Balagtasan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino

Citation preview

Dapat ba o Hindi Dapat Mag-asawa Agad ang Isang Tao?

LAKANDIWA:Bilang isang lakandiwa, nagpupugay muna ako,Tuloy itong balagtasan, ngayoy muling bubuksan ko;Sa naritong si Elena at batikang si PablitoNa kapwa na hinangaan ng maraming mga tao;Ang nais ko ngayong umaga ay muling mapagsino,Ang tunay na mambibigkas at may diwang matalino.Mauuna sa tindigay ang panig na maghahayag,Bago muna mag-asaway magpagulang ang marapat;Kaya naman ang samo ko, kay Elenang isang dilag,Sa kislap at katwiray palitawin ang liwanag;Narito na si Elenang sa pingkiay magbubukas,Salubungin sana ninyo ng matunog na palakpak!ELENA (DI DAPAT):Akong abang lingkod ninyo sa Hagunoy ang nag-atas,Ay pamuling palalaot sa larangan ng pagbigkas;Ang tinig kong mataginting na hindi nga kumukupas,Sasainyong pakikinig sa himpilay nagbubuhat;Sa indayog ng tulaing hinabi ko sa pangarap,Kayong mga tagahangay aaliwing walang liwag.Ang panig kong titindigan sa napili ngayong paksa,Karampatang mag-asawa, kung gumulang o tumanda;Kung agad na mag-asawa, habang murat batambata,Halaghag pa ang isipat hindi alam umunawa;Bungangkahoy ang katulad nang pitasiy murang-mura,Kaya tuloy nang mahinog, maasim ding mawiwika.Ang gawaing mag-asaway hindi isang pagbibiroAt di gaya niyang kaning iluluwa kung mapaso;Ang sino mang magpakasal ay dapat na mapagkuro,Nakahanda sa pasaning ligaya mat pagkabigo;Kaya bago mag-asaway pagulangin iyang pusoNang sa hirap at tiisiy di karakang magugupo.

LAKANDIWA:Kung sa bagay ay batid kong sa bigkasan ng talino,Ay may angking karunungan ang makatang si Pablito;Ngunit ngayon sa panig nyay nangangamba ang puso ko,Higpit iyang daraanan kung ito ay ipanalo;Upang aking masubok ngay narito na si Pablito,Habang siyay papalapit, palakpakan sana ninyo!PABLO (DAPAT):Kahit ako ay binatang wala pa ngang hustong gulang,Sa edad kong ito ngayoy ibig ko nang magpakasal;Ngayon pa bang natagpuan ang babaing minamahal,Bakit ako magtitiis ng mahabang paghihintay?Sa buhay ng isang taoy hindi talos ang hangganan,Ang sa gayong magagawa, di na dapat ipaliban.

Kung ikaw may maliligo, sa tubig daw ay aagapAt nang hindi ka abutin noong tabsing nasa dagat;Kung sinagot ng dalagang inibig nang buong tapat,Pagtataling-puso ninyoy hindi dapat na magluwat,Pagkat baka ang mangyari, ang lunggatit hinahangad,Maging isang panaginip kung panahoy makalipas.

Mabuti ring masasabi ang maagang mag-asawa,Malakas pa ang magulang, may apo nang makikita;Kung tayo ay magpatanda na binata at dalaga,Pakasal may walang sarap ang gagawing pagsasama;Di tulad nang kung bata pang magtatalik sa ligaya,Marami mang maging anak, magpalakiy maginhawa.

ELENA:Ang naritong katunggali, matay ko mang pagwariin,Sa taglay na kasabihay nagahaman ang pagkain.Kaya tuloy yaong sabaw na mainit nang ihain,Ay napaso yaong bibig nang ito nga ay higupin.Pati ulam na ginisa, di nakuha na lasahin,Ubos na nga nang sabihing matabang at walang asin.

Kaya ikaw katalo koy huwag sanang magmadali,Upang hindi ka magsisi kung ikaw ay mapalungi;Kung nais mong magpakasal sa babaing itinangi,Ikaw muna ay magsilbi, sa magulang kumandili;Ang maagang mag-asawa, baka di mo nawawari,Karaniwang kahinatnan ay magdusat mamighati.

Ang kawayang pinuputol nang bata pat murang-mura,Kung gamiting kasangkapan ay madaling nasisira;Ngunit kapag gumulang na at sa puno ay tumanda,Asahan mo at matibay, habang itoy naluluma;Kagaya rin nating tao sa ibabaw nitong lupa,Ang matagal mag-asaway malayong mapariwara.

PABLO:

Ito palang katalo koy sadyang kapos ang isipan,Pinipilit akong itoy tumanda pa at gumulang;Kung ako bay magpalamig sa pag-ibig ay kupasan,Baka kahit sa pindangga, akoy hindi na tibukan;Dulo tuloy ang masapit ay tumanda nang huklubanAt kung ako at humina, walang anak na aakay.

Kung ikaw ay nasasabik makapitas niyang bungaNg gusto mong punungkahoy, magtanim ka nang maaga.Kung agad na magpakasal sa hilig na mag-asawa,Ang supling na hinahangad ay madaling makikita.Kung malaki na ang anak, habang ikaw ay bata pa,Tulong ninyot pagkalingay lubos nilang madarama.

Eh, kung ikawy magpatandat saka pa magkaanak,Sasabihing apo mo na ang kilik mot iyong hawak;Sa paanoy uso ngayon ang bata pay may kabiyak,Pagkat singaw ng panahong sadyang hindi maaawat;Kayat hanggang maaga pay mag-asawa, kabalagtas,Nang hindi ka nahuhuli at abutin niyang kunat!

ELENA:

Sa halamat punungkahoy ang ginamit na batayanNg katalong si Pablitong tila waring nalabuan;Hindi niya napag-isip na sa bunga ng halaman,Pinipili sa pagpitas, mga hinog at magulang;Ang kahoy mang pinuputol na gagawing kasangkapan,Ay magulang at matanda ang matigas at matibay.

Sa maraming kabataang humarap na sa dambana,Wala pa ngang isang buwan, malimit na ang kasira;Palibhasay murang isip sa ligayay hindi sawa,Hinahanap ng sariliy dating layaw at paggala;Kaya pati amat inay nagsisisi na ring kusaKung bakit ang anak nilay nag-asawang batang-bata.

Lalong hirap sa magulang, kung anak ay magkasupling,Na di alam mag-alaga at sa sanggol ay tumingin;Asahan mot yaong apo ay sa nunong aturgahin,Bantay na nga araw-gabiy tagalaba pa ng lampin;Kayat iyang kabataan, nararapat na alamin,Mabuti nang magpagulang, bago pusoy pagtaliin.

PABLO:

Katalo kong binibiniy dapat sanang maunawaNa maraming nagagawa ang maagang magsimula.Iyang taong nag-asawa kung kalian pa tumanda,Isa pa lang iyang anak, kumakalog na ang baba.Ang maagang mag-asaway nagtatamo niyang pala,Pagkat agad na tumupad sa utos nga ni Bathala.

Sa gulang kong ito ngayoy katamtaman na kasalin,Magkaanak man ng sampu, ang magulay bata pa rin;Mag-aral man nang matagal, panganay na naging supling,Nagagawang maituga kung hangad na pagtuluyin;Ligaya ng mga anak, kung magulang tumitingin,Ay bata pa at malakas, hanggang silay pagtapusin.

Kung gulang mo ay tatlumpu, saka lamang pakakasal,Maliit pa iyang anak, ulyanin ka nang magulang;Sa halip na iyang supling ay matuto kung mag-aral,Sa tumandang amat ina ay magsilbing tagaakay;Kayat iyang mag-asawa nang maaga ay mainam,Hindi tulad ni Elenang ang gusto pa ay gumulang.

ELENA:

Hindi pala nababatid nitong aking kabalagtas,Kung nais na mag-asaway may tuntunin tayong batas;Kung wala kang hustong gulang at menor pang tinatawag,Hindi pwedeng magpakasal, kahit ikaw ay magbayad;Kailangay pahintulot ng magulang ay igawad,Kung ibig na ang kasalanan ay matuloy at matupad.

Pagkat tayong mga anak, ay wala pang karapatan,Magpasiyang mag-asawa, kung wala sa hustong gulang;Tayo pa riy nasasaklaw nang tangkilik ng magulang,Hanggang tayo ay tumanggap ng magandang mga aral;Pagkat tayo kung malihis sa landas ng kabutihan,Magulang ang sisihit bagsakan ng kasalanan.

Kaya naman ang magulang, sa anak ay may tungkulin,Bago muna mag-asawa ay turuan sa gawain;Upang anak sa asawa, kung sumamat makapilingAy hindi nga mapintasan ng sino mang kasamahin;Kayat ikaw, Mang Pablitong katalo ko sa bigkasin,Umayon ka sa panig ko nang matumpak ng landasin.

PABLO:

Tila ibig palitawin ng katalong binibini,Kung di agad mag-asawa ay tiyak na napabuti;Bakit yaong magulang ko, hindi naman sa pagpuri,Nang kasaliy batang-bata sa edad lang na tigkinse;Hindi sila nagkaroon ng alitang sinasabi,Hanggang kamiy mapag-aral at tuluyang mapalaki.

Kung iyo ngang makikita ang tatay kot ang nanay ko,Sasabihing mga batat para lamang kapatid ko;Kung sila ba nang kasaliy sa edad na trentay singko,Marahil nga kung sa ngayon ay para nang lolat lolo;Palibhasay murang puso sa ligaya nang magsalo,Kabit-kabit na ang apoy hindi pa rin nagbabago.

Ang isa pang kabutihan ng maagang mag-asawaAy mistulang pulot-gata sa tamis ng pagsasama;Di tulad ng matatandang sa suyuan ay bantad na,Kaya tuloy kung makasal sa lambingay malagana;Hanggat hindi magkaanak ang tahanay walang sigla,Pagkat kapwa mga laos sa larangan ng pagsinta.

ELENA:

Payag akong walang sigla sa malamig sa suyuan,Kaysa iyong mainit ngay lagi naman ang bakbakan;Kung busog nga sa ligayat humpak naman iyang tiyan,Sagana lang sa pagkain, mawala na ang lambingan;Hindi kaya nagpakasal ang hangad ay kasiyahan,Kundi upang magtulungan sa tumpak na pamumuhay.

Kailan mat ang nagsamay kapwa batat murang isip,Mahirap na masansala sa bisyo at mga hilig;Gustoy laging namamasyal, ibat iba iyang damit,Kayat walang natitipon kahit na nga isang beles;Parang hindi alintana ang panahon ay sasapit,Kung sakaling magkasupling, sila rin ang nagigipit.

Ang magulang, pag babae ang anak na naliliyag,Tutol silang mag-asawa kung bata pa siyang hamak;Sa paano sa gawain, walang alam, walang muwak,Nahihiyang ipisan nga sa biyenat mga hipag;Kayat ako, kabalagtas sa panig moy di papayagNa agad na mag-asawat magkaresponsibilidad!

PABLO:

Kung tayo ba, aking Lena ay bata pang pakakasal,Anot ikaw mahihiya kung wala mang nalalaman?Kahit na isang musmos at reyna ng katamaran,Pagkat kita ay inibig, walang dapat pangambahan;Magulang ko ay payag ding maging ikaw ang manugang,Kayat ikawy liligaya sa piling kot pagmamahal.

Bakit mo nga sasabihin na madalas ang kagalit?Sa dalawang mag-asawa na kapwa nga murang isip?Kung mayron may tampuhan lang sa pagsuyo at pag-ibigNa lalo pang tumitimyas ang tamis ng pagtatalik;Kapag wala ang tampuhan, ang pagsintay walang init,Bulaklak na walang bango ang kapara at kawangis.

Ang panahon natin ngayoy di katulad ng lumipasNa ang pusoy sumusunod sa isipang nag-aatas;Ngunit ngayoy naghahari mga pusong lumiliyagNa di kayang mahadlangan sa dakilang paghahangad,Kung agad na mag-asaway maaga ring magkaanak,Sa utang mo sa magulang ay madaling nakabayad.

ELENA:

Magbayad ka, Mang Pablito ng utang mo sa magulang,Bago muna magpakasal sa mutya mong minamahal;Ngayong ikawy mapalakit mapalakas ang katawan,Ang magulang na naghirap, agad mo nang iiwanan;Kung hindi mo lilingunin iyang iyong pinagmulan,Baka di rin makasapit sa anumang pupuntahan.

Kung ikaw nga katalo ko sa magulang magsisilbi,Sa tungkuling gagampanay matututo nang malaki;At kung ikawy makatagpo hanapbuhay na mabuti,Saka mo na pakasalan ang dalagang kinakasi;Kung ito ay magawa mo, hindi ka nga magsisisi,Kumuha man ng asaway handa ka nang magsarili.

PABLO:

Sarili koy nakahandang sa tungkulin ay tumupad,Kung ako man ay maagang nagkaroon ng kabiyak;Ligaya ng aking pusong makamit ko ang pangarap,Bahala na si Bathalang tumanglaw sa aming landas;Kung hindi ko masusunod ang layuning hinahangad,Sa wagas na pag-ibig koy ako na rin ang humamak.

Mabuti na ang maaga, kaysa ako ay mahuli,At lubugan pa ng araw ang pag-asa ng sarili;Kung ako pay magpabayat di pakasal aking LeniAy magdamdam at magtampo ang irog kot aking kasi;Kaya hanggang maaga pay mag-asawa ang mabuti,Nang hindi ko mapagsapit na ako pa ay magsisi.

ELENA:

Magsisisi ka nga, Pablo kung ikaw ay makatagpoNg babaing di maalam na maglaba at magluto;Karamihan sa maagang pinagtatali yaong pusoAy bulagsak ang babait ang lalaki namay dungo;Kayat itong sasabihiy itanim sa diwat kuro,Hwag ka agad mag-asawat nang hindi ka nabibigo.

PABLO:

Mabibigo ako, Lena kapag iyong pipilitinNa ako ay magpagulang bago pusoy pagtaliin;Ang matapat na ibigan, kung amin pang pagtagalin,Ay matulad sa sinaing na sunog na nang hanguin;Ang maagang mag-asawa ang mabuti at magalingNa panig kong itinampok ngayong gabi sa tulain.

LAKANDIWA:

Kung sa bunga ng halaman, itong paksay itutulad,Huwag agad pipitasin sa laki ng paghahangad;Ang kawayang kailangat sa bahay mo isasangkap,Kapag wala sa panahon, putulin moy hindi dapat;Mag-asaway hindi biro at laruang matatawagNa kaya pang mailuwa kung mapaso ka mang ganap.

Ang nais kong palitawin sa may pusong nagsumpaan,Magpagulang muna kayo, bago sana magpakasal;Kung kayo ay padadala sa init ng pagmamahal,Ang mabigat na tungkuliy hindi ninyo mapapasan;Kaya naman ang hatol ko, ang panaloy ibibigay,Sa magandang si Elenang sa Hagunoy isinilang!