2
“BARKADA” By: Claire Irish P. Lopez Nagsimula ang barkada sa tawanan, Ang tanging pangako ay walang iwanan. Pagsasamahang hindi mapapalitan, Kaibigan ko’y ika’y aking sandalan. Nais ko sanang tayo ay magkasama, Kahit anu pang dumating na problema. Bawat biro natin na naging halakhak, Walang dahilan para tau ay umiyak. Kayo’y isang magaling na tagapayo, May tulong na palad sa pagkadapa ko. Hatid niyo sa akin ay bukal ng buhay, Tubig na pumawi ng uhaw at lumbay. Kayo ay ang tunay na bigay ng langit, Sa aking puso ay hindi pagpapalit. Kung kaylangan kayo sa anumang oras, Kayo ay laging may panahong matimyas. Kaibigan kita’t katuwaang lubos, Noong mga araw na ako ay kapos. Maging noong araw na ako’y hikahos, Gayundin nung araw na mayroong katuos.

Article ko sa sinagtala

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Article ko sa sinagtala

“BARKADA”By: Claire Irish P. Lopez

Nagsimula ang barkada sa tawanan,Ang tanging pangako ay walang iwanan.

Pagsasamahang hindi mapapalitan,Kaibigan ko’y ika’y aking sandalan.

Nais ko sanang tayo ay magkasama,Kahit anu pang dumating na problema.Bawat biro natin na naging halakhak,

Walang dahilan para tau ay umiyak.

Kayo’y isang magaling na tagapayo,May tulong na palad sa pagkadapa ko.Hatid niyo sa akin ay bukal ng buhay, Tubig na pumawi ng uhaw at lumbay.

Kayo ay ang tunay na bigay ng langit,Sa aking puso ay hindi pagpapalit.

Kung kaylangan kayo sa anumang oras,Kayo ay laging may panahong matimyas.

Kaibigan kita’t katuwaang lubos,Noong mga araw na ako ay kapos.

Maging noong araw na ako’y hikahos,Gayundin nung araw na mayroong katuos.

Page 2: Article ko sa sinagtala

MGA PANGYAYARING NAGAGANAP SA ATING BANSA

Marami na naman sa mga Pilipinong kabataan ngayon ang biktima sa panggagahasa.

Sunud-sunod ang mga nangyayaring gang rapes. Pinakamatindi ang pangre-rape sa isang

nurse volunteer sa Upi, Maguindanao sapagkat tinangka pang patayin matapos gahasain.

Pinukpok ng bato sa mukha at sa kasalukuyan ay hindi pa makausap nang maayos dahil

sa kalubhaan ng tinamong pinsala. Umano’y anak ng mga maimpluwensiyang tao sa Upi

ang mga may kagagawan.

Ang mga krimen na umanong nangyayari sa ating bansa ay tilang mga pangyayari na

hindi naiiwasan. Mayroong kinikidnap at pinapatay. Ang negos-yanteng si Conchita Tan,

73, ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa Cotabato City. Ang kanyang driver at

bodyguard ay pinatay. Si Carol Day, isang businesswoman mula sa Hong Kong ay

inireport na nawawala noon pang Setyembre at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.

Pinaniniwalaang siya ay kinidnap. Huling nakita ang businesswoman sa kanyang studio

sa Makati City.

Ang Pamamaslang sa Maguindanao, na kilala rin sa tawag na Masaker sa Maguindanao o

Pamamaslang sa Ampatuan (hango sa pangalan ng bayan kung saan natagpuan ang mga

bangkay), ay isang insidente ng pamamaslang na naganap sa bayan ng Ampatuan sa

lalawigan ng Maguindanao sa pulo ng Mindanao ng Pilipinas noong ika-23 ng

Nobyembre 2009. Ang insidenteng ito ay isa sa mga pinakamalubhang kaharasang

pulitikal. May tuwirang kaugnayan ang insidenteng ito sa halalan sa taong 2010.