap ang mga Suluanon
ng pangangalaga at proteksyon ng Espanya at kanilang ginamit ang
bandila ng Kastila.
Page 57
Subali’t nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa
hinggil sa pagpapatupad ng mga tadhana ng kasunduan. Dahil sa ito ay
nakasulat sa Wikang Kastila at diyalekto ng taga-Sulu, natuklasang hindi
naging tama ang pagsasalin ng mga salitang Kastila sa diyalektong
Suluanon. Simula ng di pagkakaunawaang ito, nagpatuloy ang mga
labanan sa pagitan ng mga Muslim at Kastila at di gaanong nasakop ang
Timog Mindanao
Anim na Yugto ng Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas (Ayon kay Cesar A. Majul sa aklat niyang Muslims in the Philippines)
Unang Yugto Nagsimula sa panahon ng pagtatag ni Legaspi ng kolonyanismong Espanyol
sa Pilipinas noong 1571 at nagtapos sa pagsalakay ng mga Espanyol sa
Brunei noong 1581.
Ikalawang Yugto Nagsimula noong 1591 ng simulan ng mga Espanyol ang kolonisasyon ng
Mindanao at nagtapos noong 1597.
Ikatlong Yugto Nagsimula noong 1599 ng magkasundo ang Sulu, Maguindanao, at Buayan
na magsagawa ng pananakop sa Visayas.
Ikaapat na Yugto Nagsimula ito nang itatag ng mga Espanyol ang kuta sa Zamboanga noong
1635 at nagtapos ito ng magsara ang kuta noong 1663. Pinangunahan ito ni
Sebastian Hurtado de Corcuera laban kay Sultan Kudarat.
Ikalimang Yugto Nagsimula noong nagtatag ng tanggulan muli ang mga Espanyol noong
1718 at nagtapos lamang ito noong 1762 sa pananakop ng mga British.
Ika-anim na Yugto Nagsimula noong 1848 ng magpadala ng ekspedisyon ang mga Espanyol sa
Balangingi sa Sulu. Nagtapos lamang ito ng ilipat ng Espanya sa Estados
Unidos ang kanyang soberanya.
Ang panahong ito na ipinakita ng mga katutubong mandirigmang Pilipino
katulad ni Sultan Kudarat ay nagpapakita na sa kabila ng pananakop ng
mga Espanyol may mga pinili na hindi magpasakop, manatiling malaya at
may dangal. Kailangan ng ating bansa ng mga pinunong katulad ni Sultan
Kudarat, may political will at may dangal, upang pagkaisahin ang mga
Pilipino at itayo ang ating bayan. (Chua, Xiaotime, Januray 29, 2013;News@1 of PTV 4)
Page 58
GAWIN MO
Pangkatang Gawain
Ang tunay na katapangan ay ipinakita sa atin ng mga katutubong
mandirigmang Pilipino mula sa Cordillera at Mindanao. Tumindig sila at
ipinaglaban ang kanilang paniniwala at mga prinsipyo.
Sa inyong pangkat, pag-usapan ang mga sumusunod na
sitwasyon at ipakita sa iba’t ibang pamamaraan ang mga desisyong
gagawin.
Pangkat 1 – “Maikling Dula-Dulaan”
Araw ng inyong mahabang pagsusulit, hindi mo nagawang nakapag-
aral ng iyong aralin. Sa oras ng inyong pagsusulit, nakita mo ang dalawa sa
iyong mga kaibigan na may leakage sila sa pagsusulit, ipinasa ito sa iyo. Ano
ang gagawin mo?
Pangkat 2 – “Advertisement o Komersyal”
Sikat ang isang pulitikong tumatakbo sa pagka gobernador.
Mayaman, popular, at maraming koneksyon sa mga matataas na tao. Alam
mong maraming katiwalian ang pulitikong ito ngunit pinapaboto siya ng
iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo?
Pangkat 3 – “Pantomime o Piping Palabas”
Ikaw ay isang taxi drayber. Halos ang kinikita mo ay kulang sa pang-
araw-araw na gastusin ng iyong pamilya. Ang iyong bunsong anak ay nasa
ospital dahil nagkaroon ng dengue. Sa araw na iyon ay may nakaiwang bag
sa iyong taxi na may malaking halagang naiwan na sobra sobra ito para sa
mga pangangailangan mo sa araw na iyon. Ano ang gagawin mo?
Pangkat 4 – “Awit – Adaptation of Melody”
(lyrics ng awit ay sasagot sa desisyong gagawin sa sitwasyon)
Ikaw ay may matibay na pananalig sa relihiyong kinabibilangan.
Inaalok ka ng iyong matalik na kaibigan na sumali o umanib sa kanilang
relihiyon. Kung hindi ka sasama o aanib sa kanilang relihiyon, ikaw ay aalisin
Page 59
sa grupo ng inyong kinabibilangang kaibigan o barkada. Ano ang gagawin
mo?
Pangkat 5 – “Hugot sa isang pelikula/ linya o scene sa isang pelikula”
Nag-aaply ka para sa isang trabaho o posisyon sa gobyerno.
Kailangan na kailangan mo ang trabahong ito para sa iyong pamilya.
Nagkataon na marami ang mga aplikante sa posisyong ito, nais mong
makuha ito at inalok ka ng isang kakilala na magbigay ng suhol upang
makuha ang trabaho. Ano ang gagawin mo?
Rubrik sa Awtput ng Bawat Pangkat 1. kaangkupan na ginawa ng pangkat sa
naibigay na pamamaraan
10 2. naipakita ang magandang desisyon o
paninindigan
10 3. malinaw at naiintindihan ang ipinakitang
awtput ng pangkat
10 4. Nakibahagi ang lahat ng mga miyembro ng
pangkat sa gawain
5 5. Nasunod ang ibinigay o itinakdang oras sa
paghahanda hanggang sa pagpapalabas
nito
5
Kabuuan
40
Page 60
TANDAAN MO
Tinangkang sakupin ang Cordillera ng mga Espanyol dahil sa
napabalitang deposito ng ginto sa kabundukan nito.
Nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan upang magalugad at
mapasok ang Cordillera.
Sa pamuuno ni Juan de Salcedo ay naitatag ang Villa Fernandina, na
ngayon ay ang Lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur.
Nahirapan ang mga Espanyol na masakop ang Cordillera sapagkat:
malakas ang puwersa ng mga katutubo at hindi kabisado ng mga
Espanyol ang klima at pasikot-sikot na lugar ng Cordillera.
Nabigo rin ang tangkang pagsakop sa Mindanao sapagkat: matindi
ang pananalig ng mga Moro sa Islam at organisado at bihasa sa
pakikidigma ang mga Sultanato sa Mindanao.
Nagkaroon ng iba’t ibang kasunduan sa pagitan ng Moro at mga
Espanyol subalit hindi ito tuluyang nagtagumpay.
Ilan sa mga magigiting na mandirigma sa Maguindanao noon ay sina
Sultan Kudarat, Datu Piang, at Datu Amai Pakpak.
Ang mga Aeta sa Mindoro, Zambales, Negros, at Panay ay hindi rin
nagawang impluwensyahan ng mga Espanyol, dahil sa kasanayan ng
mga ito sa pakikipaglaban bukod pa sa malalayo o liblib ng kanilang
mga tirahan.
Halos 50 taon ang ginugol ng mga Espanyol sa paghahanap ng ginto
sa Cordillera at ipatanggap ang koloniyanismo ngunit nanlaban ang
mga katutubo dito sa ibat –ibang paraan upang sila ay hindi
masakop.
Noong January 1975, ipinahayag ni dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos si Sultan Kudarat bilang isang bayani, hindi lamang ng mga
taga-Mindanao, kundi ng buong bansa.
Noong 1663, pansamantalang nilisan ng mga Espanyol ang pulo ng
Mindanao dahil hindi tumigil sa paglaban si Kudarat.
Ang Sulu ay napuntahan naman ng mga Espanyol noong 1636.
Naitatag ni Gobernador Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera ang
isang kampaniento sa Jolo.
May anim na yugto ng pananakop ang mga Espanyol sa Pilipinas
ayon kay Cesar A. Majul sa aklat niyang Muslims in the Philippines.
Page 61
NATUTUHAN KO
A. Panimula at panghuling Pagtataya (Pangkatang Gawain)
1. Muling ipasagot ang ginamait na mga tanong sa simula ng aralin.
Ipasagot ang kolum na “Pagkatapos ng Aralin”.
2. Itama ang mga sagot sa dalawang kolum: Bago ang Aralin at
Pagkatapos ng Aralin.
3. Kukunin at irekord ang puntos sa kolum na “Pagkatapos ng Aralin.”
4. Magbibigay ng karagdagang marka kung ang puntos sa kolum na
“Bago ang Aralin” ay:
8 – 10 + 5 Halimbawa ang puntos ng Pangkat 2 sa
5 – 7 + 4 kolum na “Pagkatapos ng Aralin ay 8, at
2 – 4 + 3 ang puntos sa “Bago ang Aralin” ay 5(+4).
0 – 1 + 2 Pangkat 2 ay may kabuuang puntos na 12.
5. Ang pinakamataas na puntos sa pagsubok na ito ay 15.
B. Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
_____ 1. Ito ay isang malawak na bulubundukin sa gitnang hilaga ng pulo ng
Luzon sa Pilipinas na napabalitang may deposito ng ginto.
A. Sulu C. Cordillera
B. Mindanao D. Leyte
_____ 2. Dahil sa balitang maraming ginto sa isang bulubundukin sa gawing
hilaga ng Luzon, naatasan siyang galugarin ang lugar na ito upang
hanapin ang deposito ng ginto.
A. Juan de Plasencia C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Juan de Salcedo D. Ruy Lopez de Villalobos
_____ 3. Nagpabinyag si datu Dogarat ng Cagayan kay Padre Tomas
Gutierrez. Mula noon, tinawag na siyang ___________.
A. Domingo C. Juan
B. Santiago D. Felipe
_____ 4. Hindi rin nasakop ng mga Espanyol ang tribo ng _______________ ng
Zambales.
A. Ivatan C. T’boli
B. Kalinga D. Aeta
_____ 5. Isa sa mga dahilan kung bakit nahirapan ang mga Espanyol na
masakop ang Cordillera ay ang _______________ rito.
A. mababangis na hayop C. klima
B. mga bitag sa gubat D. madulas na daan
Page 62
_____ 6. Itinatag ni Juan de Salcedo ang Villa Fernandina, na ngayon ay ___
A. Laoag C. Baguio
B. Vigan D. Sulu
_____ 7. Noong January 1975, ipinahayag ni dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos si ________________ bilang isang bayani, hindi lamang ng mga
taga-Mindanao, kundi ng buong bansa.
A. Datu Amai Pakpak C. Datu Sirungan
B. Datu Piang D. Datu Sultan Kudarat
_____ 8. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit ang tangkang
pagsakop ng mga Espanyol sa lupain ng Mindanao ay bigo. Alin sa
mga ito ang HINDI dahilan?
A. organisado ang mga Sultanato sa Mindanao
B. malaki ang suporta sa kanila ng gobernador-heneral
C. matindi ang kanilang pananalig sa Islam
D. bihasa sila sa pakikidigma
_____ 9. Bakit nahirapan ang mga Espanyol na masakop ang Cordillera?
A. kulang ang armas ng mga Espanyol
B. kakaunti ang bilang ng mga armadong Espanyol
C. mahina sa pagpaplano ang naatasang mamuno sa digmaan
D. hindi kabisado ng mga Espanyol ang pasikot-sikot sa kabundukan
_____ 10. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga aral o gintong kaisipan
na nais ipaalala sa atin ng mga katutubong Pilipinong
nakipaglaban sa mga mananakop na Espanyol, MALIBAN sa isa,
alin ito?
A. Ang bawat Pilipino ay kailangang pag-isipan at timbangin kung
saan siya makakakuha ng mas maraming pabor at ayuda.
B. Katulad ni Sultan Kudarat, kailangan ng ating bayan ang mga
pinunong may “political will” at may dangal.
C. May kalayaan ang bawat tao na pumili ng kanyang
paninindigan at paniniwala.
D. Kailangang manindigan sa anumang piniling desisyon.
Remedial Activity (Ang remedial na gawaing ito ay tutulong ang pangkat kung saan nakabilang ang
mga mag-aaral na gagawa ng remedial na gawain)
Kung ikaw ay isa sa mga namumuno ng digmaan sa panahon ng
kolonyalismo, tutuloy ka pa rin ba sa tangkang pananakop sa Cordillera o
Mindanao sa kabila ng mga mararahas na pagtanggi ng mga tao sa lugar
na ito? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagsulat ng tatlo
hanggang limang pangungusap.
Page 63
Talahanayan ng Ispesipikasyon Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 5
School Year 2016 - 2017
Aralin Pamantayan sa
Pagkatuto
CODE Blg. Ng
araw ng
Pagtuturo
Bilang
ng
Aytem
Kinala-
lagyan
ng
Aytem
Bahag-
dan
Mga
Pagbabago sa
Panahon ng
Pananakop
Nasusuri ang
pagbabago sa
panahanan ng mga
Pilipino sa panahon ng
mga Español.
AP5KPK
IIIa-1
10
8
1 – 8
26.67 Napaghahambing ang
antas ng katayuan ng
mga Pilipino sa lipunan
bago dumating ang
mga Espanyol at sa
Panahon ng
Kolonyalismo
AP5KPK
IIIb-2
Mga
Pagbabago sa
Kultura ng mga
Pilipino sa
Panahon ng
Espanyol
Nasusuri ang
pagbabago sa kultura
ng mga Pilipino sa
panahon ng Espanyol.
AP5KPK
IIIc-3
9
7
9 – 15
23.33
Mga
Pagbabagong
Pampulitika sa
Panahon ng
Espanyol
Nasusuri ang mga
pagbabagong
pampulitika na
ipinatupad ng kolonyal
na pamahalaan.
AP5KPK
IIId-e-4
10
8
16 - 23
26.67 Nakapagbibigay ng
sariling pananaw
tungkol sa naging
epekto ng
kolonyalismo sa lipunan
ng sinaunang Pilipino
AP5KPK
IIIf-5
Pagpupunyagi
ng mga
Katutubong
Pangkat sa
Kolonyal na
Pananakop
Naipaliliwanag ang di
matagumpay na
pananakop sa mga
katutubong pangkat
ng kolonyalismong
Espanyol.
AP5KPK
IIIg-h-6
10
7
24-30
23.33 Nasusuri ang epekto ng
kolonyalismong
Espanyol sa
pagkabansa at
pagkakakilanlan ng
mga Pilipino.
AP5KPK
IIIi-7
39
30
100 Note: 3 days allotted for review & least learned competencies; 39 - Actual Teaching Days
20 items Performance-Based Assessment
Page 64
Department of Education
Region III
Division of City of San Fernando
_______________________________________________ (School)
City of San Fernando, Pamapanga
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5 School Year 2016 – 2017
Pangalan: _________________________________________ Iskor: ________________
Seksyon: _________________________________________ Petsa: _______________
Unang Bahagi (Written Work) Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat sa patlang ang TITIK ng tamang sagot.
Gamitin ang mga pagpipilian na nasa loob ng kahon
A. Indio B. Peninsulares C. batalan
D. Principalia E. azotea F. Monopolyo
G. antillean H. bahay kubo I. Doctrina Christiana
_____ 1. Ito ay ang nakagisnang panahanan ng mga katutubong Pilipino kung saan
iniangkop sa mainit na kapaligiran at klima ng Pilipinas ang disenyo nito.
_____ 2. Mula sa isang maliit na bahay ay itinuro ng mga Espanyol sa mga katutubong
Pilipino ang paggawa ng bahay na bato o tisa na karaniwang tinatawag na
__________.
_____ 3. Nanatiling bahay-kubo ang tirahan ng mga nakararaming Pilipino, nagkaroon
lamang ito ng dagdag na bahagi gaya ng _____________ kung saan
tinatanggap ang mga bisita ang karaniwang pahingaan ng mag-anak.
_____ 4. Ang ___________ ay bahaging pinagpapaliguan ng mga taong nakatira sa
mga sinaunang panahanan na dati ay sa mga ilog lamang sila naliligo.
_____ 5. Sa bagong pagpapangkat-pangkat, itinuturing na pinakamataas at
pinakamakapangyarihan ang mga purong Espanyol na tinatawag na
_________.
_____ 6. Sila ang mga ordinaryong katutubong Pilipino na nasa pinakailalim na antas.
_____ 7. Kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Sa panahon
pananakop kinakailangan na ang mga kababaihan ay pag-aralan ang aklat
na ito.
_____ 8. Sa pagbabago ng ekonomiya ng bansa sa panahon ng pananakop, isa sa
ipinakilalang sistema ng ekonomiya ay ang eksklusibong pagpapatakbo at
pag-aari ng isang tao o grupo sa anumang kalakal o produkto.
Page 65
X – kung ang pahayag ay katotohanan Y – kung ang pahayag ay opinyon
_____ 9. Ang mga pinta o tattoo sa katawan ng mga katutubo ay patunay
sa kahusayan ng mga Pilipino sa pagpipinta.
_____ 10. Nakatulong ang pagbubukas ng kursong medisina at parmasiya sa
Unibersidad ng Santo Tomas upang lalong umunlad ang agham sa
bansa.
_____ 11. Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang husay sa paglilok sa
pamamagitan ng mga gawang rebultong kahoy at bato sa mga
simbahan.
_____ 12. Ang La Solidarida ay isa sa mga pahayagang nakatulong sa mga
propagandistang ipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin.
_____ 13. Ang naging impluwensiya ng mga Espanyol sa ating kultura ay
kakaunti lamang.
_____ 14. Marahil kung hindi isinaayos ng mga Espanyol ang ating
kasalukuyang kalendaryo ay matandang kalendaryo pa rin ang
ating ginagamit.
_____ 15. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang edukasyon ay
para lamang sa mga purong Espanyol at walang karapatang
makapag-aral ang mga Pilipino.
J. Corregimiento K. Ayuntamiento L. Viceroy
M. Real Audiencia N. Cumplase O. Barangay
P. Residencia Q. Visitador R. Alcaldia
_____ 16. Kinatawan ng konseho sa kolonya.
_____ 17. Lalawigang hindi pa lubos na nasasakop ng mga Espanyol
_____ 18. Lugar na lubos na nasakop na at kumikilala na sa pamahalang
Espanyol.
_____ 19. Pamahalaang malalaki at mauunlad na lungsod.
_____ 20. Cabeza de barangay ang namumuno sa lugar na nasasakupan
_____ 21. Katumbas ng Korte Suprema sa kasalukuyang panahon.
_____ 22. Tagapagsiyasat na ipinadadala ng hari ng Espanya para
magmasid sa kalagayan ng bansa.
_____ 23. Kapangyarihan ng gobernador-heneral na suspindihin ang mga
batas na galling sa hari ng Espanyang hindi angkop sa kalagayan
ng bansang kanyang pinamumunuan.
Page 66
Modipikadong Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap.
Kung MALI, palitan ang salitang may salungguhit upang iwasto ito.
_______________ 24. Sa gawing hilaga ng Luzon, matatagpuan ang Ilocos Sur
na napabalitang may mayaman na deposito ng ginto.
_______________ 25. Sa mga panahon ng paggalugad, naitatag ni Juan de
Salcedo ang Villa Fernandina, na ngayon ay ang
Lungsod ng Vigan.
_______________ 26. Sinubukan ng mga Espanyol na gumamit ng ibang
paraan upang masakop ang Cordillera sa
pamamagitan ng mga misyonerong pari.
_______________ 27. Bigo ang mga Espanyol sa pagsakop ng malaking
bahagi ng Mindanao dahil sila ay mas organisado at
mayroong pagkakaisa.
_______________ 28. Noong January 1975, ipinahayag ni dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos si Sultan Piang bilang isang bayani,
hindi lamang ng mga taga-Mindanao, kundi ng buong
bansa.
_______________ 29. Nagkaroon ng iba’t ibang kasunduan sa pagitan ng
Moro at mga Espanyol subalit hindi tuluyang
nagtagumpay ang mga kasunduang ito.
_______________ 30. Ang mga Aeta ay isa sa mga grupong naka
engkuwentro ng mga Espanyol na kilalang namumugot
ng ulo.
Ikalawang Bahagi: Performance-Based Assessment (20 points)
Pamantayan sa Pagganap (Ikatlong Markahan): Nakapagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi
ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
Paggawa ng Diorama shoebox 1. Bumuo ng limang (5) pangkat.
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng paksa para sa gagawing diorama.
Magkakaroon ng palabunutan para sa gagawing diorama.
3. Gumamit ng mga recycled na materyales sa pagbuo ng diorama.
4. Gagawin ang diorama bago ang ikatlong markahang pagsusulit.
(Suggested date is January 16-18, 2017).
5. Sa loob ng silid-aralan gagawin ang diorama. Ipapadala ang lahat ng
materyales.
Page 67
Mga Paksa: (Suggested Topics/ maaaring magdagdag ang guro)
1. Pagkukumpara ng panahanan: bahay kubo at bahay na bato o tisa.
2. Kababaihan noon at ngayon
3. Mga Pagdiriwang: piyesta, pasko, pagbibinyag, kasal, at iba pa.
4. Labanan ng mga Espanyol at Moro
5. Pananamit noon at sa kasalukuyan
6. Mga larong panlabas na ipinakilala ng mga Espanyol katulad ng sipa,
patintero, at iba pa.
7. Paggalugad sa kabundukan ng Cordillera
8. Mga antas ng mamamayan: Peninsulares, Insulares, Principalia,
mestizo, indio.
9. Pagpapakita sa kalagayan ng kababaihan sa Pilipinas noon at
ngayon
10. Pamahalaang Sentral/Lokal
Rubrik sa Paggawa ng Diorama
5 3 1
Nilalaman ng
diorama/
kaangkupan
Lahat ng inilagay
sa diorama ay may
kaugnayan sa
paksang
inilalarawan
Ang mga ilan sa
mga nakalagay sa
diorama ay
walang kaugnayan
sa paksang
inilalarawan
Walang
kaugnayan ang
mga nakalagay sa
diorama sa
paksang
inilalarawan
Materyales na
ginamit
Halos lahat ng mga
materyales na
ginamit ay
“recycled”
Kalahati sa mga
materyales na
ginamit ay
“recycled”
Isa o dalawa sa
mga materyales na
ginamit ay
“recycled”
Kabuuan ng
diorama
Makikita ang
pagpapahalaga
at pagpupunyagi
sa kolonyalismong
Espanyol ang
kabuuan ng
diorama
Hindi masyadong
makikita ang
pagpapahalaga
at pagpupunyagi
sa kolonyalismong
Espanyol ang
kabuuan ng
diorama
Walang makikitang
pagpapahalaga
at pagpupunyagi
sa kolonyalismong
Espanyol ang
ginawang diorama
Partisipasyon ng
bawat miyembro
Lahat ng mga
miyembro ay may
partisipasyon sa
ginawang diorama
Isa hanggang tatlo
ay hindi sumali sa
ginawang diorama
Apat at pataas sa
mga miyembro ay
hindi sumali sa
gawain.
Oras ng
pagsumite
Naisumite ang
diorama bago o sa
takdang oras ng
pagsumite
Hindi nasunod ang
oras ng pagsumite
(1-2 days late)
Hindi nasunod ang
oras ng pagsumite
(3-5 days late)
Page 68
Aralin
Date Number of
Days
1
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pananakop
Nov. 7 - 18
10
2
Mga Pagbabago sa Kultura ng
mga Pilipino sa Panahon ng
Espanyol
Nov. 21 – Dec. 2
9
3
Mga Pagbabagong Pampulitika
sa Panahon ng Espanyol
Dec. 5 – 16
10
4
Pagpupunyagi ng mga
Katutubong Pangkat sa Kolonyal
na Pananakop
Jan. 2 – 13
10
Pagbabalik-Aral
Jan. 16 – 18
3
3rd Quarter Exam
Jan. 19 - 21
Total No. of Days
42